sc one : captured
"Kang... anak, isarado mo na ang pinto at papasukin ng tubig ang bahay," pahiyaw na usal ni ina sa lakas ng ulan.
Hindi ko maialis ang paningin ko sa dilim ng kawalan, nagbabakasakaling mula r'on ay magmula si ama. Ngunit imbis na hubog ng isang kawal ay anino ng isang batang babae ang nataw ko sa kalayuan.
"Ina, ina, ina!" tawag ko habang ipinapagaspas ang kamay nang makitang may bagay na nakatarak sa dibdib nito.
Mabilis na nakalapit sa akin si ina para tanawin ang labas. Saglit naningkit ang kanyang mga mata at halos mapasigaw ako nang sumuong siya sa lakas ng ulan.
"Kong!" hiyaw ko. "Si ina!"
Nanginginig kong dagdag sa isipin na ang batang iyon ay 'gaya sa mga istoryang ayon kay ina ay ginagawang panakot lamang sa mga bata.
Wala akong magawa nang makitang buhat ni ina ang batang babae at nagmamadaling pumasok sa loob.
Agad akong kumuha ng pamunas sa sahig at ganon na lang ang gulat ko nang nagkalat doon ang dugo.
"Kang!" hila sa akin ni Kong mula madugong sahig.
"Ina anong-" naputol ang salita ni Kong at nanlaki ang mata ko nang malinaw ang imahe ng babaeng kanina ay tanaw ko lamang.
Palaso. Isang palaso ang nakatarak sa dibdib niya at mula doon umaagos ang dugo na ikinatataranta naming dalawa.
"Kong maghanda ka ng isang basin ng tubig at bimpo. Kang, kuhain mo ang mga kagamitan ko sa pangagamot. Magmadali, kambal," kalamado niyang utos.
Pareho kaming nagkumahog ni Kang para ihanda ang kailangan ni ina.
Nang gabing iyon, naisalba ni ina ang batang may nakatarak na palaso sa dibdib ngunit hindi tumila ang ulan...at hindi na rin muling bumalik si ama sa amin.
Ilang araw ang lumipas at sapilitan kaming ipinatapon sa kakahuyan dahil umano sa pagtataksil ni ama sa emperyo.
We barely survive in the wilderness if it's not because of her. Mal carved us an easier way. Sa murang edad ay walang mag-aakalang may kaalaman siya sa pagha-hunting.
And we almost made our way out when we bumped into an assassin in the mask of a hunter. He shared with us his food, his home and...his enemies.
"Don't cry. We'll be fine as long as you don't make any noises,"
Hinigpitan niya ang kapit sa kamay namin ni Kong habang dinig namin ang pagmamaka-awa ni ina para sa kanyang buhay sa labas ng silid.
Nang tuluyan na kaming mawalan ng magulang, si Mal ang nariyan upang punan 'yon. Nanatili siya kahit ng mahuli at ipatapon kami palabas ng Xin.
"Do you really need to kill him?" idinuro ko ang katawan ng lasinggero.
"Bakit? Ikaw ba dapat?" balik niyang tanong.
I shook my head bago balingan si Kong, "Balak n'yo sigurong tularan ang huling asawa ni ina!"
"Hanggang kailan n'yo nais mamuhay ng ganito?" dagdag ko.
"Hanggang sa hindi na natin kailangan mamuhay na tulad ng kanila." sagot niya.
She's tired. Ni isang salita ay wala kaming narinig sa kanya, walang sumbat o reklamo.
"Kung hindi mo ito gusto, Mal, maari ka ng tumigil. Hahanap tayo ng-"
Pinutol niya ang salita ko ng isang halakhak at bumulong.
"And who told you I don't like it? This is how I want to live...this is how I ought to be." laging sorpresa ang mga sagot niya sa akin.
Nais kong magalit nang nalaman ko na pareho sila ni Kong ng piniling landas. Ngunit nanatili akong tahimik sa sariling kahihiyan na ang tangi ko lang ambag ay ang galit at lungkot ko. Wala iyong k'wenta kumpara sa mga sakripisyo nilang dalawa.
At ang mga sakripisyong iyon ang tanging nasa isip ko nang mahuli ako ng mga hunters habang hawak ang singsing na ibinigay sa akin ni Mal.
Aware ako na lahat ng ibinigay niya sa akin ay pagmamay-ari ng iba. Ngunit para sa akin, ang lahat ng ibinigay ng sinta ko ay mga kayamanan ko.
I declared myself as her lover ngunit ang totoo ay wala akong alam tungkol sa kaniya, I'm not as brave as Kong to try to learn more about her. But I have been courageous enough to shove away men who were trying to catch her sword using their hearts. Handa akong itaboy gaano man kakisig ang umaligid sa kan'ya.
"Ang sinta ko..." natigil ang kalansing ng susi nang marinig ni Kong ang aking unang 'bilin.
Ngayon pa, dito pa. Sa nalalabing mga araw ko, sa loob ng malamig na selda... natanto ko ang naging kamalian ko. Ang pananaw ko man o mga desisyon, maling-mali.
Lagi kong pinupuna ang pader na ginawa niya upang ikulong ang sarili... ngunit hindi ko namalayang maging ako ay pinapalibutan bakod ang pader na 'yon. I am caging her to us.
At ngayon ang tanging nais ko para sa kaniya ay ang pagsulong ng walang kailangang lingonin, ang paggalaw na walang kailangang protektahan at ang pamumuhay na walang kailangang isaalang-alang.
Ang kalayaang mabuhay ng walang nakataling obligasyon sa amin.
"Let her live her life, Kong, the way she wanted...without us."
"Kailangan muna kitang ilabas dito." patuloy pa rin siya sa paghahanap ng susi.
"Hindi na, tanggap ko na ang kapalaran ko," ngiti ko sa kanya. May luha sa mata at tila hindi makapaniwala niya akong tinitigan.
"Stop blabbering nonsense, Kang," galit siya ngunit hindi niyo mababago ang desisyon ko.
Ito lang ang makakaya kong gawin para sa kanilang dalawa, ang matubos sila o kahit mapagaan man lang ang magiging kaparusahan ng mga ginawa nila.
"Malapit na ang kaarawan natin at ang hiniling mo sa akin ay ang kapatawaran sa'yong paglilihim. Kaya't makinig kang mabuti...i-ito ang hiling ko..." saglit kong ihinalkhak ang pagkabasag ng boses ko.
"Walang akong naririnig," matigas niyang usal at ibinaba ang paningin sa kumpol ng susi. "Ilalabas kita dito kahit akong mangyari-"
"Tama na Kang!" natigilan siya sa hiyaw ko. "Nasa pinuno nila ang susi ng seldang ito kaya't wala ka ng magagawa!"
"Hindi! Hindi. Hahanapin ko s'ya," tuliro niyang ani.
"Wala ka na talagang tinirang respeto at dignidad sa akin bilang unang anak." ani ko.
Sunod-sunod na tumulo ang luha niya dahil d'on. Hindi ko ito binalak.gamitin sa kan'ya. Patawarin mo ako Kang, para sa iyo rin ito.
"'Wag mong gawin to Kang, nagmamaka-awa ako," tuluyan ng naglabo ang paningin ko nang lumuhod siya habang patuloy na nagmamaka-awa.
Tila batang nagmamaka-awang huwag siyang iwan mag-isa.
Nang dumating ang araw ng paghuhusga ay mas lalo kong tinatagan ang loob ko. Sa bawat salita o bagay na ibinabato sa akin ay tila ako'y nababasag. Ang bigat ng kaparusahan ng mga inangkin kong kasalanan ang unti-unting dumudurog sa akin.
At walang sino man ang makaka-alam n'on maliban sa kanila.
Unang nagtama ang paningin namin. 'Sinta ko...' tawag ko sa kaniya sa aking isip kasabay ng pagkurba ng ngiting iginuguhit ko lamang para sa kan'ya.
Sa kanyang isang tango ay malayang dumausdos ang mga luhang pilit kong pinipigilan. That gesture is enough for me to know that she understands. Naiintindihan niya ako. Sa kaalamang iyon, kahit paano ay naibsan ang takot ko.
Ang totoo ay natatakot ako sa kamatayan ngunit napapawi iyon tuwing naiisip ko si Mal at Kong at kung gaano kabigat sa pakiramdam nila ang pagpaslang maibsan lang ang gutom naming lahat.
'Walang-wala ito.'
Inilipat ko ang aking paningin sa kambal ko. 'Kong', ramdam na ramdam ko iyong lungkot at pighati. Galit ako sa sarli ko na kailangan kitang iwan ngunit hindi ako nagsisisi na maging daan mo sa pagbabagong buhay.
Mawawala na ang anino mo... ngunit kasabay nito ang pagkawala ng bakas ng madilim mong nakaraan. Walang pagsisi, kung para sa pinakamamahal kong kapatid.
Ipinikit ko ang mata ko at ibinulong sa dilim ang dalangin habang naghihintay ng liwanag.
I hope my laughter somewhat lightens your burdens and my cracks warm you a little. My only wish is to spend the eternity in the afterlife with my best clone and my favorite assassin.
Kang.
---
iheartyou
A/N : I know it's too early for a special chapter but consider this as a compensation for having a really slow updates. Let's have more sc(s) along the way, thank you so much! Stay tuned for the next update. <8
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro