Chapter 8
#LGS2Blindspot #LGS2chapter8 #LaGrilla2
***
'WHAT the fuck is that Claude up to?'
Ilang araw nang binabagabag si Curtis ng ibinahagi sa kaniya ni Mosa tungkol sa pagiging MIA ng kuya niya nitong nakaraang mga araw. Sa totoo lang, hindi siya naiinis sa pagsasabi ng dalaga ng mga hinaing nito sa kaniya. Kahit kailan ay hindi naging sagabal si Mosa para sa kaniya. Anuman ang problema nito ay handa niyang akuin at problemahin na rin. Naiinis lang siya kay Claude, lalo't alam niya na nasasaktan si Mosa sa mga pinaggagagawa nito.
Because of Mosa's problem too, Curtis could not focus on the photoshoot gig days ago because he kept thinking about it. He was trying to analyze the situation. He knew that he should not be meddling with someone else's relationship, but since Mosa asked for his help, he thought that it wouldn't be wrong to step in and interfere this time.
About Mosa's problem: Claude rejected her date invitations thrice, which meant he refused to see her in person during the whole weekend and that was weird. Sa pagkakakilala kasi ni Curtis sa kapatid, hindi makatuwiran ang pagiging possessive nito. 'Aso' nga ang tawag niya rito dahil para itong asong-bantay na halos ayaw alisin sa paningin si Mosa, lalo na at hindi lingid sa kaalaman nito na may gusto siya rito at inaakusahan pa siyang 'nakaabang' sa dalaga.
Kaya bakit? Bakit dumidistansiya si Claude kay Mosa?
Curtis' train of thoughts was interrupted when he saw someone at the parking lot—Mosa. She was staring at nowhere with a blank look in her eyes.
That blank look in her eyes . . . Curtis would only see that whenever her mind was completely clear due to stress or fatigue. Hindi naman maiiwasan iyon dahil minsan ay na-o-overwhelm din si Mosa sa pagsasabay sa pag-aaral nito at sa mga responsabilidad nito bilang Student Council President.
Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante sa university, karamihan ay mga night class o back subject students. Alas-sais na kasi ng gabi at maaga ang dismissal ng mga klase ng regular students dahil exam week. Hindi rin magtataka si Curtis kung inabot ng ganitong oras sa paaralan ang dalaga dahil minsan ay may inaasikaso ito na may kinalaman sa Student Council kaya late na kung umuwi; but what made him curious was seeing her at the parking lot.
He never saw Mosa wait at the university's parking lot. Kapag susunduin ito ni Claude, kadalasan ay nasa parking lot na ang lalaki bago pa makapunta rito si Mosa.
'MIA na naman ba ang asong 'yon?' Curtis thought irritably.
Pinakalma muna niya ang sarili bago marahang naglakad malapit sa kinatatayuan ng dalaga. She was on the spot where Claude usually parked his motorcycle, which proved him right about his assumption that she was waiting for his brother.
Mosa did not acknowledge his presence. Hindi man lang ito lumingon o natinag sa kinatatayuan kahit na nakatayo na siya sa tabi nito at direktang nakaharap sa dalaga.
"Mosa," he called.
Mosa blinked and snapped back to reality. Mabilis na napalingon ito sa kaniya. Nadurog siya nang mapalitan ang gulat ng pagkadismaya sa mga mata nito. She obviously expected to see Claude instead of him. She managed to force a faint smile for him though.
"Curtis . . ." matamlay nitong wika. "Nandito ka?"
He pretended to be fine too and granted her a smile as well. He wasn't sure though if his smile reached his eyes and covered up how somber they looked. "A, oo. As usual, magna-night photography ako rito saglit bago umuwi sa bahay. Nanggaling lang ako sa Mendez'," tukoy niya sa pangalan ng photo shop and studio sa kabilang kalsada, katapat ng university, "para kunin ang mga pina-print kong picture."
Mosa nodded slowly.
"Ikaw?" He tried to sound as casual as he could. "Bakit nandito ka pa? Kung may aasikasuhin ka para sa Student Council, hindi ba dapat, nasa office ka?"
Mosa looked away, slightly lowered her head, and chuckled dryly. "For the first time, I'm here at the parking lot . . . waiting for Claude."
Curtis took in a deep breath as subtly as he could. "Hindi man lang ba siya tumawag o nag-text sa 'yo kung masusundo ka niya o hindi?"
She slowly shook her head.
"Baka nag-bedrest. Masakit ang sikmura niya kanina, 'di ba?" Umaasa si Curtis na sana ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ni Mosa at mabawasan ang mga agam-agam nito dahil sa excuse na ginawa niya para sa kapatid.
This didn't mean though, that he was on Claude's defense. He just said that alibi to put her mind at ease. Exam week na kasi nila at dapat ay nasa pagsusulit ang pokus at buong isip nito, hindi sa mga kalokohan ng kaniyang kapatid.
"Malay mo, nakatulog sa sobrang sama ng pakiramdam kaya hindi nakatawag o nakapag-text," patuloy niya.
"He should have, at least, told me what his doctor said," Mosa said, still not looking at him. "Para nagkaroon man lang ako ng expectation kung hihintayin ko ba siya o ano."
"Kung gusto mo, bisitahin natin siya sa condo," suhestiyon niya. "We can buy fruits on our way there. Maybe some congee will do good for his tummy. What can you say?"
Unti-unting gumuhit ang matamlay na ngiti mula sa mga labi ni Mosa. "Naisip ko na rin 'yan, kaya lang, baka naman makaistorbo tayo sa pagpapagaling ni Claude."
"Istorbo?" You're his girlfriend! Tama lang na bisitahin mo siya lalo na kung siya mismo ang nagsabi sa 'yo na masama ang pakiramdam niya! Isa pa, baka nahihirapan na 'yon kumilos sa sobrang sama ng pakiramdam niya. It'll be good for us to be there to help him out."
Mosa turned to him and smiled. "S-Siguro nga."
He took in a deep breath when he met the loneliness in her eyes. Then, he nodded to signal her to join him.
"Let's go. Naka-park lang doon ang kotse kung saan naghihintay ang driver namin," turo niya sa isang sulok ng parking lot na nakalaan para sa mga malalaking sasakyan.
Nagpatiuna si Curtis sa paglalakad at tahimik namang sumunod sa kaniya si Mosa. He opened the door for her at the backseat and shut it before walking to the front seat of the car. Nagpasya siyang umupo sa tabi ng driver dahil baka kung anong klase ng pagko-comfort ang maisipan niyang gawin kapag nakatabi sa backseat ang dalaga.
Noon, walang-malisya kung yakapin niya si Mosa o pisilin ang kamay nito para pagaanin ang pakiramdam nito. After all, they were best friends since high school. But ever since he confirmed it to himself that he liked her more than as a friend, and out of respect for her wish to keep some forms of intimacy exclusively for her boyfriend, Curtis had to hold back from doing the things he got used to doing for her . . . with her.
"Manong," aniya sa driver, "pakihatid kami sa condo ni Kuya."
Katulad ng usapan nila ni Mosa, bumili sila ng ilang prutas at ng take-out meals sa daan papunta sa condominium building na tinitirahan ni Claude.
Bahagyang nabagabag si Curtis nang mapagtanto ang posibleng loophole ng suhestiyon niyang bisitahin nila ang kaniyang kuya. 'Paano pala kung wala siya rito sa condo?'
Bigla niyang naalala ang nasaksihan kaninang umaga, noong sumilip siya sa labas ng photo shop and studio. Nakita niyang umalis si Claude pero ibang direksiyon ang tinahak nito . . .
They parked at the lot in front of the condominium building which was reserved for visitors. Iniwan nila sa sasakyan ang driver kasama ang kanilang mga gamit. Si Curtis ang bumitbit sa isang plastik ng take-out congees sa isang kamay at isang pang-apatang cup holder sa kabilang kamay. Si Mosa naman ang bumitbit sa isang plastic bag ng mga prutas.
Pagkapasok sa gusali, pinaupo muna niya sa isang couch sa waiting lounge si Mosa. Iniwan niya rin sa dalaga ang kaniyang mga bitbit bago lumapit sa receptionist desk. Binanggit niya sa receptionist na bibisita siya sa unit ng kapatid niyang si Claude. On the other hand, the receptionist asked to be excused for a while so that she could call his brother's unit and inform him about their visit.
Tahimik na naghintay si Curtis sa tapat ng receptionist desk at paminsan-minsan ay tinatanaw si Mosa na nakaupo nang nakatalikod mula sa kaniyang direksiyon. Bahagyang nakayuko naman ang ulo ng dalaga.
He was starting to wonder what she was thinking of when the receptionist interrupted his thoughts.
"Sir?"
Mabilis na lumingon siya rito. "Yes?"
"Wala po yatang tao sa unit. Nakailang tawag na kasi ako pero walang sumasagot."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Wait."
Curtis fished out his Motorola and dialed Claude's number. He could have texted, but he didn't have the patience to wait for a reply. Nag-ring nang ilang ulit ang cell phone bago bumungad ang boses ng operator na kumumpirmang unattended ang cell phone na kaniyang tinatawagan.
"Nalason ba ang asong a'yon dahil sa katakawan n'ya o ano?" nagngingitngit niyang bulong sa sarili bago ibinulsa uli ang cell phone. He lifted his eyes on the receptionist. "Miss, itetext ko ang kapatid ko na maghihintay kami rito. Okay? Kung sakaling tumawag siya rito sa reception, naroon lang kami sa waiting lounge ng girlfriend niya, naghihintay."
"Okay, sir. What's your name again?"
"Curtis Saavedra. Iyong tenant n'yo rito na bibisitahin namin, Claude Saavedra."
Marahang tumango ang receptionist. "Noted, sir."
"Thanks," he muttered in a hurry yet his feet were reluctant to leave. He was hesitating to leave the receptionist desk because how could he explain everything to Mosa? Baka kung ano-ano pa ang isipin ng dalaga kapag ipinaalam niya rito ang posibilidad na wala sa condo unit nito si Claude. Dahil kung ipinaalam nito na masakit ang sikmura nito, bakit wala ito sa condo unit nito para magpahinga?
Hindi naman niya maaalo ang dalaga sa pamamagitan ng pagdadahilan na baka wala si Claude sa condo unit nito dahil baka naospital. That would make her even more worried!
Mabagal ang mga hakbang na bumalik si Curtis sa waiting lounge. He was hoping that before he could get to Mosa, the receptionist would suddenly stop him in hsi tracks and announce that his brother was in his condo unit after all. O baka naman makatanggap siya ng text mula kay Claude. Kahit ano, huwag lang siya makalapit sa dalaga na masamang balita ang hatid para dito.
But unfortunately for him, he got to Mosa's seat without any divine intervention that would solve his current dilemma. Nagtatakang sinundan siya ng tingin ng mga mata ng dalaga habang umuupo siya sa solohang sofa katabi ng couch na kinauupuan nito.
He could already read the question in her eyes, so he answered them begrudingly, "Tatawagin na lang tayo ng receptionist kapag p'wede na tayong umakyat sa unit ni Kuya."
"Bakit? Wala ba ro'n si Claude?"
"Hindi siya sumasagot sa mga tawag. Kung nakatulog siya sa sobrang sama ng pakiramdam, posible talaga na hindi niya masagot ang mga tawag. Alam mo naman 'yon, tulog-mantika."
Mosa smiled bitterly and lowered her head. "Hindi siya tulog-mantika."
Natigilan si Curtis at napatitig sa dalaga. Hindi niya maapuhap ang sasabihin, ni hindi niya rin maayos ang magulong pagkakabuhol-buhol ng mga salita sa kaniyang isip.
Mosa continued. "Alam ko. Hindi siya tulog-mantika, Curtis."
"You know because you've already slept with him?" he blurted mindlessly. It was too late before he realized what he just said.
When Mosa nonchalantly raised her eyes on him, he sheepishly looked away.
"Forget what I said. Nagulat lang ako. That's none of my business so don't answer it," he muttered defeatedly.
Mosa's silence in response to what he just said crushed him a little bit more, because she did not even bother to deny about sleeping with his brother.
After thirty minutes or more, Mosa quietly stood up. Niyaya na siya nitong umalis kaya walang-imik na sinundan ito ni Curtis palabas ng gusali at pabalik sa parking lot. Mabuti na lang at parehong may hawak na take-out meals and drinks ang kaniyang dalawang kamay. Kung hindi ay tinadtad na niya ng missed calls ang magaling niyang kapatid! Tingnan na lang nila kung hindi pa ito marindi at magising sa ingay ng ringtone ng cell phone nito!
When they got back to their seats, Curtis stole a glance at Mosa through the rearview mirror. There, he saw her quietly checking her cell phone. It was taking her a while, so most probably, she already received some text messages from Claude and she was reading them all.
Naghintay na lang si Curtis na basagin ng dalaga ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
And because he knew her so well, she did just that.
"Sayang. Naiwanan ko itong cell phone dito sa kotse. Nakailang missed calls na pala si Claude sa akin," ani Mosa, walang-sigla pa rin ang boses.
"What did he say?" matabang niyang wika habang deretso sa harap ang tingin.
"He said, he was so dehydrated he got confined in the hospital before he even got his consultation," anito. "His phone's on mute because the hospital staff asked him to do so. Nasa ward kasi siya ng emergency room."
'Oh, really now? And she believes that crap of lies?' Curtis groaned internally while secretly rolling his eyes. "Then, let's head to that damn hospital."
"Huwag na." Malumanay na ngumiti si Mosa sa kaniya sa pamamagitan ng repleksiyon nito sa rearview mirror. "Nabanggit na rin ni Claude sa text niya na baka ma-late pa ako ng uwi kung bibisita sa ospital. Hindi niya ako maihahatid sa bahay kaya mag-aalala siya para sa safety ko kung mag-isa akong bibiyahe pauwi pagkagaling sa ospital."
'Mag-isang bibiyahe pauwi? Nakalimot na ba ang asong 'yon sa paulit-ulit kong tinext sa kaniya kanina na magkasama kami ni Mosa?' naiirita niyang isip pagbaling ng kaniyang matalim na mga mata sa katabi niyang bintana, sa view sa labas ng sasakyan. "Sinabi mo na lang dapat sa kan'ya na kasama mo ako. Ako na ang maghahatid sa 'yo sa bahay kung iyon lang ang ipinag-aalala ng asong 'yon."
Mosa chuckled lowly. This time, it was light and somehow relieved. Natuwa siya noong una pero nainis din agad sa isipin na hindi kapani-paniwala ang dahilan ni Claude pero nakumbinsi agad nito si Mosa.
"Huwag na, Curtis. Sobrang abala na ako sa 'yo."
"Abala?" silip niya rito mula sa kaniyang kinauupuan. "Aren't we best friends, Mosa? Dati, ang kapal-kapal ng mukha mong pumunta sa bahay namin nang walang paalam at nakawin ang nirereserba kong hotdog pieces sa spaghetti na kinakain ko! 'Tapos ngayon ka pa tutubuan ng hiya sa katawan?"
She giggled and cocked her head to the side while looking at him with amusement in her eyes. "Iba na ngayon, Curtis. Hindi na tayo mga bata, no! In our age, p'wede mo na akong ipakulong kapag ninakawan kita, kahit pagkain pa 'yon!"
Napaungos siya. "Ewan ko sa 'yo!"
Ibinalik niya ang tingin sa harap at saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Hindi rin nakatiis si Curtis. Nagtanong siya sa nanghihinang boses habang nakasandal ang gilid ng kaniyang ulo sa bintana ng sasakyan. "Naniniwala ka ba talaga na all this time, nasa ospital si Claude kaya MIA siya kanina?"
Mosa was already rummaging through the plastic bag of fruits and put some of them inside her shoulder bag. Sumagot ang dalaga nang hindi man lang nag-aangat ng tingin sa kaniya. "Of course, I do. Should I doubt that, Curtis?"
Napasimangot lang siya. "Dahil lang sa sakit ng sikmura? At ano iyong dehydrated siya? Ibig sabihin, nagka-diarrhea siya? If that's the case, hindi ba dapat mas may gana siyang kumain dahil sa sobrang gutom, imbes na mawalan ng gana kaya ayaw mag-lunch kanina? Wala ba siyang nabanggit kung bakit masakit ang sikmura niya?"
"Ang dami mo namang tanong. Sa doktor mo na lang alamin kung ba talaga ang specific na nangyari kay Claude," sungit-sungitan ni Mosa sa kaniya na nakatanaw na sa kaniya sa pamamagitan ng pagtingin sa repleksiyon niya sa rearview mirror. "Ang mabuti pa, paghatian na lang natin itong mga pagkain. Kumuha na ako ng mga prutas, kaya sa inyo na ni Tita itong mga natira sa plastik. 'Tapos, itong tatlo sa softdrinks at tatlong congee, iyo na lang at saka kay Tita, at dito kay Manong."
Napangiti ang driver na may hawak sa manibela ng kotse.
Meanwhile, Curtis sighed in surrender and waved a hand dismissively. "Fine. Fine."
***
KATAPUSAN ng Enero. Katatapos lang ng exam week, at hindi na nakarinig si Curtis ng anumang problema ni Mosa kaya siguro hindi na siya kinukulit nito. Ibig sabihin, mag-isa na naman siya at sa pagkakataong ito, siya ang MIA sa buhay ng kaniyang best friend.
But then, he made a promise to her to 'spy' on his brother. Hangga't hindi pa iyon binabawi ni Mosa ang kanilang usapan ay tutuparin pa rin niya iyon.
So, this Saturday morning, he watched Claude from the driver's seat of their mother's black car with dark tinted windows. May driver's license na naman siya, kaya paminsan-minsan ay nailalabas niya ang sasakyan nang hindi kasama ang driver. He rarely drove though, because he knew it to himself that he was easily distracted while on the road. It must be the photographer spirit in him, because once a subject caught his eyes, he would forget everything and would fumble at the buttons of his camera for those candid shots.
Samantala, nasa kabilang paradahan ng mga sasakyan naman si Claude at ang motorsiklo nito. Nakita niya ang paghatid ng lalaki kay Mosa sa university. Alam niyang maagang pumasok si Mosa sa araw na ito dahil puspusan na ang paghahandang ginagawa ng student council para sa Valentine's Ball sa susunod na linggo.
Mosa wore a pair of jeans, a black closed-toe low heels, and a pink checkered top with thick straps and a square neckline. Nakalugay ang unat nitong buhok na naiipit ng pink na headband.
'Why do you have to always look so damn beautiful?' he thought, happy and tortured at the same time.
Pagbaba ni Mosa mula sa motorsiklo ay nakipag-usap ito kay Claude. Mukhag seryoso ang kanilang paksa dahil sa facial expressions ng dalawa. Sa huli, niyakap ni Claude si Mosa at humalik sa noo nito . . .
at sa mga labi.
Nagtagal ang halikan ng mga ito kaya napahigpit ang kapit ni Curtis sa manibela ng sasakyan. Kulang na lang ay lumagutok na ang mga buto sa kamao niya.
His eyes narrowed and no matter how hard his foot stomped on the floor of the car, he could not take his eyes off of them. He had to control himself. He had no intention to make them pay for the pain he was going through because it wasn't even Mosa and Claude's fault if they love each other.
When the two finally parted, Mosa ran into the school building. May sukbit itong malaking bag na naglalaman ng ilang party goods at rolyo ng pulang cartolina.
Meanwhile, his black leather motorcycle-jacket wearing brother got on his motorcycle and drove away. Dito na binuhay ni Curtis ang makina ng sasakyan na pinuslit niya para sundan ang kapatid.
Inakala ni Curtis na dederetso ang kaniyang kuya sa condo unit nito. Pero nag-iba na naman ang direksiyon ng motorsiklo nito na ikinakunot iyon ng kaniyang noo.
Namuo ang pagdadalawang-isip sa kaniyang dibdib. Ayaw niya kasing sundan si Claude sa lugar na wala siyang kasiguraduhan kung saan. Gayunman, para kay Mosa ay sinundan pa rin niya ang kaniyang kapatid.
Eventually, Claude's motorcycle stopped in front of a very familiar building. Dahil kaunti lang naman ang kaibigan ni Curtis sa university, iisa lang ang taong kilala niya na nakatira sa condominium building na nasa kaniyang harapan.
"Freya?" he muttered when he saw her approaching Claude from the gate of the building. Sa palagay niya ay nag-abang doon ang dalaga para papasukin ang kapatid niya ng guwardiyang nakabantay sa guard house doon.
Tinanaw niya ang pag-angkas ni Freya sa likuran ng motorsiklo ni Claude bago sila pinapasok sa gate ng guwardiya. Nang hindi na niya matanaw ang mga ito, nakaisip siya ng alibi para papasukin ng guwardiya sa gate—na may bibisitahin siyang kakilala sa gusali, si Freya. Dahil katatapos lang kausapin ng guwardiya sina Freya at Claude, mabilis na nakumbinsi ito na papasukin siya sa gate.
Sinundan niya ang instruksiyon ng guwardiya tungkol sa kung saan niya puwedeng iparada ang sasakyan. Saktong naglalakad na patungo sa elevator sina Claude at Freya nang marating ang basement parking. Pinanood niya ang pagsakay ng mga ito sa elevator. Hindi siya nagmadaling habulin ang mga ito dahil alam naman niya kung saang floor matatagpuan ang unit ni Freya. He knew because when she got sick one time, he accompanied Mosa in visiting her into this very same building.
Curtis chose not to follow them too because what would happen once he got to where they were heading to? Hindi naman siya pagbubuksan ng pinto ng mga ito siguro. Kung magkaharap man sila ng mga ito sa pasilyo o tapat ng pinto ng unit ni Freya, ano naman ang sasabihin o itatanong niya? He wasn't even in the position to confront them over something without basis or proof, more so without knowing exactly why these two were seeing each other in Freya's condo unit.
Maybe, Claude and Freya was planning something to surprise Mosa on Valentine's Ball. Hindi imposible iyon dahil ang dalawa rin naman ang 'nagsabwatan' noon para makapanligaw si Claude sa best friend niya.
'What? A wedding proposal dahil graduating na rin naman kami next year?' mapait niyang naisip bago nakaramdam ng pagkadurog sa loob ng kaniyang dibdib. Napailing siya para isantabi ang sakit na naramdaman. 'Hindi . . . Hindi naman siguro. If it's going to be a wedding proposal, dapat kami ni Mama ang kinakausap ni Claude tungkol dito. Hindi si Freya lang.'
So, he rubbed his chin and his eyes shifted from side to side as he formulated a plan on how he could spy on those two, on how to find out what they were really up to without their knowing first.
Moments later, an idea quickly shot straight in his mind that made him nod.
Kung anuman ang ginagawa ng mga ito, Curtis was sure that this plan would help him know what it was.
***
Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro