Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

#LGS2chapter18 #LGS2Action #LaGrilla

AFTER the scandal that occurred at the Valentine's Ball, Mosa headed straight back home. Suwerte siya dahil kahit natagalan siya sa pagpara ng taxi ay walang humabol o pumigil sa kaniya sa gate ng paaralan.

She managed to get home safely and even reasoned to her mother that she came early because she was not feeling well. When her mother asked about Claude, she just told her that she sent him home already because all she wanted to do was get some rest.

Mosa spent the whole Saturday morning locked in her room. Hindi naman nagduda ang kaniyang mga magulang dahil ang akala siguro ng mga ito ay nalulungkot siya dahil may bumili na sa kanilang bahay. Now that it was afternoon, Mosa was done packing three small boxes of her personal stuff.

She paused to take a breath, but her mind wouldn't give her a break. Inalala niya ang mga sinabi ng kaniyang ina sa kaniya, ilang araw bago ang Valentine's Ball. . . .

"Isang buwan na lang tayong puwedeng manatili rito sa bahay," balita sa kaniya ni Linda pagkaupo nito sa gilid ng kaniyang kama.

Mosa, in her pajamas, remained seated on her bed with her legs laid straight on it. She was hugging a pillow while silently listening to her mother. Ang kalahati kasi ng utak niya ay paulit-ulit na inaalala ang napanood niyang pagtatalik nina Freya at Claude. Hindi man niya kinayang panoorin ang iba pang video na nasa camera ni Curtis noon, sapat na ang kaniyang mga nakita para makumpirma na niloloko siya ng dalawang iyon.

"Kulang pa ang napagbentahan ng bahay bilang pambayad sa utang ng tatay mo pero binawasan ko na ng pampabayad para sa apartment na rerentahan natin," patuloy na mahinahong paliwanag ng kaniyang ina. "Maliit lang ang apartment kaya hindi natin madadala ang lahat ng mga gamit natin doon. I-empake mo kung ano lang ang mga mahalaga sa 'yo at ang mga maiiwang gamit natin ay ibebenta bago lumipat dito ang bagong may-ari ng bahay."

Mosa shook the flashbacks off her head and focused her eyes on the huge mess in her room. Nagkalat ang mga gamit dahil nahirapan siyang mamili kung alin ang iiwanan at alin ang isasama niya sa kaniyang magiging bagong tahanan. There were books and rolls of different textiles that she uses for designing; a lone white sewing mannequin was on its stand in a corner; lots of sketch pads with her fashion designs drawn on their pages; clothes, and shoes.

There were two small boxes stuffed with everything that Claude gave to her—albums full of their photographs mostly taken from photo booth machines, dried flowers wrapped in paper with dates noted on them, those small cuddly stuffed toys . . .

Mosa released a surrendering sigh. Napagpasyahan niyang iwanan muna ang ginagawa. Nasulyapan lang niya kasi ang mga regalo ni Claude ay tila nabiyak na naman ang kaniyang puso. Paano pa kaya kapag tinagalan niya ang pagkakatingin sa mga iyon?

Paglabas ng silid, sinalubong si Mosa ng nakabibinging katahimikan sa madilim na pasilyo. Ang tanging naging gabay na lamang niya ay ang liwanag na nakapapasok mula sa bukas na mga bintana na kaniyang nadaanan. Bumaba siya sa grand stairs ng mansiyon at umalingawngaw sa paligid ang bawat mabagal na pagbagsak ng kaniyang mga paa.

Walang-katao-tao sa bahay kundi siya na lamang. Kaninang umaga pa kasi umalis ang mga katulong na inabutan na ng separation pay ng kaniyang mga magulang. At kaninang umaga rin umalis ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ama ay nakipagkita sa bumili ng kanilang bahay para sa paglakad ng mga papeles na may kinalaman sa transfer of property. Ang kaniyang ina naman ay dumaan sa tailor shop nito.

Sa pagkakataong ito pa lamang niya lubusang naramdaman ang bigat ng nakaamba niyang pag-alis sa bahay na ito. It felt like as soon as she leaves this place, she will also be leaving behind the life she had here. Pakiramdam niya ay simula na ito ng unti-unting paglayo ng loob niya hindi lang sa mga taong nanloko sa kaniya kundi maging sa kaniyang mga magulang.

When she got to the kitchen, she checked the refrigerator for drinks. Bottles clinked when they were hit lightly by the water pitcher that she just pulled out. But when she was about to close the door, something caught her eyes.

She saw two six-pack cases of her father's pricey beers. Mosa could not help a scoff upon seeing her father's favorite 'coping mechanism' next to gambling. Unfortunately for them, her father did not possess the business smarts of his rich parents, or so he says. His mother died eight years ago, and his father just died four months ago. Left with a hefty sum of inheritance, Harold invested them on something he claimed to being good at—gambling and beers. Obviously, there had been zero return on investment. Worse, additional liabilities.

Habang inaalala ang kapalpakan ng kaniyang ama na lumaking nakadepende sa pera ng mga magulang ay nabuhay uli ang galit sa dibdib ni Mosa. Mas nagliyab pa ito nang maalala rin niya ang kaniyang ina na mali ang desisyon sa buhay pagdating sa pagpili ng mapapangasawa nito.

'What have I done to get a shitty boyfriend, shitty friends, and shitty parents?' she thought furiously as she put the water pitcher down on the floor and knelt to take out the beer cases.

As she carried the two cases with her up the grand stairs, Mosa went on lamenting.

'All my life, I've been nothing but a good daughter, a good friend, a good girlfriend. Nag-aral ako nang mabuti. I made an effort to be a better person to everyone. Lahat ng hiningi nila mula sa akin . . . ibinigay ko! Bakit ganito? Bakit gumawa sila ng mga palpak na desisyon sa buhay? Mga desisyon na nadadamay ako! Ako na walang kamalay-malay sa mga pinaggagagawa nila! Hindi man lang nila naisip na maaapektuhan ako! Na masasaktan ako! Na masisira ang buhay ko! Dahil sa kanila!'

As soon as Mosa entered her bedroom, she dropped the cases on her bed. Bumalik pa siya sa kusina para kumuha ng makakain bago bumalik na may bitbit na isang malaking bowl na puno ng cheese-flavored potato chips. Hindi na siya nag-abalang magluto ng makakain o magpa-deliver. She was in a haste to get drunk already.

She took one potato ship after another while alternately sipping alcohol from the bottle. Wala siyang ibang ginawa kundi ang balik-balikan ang sabay-sabay na trahedya na nangyayari sa kaniya ngayon. Wala siyang ibang ginawa kundi ang sisihin nang sisihin ang mga tao na dahilan ng kaniyang pagdurusa ngayon at sa paghihirap na posible niyang kaharapin sa susunod pang mga araw.

***

NAKALAPAG na lang sa mesa ang handset ng telepono sa kuwarto ni Freya. Sa tuwing inilalapag kasi ito ng dalaga sa receiver, walang-humpay itong nagri-ring. At kapag sinagot naman nito ang tawag, paulit-ulit lang nitong naririnig ang samu't saring mga boses na panay ang paalala rito sa eskandalong nangyari sa party kagabi.

Tinatawag na itong malandi ng mga tumatawag sa telepono nito.

Mang-aagaw.

Ahas.

Makating-higad.

Pokp*k.

Punong-puno na rin ang cell phone inbox ni Freya ng mga mensaheng may masasakit na mga salita. Tila lahat ng galit sa mundo ng mga kaeskuwela nito ay ibinuhos na ng mga ito rito.

She glanced at the telephone handset on her bedside table.

Nagdadalawang-isip ang dalaga kung ibabalik na ba ito sa receiver. Nag-aabang din kasi ito ng tawag mula sa kahit sino na makasasalba rito—ang mga magulang nito o 'di kaya'y si Claude. She could not receive any new text messages at this point because her inbox was full. She could not accept any calls because too many numbers were trying to reach her, depleting her phone's battery.

The telephone was her last hope.

Dahan-dahang ibinalik ni Freya ang telephone handset sa receiver.

Ilang segundo lang ay nag-ring ito.

Freya immediately picked up the phone.

"How are you bitch? Busy fucking around, kaya ang tagal mong sumagot?"

Napatili na lang si Freya sa sobrang galit. "Shut up and don't call me ever again!"

"So, bitch ka nga? Aminado ka pala, e!"

Galit na binaltak ni Freya ang telepono, dahilan para maputol ang linyang kinakabitan nito. Ibinato niya ito at bumagsak ito katabi ng inihagis nito kanina na cell phone sa sahig, malapit sa pinto.

Nag-iiiyak itong sumubsob sa kama.

She had another long round of muffled sobbing.

Makalipas ang ilang minuto ay nag-angat ito ng ulo. Lalong namaga ang mga mata ng dalaga dahil Biyernes pa lang ng gabi ay sunod-sunod na ang pag-iyak nito.

She cried out of fear.

Out of frustration.

Out of anger.

Namumula na sa pagkakataong ito ang mga mata ni Freya habang unti-unting gumuguhit ang desperadong ngisi mula sa mga labi nito.

Her grin, this time, was so sinister.

"I'll get back to the real bitch in this story. That Mosa probably did this! She probably encouraged the whole school to villify me! She's probably responsible for that sex video too! Hindi ko mapapalagpas ang pagpapahiyang ginawa ng santa-santitang iyon sa akin!"

Nagmamadaling bumangon si Freya. Napapitlag pa ito nang pulutin ang cell phone dahil natusok ang paa nito ng kumalat na piraso ng basag na plastik mula sa teleponong ibinato nito kanina.

"Fuck. . ." Ibinaligtad ni Freya cell phone para buksan ang likuran ng case nito. Nakapatong sa ibabaw ng baterya isang maliit na memory card.

Pumunta si Freya sa study desk nito at binuksan ang nakapatong dito laptop. Habang hinihintay na lumabas ang desktop sa screen ng laptop, naghagilap ang dalaga ng card reader mula sa magulong drawer at isinalpak dito ang memory card bago ipinasok sa USB port.

Binuksan ni Freya ang laman ng memory card at ini-play ang isa sa mga video nito. Freya flinched as soon as the clip began playing.

"Ugh," sandal nito sa kinauupuan, pinipigilan ang mapahampas sa laptop. "That disgusting bitch. Akala mo, kung sino kang malinis, Mosa. Mas makati ka pa nga kung tutuosin kaysa sa akin." Then she scoffed. "I mean, look at that! Fucking like that! At sa mismong school pa! Ang landi mong bitch ka!"

Her eyes lit up devilishly as her lips widely smiled at the same time.

"Unfortunately, you're a weak bitch." Patuloy lang ni Freya sa panonood sa video. "Sa buong school mo lang kasi ipinakita ang video ko. So, I guess it's my job to show you how it's done. Ii-email ko lang naman sa school dean at sa mga admin itong kalandian mo."

Naiihing iniwanan niya ang laptop para gumamit muna ng banyo.

***

HINDI naka-lock ang pinto. Sa palagay ni Curtis ay may bisita si Freya kaya madali niyang naitulak pabukas ang pinto ng condo unit nito. Kung siya kasi si Freya, ila-lock na nito ang lahat ng dapat i-lock dahil baka may makaisip sa schoolmates nila na sumugod dahil sa sobrang galit dito.

Last night's interrogation at the guidance office did not end well. Mahigpit silang inutusan ng guidance councilor na papuntahin sa opisina nito sa Lunes ang sinuman sa kanilang mga magulang o guardian.

The only good thing that happened that night was Curtis managed to finally interrogate Claude. Paglabas nila ng guidance office, galit na ipinaliwanag sa kaniya ng kaniyang kuya kung bakit nakikipag-sex ito kay Freya. And Curtis found him stupid, so fucking stupid! Nagkaroon tuloy sila ng napakahabang argumento. Eventually, he finally accepted that his brother might not be the sharpest tool in the shed, but at least, he tried to use his secret meetings with Freya as an opportunity to scour her bedroom for his sex video with Mosa that had to be deleted.

On the other hand, bad news was, Curtis never had a chance to confront Freya that same night. Her driver and some of the school marshalls managed to keep him away from her until she got into her car and left. She was not answering any calls or text messages since last night too. Dahil dito ay napilitan na siyang personal na puntahan ang dalaga.

Curtis entered Freya's condo unit. He looked around and he was about to call her name when something caught his attention.

A moaning sound.

It was followed by a grunt from a familiar voice.

Claude.

Mabilis na nag-init ang kaniyang ulo. 'Don't tell me that after all these chaos, those two are still fucking?'

Sinundan niya ang pinagmumulan ng tunog—ang bukas na pinto sa bedroom ng dalaga.

He stormed in, about to unleash his wrath on his brother but the emptiness of the room that welcomed him made him stop.

Nadatnan niya na naiwang bukas ang laptop ni Freya sa study desk nito. Natanaw niyang may nagpe-play na video sa screen nito. He narrowed his eyes but it did not help him see anything clearly. Nagmamadali na tuloy siyang lumapit sa laptop.

Nagimbal siya sa kaniyang nakita.

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya maipaliwanag kung ang pagbaligtad ba ng kaniyang sikmura ang nangingibabaw o ang pagdilim na ng kaniyang paningin.

Napako siya sa kaniyang kinatatayuan at tila hinahalukay nang sabay ang kaniyang kaluluwa at sikmura dahil sa kaniyang napapanood.

The truth about how passionate Mosa was toward his brother was laid right before his eyes.

Curtis never saw her burn alive before, just now.

Just at this very moment.

She was burning passionately and yet, she never looked so alive.

So full of life . . . so wild.

Her orange-tinted lips turned to moist red as they moved enthusiastically along with his brother's.

Her body pulsed and bobbed and writhed against his brother's.

This was the first time that he felt a monster gnaw his heart ferociously.

It was the most dangerous monster that ever visited his heart.

Jealousy is its name.

Isang batak lang ni Curtis sa nakasalpak sa gilid ng laptop na card reader ay tumigil na ang video sa pag-play.

Nanginginig ang mga kamay na tinitigan niya ang card reader, Dama niya ang pamamasa ng kaniyang mga mata habang pilit na pinoproseso ang kaniyang mga nakita.

"Ano'ng ginagawa mo rito!" sugod sa kaniya ni Freya mula sa kaniyang likuran.

Bayolenteng hinawi niya ang babae kaya masakit ang naging pagbagsak nito sa sahig.

"Walanghiya ka!" Lumabas ang kaniyang mga litid sa sobrang galit. "Why are you watching this video? Ano'ng binabalak mo? Ikakalat mo ito, ano? Ikakalat mo ang video nila!"

Nakangiwi ang babae sa sakit ng pagkakabagsak sa sahig, pero sa dahil sinabi niya, tila naglaho agad ang katinuan sa mga mata nito.

Tumaas ang sulok ng labi ng babae at mahinang sumagot, halos pabulong, "Tara, ikalat natin."

'Ano ang iniisip nito? Na makikipagsabwatan ako sa kalokohang 'to?'

"Hindi ka makapaniwala, 'no? Akala mo, virgin pa 'yang crush mong mapagmalinis," she laughed cruelly.

Heto na naman ang panginginig sa kaniyang bawat kalamnan. Galit ba ito dahil sa pang-iinsulto ni Freya kay Mosa? O selos dahil naalala na naman niya ang napanood na pag-angkin ni Claude sa katawan ng babaeng mahal niya?

"Don't you just hate her now? She should have reserved that precious virginity for you, right? Hindi iyong nagpatira na siya agad sa kapatid mo!"

He didn't know that his feelings for Mosa was obvious for Freya. Pero kung paano iyon nadiskubre ng babae ay wala sa mga concern niya sa mga oras na ito.

"Hindi ka man lang niya nahintay." Freya's mocking grin lifted the corner of her lips again. "So, to get even, let's work together on our revenge."

Nagdilim ang kaniyang paningin sa isiping may balak ang babaeng itinuring nilang tatlo na kaibigan na siraan ang dalawang tao na malapit sa kaniyang puso— ang kapatid at si Mosa.

Tahimik na pinanood ni Curtis ang marahang pagtayo ni Freya mula sa sahig. Akmang kukunin na nito ang card reader mula sa kaniya nang iiwas niya ang kaniyang kamay mula rito. Freya paused and gave him a testy look in the eyes before she attempted to gently take the card reader.

Again, he avoided her hand. He even stepped back.

"Hindi mo ibibigay, Curtis?" galit na anas nito sabay marahas na hablot sa kaniyang braso.

Curtis waved her hand off of him. "Hindi."

"You're such a wimp, Curtis! Duwag ka na ngang umamin sa feelings mo, duwag ka pang dumiskarte!"

"And you're dumb to think that I'll scandalize Mosa's name after figuring out that I have feelings for her."

"You're the dumb one, because you're letting go of the opportunity to wrap her around your finger!"

"What the fuck are you talking about?"

"Imagine, kapag kumalat 'yang video na 'yan, lalong magagalit si Mosa kay Claude. And whose arms is she going to run to? Yours. Her best friend."

"Stupid. She won't run to me."

"Why not? Kakailanganin niya ng karamay sa gagawin nating ito!"

Curtis chose not to answer her question. Ayaw niya kasing bigyan si Freya ng panibagong alas laban kay Mosa. . . .

"Curtis, we have to take action now! I bet, kung hindi nga ikaw ang may kinalaman ay siya na nga ang may pakana sa pagpapalabas sa video namin ni Claude!"

"Yes. We have to take action. A better one though, and not what you want to happen."

"Idiot!" Freya angrily charged him.

Pakiramdam niya ay nakalmot na siya nito sa braso kaya wala sa sarili na natampal niya ang dalaga.

Gulat na natigilan ito at napaatras. She raised her horrified eyes at him, and a traumatic experience seemed to have crossed her mind.

"P-Pareho lang kayo ng kapatid mo . . ." makahulugan nitong saad.

Wala siyang ideya kung ano ang pinagsasasabi ni Freya at ayaw niyang inihahalintulad siya kay Claude kaya dinedma na lang niya ito. Nagpupuyos na ibinulsa na lang ni Curtis ang card reader at nakakuyom ang mga kamao na iniwanan ito.

Habang mabilis na binabagtas ang pasilyo sa labas ng condo unit ni Freya, tila may malaking nakabara sa kaniyang lalamunan. Ilang beses man siyang lumunok, tila hindi iyon mawala-wala. Napahinto tuloy siya sa paglakad at nagpakawala ng malakas na sigaw bago galit na sinuntok ang pader na kaniyang hinarap.

As his fist remained against the wall, he felt his whole body tremble.

Nanghihinang bumuka ang kaniyang kamao at hinampas ng kaniyang palad ang pader.

Napayuko siya.

He shuddered his breath.

Nakaamba nang pumatak ang mga luha niya.

Muling nagpakawala si Curtis ng galit na sigaw bago mabibigat ang mga hakbang na tinungo ang elevator.

***

NAKAIDLIP na pala si Mosa dahil sa kaiiyak. Napagtanto lang niya ito nang magising na nakaupo habang nakasandal ang likod sa pinto ng refrigerator. Katabi niya ang natitirang tatlong bote ng alak sa isang animang case ng alak at ang isa pang case na walang kabawas-bawas ang lamang bote. Ibabalik niya dapat ang mga ito kanina sa refrigerator pero naunahan na yata siyang pabagsakin ng kalasingan.

Mosa looked around and noticed the silence of the house.

Tila hindi pa nakauuwi ang kaniyang mga magulang. Posible kayang pinuntahan ng tatay niya ang kaniyang nanay sa tailor shop at sabay na uuuwi ang mga ito? Dahil kung oo, tiyak na gagabihin ang mga ito.

'I need you now, Mom . . . Dad.' Then rage lit her diamond eyes. 'But as you usual, you never cared how your terrible decisions will affect me.'

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga.

"Okay na rin pala kahit papa'no pala na wala kayo rito. Ilang araw na 'kong may kinikimkim. Ilang araw nang nadudurog ang puso ko. Just for once, I am finally free! Free to let it all out!" Itinaas pa niya ang dalawang kamay at walang-ganang sumigaw. "Woo!"

Makalipas ang ilang minuto ay tumutungga na naman siya ng beer habang nag-iiiyak sa kaniyang kuwarto. Halos mawala-wala na siya sa sarili nang nakadalawang bote pa siya. Naghahalo na ang pag-iyak ni Mosa sa kaniyang pagak na pagtawa.

She cried in pain.

Yet she laughed because her revenge plan was successful.

Kung ano-ano na ang mga gamit na ipinagbababato niya. She wasn't even looking at what she was holding or what where she was throwing. Halos wala na rin naman siyang makita dahil nag-uulap sa kapal ng luha ang kaniyang mga mata. Wala na rin siyang pakialam kung tumatapon ang alak na iniinom niya sa kaniyang baba, sa kaniyang dibdib . . . sa kaniyang damit.

Napasinghap na lang si Mosa sa gulat nang may mga kamay na humawak sa mga pupulsuhan niya. Nabitiwan tuloy niya ang hawak na picture frame na may larawan nila ni Claude.

She saw Curtis snatch the picture frame away from her hand and tossed it somewhere before he pulled her to turn around and face him.

"What the fuck are you doing, Mosa?" he hissed as his concerned, bloodshot eyes scanned her face. Magulo ang buhok ng lalaki. Naka-blue jeans ito at gusot ang puting button-down shirt na may kaluwagan.

Tinawanan lang niya ito. "Shouldn't I ask you that, Cuuuurtis Saavedraaa?" She stepped back clumsily and briefly scanned him from head to toe. "Ano'ng hitsura 'yan? Ang gulo ng buhok mo . . . Ang damit mo . . ."

He pulled her close to his chest. Napapikit na lang tuloy si Mosa at napangiti nang salubungin siya ng matamis na amoy. "Bakit ang bango-bango mo?"

"I'm worried about you!" silip nito sa kaniyang mukha, emosyonal masyado ang boses. "I've been sleeping less since that fucking party last night! Ni hindi ko alam kung paano ka malalapitan nang hindi ako itinataboy!"

"Wait . . . Why should I let you come near me?' lapit niya sa kaniyang mukha rito para matamang titigan sa mga mata. "Kakampi ka nga pala ni Claude, 'di ba? Nag-e-enjoy nga pala kayong tatlo sa pagbilog sa ulo ko!"

Gulat na napatitig ito sa kaniya bago sumagot sa mababa na tono na tila kumakausap sa kawalan. "That's not true, Mosa."

"Oh, really?" pagak niyang tawa. Alam na kasi ni Mosa ang katotohanan pero heto at panay ang pagde-deny ng kaniyang kaharap. "Alam mo na pinagtataksilan ako ng dalawang ahas na iyon! Pero ano'ng ginawa mo? Hinayaan mo lang sila, Curtis!"

She tried to push herself away from his chest, but his arms securely wrapped around her waist, forbidding her to pull any inch farther away from him. Hindi niya talaga intensiyong maiyak, pero wala na, inunahan na si Mosa ng kaniyang mga luha. Tuloy-tuloy nang tumulo ang mga ito sa kaniyang magkabilang-pisngi.

"Why, Curtis? Why are you doing this to me? Best friend mo ako! Bakit hinayaan mo na lokohin ako ng mga hayop na iyon?!"

Nahirapan na siyang makawala mula sa pagkakapulupot nito sa kaniyang baywang kaya nasampal na niya ito. His face flew to his right because of the impact of her slap, but his hands remained holding on to her waist. Dahan-dahan nitong hinarap ang mukha sa kaniya at inilantad ang pamimintana ng luha sa mga mata nito.

"I am sorry," tila nanghihina nitong sagot. "I told you already . . . I just . . . I just can't tell you. I can't . . . I don't have the heart . . . It's hard . . ."

Hindi na nakasagot si Mosa sa lalaki dahil parang binabarahan na ng kaniyang paghikbi ang kaniyang lalamunan. Hirap na hirap na siyang mailabas ang kaniyang boses.

"I know you'll just get hurt," patuloy nito. Torture was all over his handsome face as he lifted his hand, and then, caressed her cheek with the back of his hand. "I-I a-am really, really, really planning to tell you, Mosa. Gusto ko lang muna malaman kung ano ang totoong nangyari, kung bakit . . . kung bakit n-nila ginawa iyon . . . But I ran out of time, I guess. As usual . . . As always . . . I always run out of time. Before I can take any action . . . it's already late . . . too late."

Mosa wildly shook her head. "Wala kang kuwentang kaibigan!"

Sa wakas ay nakasigaw na rin siya!

Tinabig niya ang kamay nito palayo sa kaniyang pisngi. "Bitiwan mo ako, Curtis! Bitiwan mo ako!"

"Fuck it. Why am I even explaining?" naaawang pasada na naman nito ng tingin sa kaniya. "Look at you . . . You can't even process what I'm saying because you're drunk. You need to sober up."

Nagulat siya nang mabilis na maagaw ng binata ang bote ng alak na hawak niya. She was supposed to grab the bottle back, but he seemed to move faster than she could!

"Stop it, Mosa!" he scolded her. "You don't need this!" taas nito sa bote ng alak bago ito ipinatong sa bedside table niya. Then, he faced her once more. "What you need is me! You need me now! You are hurting and you know that you need me at times like this!"

"I don't need you! I don't need a traitor! I don't need a snake! Pinagtakpan mo ang mga hayop na 'yon! Walanghiya ka! Hindi kita kaibigan, Curtis!"

He did not answer nor defended himself the way he used to do since last night. Instead, quickly came to wrap her in his arms.

"Bitiwan mo ako! Wala kang kuwentang kaibigan! Hindi na kita kaibigan! Let me go!"

Binigyan siya nito ng isang malakas na kabig para ilapit siya lalo rito at niyapos ng mga braso para mapatigil siya mula sa panlalaban. Nagbanggaan ang kanilang mga dibdib at kasunod niyon ang pag-angat ng kaniyang tingin.

Nagtama ang kanilang mga mata.

His lips parted and that was when Mosa realized why his hair was disheveled, why his shirt was wrinkled.

He looked like a mess because like her, he was drunk too!

The alcohol was in his breath,. The sweet scent in their nearness earlier was the reeking luxury from the classy liquor he bathed himself with!

His fiery eyes gave her a strange look before he murmured. "Yes, I may be a worthless friend, but maybe, I'll be more worthy of a human if I'll have you. Right now."

Natulala na lang siya dahil sa mga sinabi nito. Nalilitong napaawang ang kaniyang mga labi habang pilit na pinoproseso ang lahat ng kaniyang narinig. After all, she was smart because she always process things in her mind before doing anything about it. But at this point, she was at disadvantage, because it was hard to think when the alcohol already slowed down the wiring of her brain.

"Ikaw na rin ang nagsabi, hindi mo na ako kaibigan." She saw a dangerous glint in his furious eyes as he tilted his head to the right and stared into her eyes deeper. Naglaro ang sarkastikong ngisi sa mga labi nito. "Kaya puwedeng-puwede na . . ." He glanced at her parted lips. ". . . umaksiyon . . ." His gaze trailed up, back into her eyes. ". . . sa paraan na gusto ko."

At hindi na niya nalabanan pa ang marahas nitong pagkabig sa katawan niya para bumunggo siya uli sa dibdib nito.

Hindi na siya nakapanlaban nang sakupin na ng maalab nitong halik ang kaniyang mga labi.

***

Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive


IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro