Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter One

I was sitting at Papa's shotgun seat while busied myself chewing a chocolate-flavored lollipop. Matapos akong sunduin ni Papa kanina, agad niya akong binigyan ng candies at sabi niya pampa-relax daw ng isipan ko.

Nang medyo manipis na ang lollipop ay kinagat ko ito para makawala sa stick sabay tapon ng stick sa bintana ng kotse. Wala naman kasing basurahan dito kaya bahala na. Kung sino ang makakakita nun, siya nalang ang magtatapon.

Kakasarado ko pa lang sa bintana ng kotse (na nahirapan pa ako kasi ang tigas to the point na kailangan ko siyang isarado gamit ang dalawang kamay) nang pumasok si Papa sa sasakyan at ang kamay ay nasa mukha habang nakasandal ito sa manibela ng kotse. I watched him intently. Ginulo niya ang kaniyang buhok at nang iangat niya ang kaniyang ulo, malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.

“Papa, kamusta po si Mama?” inosente kong tanong.

Nilipat niya ang kaniyang atensyon sa akin at kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Pagkatapos nun ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking maliit na pisnge. Kitang-kita ko pa kung paano namumula ang kaniyang mga mata.

He sighed in an obvious despair. “I'm sorry anak but Mama can't do it.”

Nanatili akong nakatingala lamang sa kaniya kasi wala akong maintindihan. Ano bang hindi nakaya ni Mama? Bakit parang naiiyak si Papa? Magtatanong sana ako ngunit bigla niya akong hinila para sa isang yakap.

I felt Papa's warm hug that embraced me. Hinaplos niya ang buhok ko habang nakayakap ako sa kaniya. Wala pa rin akong sinasabi dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari. All I could just remember was yesterday, a truck hit my mother and blood flowed all over her body. Kitang-kita ko iyon sa mga mata ko pero hindi ko maintindihan. It was like my mind stopped on functioning.

“Ano pong ibig niyong sabihin, Papa?”

Rinig ko ang mahinang hagulgol ni Papa. “Hindi na natin makakasama si Mama, 'nak.”

He is crying but I'm not. I still don't get it. “Saan po siya pupunta, Papa?”

Nang matapos akong magtanong ay kumawala si Daddy sa pagyakap sa akin. His hands is in my cheeks again and caressed them. “Gabriella, hindi ko alam kung kakayanin mo ang balitang sasabihin ko sa iyo, pero 'nak, hindi na natin makakasama ang Mama mo. Wala na siya 'nak, p-patay na siya.”

Patay.
Apat na letrang nagwasak sa bata kong puso. I could tell that was my first heartbreak. I lost my mother when I was five years old at nang mawala siya'y si Papa nalang ang nasasandalan ko. He never left me while we're still on my mother's funeral. Halos kada-oras akong nakatingin sa kaniyang mukha sa loob ng coffin at ilang beses na tinatanong si Papa kung natutulog lang ba siya sa loob. Until I realized, that she will be sleeping forever.

Malakas si Mama pero bakit hindi siya lumaban? Nakaya nga niyang mabuhay kaming dalawa sa isang bahay na wala si Daddy sa loob ng limang taon pero bakit ang paglaban para sa kaniyang buhay hindi niya kinaya? Mahina ba talaga siya o malakas?

But then, my question immediately answered when Papa said, “Your Mama has been strong in her whole life. Gab, she fought for her life because she doesn't want to leave you. I know that pero hindi lahat ng pagsubok, nakakaya nating labanan. She raised you alone—without asking for my company. That's when I knew, she is so strong. She's willing to risk everything for you pero sadyang ang lakas ng tao'y may hangganan.”

My mother is strong.

She took care of me until I'm five, alone.

She never asked for Papa's help but he only offered because he said he loves me.

My mother let him took care of me despite her pain caused by Papa. Though, I don't know what really happened between them and why they separate ways.

She always swallows her pride for me.

In my eyes, she never get tired because she didn't show me whether she's tired or not.

She always smile for me and works for me.

She was the happiest when I introduced Lai as my first best friend. She was happy that Lai always lend me some car toys because I couldn't afford one. But eventually, she bought me one even though I didn't asked for it.

She is the greatest chef of my life. She always cooks delicious foods especially in my birthdays.

Everytime I'm sad, she always hugs me until I fell asleep. She let me fell asleep in her arms.

When I was with her, I didn't feel unlove.

She never get tired cleaning our messy house caused by me. She never get tired of washing my filthy clothes.

She never get tired of loving me.

She is strong but unfortunately, her strength has limit.

That is what Dad told me.

“Gabriella, you're going to live with me and you're Mommy from now on, okay?” Naka-squat si Daddy ngayon sa harap ko para mag-lebel ang paningin namin.

After Mama's burial, sinamahan ako ni Papa sa bahay namin. Napakatahimik at ramdam ko ang lungkot sa maliit naming bahay. He is pertaining with his sister. I know where they lived, sa isang mansion kung saan nakatira ang lola ko kasama ang tatlong anak nito. Tumango ako kay Papa kasi wala naman na akong ibang mapuntahan.

“Promise po, aalagaan niyo ako kagaya ng pag-aalaga sa'kin ni Mama?” tanong ko sa malumanay na boses.

Tumango siya. “Promise.”

“Promise hindi ka po magsasawa sa'kin, Papa?”

“Of course, promise.”

“Promise, hahayaan mo pa rin akong makipaglaro kay Lai sa bahay?”

There was a long pause but he still nodded. “Promise.”

Kumawala ako ng malaking ngiti. “Yehey!” I exclaimed and wrapped my arms towards his neck. “Papa, sasama po ako sa inyo!”

Of course, he was the only family I have. I want to feel my Papa's love kaya hinayaan ko siyang alagaan ako at patirahin ako sa mansion nila—namin.

Nang gabing iyon ay tinulungan niya akong mag-impake ng mga damit ko. Inilagay niya iyon sa loob ng malaking maleta na dala niya. Lahat ng damit ko ay wala akong tinira sa cabinet ko. Pati mga damit ni Mama ay pinapasilid ko kasi gusto ko pang maamoy siya kahit hindi ko na siya kasama. Lahat rin ng mga laruan ko'y pinasama ko na. Papa even told me na dadagdagan niya ang mga iyon. I smiled in glee. When we finished packing things, sabay kaming lumabas sa bahay at ni-lock niya iyon kaagad.

“Papa, pwede ba akong magpaalam muna sa kaibigan ko?” Tanong ko sa kaniya bago pa man kami papasok sa kotse niya.

He then patted my head and smiled. “Go on.”

Dumiretso kaagad ako sa gate ng kapitbahay namin. Pinindot ko ang doorbell ng gate nila Laikynn at bumungad sa akin ang kanilang kasambahay na naka-uniporme pa. Mayaman talaga ang pamilya ni Lai kaya afford niya lagi ang anumang laruan kaysa sa'kin.

“Uy, Gabi! Si Lai ba sadya mo?” tanong nito sa akin. Alam na alam niya na kung bakit ako kakatok sa bahay nila. Kasi, hinahanap ko si Lai.

“Opo, nasaan ho siya?”

But before the maid could answer, nakarinig kaagad ako ng boses ng isang lalaki.

“Gabi!” Kitang-kita ko ang nakasandong puti na si Lai at habang tumatakbo siya'y sinasayaw ng hangin ang kaniyang buhok. Matangkad siya kaysa sa'kin at matanda ng isang taon.

"Wow, ang bango mo, ah? Hindi kana amoy araw! Mag-sho-shopping kayo 'no?”

Umiling ako sa kaniya. “Lai, aalis na kami ni Papa. Wala na kasing ibang mag-aalaga sa'kin kaya kay Papa nalang ako titira. Pero huwag kang mag-alala, alam mo ba, nag-promise sa'kin si Papa na pwede pa rin akong makipaglaro sa iyo kahit hindi na ako dito nakatira?” I saw him frowned a bit kaya agad kong hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag kanang malungkot, magkikita pa naman tayo sa school, eh.”

Pero ayaw magpapigil ng luha niya. “Gabi...” he sobbed infront of me. “Huwag ka nalang umalis...” Sobbed again. “Wala na akong kalaro na kapitbahay...” humagulgol ito ng malakas sa aking harapan.

“OA mo naman, Laikynn. Di'ba nga, sabi ko sa'yo makikipaglaro pa rin ako sa'yo? Pinayagan kaya ako ni Papa.”

Umiling ito habang lumuluha. “Kahit na...”

Napasuko nalang ako. Parang walang salita na tatalab sa kaniya kaya hinila ko nalang siya para sa isang yakap. Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol.

“Huwag ka ngang iiyak diyan, sige ka papangit ka.”

Nang sabihin ko iyon ay saka lamang siya tumahan at napatawa naman ako. Pinunasan niya ang kaniyang mata gamit ang likuran ng kaniyang kamay.

“Basta, huwag mo akong kakalimutan, ah?”

I sighed heavily. “Oo nga,”

He suppresed a simple smile and showed me his little finger.

“Promise.” At nakipag-pinky promise ako sa kaniya.

Iyon ang huli kong ginawa saka nag-goodbye sa kaniya. Hindi lang naman si Lai ang malungkot sa pagwawalay namin sa isa't-isa. Ako rin naman. Siya ang unang naging kaibigan ko kasi siyempre, magkatabi lang ang bahay namin. Mas maraming kaibigan si Lai kaysa sa'kin kaya alam kong magiging masaya pa rin siya kahit na hindi na'ko ang kaniyang kalaro sa madalas.

Pumasok na ako sa sasakyan ni Papa at inasikaso niya naman kaagad ang aking seatbelt. He gave me a candy again in case na humilab ang tiyan ko sa biyahe. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan kasi hindi ako nakikipag-usap kaya Papa at ganoon rin siya. Alam kong iniisip niya pa rin ang pagkawala ni Mama. Mapula pa rin kasi ang kaniyang mga mata. Halatang namamaga pa rin.

Kahapon, nang ibabaon na ang katawan ni Mama sa lupa, kitang-kita ko kung paano at gaano kalakas ang hagulgol ni Papa. I was there, comforting him though a hug. Sabi kasi ni Mama, kapag may taong malungkot, makakatulong ang pagyakap para maibsan ang bigat sa kanilang dibdib kaya, ganoon ang ginawa ko kay Papa.

Mommy Bridgitte was there too. Pero hindi siya umiyak. Naka-suot siya ng itim na shades habang abala sa pagpaypay sa sarili gamit ang kaniyang itim na pamaypay. I didn't see lola there, tanging si Mommy Bridgitte lang at ang pinsan kong si Séverine. Pinaka-maldita kong pinsan.

Nang sa wakas, ay nakarating na kami sa gate ng Auclair Mansion, kusang bumukas ang gate na para bang nag-magic si Daddy. Ganoon siguro ang tinatawag nilang high-tech 'no?

Agad akong nakakita ng mga nakaitim na coat na mga lalaking sumalubong sa amin. Mga bodyguards ni Papa. Simple akong bumati roon sa mga nagbabantay sa gate bilang paggalang pero ini-snob nila ako. Para tuloy akong napahiya.

“Good afternoon, Sir Gustave, Madame Bridgitte asked me to accompany your daughter to her respective chamber.”

Nilingon ko ang isang babaeng nasa pormal na kasuotan. Maikli lamang ang kaniyang buhok ngunit nagsusumigaw naman ang kaputian ng kaniyang balat. Ang ganda niya!

Pero mas maganda si Mama. That is what I told myself while staring at her.

“Sino ka po?” pagkukumpirma ko. Hindi kasi pamilyar ang kaniyang mukha. Hindi ko naman siya nakasalubong noong mga nakaraang panahon na isinasama ako ni Daddy dito.

She smiled politely! “You can call me Fresca, Miss Gabriella. I'm madame's secretary and that's why I'm here. I'll be with you so that you won't be uncomfortable, Miss Gabriella.”

Halos laglag ang panga ko habang nakatingin lamang sa kaniyang bibig. Iyong way niya ng pananalita nakakapigil hininga sa mangha! Tapos ang galing niyang mag-pronounce ng mga words. Naalala ko tuloy iyong english teacher namin sa school. Pareho sila eh. Ang galing mag-pronounce.

“A-Ah okay po.” tanging nasagot ko tsaka nagsimula sa paghakbang. Nasa likuran ko naman siya.

Nasa likuran rin namin si Papa at napagtanto kong hinayaan niya na ang kaniyang mga bodyguards na mag-asikaso ng mga gamit ko. Umatras akong konti para magkapantay kami ni Papa at agad humawak sa kaniyang kamay. Baka kasi makabasag ako ng kung ano sa loob ng mansion, eh bago palang ako rito nakatira.

Nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob, I saw Mommy Bridgitte wearing a dark blue dress na hanggang talampakan. Long-sleege iyon kaya nagtataka ako, nilalamig ba siya? Nakapuyod ang kanitang maitim na buhok at kitang-kita kung paano sinasayaw ng bawat galaw niya ang kaniyang kumikinang na mga hikaw.

“Oh, Gabriella is here!” She squatted infront of me and kissed my cheek.

“Hello po Mommy,” bati ko rito.

She smiled at me and kissed my chubby cheeks again.

“That's right, you should call me ‘Mommy’ my dear because from now on, I'll he helping your father to take care of you and you're very welcome here in the Château Auclair. This will be your new home and hindi kana magtitiis doon sa dirty niyong house.” Bahagya siyang ngumiwi.

Tinaas ko ang aking kilay. Hindi naman dirty ang bahay namin ni Mama, ah. Mahusay kaya siya maglinis.

“Bridgitte, huwag kang mang-insulto ng bata,” rinig kong pagsita ni Papa sa likuran ko.

Itinaas ni Mommy ang kaniyang kilay kay Papa at saka tumayo. “Well, I'm just telling the truth. What's wrong with that, brother?”

Nilipat ko ang aking atensyon kay Papa at kitang-kita kung paano kumunot ang kaniyang noo kay Mommy. Mag-aaway ba sila sa harap ko?

Pero mali ako. Sa halip, hinawakan ni Daddy ang kamay ko at iginiya ako sa malaking hagdanan. “Let's go, Gabriella. I'll show you your room.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro