3.Táma na o Tamá na?
Táma na o Tamá na?
IKATLONG ARAW NG PAGHILOM
Akala ko sapat na ang maging tapat. Ngunit tila sa bawat pagpapakita ng karampatang aksyon, tila sa paningin mo ay pawang kasinungalingan. Niyayakap ka ng dilim, nagpapaubaya ka sa lagim. Tono mo'y nakakabingi na batid mong ikaw itong laging api. Subalit sa kabuoan, ang resultang hinahanap mo ay nasa pagitan ng pagpili mo. Akala ko'y sigurado na, pagkatuto lamang pala.
Ang tala ang naghudyat ng tunay na rasyon,
Hindi ito planado at biglaang bakasyon.
Ito'y isang kaganapan na hindi kontrolado,
Dahil ang totoo, pareho tayong sumugal.
Ngunit hinayaan nating malito
at sa huli sabay tayong naging dehado.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro