Chapter 4
#LGS2Shutter #LGS1chapter4 #LaGrilla2
***
FEBRUARY 1997. . .
NAPAILING si Claudia sa ibinalita rito ng private investigator. "I can't believe that a grown-up man like you can easily be eluded by a thirteen-year-old boy."
Claudia Saavedra gave him the sharp side-eye. She was sitting on the white leather sofa, facing the closed sliding doors made of glass right where the vast, blue vista of the ocean horizon could be seen. Her smooth legs stretched out, covered by dark brown stockings. Her ankles crossed atop one another. Her red shoes were shiny and as vibrant as her red lipstick. Her white pencil skirt and button-down blazer combination gave her a more clean and polished look.
"Sa puntong ito, sa tingin ko po, wala na rito sa Zamboanga ang anak ninyo, ma'am," mahinang wika ng lalaking imbestigador habang hindi makatingin sa matalim na mga mata ng ginang.
"And it's your job to find out where he is, not where he's not," mariing nitong saad.
Magalang na tumango ang lalaki.
"Pagbalik mo rito at hindi mo pa rin natutunton kung nasaan ang anak ko, I'll be hiring someone else. Because you are becoming a big waste of money."
Tahimik na tumango lang ang lalaki. "Aalis na po ako."
Dahan-dahang ibinalik ni Claudia ang tingin sa harap, sa tanawin ng malawak na karagatan na tila walang hangganan. Her arm that rested on top of the low backrest of the seat was propped up her elbow, flaunting her red-polished nails in the mid-air. Then, her fingers gently toyed at the stray, fly-away tip of her thick, curly hair cut in a bob and vivid black in color.
"Mama!" Curtis called as he hurriedly entered the lounge area of their Zamboanga beach house, their permanent residence at the time.
Hindi siya nilingon ng kaniyang ina.
"You said, I can come in once the visitor leaves, so I'm here!" paalam niya sa ina pagkahinto sa tabi nito.
"What do you want, Curtis?" tila bagot nitong wika. Hindi pa rin siya nito nililingon.
"Magtatanong lang ako, Ma. Nahanap n'yo na ba si Kuya?"
She glared at him. "Kung nahanap ko na ang kuya mo, e, 'di sana, narito na siya!"
Napahiya siya at napayuko, ngunit nakatutok pa rin sa ina ang mga mata. "Lo siento, Mama."
"You keep saying 'sorry,' Curticito. Kailan ka ba magtatanda para hindi na ako naririndi sa kaso-sorry mo?"
Napalunok siya. "Kailan ko ba kasi makikita si Kuya? Bakit hindi ako p'wedeng tumulong sa paghahanap sa kan'ya? Si Papa? Alam na ba n'ya na nawawala si Kuya? Kung oo kasi, I'm sure, he'll leave Spain and fly back here immediately and help—"
"Puwede ba?" singhal nito sa kaniya. Claudia's relaxed position earlier turned into a tensed one as she sat up straight and faced his direction while glaring at him. "Huwag ka nang makialam dito, Curtis! Just go and play or something!"
Curtis could feel his eyes getting teary. His fingers twiddled with one another nervously as he lowered his head a little bit more. His lips slightly quivered. "I don't understand why you don't want me to help. I'm only eleven, but I know where 'kuya' goes. I know his friends. I . . . I'm just worried for him, just like you."
Tumayo lang ang kaniyang nanay at iniwan siya sa lounge area ng bahay. Nanatili namang nakapako sa kinatatayuan si Curtis. Ni wala siyang lakas na sundan ng tingin ang kaniyang nanay dahil naibuhos niya na ang lakas na iyon sa pagpipigil niya sa pagpatak ng kaniyang mga luha.
***
CURTIS looked around inside the commercial plane.
It was March 1997. Curtis and his mother took a business-class flight to Manila. Walang sinabi ang kaniyang nanay, pero sa dami ng kanilang bagahe, sigurado siya na mapapatagal ang pananatili nila sa Maynila.
"Mama, pa'no si Kuya? Baka pag-uwi n'ya, wala tayo sa bahay," lingon niya sa ina na nakaupo katabi ng pasilyo habang siya naman ay katabi ang bintana. Alam niya na ilang beses na niyang itinatanong ito sa kaniyang nanay mula nang sabihan siya nito na maghanda para sa pagluwas nila, ngunit hangga't hindi nito sinasagot ang tanong niya ay uulit-ulitin lang niya ang pagtatanong.
Meanwhile, Claudia kept a straight face. Tila tahimik itong nag-o-obserba sa mga pasahero at flight crew na palakad-lakad sa pasilyo.
"Mama . . ."
Claudia sighed impatiently. "Silencio, Curticito."
"Pero Mama—" Magpoprotesta na sana siya nang sumusukong napabuntonghininga ito.
"Ang ingay mo! Nakakahiya sa mga tao, Curticito!" saway nito. "Fine! We're going to Manila because our old driver just called. Apparently, your 'hermano' snuck into the ferry that took Manong Rolly to Manila. Now, he's staying over your Manong Rolly's house."
Mabilis na nagliwanag ang kaniyang mukha. "Ibig sabihin, makikita na natin si Kuya?"
Kalmadong itinutok lang ni Claudia ang tingin sa harap. Sumandal na ito sa backrest ng upuan nito. "Hopefully. Your 'hermano' doesn't even know that we're coming over yet . . . Now that you know, Curticito, cállate."
Tumahimik siya katulad ng iniutos ng kaniyang ina.
Kahit wala pang kasiguraduhan, pinangunahan na si Curtis ng kaniyang excitement. Sa wakas at alam na nila kung nasaan si Claude! Makikita na niya ang kuya niya!
At this point, he was still kept in dark as to why he ran away, but that didn't even matter anymore. What's important for him was his brother was already found. Without Claude, he had no direction. He didn't know what to do or how to do things. If there was already a Phineas and Ferb in the 90's, then Claude was Phineas and he was going to be Ferb. Claude was the one who would come up with an idea on how to spend the day, and Curtis was the one who would help in making the idea happen.
He also thought that Claude was cool and that he was the fastest biker in the neighborhood where they used to live. Pikunin ang kaniyang kuya pero heneroso pagdating sa pagtuturo. Claude loved explaining things to him and teaching him how to do things. It was his brother who taught him how to ride a bicycle too.
***
SI Manong Rolly ay isa nang mekaniko ng mga sasakyan sa Maynila. Hindi pa ipinapanganak si Curtis ay nanilbihan na ito bilang drayber ng kanilang pamilya. He just resigned last year because he decided to reunite with his family in Manila.
Ilang minuto pa lang daw nakaaalis ang barko ay alam na ni Manong Rolly na bumuntot dito si Claude. Pinalipas nga lang nito ang ilang buwan bago tawagan si Claudia dahil noong una ay hindi raw nito malaman kung ano ang gagawin. Claude was begging to be kept by him, but Manong Rolly was half-hearted about it. He had compassion for his older brother, but at the same time, feared that Claudia might misplace her anger and accuse the poor mechanic of kidnapping.
Nag-ipon muna si Manong Rolly ng pera para maibili ng ferry ticket si Claude pauwi ng Zamboanga. Pero nang maalala na baka hindi pasakayin sa barko ang binatilyo nang walang kasamang magulang o guardian, napilitan na ring tumawag si Manong Rolly kay Claudia.
Sinuwerte naman si Manong Rolly dahil imbes na mapagbintangan ni Claudia ng kidnapping ay nakipagtulungan ito para mapuntahan si Claude sa Maynila. Ngunit mukhang hindi matutupad ang inaasahan ni Curtis na muling pagkikita nilang mag-kuya . . .
"Baka matunugan ni Claude ang pagpunta namin sa bahay ninyo, Manong Rolly," ani Claudia habang nakaupo sa puting wrought iron chair. Nasa veranda sila ng kanilang Manila townhouse. Nakaharap ang kanilang puwesto sa isang bulaklaking hardin. "Natatakot ako na baka maglayas uli siya kapag pinauwi ko siya rito sa amin. Baka sa pagkakataong ito, hindi na siya sumama sa 'yo kundi sa kung kani-kanino. Mas mahihirapan na kaming hanapin siya rito sa Maynila."
Nahihiyang nagbaba ng tingin si Manong Rolly na nakatsinelas, faded jeans, at oversized shirt na asul na may tatak. Manipis na ang buhok nito at medyo kulubot na ang morenong balat, lalo na sa mukha't mga braso. Hawak ng dalawang kamay nito ang isang short glass na may lamang softdrinks na may ice cubes.
"Mas makabubuti siguro kung sa poder mo muna manirahan si Claude. Hindi na rin muna namin siya kakausapin ni Curtis."
Nag-angat ng tingin si Manong Rolly sa kaniyang nanay. "Pero ma'am—"
Claudia remained straight-faced. "Magbibigay ako ng pera, para hindi naman makaabala ang pagtira ng anak ko sa bahay ninyo."
Puno ng pagpoprotesta ang ekspresyon sa mukha ni Curtis nang lingunin ang ina. "Pero Mama—"
"Silencio. Sino ang nagbigay ng permiso sa 'yo na sumabat sa usapan ng mga matatanda?" walang-lingon na saway sa kaniya ni Claudia. Her flat voice and facial expression were both emotionless.
'Pero . . . kung mananatili si Kuya kina Manong Rolly, kailan ko siya makikita? Kailan ko siya makakausap at makakasama uli?' dugtong ni Curtis sa kaniyang isip.
***
THE private investigator was replaced by a covert bodyguard. Without Claude knowing, Claudia hired someone to keep an eye on him. Sometimes, she would join this bodyguard and secretly see it for herself how's life had been going on for her son. At the same time, Manong Rolly would visit the townhouse and update them about Claude.
Pero hindi sapat ang mga iyon. Nangungulila pa rin si Curtis sa kaniyang kapatid. Without Claude, he had no one to really talk to. He was literally left alone in the house most of the time since they just moved in and hadn't hired any maids yet.
Meanwhile, Claudia was always anywhere but at home ever since they settled in Manila. At the age of eleven, Curtis still could not grasp that his mother needed to attend some gatherings, establish a new network of connections, and scope their new environment to ensure that their stay in Manila would be safe and convenient for the both of them.
Simula rin nang naglayas si Claude ay hindi na tumatawag sa telepono ang tatay niya na nakadestino sa Espanya. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan ang opisina nito, lalo na tuwing nag-iisa lang talaga siya sa bahay at walang makausap na kahit sino, pero palaging ang sekretarya lang ang sumasagot. Sinasabi nito na tatawagan na lang siya ng tatay niya, pero hindi nangyari 'yon.
***
TWO months later, May 1997, Curtis became one of the late enrollees of a private school. Made-to-order ang mga uniporme sa private school na ito at dahil wala na siyang kasabayan sa pag-order ay inirekomenda na nagpatahi siya sa tailor shop malapit sa paaralan.
Dahil late enrollee, wala na siyang kasabayan sa pagpapasukat ng ipasasadya na school uniform. At dahil wala siyang kasabayan, asikasong-asikaso siya ng sastre sa may maliit na tailor shop. Isang tawid lang sa kalsada ang layo ng tailor shop mula sa paaralan.
"Talikod, hijo," magiliw na wika ng babaeng sastre.
Fitting ang suot na halter-neck top na itim ng sastre. Pinarisan ito ng faded jeans at puting sandals. Naka-low ponytail ang itim at unat nitong buhok. The name 'Linda' suited her. She had such a beautiful face and a pleasant demeanor, a soft-featured oval face and a wide smile.
Tumalikod si Curtis mula sa sastre. He took a small turn because the tailor shop was so small. Nagsisiksikan dito ang mga rolyo ng tela, magkakatabing bakal na sabitan ng mga hanger ng nakaplastik na kasuotan, at patong-patong na half-body hanger mannequin na may suot na mga damit. Sa isang sulok ng tailor shop ay ginamit na counter ang isang glass display kung saan naghalo-halo ang mga plastik at kahon ng beads, butones, sinulid, at iba pa. Hindi makikita sa paligid ang sewing machine, pero maririnig ang pagtakatak ng karayom at pag-ugong ng gulong at pedal nito mula sa isang tagong silid na kadikit lang ng silid na kinatatayuan nila.
Naramdaman ni Curtis ang pagdikit ng dulo ng mga daliri ng sastre at ng medida mula sa kaniyang kaliwang balikat patungo sa kabilang balikat.
Since the tailor shop was too cramped, his mother stood outside by its door. Matatanaw sa likuran nito ang kanilang puting sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Claudia was stylish in her usual white spaghetti-strap blouse, and white matching pencil skirt and blazer. Her slip-on high heeled shoes were as cherry red as her lips. Her stockings were as black as her bouncy bob cut hair. Bagot ang mga mata nito.
"I really can't believe it," Claudia spoke. "I never imagined that you'll be sewing clothes and other things like that, Linda." Sumilip pa ito nang kaunti sa loob ng shop. "Pati mga basahan, nagtitinda ka?"
Malumanay na ngumiti si Linda sa kaniyang nanay. "Oo naman. At oo, nagsastre na rin ako. E, sayang naman ang ipinamanang puwesto ng tailor shop at sewing machine ni Nanay kung hindi ko magagamit, 'di ba? Tinuruan din naman niya ako manahi at kumuha naman ako ng vocational course sa pananahi. Kaya kahit papaano,e, maalam ako."
"Hindi naman por que ipinamana, e, dapat tanggapin mo na. Ako nga, hindi ko tinanggap ang ipinamanang kahirapan ng mga magulang ko," malaman na saad ni Claudia na hindi maunawaan ni Curtis kung ano ang ibig sabihin.
Mahinang tumawa si Linda, pero tila may pag-aalinlangan na kalakip iyon. "Ano naman ang masama sa pagsasastre, Claudia?"
"Wala naman. Pero sayang 'yong secretarial course na kinuha natin. Nagtatrabaho tayo noon sa loob ng air-conditioned na building, pagkatapos, bigla mo na lang naisipang iwanan ang trabaho mo roon? Para saan? Sa masikip na shop na ito?"
Curtis simply looked around while listening to their conversation. He was internally shocked at the hanging blue suit he just saw. It had golden shoulder tassles and shiny gold buttons. Pang-prinsipe!
Linda began measuring his arm width. "E, ayos na rin 'yon. Mas gusto ko na naman itong negosyo ko ngayon. Mas hawak ko pa ang oras ko."
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalhin ang usapan natin sa topic na ito. . . . You see, I've been feeling restless about the last time we've met. I'm worried that you left because of me and Francisco," taas ni Claudia ng isang kilay.
Lumingon saglit si Linda kay Claudia at umiling. "Not at all. Ano naman kung niligawan niya ako noon, at ikaw ang pinakasalan niya sa huli? Masaya naman ako para sa inyo. Kinailangan ko lang talagang umalis dahil—"
"Ang dami n'yo pong damit dito at ang gaganda," lingon ni Curtis sa ginang.
Natatawang pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Hijo! Bakit ka gumalaw? Nawala tuloy ang sinusukat ko!"
Pero kabaligtaran ng magaan na boses ni Linda ang mariin na pagsaway ni Claudia. "How many times do I have to tell you, Curticito, na huwag kang nakikisali sa usapan ng mga matatanda?"
Curtis sheepishly lowered his head.
"Hay, Claudia, hindi mo naman kailangang sawayin ang anak mo. Nakatutuwa naman ang sinabi niya."
"Lalo ka lang matatagalan sa pagkuha sa sukat niya, Linda. Kaya mabuti pang bilisan na ninyo riyan."
"Honey!" tawag ng kung sino mula sa likuran ni Claudia.
Kunot-noo na tumabi ang nanay niya mula sa pagkakaharang sa pintuan para harapin ang bagong dating. Meanwhile, Linda took one step away from him and lifted the measuring tape off his back.
"Hon," maluwag na ngiti ni Linda sa bagong dating.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Curtis sa gulat na si Claudia at sa nagngingitiang sina Linda at ang lalaking bagong-dating. Naka-denim jeans at denim jacket ang lalaki na tumatakip sa dark blue polo nito. He had a short, midparted hair. His eyes were very intense and hawk-like but his smile was light-hearted.
Tinabihan muna ni Linda ang bagong dating at sabay na hinarap ng mga ito ang kaniyang nanay.
"Claudia, asawa ko nga pala, si Harold."
Tila nagduda pa ang nanay niya bago kunot-noo na binati ang lalaki. "Hi, Harold."
Magalang na ngumiti ang lalaki. "Hi . . . Claudia?" Tila hindi ito sigurado kung tama ang pangalang nabanggit kaya nilingon si Linda.
Linda gave her husband a reassuring smile. Then, she remembered something that made her look worried. "Teka, si Mo—" Saglit na natigilan ito nang may lumapit kay Harold na isang batang babae. "Anak!"
Tipid na ngumiti lang ang bata bago nito iniisa-isa ng tingin ang mga tao sa tailor shop. Siya ang huli na dinapuan ng mga mata nito.
Curtis swallowed as his eyes caught her gaze. For the first time, he felt quite self-conscious about his clothes and his hair. Pasimple niyang pinasadahan ng suklay ang makapal at alon-alon niyang buhok. Panakaw pa siyang sumulyap sa suot niyang puting knee-length denim shorts at naka-tuck in na puting short-sleeved polo.
The girl narrowed her eyes at him, as if she was having a hard time digesting who he was. Mabilis na inilipat nito ang tingin sa ina.
Curtis was sure that she said something important, because all the grown-ups—even his own mother—paid attention to her. He was also paying attention to her, too, scanning her arm-length hair held together by a white ribbon head band. Her blue, white-striped T-shirt was tucked in her high-waisted, knee-length denim A-skirt. She wore a cute pair of white sneakers with pink accents and socks with cute lace details on them.
"Sige," ani Linda na pumukaw sa kaniyang atensiyon. "Tatapusin ko lang muna 'to. Hintayin n'yo na lang ako sa kotse."
"Hurry up. Twelve to one P.M. ang reservation natin sa Aristocrats," Harold gently reminded before turning to their daughter. "Let's go, Hermosa."
Umiling ang bata at inekis ang mga braso. "Dito ko na hihintayin si Mommy."
Magaan na tumawa ang lalaki. "Sigurista talaga 'tong anak natin, honey."
Magaan na tumawa na lang din si Linda bago ginawaran ng nahihiyang ngiti si Claudia. "Sukat para sa pants na lang ang kukunin ko."
Walang-imik na tumango lang si Claudia. Wala ring kabuhay-buhay na sinuklian nito ng tango ang magalang na pagtango ni Harold dito nang magpaalam na maghihintay na sa loob ng kotse nito.
Samantala, binalikan na siya ni Linda at mabilisang sinukatan. Curtis remained quiet. He followed every instruction that Linda would tell him because he didn't want to mess up in front of the girl whose narrow, upturned eyes watched him intently . . .
***
"ANG gulo mo namang magkuwento," reklamo ni Hermosa kay Curtis.
Habang hindi pa oras ng kanilang klase ay nakatambay sila sa school bench ng unibersidad. Nalililiman sila ng isa sa mga punong mangga na nakapaikot sa school garden. Ang nangangalaga sa naturang school garden ay ang school gardeners at ang Agriculture Department.
Habang kinukumusta ni Mosa si Claude sa kapatid nitong si Curtis, abala naman ang binata sa pagkukuwento habang iniisa-isa ang mga litratong nakuhanan nito sa camera nito
"Nagtatanong lang naman ako kung may alam ka ba kung ano ang pinagkakaabalahan ni Claude these days or what," patuloy ni Mosa.
Curtis calmly raised his both hands, expressing that he was not planning to argue with her. "Look, naikuwento ko lang naman ang nakaraan para malaman mo na may ganoong ugali si Kuya, okay? Ugali na niya ang bigla-biglang lumayo o maglayas."
Umayos si Mosa ng pagkakaupo. "Okay?" kunot-noo niya. "Pero bakit napunta sa pag-e-emote mo na wala kang makausap na kahit sino noong eleven years old ka? 'Tapos, pati first meeting natin, naikuwento mo pa. As if naman hindi ko pa alam 'yon, e, nando'n ako," nagpipigil ng tawa na gisa ni Mosa rito.
She found the flashback about their first meeting funny because it was just so cute. Curtis just admitted that he felt so self-conscious with her stares during that time. On her part, she was just curious about who he was. She was inspecting him, trying to come up with any first impressions of him.
He gave her a side-eye. "Don't worry, hindi ko ipinupunta sa akin ang topic. I am still focused with your concern, Mosa. Inaalala ko lang ang mga nangyari noon para maintindihan mo. By chronological order ang pasok ng memories sa utak ko, kaya kailangan nating daanan 'yong mga memory na 'yon para maalala ko kung gaano katagal hindi nagparamdam noon si Kuya."
Bahagyang pumihit si Mosa ng pagkakaupo para humarap pa lalo sa best friend niya. "So, gaano katagal siyang hindi nagparamdam?"
Mariin itong napapikit. "Nakakainis ka talaga minsan, Mosa. Madaling-madali ka. Pinabayaan mo na lang sana ako sa pag-alala ng mga pangyayari in chronological order!"
"You're making it complicated pa kasi, e! Kompyutin mo na lang!"
"First year high school! No'ng first year high school na ako . . ." Nilingon niya si Mosa. ". . . tayo. Do'n lang siya nagparamdam. Hindi siya nakapag-aral ng one year kaya sumabay si Claude sa atin na mag-high school."
"Gano'n katagal?" laglag ng panga ng dalaga.
Magaang tinapik ni Curtis pasara ang bibig niya. She narrowed her eyes at him because he didn't have to do that! Hindi naman niya patutuluin ang laway niya o ano pa man!
"Oo. Kaya kung ako sa 'yo, huwag kang magpakakampante sa unti-unting pag-iwas sa 'yo ni Kuya. Dahil baka matulad ka sa ginawa niya sa amin noon . . . sa akin. Gan'yan na gan'yan din ang ginawa niya kasi, Mosa. Araw ng Pasko noon, hindi niya na ako masyadong kinakausap. Pagkalipas ng ilang linggo, naglayas na siya. Nagparamdam man siya uli sa amin ni Mama, ayaw naman niyang tumira sa bahay kasama namin. Malayo na ang loob niya sa akin. Parang naiinis pa siya palagi kapag nakikita ako."
"E, ano ang gagawin ko? As far as I know, wala naman kaming problema," nanlulumong isinandal ni Mosa ang gilid ng ulo nito sa balikat ni Curtis. "Pa'no ko siya tatanungin kung bakit parang hindi siya masyadong nagpaparamdam sa akin nitong nakaraan? What if, nag-a-assume lang pala ako? Tamang hinala ba?"
"Kailangan ba talagang sumandal pa?" nakasimangot na bulong nito bago naglikot ang mga daliri sa camera nito na konektado sa lanyard na nakabitin sa leeg nito.
Mosa dismissed his nagging. Ever since she ended up with Claude, Curtis started being grumpy but she didn't mind. At this point, she was even getting used to it. She went on talking. "Is it the midterms? E, kailan ba sineryoso ni Claude ang exams? Ang concern lang naman niya, makapasa siya sa mga exam para hindi siya matanggal sa basketball team."
Napabuntonghininga si Curtis nang malalim.
"Curtis," tingala niya rito. She felt him stiffen in his seat. Tila ba takot na takot itong lingunin siya at salubungin ang tingin niya. "Can you please check on Claude? I will be hanging out a lot with Freya so that you can find the time to ask him what's going on. Ayokong magulat na lang na makikipag-break na pala siya sa akin!"
"Mosa," marahan niyang wika, "Claude doesn't play that kind of game. Alam nating dalawa na maiksi ang pisi ng taong 'yon, kaya kapag ayaw na niya, sasabihin na niya agad. Hindi iyong magpapaligoy-ligoy o pag-iisipin ka pa niya. In my case, Claude must have seen or discovered something that he could not tell me or Mom, kaya hindi niya sinabi sa amin kung bakit naglayas siya noon. He could have cut ties with us by telling what upset him, but he didn't. Kaya baka ganoon din ang kaso mo, hangga't hindi niya sinasabi, ibig sabihin ay wala siyang balak makipag-break. Pero baka mag-iba ang pakikitungo niya sa iyo katulad ng ginawa niya sa akin. Kaya huwag kang magpakakampante."
"Mukhang nangyayari na nga iyan, Curtis. Three times na niya akong tinanggihan na mag-hangout. Take note, those are during weekends. I'm sure he's not that busy during those days!"
Curtis let out a groan and rolled his eyes. Matagal na niya itong naoobserbahan ngunit nagtataka pa rin siya kung bakit tila naiinis sina Claude at Curtis kapag kinakausap niya ang mga ito tungkol sa isa't isa.
"Is he not answering your texts? Your calls?"
"He is," yuko ni Mosa. Nakatitig na siya sa hawak niyang cell phone. Nag-aabang siya ng tawag o text mula kay Claude pero wala pang bago na dumarating. "Pero puro k'wentuhan lang ang nangyayari at ako lang ang nagkukuwento! 'Tapos 'pag yayayain ko siyang lumabas o mag-bonding tuwing weekends, hindi raw siya p'wede. Medyo hassle naman kung weekdays kami mamamasyal o magde-date, no. May mga responsibilities din naman kasi ako sa Student Council. Lalo na 'yong Valentine's Ball."
"Well, I don't think he's planning to break up with you . . . but you have the right to be bothered," baba nito sa hawak na camera para umusod palayo sa kaniya bago humarap sa kaniya. "I will spy on him for you, okay? So that you'll finally have the peace of mind. Okay, Mosa?"
Tumango-tango siya at nginitian ang kaibigan. "Oh, thank you, Curtis! You are truly an angel!"
Napatuwid pa siya ng upo at napalakpak sa tuwa kahit may hawak na cell phone.
Samantala, hindi naman umabot sa mga mata ni Curtis ang pagngisi nito.
***
Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro