Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2.PAGPAPATULOY O PAGSUKO

PAGPAPATULOY O PAGSUKO

IKALAWANG ARAW NG PAGHILOM

Naririnig ko ang mga huni na ang mga dala ay mga hiyaw. Mga kirot na hindi ko batid saan nagsimula. Mga daing na walang katapusan, mga reklamong walang hangganan. Mga matang maliliksi, mga kamay na walang palya sa paghampas. Tila sumasabay ang karagatan sa pag alon, malalim ngunit dala'y katahimikan. Subalit, paano uusad kung maraming hadlang? Higit sa lahat, ano ang pipiliin kung laging sa huli ikaw ang talo?

Sa bawat pait,

iiniwan ang kakaibang sakit.

Ngunit tugon nito'y resultang magbibigay kasagutan sa bawat patlang ng iyong mga hinaharap.

Piliin ang tunay na kailangan.

Piliin ang dinidikta ng pusong tumitibok at patuloy sa paghinga.

Dahil sa bawat pagpapatuloy,
dala nito'y mga rason para sa susunod na paglaban.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro