Chapter 14
#LGS2BlueGinger #LGS2chapter14 #LaGrilla2
***
"DID she just walk out on me?" nagtatakang bulalas ni Curtis sa sarili.
Katatapos lang niyang punasan ang ice cream na pumatak sa kaniyang pantalon nang mag-angat ng tingin. Kinabahan siya nang makitang wala na si Mosa sa puwesto nito. Nang matanaw na tinapon ng dalaga ang ice cream cone nito sa basurahan, nagmamadaling kinolekta ni Curtis ang mga gamit.
Hinabol niya si Mosa hanggang sa masabayan niya ito sa paglalakad sa pasilyo ng isa sa mga school building.
"Hoy, bakit naman bigla-bigla kang umaalis?" nag-aalala niyang sulyap dito.
Nanatili sa harap ang tingin ni Mosa. "Sorry," anito sa patay na boses. "May naalala lang ako."
"Well, at least, tell me!" Hindi niya napigilan ang bahagyang pagtaas ng tono ng pananalita.
Napalingon sa kaniya si Mosa at napatitig sa kaniya ng matiim. Kinabahan tuloy siya. Tila makahulugan kasi ang pagkakatingin ng dalaga sa kaniya. Tila ba, nairita ito bago nahaluan ng pang-uuyam ang emosyon na sumasalamin sa mga mata nito.
Then, she continued walking with her lips curled in a way that seemed to supress her chuckle. Curtis was subtly panicking because he didn't know what he said that she found to be humorous again. Palagi na lang kasing natatawa ang dalaga sa mga sinasabi niya kahit wala namang nakatatawa sa mga iyon. Lalo na iyon mga bitter niyang hirit o mga sarkasmo.
Nakarating sila sa locker area na nasa pasilyo ng gusali. Mosa accessed her own locker and pulled out her shoulder bag along with her laptop bag.
"Sorry if I raised my tone earlier. I'm just worried," mas mahinahon niyang saad habang pinanonood ang pagsukbit ni Mosa sa mga gamit nito. "Nadatnan kasi kita kanina sa library na namamaga ang mga mata. Halatang kagagaling mo lang sa pag-iyak."
Isasara na sana ni Mosa ang locker nito nang matigilan at matulala.
"Knowing that it's my brother who caused you that pain . . . I can't help feeling responsible for it too."
"Why would you be responsible for it, Curtis?" mahinang tanong ni Mosa habang nasa locker pa rin nito ang titig.
Napalunok siya. Mabigat at makatuwiran naman din kasi ang tanong ng dalaga sa kaniya. Because why would he or how could he even take responsibility of someone's pain if he didn't know what exactly caused it? Oo, nag-away na naman sina Mosa at Claude, pero tungkol saan naman ang pinag-awayan ng mga ito? Wala siyang kaalam-alam! Sa palagay rin naman ni Curtis, wala iyong kinalaman sa pagtataksil nina Claude at Freya kay Mosa. Knowing Claude, he would definitely never confess the truth unless provoked. . . .
Tinimbang muna ni Curtis ang mga sasabihin bago nanghihinang sinagot si Mosa. "Nagkakilala kasi kayong dalawa dahil sa akin."
Again, there was something about her suppressed smile. It was as if she was trying to stay patient with him. Her diamond eyes shone with tears and disappointment.
"Ano ba ang . . . ang pinag-awayan ninyo?" iwas ni Curtis ng tingin dahil naghihirap ang kalooban niya sa isiping nadidismaya pati sa kaniya si Mosa. "Baka makatulong ako. Kakausapin ko si Kuya."
He heard Mosa take in a deep breath. It took her a while to respond. "Hindi nga kayo magkasundo ng kuya mo, kaya paano makakatulong ang pagkausap mo sa kaniya?"
Para siyang sinaksak sa dibdib sa narinig. Pakiramdam niya ay talagang makatarungan ang pagkadismaya sa kaniya ni Mosa, dahil ngayon pa lang ay binibigyang-linaw na ng dalaga na wala siyang maitutulong dito.
"I suggest that you stay away from the both of us," she continued. Sa pagkakataong ito, mas matigas na ang boses ng dalaga. Bahagyang napapiksi pa ang mga balikat ni Curtis nang maingay na sumara ang pinto ng locker nito. It was followed by the clinking of the key being turned. "Unless you have something very important to say."
Napaangat siya ng tingin kay Mosa. 'Something important to say? What is she expecting for me to say?'
Tumalikod na si Mosa at lumakad palayo sa kaniya.
"She's so disappointed in me," he moaned in a whisper to himself as he watched her leave. Humigpit pati ang pagkakayakap niya sa kaniyang camera at ilang mga accessory nito na kanina pa niya dala. "Para akong mamamatay. . . ."
Sa sobrang panlulumo at panlalambot ng kaniyang mga tuhod ay hindi na niya ito sinundan pa.
It took Curtis one day of cooping in his room—groaning and whining—before recovering from his last conversation with Mosa last Wednesday. He skipped the two classes he was scheduled to attend at on a Thursday. Hindi rin siya nakatiis kaya pagkadilat ng mga mata nitong Biyernes ng umaga ay nag-text siya rito.
From: Curtis
To: Mosa
Lunch tayo?
He remained glued to his bed as he waited for her reply. It was a Friday and his first class for the day would start at one in the afternoon, that was why he was not in any hurry to get up.
Nang mainip ay muli siyang nagpadala ng text message dito. Hindi niya ito tinatawagan dahil baka makaabala siya sa anumang klase, meeting o extra-curricular activity na pinagkakaabalahan ng dalaga.
From: Curtis
To: Mosa
My treat. Just wanna make u feel better.
Then another text followed it.
From: Curtis
To: Mosa
We can dine outside. If u dont want sa canteen.
After sending the text, he stared at the cell phone screen impatiently. 'She should be able to reply. She's using postpaid!'
From Curtis
To: Mosa
Not very Italian-style but msarap ang spag sa Isagani's.
After sending his last text message, Curtis groaned at the realization of how he was behaving.
'Maaan! You sound so desperate!' sapo niya sa sariling noo bago ito marahang tinuktukan nang ikinamao niyang kamay.
He shut his eyes tightly, so ashamed that he could not even bear to see himself. But even with his eyes closed, Mosa could smoothly walk into his thoughts.
Her voice resounded in his mind.
"I suggest that you stay away from the both of us. Unless you have something very important to say."
"But what should I say?" he groaned to himself as he weakly opened his eyes. "Hindi ko naman puwedeng sabihing may importante akong sasabihin kahit wala naman. She'll be more disappointed with me once we meet up and she sees that I just lied to see her."
Then, he paused.
"Si Claude. I almost forgot . . ." Nangalit bigla ang kaniyang mga ngipin. Tumalim ang kaniyang mga mata. "I need to confront him first about Freya!"
Nagmamadaling bumangon si Curtis mula sa kama. He quickly took a shower, got dressed, and headed to the dining area while checking his wristwatch.
Alas-nuwebe na ng umaga, pero siguro naman ay mapapakiusapan pa niya ang ilan sa mga katulong na ipaghanda siya ng makakain. Sa mga oras na ito, posible ring wala na sa bahay ang kaniyang nanay dahil dumeretso na sa opisina nito sa STech.
Wala pang isang taon ang STech, ang kompanyang itinatag ni Claudia Saavedra nang mapansin nito ang pag-uptrend ng produksiyon at pagkonsumo ng mga cell phone. She was quite ahead of her time, since she registered the company in late 2003, at the dawn of Philippines becoming the cell phone capital of the world. Ang STech ay distributor at reseller pa lamang ng mga cell phone spare parts at accessories, but it was aiming to become a manufacturer soon. Curtis knew this because there were occasions when he would happen to overhear his mother talking about these things to her associates over the phone.
Curtis got seated on the dining table. Nang may lumabas na katulong mula sa kusina ay pinakiusapan niya itong ipaghanda siya ng makakain dahil maaga siyang papasok sa university. Pagkatapos, tinawagan na rin niya sa cell phone ang driver na si Manong para ipaalam dito ang panibagong schedule ng kanilang pag-alis sa bahay.
His hands remained busy after that. While waiting for his late breakfast to be served, he sent another text message to Claude.
From: Curtis
To: Claude
C U at the school garden. Lunch break.
From: Curtis
To: Claude
Ikaw lng ang ppunta. Dont tag along anyone w/ u.
As Curtis pocketed his cell phone, he breathed out a heavy breath through his nose.
'Sana lang talaga, huwag na siyang magsama ng kahit na sino. Para makapag-usap na kami nang maayos.'
***
MAGKASALUBONG ang mga kilay na nilisan ni Claude ang basketball court ng university. May klase pa siya ng 11 a.m. pero bago dumeretso roon ay obligado pa siyang makipagkita sa kaniyang magaling na kapatid.
'Bakit hindi na lang niya sabihin sa text o itawag? Bakit kailangan pa naming magkita? No'ng Wednesday, nagyaya rin siya sa school garden pero wala namang sinabing may katuturan!'
As he walked the courtyard between two school buildings, Claude harshly combed up his hair with his fingers. Then he shrugged his shoulder to readjust his red knapsack that hung there.
'I have more important things to deal with. Mosa . . . She's been giving me the cold shoulder for days now. All because of that stupid argument at the restaurant.'
Nang marating ang school garden ay may mangilan-ngilang estudyante rito. Naiirita man, nakahinga pa rin nang maluwag si Claude dahil pumuwesto si Curtis sa bench na malayo sa mga tao. The bench was on the far left corner of the garden. Natatabunan ang view ng wodden bench ng mga namumulaklak na halaman sa garden bed na pinakasentro ng hardin. Nakita lang niya si Curtis dahil nakatayo ito na tila ba tinatanaw siya.
Claude walked around the garden bed and as he neared its end corner, he noticed a beautiful plant with violet blue flowers with multiple buds blooming on a single green stem. He coolly reached for a stem and snapped it out of the plant.
'Mosa will like this,' he thought as he glanced at the flower. The Blue Ginger flower swayed along with his hand on his side before the soft expression in his eyes was replaced by a dark, piercing gaze for Curtis as he stood in front of him. "I only have a few minutes. Eleven ang start ng first subject ko."
Kumunot ang noo ni Curtis at tumutok ang mga mata nito sa hawak niyang bulaklak. "Bakit mo pinitas?"
"Bakit? May magagalit ba?" nang-aasar niyang ngisi rito. "Wala namang makapapansin."
Mabilis na nagdilim ang anyo ni Curtis. Nag-angat ito ng matalim na tingin at nakipagtitigan sa kaniya. "Wala rin bang magagalit dahil walang makapapansin kaya pitas ka nang pitas ng mga bulaklak sa tabi-tabi?"
Hindi niya alam kung ano ang ipinupunto ni Curtis pero pakiramdam niya ay nag-akyatan na agad ang lahat ng dugo sa kaniyang ulo. There were times when his body was more receptive than his mind. It already knew what was up before his brain could even process it. Kaya siguro matinik siya sa basketbol, his senses were spidey and his reflexes were quick. Before he could come up with a strategy his swift moves and instincts already saved the team.
"Claude," ani Curtis bago pa siya nakapagsalita, "alam ko kung anong kagaguhan ang pinaggagagawa mo sa condo ni Freya."
Nangalit ang kaniyang panga. Nanlisik ang kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng kumukulong tubig dahil sa lahat ng puwedeng makadiskubre sa namamagitan sa kanila ni Freya ay si Curtis pa! Itong magaling niyang kapatid na anumang oras ay puwedeng gamitin ang lihim na ito para maagaw sa kaniya si Mosa!
"Anong katarantaduhan na naman 'to, Curtis?" anas niya. Hindi niya napigilan ang bahagyang pagtaas ng kaniyang boses. "Dahil ba 'to sa mga tsismis nitong nakaraan? 'Yong pagpunta ni Freya sa basketball court? I bet, your fucking classmates are also talking about Mosa's cold treatment toward me in public lately. Huh?"
Galit na nakatitig lang si Curtis sa kaniya. Malamang nag-iisip na ang magaling niyang kapatid ng maipambabara sa kaniya. But as usual, Claude would not give this rat a chance. Never!
"At ano? Akala mo, may alas ka na para maagaw si Mosa sa akin? Are you going to use these shitty rumors to break us apart?"
He was about to speak when Claude continued fiercely.
"Oh, great! I bet, you're the one who's poisoning her mind as well! Ikaw, 'no? Ikaw siguro ang nagsusulsol kay Mosa na huwag akong kausapin! Na huwag akong pansinin! Na iwasan ako!" Pakuyom na niyang hawak ang isang tangkay ng blue ginger. "Why won't she heed your advices? Ikaw lang naman 'yong 'best friend' kuno! 'Best friend' na pinagnanasaan ang best friend niya!"
He saw how Curtis' lips quivered gently. "May ebidensiya ako na ilang linggo mo nang ikinakama si Freya. At ayokong sa akin mismo manggaling ang masamang balita, kaya kung ayaw mo na kay Mosa, palayain mo na siya, Kuya."
His fury was shadowed with doubts. The moment Curtis mentioned about an 'evidence' Claude felt the ground tremble beneath his feet. Pakiramdam niya ay mabubuwal siya sa kaniyang kinatatayuan dahil unti-unting nagiging malinaw sa kaniya na unti-unti na siyang matatalo sa labang ito.
Sa laban na hindi niya matatanggap na ikatalo niya!
Mas hindi katanggap-tanggap kung ang tatalo sa kaniya ay si Curtis mismo!
"I don't have the heart to break her heart," Curtis continued, as if he was struggling to breathe. His brother's anger toward him was getting softened by an indescribable pain that writ in his eyes. "Kaya pakiusap, umamin ka na kay Mosa at humingi ka ng tawad sa panggagago n'yo ni Freya sa kaniya. Because you know it yourself, Kuya, that Mosa doesn't deserve to be treated as shitty as this!"
Marahas na lumingon sa paligid si Claude bago hinablot nang mahigpit sa mga braso si Curtis. Galit na sinalubong ng mga mata niya ang nagmamakaawang tingin ng kapatid.
"Wala kang sasabihing kahit na ano kay Mosa. Maliwanag? Ibigay mo sa akin kung anuman iyang ebidensiyang sinasabi mo at itikom mo iyang bibig mo!"
"Bakit ba ayaw mo siyang pakawalan kung may iba ka na? Ano ba ang nagawa niya para gustohin mong pahirapan siya nang ganito?" nanghihinang tugon ni Curtis sa kaniya. It was as if his brother was holding back his tears. "Are you really cheating on her to hurt her? Or are you doing this to hurt me?"
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"
"Dahil alam mo naman, 'di ba? Alam mong anak ako sa labas," pangingilid ng mga luha nito.
Natigilan si Claude sa kaniyang mga narinig. Tila narinig niya ang pagkabasag ng puso ng kaniyang kapatid. At kung luha ang tumagas mula sa nabasag na parte ng puso nito, nagliliyab na galit naman ang nabuhay sa kaniyang mga mata. Galit na hindi mapapawi ng anumang luha o tubig!
"Kaya ka galit sa amin ni Mama, 'di ba? Kasi anak ako sa labas. Kasi niloko niya ang papa mo," mangiyak-ngiyak nitong saad. "Kaya ka naglayas, 'di ba? Dahil no'ng Pasko na 'yon, narinig mo ang pag-uusap nila! Ni Mama at ng tunay kong ama!"
Marahas niyang binitiwan sa mga braso ang kapatid. "Akin na ang ebidensiyang sinasabi mo," mariin niyang wika.
"Bakit muna? Bakit ko ibibigay iyon sa 'yo? Bigyan mo ako ng magandang dahilan para hayaan kitang lokohin mo si Mosa!"
"Hinaan mo 'yang lintik mong bunganga, Curtis! At akin na ang ebidensiyang sinasabi mo!" galit niyang sagot sabay kabig nang malakas sa braso nito.
Nanghihinang napaatras si Curtis habang umiiling. "Confess to her! Ikaw at ang Freya na 'yon! Umamin na kayo at humingi ng tawad sa kaniya!"
"Why would I do that, idiot? Huh? Bakit ko isusuko si Mosa? Kung anuman ang nakita mo sa lintik mong ebidensiya na 'yan, wala 'yang katuturan dahil wala kang nalalaman!"
"That's why you have to explain it to me! Ang sabi ko, bigyan mo ako ng magandang dahilan para hayaan kitang lokohin siya!"
"Wala akong ipapaliwanag dahil hindi ka parte ng relasyon namin! Kaya huwag kang makialam!" asik niya sabay sugod sa bench kung saan nakapatong ang bag ni Curtis. Nanginginig ang kamay sa galit na hinablot niya ang bag nito. "Kung naagawan noon ng tatay mo ang tatay ko, puwes hindi kita hahayaang maagawan mo 'ko!"
At mabilis siyang tumakbo para hindi maagaw ni Curtis ang bag nito mula sa kaniya.
Habang tumatakbo, namumula ang mukha niya sa galit. Maging ang palibot ng kaniyang mga mata ay namumula dahil sa pagpipigil niyang maluha sa galit, sa takot.
***
Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! 💜✨ La Grilla Series 1: Come Here will 'come here' into our homes and arms soon, now that you can pre-order my first ever self-pub book: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro