Chapter 4
#LGS1Ambisyon #LGS1chapter4 #LaGrilla1
***
NAGKITA sina Imee at Leo sa burol pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, kung kailan hindi na masakit sa balat ang init ng araw. The hill was a spot in the farm that overlooked the mansion and the whole coconut plantation. Medyo elevated na ang lupain patungo sa burol na ito at malayo-layo rin ang distansiya mula sa mansiyon. Makapal ang hanay ng mga puno ng niyog sa kanilang likuran bago marating ang malawak na latag ng damo sa pinakatuktok ng burol.
Umupo sila malapit sa tuktok ng burol. Magkalapit sila pero may espasyo sa kanilang pagitan.
Nakatanaw sa malayo si Leo. Nakatukod sa bandang likuran ang mga braso at nakaunat ang isang binti habang nakataas naman ang kabilang tuhod. Imee heard him breathe in and out several times, as if he was cleansing his lungs with the cool, fresh, late afternoon air.
Hindi naman mapigilan ni Imee ang mapangiti. Everything just felt so peaceful. Malamlam na ang liwanag na nagmumula sa araw. Dalawang oras pa at lulubog na ito. Bukod sa mabini ang sinag nito ay kinumutan nito ng manilaw-nilaw na kahel ang kalangitan at ang buong paligid. Lalo tuloy tumingkad at nagkaroon ng buhay ang berdeng dahon ng mga puno at damo.
Imee broke the silence between them. "Bakit gusto mong makipagkita, Leo? Ano ang pag-uusapan natin dine?"
Hindi siya nito nilingon. Ngumiti lang ito. "Gusto lang kitang kumustahin."
"Sobrang tagal naman bago mo ako naisipang kumustahin," nanunukso niyang ngisi.
"Wala, e. Life happened . . ." Something seemed to have cross his mind. Something sad . . . or shameful. He immediately shook it off and smiled lightly. "A lot has happened."
"Pero dilaw pa rin ang buhok mo." Pigil ni Imee ang matawa.
"Does it really look that bad?" natatawang lingon nito sa kaniya. Bahagya pa nitong ginulo ng kamay ang buhok para ipakita sa kaniya.
It took her some time to reply. Saglit na nawala kasi ang atensiyon niya sa kanilang usapan. Her focus was diverted to his face.
'Hay, ang guwapo niya talaga kapag nakangiti!'
His genuine smile was always this open-mouthed one. It was the most precious among all the kinds of smiles he gave her from the past up until this moment. And Imee swore she would stop anything just to have the time in the world to admire that smile.
Umiling siya pagkatapos. At saka lang rumehistro sa kaniya ang mga sinabi ni Leo. Hindi niya tuloy napigilang matawa. "Parang ewan. Kulay mais kasi!" Nanlaki ang mga mata nito. Natakot tuloy si Imee. Baka nao-offend niya ito. "Hindi naman sa pangit. I mean, kagaguwapo mo nga, e . . ." Nanlambot siya pati ang kaniyang boses sa aksidenteng inamin. She picked up her tone to cover it up. "Pero kasi, ang weird la'ang! Hindi la'ang ako sanay!"
'Sa totoo la'ang, mas guwapo ka sa natural na kulay ng buhok mo . . . Para sa akin, mas bagay ang gay'on sa 'yo . . . Hay, Leo! Adwang-adwa na 'ko sa 'yo! Dapat, hindi na kita crush!' Magkahalong kilig at inis niyang isip.
He closed his lips for a moment, still smiling. Then he asked, "E, bakit ikaw? Nagpaikli ka ng buhok? Broken-hearted ka ga?"
Napahawak siya sa dulo ng kaniyang buhok. Imee didn't mean to, but she began sounding defensive. "Nagpaikli la'ang ng buhok, broken-hearted agad?" Binuntutan niya ito ng mahinang pagtawa.
"I don't know why a lot of people say that when someone cut their hair so short. Tinanong ko lang 'yon kasi nakikiuso ako," mahina nitong tawa bago sumeryoso. "But hey, that sounds good, you know? That no one has broken your heart." Then he gazed at the view that stretched out before them-the coconut trees looking green and alive, gently dancing along with the breeze. "And no one should . . ."
After trailing off, Leo lowered her head. Tila may pinag-isipan ang lalaki. Napailing ito pagkatapos. "I'm sorry."
Nagsalubong ang mga kilay ni Imee. "Sorry saan?"
Nginitian siya ni Leo. Tila sasagutin na nito ang tanong niya pero biglang nagbago ang isip nito. "Ano . . . Sorry. Kinukumusta kasi kita, 'di ba? Napunta na sa buhok ang topic natin. Come on, tell me. How have you been all these years?"
Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Bigla kasi siyang nahiya nang alalahanin kung ano ang mga nangyari sa kaniya nitong nakaraang mga taon.
"Disappointed ka siguro sa akin," matamlay niyang panimula. "Halata naman na wala akong narating. Sabi ko noon, gusto ko maging lawyer katulad mo. Hindi naman ako naging lawyer."
"Didn't I promise to help you become a lawyer?" silip nito sa kaniyang mukha.
Nahiya siyang saluhin ang tingin ng mga mata ni Leo sa kaniya. "Nag-promise ka, pero hindi naman dahil doon kaya hindi . . . kaya hindi ko natupad 'yon." Then, Imee shrugged. She realized that she should stop giving a damn about this low-esteem she was feeling. She had to meet his gaze. Nilingon niya si Leo. "Pero mabuti at kahit papa'no, payapa pa rin ang buhay ko. Kaya huwag kang ma-guilty kung hindi mo ako natulungang makapag-aral. Si Itay nga, hindi sumama ang loob sa 'yo no'ng hindi mo ako natulungang mag-college. Nagbago na rin naman ang mga gusto ko sa buhay. Gay'on. Kaya okay la'ang kung hindi ako naging lawyer."
'Isa pa, alam ko namang hirap na hirap kang igapang ang sarili mong pag-aaral. Kaya nauunawaan namin, Leo . . . Nauunawaan ko . . .'
He grew curious. "Ano ang nagbago sa mga gusto mo?"
"Na-realize ko na simple lang ang buhay rine at are ang gusto ko. Hindi na ako naging ambisyosa." Napayuko siya. 'Hindi na pala naging ambisyosa, e, bakit nahuhumaling pa rin ako kay Leo?'
"Ambisyosa?" Hindi niya mawarian kung bakit tila nagpipigil ito ng tawa.
"Oo. Masyado akong ambisyosa para maniwalang magiging lawyer ako," angat niya uli ng tingin dito. She managed a smile that did not reach her eyes though. "Mahirap naman kasi kami, mahina pa ang IQ ko."
"Don't say that! Maybe, you are meant for other things. Kung hindi ka nag-e-excel sa critical-thinking side, baka sa creative side, puwede pa."
Nakalimutan ni Imee ang tungkol sa sarili. Napukaw ng mga sinabi ni Leo ang kaniyang buong interes. "Creative side?"
"Well, yes." Umusod ito palapit para magdikit ang kanilang mga braso. He drew his face close to hers, as if he was about to whisper a secret. "May mga nakilala ako noong college, mahihina sa Math, pero ang gagaling mag-drawing."
"Talaga?" naiintrigang lapit niya ng mukha sa mukha nito.
"Oo." Tumango-tango si Leo. "Nag-aral lang sila kahit laging mababa ang grades para magkaroon ng degree, para pagbigyan ang parents nila. Pero kalaonan, milyon ang kinikita nila sa ibinebenta nilang paintings. Nakikipag-collaboration pa sa mga sikat na brand at kompanya, nagde-design ng mga mamahaling bags, T-shirts, etcetera."
"Ang ibig mong sabihin, mga art. Gay'on?"
He nodded again, smiling meaningfully.
"Ipinapahiwatig mo ga na baka sa gay'ong bagay ako magaling?"
"Oo. Kaya huwag mong sabihing mahina ang IQ mo por que hindi ka magaling sa academics. Okay?"
Napalabi siya. "E, saan naman kaya ako magaling?"
Mapang-unawa siya nitong tinitigan. Tila lumambot ang anyo nito, kaya pakiramdam tuloy ni Imee ay naaawa sa kaniya ang lalaki. Nahihiyang nagbaba tuloy siya ng tingin.
"Do you want me to help you figure it out?" he finally asked.
Namilog ang mga mata niya. "Tutulungan mo 'ko? Paano naman?"
"I have a few ideas," he smirked.
"Ano?"
He pulled out the smart phone from the right pocket of his jeans. The screen lit up for a few minutes before he turned it off. Then, he glanced at her.
"I'll share a lot of ideas pagbalik ko rito sa weekend. For now, I have to go. Mahirap nang maabutan ng rush hour sa biyahe pabalik sa Maynila."
Mapang-unawang tumango-tango siya. Naunang tumayo si Leo at naglahad ito ng isang kamay para alalayan siya sa pagtayo.
Halos magwala ang puso niya habang pinagmamasdan ang palad nito. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay mahahawakan niya ang kamay ng lalaki na matagal na niyang crush! She swallowed, placed her hand on his' and they gripped each other at the same time.
Nang makatayo siya, nauna siyang bumitiw sa kamay nito. Nahihiyang itinago pa niya ang kamay sa likod at ikinuyom ito.
She gave him a nod. "Tara na. Ihahatid na kita sa kotse mo."
Leo shook his head. "Huwag na. Dumeretso ka na ng uwi sa inyo."
Bago pa siya nakasagot ay nauna nang lumakad patungo sa mga puno ng niyog ang lalaki, sa direksiyon kung nasaan ang ligtas na daan pababa ng burol.
Napalabi siya. 'Wala man lang ba-bye?'
Nagmamadaling sumunod siya rito. "Mag-iingat ka sa biyahe!"
He looked at her over his shoulder and smiled. "Salamat."
Pagkatapos, nagpatuloy na ito sa paglakad nang hindi man lang siya nililingon. As the falling shadows of the trees completely hid him, Imee finally felt safe to expose her hand that he held earlier. Inilapat niya ito sa kaniyang dibdib habang nakangiting nakatanaw sa direksiyon na tinahak ni Leo.
Samantala, pagdating ni Leo sa harap ng mansiyon, saktong palabas mula rito si Jamer. Sukbit na nito ang shotgun. Tuwing alas-kuwatro kasi ay nagsisimula ang routine nitong paglilibot sa hacienda na gabi na natatapos dahil sa lawak ng lugar. His patrolling habit was for safety purposes.
"O? Akala ko, nakaalis ka na?"
Leo scoffed and lowered his eyes to the car door. "Pasakay na ako ng kotse nang maalala ko ang sinabi mo, na anak ni Mang Baste iyong babae na kasama kanina ni Ligaya." This time Ava's fake name did not make him laugh. His mood was completely influenced already by his encounter with Imee. "I don't want to believe it, so I decided to see it for myself." Nang mabuksan ang pinto ng kotse ay sinalubong niya ang tingin ni Jamer. "And guess what? That girl I like is Mang Baste's daughter, Imeng."
Namaywang si Jamer. "In that case . . ."
"I should stay away from her."
Nagtatakang tinitigan siya saglit ni Jamer bago ito tumango bilang pagsang-ayon.
"But how can I stay away from her? Napangakuan ko na siya na magkikita kami uli." He sighed heavily and waved a hand. "Sige na. Uuwi na ako at baka abutan ako ng rush hour."
Hindi na hinintay pa ni Leo ang tugon ni Jamer. Gusot ang mukha na sumakay na siya sa kotse at umalis.
***
WALANG kamalay-malay si Imee na halos magkandahaba na ang leeg ni Minerva sa kasisilip. Nakatayo ang nanay niya sa bandang likuran niya. Siya naman ay nakaupo sa kawayang sahig ng bahay at nakapatong ang mga braso sa mesitang gawa rin sa kawayan. Sa ibabaw ng mesa ay magulo ang pagkakapatong-patong ng mga papel. Nagkalat din ang ilang tasang lapis at mga putol-putol na Crayola.
Imee felt weird. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya bigla siyang lumingon. Pareho pa silang nagulat at napasinghap ni Minerva nang nagkatinginan sila.
"'Nay!" Nananaway ang kaniyang tono. "Nakagugulat ka naman! Ano'ng ginagawa n'yo rine? Kanina ka pa ga? May ipag-uutos po kayo?"
Hindi makangiti si Minerva. Nag-aalinlangan na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at sa mga papel sa mesa. "E, ikaw. Ano'ng ginagawa mo?"
Siya naman ang nataranta sa tanong nito. "A, ano . . ." Habang nakatingin sa nanay ay sinalansan niya ang mga papel. "Wala la'ang 'to, 'Nay."
"Wala la'ang, e, ilang araw ka nang nagdo-drawing! Pati putol-putol na Crayola ng anak ni Judith, hindi mo pinatawad," tukoy nito sa kanilang kapitbahay na may anak na pumapasok sa elementarya.
She chuckled nervously. "E, alam n'yo na naman pala ang ginagawa ko, bakit naitanong mo pa, Inay?"
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Hoy, Imeng, hindi por que bente-siyete anyos ka na, e, puwede mo na ako pilosopohin!"
"Hindi naman ako namimilosopo, 'Nay!" She was apologetic, but at the same time, defensive. "Ano kasi . . ."
"Para saan-" Yumuko ito para kunin ang isang papel. Pipigilan niya sana ito pero nakuha na agad nito ang papel na iyon. "-ang drawing?" Gumusot ang mukha nito nang mapagmasdan ang drawing niya.
Tumayo siya para magpantay ang kanilang mukha, kaya lang mas matangkad siya sa kaniyang nanay. "Tinitingnan ko lang kung magaling ga ako mag-drawing."
"Aba'y Imeng, paano ka naman gagaling sa pagdo-drawing, e, hindi mo naman pinapraktis are?" Ipinakita pa nito sa kaniya ang pangit niyang pagkaka-drawing sa mga puno na abot-tanaw mula sa bintana ng kanilang bahay. "Huling beses kitang nakitang mag-drawing, e, high school ka pa no'n at pinatapos mo sa kaklase mo kasi pangit ang naumpisahan mong i-drawing."
"Naisip ko lang kasi, 'Nay-" maingat niyang kuha sa papel mula rito. "-na kung ako'y maas sa eskuwela, baka sa ibang bagay ako'y talented."
Nagdududang pinaningkitan siya nito ng mga mata.
"Kaya inaalam ko," patuloy niya sa pagpapaliwanag. "Tinitingnan ko kung mabilis akong matututong mag-drawing."
"Hmm . . ." Inekis nito ang mga braso pero hindi mahulog-hulog ang walis tambo na kanina pa nakaipit sa ilalim ng kili-kili. "Dahil ba are kay Leo?"
Nanlaki ang mga mata niya, maging ang mga butas ng kaniyang ilong. "'Nay naman! Ano naman ang kinalaman ni Leo rine?"
"Aba'y, nitong huling punta n'ya, kitang-kita ko kayo sa burol! Pagkatapos, kinabukasan, hiningi mo na ang mga Crayola no'ng anak ng kapitbahay natin!"
She sighed. Wala naman sigurong mali kung aaminin niya ang totoo.
Nahihiyang napayuko siya. "Kinumusta lang naman ako ni Leo, 'Nay. Naalala rin niya iyong pangako niya dati na hindi niya natupad na tutulungan niya ako sa pag-aaral."
"Hindi naman kami naniwala ng tatay mo sa paandar niyang 'yon, e. O pagkatapos? Ano ang kinalaman n'on sa pagdo-drawing mo?"
"E, 'yon. Sinabi ko sa kaniya na dahil bobo ako, hindi ako makakuha ng mga scholarship-scholarship kaya high school lang ang natapos ko. Ang sabi naman ni Leo, hindi mahina ang IQ ko. Baka la'ang daw magaling ako sa ibang bagay, katulad nireng pagdo-drawing."
Aling Minerva stared at her for a moment, considering her words. Then, a teasing smile formed on her lips. "Ibig sabihin, crush mo na uli ang Leo na 'yon?"
"Aba'y, hindi!" depensa niya, pero para siyang bulateng nabudburan ng asin at hindi mapakali.
"Ha!" Pigil nito ang matawa dahil sumasabay ang panenermon sa tono ng pananalita nito. "Naku, Imeng, sinasabi ko sa 'yo!"
"Hindi na nga sabi, 'Nay! Ang tanda ko na para sa mga crush na gay'an. Sa mga artista na la'ang ako may crush!" Kinolekta na niya ang mga gamit sa mesa. "Isa pa, napaisip ako sa mga sinabi niya, 'Nay, na kung ako'y magaling sa ibang bagay, e, 'di aalamin ko kung ano 'yon. Baka makatulong 'yon sa 'tin. Yumaman pa tayo."
Hinawakan na ni Minerva sa hawakan nito ang walis. "Ikaw ang bahala, pero huwag sana ang pag-alis sa poder namin ang gawin mong motibasyon para d'yan, ha?"
She turned to her mother and smiled softly. "'Nay . . ."
Nasa pagwawalis ng sahig na ang tingin ni Minerva. "Anak, huwag mo sanang isiping nagiging pabigat ka sa amin kaya inaalam mo kung ano ang talento mo para yumaman, para makabukod. Kahit hirap ka makahanap ng trabaho dahil high school lang ang natapos mo, tandaan mo, ang laki ng tulong mo sa amin ng tatay mo rine pa la'ang sa bahay. Naaasahan ka namin sa mga gawain rine at hindi mo kami binibigyan ng sakit sa ulo." Tumuwid ito saglit ng pagkakatayo para titigan siya sa mga mata. "Hanapin mo sana kung saan ka may talento dahil 'yon ang gusto mong gawin."
Tipid niyang nginitian ang ina. Hindi na kasi magbabago ang isip niya. Aalamin niya kung ano'ng talento ang puwede niyang gamitin para yumaman, para tulungan ang kaniyang pamilya. Hindi niya ito gagawin dahil lang sa gusto niya, lalo na at sa loob ng maraming taon ay nabigyan siya ng pagkakataon ng mga magulang na gawin ang kaniyang gusto kahit papaano. Sa pagkakataong ito, gagawin niya ang isang bagay para sa kaniyang mga magulang, ang bigyan ang mga ito ng maginhawang buhay.
"Tao po!"
Gulat na napatingin sila sa bukas na pinto ng bahay. Sa sobrang seryoso ng kanilang usapan, ni hindi nila naulinigan ang pag-akyat ni Leo sa hagdan para marating ang pinto.
"O, Nardo, naparine ka na naman?" Itinukod ni Minerva ang isang kamay sa baywang habang hawak pa rin ang walis.
"A, opo," paling nitong ngiti sa kaniyang ina. "May ibibigay lang po sana ako kay Imeng."
Hee mother gave her a side glance, a suspicious kind. Nagmaang-maangan naman siya at binigyan ang ina ng naguguluhang tingin.
"Puwede po ba akong pumasok?" usig ni Leo sa kanila.
"Oo. Tumuloy ka. Huwag mo akong pansinin at mag-iimis lang ako," sagot ng kaniyang nanay bago siya nito palihim na pinanlakihan ng mga mata.
She just smiled at her mother awkwardly. Inilapag niya uli ang kaniyang mga gamit sa mesita. Pagkatapos, nilapitan niya si Leo at iginiya sa kawayang sofa. Si Minerva naman ay panay ang pagnakaw ng pailalim na tingin sa kanila habang nakayuko at nagwawalis.
They sat on the opposite sides of the sofa. Maliit ang espasyo sa pagitan nila pero sapat na para magkasya ang mga folder na dala ng lalaki.
"Nandito ka uli?" namamangha niyang tanong habang pinagmamasdan ang mukha ni Leo.
This time, he seemed very prepared for their meeting. He brushed back his yellow blond hair and it looked so glossy, making Imee assume he used a clear hair gel to hold the hairstyle in place. Two twisted strands of hair fell on the right side of his forehead, a stylistic choice on Leo's part. His scent was also aggressive this time. It was so strong it cannot go unnoticed; so strong and yet so pleasant-the scent of cool mint with hints of musk. Add to that his stylish choice of clothes-a pale yellow button-down shirt open up to the upper mid of his chest, its sleeves folded up to his elbows and ends tucked in his tight blue jeans. His ankle shoes were also brown, made of leather, and shiny. He picked a silver wristwatch for an accessory.
"Imee?"
Napamulagat siya dahil may pag-aalala sa boses nito. Naguguluhang sinalubong niya ang mga mata ni Leo. Oh, those downturned, ebony eyes. They always seemed bored, lazy . . . but most times, they looked dangerous, the thrilling kind of dangerous.
"Is there something wrong?" he asked further, his thin brows furrowing.
'Something wrong?' Nag-aalangan siyang tumawa. "Wrong. Ano'ng . . . What's wrong? There's nothing wrong." Tumuwid siya ng upo. "There's nothing wrong, Leo. Everything is alright. So right. Uhm . . ."
'Ano yaong sinabi niya? May sinabi ga siya na hindi ko narinig?'
Napaubo si Aling Minerva kaya napunta ang tingin nila rito. She waved a hand at them. "Maalikabok ang nawalis ko. Sorry. Ano't magtakip kayo ng mga ilong kasi hanggang dine, este, hanggang diyan, nalalanghap ko-malalanghap n'yo pala." At patay-malisyang nagpatuloy ito sa pagwawalis.
She caught Leo smelling himself before shrugging. Then, he returned his attention to her.
"As I was saying, nasa mga folder na 'to ang listahan ng mga skill at talent na puwede mong i-try." Nilapat nito ang kamay sa ibabaw ng dalawang magkapatong na folder sa pagitan nila.
"Puwede ko na gang tingnan?"
"Sure," alis nito ng kamay sa ibabaw ng mga folder.
She took one folder and read the lists one by one. Ang nagdagdag sa kapal ng folder bukod sa listahan ng iba't ibang uri ng hobby ay ang mga step-by-step instruction kung paano gawin ang ilan sa mga ito. May mga website link din ng mga video o articles na makatutulong para ma-enhance ang mga ito.
"Paano areng dobolyu, dobolyu, dobolyu?" kunot-noo niya. "E, wala kaming computer o Internet. Sa bayan la'ang may mga comshop at kalalayo naman."
"That's where I'll get in," halos bulong nito sa kaniya.
Bahagyang nakadikit ang gilid ng mukha nito sa kaniya nang kaniyang lingunin. Si Leo naman, nakasilip sa pahina ng papel na kaniyang binabasa.
"Nare?" turo nito sa papel na hindi niya makita. Nakatutok lang kasi ang mga mata niya sa binata. "Puwede kong i-print out para sa iyo. May printer naman ako sa bahay, e. Iyong mga video, ako na la'ang siguro ang manonood 'tapos ituturo ko sa 'yo kung ano ang napanood ko . . ." He stopped, as if lost in a trance. Nagtaka tuloy siya at tiningnan kung ano ang itinuturo ng daliri ni Leo. It was a website link about dancing. Nang ibalik niya ang tingin dito, napalunok ito bago nagpatuloy. "O puwede namang i-download ko kung may download link 'yong video. Ipapanood ko sa 'yo. Hindi ba, may smart phone ka naman?"
Tumango siya. "Oo. Pero ano kasi, maliit lang ang memory no'n at saka hindi magandang klase. Kaya siguro ang mura lang noong nabili ni Itay. Siya nga dapat ang gagamit no'n, kaya la'ang, nahirapan siya sa touchscreen kaya ako na lang ang pinagamit niya-" Naputol ang sasabihin niya dahil inawat niya ang sarili. Napapakuwento na naman kasi siya nang mahaba kahit hindi dapat.
Leo smiled at her. "Great. Then, I'll download some videos. Pagkatapos, ise-send ko sa 'yo."
She smiled back at him, making him gaze down on her lips.
"Usoooood!" litaw ni Aling Minerva kasama ang walis-tambo nito.
Naguguluhang napatingin sila sa nanay niya na inilagay pa talaga ang walis sa pagitan ng mga paa nila. Napilitan tuloy umusod palayo sa kaniya si Leo para makapagwalis nang maayos ang kaniyang nanay. Itinaas pa nito ang mga paa bago niya ginaya ang lalaki.
***
"MINERVA!" pabulong na tawag ni Mang Baste sa asawa.
Napapiksi naman ang ginang sa gulat at napayakap sa walis-tambo bago hinarap ang lalaki. Nang mapagtanto na ang asawa ang tumawag dito, nangigigil na napalo ito ng babae sa braso. Mahinang napadaing si Mang Baste, napahagod ng braso, at naguguluhang napalipat-lipat ang tingin kay Minerva at kay Imee.
"Bakit nakakubli ka rine sa kusina? Ganyan pa ang posisyon mo. Para kang stalker ng anak mo," anito sa mahinang boses.
"Hindi mo ga nakikita?" hila ni Minerva sa asawa para magtago saglit sa likuran ng dingding na pumapagitan sa kusina at sa sala. "Ilang linggo nang kung ano-ano ang ginagawa ng anak mo. Ngayon naman, nagsasasayaw sa sala habang may pinapanood sa cell phone niya. Nakailang saway na rin diyan si Judith dahil sa ingay ng patugtog niya!"
"E, hininaan na naman ng anak mo 'yong Bluetooth speaker, e?"
"Oo nga. Pero kahit na."
Gumusot ang mukha ni Mang Baste. "Ano ga ang problema kung nagsasasayaw ang anak mo? Baka nililibang lang niya ang sarili kaya nagdo-drawing siya, kumakanta, at kung ano-ano ang niluluto."
"Wala ka bang kaalam-alam? Dahil kay Nardo kaya gumagay'an iyang anak mo."
"A, oo nga pala!" gulat nitong bulalas nang makaalala. "E, ang suhestiyon lang naman ni Nardo sa kaniya, tutulungan siyang alamin kung ano iyong talent o skill ng anak mo. Ayaw mo n'on? Iyong alamin ni Imeng kung saan siya magaling para mapagpursigihan na ng anak mo kung ano'ng trabaho ang mapusuan niya?" Kumuha muna ito ng tubig bago umupo sa kawayang bangko. Tumabi naman dito si Minerva.
"Mabuti nga sana kung gay'on! Ang kaso, hindi ko sigurado kung ginagawa 'to ni Imeng para sa sarili niya o para magpakitang-gilas doon kay Nardo."
Nagdilim ang anyo ni Mang Baste. "Bakit mo naman pag-iisipan ng gay'an si Imeng? Wala naman siyang gusto kay Nardo."
Minerva curled back her lower lip. Animo'y isang pasaway na bata na nahuling gumagawa ng kalokohan. Nagmaang-maangan agad ito. "Aba, hindi ko alam! Kaya nga nababahala ako! Ang gusto ko kasi, gawin ni Imeng ang gusto niya dahil gusto niya talaga, at hindi dahil nakukumbinsi siya ng kung sino."
"Kung ano ang sinabi ng anak mo na dahilan, iyon na lang ang paniwalaan mo. Aba'y halos buong buhay ni Imeng palagi siyang tumutulong sa atin sa bahay. Nakatira pa rin siya sa atin, pero hindi ibig sabihin, e, ay parang bata pa rin ang magiging trato natin sa kaniya. Matanda na ang anak mo, Minerva. Hayaan mo na lang siya na gawin ang maibigan niya. May isip na rin siya. Kampante rin naman ako sa pagpapalaki natin sa kaniya, kaya hindi siya basta-basta maiimpluwensiyahang gawin ang mga bagay na ayaw niya."
Napipilitang napabuntonghininga ito. "Aba'y, oo na nga."
Nang makontento si Mang Baste sa sagot ng asawa ay uminom na ito ng tubig. Nang ibaba nito ang baso, may sinabi ito na bahagyang nagpagaan sa loob ng babae.
"Malay mo, tutuparin na ni Nardo ang pangako noon na pag-aaralin si Imeng. Kung magka-college na rin lang ang anak natin, dapat ang kunin niyang kurso ay tungkol sa bagay na interesado siya, tama?"
Namilog ang mga mata ni Minerva. Bahagyang nagliwanag ang mukha nito. "Magdilang-anghel ka sana, Baste."
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro