Chapter 44
#LGS1Hustisya #LGS1Chapter44 #LaGrilla1
***
Warning: 🚫
Kidnapping
SAAN siya pupunta? Hindi niya alam kung nasaan na sila. Wala siyang kakilala rito sa Makati.
Then, she remembered Leo's burner phone! Bibilisan niya ang kilos! Pupulutin n'ya ang cell phone na 'yon! Habang natatarantang iniikot ang sirang kotse, may napagtanto si Imee.
Bakit hindi siya hinabol ng mga kidnapper? Bakit hinayaan lang ng mga ito na makatakas siya?
Imee's eyes widened and her breathing shuddered when she saw what she was looking for. She picked up the burner phone that she found beside one of the busted up wheel of the mini cooper, and turned it on with shaky fingers.
She saw a text message from an Unknown Number.
From: Unknown Number
OTW.
Nagmamadaling tumayo si Imee. Ipagpapatuloy niya ang pagtakbo at kapag nasa ligtas na lugar na siya ay tatawagan niya itong Unknown Number. Leo surrendered himself to the kidnappers not only to protect her, but also because he placed his faith on whoever they contacted to rescue them! Kaya tutulong siya! Tutulong siya sa kung sino man itong ka-text ni Leo para matunton sila!
Pero habang tumatakbo, may biglang humablot sa baywang ni Imee sabay mabilis na gapos ng isang malaking braso para humigpit sa kaniyang dibdib at mga braso. Nang lumiyad ang nasa likuran niya para buhatin siya ay umangat ang mga paa niya sa semento at napasandal ang likod niya sa balikat nito. Sabay tapal ng basang panyo sa kaniyang ilong at bibig.
Her feet flailed desperately before she slowly closed her eyes.
The last thing she saw were dark silhouette of tree leaves, waving before the dark night sky. . . .
***
Warning: 🚫
Kidnapping, Violence, Abuse, Trauma
NAGISING si Imee nang marinig ang pag-ungol ni Leo. She could not see him because she was blindfolded too.
"Leo!" iyak niya.
Kung sa harapan nito nakatali ang mga kamay ni Leo, si Imee naman ay sa likuran. Dama niya na nakaupo siya sa sahig at kahit hindi nakatali ang kaniyang mga paa ay paluhod siyang umalis sa kaniyang puwesto sa takot na matumba kapag pinilit niyang makatayo agad.
Sinundan niya ang boses ng lalaki.
"Leo, nasaan ka?" mahinang iyak niya.
Panay lang ang ungol nito na tila ba nahihirapan.
Nasasaktan.
Natatakot.
'Leo, ano na ang nangyayari sa 'yo? Tino-tortute ka ba nila?'
"Imee!" iyak nito kaya mas lalong sumikdo ang takot sa dibdib niya. "Imee!" iyak pa nito. "Nasaan ka na?"
"Nandito ako!" tawag niya. "Pupuntahan kita!"
"Imee, tulungan mo—" Natakot siya nang naputol ang sasabihin ng lalaki. Sinundan pa iyon ng nakabibinging katahimikan bago niya narinig uli ang boses nito. "Bakit ka narito? Bitiwan mo 'ko!"
'Sino 'yon? Sino ang humawak sa kan'ya?'
Minadali ni Imee ang paggapang. Sinundan niya ang boses nito hanggang sa may napatid siya. She dropped, ran her hands on where she landed, and felt herself lying across his stomach. She knew it was Leo, because he always used this signature perfume of his' with an overpowering scent.
Kailangan pa niyang umayos ng posisyon. Hindi niya malaman kung pa'no mapagpapantay ang mukha nila.
"Leo!" tawag niya rito.
Imee lowered her face. She felt his chest. Then his shoulder. Then his cheek.
"Imee!" he cried in a staggering breath, in a faraway voice.
'Nananaginip ba s'ya?'
"Nandito na 'ko," she murmured before pressing her lips against his shuddering one's.
Imee moved her legs on the left side of his body to avoid straddling him. "Ga, please . . . Magiging okay din ang lahat."
At hinalikan niya uli ang lalaki sa mga labi nito. Hindi man lang ito tumutugon sa kaniyang mga halik. Ilang segundo muna ang nagdaan bago bumuka ang mga labi nito.
"I-Imee?"
Sa tono ng pananalita nito, tila ba kagigising lang nito mula sa isang masamang panaginip.
"Oo, ako 'to. Nanaginip ka ba?"
Naramdaman niya ang paglambot ng katawan nito. Nabawasan na rin ang panginginig ng lalaki.
"K-Kiss me," he murmured, like a soft plead to saved.
Imee kissed him and his response was laced with hunger. With need. It was as if he just got out of the water, and her kiss was the only air that could breathe him back to life.
"Nakapiring ka pa rin ba?" tanong ni Imee sa lalaki nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Yeah," sagot nito habang humihingal nang mahina. "Where are we?"
The question stirred an anxiety in her chest. "H-Hindi ko alam. Nakapiring din ako . . ."
Sumibol bigla ang pag-asa sa kaniyang dibdib. 'Pero kung walang pumuna sa paglapit ko kay Leo, ibig sabihin, walang nakabantay sa amin!'
Naramdaman niya ang tila pagpiksi ng katawan ng binata. "Fuck! Imee! Bakit ka narito? Pinatakbo ka na nila, 'di ba?"
"Heto po sila," narinig nilang sabi ng kung sinong bagong-dating kaya nanumbalik ang kaba sa dibdib ni Imee.
'Kainis! Narito na sila! Sino ba sila? Ano ang kailangan nila kay Leo?'
"Alisin n'yo 'yong babae."
"Fuck!" she heard Leo mutter.
"H'wag!" sigaw ni Imee nang may humila sa kaniya palayo kay Leo. Hindi na niya napigilan ang maiyak. "Please, h'wag n'yong saktan si Leo! Hindi n'yo alam kung ano ang pinagdadaanan n'ya ngayon! Maawa kayo sa kan'ya!"
"Tumahimik ka!" walang-babalang bitiw sa kaniya ng kung sinong kumaladkad sa kaniya kaya nanlalambot na napasandal sa pader si Imee.
'My Leo . . . ano'ng gagawin nila sa 'yo?'
Marahas siyang huminga kaya lumabas ang hikbi mula sa kaniyang mga labi.
Parang hindi niya kakayanin ang makadurog-dibdib na isiping may panibagong paghihirap na dadanasin na naman ni Leo. He had been through a lot of hardships and heartaches.
Hindi ito makatarungan!
'Hindi ito makatarungan . . . pero hindi ako p'wedeng matulad kay Leo. Kailangan kong maniwala . . . na may hustisya . . .'
Imee heard Leo grunt.
"Dito ka!" sigaw kay Leo ng isang lalaki. "Lumuhod ka!"
Natahimik bigla ang paligid.
'Ano na ang nangyayari? Nandito pa ba sila? Leo, magsalita ka naman!'
"Ikaw?" narinig niyang bulalas ni Leo.
Sa palagay ni Imee, tinanggal na ang piring nito at nakita na ni Leo kung sino ang may pakana sa kidnapping na ito.
***
LEO NARROWED his eyes at the figure standing before him. Nakasuot ito ng itim na sapatos at maroon na neck tie at grey suit. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito na may kalat-kalat na puting hibla.
It was Governor Luisito Almario.
"Walanghiya ka!" angil niya rito.
Dalawa lang sila na nasa harapan niya—ang gobernador at ang mayabang na lalaking may shot gun na lider ng mga kumidnap sa kanila. Inayos pa ng gobernador ang cuffs ng suot nitong polo bago siya nginitian.
"Take it easy, boy. Ayaw ka naman talaga naming takutin."
Iginala niya ang paningin sa paligid at napagtantong nasa loob sila ng isang abandonadong mansiyon. It had a receiving area as huge as a ballroom that probably used to hold a lot of big parties decades ago.
Kabado niyang hinanap si Imee at nakahinga lang siya ng maluwag nang nasulyapan niya ito sa isang sulok ng silid at nakasandal sa pader. The area was dimly lit by yellow hand lamps held by the other men in the far areas of the room, two of them standing by Imee's both sides. Nanlumo siya nang makitang may tali na rin ang mga kamay nito at nakapiring ang mga mata.
'Nasa ganoon s'yang estado pero nahanap n'ya 'ko kanina.' Sa naisip na iyon, lumambot ang puso niya. 'My brave Imee . . .'
Binalingan na niya ang mga lalaki at sinikap na tumayo mula sa pagkakaluhod.
'I should be strong for Imee. Sisiguraduhin ko na lalabas kami nang ligtas sa lugar na 'to.'
"Bakit n'yo kami ipinadukot? I can sue you for this!"
He chuckled. "Huwag na natin pahantungin pa ang lahat sa gano'n, hijo. Napilitan lang naman akong ipadukot ka dahil ayaw mong tanggapin ang dinner invitation ko nitong nakaraan."
"Why should I?" he scoffed. "Kasagsagan pa ng imbestigasyon sa kaso ng anak mong si Jeffrey. Susuhulan mo lang ako."
Tumawa ito nang malakas. "Susuhulan?" Umiling ito. "Attorney, sa totoo lang paborable itong pagdidiin mo kay Jeffrey sa krimeng ginawa n'ya."
Napatitig siya sa lalaki. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Humakbang ito palapit kay Leo kaya halos pabulong na lang ang naging pagsasalita nito. "I'm glad Jeffrey is doomed to get jailed," he grinned. "At hanga ako sa 'yo dahil ikaw lang ang abogado na tumanggap sa kasong ito kung saan si Jeffrey ang makakalaban mo."
Hindi siya makapaniwala. Seryoso ba ang lalaki o trap lang ito? Parang gusto niyang matawa.
"Kakaiba ka, gov," sarkastikong tawa ni Leo. "Sigurado ka na hindi mo ako pagbabantaan na papatayin kapag hindi ako nagpatalo sa kasong 'to?"
May inilabas na sobre ang gobernador at usinuksok ito sa front pocket ng polo shirt ni Leo. "Heto na ang bayad ko para sa 'yo."
"Bakit mo 'ko binabayaran?"
Gov. Luisito patted his shoulder. "Dahil ako ang nagpahanap sa 'yo para maging abogado ni Isabel."
Siya ang nag-sponsor ng legal fees para sa biktima? Leo just found it hard to believe!
"They look well-off, huh? Well, they used to," the governor explained, as if reading the question in his mind. "But a tragic bankruptcy and the padre de familia's criminal records made the Dela Paz family poor within a year in 2010. Luckily, Isabel is smart. Nakapagpatuloy s'ya sa pag-aaral dahil sa scholarship.
"Now, she's pursuing a college degree. Pero niloko siya ni Jeffrey. Kilalang anak ng gobernardor kaya pinagkatiwalaan s'ya ng dalagitang 'yon.
"May event noon sa isang covered court. You know, the common food packs and stuff. Isabel is a volunteer there. Pagkatapos ng event, dumating itong kotse ni Jeffreey. Ipinatawag sa driver si Isabel para abutan ng 'ayuda' raw. Sumama tuloy s'ya sa kotse, kung saan nangyari ang kasuka-sukang . . ." The governor waved a hand and shook his head, unable to say the word. "Tinakot n'ya si Isabel at ang driver para manahimik.
"But the driver is more loyal to me, so he told me what happened. And good thing, Isabel couldn't hide anything to her mother. She told Nimfa what she went through. Nimfa bravely confronted me. S'yempre, hindi ko mapalalagpas ang ginawang 'to ni Jeffrey, so, I promised to help.
"Given my status, I don't want to get too visibly involved with this case. I don't want Jeffrey to hate me that much as well, because he's my son. So, I moved behind the scenes. I advised the mother and daughter to dress well so that people will take them seriously, especially you, my prospect lawyer at the time. I don't know you personally so . . . I have to make sure you'll be convinced enough to handle her case."
"Hindi ka man lang ba na-offend? Hindi man lang ba pumasok sa isip mo noong una na protektahan o kunsintihin ang anak mo?" 'di-makapaniwala niyang tanong.
The governor nonchalantly shook his head. Tila nawirduhan pa ito sa tanong niya. "No. Why should I? He's been giving me problems for years. Siguro naman, mababawasan na ang sakit ko sa ulo kapag nakulong na s'ya. It'll be nice for my image too, people will think that I didn't use my position to bail my son out of this mess." Naglabas na ito ng sigarilyo at nagsindi. "For the sake of our family and my role as a public servant, mas mabuti pa na nasa kulungan na si Jeffrey. Mahirap man tanggapin pero iyon ang nararapat."
Napailing siya, pinipigilan ang mapamura bago nagsalita. "Sana ini-deposit mo na lang sa bank account ko 'tong letseng tseke na 'to! Hindi 'tong ganito na tinakot mo pa kami ng girlfriend ko!"
"Silly boy. I don't know your bank account number and I won't use shady methods—even if I can—just to get that information." Humithit ito saglit at nagbuga ng usok ng sigarilyo. "Isa pa, hindi mo pinaunlakan ang 'private meeting' sana natin. So, I guess, you did this to yourself in a way." Malutong na tumawa ito sa sariling biro bago binalingan ang seryosong tauhan na katabi nito. "Aalis na ako at baka ma-late pa ako sa family reunion. Pakawalan mo na ang mga ito at umuwi ka na pagkatapos."
"Opo," sagot ng lalaking may shot gun.
Ibinalik agad ni Leo ang tingin kay Imee. He saw how her lips parted. Alam niya na narinig din nito ang mga pinag-usapan nila ng gobernador kaya bakas ang gulat sa mukha nito.
"Gov," pahabol ni Leo rito habang umaayos ng pagkakatayo, "binaril nitong tauhan mo ang gulong ng kotse namin. Pa'no kami makauuwi niyan?"
"Pinaayos ko na," lingon nito. "Pinaliwanagan ko na rin 'yong Steve. 'Yong lalaking pumunta sa kotse mo dahil may naiwan pala ro'n na burner phone?" Naningkit pa nang bahagya ang mga mata nito na tila ba nang-aalaska pa.
"Ano?" Sumama ang timpla niya. 'Lokong agent 'yon! Nagpadala s'ya sa paliwanag ng gov na 'to?'
"Bakit sa tingin mo, biglang tumigil ang mga death threat ni Jeffrey sa 'yo?" He smirked, proud of himself. "Dahil sa 'kin. I warned Jeffrey to stop it. Nalaman ko dahil nabanggit sa akin ni Steve ang tungkol sa mga text at sa pagpapahukay mo sa sementeryo." Pagkatapos ay walang-lingon na itong tumalikod at mabagal na naglakad papunta sa pinto. "If you manage to get insider info from him, then I suppose it's okay for you to know na galamay ko si Steve, right? One who doesn't believe in justice is supposed to understand another who doesn't also believe in justice, right?"
Habang nakatanaw si Leo sa pag-alis ng lalaki, isa lang ang unang pumasok sa isip niya. 'Wala talagang hustisya sa mundo . . . dahil nasa kamay ito ng mga may kontrol sa kalalabasan ng bawat paglilitis.'
Pagkaalis ng gobernador, tinanggalan na siya ng tali ng tauhan nito. Hinawi niya ito at nagmamadaling pinuntahan si Imee. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at inalalayan para sabay silang lumuhod sa maalikabok na sahig. Dahan-dahang tinanggal niya ang piring nito sa mga mata. Mahina siyang napamura nang maramdaman niyang basa ang bandana na ipiniring sa mga mata nito.
'She cried.'
Bumigat ang loob niya.
'Damn that man.'
Gamit ang isang Swiss knife ay pinutol ng isa sa mga tauhan ng gobernador ang tali sa mga kamay ni Imee na nasa likuran nito.
She immediately flung her arms around his neck and sunk her face to his collar. Masuyong hinagod naman niya ang likod nito. Napapikit siya dahil sa pagkakataong ito lang niya lubusang naramdaman ang kapanatagan.
"Are you okay now?" he murmured as he kissed her forehead.
"Oo . . . Oo, okay na ako, ga." Naluluha pa ito nang magtama ang kanilang mga mata. "Natakot talaga ako . . ."
"Pero kahit natakot ka, kinaya mo pa rin." Humalik uli siya sa noo nito. "Sana ganyan din ako katapang. Sana ganyan din kalakas ang loob ko."
Sinamahan sila ng isa sa mga lalaki sa kotse nila na nakaparada sa tapat ng abandonadong bahay. Outside, the world was still a black silhouette, yet the dark sky was slowly being eaten up by shades of dark blue—the predecessor of the dawn.
Pinagbuksan ni Leo ng pinto si Imee sa passenger seat pero kinabahan siya nang malingonang wala na pala ito sa kaniyang tabi. He looked around and saw her approach a car. Bumukas ang bintana sa back seat at pigil ni Leo ang hininga nang ipasok ni Imee ang kamay roon!
He flinched at the realization that she just smacked the governor on the face!
Napatakbo tuloy siya rito.
"H'wag na h'wag mo nang uulitin 'yon!" naabutan niyang angil ni Imee sa lalaki.
"Haven't I explained already why I did that?" the governor muttered, in the middle of stunned and appalled at what his girlfriend just did while rubbing his smacked cheek.
"Gov, umalis na kayo. Salamat," nagmamadaling-saad niya sabay akay kay Imee pabalik ng kotse.
"Nagka-trigger ka dahil sa kan'ya!" panlalaban pa ni Imee.
"He doesn't have to know that," aniya, pilit na pinakakalma ang sarili.
"Hindi ko naman sinabi sa kan'ya! Sinasabi ko lang sa 'yo kung bakit ko s'ya sinampal!"
"Hanga ako sa katapangan mo, pero please, ga, baka totohanin na n'ya ang pagpapadukot sa 'tin kapag nanakit ka pa. Walang hustisya, kaya huwag mo nang asahang makukuha mo 'yon sa dahas."
Imee scoffed and raised her head. Tila napipilitang sumagot ito. "Oo na! Oo na!"
Mahinahong nagpaliwanag si Leo habang naglalakad sila pabalik sa mini cooper "Noon, umasa akong ililigtas ako ng isang tao mula sa umaabuso sa 'kin. Masakit dahil imbes na iligtas ako, ang sinabi n'ya ay ako mismo ang maglabas sa sarili ko sa sitwasyong pinasukan ko. Kaya kahit nakakagago ang ginawa ni Gov, hindi ako pabor sa pagsapak mo sa kan'ya dahil kahit pangalan at reputasyon nila ni Jeffrey ang nakasalalay, tumulong pa rin siya sa isang biktima ng rape."
Mabilis na pinaupo ni Leo si Imee sa passenger seat at isinara ang pinto para hindi na ito makagawa pa ng pagsisisihan nila sa huli. Patungo na sana siya sa driver's seat nang makasabay sa paglalakad ang tauhan ng gobernador na may shot gun. Nahuli ito sa paglabas mula sa abandonadong bahay dahil ito ang nag-lock dito.
Nilingon ni Leo ang lalaki.
"Sorry," malamig niyang sabi dito, nakakuyom ang kamao.
Bago pa ito nakapag-react, nalaman na nito kung para saan ang pagso-sorry ni Leo. Tumama ang isang malakas na sapak sa mukha nito kaya tumumba ito sa masukal na lupa.
Dali-daling sumakay si Leo sa driver's seat at binuhay ang sasakyan. Imee's jaw dropped at what she saw.
"Bakit mo s'ya sinapak?" nag-aalalang tanong nito. "Akala ko ba, walang hustisya kaya h'wag umasang makukuha 'yon sa dahas?"
Nagmaneho lang siya palayo sa bahay. "He pointed a gun at you. He cussed you. He tied you up, blindfolded you, and made you cry."
Napangiti na lang bahagya si Imee. "Walanjo rin si Gov, no? Tinakot tayo."
Leo shrugged his shoulders. "Oo, pero may mabuti rin namang nangyari."
"A, oo. May tseke!" masigla nitong tawa.
Nagugulohang napasulyap siya rito. "What? No!" Ibinalik niya ang tingin sa kalsada. "Ang tinutukoy ko ay 'yong na-realize ko habang kinikidnap tayo ng mga tauhan n'ya."
Ito naman ang naguluhan. "Ano 'yon?"
His expression softened. "That there's still a long way to go before I recover from my trauma."
"Nag-aalala ka ba dahil doon?"
He nodded. "Oo. Hindi naman kasi makatarungan na paghintayin kita nang matagal hanggang sa maghilom ako. Hindi sa nakikipaghiwalay ako, pero kung sakaling matagalan ka sa kahihintay—"
Imee chuckled lowly, interrupting him. Nagsalubong tuloy ang mga kilay niya.
"Bakit ako maghihintay na mag-heal ka bago kita mahalin?" anito.
Lalong gumusot ang mukha niya. "Bakit? Mahilig ka sa red flag? E, no'ng inakala mong niloko kita, grabe na nga ang galit mo sa 'kin?"
He felt her eyes on him—how they lovingly gazed at him. "Leo, iba naman 'yong manloloko sa may trauma. 'Yong isa, choice, at 'yong isa, hindi choice ng tao. Sa kaso mo, may trauma ka at gumagawa ka ng paraan para maghilom. At sa kaso ko naman, hindi ako maghihintay na mawala ang trauma mo bago ko iparamdam sa'yo na mahal kita. Hindi ba mas dapat na maramdaman ng taong may trauma na may nagmamahal sa kanila? Na may nakikinig sa kanila at nakauunawa sa kanila?
"I want to be by your side on your journey, on this journey. At alam ko naman na kung maka-recover ka man sa trauma mo, hindi naman 'to tuluyang mabubura sa isip mo. Magkakaroon na ito ng parte sa pagkatao mo, kaya ngayon pa lang, dapat yakapin ko na ang katotohanan na parte ng kung sino ka ngayon ang nakaraan mo, kahit traumatic pa 'yon. Kaya kung . . . kung habambuhay mo'ng ayaw na may nakayakap sa baywang mo . . . hindi ako yayakap sa baywang mo."
Leo sniffed, and it was when he realized that his eyes were already misting. He could not understand why he felt like crying when a cozy kind of warm was glowing from the chambers of his heart, like a fireplace that warmed his whole being.
"What more can I say? You already said everything so perfectly. I love you, ga," he said, breathlessly.
Imee caressed his cheek briefly and tapped it gently. "I love you too. At kung ayaw mong nakayakap ang mga hita ko sa baywang mo . . ." She leaned close to whisper. "Mag-dogstyle na lang tayo."
Gulat na napasinghap siya at pinanlakihan ito ng mga mata. "Imee!"
He didn't know if he should laugh out of giddiness or blush sheepishly!
Galak na galak namang napahalakhak ang dalaga. "Ano? Alam mo na ngayon ang naramdaman ko noong tinutukso mo ako tungkol sa 'senior' mo!"
They laughed.
A few seconds later, Leo gasped a little when he remembered something. "Kunin mo nga 'tong nilagay ni Gov sa bulsa ng polo ko. Check the details."
Sinunod ni Imee ang utos nito at kinuha ang papel na nakatiklop sa loob ng chest pocket ng kaniyang shirt. Pagkabuklat na pagkabuklat dito ng dalaga ay nanlaki ang mga mata nito.
"Leo," nanlalaki na ang mga mata nito, "binayaran ka n'ya ng tseke. Five million."
"Tangina, seryoso?" napalingon si Leo dito at nakumpirma na totoo ang sinabi ng dalaga.
Mabuti at hindi tinupi masyado ang tseke kaya hindi iyon nag-iwan ng anumang marka rito. Bukod doon, hindi ang gobernador ang pumirma sa tseke kundi si Nimfa Dela Paz mismo, ang nanay ni Isabel.
Knowing that Nimfa was already poor, Leo immediately assumed that Governor Almario gave her some money—in hard cash—and asked her to open her own checking account. Nimfa probably convinced the bank that the money was clean because she used to be from a wealthy family. She could have reasoned that the money came from an inheritance, or dug out from a buried family treasure, who knows?
Then, the account and check was used to pay him—their lawyer—with the assurance that it wouldn't be traced back to the elusive governor.
Imee nodded. "Galante pala s'ya!"
He returned his eyes on the road and smiled lightly. "Now I understandwhy he wanted to be very discreet about paying me. Kung bakit ayaw rin n'yaipa-deposito o ipa-bank transfer."
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro