Chapter 5
#LGS2Rewind #LGS1chapter5 #LaGrilla2
***
MAY 1997 . . .
MAINGAY man at maraming nagtatakbuhang mga bata sa squatter's area na tinitirahan, wala namang nakaliligtas sa paningin ni Manong Rolly. Nakita ng matandang lalaki sa gilid ng mga mata nito ang pagdating ni Claude sa bahay. Dumaan lang ito sa bukas na bakuran kung saan may nakapilang tatlong sasakyan na nakabaklas ang mga parte na nire-repair. Abala sa ilan sa mga ito ang mga kapatid ni Manong Rolly at ang ilan sa mga helper nila sa talyer.
Katapat lang ng puwesto ni Manong Rolly ang jalousie windows kung saan kitang-kita ang sala. Padabog na ibinagsak ni Claude ang knapsack sa kawayang sofa. Nagtataka na binitiwan ng lalaki ang hawak na gamit.
"Claude . . ." kunot-noo nito habang nagmamadaling pinunasan ang mga kamay na narurumihan ng grasa. Pagkatapos ay iniwan nitong nakasabit ang basahan sa side mirror ng sasakyang bukas ang hood. Nagmamadaling pumasok ito sa maliit na bahay.
Meanwhile, Claude ran his hand up, through his straight, midparted hair as he plopped on the bamboo sofa. He lifted the end of his dirty white shirt with cut-off sleeves and wiped the beading sweat on his forehead and around his face. Then, he released a sigh that had a mix of frustration and irritation.
"Ano'ng nangyari? Bakit parang problemado ka, hijo?"
Tiningala ni Claude ang dati nilang driver. Manong Rolly had nothing to do with his irritation, and yet he could not help shooting a sharp glare at him.
"Tinambangan ka ba ro'n sa pinupulutan mo ng mga scrap metal?" hula nito, gusot na gusot ang mukha.
"Hindi na nga ako nakaabot do'n, e," naiinis niyang amin.
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
Napailing siya. Hindi niya malaman kung dapat ba niyang sabihin kay Manong Rolly ang ugat ng pagkainis niya o ililihim ito. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang takot ng matandang lalaki na mapagbintangan na kumidnap sa kaniya. He overheard Manong Rolly's conversation with his brothers on the first night that he slept in this house. Claude was afraid that Manong Rolly might completely return him to his mother once he tells him that he was being followed around by some man in a car with his own mother.
"Claude . . ." mahinahong usig nito.
"Manong Rolly," iling niya. Hindi siya makatingin nang deretso sa lalaki. "Nakita ko sa isang kotse si Mama. May kasama siyang lalaki. Sa tingin ko, pinamamanmanan n'ya ako."
Manong Rolly fell silent for a few minutes. Panay naman ang mahihinang padyak ng kaniyang mga paa. Hirap na hirap na siyang ikubli ang takot.
"Kailangan mo na nga talagang umuwi, hijo. Katulad ng sinabi ko sa 'yo, hindi tama itong ginawa mong paglalayas. Kahit pa na . . . Kahit pa na nakagawa ng kasalanan ng nanay mo, hindi pa rin tama 'to."
Lalo siyang nairita sa narinig. "Manong, ayoko na nga sabing umuwi sa kan'ya! Ayoko na s'yang makita! Lalo na si Curtis!"
"Kung gano'n, sabihin mo mismo sa kanila. Para hindi ka na nila hinahanap-hanap o pinamamanmanan pa."
Napailing siya. Sa tingin niya ay inuutakan na siya ni Manong Rolly. Ipapakita niya rito na hindi siya nito mauutakan.
"Ayoko. Dahil sigurado ako na sa oras na bumalik ako, ikukulong na 'ko ni Mama sa bahay." Nagtangis ang mga bagang niya habang nagliliyab ang mga mata. Pilit na kinukumbinsi ng mga titig niya si Manong Rolly na huwag siyang ibabalik sa nanay niya. "Hindi na ako makalalayo sa kanila kapag bumalik ako roon."
Manong Rolly squatted in front of him so that their eyes would level. Marahang tinapik-tapik siya nito sa isa niyang tuhod bago hinawakan sa isang braso. Awtomatikong tumigil ang natatarantang pagpapapadyak ng kaniyang mga paa sa sahig.
"Makinig ka, hijo. At patapusin mo muna ako bago ka gumawa ng anumang reaksiyon."
Manong Rolly paused and stared at him. Nang naunawaan niya na hinihintay nito ang pagpayag niya sa kondisyon nito, mabilis na tumango siya nang isang beses.
"Pramis?"
"Opo," napipilitan niyang sagot sa mas mahinang boses.
"Hijo." Manong Rolly lowered his eyes. "Matagal nang alam ng nanay mo na nakatira ka rito."
Nanlaki ang mga mata niya. Tila isang malaking alon na humampas ang emosyon sa kaniyang dibdib.
"Kung gano'n—"
"Claude," mahigpit na saway nito sa kaniya. Matiim siyang tinitigan ni Manong Rolly at nagpatuloy lang sa pagsasalita nang manahimik siya. "Matagal nang alam ng nanay mo na nakatira ka rito sa bahay ko. Natatakot siya na baka kapag pinilit ka niyang umuwi, e, maglayas ka lang uli at hindi ka na makitira pa sa akin kapag nagkataon, kaya . . . kaya napilitan siya na hayaan ka muna rito. Pero, hijo, hanggang kailan mo lalayuan ang pamilya mo? Hindi tama itong ginagawa mo, hijo. Dapat, masaya kang nagbabakasyon o naghahanda sa pag-aaral mo sa susunod na buwan. Hindi 'tong ganito na nakiki-helper ka sa pagkumpuni ng mga sasakyan o tagapulot ng mga bakal."
Napaiwas siya ng tingin. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman. He felt betrayed, but at the same time, confused. Bakit ba hindi maintindihan ni Manong Rolly ang pinaghuhugutan niya? Hindi pa ba sapat ang dahilan niya para mapasang-ayon ito na tama nga ang ginawa niyang paglalayas?
Yes. He was only thirteen, but he knew what was right and wrong. Manong Rolly wouldn't even talk to him about what's right or wrong if he couldn't understand the concept at his age . . . right?
Kaya bakit? Bakit kinukumbinsi siya nito na magpakita siya sa kaniyang nanay?
Why would Mang Rolly want him to stay with the kind of mother that he had?
"Kausapin mo na ang nanay mo. Kung hindi man kayo magkasundo, siguro naman, hahayaan ka niyang makitira uli rito sa akin. Ang importante, magkaliwanagan na kayong dalawa."
Napailing na lang siya. Sa pagkakataong ito lang naramdaman ni Claude ang pag-uulap ng luha sa kaniyang mga mata.
"Hijo . . . Hindi mo puwedeng takbuhan ang problema. Hindi mo rin mareresolba ang isang problema nang patago. . . . lalo na kung hindi lang naman ikaw ang sangkot sa problema. Dapat mo itong sabihin sa nanay mo. Naiintindihan mo ba?"
He did not nod or shake his head, for he could not understand what Manong Rolly was trying to say.
"Kung gusto mo, sasamahan kita sa nanay mo. Para makapag-usap kayo. Kung ayaw mo naman . . ."
Napatitig siya rito. Kabadong nag-abang siya sa susunod na sasabihin ni Manong Rolly.
"Kung ayaw mo naman," patuloy nito, "e, 'di tiyagain mo na lang na may sumusunod sa 'yo o palaging nakabantay kahit saan ka magpunta."
Claude let out an irritated groan and slapped his own knee. "Nakakab'wisit talaga!"
***
JUNE 1998 . . .
AYON kay Manong Rolly, pumapasok na sa isang private school dito sa Maynila si Curtis. Kaya naman, sinadya ni Claude na yayain ang matandang lalaki na ihatid siya sa kaniyang nanay nang alas-otso ng umaga.
'Siguro naman, wala sa bahay si Curtis sa mga oras na ito,' isip ni Claude habang nakatingala sa mataas na gate ng townhouse na pinuntahan nila.
Samantala, nagbayad muna si Manong Rolly sa traysikel bago masigla na naglakad-takbo palapit sa kaniya. He stood beside him and gave him a pat on the shoulder. Paglingon ni Claude sa matanda ay nakatingala na rin ito sa mataas na bakal na gate.
"Ano, hijo? Tara na ba sa loob?"
Claude looked at the gates, then at the white and blue colored townhouse reminiscent with those porcelain townhouse figurines that were once a part of his mother's house display collection in Zamboanga.
He took in a deep breath and nodded.
Nakangiting lumapit si Manong Rolly sa gate. Pinindot nito ang doorbell. Makalipas ang ilang minuto ay nilapitan sila ng isang katulong na nakauniporme. Hindi siya nito nakilala kaya halatang bagong hire ito at taga-Maynila rin.
Sinamahan sila ng katulong sa veranda at pinaupo sa table set dito. Habang naghihintay sila ay panay ang paalala sa kaniya ni Manong Rolly na manatiling kalmado.
"Mas mapakikinggan at mauunawaan mo ang paliwanag ng nanay mo kapag bukas ang kaisipan mo, hijo," anito.
Claude just frowned and kept a straight face. Mula nang kulitin siya ni Manong Rolly na makipagkita sa nanay niya ay nakokornihan na siya sa mga ipinapayo nito. He used to be cool. His advices used to sound so metaphoric and wise. But at this point, they just sounded derived from a cheap and corny movie. It sounded fake. It sounded self-righteous.
As self-righteous as his mother . . .
Pagbalik ng katulong ay may dala na itong isang tray na naglalaman ng dalawang baso ng fruit juice, isang pitsel ng fruit juice, at isang pinggan na puno ng chocolate chip cookies.
Claude rolled his eyes. 'Akala siguro ni Mama, mahilig pa rin ako sa chocolate chip cookies.'
"Ay, sandali lang po!" takbo palabas ng veranda ng kung sino. "Naiwan n'yo, Ate Fe!"
Nagsalubong ang mga kilay niya nang masilayan ang bagong dating. Isang dalagita.
She had straight, black, arm-length hair tied in a single braid. Her eyes were narrow and upturned with long lashes. For him, she looked snobbish . . . bratty. Her lips were pouty and as peach-like as her skin.
Kahit mukhang suplada ang babae, nagustohan naman niya kung paano ito magdala ng damit. She wore a blue ringer crop top that had a length enough to touch the waistband of her wide-legged denim jeans.
"Salamat, Mosa!" ngiti ng katulong sa dalagita sabay kuha sa inaabot nitong isang plato na may dalawang magkapatong na tuna mayo sandwiches.
Napatingin si Mosa sa kaniya at kay Mang Rolly. Magalang na ngumiti at tumango ito kahit mukhang mataray ang hulma ng mga mata nito. She was about to turn back inside the house when Curtis suddenly popped up.
Nagliwanag ang mukha ni Curtis, siyang pagdidilim naman ng kaniyang anyo.
"Kuya!" singhap nito. Nilagpasan nito si Mosa at sinugod siya ng yakap.
"Let me go. Sinasakal mo na 'ko, e," reklamo niya kahit hindi pa umaabot ng isang minuto ang pagkakayakap ni Curtis sa kaniyang leeg.
When Curtis distanced himself, Claude could not help this burning contempt from creeping all over his body. While he was dressed in rubber slippers, a faded brown red-checkered vest and tattered jeans, his brother dressed so fashionably in his white expensive rubber shoes, branded oversized yellow patterned collared button-down shirt, and blue wide-legged jeans. Akala siguro nito ay si Francis M ito kung makapag-oversized outfits.
What irritated him the most, aside from the fact that he seemed to be living the best life, was his thick, brown curly hair.
That feature symbolized everything that made him hate his mother . . .
That made him hate Curtis . . .
"Kumusta, kuya?" okupa ni Curtis sa bakal na upuan katabi niya. "Ang tagal mo ring hindi nagpakita, kuya!"
"Ikaw? Mukhang ang saya mo naman?" masungit niyang tanong.
"S'yempre, nandito ka, e!" masigla nitong saad bago gulat na napasinghap. "Ay, sandali!" Lumingon ito sa direksiyon ng pinto kung saan palabas na sana si Mosa. "Mosa!"
Mabilis na lumingon ang dalagita. Lalo lang siyang napasimangot dahil kung makalingon ang babae ay ipinaghahampasan pa ang hair braid nito sa hangin.
Everything really irritated him in this place—from the people here to the meals and to the fact that his mother was taking her sweet time like a very important public figure. Kung nauna lang sana itong pumunta rito sa veranda, e, 'di sana, hindi na siya naabutan pa ni Curtis at ng makulit nitong girlfriend dito!
Nang nakalapit na sa kanila si Mosa ay nahihiyang ngumiti ito sa kaniya at kay Manong Rolly.
"Best friend ko," pakilala ni Curtis sa dalaga. "Mosa."
Claude tried, but he was having a hard time stifling his laughter.
"Ano'ng nakakatawa?" masungit na puna ni Mosa sa kaniya.
'Hindi lang mukhang masungit. Talaga ngang masungit! Hindi talaga pumapalya ang galing ko sa pagkilatis sa mga tao! Sana, nagamit ko rin ito sa nanay at kapatid ko!' mayabang na ngisi naman ni Claude habang nakikipaglaban ng titigan kay Mosa.
"Natatawa lang ako kasi, seryoso?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Curtis at Mosa. "Mag-best friend lang kayo? Ang hina mo naman, Curtis!"
Nagugulohang nagsalubong ang mga kilay ni Curtis. "B-Bakit? Ano ba dapat?"
He waved a hand. "Nevermind." Hindi na siya nang-alaska pa dahil nakita niya sa gilid ng mga mata niya kung paano makatingin si Manong Rolly. Tila pinaalalahanan siya ng mahinahon nitong pagkakatitig na ayusin niya ang kaniyang asal. "Paupuin mo naman 'yang best friend mo."
Curtis cheerfuly glanced at Mosa. He stood up and offered his seat to her. "Dito."
"Salamat," anito sabay palit kay Curtis sa upuan na katabi niya.
Claude just looked away to hide his bored expression as Mosa sat next to him. Naghila naman si Curtis ng sarili nitong upuan para ipuwesto sa tabi ng dalagita bago ito umupo.
Mosa turned to him and smiled. "Subukan mo 'yong cookie. Kami ni Curtis ang nag-bake niyan."
"Try mo, kuya," segunda ni Curtis na nakasilip mula sa gilid ni Mosa. "Tamang-tama, favorite mo 'yan!"
"Pinaghandaan mo talaga ang pagdating ko, no?" matabang niyang saad habang napipilitang dumampot ng mainit-init pang chocolate chip cookie.
"No!" nalilito ngunit natatawang sagot ni Curtis. "We're as shocked as Mama! Medyo matatagalan siya kasi nagtatanggal pa ng hair rollers niya. Pero sigurado akong nagmamadali na 'yon!" Nilingon nito si Mosa at sabay na bumungisngis ang dalawa.
Claude could not get the inside joke between the two regarding hair rollers, so he just stuffed his mouth with a chocolate chip cookie. Bahagyang namilog ang kaniyang mga mata dahil masarap ito. He should have taken one bite to properly savor the taste. Because now that he took it all in one munch, the chocolate exploded in his mouth with the cookie crusts as its crackling debris. The chocolate was so warm and gooey, a comforting combination of sweetness and bitterness.
He hurriedly swallowed so he could talk.
"Hindi ba dapat nasa school ka ngayon?" masungit niyang tanong.
"June 4 pa lang, kuya! Sa June 15 pa ang pasukan!" masiglang sagot ni Curtis.
"Tumatanggap pa ng late enrollees sa school," pakikisali ni Mosa sa mahinahong boses. Napatingin tuloy siya sa malumanay nitong pagkakangiti sa kaniya. "Hindi ka pa raw nagha-high school kaya kung gusto mo, mag-enroll ka na para iisang school na lang tayo." Nilingon nito si Curtis. "Hindi ba?"
Iritadong napatingin si Claude kay Manong Rolly na nilalantakan na ang tuna mayo sandwich nito.
'Mukhang hindi nahuhuli sa balita tungkol sa akin ang mga tao rito, a. Kung hindi 'yong bodyguard na nakatanaw sa malayo, si Manong Rolly yata ang matabil ang dila na nagkuwento sa kanila kung ano na ang nangyayari sa akin.'
"Good idea!" masayang tango naman ni Curtis bago inilipat ang tingin nito sa kaniya. "Imagine, this year, puwede tayo maging magkakaklase!"
He could not focus anymore on what Curtis was saying because he could hear Mosa chuckling beside him. As he watched her, he noticed that she seemed so happy. Hindi maalis-alis ang namamanghang tingin ng dalagita sa masiglang ekspresyon sa mukha ni Curtis.
Nakaramdam siya ng iritasyon. 'Bakit ganito? Isipin ko pa lang na may gusto siya kay Curtis, naiirita na ako.'
***
"TUWANG-tuwa si Mama kasi kahit mas pinili mong makitira pa rin kina Manong Rolly," ani Curtis, "at least, pumayag ka nang bumalik uli sa pag-aaral. Sa bahay ka pa dumederetso kada tapos ng klase bago ka sunduin ni Manong Rolly."
Claude kept a straight face, yet he could see his brother in his peripheral vision. He even saw Curtis turn and give him an expectant look.
"Tuwang-tuwa rin siya kay Mosa noong nalaman niya na siya ang dahilan kaya nagdesisyon ka noon na makipag-reconnect uli sa amin. Desidido ka na noon na tuluyan kaming burahin sa buhay mo, hindi ba? Aawayin mo na dapat noon si Mama, sasabihang tigilan na ang pagpapamanman sa 'yo . . . pero, nagbago iyon dahil kay Mosa. Hindi ba, kuya?"
'Nagsimula lang ang lahat sa curiosity kong malaman kung bakit naiirita ako sa kung pa'no makatingin si Mosa kay Curtis noon . . .' "Ang haba-haba na ng sinabi mo," pagod na buntonghininga niya. "Ang sabi mo, gusto mo akong kausapin tungkol kay Mosa. Ano ba ang sasabihin mo tungkol sa kan'ya?"
"Ipinapaalala ko lang sa iyo ang mga pinagdaanan mo bago mo napa-oo si Mosa," ani Curtis sa magaan nitong boses habang may malabnaw na ngiti sa mga labi. Nakatanaw lang ito sa hardin na kaharap nila.
Pumitik ang kaba sa kaniyang dibdib. 'What is he trying to say now?'
Curtis continued, unaware of his thoughts. "Ayaw mo naman sigurong masayang ang mga taon na pinagsamahan ninyo. Ang mga taon na iginugol mo para masigurado mong mapapa-oo mo si Mosa noong niligawan mo siya last year."
Galit na nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Huwag mo sana siyang pababayaan—"
Hindi na niya napigilan ang sarili. "Dahil ano?" singhal niya sabay harap sa kapatid. "Dahil nandito ka't nakaabang sa kan'ya? Dahil anumang oras, susulotin mo s'ya sa akin sa oras na makagawa ako ng pagkaliit-liit na pagkakamali?"
Gulat naman na natulala sa kaniya si Curtis.
"Tama 'yan!" nanggigigil niyang lapit ng mukha rito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata para sindakin. "Magulat ka. Manghilakbot ka sa mga ideyang pumapasok d'yan sa utak mo!"
Bago pa ito nakasagot ay tumayo na siya mula sa bench na inuupuan nila sa school garden. Sinukbit niya sa isang balikat ang knapsack at nilakihan ang mga hakbang patungo sa gusali kung nasaan ang classroom para sa susunod niyang klase.
***
Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro