Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

#LGS2Icon #LGS2chapter13 #LaGrilla2

***
INAKALA ni Mosa na bumalik na sila ni Claude sa dati. Nang maglakad kasi sila patungo sa parking lot ay napakalambing nila sa isa’t isa. They shared a few kisses while no one was around before they hopped onto his motorcycle.

Kahit mainit dahil tanghali, pinaypayan naman si Mosa ng hangin na dulot ng bilis ng motorsiklong sinasakyan niya. She hugged Claude from behind like what she usually do, and this familiar feeling brought back her sense of comfort and security whenever she was with her boyfriend.

Pero nang makarating sila sa restaurant, hindi pa pala sila bumabalik sa dati.

Halos siya lang kasi ang dumadaldal habang hinihintay nila ang mga in-order na pagkain. Pinilit na lang din niyang magsawalang-kibo ukol sa nahalata niyang pamimigat ng mga mata ni Claude na para bang inaantok pa ito.

When their food came, she carefully observed him. Tila gutom na gutom ang lalaki.

“Parang hindi nakapag-breakfast ang babe ko, a?” hilig niya ng ulo habang amused na nakatitig kay Claude.

Nag-angat lang ito saglit ng tingin, pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang pagkain.

“I ate a little,” he mumbled in between his bites. “I haven’t cooked a heavy breakfast because I woke up late.”

“Oh, why?” naaawang ngiti niya rito. “Hindi ba, ang tinext mo, maaga kang nakatulog kagabi sa sobrang pagod sa practice? Extended kayo ng one hour, ’di ba? Kaya nga hindi ka na nakapag-good night sa akin.”

“Yeah,” he replied coldly, his eyes avoided hers as he swallowed his food. “But I got fucking tired, okay? Sleep is not enough to get me well-rested. Hindi ka ba naniniwala sa akin?”

Napayuko na lang siya. “Hindi naman sa gano’n. You just look tired.” Tinatagan niya ang sarili para makapag-angat uli ng tingin at matitigan si Claude sa mga mata. “Sabi ko naman kasi sa ’yo, e, mahirap mamuhay nang mag-isa. You might still need to stay with your mom, para, at least, pagkagising mo, your breakfast is already on the table.”

“I’m already old enough, Mosa, okay?” kunot-noo nito. “I can manage. Everything’s okay, hmm? Magkaroon ka naman ng kahit kaunting tiwala sa akin.”

May hindi tama sa tono ng pananalita nito. “Why do you sound so upset? Nagpaparinig ka pa tungkol sa pagtitiwala? Akala ko, kalilimutan na natin ang pinag-awayan natin last week?” She sighed heavily before proceeding as calmly as she could. “I just want to help! Lately kasi parang hindi mo nama-manage nang maayos ang oras mo. I know you, Claude, you are organized with everything. Lahat ng bagay at tao sa buhay mo, nabibigyan mo ng pantay-pantay na atensiyon dahil kapag oras na para sa isang bagay, focused na focused ka na ro’n. You have never even woken up late in your life because you started living independently at a very young age!”

“What about you? Why do you ask so many questions? You are not like that before, babe,” nagtitimping anas nito.

Nahigit niya ang paghinga bago sagutin ang lalaki. “You are also not like that before, babe. Dati, updated ako sa mga happening sa buhay mo. Now, I don’t know!”

“Accept changes, Mosa, okay?” He let out a ragged, breathy sigh. Pagkatapos at pagod na initsa nito ang tinidor sa pinggan kaya kumalansing ito. Then, Claude returned his pleadig  eyes on her. “Please, babe, intindihin mo na lang ako, hmm?”

“I am trying to, but I don’t know what to understand. You can’t even explain to me what changes I should accept that you are talking about. Nagugulohan na ako kasi dapat, magkabati na tayo ngayon, hindi ba? I already apologized for listening to that rumor about you and Freya. Kaya ang sabi mo naman, kakain tayo sa resto na ito para makabawi ka sa akin, pero bakit parang wala ka pa rin sa mood?”

“I don’t have anything to explain, babe. All you have to do is try to understand me, okay? And stop suggesting that I should go back to my mom. Alam mo naman na ayaw na ayaw kong makasama sila ni Curtis, ’di ba?”

“What should I try to understand when you’re claiming that you have nothing to explain?” she hissed. As much as possible, Mosa did not want to raise her voice and make a scene.

“Understand that I am just a little tired!” he blurted angrily. Tila nasagad na talaga ang pasensiya nito. “Sorry kung sa kauna-unahang pagkakataon, na-late ako ng gising! Sorry kung napansin mo na ang lakas kong kumain! Damn it, Mosa! Pagod na nga ako, i-stress-in mo pa ako lalo sa mga pagdududa mo! Oo, pagdududa! Iyon lang naman kasi ang dahilan kaya konting late ko lang ng gising o dami ng pagkain, e, tinatanong mo pa!”

Mosa never felt this humiliated in her life. Hindi man niya lingonin ang mga kasabayan nilang kumain, damang-dama naman niya ang tingin ng mga diner sa kaniya. She immediately picked up her bag with her shaky hands and put it on her left shoulder.

“Where are you going?” madilim ang anyo na sunod ng tingin ni Claude sa kaniya.

“I guess I should go back to school. Hahanapin ko pa si Curtis para ibalik ang digicam niya.”

“Hindi mo ba ako kayang intindihin sa mga panahon na kailangan ko ng pang-unawa mo, babe?” pahabol nito.

Hindi malaman ni Mosa kung saan ba nanggagaling ang lakas ng loob ng lalaki na magtampo sa kaniya. Kahit anong pilit naman niya kasi rito, wala pa rin siyang makuha sa mga sinasabi nito. She was a busy person, she had no time for Claude’s games, at alam naman iyon ng lalaki! Gusto lang niya ng deretsahang usapan kaya nagiging matanong siya! Masama na ba ang magtanong?

“I tried, Claude,” tayo niya mula sa kinauupuan. “You know I tried. Sorry kung matanong ako. I just want to know what’s going on because I am not numb. I can sense the sudden changes in your actions, in the way you look, in the way you speak to me.”

Pag-alis niya sa mesa ay mabilis na nagsipit ng bayad si Claude sa ilalim ng isang tall glass at sinabayan ang malalaki niyang mga hakbang.

“Are you getting tired of me now, Mosa?”

“No,” iling niya. Nasa harap pa rin ang kaniyang tingin at hindi siya humihinto sa paglalakad dahil tinatakbuhan na rin niya ang sakit at pagkapahiya para iwanan ang mga damdaming iyon sa restaurant. “But if you’re not planning to tell me what’s going on, I might get to that point.”

Sinubukan naman talaga niyang intindihin ito at ang lahat ng pag-reject nito sa mga paanyaya niya na mamasyal o makipag-date; ang lahat ng mga excuse nito kung bakit kailangan nitong matulog nang maaga o kung bakit late ito nakauwi, nakatawag, o naka-text. But Claude being quick to anger more than normal was enough to alarm her. Kung magalit ito ay parang may hinanakit ito sa kaniya na para bang araw-araw siyang nagiging pasanin para dito.

Sumakay na si Mosa sa jeep. Mabilis namang binalikan ni Claude ang motorsiklo nito para siguro maabutan siya agad sa university.

Habang naghihintay pa ang drayber na mapuno ng pasahero ang jeep, inilabas ni Mosa ang digicam ni Curtis at ini-on ito.

Imbiyernang-imbiyerna talaga siya sa naging pagtatalo nila ni Claude kaya nagbakasakali siyang mapagagaan ng mga litrato ni Curtis ang loob niya. After all, Curtis was good at taking pictures. Palaging may konsepto o istorya ang mga larawan at maganda ang anggulo ng pagkakakuha ng mga ito. His photographs always fed her eyes with its creativity and thought-provoking themes.

She knew that Curtis was pretty private with his cameras. Ayaw nitong pahawakan ang mga ito sa kahit kanin. Mahigpit nitong ipinapaalala na magpapaalam muna siya, kahit na best friend pa siya nito, kapag gusto niyang tingnan ang mga litrato rito.

Mosa just smiled mischievously to herself. ‘Hindi naman niya malalaman na sinilip ko ang mga picture dito ngayon.’

Pero mabilis na napalis ang ngiti sa mga labi ni Mosa nang makita ang icon ng pinakabago nitong kuha na video. It was a video that was taken from a very familiar room.

Freya’s room.

Kumunot ang noo niya. ‘Is he stalking Freya? May crush ba si Curtis sa kaniya?’ Dahil sa isiping iyon ay nanumbalik ang ngiti niya. Maasar nga itong si Curtis mamaya.’

She figured it would be fun to see what Freya was doing when she was all alone in her condominium unit. Kaya naman itinuloy lang niya ang panonood sa video.

Napanood niya ang paglapag ni Curtis ng camera sa tapat ng kama ng best friend nila. She saw him talking to her and showing her some suits in their hangers and covers. Ipinasya ni Mosa na i-mute ang volume ng video para hindi makaabala sa mga katabi niya sa jeep.

So far, there was nothing interesting. No one between Freya and Curtis even showed hints of attraction toward each other. She was feeling bothered, though. Sa haba kasi ng video, tila lumalabas na minamanmanan ni Curtis si Freya. Maybe, she should tell Freya about this. Nag-aalala kasi siya para sa dalaga dahil may ilang mga kuha sa video na nagbibihis ito. Ayaw maniwala ni Mosa na may sa mamboboso si Curtis pero nagpatuloy siya sa panonood para masigurado kung may iba pang nilalaman ang video na nakababahala.

Sa sobrang haba ng video, halos tamarin na siya sa panonood kaya ini-fast-forward na ito ni Mosa. Hanggang sa may nahagilap siya na bagong eksena.

Ang eksena ang nagpaalala sa kaniya sa usapan nila ni Curtis na eespiyahan nito si Freya at si Claude. With her breathing restricted by the tightening of her chest, she stoped fast-forwarding the video and pressed the ‘play’ button.

Sa parteng ito ng video, umalis si Freya mula sa kuwarto at bumalik makalipas ang ilang minuto na hila-hila sa kamay si Claude. Meanwhile, Claude pushed the bedroom door close with his back.

Freya wrapped her arms around him and crushed her lips against his.

Humawak naman si Claude sa mga braso ni Freya at mariing hinagod ang mga ito. Mosa’s heart cracked because she clearly saw him lunge his head forward to reciprocate Freya’s aggressive kisses. He kissed her back. He certainly did!

Pumihit pa ang lalaki para isandal sa pinto ang babae.

The next thing she knew, he brought her worst fears into reality.

Hinubaran na ng dalawa ang pang-ibaba ng isa’t isa.

Claude began lifting one of Freya’s legs and pushed his cock inside her without a skip of a beat. She could see the intensity of his thrusts as Freya’s back slammed against the closed yet trembling door.

Doon na nagsimula ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Mosa. Her hands were shaking as the video continued to show her the truth, right before her very own eyes.

***

HINDI mahanap ni Curtis si Freya sa campus kaya naman nagpasya na lang siya na kumain nang mag-isa sa canteen. Hindi naman talaga niya ito sasabayan sa pagkain. Ang plano niya ay komprontahin ito. If he did not succeed with confronting Claude because that asshole invited Mosa to their meeting place without his knowing, then he would be dealing with the third party.

Pagkatapos mag-lunch ay napayuko na lang si Curtis sa kinauupuan sa library at kontrolado niya ang lakas ng frustrated niyang pagsuntok ng kamao sa mesa. Being unable to find Freya to confront was adding up to his frustrations.

‘How could they do this to Mosa? Ang kakapal ng mga mukha nila!’

Paulit-ulit pa rin ang pag-flashback ng lahat sa kaniyang isipan: How he pretended he dropped some things on the basketball court bleachers so he could plant a little digicam that would film Claude’s game practice that Wednesday morning; and how he immediately went back to get his digicam after he saw Freya get inside the basketball court and leave that same morning. Nagkunwari pa siya sa coach ng basketball team na kukuhanan ang mga ito ng stolen shots para sa photography club.

How shocked he was upon seeing from the video this vague conversation between Freya and Claude that morning. So, he discreetly placed a digicam in Freya’s bedroom when the night came and he visited her condo in the guise of helping him pick an outfit for the Valentine’s Ball.

Halos isang linggo rin siyang nagpabalik-balik sa condo ni Freya, nagkukunwaring magpapatulong mamili ng susuoting damit o ng hairstyle para sa Valentine’s Ball. Itinago niya sa likuran ng isa sa mga stuffed toys ni Freya ang digicam sa tuwing kakailanganin nitong lumabas ng condo. Sinadya niya kasing ipasundo sa dalaga sa receptionist’s area ang drayber niya na inuutusan niyang magpahabol sa pagdadala ng mga suit at formal wear na pagpipilian nila para sa Valentine’s Ball. Sinadya niya ito para may oras siyang maglagay o palitan ang digicam na patagong ipinupuwesto sa kuwarto ni Freya. Sinisigurado kasi niya na may sapat na battery life ang camera na magre-record sa nagaganap sa silid nito.

He knew that there were risks to what he was doing—filming someone without their consent; but he already promised Mosa. No matter how dangerous the effective method would be, he would do anything for her.

Ilang beses din siyang halos panawan ng katinuan sa sobrang galit habang pinanonood ang gabi-gabi, at minsan ay uma-umagang pagtatalik ng dalawang animal! It had been a week, yet he was still shaken by the fact that it was his own brother fucking Mosa’s so-called ‘friend!’

Tinataguan niya tuloy si Mosa dahil kung hindi ay baka hindi na siya nakapag-isip nang deretso at nasabi na sa dalaga ang mga nadiskubre niya!

He was hiding himself and everything he discovered from her because he was still having a hard time formulating the words about his discovery. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi kakayanin ng kaniyang dibdib ang makitang madurog si Mosa kapag nalaman ang tungkol kina Claude at Freya. At hindi iyon ang tamang oras para malaman ng dalaga na sobrang affected siya dahil may gusto siya rito! He needed to prepare himself too if it would be his job to break the news to Mosa.

But these past few days, he found an alternative plan: confronting Claude and Freya first. Ang dalawang iyon ang uusigin niyang kumausap kay Mosa para aminin ang kasalanan ng mga ito sa dalaga. That way, he wouldn’t have to do the heartwrenching and gruelling task of breaking Mosa’s heart with the truth.

But how could that happen if he couldn’t confront those two because he could not get them alone to talk to him?

Gusto niyang unahin si Claude, dahil may napansin siyang pattern sa ilang video recording: naghahalungkat ito sa kuwarto tuwing tulog na si Freya, bago ito umalis. He wondering why he was doing that. . . . What he discovered was probably just like a video icon, a preview. There must be a bigger picture to it. But only one thing was clear for Curtis now. . . .

‘That bastard! I really shouldn’t have entrusted Mosa to him. That cheat!’

Inangat niya ang ulong nakasubsob sa mesa ng library at sinipat ang suot na wristwatch.

Malapit nang mag-ala una ng hapon!

“Shit,” he mumbled as he stood up from his seat. “Dapat pala nasa school garden na ako para kunan ’yong—”

He let out a gasp when he remembered where he last saw his digicam!

Binuksan ni Curtis ang bag at kinalkal ito. Panay ang dasal niya na sana ay nagkamali siya sa kaniyang hinala, pero wala! Wala siyang nakitang digicam sa kaniyang bag!

Sa sobrang pagtitimpi yata niya noong nagkita sila kanina ni Claude ay nawala sa isip ni Curtis na nailapag niya sa bench ang digicam. Kung nagmamadaling umalis sina Claude at Mosa kanina, siya naman ay palihim na gusto na ring umalis kaagad sa bench dahil kung hindi, makatatanggap ng magkabilang sapak ang kuya niya mula sa kaniya.

Naalala niya ang pagtatanong sa kaniya ni Mosa kung kumusta na raw ba ang pang-eespiya niya, pagkatapos . . .

“Oh no,” he muttered as he went on his way toward the exit of the library.

Napahinto siya nang makitang nakaupo na sa isa sa mga mesa malapit sa pinto ng library si Mosa. Seryosong-seryoso ito habang nagla-laptop.

Si Mosa ang huli niyang nakasama sa bench ng school garden kung saan niya nailapag ang digicam kaya walang ano-anong lumapit si Curtis dito.

“Mosa,” halos pabulong ang pagkakatawag niya dahil nasa loob pa sila ng aklatan. “Nakita mo ba—” Napahinto siya nang mag-angat ito ng tingin. All of a sudden, Curtis felt like he was being suffocated by a thick smoke in his chest. Namumugto kasi ang mga mata ni Mosa. “Hey . . .” Nanlalambot na tinabihan niya ito at inakbayan. “What happened?”

“We argued,” matabang nitong sagot sabay balik ng mga mata sa laptop.

Curtis could not help taking a look at what was on her laptop screen. Gumagawa pala si Mosa ng Valentine’s cards para sa Valentines’ Ball na gaganapin na sa susunod na linggo.

There were a lot of hearts on the card’s design but Mosa’s face lacked the loving theme of hearts. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam niya.

“Na naman? Kababati n’yo lang, a? Bakit?” mahinang tanong ni Curtis pagkabalik ng mga mata sa magandang mukha ni Mosa.

“I know Claude,” walang-gana nitong sagot habang pinaglalaruan na lang ang mouse sa pamamagitan ng pag-ikot-ikot ng hintuturo nito sa touchpad ng laptop. “May inililihim siya sa akin.”

“How did you say that?” mahinang tawa niya para ikubli ang paggapang ng takot sa kaniyang buong katawan. Hindi pa handa si Curtis na sabihin kay Mosa ang nalalaman niya lalo na kung ganitong malapit nang mamaga ang mga mata ng dalaga at nasa library pa sila.

“May nalalaman ka ba, Curtis?” Nakatitig lang ito sa laptop nang tanungin siya nito nang ganoon.

Curtis tried to make his gulp as discreet as possible. “N-No. . . . Not yet, Mosa. Katulad ng sinabi ko kanina, wala pa akong . . . napapansin.”

“Make sure you are telling the truth. Hindi por que kapatid mo si Claude, pagtatakpan mo na siya.” Binalingan siya ni Mosa at alam ni Curtis na ang dahilan ng kaba na biglang sumundot sa dibdib niya ay ang matalim at mapagduda nitong pagtitig.

“Y-Yes . . .” he murmured weakly.

“Because once I find out that you are covering up your brother, kalilimutan ko na naging matalik kitang kaibigan.” Ibinalik na ni Mosa ang paningin sa laptop at nagpatuloy sa pagtitipa. “Because best friends don’t double-cross their best friend, right?”

Napalunok siya sa sinabing iyon ng dalaga.

Sunod na namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago naisipan ni Curtis na ibahin na lang ang usapan. “Uh, Mosa, have you seen my digicam nga pala? Hindi ako sure kung naiwanan ko kanina sa bench sa garden.”

Tila natigilan ito na para bang may inalala muna bago siya nito sinagot. “Yes. Naiwanan mo nga pala ’yon sa bench.”

Blangko na ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Tumalikod agad ito sa kaniya para kunin ang shoulder bag na nakapatong sa upuang katabi nito. Mosa pulled out his grey digicam from her shoulder bag and nonchalantly handed it over to him.

Halos manginig siya nang abutin ito mula sa dalaga. Pinagkone-konekta niya kasi ang pamumugoto ng mga mata ni Mosa at ang makahulugan nitong mga sinabi sa pagtabi nito sa kaniyang digicam.

Curtis gathered up all his courage to look her in the eye and ask, “Tiningnan mo ba ’yong mga picture dito?”

Ngumisi ang dalaga na nasa laptop screen na uli ang tingin. “No. Why? Should I look at what’s in it?”

Bago pa nakasagot si Curtis, ay dinugtungan ni Mosa ang sinasabi nito.

“Hindi ko tiningnan dahil alam ko namang ayaw mong may nakikialam sa camera mo nang walang-paalam, ’di ba? You only let me look at the pictures there when you are holding it.”

Totoo naman iyon. Hindi ipinapahawak ni Curtis sa kahit kanino ang alinman sa mga camera niya lalo na iyong mga may nakaw na litrato ng taong hinahangaan niya nang lubusan. . . .

Si Mosa.

He let out a relieved sigh. ‘Thank, God!’

At tinitigan na niya ang kaibigan habang matamlay itong nakangiti sa harap ng Valentine’s card na dinidisenyo nito bago i-mass print. 

‘Mosa is not in the best condition to know the truth now. At kailangan ko pang kausapin sina Claude. I need to know the whole story before I make them confess and apologize to Mosa.

‘I have to talk to them first, especially to Claude, dahil ayoko namang isipin ng asong iyon na sinisiraan ko siya kay Mosa dahil may gusto ako sa kaniya . . . Mahirap na kapag binaligtad pa ako ng animal na iyon.

‘Kakausapin ko sila nang kalmado at masinsinan, kahit gustong-gusto ko na silang gulpihin. 

‘Silang dalawa ni Freya.

‘But for now, I should cheer up Mosa.’

Pinasigla na ni Curtis ang sarili at tumayo sabay sara sa laptop ni Mosa. Sinigurado niya na titiklop lang ito nang kaunti at hindi maiipit ang mga daliri ng kaniyang best friend.

Napamaang naman na napatingala si Mosa sa kaniya.

“Tara,” anyaya niya rito. “Seems like you’re done having lunch so, let’s have some ice cream. ’Tapos samahan mo ako sa school garden.”

Tipid lang itong ngumiti, ngiting kitang-kita ni Curtis na hindi umabot sa mga mata nito. “But I have some important things to do, Curtis.”

“You’re sad, Mosa. I can see it. Liberate yourself from that additional stress first,” nguso niya sa laptop bago ito dinampot at inipit sa ilalim ng kaniyang braso. “Come on. I want to show you how I do my photography stuff.”

***

SINAKYAN na lang ni Hermosa si Curtis sa trip nito. Bago kumuha ng mga litrato ang binata ay ibinili siya nito ng ice cream mula sa canteen. He bought a chocolate flavored ice cream on a cone for her, dahil nakaka-activate daw ito ng happy hormones. Gusto rin naman niya iyon dahil paborito niya itong flavor. Samantala, hindi na nag-ice cream ang lalaki dahil baka manlagkit daw ang mga kamay nito at mahirapan sa paghawak sa camera.

Hindi pa niya ubos ang kaniyang ice cream nang makarating sila sa school garden.

Napapaligiran na sila ng mga puno nang basagin niya ang katahimikan.

“Well,” ikot ni Mosa ng paningin sa paligid bago nagkalakas-loob na balingan ang kaibigan, “hindi ka pa ba kukuha ng picture?”

Napatitig na lang siya kay Curtis na abala sa katitingin sa paligid nito. Only his eyes and head were moving.

‘I’m trying to stay calm because you’re in my good graces, Curtis. Kaya sana naman, magsalita ka na habang nakapagtitimpi pa ako. Sabihin mo na ang totoo . . . ang tungkol sa video sa digicam mo. Best friend kita, ’di ba? Please, huwag mo nang pagtakpan si Claude dahil lang sa kapatid mo siya.’

Pinigilan niya ang maging emosyonal sa harap nito. Kailangan niyang itago ang nararamdamang lungkot, sakit, galit—lahat ng negatibong emosyon na bumuhos sa kaniya mula nang napanood ang sex video na iyon.

She was waiting for Curtis to voluntarily tell her the truth, preferably, before the Valentine’s Ball. Gusto niyang marinig mula mismo sa mga labi nito na sa kabila ng lahat ay kakampi pa rin niya ito. Because if he wouldn’t, isa lang ang magiging ibig sabihin niyon para kay Mosa. Sa oras na pagtakpan ng best friend niya sina Claude at Freya ay ituturing na rin niyang kasabwat ito ng dalawang iyon.

She bit her lower lip, hoping it would help her eyes to hold back her tears from falling.

Siya namang biglaang pagngiti ni Curtis. Napakurap tuloy siya mula sa pagkakatitig sa binata. “Sa pagkuha ng litrato, bago mo itutok ang camera sa subject, dapat alamin mo muna kung ano ang subject.”

He stepped to his right. Saglit na nakalimutan ni Mosa ang pagkontrol sa nakaambang pagpatak ng kaniyang mga luha. Napukaw kasi ng mga sinabi ni Curtis ang kaniyang atensiyon.

Nang maglakad na si Curtis, walang ano-anong sumunod siya rito sabay dila sa hawak na ice cream cone.

“At kapag nakita mo na ang subject mo,” Curtis continued as he stepped carefully, “hindi mo siya puwedeng kunan kaagad ng picture. Either ask for their consent first or if they are animated, figure where to position yourself. In our case, the closer, the better. As long as the subject is unaware that you are there, watching their every move . . . you’re safe.”

Pumuwesto na ang lalaki sa likod ng isang malaking bato at ipinatong doon nang dahan-dahan ang hawak na digicam. Mosa kneeled beside him, peering at the digital camera’s screen.

“After that,” Curtis whispered, “you just focus on your subject.”

She watched him adjust the setting of his camera. Ini-zoom in ng lalaki ang imahe ng subject nito—isang kahel na paro-paro na paroon at parito sa pagdapo sa mga bulaklak.

“There is a right time for everything,” he continued when he was done with the adjustments. “You see that butterfly? She keeps on going from that flower to another. Pero hihinto rin siya. Mapapagod din siya sa kalilipat. It may take you some time and test your patience—” He paused and finally pressed a button. Saktong nakuhanan nito ang paru-paro na dumapo sa isa sa mga dilaw na bulaklak. “—but—” Ngumiti si Curtis bago siya nito lingunin, “—it’s worth the wait.”

Their eyes met, and for some reason, Mosa could not read what was going on in his mind. Nakangiti lang ang lalaki sa kaniya at tila walang plano na alisin ang brown nitong mga mata mula sa pagkakatitig sa kaniya. Madali lang naman ang umiwas sa nakahihipnotismo nitong mga titig, pero hindi na niya iyon nagawa sa pagkakataong ito.

Mabuti at gumawa ang chocolate ice cream ng paraan para putulin ang titigan nila.

“Ow!” atras ni Curtis sabay angat sa braso nito. Napatakan na kasi ito ng hawak niyang ice cream.

“S-Sorry.” Hindi na niya napigilan na mapabungisngis. He just looked funny being that shocked.

Napaupo pa kasi ang lalaki sa damuhan dahil sa sobrang gulat.

Biglang natigilan si Mosa. Napapahiyang napayuko siya dahil pakiramdam niya ay ang bilis niyang nakalimot.

Mali itong ginawa niyang pagtawa. She shouldn’t find this guy funny at all. Dapat niyang itatak sa kaniyang isipan na may nalalaman ito tungkol sa pagtataksil sa kaniya ng kaniyang nobyo. At sa mga oras na ito ay nananatili pa ring tikom ang bibig ng kaniyang matalik na kaibigan tungkol sa katotohanang magpapalaya sa kaniya.

Nang sulyapan niya ang binata ay ipinupunas na nito ang braso sa gilid ng suot na slacks. Curtis seemed to sense that she was staring, so he looked up to her and grinned. His brown hair was played by the gentle breeze, making a few of its curls cover an upper portion of his eyes. Cute, as usual, but it wrenched her heart at the same time.

Tahimik na inilipat ni Mosa ang mga mata sa paro-parong kinuhanan ni Curtis ng litrato, sa pag-aakala na baka mawala na agad ito. Nakahinga siya nang maluwag dahil tila hindi ito naistorbo at nanatili pa ring nakatungtong sa dilaw na bulaklak.

‘I hope it will be worth the wait to hear the truth from Curtis. Kapag dumating na ang Valentine’s Ball at hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang totoo—‘ Tumayo na si Mosa nang tuwid. Walang-paalam niyang iniwan si Curtis at inihulog sa trash bin ang hindi pa nauubos na ice cream cone. ‘—pasensiyahan na lang.’

***

Read advance and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive

•••

OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!

Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024

Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm

IN THE MIDDLE OF THE HEAT
La Grilla Series #2
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro