Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01

tw : contains scenes of violence that may be disturbing for some readers.


≿━━━━༺༻━━━━≾


I swiftly whirled, whipping out my sword at the back of this bumptious merchant.


Agad ako napangisi nang bumagsak siya sa lupa at nagsimulang magkumahog palayo na parang isang uod.


"The person who yearns for your death must be hated you so much,"


Mas lumapit pa ako sa kanya upang makitang mabuti ang kaniyang estado.


"Mmm... let's see."


I trace the cut I made on his back using the tip of my sword. Agad namuo ang ngiti sa labi ko nang pumalahaw siya sa sakit na halos iluwa niya ang buong lalamunan.


Talagang nakarimarimarim pakinggan.


"Para sa dalawang supot ng pilak at isang supot ng tansong barya..."


I thrust my sword an inch more.


"Argh! T-tama na...ma-maawa ka---"


"Labing dalawang insenso...at isang tupa..."


And an inch more...


"Ma...awa k-ka..."


So I could feel the last thump of his heart against the blade of my sword.


"Walang awa na iiral sa mundong pinili ko."


•••


"Kong mulat na! Paparating na ang sinta ko!"


Sa gitna ng maingay na bayan ay nangingibabaw pa rin ang nakakatulig na boses ni Kang. His wide grin greeted me as I slackly push the wheelbarrow full of haystack.


"Nasaan si Kong?" tanong ko.


"Eh," bungisngis niya at pasimleng binato ang nakayukyok niyang kakambal sa sulok. "Buhay pa yan sinta ko, ayaw lang magmulat ng mata."


Paniguradong may itinumba na naman si Kong kagabi. Napailing na lang ako habang ipinupwesto ang dala kong kariton sa gilid ng maliit na tindahan ng kambal.


"Mukhang marami ka na namang nakulimbat ngayon ah," bulong ni Kang na nakikiusyoso habang tumataas-baba ang kilay.


"Tigilan mo ako, Kang." banta ko habang inaayos ang mga kagamitan ko sa pagpipinta.


"Wala ba kaming kabahagi d'ya—"


Hindi na niya natapos ang sasabihin at agad nagtaas ng kamay nang itutok ko sa kaniya ang paintbrush na hawak ko.


"Uy! Parang ang sarap ng hangin sa banda dito oh," laking pasasalamat ko nang humakbang na siya palayo.


I let my eyes close as I'm trying to picture out the last moment of that merchant at the blade of my sword. Hinayaan kong malayang gumalaw ang kamay ko ayon sa larawang nais ipinta ng isip ko.


He's still fortunate that I made him into an art that reminiscent his actual death.


"Oh napakagandang obra ito," saktong pagmulat ko nang mata ay bumungad sa akin ang matandang babaeng sinisipat ang ipininta ko.


"Isang lalaking nakadapa sa isang malumoy na seda..."


No, he's actually lying on his own blood.


"He's back is modishly tatted with a sword that seems to represent success and bravery..."


Tatted with sword? That's the cut I made.


"Matalinong representasyon!"


Muntik na akong matawa, walang tumama sa naging interpretasyon niya.


"It's not for sale," inunahan ko na agad.


"Kahit kapalit ng pinakamabango na tinapay at alak na gawa sa pinakamatamis na ubas?"


Matatas ang kanyang pananalita at malumanay. Nilingon ko siya at nagtama ang paningin naman. Sa isang kurap, wala sa sarili akong tumango.


"Maraming salamat...Mal."


Natigilan ako. Paulit-ulit kong naririnig ang boses nyang tinatawag ang ngalan ko. Her voice were like a thunder echoing through my very being.


"Mal!" tunog sampal ang boses ni Kang.


Umiling ako at nilingon siya na parang walang kakaibang nangyari.


"Hindi mo ba nagustuhan ang ipininta mo? Ngayon ko lang nakitang nagbenta ka ng obra."


I let out a heavy sigh and pull out something from my little sack. Ihinagis ko yon sa direksyon niya at nilagay ang paintbrush sa supot bilang kapalit.


It was a golden cone-like charm I got from the merchant I assassinated.


"Uy! Nasa'yo na talaga ang swerte, sinta ko!" may kinang ang matang sambit niya.


"Aalis na ako," ani ko.


At bago ako umalis ay mahina ko siyang kinabig palapit sa akin upang magbitaw ng paalala.


"Magiingat ka sa kung kanino mo ibebenta 'yan."


•••


Casual akong nakaupo sa sanga ng isa sa pinamataas na puno, habang tumutungga ng alak, kung saan matatanaw ko isang lupon ng taong nakakumpol sa isang kariton.


They were the part of a nomadic tribe from the steppe... just like me and the twin, Kang and Kong.


Ang kaibahan namin sa kanila ay imbis na magnakaw at mangharang ng mga manlalakbay, gumawa kami ng paraan para muling mapasok ang apat na matataas na pader na ito... bilang mangangalakal at pintor.


"You're here..." it's Kong.


"And you're finally awake," I replied an also obvious statement.


"Who was your target?"


"Just a lousy merchant."


Muli akong tumungga ng alak bago ibalik sa kaniya ang tanong.


"An artisan... and I got you a canvas."


The side of my lips rose. I extend my arm that's holding the bottle of wine in front of him and slightly shake it to offer him a drink.


"H'wag na Mal," then he chuckled. "At itigil mo na rin 'yan. You're close to being a drunkard, you know."


I sneered at him. Umiling lang siya at tumatawang sinilip ang kaninang tinitignan ko.


"Pansin ko na bihira mo ng dinadalaw si Guang, paniguradong nalulungkot ang batang 'yon."


Iniwas ko ang tingin ko.


"He's at the least of my concerns now. Wala siyang pakinabang kaya wala ring rason para mapalapit siya sa akin."


"Bakit nagiba ang ihip ng hangin, Mal? Handa ka na ba tapusin ang huling target mo?"


Ngumiti ako sa kanya. "Walang segundong hindi ako handa."



"Sabihan mo lang kami ni Kang, handa kaming tumulong—"


I cut him off. "Go and visit the steppe, ibigay mo 'yan kay Guang," ani ko at inihagis ang tinapay na ibinigay ng matanda.


I did not let him have a word. I swiftly slide myself on the trunk of the tree.


"Mal..."


Agad kong nasapo ang dibdib ko nang makalapag ako sa lupa. Itinukod ko ang isang tuhod sa lupa at sinimulang tambulin ang dibdib.


Nakapikit ako ng mariin sa sakit ngunit ramdam ko pa rin ang paglapag ni Kong sa gilid ko.


"Mukhang napapadalas na ang pagsakit ng dibdib mo," halos bumaon ang kuko ko sa dibdib.


Madalas? Sa bawat pintig, hindi kailanman nawala.


"At seryoso ako, Mal. If you were to kill the Emperor...you'll need me."


"Who told you I'll just kill him?"


When can still feel the tip of his arrow pierced on my heart."


I'll give him a fate that is worse than death."


---


iheartyou

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro