Chapter 5
#LGS1NoReply #LGS1chapter5 #LaGrilla1
***
NAGULAT si Imee nang makitang padating si Ligaya, ang bagong katulong sa mansiyon ni Jamer Hermano na may-ari ng haciendang pinagtatrabahuhan ng mga magulang niya.
Nagulat siya kasi saktong nakaupo siya sa tabi ng bintana at pangatlong basa na niya sa text ni Leo nang makita ito. Natatanaw niya ito mula sa kanilang bahay na gawa sa kawayan at kahoy. Umalis si Imee mula sa pagkakaupo sa tabi ng bintana at agad na sinalubong ang babae.
“Ligaya!” bati niya. “Himala at nandito ka? Wala ka bang trabahong gagawin sa mansiyon?”
Kaninang umaga lang kasi ay magkasama sila. ’Tapos ngayon, gusto na naman siyang makasama ni Ligaya?
Umiling-iling ito. “Wala na. Sa totoo lang, nandito ako kasi umalis naman si Sir Jamer.”
“O? Bakit daw? Saan daw siya pupunta?”
Ligaya shrugged her shoulders. “Ewan ko. Pero sino ba ako para alamin, ’di ba?” matamlay nitong ngiti. “I’m just his maid.”
“Himala at lumabas siya ng hacienda . . .” Napaisip si Imee bago naalalang nasa labas pa pala sila ng bahay ni Ligaya. “Ay, tara sa loob!”
Pinaupo niya si Ligaya sa kawayang sofa bago ito tinabihan dito.
“May mabibilhan ba ng sigarilyo rito?” pagala-gala ang tingin nito sa kanilang sala. Hindi mapalagay ang kamay nito na panay ang hagod sa suot na pantalon. Mahina itong bumulong sa sarili. “My God, I need to smoke.”
“Malapit sa distillery ay may maliit na tindahan si Manay Baby. Samahan kita?”
Dahil malapit lang din naman sa distillery ang burol, doon sila dumeretso pagkabili ni Ligaya ng isang pack ng sigarilyo. At least, dito sa burol, silang dalawa lang ang makaaamoy sa usok ng sigarilyo.
Sa loob ng ilang buwan nilang pagkakakilala sa isa’t isa, nakagawian na nilang maglibot sa malawak na Hacienda Hermano tuwing free time ni Ligaya. Naging secret spot na rin nilang dalawa ang maliit na burol na matatagpuan pagkalagpas sa distillery ng lambanog. Niyaya na ni Imee si Ligaya sa lugar na ito kasi nalulungkot siya tuwing mag-isa lang na tumatambay rito. Madalang naman din kasing tambayan ang lugar na ito ng mga nakatira sa hacienda.
Gusto niyang tumambay sa burol dahil sa magandang view. Mataas-taas dito kahit papaano kaya abot-tanaw nila rito ang ekta-ektaryang lupain ng mga puno ng niyog, ang village ng mga trabahador, at ang mansiyon ng mga Hermano.
Umupo sina Imee at Ligaya sa damuhan ng burol. Malilim sa parteng ito dahil sa mataas na mga puno ng niyog na nakapalibot sa kanila.
“Bakit gano’n ang mga lalaki, Imee?” nakatitig si Ligaya sa malawak na taniman ng niyog habang naninigarilyo.
“Ano’ng bakit gano’n?” Abala naman si Imee sa pagkain sa baon niyang tinapay habang nakaupo sa tabi ni Ligaya nang nakataas ang isang tuhod.
“Kapag ginusto nila, kukunin nila. Kapag ayaw na nila, gano’n lang kadali para sa kanila ang itapon ang isang bagay.”
Ligaya’s smirk confused Imee. Base kasi sa mga binitiwan nitong salita ay nasasaktan ito, kaya bakit nakangisi ito? Then, she looked into her friend’s eyes. That’s where she saw her pain. That’s when Imee understood how serious Ligaya’s question was.
“Hindi naman siguro lahat ng lalaki ay gay’an. Si Itay, walang ibang ginawa kundi ang magbigay nang magbigay kay Inay. Suklian man ito ni Inay ng ngiti at yakap o hindi pansinin, okay lang sa kaniya. Ang sabi kasi ni Itay, hindi na mahalaga kung ano ang makukuha mong kapalit kapag nagbigay ka sa taong mahal mo. Aba, ipinagkatiwala na nila sa iyo ang puso nila, e! Ipinangako na nila sa ’yo ang kanilang katapatan, maghahangad ka pa ba ng mas higit sa pagmamahal nila para sa ’yo? Ganoon daw ang mga taong nagmamahal sa karelasyon man nila o kapwa-tao. Ang binibigay nila ay itinuturing nila na regalo para sa mga ito at hindi puhunan.” Magaan siyang natawa. Tandang-tanda kasi niya ang mga sinabi ng tatay niya tungkol sa pagmamahal na walang hinihingi na kapalit, pero hindi naman niya maunawaan ang tungkol sa regalo at puhunan na nabanggit nito. “Maliban kay Itay, may kilala nga ako na tumutulong nang walang hinihingi na kapalit . . .” Napayuko siya at napangiti. Imee’s smile widened as the picture of Leo crossed her mind.
Para maitaboy si Leo sa kaniyang isip ay nilingon niya si Ligaya. Nag-alala siya nang dumausdos ang ilang butil ng luha pababa sa isang pisngi nito.
“Ligaya?” nag-aalala niyang tawag dito ngunit hindi siya nito nililingon o pinapansin.
Nakailang tawag siya sa pangalan nito bago ito tila natauhan.
“Y-Yes?” lingon nito sa kaniya.
“Umiiyak ka,” titig niya rito. “Tungkol ba ito sa boyfriend mo?”
Naisip lang niya na baka boyfriend ang iniiyakan nito. Tungkol sa mga lalaki kasi ang tanong nito. Hindi sumagi sa isip ni Imee na posibleng kapatid na lalaki o tatay ang iyakan ni Ligaya sa dahilan na konektado sa itinanong nito sa kaniya kanina. Wala kasi siyang alam tungkol sa isyung magkapatid o magtatay dahil wala siyang kapatid na lalaki at napakabuti ng kaniyang tatay sa kanila ng nanay niya.
Mabilis na pinunasan ni Ligaya gamit ang likod ng mga kamay ang luhang gumugulong sa mga pisngi nito. “B-Boyfriend? Wala akong boyfriend, no. Loka ka talaga.”
Tipid na ngumiti si Imee. “Ang tanong mo kasi, ‘Bakit gano’n ang mga lalaki,’ etcera, etcera, ’tapos natulala ka na at naiyak na. Wala ka sigurong narinig sa sinagot ko sa iyo, no?”
Napangiti si Ligaya, ngunit hindi iyon abot sa mga mata nito. “Sorry, Imee. May naalala lang ako.”
“Your ex?” hula niya. Kung hindi kasi dahil sa boyfriend ay baka ex-boyfriend ang iniyakan nito.
Umiling ito. “Nah. Ang daddy ko ang tinutukoy ko. Matapos kasing ibigay sa kaniya ni Mom ang lahat ng gusto niya, nakuha pa niyang mambabae, Imee.”
“Oh, sorry.” Sumiksik siya sa tabi nito. Ayaw niya sa amoy ng sigarilyo pero binalewala niya iyon para lang madamayan ang kaibigan. “Pasensiya na rin at dinala kita rito sa tambayan ko. Ganito talaga ang epekto ng lugar na ito, Ligaya, mapapaisip ka. Lahat ng tumatakbo sa utak mo, nagiging mas intense kapag nandito ka. Lalo na kung mag-isa ka. Iyan tuloy, naalala mo ang tatay mo. Sorry sa pagdala ko sa ’yo rito.”
Tiningala ni Ligaya ang mga puno ng niyog. They swayed gracefully against the warm breeze, glowing under the glorious sun. “Oo nga. Mapapaisip ka. Mapapa-flashback . . . Napakapayapa kasi ng lugar na ito.”
Para hindi na malungkot ang kaniyang kaibigan, naisipan ni Imee na ibahin ang topic. “Ligaya, kilala mo ba si Attorney Leo?”
Mabilis pa sa alas-kuwatro na napalingon ito sa kaniya. “Oo, bakit?”
Imee smiled. Nagulat siya sa reaksiyon ni Ligaya, pero nang sabihin nitong kakilala nito si Leo, naunawaan niya na kung bakit napalingon ito agad. “Ano, hindi ko kasi alam kung paano niya nakuha itong number ko, Ligaya. Nag-text siya sa ’kin kanina.”
Namilog ang mga mata nito. “Hindi ako ’yan. Hindi ko ibibigay sa kahit sino ang number mo nang hindi mo alam. Nanliligaw ba siya sa ’yo?”
“Hindi ko alam.” Lalong tumamis ang kaniyang ngiti. Wala naman kasing sinasabi si Leo na nanliligaw ito, pero kung sa tingin ni Ligaya ay iyon ang ipinapahiwatig ng pagte-text sa kaniya ng lalaki o pagyaya na magkita kahit taliwas sa napag-usapang schedule nila, ibig sabihin ay posibleng iyon na nga ang nangyayari sa kanilang dalawa. Napayuko siya saglit. “Pero nagyaya siya kung puwede kaming magkita bukas. Hindi nga ako naka-reply dahil wala akong load.”
“Hay, naku.” Ipinatong ni Ligaya ang isang kamay sa balikat niya. “Huwag mo na lang pansinin ’yang si Leo. Wala kang mapapala sa lalaking ’yan.”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “O? Paano mo naman nasabi, Ligaya?”
“Trust me! Kilala ko ang lalaking ’yan. Babaero ’yan, Imee.”
Napabungisngis siya. Akala niya kasi ay may napakalaking rebelasyon siya na malalaman tungkol kay Leo, pagiging babaero lang naman pala nito. “Oo, Ligaya, babaero siya. Sa guwapo ba naman niyang ’yon, e, sino ang hindi magkakagusto sa kaniya?”
Sa totoo lang, walang isyu si Imee kung babaero si Leo. Naniniwala kasi siya na kung mahal siya nito ay ititigil nito ang pambababae para sa kaniya. At sisiguraduhin muna niya iyon bago makipag-commit dito. Bakit naman siya matatakot sa lalaking babaero kung mautak naman siya?
“Si Leo? Guwapo?” tila eksaherado ang gulat sa mukha ni Ligaya. Muntik na tuloy matawa si Imee. “Hay, naku, Imee!” Umiling-iling ito at humithit uli sa sigarilyo bago ibinuga ang usok nito sa kawalan. “Naku, Imee, huwag. Huwag si Leo.”
“Asuuuuus,” her eyes playfully narrowed at Ligaya. “Baka naman may gusto ka lang din sa kan’ya.”
“Sira! Wala akong gusto sa kan’ya! Mga babaero lang sila! Pareho lang sila ni Jamer,” she exclaimed but only muttered when she mentioned Jamer’s name. Nakahalata tuloy si Imee rito.
“Uy, hindi na ‘Sir Jamer,’ ang tawag niya kay Sir! ‘Jamer’ na lang . . . Siya pala ang crush mo, ha?”
Nabigla ito saglit bago pina-istrikto ang ekspresyon sa mukha. “Hay, naku, never! Siya ’yong tipo ng lalaki na katawan lang ang habol sa babae. Sex lang ang gusto ng lalaking ’yon.”
Imee grinned. “Paano mo nasabing sex lang ang habol? Niyakag ka ba niya sa kuwarto?”
Napaubo ito kahit hindi pa naman nakahihithit uli ng sigarilyo.
“Kung oo, ano naman? Bakit hindi, e, sexy ka naman? Mabait pa! Kung crush mo lang naman si Sir Jamer at hindi ka pa in love na in love talaga, okay na siguro ’yong kahit one night lang, ’di ba? ’Yong one night lang na nahalikan mo siya, nayakap, naka-chuchu . . .” natatawa niyang sagot dito. Tinutukso lang naman niya kasi si Ava. Sa totoo lang, hindi naman tugma sa prinsipyo niya iyong mga one-night stand.
“Baliw ka talaga, Imee! Hindi ako makapaniwala na para sa isang probinsiyana na katulad mo, e, ganyan na ka-liberated ang utak mo,” tawa nito bago tinanaw ang mga puno ng niyog.
“Ano ka ba? Nasa probinsiya lang ako, wala sa ibang planeta. Tanggalin mo nga iyang pang-i-stereotype mo sa amin dine,” ngisi niya. “Isa pa, twenty-seven years old na ako, aware na ako sa gay’ang mga bagay, okay?”
Tumawa naman si Ligaya. “Sorry na po! Sorry na po!”
Imee scoffed, but she was smiling. Nagsungit-sungitan lang naman kasi siya rito. Humithit uli ng sigarilyo si Ligaya bago nito isinandal ang ulo nito sa kaniyang balikat.
***
KINAGABIHAN, mag-isang lumabas ng bahay si Imee. Bumaba siya ng hagdan bitbit ang isang garbage bag ng mga basura. Nasa silong kasi nila ang asul na drum na may takip na ginagamit nilang tambakan ng basura bago kolektahin ang mga ito ng garbage truck kada dalawang linggo.
Ang tanging pinagmumulan ng liwanag sa silong ay ang napakaliliit na awang sa kawayang sahig ng kanilang bahay. Isiniksik niya ang garbage bag sa drum na lagpas-kalahati na ang laman bago inikot pasara ang itim at bilog nitong takip. Paglabas niya mula sa silong, akmang tutunguhin na niya ang hagdan nang matigilan.
Natanaw niya sa kabila ng kalsada katapat ng kanilang bahay ang isang lalaki. Nakatayo ito sa tabi ng katawan ng mataas na puno ng niyog.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Imee. “Leo?”
Hindi ito natinag sa kinatatayuan. Medyo mahirap makita ang mukha nito dahil ilang hibla lang ng liwanag ang nakatatagos mula sa awang ng anino ng mga dahon ng niyog.
Habang naglalakad si Imee patungo sa lalaki, ipinunas niya sa gilid ng suot na maong na tokong shorts ang kaniyang mga kamay. Gusto pa niyang ayusin ang suot na fitting white T-shirt, kaya lang, baka isipin ni Leo na nako-conscious siya sa kaniyang hitsura dahil dito. Aba, ayaw naman niyang magpahalata masyado na naguguwapuhan siya rito.
Bahagya man itong ikinukubli ng anino ng mga bahay at puno, kitang-kita naman niya ang dilaw nitong buhok na naka-mid part at medyo magulo. He was wearing a white, button-down shirt with its sleeves rolled up to his elbows. Its top three buttons were open. His pants were wrinkled and pastel yellow.
Mahinang kumatok nang paulit-ulit ang kaba sa kaniyang dibdib. Seryosong-seryoso kasi ang hitsura ni Leo. Matiim kung makatitig sa kaniya ang mga mata nito. He seemed so stiff, as if he was in restraint, controlling himself.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” hinto ni Imee sa tapat ng lalaki.
His jaws were still tight as he replied. “I have come here. For you.”
“Bakit naman?” kuryoso niyang tanong. “Hindi ka man lang nag-text na pupunta ka. At bakit nakatago ka rine? Hindi ka ga kumatok sa bahay? Kanina ka pa naghihintay rine?”
“You talk a lot, Imee,” he sighed wearily. For some reason, he seemed very annoyed. Based on the tone of his whispery voice, his patience was thinning. “I love it, but—” he sighed again and shook his head. Bahagya itong lumayo mula sa pagkakakubli ng isa nitong braso sa likuran ng puno ng niyog.
At first, he looked like he was about to reach her with both hands. But as soon as he lifted his hands, he paused, seemed to have second-thoughts, then dropped them on his sides.
“I texted you,” titig nito sa kaniyang mga mata. “I want us to meet tomorrow, pero hindi ka nag-reply.”
“Wala akong load, e,” deretsahan niyang sagot dito. “Bakit hindi ka na lang tumawag? Abogado, pero walang pantawag?”
Tumawa pa siya nang kaunti sa joke niya. She thought that would lighten up his mood. Pumaling ang ngiti ni Imee nang makitang hindi nagbago ang kaseryosohan sa mukha ni Leo.
“If you can’t reply to my text or get a load for your simcard, then maybe, you’re busy. Ayoko namang tumawag nang hindi nalalaman kung okay lang sa ’yo na tumawag ako, hindi ba?”
Imee shrugged and looked away. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi ni Leo. Hindi niya ma-pinpoint kasi kung saan ba dapat magtungo itong pag-uusap nila.
“Should I load your simcard weekly? Do you want that?” bahagyang paggaan ng boses nito.
Nakayuko pa rin siya nang tingnan ito. “Bakit mo naman ako palo-load-an?”
“So you can always reply to my texts, and tell me if it’s okay for me to call your phone.”
Naalala ni Imee ang mga sinabi ni Ligaya kaninang hapon . . .
“Nag-text siya sa akin kanina.”
“Nanliligaw ba siya sa ’yo?”
Pinigilan niya ang sarili na kiligin. Ayaw niyang pangunahan ng kilig ang isang bagay na kukumpirmahin muna niya sa gabing ito.
“Bakit importante sa ’yo na isang text mo lang, magre-reply ako agad?” ekis niya ng mga braso. “Hindi naman natin kailangang mag-text palagi sa isa’t isa. Busy ako sa pag-discover kung ano ang talents ko. Bakit din nagtatanong ka kung puwede tayo magkita bukas? May usapan naman na magkikita tayo weekly. Tuwing Sabado. Kaya para saan pa kung palo-load-an mo ako palagi? Ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng ’to?” She narrowed her eyes at him suspiciously.
He stared at her for a few minutes before a playful grin appeared at the left corner of his lips. “I just want to stay updated on your progress. I happened to be available on Wednesday, tomorrow. That’s why I asked.”
Bahagyang lumukot ang mukha niya. ‘Ano ba ang trip nitong si Leo? So, hindi siya aamin na pinopormahan niya ako? Pasimple siyang manliligaw, gano’n?’
“You have to text me in advance also when you discover what your skills or talents are. Para bago ako pumunta rito, makabili na ako sa Maynila ng mga gamit na kakailanganin mo. O makapag-print na ako ng mga kailangang ipa-print.”
Mataman niyang tinitigan sa mukha ang lalaki. Lalong nanliit ang mapagmatiyag niyang mga mata. “At talagang pumunta ka pa rito nang dis-oras ng gabi para lang sabihin ang lahat ng ito sa akin?”
He slightly tilted his head to the side. Mas matangkad siya rito nang kaunti, so what he did made him look arrogant as he slightly lifted up his chin.
“Puwede mo namang i-text ang lahat ng ito sa akin, Leo. Bakit kailangan mo pang pumunta rito?”
“What else do you want me to say?” salubong ng mga kilay nito.
There was suddenly a glint of soulfulness in his eyes that focused on her face, then delved into the depths of her eyes. It was as if the streaming light between the gaps of the coconut leaves’ shadows touched a cloud-like effect that made his eyes look so dreamy.
‘Bakit hindi mo na lang sabihin na gusto mo akong makita? Na pinopormahan mo ako?’ Napapahiyang nag-iwas ng tingin si Imee. ‘O baka nag-a-assume lang ako? Dahil ba ’to sa mga sinabi ni Ligaya? Nagpadala ako sa mga ’yon kaya nag-a-assume na ako na pinopormahan ako ni Leo kahit ang totoo, gusto lang niyang makatulong at tuparin ang pangako niya kina Itay noon . . .’
Napalunok siya. Dahil sa mga napagtanto, pakiramdam niya ay napahiya siya.
“W-Wala. Sorry,” iling niya nang hindi tumitingin sa mukha o mga mata ng lalaki. “M-Magte-text na ako bukas kaya ‘wag mo na ako pa-load-an. Sige . . . Bye.” Tumalikod na siya at nakatakbo na palayo nang may naalala. Nilingon niya ito saglit. “Mag-iingat ka sa pag-uwi.” Natulala pa siya saglit sa lalaki. Parang ayaw nang tumakbo ng mga binti niya dahil nanlalambot sa sobrang kahihiyan ang kaniyang mga tuhod. “S-Salamat.”
Nanatiling nakatitig lang sa kaniya si Leo. Wala itong isinagot sa kaniyang mga sinabi kaya kumaripas na siya ng takbo paakyat ng hagdan. Mabuti at hindi aksidenteng nasuot ang paa niya sa malalaking awang ng kawayang hagdan o ’di kaya ay nadulas siya. Kung hindi, mas lalo siyang lalamunin ng kahihiyan.
‘Nakakahiya! Ako na nga itong tinutulungan niya, nilalagyan ko pa ng malisya!’
As soon as Imee got inside their house, Leo released a sigh of relief and murmured torturedly, “What else do you want me to say? That I have come here after a bad day just to see you?”
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro