05
tw : contains scene of violence that may be disturbing for some readers.
≿━━━━༺༻━━━━≾
"Kang was caught by the royal hunters."
This shouldn't be happening. Pulido na ang plano ko at hindi ito dapat maka-apekto sa mga susunod kong hakbang.
"I can't do anything about that." iling ko. Tanaw ko na ang daang matagal ko ng hinihintay kaya't bakit pa liliko?
"YOU CAN MAL!" hiyaw niya sa tabi nang tumatangis na si Guang.
"We both know you can do something!"
I let out a sardonic laugh. "Hindi siya tulad natin Kong, wala silang makikitang bahid ng kanino mang dugo sa kaniya. Kaya't wala ka dapat ikabahala!"
"Ngunit ako, meron! Nakalimutan mo bang kambal kami? And only few could distinguish our difference..."
Muli akong umiling at tumalikod.
"Tanging ikaw lang at si ina." I was stunned by the first time he mentioned his deceased mother in front of me.
"Kahit para kay ina, Mal..." nilingon ko siya. He's a total mess right now.
Slowly, he went down on his knees, "I never plan to use this against you ngunit... n-nagmamaka-awa ako, Mal, help me save Kang."
Sinundan ng mga mata ko ang buti ng tubig mula sa mata niya.
"Kagagalitan niya ako sa sasabihin ko pero ang kakambal ko... Mal, kahit kapalit na lang ng pagliligtas sayo ni ina..."
Muli kong naramdaman sa dibdib ko ang lamig ng palaso na parang andoon pa rin ito.
"It was you, right? The little girl roaming under the heavy rain that night..."
So he rememered me that night...
"With an arrow pierced on her chest..."
...dying.
•••
Blood painted the ground as I slit the throat of another guard that tried to block our way.
Tinanguan ko si Kong na nagbabantay sa gilid. Agad niyang nakuha ang senyas at tumakbo papasok sa piitan kung saan inilagay si Kang.
"Kang," huminto siya sa kalagitnaan at nilingon ako. Ihinagis ko sa kan'ya ang bungkos ng susi.
"Dalawang minuto..." he nodded and hurriedly went inside.
Hindi maganda ang nararamdaman ko sa nangyayari. But Kong will surely give everything he have to get his twin out. I spared him enough so he must get Kang out and leave...just as he promised.
I tap the tip of my sword on the ground while waiting. Maayos kong ipininta sa utak ko ang mga susunod na mangyayari.
Ang hindi sinasadyang kulay na nabuo sa paghalo ng hindi sinasadyang pagkakataon ang bubuo sa obrang nagpapahiwatig ng katapusan.
"Sino ka at anong ginagawa mo sa bukana ng piitan?" ani ng kararating lamang na guwardya na tila hindi napansin ang malamig na katawan sa sahig.
Hindi ako sumagot bagkus ay humakbang ako papalapit sa kanya. Akmang papalag siya nang muntik siyang matlisod sa katawan ng kasamahan. Nagkumahog siyang tumalikod, wari ko'y hihingi ng tulong nang magsalita ako.
"Tigil," and with one word, he really stopped. Maybe because it's a command or it's the voice.
He turned to me with a frenzy grin, it's the latter, "Babae..."
I removed my cloak and equal his grin.
Mabilis akong kumilos palapit sa kan'ya. I slammed my sword hard against his. Namangha ako na sa isang atake ay nabitawan na niya ito.
"Kumain ka na ba?" I asked and slit his leg. Dumaing siya at napaluhod.
"Because if yes...then that will be your last meal."
Nakapikit siya nang ibigay ko ang sintensya hanggang sa gumulong ang itaas na bahagi ng kanyang katawan sa lupa.
Ilang saglit lang ay nakayukong lumabas si Kong sa piitan kasabay nang grupo ng nga hunters sa kabilang dako na wari ko'y nakatunog na sa mga nangyayari.
Before I knew it, Kong was there already, feasting with those malleable hunters. But what I can't missed is his eyes that is nearly blank but his gaze that was sharp enough to notice.
Kang isn't with him. Nais kong nagtanong ngunit mas pinili kong tulungan siya.
I saw how his fist clenched when we finished.
"Let's go," pagak niyang saad at diretsong tinahak ang daan kanina.
Bago humakbang ay nilingon ko ang bukana ng piitan. Even without a word, somehow I know what is happening. It is something no one can change...even with a well-planned outline.
Sa huli ay nahagip ng paningin ko ang cloak ko na nakalatag sa sahig. My name was embroidered there. Hinayaan ko ito at sinundan si Kong.
I hope he'll get my warning.
•••
Magdamag walang kibo at imik si Kong na kahit si Guang ay hindi ito makausap. Maluha-luha ang musmos nang hindi siya nito kibuin.
Tahimik niyang ihinanda ang mga kagamitan sa paglalakbay at kinuha ang natitirang gamit sa bayan.
Natigil ako sa pagliligpit ng painting ko nang lumapit aa akin si Guang. "Mal, samahan mo ako balikan natin si Kang," hikbi niya.
"He already made his decision, wala ka ng magagawa."
He continue weeping as we make our way outside these walls. Nang makarating kami ay agad iniayos ng matamlay na si Kong ang kanilang kagamitan sa kabayo.
"Won't you go and see him, Kong?" I asked him.
He shook his head as he lift Guang.
"I'm going to be there for him..." I informed him.
"At least for the last time."
Kang surely wanted him to be there in his last moments, and it was both so selfish and selfless act of him if that is true. He made that choice alone yet Kong still stand here beside me, watching the last family member he had... beheaded for the sin he did not commit.
"I heard that man is one of the most wanted assassin."
Gossips filled our ears when they present Kang to the crowd near the guillotine. Nagsimulang umulan ng kung ano anong bagay sa direksyon n'ya that he accepted silently.
"Sayang, mukha pa naman siyang inosente."
Three days after we dive into the dungeon, a verdict was issued and Kang was sentenced with capital punishment of death...by the process of decapitation.
Nag-angat siya ng paningin habang walang imik sa mga natatanggap. Ngunit nang magtama ang paningin namin ay nakita ko ang ingay sa mga mata niya. Binigyan niya ako ng ngiting 'gaya ng lagi niyang isinasubong sa akin sa bayan.
Sa marahang pagtango ko ay lumaglag ang butil ng luhang alam kong kanina pa niya pinipigilan. Lumipat ang paningin niya sa kambal at sa batang nasa pagitan namin.
After few words, he was positioned in the guillotine for his execution.
Nilingon ko si Kong na naiwang nakatulala sa kinalalagyan ni Kang. I unconsciously covered the child's eyes with my hand. As it releases the blade, Kong break down and cry harder on my shoulders.
I couldn't do anything. So this is his response to my warning.
Kang's head rolled and his blood paints the ground. The crowd went silent for a moment but eventually followed by laughters and gossips.
Such a gruesome picture I would love to use as reference.
---
iheartyou
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro