Chapter 3
#LGS2AgainstTheLight #LGS1chapter3 #LaGrilla2
***
IT was six in the evening when Mosa's final subject for the day was dismissed.
Unlike her friend, Freya, and most of her schoolmates who took up Fashion Design and Marketing, she took late afternoon classes that finished at six P.M. so that she could have one extra day alloted for her duties as the Student Council President.
Pagkatapos ng klase ay sumaglit si Mosa sa restroom para palitan ng jeans ang kaniyang pencil skirt. Tumatalilis pataas kasi ang palda niya kapag nakasakay siya sa motorsiklo ni Claude na palaging naghahatid sa kaniya pauwi sa bahay.
Paglabas ni Mosa mula sa isa sa mga gusali ng university, natanaw niya si Curtis na nakayuko sa tapat ng isang plant box. Nakadikit na naman ang kaliwa nitong mata sa viewfinder ng camera nito.
She snuck up behind him, as subtle as a fluttering feather. Then, she slowly peered over his shoulder to get a glimpse of the plant box where a green shrub was studded with small white sampaguita flowers.
She heard one click, followed by another one.
Curtis was about to stand straight by stepping away from the plant box. Ngunit nabangga ito sa kan'ya kaya gulat silang napatalon palayo sa isa't isa.
Kung siya ay natawa, ito naman ay tila napatigil sa paghinga at nanlaki ang mga mata. Nang makilala siya ay nagpakawala ito ng hininga at napailing.
"Mosa! Bakit ka naman nanggugulat!" tila panenermon nito sa kaniya.
She just hugged her sketchbook close to her chest. "Hindi kaya! Nagulat ka lang kasi wala ka nang pakialam sa paligid mo kapag may hawak ka nang camera! Hindi mo tuloy napakiramdaman ang presensiya ko!"
"O, ano pa ang ginagawa mo rito? Pagabi na. Baka hinihintay ka na ni Claude sa parking lot," simangot nito.
Mosa shrugged. "I think he can still wait a little bit. Kapag nainip naman 'yon, tatawag 'yon." Then she glanced for a second at Curtis' camera. "Tingnan natin 'yong picture mo ng sampaguita."
Tinitigan muna siya ni Curtis na para bang hinihintay nitong magbago ang kaniyang isip. Nang hindi siya nagpatinag dito ay sumilay na ang maliit at malumanay na ngiti sa mga labi nito. Umaliwalas ang ekspresyon sa mukha ng binata at excited na tumabi ito sa kaniya.
With their arms and shoulders pressed against each other, Curtis raised his camera close to his chest. Nakaharap sa kanilang dalawa ang LCD monitor nito. He pushed a few buttons and the photo he recently took showed up.
"How is it?" Curtis murmured. He sounded enthusiastic.
Mataman niyang tinitigan ang larawan bago prangkang sumagot. "Maganda naman, pero masyadong madilim."
"Pangit naman kapag ginamitan ko ng flash," anito.
"Sinubukan mo sanang kunan mula sa ibang angle. Against the light ka, e."
"Ayoko kasi na matamaan ng liwanag ang subject. I want a natural light, a little bit of the shadow of the night."
Naguguluhang nilingon niya ito. Mosa didn't mind the nearness of her face to the side of his face. She was comfortable at their nearness anyway. It was as if it was only natural to be this close to him.
"Ano ba ang point mo sa pagkuha sa picture na 'yan?"
"Natural beauty," Curtis murmured while checking another photo that he took of the sampaguita flowers.
"Ahuh," bagot niyang reaksiyon.
"Ganda na hindi kayang lamunin ng dilim," patuloy nito. "Ganda na kahit nag-uulap na sa dami ng luha ang mga mata ko o nagdidilim na ang paningin ko, kitang-kita ko pa rin."
Mosa swallowed. Napapantastikuhang napatitig siya sa seryosong mukha ng binata.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Curtis. Nagtaka yata ito sa pananahimik niya kaya napalingon sa kaniya. Tila naeskandalo ito nang mahuli na nakatitig siya rito. Mabilis na inilayo nito ang mukha't sarili mula sa kaniya.
"What?" he asked in a defensive tone.
"Wala lang," maluwag niyang ngiti. "Na-amaze lang ako sa concept mo, best."
He eyed her suspiciously. "Really? Is that all?"
Mosa could not help a wistful sigh. "Well . . . akala ko ba, ayaw mong kumuha ng romanticized na pictures? But the way you speak about your concept . . ."
"Romantic?" He scoffed and smirked, looking bewildered. "You think, I'm romantic?"
She let out a nervous laugh. "E, parang gano'n ang dating no'ng sinabi mo kanina tungkol sa—" She used a poetic tone. Tumingala pa siya at inilahad ang isang braso para may dramatic effect. "—gandang hindi kayang lamunin ng dilim!"
"Is beauty limited to romance?"
Natulala siya sa saglit dito. Lalo siyang natigilan nang titigan siya ni Curtis nang pailalim habang paisa-isang humakbang ang mga paa nito hanggang sa matawid ang espasyo sa pagitan nila.
"I think you're beautiful . . . with your diamond eyes, wet peach skin, and sunset lips," he murmured, his breath thinning as his eyes burned against hers. "But are we romancing?"
Tila may bumara sa kaniyang lalamunan. Curtis sounded so serious, his sexily pulsating words made her heart drum with tension.
"Hmm?" he prodded as his eyes seemed to pierce through her heart and soul in his desperate search for answers.
Napalunok siya at naapuhap ang sagot para sa lalaki. "No." She looked away and hugged her sketchbook tighter. "And no. Beauty is not only limited to romance. Because I think I'm pretty, too. My mom is pretty." Inirapan niya ito. "Your mom is pretty."
He frowned. "Good that you know. Now leave me alone."
For some reason, an emotional build up died from inside her chest. The frightening yet exciting feeling she gave him earlier had left and tranquility returned in her chest.
The tranquility gave her clarity. She had an enlightenment about the status of her friendship with this guy.
Tinaasan niya si Curtis ng isang kilay. "You know, noong una, okay lang sa akin ang mga inaasal mo kasi naisip ko, baka gusto mo lang na masolo namin ni Claude ang isa't isa dahil bago pa lang kami na mag-on. Pero one year na kami ng kuya mo, ganyan ka pa rin. Parang tinataboy mo 'ko palagi. Hindi mo na ba 'ko best?"
He returned his eyes on the monitor of his camera. "You're my best. Pero ang pangit naman ng timing mo palagi. Sumusulpot ka na lang kung kailan oras ko na para magpitik-pitik."
"Well, I don't know your schedule anymore," nalilito niyang sagot.
"You don't have to know. By now, it should have been obvious to you, na kung kailan libre ang oras mo, sumasakto namang schedule ko 'yon para mag-photography."
"But that should not mean, friendship over na dapat tayo, 'di ba? Pasasaan ba't magkakaroon din tayo ng time for each other." She gave him an encouraging smile.
Curtis turned to her and gave her a bored look. "And if ever we don't find the time for each other anymore, at least, I get to spend the last six years with you. That's enough for me."
Napahalakhak siya. "Grabe ka naman, best! Para kang namamaalam kung makabanat! Ano 'yan, never na tayong magkikita uli? E, sooner or later, magiging sissy mo na 'ko!"
"Sissy?" gusot ng mukha nito.
"Sister!" paglilinaw niya. "Siyempre, girlfriend ako ng kuya mo, no! Kapag ikinasal na kami, e, 'di sister mo na 'ko! Wantusawa ka na lalo sa pagmumukha ko!" tawa niya.
Curtis looked away, shook his head, and shrugged.
"Ano'ng reaksiyon 'yan? Parang ayaw mo pa, a?" natatawa niyang saad habang sinisilip ang mukha nito. Natigilan lang siya nang marinig ang matinis na pag-ring ng kaniyang cell phone. When she checked, she saw Claude's caller ID calling. "My gosh. Naubos na nga ang pasensiya ng kuya mo." She gave Curtis a quick glance as she stepped away from him. "I've got to go. Mag-iingat sa pag-uwi, ha?"
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Curtis. She turned her back on him and answered Claude's call as she took large steps to the parking lot.
"Baby, wait lang. Papunta na 'ko," Mosa reassured Claude before he could even speak.
***
MOSA clutched Claude's waist with her hands.
One stomp of his foot and his black, sexy Harvey Davidson rumbled to life. They felt the big bike vibrate against their thighs as it slowly rolled out of the parking lot. Once free from obstructions, the big wheels sped them out of the university grounds and led them to the public road.
Kahit kapwa nakasuot ng helmet, kitang-kita pa rin ni Mosa ang tila nagniningning na ilaw mula sa bawat establisyemento, sasakyan, at poste ng ilaw na kanilang nadadaanan. Gumuhit ang kontentong ngiti sa kaniyang mga labi bago dahan-dahang idinantay ang gilid ng kaniyang ulo sa likuran ng kanang balikat ni Claude.
'I can get used to this . . . Gabi-gabing nakasakay lang sa motor ni Claude. Soon, gabi-gabi na ako nakasakay kay Claude . . .' She could not help a stifled giggle. 'My goodness, Mosa! Ang haliparot mo!' saway niya sa sarili.
Saglit siyang pumikit at dinama ang suwabeng paglipad ng motorsiklo. Tila hinehele siya ng bilis nito. Eventually, serenity enveloped her whole being.
But her peaceful moment was cut short when Claude's Harley Davidson halted. It's rumble slowly died down. Mosa only opened her eyes when she felt her boyfriend straighten his body. Tumuwid na rin siya ng pagkakaupo at bumaba muna mula sa motorsiklo.
Habang hinuhubad ni Mosa ang helmet ay dinukot ni Claude mula sa knapsack nitong nakasukbit sa harapan ng dibdib nito ang sketchbook niya. She handed him the helmet and he handed the sketchbook to her.
Inabangan ni Mosa na mahubad ni Claude ang helmet nito. She could not help a smile once his handsome face was revealed before her.
His Spanish meztizo genes were really strong, but his Filipino heart held more power—because it was his heart that made her fall this deeply for him.
Excited na lumapit siya sa binata. Bago niya ito bigyan ng goodbye kiss ay bumuwelo muna siya sa pamamagitan ng pakikipagtitigan sa mga mata nito.
As their gazes locked, Claude granted her a gentle smile. "Sigurado ka ba na ayaw mong magpahatid hanggang sa loob ng gate? Malayo-layo ang lalakarin mo mula rito sa gate hanggang sa bahay ninyo."
She cocked her head to the side and smiled. "Ayos lang. Para may time akong namnamin ang halik mo bago ako makauwi at masalubong ni Mama sa pinto."
Claude chuckled. "Good night."
"Good night," she smiled.
Their faces slowly drew close to one another until they were linked by their passionate kiss.
Kapwa ayaw pa nilang bitiwan ang mga labi ng isa't isa, kaya medyo nahila nila ang mga labi ng isa't isa nang maghiwalay sila.
Mosa lowered her gaze, feeling sheepish at how intense their kiss had been. "Mag-iingat sa pagda-drive. Text me when you're home."
"I will. I love you."
She met his soft gaze. "I love you too—"
Napapitlag siya nang makarinig ng malakas na sigaw.
Awtomatikong napunta ang tingin nila ni Claude sa malaking bahay na medyo malayo mula sa gate na kinatatayuan nila. Naalerto ang dalawang guwardiya sa guard house malapit sa gate kaya nakita ni Mosa ang pagtakbo ng mga ito papunta sa kanilang bahay.
"What's that?" Claude murmured while looking at her house.
"Si Mama," aniya bago nagmamadaling tumakbo papasok ng gate.
Nagmamadaling iniwan ni Claude ang motorsiklo at nilakihan ang pagkakabukas ng gate. Pinaharurot ng binata ang motorsiklo papasok sa gate at nang naabutan siya nito ay nagmamadali siyang sumampa sa likurang upuan nito.
Nang marating ang tapat ng bahay, mabilis na bumaba mula sa motorsiklo si Mosa. Nadatnan niya ang panlalaban ng kaniyang nanay mula sa mga pagtatangka ng kaniyang tatay na hawakan ito sa mga braso. Nasa isang sulok ang dalawang guwardiya na hindi malaman kung sino sa dalawang amo ng mga ito ang kakampihan.
Then, Mosa's eyes landed on the clothes mixed with other random items on the floor of the front porch. Napansin niya na puro mga gamit iyon ng kaniyang tatay.
Kabadong ibinalik niya ang tingin sa mga magulang na patuloy ang maingay na pagbabangayan. Halos wala siyang maintindihan sa sinasabi ng mga ito kaya sumingit ang boses niya sa pagitan ng galit na mga sigawan ng mga ito.
"Mama! Papa!"
Nakailang tawag pa siya sa mga ito pero hindi pa rin napapansin ng mga ito ang kaniyang presensiya. She was about to jump between her parents when Claude swiftly pulled her by the waist. Napasandal na lang siya sa dibdib nito habang nag-aalalang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mga magulang.
"Hanggang kailan mo ililihim sa 'min 'to ng anak mo? Bakit kailangan mo pa kaming idamay d'yan sa bisyo mo!?" tili ng kaniyang nanay.
'Bisyo? Ito ba 'yong . . .'
"Papa!" sigaw ni Mosa.
Sa pagkakataong ito ay tila natauhan ang mga magulang niya. Sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya.
"Mosa, anak," humihingal na buntonghininga ng kaniyang nanay. Her gold jewelries were sparkling, but the glitter of her teary eyes outshone them.
Ang tatay naman niya ay madilim ang anyo. Gusot pa ang mamahalin nitong puting button down shirt at taupe slacks. His black shoes lost their shine as well as his dark, gloomy eyes. Naningkit ang mga mata nito habang tila nag-aabang sa sasabihin niya rito. Sumimple pa ito ng mapanghusgang sulyap kay Claude na nanatiling nakatayo sa kaniyang likuran at nakahapit ang isang kamay sa kaniyang baywang.
"Ano'ng bisyo na naman 'tong pinag-aawayan ninyo ni Mama?!" galit niyang wika sa kaniyang tatay. "Tumigil ka na sa pagsusugal, 'di ba?"
Inisa-isa ng tatay niya ang mga mukha ng mga tao sa kanilang paligid. Bukod sa kanilang apat at sa dalawang guwardiya ay dumagdag sa mga tao rito ang dalawa sa kanilang limang katulong na nakasilip mula sa likuran ng malaking pinto ng bahay.
"Sa loob na natin 'to pag-usapan," wika ng tatay niya sa mababa at magaspang na boses. Bagsak ang mga balikat na pumasok ito ng bahay. "Pakibalik sa k'warto ko ang mga gamit ko," walang-lingon nitong utos sa mga katulong na nadaanan.
Nanghihina namang nasapo ng nanay ni Mosa ang noo nito. Noong una ay parang bubuwal ito sa kinatatayuan, pero tumuwid din agad ito ng pagkakatayo kaya nakahinga siya nang maluwag kahit papaano. Nilapitan niya ang kaniyang nanay at hinaplos ito sa braso.
"Ma . . ."
Naiiyak na napailing-iling ito. "Ibinenta na ng tatay mo ang negosyo natin. Ibinenta na rin niya itong bahay at lupa."
Nagimbal siya sa narinig.
Samantala, nahihiyang napasulyap ang nanay niya kay Claude bago nito tinigasan ang anyo at nilingon ang mga guwardiya. "O, kayo! Ano pa'ng itinatayo n'yo riyan? Magbantay kayo sa gate!"
Tahimik na tumalima ang mga ito.
Nilingon naman ni Mosa si Claude. "Baby . . ."
Determination and courage replaced the worry on his face. "I'm here."
"Not now," mahina niyang pakiusap dito. Hinaplos niya ito sa dibdib, sa bandang puso, para pagaanin ang pakiramdam nito kahit papaano. "Umuwi ka na muna."
"No. You need me here," matatag nitong wika habang matiim na nakatitig sa kaniyang mga mata.
Pakiramdam niya ay matutunaw ang kaniyang puso. Claude only said five words, but their worth were millions for her already.
She gave him an apologetic smile. "I'll always need you, but I don't think, gugustohin ni Pama na kausapin ako tungkol sa problema nila ni Mapa nang kasama kita. Please, understand."
Claude stared at her for a few seconds more before he released a sigh and looked away. Tinanaw nito ang nanay niya na pumasok na sa loob ng bahay, pagkatapos ay sinulyapan ang mga katulong na hindi pa tapos sa pagpupulot ng mga gamit ng kaniyang tatay.
"I'll call you later," he said as he returned his worried gaze on her. "I have to check on you before we sleep."
Mosa nodded. "I'll wait for your call. Kapag hindi ako nakasagot, hintayin mo ang text ko. Okay?"
He nodded and bent down his head a little to give her lips a gentle kiss.
She closed her eyes and felt his kiss that left her as quick as his motorcycle did to her house.
***
Warning: 🚫
Sexual Content, Blackmail, Harrassment
MATAPOS ihatid si Mosa, natagpuan ni Claude ang sarili sa loob ng condo ni Freya. Ni hindi na siya nakasaglit sa sarili niyang condo unit para palitan ang kan'yang uniporme. Dumeretso na siya rito dahil ayaw na niyang lumabas pa sa kaniyang condo unit kapag nakauwi na roon.
Nang masolo siya ni Freya sa sala ay walang ano-anong hinubad ng dalaga ang suot na roba.
"What the fuck?" atras ni Claude, nahihindik sa hubad na katawan sa kan'yang harapan. "What are you doing, Freya?"
Ngumisi lang ang tusong dalaga. "You'll never know where I hid your video, and how many copies are made." Lumapit ito sa kaniya. "So here's the deal, Claude. Just give me a good fuck for as long as I want, and as soon as I'm satisfied, I'll delete the video and its copies."
He cringed. "How sure am I that you will delete the video if I give you that?" At nandidiring pinasadahan niya ng tingin ang hubad na katawan ni Freya. 'Ayoko. Hindi ko magagalaw ang babaeng 'to. Masasaktan si Mosa kapag sinunod ko ang gusto nito. It never even crossed my mind to cheat on her! I'll never cheat! I'll never be like my—'
"Oh, I will delete the video once we're done, Claude. You'll witness it, para makasigurado ka. Pero hangga't hindi pa ako tapos sa 'yo, this setup will go on . . . and on . . . and on . . ." haplos nito sa kaniyang mukha nang nakalapit na ito sa kaniya. Bumaba ang kamay nito sa kaniyang dibdib. . . .
At biglaan siya nitong dinakma sa pagitan ng mga hita!
Claude remained frozen. He shouldn't, but he could feel his cock hardening under his pants!
He gave Freya's face a second look. He was shocked for he never knew Freya could be attractive in a dirty, lustful way. It wasn't the kind that could make him fall in love, but the dangerous kind . . . as exciting as his favorite pastime, a deadly overspeeding motorcycle ride.
But he shouldn't fall to this trap. If he could not bear to cause a single scratch on Mosa's skin, then the more he could not break her heart!
"E, paano kung ayaw ko?" He stepped back, making Freya unwillingly lose hold of his crotch.
"Madali naman akong kausap. Ayaw mo sa kondisyon ko? E, 'di lalagyan ko ng tig-iisang kopya ng video ninyo ang mga computer sa comlab! P'wede ko rin namang i-email sa school dean. O siguro, ipa-projector screen ko na lang kaya ang video ninyo sa kalagitnaan ng Valentine's Ball party?" mahinang tawa nito. "It's gonna be a blockbuster movie night for everybody then! Instant artista na kayo ni Mosa!"
He gritted his teeth. "You're impossible."
"Look, naninigas ka na rin lang naman sa akin, Claude, bakit hindi natin samantalahin 'yan? Akala mo, 'di ko naramdaman? Pagkahawak ko sa 'yo, tumigas ka ka'gad!"
Naaalibadbaran na nag-iwas na lang siya ng tingin dito.
"So what now?" kiskis ni Freya ng mga dibdib nito sa kaniya. "Why don't we just do it now?"
"No—" tulak niya sa babae palayo. "No way!"
Disappointment was written in her eyes. "Oh really, Claude? So, wala kang pakialam kung mapanood ng buong campus na hindi na virgin si Hermosa Ocampo? Na sa school pa kayo nagmimilagro? O.M.G! Imagine, the Student Council President did that? Sa tingin mo kaya, matutuwa siya sa 'yo dahil kumalat ang video na 'yon? Mapapatawad ka ba niya?"
"Fuck you," he gritted, his hands were trembling in anger. "Fuck you, Freya! How could you do this to your friend?"
"Friend? You really know nothing," she smirked devilishly. "Kinailangan ko lang s'ya kaibiganin dahil hiningi mo sa akin ang number n'ya." She shrugged and cocked her head to the side while staring at him.
"Ibig sabihin, no'ng nagpaalam ka saglit na papasok sa classroom para tanungin si Mosa kung okay lang hingiin ko ang number n'ya—"
"I did not ask for her permission," Freya confirmed. "I just asked for her number. You know, pinuri-puri ko s'ya nang konti. Nagtanong muna akoi kung p'wede ba n'ya ako tulungang ma-improve ang designs ko. She said yes, so I asked for her number, para mate-text ko s'ya kapag may tanong ako—" She abruptly stopped speaking, threw her head back and laughed before gazing back to him while shaking her head. "Oh, my goodness, Claude! Naniniwala ka pa rin ba na natagalan lang ako that time dahil kinumbinsi ko si Mosa na pumayag na ibigay ko ang number n'ya sa 'yo?"
Lalong nagdilim ang kaniyang anyo. 'Ano ba ang gustong ipahiwatig ng babaeng 'to? That all this time, she was just hanging out with Mosa because she's actually targeting me?'
"Come on, Claude, I'm just asking for a fuck. Ang simple lang ng hinihingi ko sa 'yo. You can do it without having feelings for me."
"Why me, Freya?"
"Hindi pa ba obvious? Matagal na kasi kitang gusto! Sumingit lang si Mosa," ngisi nito na lalong nagpakulo sa dugo niya. "Well, kasalanan ko rin naman. Naging mapagparaya na akong kaibigan sa kan'ya. But enough is enough, Claude. Halos lahat kasi nasa kan'ya na— a rich family, good friends like Curtis, a respectable reputation in school, a handsome boyfriend. . ." Hinaplos na naman nito ang kaniyang pisngi na may kaakibat na nang-aakit na titig.
Hindi maalis-alis sa isip ni Claude ang mukha ni Hermosa. Kahit na may maputi at makinis na balat si Freya at malalaking mga dibdib na nagpapatigas sa maselang bahagi ng kaniyang katawan, sumisingit pa rin sa kamalayan niya ang bulong ng kaniyang konsensiya. . . .
Ang takot na mawala sa kaniya si Hermosa . . .
Pero paano nga kung ikalat talaga ng Freya na ito ang sex video nila ni Mosa?
Kapag nangyari iyon, tiyak na mawawala rin sa kaniya si Mosa. Either she would hate him or she would leave the campus out of shame and hide from everyone . . . from him even.
Claude fell into a deep thinking. 'Hindi ko naman p'wedeng idaan sa dahas ang Freya na 'to. Kulong ang aabutin ko. Isang maling galaw o salita ko lang . . . p'wede niyang sirain ang kinabukasan ni Mosa . . .'
Nadurog ang puso niya nang maalala ang hitsura ng nanay ni Mosa kanina. How the woman looked so defeated as she admitted with tears in her eyes that their house and family business were already sold out.
'And if Mosa gets kicked out from this school like Zeus, where else is she going?' He clutched his hand into a first. 'I can give her money, but what about her tainted reputation? What if something worse happens to her just because of the reputation she'll get once everybody sees that sex video.'
Bahagya niyang itinulak palayo si Freya dahil naaalibadbaran na siya sa kakahagod nito sa kaniyang dibdib, pababa sa kaniyang tiyan. He brushed up his hair with his right hand out of frustration.
'Maybe, I should do it. It's just sex. I've done it with other girls before Mosa . . . those girls that I didn't love as much as I love her!' Napailing siya. 'Still, this is wrong . . . I know this is wrong!'
He took in a deep breath. He hurried his decision-making because his current situation felt like a ticking time bomb. Kapag nainip si Freya sa kahihintay sa sagot niya ay baka kung ano na ang gawin nito!
'I'll be doing this for Mosa.' His troubled eyes were finally filled with decisiveness and determination. 'May problema na siyang kinahaharap kaya ako na. Ako na ang bahalang magbawas ng isa sa mga poproblemahin niya. I'll deal with this one . . . for her.'
When Claude glanced at Freya, he saw her smirking while undoing the top button of his shirt.
'Kapag napatulog ko na ang babaeng 'to, hahalughugin ko ang buong unit na 'to at hahanapin ang mga kopya niya ng video namin ni Mosa.'
Claude watched Freya in disgust as she resorted to stroking his arm to reclaim his attention. Then, she squeezed her breasts against him, on the spot between the bottom of his chest and the upper part of his abdomen.
'At kung hindi ko man mahanap ang lahat ng kopya niya ng video, hindi naman siguro habambbuhay na maglalaway sa 'kin si Freya. Magsasawa rin siya. Makukumbinsi ko rin siya na burahin ang video namin ni Mosa. Ang mahalaga ay manatiling sikreto ang tungkol sa video at kung anuman ang mangyayari sa aming dalawa ngayong gabi.'
Freya's patience finally ran out. "Well . . . it seems like your silence means no." Nakangusong lumayo ito sa kaniya. "Fine. Good luck na lang sa mga reputasyon n'yo simula bukas—"
"Fine!" he blurted, alarmed.
His reluctant surrender made Freya grin widely and wickedly at him.
Without caution, he grabbed Freya on her both arms and hoisted her to clung on his neck. Then, he took a quick side step, closer to the sofa where he violently tossed her.
Freya gasped as she landed on the sofa, but managed to scramble up and get seated properly. With wide-shock eyes, she watched him finish unbuttoning his shirt, followed by pulling up his white undershirt to reveal his hard body.
Pinukulan ni Claude ng matalim na tingin ang babae habang nagmamadaling niluwagan ng mga kamay niya ang kaniyang belt. He unzipped his pants. At the back of his mind, he swore it to himself that he would make sure he would fuck her so hard she would be crippled enough to feel like a garbage.
And once he gets rid of the sex video, he would throw her away like a garbage.
Claude made it a vow since he got Hermosa that he would turn anyone who would try to ruin them into a garbage.
And like a garbage, he would dispose them.
He would throw them into the deepest depths of hell in any way possible.
***
Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro