11 Anniversary 2018
We don't celebrate monthsaries, only anniversaries... but we do not count the years because we believe in forever!
Sa mga ampalaya, eto'ng sa inyo :
PAK YU PO,
MERONG POREBER!
Yes, PK and I celebrated our anniversary this weekend.
Just want to share our cheesy moments.
Screen shot I took from the mirror page of this book in FB
FLOWERS ARE SWEET, BUT FOOD IS TASTIER!
(Alam ko, nabasa n'yo na ito sa isa sa mga stories ko. Ang totoo, alam ni PK na ito ang isa sa mga paniniwala ko noon pa man. Haha!)
Panis ang 'I love you' n'yo sa eat-all-you-can date!
(Akin lang yan! Haha! At lasyampake kahit mas malakas pa 'kong lumamon sa kanya!)
HULI-CAM!
May nagnanakaw ng pagkain sa plato ko! Tinatamad tumayo ang letse kasi malayo sa pwesto namin yung buffet table!
Tambay sa arcade and enjoying the moment
PK believes that men's worst times would be going shopping with their ladies... yet he patiently waited, until I finally decided to buy two shades of lipsticks (out of stock kasi yung paborito kong kulay), and even chose that Adidas white shoes for me from Tobby's. Tapos, ayan... tingin-tingin nang malaking bag. Regaluhan ko naman daw s'ya.
So I did! Pero sling bag lang binili ko! Wahahaha!
How is this twerp connected to my writing stories?
He supports my hobby big time.
Dati, binilhan n'ya ako ng cp na 6 inches ang screen para di ako mahirapang mag-UD kapag wala ako sa bahay. Then he bought me a desk top, kasi palagi ko s'ya ini-eject sa PC n'ya kapag magsusulat ako. LOLZ! Naiinis s'ya kasi gaming ang specs ng PC n'ya eh ginagamit ko lang pagta-type! Nyahahaha! Kaya ayun, may desk top na 'ko!
Whenever, I have ideas in my mind and talks it out to him, sinasabi n'yang baguhin ko or lagyan ko nang ibang twist. He gives input in my work.
Just like I respect his addiction with online games and watching Korean/Japanese/other subtitled series/movies... he reciprocates it by letting me by myself and my stories. Walang kaming basagan ng trip. Although, maraming pagkakataon na pinagtatawanan n'ya ako kapag nahuhuli n'yang napupunta ako sa ibang dimension (nagsasalita ako mag-isa, natutulala, biglang tumatawa/umiiyak, kumukumpas-kumpas sa harap ng PC ko). At minsan naiinis kasi nagpupuyat ako sa pagsusulat, pero madaling lambingin para bati agad kami.
He is my biggest inspiration.
S'yempre... lablayp ko si PK. Ampotaaah! Kinikilig ako! Wahahah!
Maraming eksena, ideas, frustrations, heartache, joys, fun, inis, asar, at kung anu-ano pa, sa mga stories ko ay may koneksyon sa kanya at sa akin. Na ikinalat ko sa mga kuwento ko.
But of course, maraming impluwensya ang nanggaling sa mga taong nakakasalmuha ko, o sa mga naobserbahan ko from a distance.
PK is one of the biggest reasons why I continue writing. Isa rin s'ya sa mga nakaka-reinforce sa akin na lumingon sa pinakadahilan kung bakit ako nagsulat.
Ang magkuwento, at hindi ang makipagkumpetensya.
May mga panahon kasi na nakakaramdam ako ng inggit sa mga maraming reads, followers, at mga sumisikat.
Sabi n'ya, "Ryo, kung mai-stress ka lang sa pagsusulat mo, itigil mo yan. Hinayaan kita sa gusto mo at sinusuportahan kita dahil ang sabi mo, stress reliever mo ang magkuwento. Matuwa ka na at may mga nagtatyagang magbasa ng mga kuwento mo."
(Ay opo, ang hard n'ya magsalita. Kahit full support s'ya sa akin, wala s'yang binasa sa kahit ano'ng sinulat ko. Wahahah! Pero kapag naging movie na raw or TV series, papanoorin n'ya. Tamad magbasa ang walanghyang mortal na yan! Yet, that part, alam ko, he believes in my capabilities.)
Kaya kapag dumadating uli sa puntong napu-frustrate ako, lumilingon ako sa pinagmulan ko. Kung bakit ako nagsulat. At ang magpasalamat sa mga iilang sumusubaybay.
SO TO PK,
HAPPY ANNIVERSARY, POREBER KO!
Thank you for all the years sticking up with me
and I look forward to having more anniversaries with you.
(Me, 15 mins before we left for our date)
(And also, one of his anniv gifts for me is he retouched my hair dye. Yup, si PK ang palaging nagkukulay ng buhok ko. Di n'ya matitiis kapag nag-iinarte na ako dahil nawawala na ang pagkapula ng buhok ko)
Ako si Ryonamiko na aminadong #labkosiPK ...
PERO DED NA DED SA AKIN ANG MORTAL NA YAN!
(di n'ya yun aaminin, pramis!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro