Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

#LGS2chapter17 #LGS2Camera #LaGrilla

NAPAILING si Claude sa lakas ng pagkakasampal ni Mosa rito. Natigilan ang lalaki pagkasapo nito sa pisngi kaya sinamantala niya iyon para matakbuhan ito. Binangga ni Mosa ang bawat estudyanteng nakasasalubong para lang malagpasan ang mga ito. Hindi niya pinansin ang ilan sa mga nakakilala sa kaniya at sa mga tumawag sa kaniyang pangalan. Ni hindi rumehistro sa kaniyang isip kung ano ang mga sinabi o tinanong ng mga ito kahit narinig naman niya ang boses ng mga iyon. Itinatabig niya ang mga kamay na pilit na humahablot sa kaniyang braso at itinutulak ang mga katawang humaharang para pigilan siya.

"Ano ba ang gusto n'yo? Tsismis? Tsismis?!" naggagalaiti niyang iyak pagkatulak sa huling tao na humarang sa kaniya bago niya ito nagmamadaling tinakbuhan palayo. "Iyan na ang tsismis na gusto n'yo! Magsawa kayo!"

Nakahinga lang siya nang pagbuksan siya ng pinto ng mga marshall na bantay sa pinto ng gym. Sinalubong siya ng lamig ng panggabing hangin at ng itim na kalangitan na sumisilip sa pagitan ng mga school building at ng mga dahon ng punong humaharang dito.

Mosa lifted her head. She released a long, slow, and heavy sigh before it was followed by her sharp gasp and sobs that made her shoulders shake. Her hands was about to touch her face but she just dropped them down in frustration.

How she wanted to rub the tears off her face, but what if her maskara was already running?

What if she smeared off her lipstick and blush-on?

She was already a disaster! She didn't have to look the part, too!

Hinayaan na lang niyang manatiling basa ang kaniyang mukha habang tumatakbo palayo sa gymnasium. Tuluyan lang siyang pinahinto ng panlalambot ng kaniyang mga hita at binti nang marating ang parking lot. Halos mapatid pa siya dahil sa taas ng takong ng suot niyang silver ankle heels.

Puno ng mga sasakyan sa parking lot ngunit ang mga estudyanteng narito ay bilang sa daliri lamang at masyadong malayo mula sa kaniyang puwest. Nagkukubli ang mga estudyanteng iyon sa loob o gilid ng kani-kanilang mga sasakyan para gawin anuman ang trip nila. They probably noticed her presence but remained unbothered because they were not inside the gymnasium to witness what the rest of the student body had to see from that leaked sex video.

Mosa wearily sat on top of one of the yellow-striped wheel stoppers at a vacant parking lot. Hindi niya malaman kung paano pupunasan ang sariling mukha dahil naiwanan niya ang panyo sa kaniyang shoulder bag sa kanilang table sa party.

Itinukod na lamang ni Mosa ang mga siko sa ibabaw ng magkadikit na mga tuhod habang manginig-nginig na pinagmamasdan ang kaniyang mga daliri, ang kaniyang mga kamay. Nilalabanan niya ang kagustohang pumasan ang mukha kahit ikasira pa iyon ng kaniyang makeup.

'I did it . . . I did it . . .' she thought to herself. 'I prepared for this. I planned this all along . . . Pero bakit nasasaktan pa rin ako?'

She shuddered her surprised gasp when she felt a presence beside her.

When Mosa turned to her right, she saw a pair of white glittery slacks pants.

***

CLAUDE only received a slap from Mosa, but it felt like a spear had directly stabbed him through his chest. Pakiramdam niya ay tagos-tagosan siyang sinaksak at iniwan para magdugo hanggang sa mamatay.

It would be easier if he just died right on the spot, because who else could live after all this embarrassment? Who could live after receiving the most ultimate form of wrath from the one they love the most? He almost choked on his breath as he tried to hold back his tears.

Two things that Claude hated the most was to be humiliated and to lose Mosa, and taking both punches at one night was such a strong blow, enough to shake him to the core.

Natagalan bago siya nakahuma mula sa pagkakasampal sa kaniya ni Mosa. Nanlalambot pa ang mga binti niya pero kinaladkad na niya ang mga ito para hanapin ang dalaga.

Maraming humarang at humila sa kaniya, mga estudyanteng nagpupumilit na kausapin siya. May mga naglakas-loob pang batukan siya o paluin. May namato pa ng bote ng mineral water.

"Cheater!"

"Asshole!"

"Ang landi-landi mo!"

"Slut!"

"Gago!"

"Two-timer!"

"Ahas!"

"Walanghiya ka!"

Gulo ang iniiwan ni Claude sa bawat daan na kaniyang tinatahak. Sa likuran niya ay makikita ang paglaki ng gulo at pagbubuno sa pagitan ng mga school marshall at ng mga estudyanteng nagpupumiglas para mahabol siya at masaktan sa anumang paraan—sa pisikal man o sa pamamagitan ng pagmumura. May mga humaharang sa kaniya na nakatitikim na rin ng kaniyang kamao, lalo na kapag pinagtutulungan na siya ng mga ito.

And when he left the crowd, his hair and suit were already a mess.

He was already red in the face with rage as he stomped heavily and stormed past the double-doors of the gymnasium.

***

"CHEATER!"

"Asshole!"

"Ang landi-landi mo!"

"Slut!"

"Gago!"

"Two-timer!"

"Ahas!"

"Walanghiya ka!"

Taas-noo sanang sasalubungin ni Freya ang mga masasakit na salitang iyon mula sa halo-halong boses ng mga estudyante. What was there to be afraid of? If after all of this, people would just forget and move on? If after all of this, it was already guaranteed that Claude would have no one else to run to but her?

Nang ipalabas ang sex video nila ni Claude, nakaramdam ng gulat at takot noong una si Freya. She just had the faintest idea who leaked their video! Pero habang tumatagal ang pananahimik ng mga estudyante na nakapanood niyon ay unti-unting nabuo ang kumpiyansa sa kaniyang dibdib.

She felt her chest swell with pride because by watching the video, everyone could finally see how Claude looked better with her. How he looked better on her!

Napangisi pa siya habang pilit na hinahanap ng kaniyang mga mata si Mosa. Gusto niyang enjoy-in sana ang masakit na reaksiyon sa mukha nito, ang realisasyon nito na hindi ito nakaaangat sa lahat katulad ng inaakala nito.

After seeing the video, Freya was sure that people would start to understand her. Because, damn, they looked so hot for each other, so in love with each other! They kissed and fucked with so much energy! Tiyak na kakantiyawan lang sila ng mga kaeskuwela o 'di kaya'y tutuksohin. No big deal! Because, hello? Claude is a basketball player! A man. It was expected of him to play around with girls every once in a while! And she? She's single, so people will think that it isn't her fault if a man can't be loyal to his girlfriend! How many celebrities have survived sex video scandals and cheating allegations unscathed! With happily ever afters! Wala lang iyong ipinagkaiba sa kahaharapin niyang isyu!

But Freya did not expect for the event to turn for the worse!

Nang maka-recover ang mga estudyante at tuluyang rumehistro sa kanilang isipan kung ano ang kanilang napanood, doon na lumabas ang tunay na saloobin ng mga ito.

They were enraged!

The girls who recognized her immediately confronted her. May ilan na walang-pasabi siyang sinampal at sinaktan!

She should have brought some bodyguards with her! But how could she do that? E, hindi nga niya inakalang may maglalakas-loob na ipalabas dito sa university ang sex video nila ni Claude!

"How dare you do this to your friend?"

"Pinanggigigil mo 'kong doble-kara ka!"

"The audacity, right, Freya?"

"Wala kang delikadesa!"

"Ahas! Fake friend!"

"Higad! Higad!"

"May itinatago ka palang kalandian!"

"What is so fucking special with that girl? Bakit galit na galit kayong mga hayop kayo dahil lang sa Mosa na 'yon!? Hindi naman kayo ang niloko ng boyfriend niya! Mga pakialamera!" umiiyak sa galit niyang bulyaw habang nilalabanan ang mga kumukuyog sa kaniya.

Ang ilan sa mga ito ay halatang mga lasing na, kaya siguro mga wala nang kontrol sa kanilang sarili! Freya had to fend for herself as she made a quick run for her life!

"Claude! Claude!" nagmamakaawa niyang tawag nang bumigay ang high heels niya at halos paika na siya tumakbo.

At this point, Freya just wanted to be rescued, and the only person she could think of being capable to do so was him—Claude!

Lalong dumami ang bagsak ng kaniyang mga luha nang hablutin sa braso ng isang lalaki.

"Freya . . . Freya . . . wild ka pala, huh?" nakalolokong ngisi ng isa sa kaniya. He slightly slurred in speech. "Since you don't care if someone's taken or not, I won't mind if you're taken too. Show me what you got in my car!"

She tried to run away from the guy, but the heel of one of her shoes had already broken off. She was struggling to take it off while keeping her body's balance! Nahirapan tuloy siyang makakawala mula sa pagkakahablot nito sa kaniyang braso. At nandiri na siya nang kumapit na ang kabila nitong kamay sa kaniyang baywang!

"Ayoko!" sigaw niya rito habang nagpupumiglas. "Let me go!"

"Let her go!" seryosong tulak ng lalaking Student Council secretary na si Shayne sa lasing na lalaki.

May kasamang dalawang lalaking marshall si Shayne. Hinablot ng isa sa mga ito ang lalaki palayo kay Freya habang ang SC secretary at ang naiwang marshall ay binakuran siya.

"The Student Council will record your misconduct, sir!" duro pa ni Shayne sa bastos na lalaki bago tinapunan ng tingin ang marshall na may hawak dito. "Get his name, year, and department." Pagkatapos ay tinanguan nito ang kasamang marshall. "Let's go, baby."

Inalalayan si Freya ng marshall at ni Shayne sa siko. Nanginginig sa kaiiyak na ipinangtakip naman niya sa mukha ang kaniyang clutch bag habang inaasiste siya ng dalawa palabas ng gymnasium.

Bago sila nakarating sa pinto ay muling binuhay ang silid ng isang masiglang tugtugin. The energetic beat and fast tempo successfully distracted the students, pulling them back to their partying mood.

***

MABILIS na iniiwas ni Mosa ang tingin sa bagong dating. Naramdaman na lang niya ang pag-squat nito sa tabi niya dahil wala nang espasyo sa wheel-stopper para dito.

Umusod si Mosa sa dulo ng wheel-stopper para layuan si Curtis pero isa pala iyong pagkakamali, dahil sinamantala iyon ng binata para makaupo sa kabilang-dulo ng wheel stopper.

Ikinandong nito ang isang pamilyar na bag, ang kaniyang purple clutch bag.

Mosa heard his deep inhales, struggling to harmonize with her gaspy whimpers as she swallowed her sobs to be composed somehow in front of him.

"Mosa . . ." he softly murmured.

She ignored him by lowering her head, allowing her hair to curtain her face away from his view.

He sighed reluctantly. "Best . . ."

"Don't call me that!" mabilis niyang tingala rito. "Don't you—" Nanginginig sa galit na dinuro niya ito. "—ever call me that!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Curtis. Gumuhit ang matubig na sakit sa mga mata nito habang malumanay na nagwika, "Sina Claude lang ang nanloko sa 'yo. Bakit pati sa 'kin, nagagalit ka?"

"A, talaga!?" Lumunok siya para labanan ang panginginig ng kaniyang boses. "Talaga? Sila lang? Sigurado ka? Kasi sa pagkakaalam ko, galing sa camera mo 'yong video na napanood nating lahat kanina!"
Namilog sa gulat ang mga mata nito. "P-Pa'no'ng—"

"I broke one of your rules, Curtis!" she seethed. "I looked! I looked at the pictures in your camera! I saw that fucking video! I saw it all! And you know it all! And you didn't fucking tell me a thing about it!"

Panic arose in his eyes. "M-Mosa, ano kasi . . ."

"Because what? You'd rather that I stay blind to protect your brother? In the event of who you should choose between your brother and your best friend, using what's right or wrong as a basis is supposed to help you make the right decision!" Hindi na niya napigilan ang sarili. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang ulo at dibdib sa sobrang pamimigat ng mga emosyon na lumolobo sa loob ng mga ito.

Tears rimmed Curtis' eyes. He spoke slowly, as if he was struggling with his emotions that dragged his words along his throat. "But w-what is the right decision . . . Mosa?"

She gasped in shattered disbelief. "Y-You . . . You can't even fucking tell? You don't know what's right or wrong? Curtis?"

Naiiyak na tinitigan siya nito sa mga mata. "What is the right decision? It is r-right to tell the truth . . . but is it right to break your heart?"

"What the fuck are you saying?" Her voice strained with frustration. "Ano? Hahayaan mo na lang akong lokohin ng dalawang 'yon dahil ayaw mong masaktan ang feelings ko? I don't believe you! I can't believe you! When I saw that video, I hoped that you're just taking some time to muster the courage to tell me about it! I understand that it's hard on your part! I tried to understand, kasi best friend kita! So, I waited, Curtis . . . I waited!" She choked a sob on her every pause. "Kasi akala ko, okay lang kung mawala sila . . . kasi may matitira pa naman sa akin! Ikaw . . ." panlalambot ng kaniyang tinig bago muling nabuhay ang galit dito. "Pero hindi! Kasabwat ka nila! Isa ka rin pala sa mga taong ititikom ang bibig kahit nakikita mo na niloloko na ako ng iba!"

"Mosa . . ." he begged, but she didn't want to hear any of it anymore.

Hinablot niya ang kaniyang bag mula sa kandungan nito. "No, Curtis! Of all the people, I expected the most from you! Dahil kumpara sa kuya mo at kay Freya, ikaw ang best friend ko! Ikaw itong matagal kong nakilala at nakasama! I thought, I know you! I thought that all these years, you're one of the only few who consistently cares about me!"

"I care about you!" he declared fiercely, contrasting the shining tears that filmed his eyes.

"No, you don't! You'd rather that I get cheated on and waste my years with the wrong man!"

Natigagal na napatitig ito sa kaniya. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito.

"The longer that I stay with the wrong man, the more that I am chipping away! Until I am not the girl you used to know!" Hagulgol niya. "Can't you see? Haven't you even damn noticed? Not just once? That I don't feel like myself anymore, Curtis! Because Mosa is pretty, and smart, and she has true friends, and a loyal best friend! At itong babaeng nasa harap mo? Hindi siya 'yon! Hindi siya ang taong iyon! Because for quite some time, I feel so inadequate! I thought I'm a good girlfriend but apparently, I'm not, because I can't satisfy my boyfriend! I used to think I'm smart, but now, I don't think I deserve to be the SC president, kasi tanga ako! Napakatanga ko! Ang tanga-tanga ko para maloko ninyong tatlo! You, Freya, and your brother!"

Pinalakas at pinatigas ng galit ang mga tuhod ni Mosa. She shot up from her seat and immediately left Curtis.

She hadn't decided yet how to get to her house, but she just kept walking up to the school gates anyway.

She had to get as far as she could from the scene of the crime.

***

TUMAYO si Curtis at lumuluhang tinanaw ang paglayo ni Mosa. Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Claude mula sa kaniyang likuran.

"You!"

Paglingon niya ay nakita niyang pasugod na ito sa kaniya. Namumula sa galit ang mukha ng kaniyang kuya! Gusot ang suit nito na may mga parteng nabasa ng mineral water at magulo ang buhok! Ang malala pa rito, nakabuntot dito ang ilang marshalls at student council officers. Akay ng dalawa sa mga ito ang magkabilang-siko ni Freya.

Freya was a mess! Her hair was disheveled, her arms were reddish. Curtis couldn't see her face clearly as it was shadowed by the clutch bag she was holding to cover herself, but he could see a glimpse of her lips quivering. Nakapaa na itong naglalakad dahil nawawala ang isang sapatos habang bitbit ng SC secretary ang kaliwang sapatos ng dalaga.

Ibinaba ng dalaga ang clutch bag na patakip nito sa gilid ng mukha nang matanaw siya.

"Curtis . . ." she seethed.

Claude was about to charge him first, but something caught his brother's attention.

It was Mosa, hurrying away from the parking lot. She was possibly heading to the gates of the university.

"Mosa!" dagundong ng boses ni Claude sa buong parking lot. May mga walang-kamalay-malay na nakatambay roon na napatingin tuloy rito.

Akmang hahabulin na ni Claude ang dalaga nang hablutin niya sa braso. Curtis wouldn't let Claude get close to Mosa given how hurt she was. She should be given some space to recover from everything that she discovered!

Maangas naman na tinabig siya ng kapatid at tiningnan nang masama. "Tarantando ka! Hindi mo alam kung ano'ng gulo itong sinimulan mong hayop ka!"

Natigagal siya saglit habang nagugulohang nakatitig sa hila-hila niyang kapatid. "Ano'ng sinimulan ko na naman, aso?"

"Nagmamaang-maangan ka pang hayop ka! Ikaw lang naman ang hayop na kumuha ng video namin ni Freya!" hablot sa kaniya ni Claude sa kuwelyuhan.

"What makes you think na ako ang nagpa-public viewing ng video n'yo—" Naputol ng gulat niyang singhap ang kaniyang sasabihin nang hablutin ni Claude ang camera na nakasabit sa leeg niya.

"Ang dapat dito, sirain! Kasama na ang iba mo pang camera collection!" gigil nitong batak kaya naghilaan na sila sa kaniyang camera. "Some people are not supposed to get gadgets like this! Dahil inaabuso n'yo 'to!"

"Don't! Narito ang picture para sa project ni Mosa!" naiiyak niyang hila habang nararamdamang unti-unti na siyang natatalo ng lakas ng kaniyang kapatid.

Bago pa nakapagsalita si Claude ay pinaghahahampas na siya ng clutch bag ni Freya. Naghiwalay tuloy silang magkapatid at napayakap siya sa kaniyang camera habang nakayukong tinatanggap ang mga panghahampas ng babae.

"Fuck you! Fuck you! Fuck you!" naggagalaiti nitong tili. "You treacherous snake! Kaya pala insist ka ng insist na bumisita sa condo ko! You probably schemed this! You asshole!"

Mabilis na inawat ng mga marshall at ilang SC officers si Freya.

Tatakas naman sana si Claude para habulin ang nakalayo nang si Mosa pero hinarang ito ng ilang mga marshall.

"Kung ako sa 'yo, p're, huwag ka nang magtangkang umalis," ani isang marshall.

"Kailangan kong habulin ang girlfriend ko. Naiintindihan mo?" maangas na anas ni Claude dito.

"Hindi puwede," ani Destiny, ang bise-presidente ng Student Council na nakasuot pa ng puting long gown. Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa kanilang tatlo. "Kayong tatlo, sumama kayo sa amin sa guidance office!"

Curtis anxiously lowered his teary eyes and held his camera that hung around his neck with both hands.

***

Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive

OFFICIAL NA, PUWEDE NA! 💜✨ La Grilla Series 1: Come Here will 'come here' into our homes and arms soon, now that you can pre-order my first ever self-pub book!


IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro