Chapter 8
#LGS1Hatid #LGS1chapter8 #LaGrilla1
***
NAPABALIKWAS ng bangon si Leo. Natatarantang luminga-linga siya sa paligid bago napapikit nang batukan ni Ava.
He glanced at her who was sitting on the side of the bed. Hindi-makapaniwalang napakurap-kurap pa siya.
“Sarap ng buhay natin, a?” nanenermon nitong saad sabay bato ng basang bimpo sa kaniyang mukha. “Punasan mo ang sarili mo!”
Inalis niya agad ang bimpo sa mukha at sinimangutan ang babae. He noticed that Ava let down her thick, wavy hair, and she was wrapped in her black satin robe.
Leo immediately checked himself. He was still wearing his pants, but its button was already undone and his belt was unbuckled. He was topless too. His shirt was folded beside a small basin of warm water on top of the night table.
“N-Nasaan ako? At ano’ng ginagawa mo rito? Bakit nasa kuwarto tayo at ganyan ang suot mo?” walang-preno niyang tanong habang naeeskandalo sa kasalukuyan niyang sitwasyon.
“Nasa guest room ka ng mansiyon ni Jamer,” mataray nitong paliwanag. “At siyempre, dahil nagpi-pretend akong maid dito, ako pa ang nautusan na asikasuhin ang lasing na best friend ng amo ko!”
“You unbuttoned my pants?!”
Ito naman ang naeskandalo. “Of course not, idiot! Ikaw ang may gawa n’yan dahil umihi ka kanina sa banyo!”
Leo squint his eyes in concentration, trying to remember what happened before he got into this room. “Si Imee?”
She pointed an accusatory finger at him. “Hah! Kaya ka pala naki-party sa mga trabahador sa hacienda! Pinopormahan mo si Imee!”
Iritableng pinukulan lang niya si Ava ng matalim na tingin. “Nasaan si Imee?”
“Siyempre, nakauwi na sa kanila! Hello? It’s already four A.M.!”
Nanlaki ang mga mata niya. “Four!”
Tumayo na si Ava. “Oo. Siyempre, bago ko simulan ang sandamakmak kong trabaho rito, kailangan ko munang gumising nang ganito kaaga at asikasuhin ka. But now that you’re awake, asikasuhin mo na ang sarili mo!”
Pagkatalikod nito ay nagpahabol siya ng tanong. “Wait. Bakit ba ganyan ka magsalita? Parang asar na asar ka sa akin? We’re best friends, Ava!”
Lumingon lang si Ava para irapan siya. “Exactly! We’re best friends! But instead of you doing your job by tracking the people behind the death threats I am receiving, which is the sole reason why I’m stuck here, you’re out there partying! Nakalimutan mo na yata ako!”
Nanlambot siya sa mga narinig. “Sorry, Ava . . .”
Masama ang loob na tumalikod uli ito. “Ang hirap-hirap palang maging maid, Leo! ’Tapos mag-isa lang akong maid dito! My hands hurt! Also my body—” Tila may sasabihin pa ito pero biglang natigilan. Napailing si Ava. “I mean, everything hurts because I am always tired!”
“Please, don’t shout. Baka may makarinig—”
She wildly turned to face him again. Sinugod pa siya nito para mailapit ang mukha nito sa kaniya.
“Pakiusap, Leo. Get serious! Find that criminal and file a case on my behalf so that I can stop hiding in this horrible place!”
Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. “O-Okay.”
Hindi na siya nag-angat pa ng tingin hanggang sa narinig na lang niya ang pagbukas-sara ng pinto ng silid.
***
“DITO ka dinala nina Imee no’ng nawalan ka ng malay sa party,” sagot ni Jamer sa tanong ni Leo kung paano siya napunta sa guest room nito.
Gayak na gayak ang haciendero dahil a-attend daw ito sa reception ng kasal sa araw na ito ng mga trabahador nitong sina Greggy at Mara.
“Mga anong oras ako dinala rito?”
“Mga twelve na rin siguro.”
Halos sabay silang lumabas mula sa main door ng mansiyon. Tinatahak na nila ang bakuran nito na naliliwanagan ng pasibol na araw.
Leo glanced at his wristwatch and saw that it was already seven in the morning. Nakapaghilamos naman siya at nakapag-mouthwash. Pakiramdam niya ay nanikit ang amoy ng Lambatonic sa kaniyang damit pero bahala na. Sa sobrang pagmamadali rin niya ay bandang ibaba lang ng shirt niya ang kaniyang naibutones at hindi na rin siya nakapagsuklay ng buhok.
“Are you sure, na hindi ka rito mag-aalmusal?” nag-aalalang silip ni Jamer sa kaniyang mukha. “Ibibilin ko kay Ava na ipagluto ka. O kung gusto mo, sumabay ka na lang sa akin.”
“Sasabay sa ’yo? E, ‘di ba paalis ka na? Ibig sabihin, ’di ka pa nag-aalmusal?”
Jamer sighed and shook his head. “I figured that I’ll have breakfast outside, then lunch at the wedding reception. Para mabawasan man lang ang trabaho ni Ava.”
Leo looked away and nodded. ‘Mukhang nakahalata naman si Jamer na nai-stress na si Ava sa mga trabaho niya rito. That’s . . . nice of him to lessen her workload.’
“Don’t worry,” Jamer continued. “I’ll buy some take-out for her. She can eat it for lunch if ever she already cooked her own breakfast when I return.”
“Thanks,” tapik niya sa braso nito.
Nagtaka si Jamer nang lagpasan niya ang nakaparada niyang mini cooper sa tapat ng mansiyon. “Hoy, narito ang kotse mo, a? Saan ka pa pupunta?”
“Kina Imee.”
Gumusot ang mukha nito. “Doon ka mag-aalmusal?”
Hindi niya ito sinagot. Baka mamaya kasi ay ma-jinx pa ang gusto niyang mangyari.
***
NAKAUPO na si Imee sa papag niyang higaan nang mapahikab. Pagkatapos ay natulala siya sa kawalan bago naalala ang mga nangyari sa party kagabi. She got home safely last night, at least, an hour after she and her friends carried Leo to Jamer’s mansion.
Dahil nakauwi siya nang matiwasay, nakapagbihis pa siya ng pink dolphin shorts at tank top na itim bago natulog. Alanganing oras na rin siya nakatulog kaiisip kung bakit biglang hinimatay si Leo. Amoy-alak ito, pero siguro naman ay hindi gano’n karami ang nainom nito dahil mga isa o dalawang oras lang yata ang iginugol nito sa pag-iinom. Ang tatay nga niya, napababagsak lang ng alak kapag twelve hours nang umiinom, na nangyayari lamang tuwing may pista.
Kinakabahan na hinagilap niya ang cell phone na napadpad na pala sa paanan ng kaniyang higaan. She looked for Leo’s name in her inbox and typed her message.
From: Imee
To: Leo
Gising kna? Kmusta?
Pero laking-dismaya niya nang hindi nag-send ang text message. At saka lang niya naalalang wala siyang load.
Nagmamadaling lumabas si Imee ng kuwarto. Dumeretso muna siya sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay tinungo niya ang kusina. Nadatnan niyang nag-uusap dito ang mga magulang niya. Nakaupo sa hapag si Mang Baste habang nakapamaywang ang isang kamay ni Aling Minerva na nakatayo sa harap ng lalaki.
“Ikaw talagang matanda ka!” sermon nito. “Mabuti na lang at nagising pa ’yong si Nardo!”
“Bakit, Inay? Ano’ng nangyari?” nag-aalala niyang lapit sa mga ito.
“E, Lambatonic pala ang pinainom nareng tatay mo kay Nardo kaya bumulagta kagabi!”
“E, alam naman ni Nardo na Lambatonic ’yon! Bakit ako’y sinisisi mo?” depensa ni Mang Baste habang nakatingin sa nanay niya. “Ang pagkakamali ko la’ang, hindi ko nasubaybayan ang batang yaon. Paano ko mababantayan kung nakararami na siya? E, marami kaming nasa mesa no’n! Nalasing na rin ako . . .” Mang Baste suddenly groaned in pain from his hangover. Pagkatapos magpaliwanag ay idiniin na uli ng kaniyang tatay ang basang bimpo sa noo nito. He even released a weary sigh.
Napailing na lang si Aling Minerva. “Pero kunsabagay, matanda na si Nardo. Dapat maalam na siyang magkontrol pagdating sa pag-iinom.” Then her mother turned to her. “O, ngayong alam mo na, tara na at tulungan mo akong maghanda ng almusal natin.”
Imee nodded. Bago niya sinundan sa kusina ang nanay ay tinapik niya sa balikat ang ama para pagaanin ang pakiramdam nito. Mang Baste responded warmly by tapping the top of her hand that rested on his shoulder. Pagkatapos ay lulugo-lugo itong uminom ng mainit na tubig sa tasa nito.
“Tao po!” narinig nilang tawag ng isang lalaki mula sa labas ng bahay.
Naghahanda na ng mga gagamitin sa pagluluto si Aling Minerva nang lingunin siya nito. “Imeng, ikaw na nga muna rito at ako na sa pinto—”
Gulat na napanganga ang nanay ni Imee dahil wala na pala siya sa kusina.
Imee already got to the door. Nakita niya sa paanan ng hagdan nila si Leo. Tiningala siya nito at nahihiyang nginitian.
“O, bakit nand’yan ka? Akyat ka rine,” imbita niya sa lalaki.
“Salamat—” Nasa unang baitang na ang isang paa nito nang pigilan ng kaniyang boses.
“Ay! Wait! Baka bumulagta ka bigla!” nag-aalala niyang saad.
He stifled a chuckle. “Okay na ’ko, Imee. Hindi na ’ko lasing.”
“Talaga? Kasi ang gulo pa ang buhok mo, ’tapos—” Napalunok siya nang mapatitig sa matigas nitong dibdib na sumisilip mula sa bukas na parte ng shirt nito. “’T-Tapos, hindi mo pa nabutones nang maayos ang damit mo.”
Leo gently climbed the bamboo stairs. “I swear, I’m already fine, Imee.”
Pagpasok nila sa bahay ay ginabayan niya ang lalaki sa kawayang sofa.
“Naparine ka?” upo niya sa kabilang dulo ng sofa at humarap sa direksiyon nito.
“I just want to apologize for what happened last night,” he said pleadingly. Even his eyes carried the same emotion when they gazed into hers.
“A, iyon ba? Okay na ’yon. Nagdahilan na lang ako kay Lolo Ipe na lasing ka kaya hindi mo mabalanse ang katawan mo at natulak mo siya sa mukha nang nagpatulong ka sa akin na makauwi.” Mahina siyang natawa. “Pero ibig sabihin din no’n, na-enjoy mo talaga ang party kagabi! Naparami ang inom mo, e!”
Nahihiyang nagbaba ito ng tingin at natawa. Nawala tuloy ang sigla niya.
“Sorry pala, ha?” aniya sa binata sa matamlay na tono. “Hindi ako nakatupad sa usapan natin. E, kasi, pagkatapos kong mag-request ng ipatutugtog sa DJ ng sound system, pagbalik ko sa table natin, nakikipag-inuman ka na. Alam mo naman na ayokong may makaalam sa usapan natin . . . kaya hindi na kita nilapitan.”
Sa hindi malamang dahilan ay biglang nagliwanag ang mukha ng lalaki. It was as if he realized something that made him see things in a better light.
“Oh . . . that . . .” Napalunok ito bago siya binigyan ng paling na ngiti. “Iyon pala . . . Kaya pala . . .”
Mahina siyang natawa sa tigagal na reaksiyon nito. “Nagalit ka ba?”
He shook his head. “Hindi! Hindi, a?”
“Weh? Talaga? E, bakit gay’an ang reaksiyon mo no’ng sinabi ko kung bakit hindi ako nakatupad sa usapan?” Humalukipkip siya at binigyan ito ng nagdududang tingin. “At saka, bakit tinulak mo sa mukha si Lolo Ipe?”
Napaiwas ito ng tingin. “Si Lolo Ipe ba ’yon? Hindi ko nakilala, e. Isa pa, ginawa ko lang ’yon kasi . . . kasi tinulak mo siya . . . kaya akala ko, hina-harrass ka.”
Hindi siya kumbinsido. Halata kasing labas sa ilong ang mga sinabi ng binata. Gayunman, sinakyan na lang niya ang trip nito. “Hindi siya nangha-harass, no! Nakikipagsayaw lang si Lolo Ipe, medyo lasing na rin. Tinulak ko lang siya saglit kasi naipit niya ang mga kamay ko.”
Leo’s eyes slowly moved to the ceiling. “Bakit ka nga pala nakikipagsayaw kay Lolo Ipe?”
“E, gano’n naman talaga si Lolo Ipe. Alam mo naman siguro na mag-isa na lang siya sa buhay, kaya kaming mga kapitbahay niya rine, e, tinutulungan siyang maglibang.”
“A . . .” ikot mga mata nito pababa para mapatingin sa kanan nito.
“Bakit gay’an ang reaksiyon mo?”
Leo finally met her gaze. “When we make plans and something suddenly came up, please, talk to me. I don’t care if I’m in the middle of something, I’ll drop it all just to hear what you have to say. You should have just given me a signal or something last night, to let me know that you need to talk to me. E, ’di sana, natuloy natin ang usapan natin.”
“Hindi na. Mukhang na-miss ka ng mga kaibigan ng tatay mo noong nakatira pa kayo rine, kaya hindi ko na inistorbo ang barikan ninyo.”
“Kahit na. Dapat tinawag mo pa rin ako, o kahit tiningnan man lang sa mga mata para ako mismo ang umalis sa mesa at lumapit sa ’yo. Aalis ako agad sa inuman kapag sinundo mo ako.”
“Nakakahiya naman ’yong susunduin pa kita sa inuman—”
Napasimangot ito. “Walang nakakahiya ro’n. Mas nakakahiya iyong uunahin ko ang makipag-inuman kaysa sa tumupad sa usapan natin. Okay?”
Pigil ni Imee ang paghinga habang ninanamnam ang mga sinabi ng binata. “Okay . . .”
Ewan kung bakit kinikilig siya. Dahil ba ’yon sa parte tungkol sa pagsundo sa lalaki sa inuman? Ewan!
Leo finally smiled, brightening up the whole place. “Good. I have to go now.”
Halos sabay silang tumayo mula sa sofa.
“Ihahatid na kita sa labas,” presinta niya habang sinusundan ang lalaki.
“No, please. I’m in a hurry,” anito sabay labas ng pinto.
Imee followed him to the stairs. “Ihahatid ka lang naman hanggang makababa ka ng hagdan!”
“Please, don’t. Mahihirapan kasi akong umalis. Matatagalan ako.”
“Bakit naman?”
Kapwa nakababa na sila ng hagdan.
“Siyempre, hihintayin pa kasi kitang makapasok uli sa bahay n’yo bago ako makaalis,” mabilis nitong sagot sabay harap sa kaniya.
Kapwa sila nagkatitigan. Habang puno ng pagtataka si Imee kung ano ang ipinahihiwatig ni Leo, tila nagulat naman ang lalaki nang maunawaan nito kung ano ang mga nasabi nito sa kaniya.
To Imee’s dismay, Leo did not bother to say anything after that. He just turned and silently left without looking back.
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro