Chapter 39
#LGS1Pagpapaalam #LGS1Chapter39 #LaGrilla #LaGrilla1
***
Warning: 🚫
Sexual content
KINABUKASAN, nag-ayos si Imee sa guest room na tinutulugan at dumeretso agad sa office room para silipin si Leo. She could still recall that based on her room's wall clock, it was only four in the morning. Ibig sabihin, may tiyansa pa siyang masilayan si Leo nang hindi tinataboy dahil tulog pa ito
Dumeretso si Imee sa office room at taliwas sa inaasahan ang kaniyang nadatnan. Leo was already sitting in front of his desk, reading some papers.
He immediately felt her presence, tilted his swivel chair to face her direction, and pierced her with his dark gaze behind his reading glasses.
She interpreted his lingering stare as an invitation to come in, since his gaze pulled her toward him, as strong as magnet to steel.
But to her disappointment, he spoke as soon as she walked in.
"Don't come here."
"H-Ha?"
"Don't. Come. Here."
Hindi man lang nito hinintay ang sagot niya. Pinihit na nito ang swivel chair paharap sa desk at nagpatuloy sa pagbabasa ng files.
Naalala niya ang unang beses na pumasok siya office room nito. Noong sinabihan siya ng binata na sasama siya kay Yaya Lumeng sa pamimili. He even gave her his credit card and had a banter about his junior to the point that Leo stood up and jokingly told her to come to him to see it.
"Come here . . ."
In the present, Imee stood in the very same room, but this time, Leo wanted her to stay away from him.
"Don't. Come. Here."
'Bakit, Leo?'
Muntik na siyang magiba, manghina, at matalo ng emosyon. Gusto na niyang komprontahin si Leo pero mabilis niyang pinakalma ang sarili at naalala na dapat niyang respetohin ang boundaries nito.
Imee replied softly, "Okay. I won't come."
Leo did not look up but his shoulders obviously jerked, surprised. Natulala ito at tila muntik nang mabilaukan.
"Gusto mo ba ng almusal?" patuloy ni Imee bago umalis.
He cleared his throat. Tipid itong sumagot. "No."
Sa tingin niya, humindi lang si Leo para umalis siya agad. Ayaw niyang maniwala na ayaw pa nitong kumain dahil alas-kuwatro pa lang at kadalasan ay alas-sais ng umaga hinahatiran ni Yaya Lumeng ng almusal si Leo sa office room. It only meant that he hadn't eaten anything at this time of the day.
Pero pinigilan niya ang sarili na kumontra rito.
"No food then. E, kape? Gusto mo bang magkape habang nagbabasa?"
Napasulyap uli ito sa kaniya at hindi niya mapigilan ang mapangiti. He finally gave her another piece of his attention.
He stared at her, as if studying her before he answered. "Sure."
May lungkot pa rin sa mga mata nito at hindi man lang nito tinugon ang kaniyang ngiti rito, pero ayos lang. Ang mahalaga ay kinakausap na siya nito.
Masayang bumaba si Imee sa kusina. Nadatnan niya sa kusina si Yaya Lumeng at nakumpirma mula rito na kumain na si Leo ng pandesal. Paggising kasi ng katulong ay nakita nitong kababalik lang ni Leo kaninang madaling-araw galing sa bakery. Marami ang binili nitong pandesal para may makain din daw sila ni Yaya Lumeng.
Masaya si Imee dahil hindi pala nagdadahilan si Leo na ayaw kumain para mapaalis siya agad sa office room kanina. Nagpandesal na nga ito.
Before having pandesal for breakfast with Yaya Lumeng, Imee went back to Leo's office room first with the cup of coffee she promised. Sa pagkakataong ito, hindi na nagbabasa ang lalaki. Nakahiga na ito sa sofa at nanonood ng TV. Inilapag ni Imee ang kape sa desk nito.
"Don't come here," she remembered him say.
Ayaw nitong malapitan niya at masakit iyon sa parte niya. Imee knew that she should be hugging him, kissing him! But if he didn't want to, who was she to force him?
"Leo," tawag niya, "inilagay ko na rito 'yong kape sa mesa mo, ha? Aalis na 'ko."
"Sa'n ka pupunta?" walang-lingon nitong tanong.
"Uhm, mag-aalmusal," sagot niya bago napayuko habang kabado na napapahagod ang mga kamay niya sa sariling mga braso. "Salamat pala sa pandesal na ibinili mo para sa 'min."
"Come here."
"Ano?" angat niya ng tingin dito.
"I said, come here."
Dahan-dahan siyang lumapit sa binata. Nagulat siya nang hilain nito padapa sa ibabaw ng katawan nito.
Leo's hazy, hooded eyes stared into hers. It was as if he wanted to search for answers in her eyes before asking, "Imee, kiss me."
Naalala agad ni Imee ang sinabi ni Kero nitong nakaraan. . . .
"Having sex with different women became his coping mechanism. Sabi n'ya, para daw hindi lang si Melissa ang babae na naaalala n'ya kapag sex na ang usapan. You see, we never stopped reminding him that going on a sex spree won't help. . . ."
'Ito na nga ba ang coping mechanism na sinasabi ni Kero?' titig niya rito. 'Pero ano ang gagawin ko? Hindi naman sinabi sa 'kin ni Kero kung ano ang dapat kong gawin sa gan'tong sitwasyon. . . .
'Kapag tumanggi ako, baka isipin n'yang ayoko na sa kan'ya, na hindi ko na s'ya mahal. Na dahil lang sa awa kaya dinadamayan ko s'ya ngayon. . . .
'Pero kung pagbibigyan ko naman s'ya, baka habambuhay nang umasa si Leo sa sex, sa band-aid solution sa sitwasyon n'ya. Baka imbes na makatulong, mas lalo kong pahirapin ang lahat para sa kan'ya. . . .'
"L-Leo, okay ka lang ba?" Hindi niya malaman ang gagawin o sasabihin. Ni hindi siya makakilos o makaalis sa ibabaw nito kahit hindi naman siya pinipigilan ng binata. Natatakot kasi siya na baka ma-trigger niya ito kapag nagkamali siya ng paraan ng paghawak dito. "Ayaw mong nilalapitan kita nitong nakaraan, 'tapos ngayon . . ."
"Why don't you just fucking do what I say?" he begged in a tortured voice, slowly thumbing across her lower lip. "I need your body to make me forget that old hag, you hear me?"
Napalunok siya sa mga sinabi nito. Tama ba na pumayag siya sa gusto nitong mangyari? Dapat ba? Makabubuti ba ito?
"Replace the bad memories with good ones, Imee," tulak nito sa likuran ng ulo niya pababa para maglapit ang mga mukha nila. "You won again, okay? Sinubukan ko na namang itaboy ka, pero natalo mo na naman ako. . . ."
"L-Leo, no."
"Imee . . ."
She cupped his face and made him stare into her sincere eyes. "Alam mo ba 'tong hinihiling mo sa 'kin? Gusto mo lang ako maging parausan. Ginagawa mo lang 'to kasi gusto mong kalimutan ang ginawa sa 'yo ni Melissa." Her heart broke at this realization, it made her eyes water. "At ayokong maging parausan mo, Leo. Gusto kong angkinin mo 'ko para iparamdam kung ga'no mo 'ko kamahal . . . kagusto, at hindi 'yong ginagamit mo lang ako para makalimot ka."
Before he could respond, Imee immediately got up and gave him a sad look. "Pero kung kailangan mo ng mayayakap habang umiiyak, ng makakausap, o makakasalo sa pagkain . . . tawagin mo lang ako."
As Leo slowly sat up, seemingly dazed at what she said, she headed out of the door.
***
GABI na natapos si Leo sa pagbabasa ng mga file na kailangan niyang pag-aralan bilang preparasyon sa first trial sa kaso ng kaniyang kliyente na si Isabel Dela Paz. He only took a few breaks by watching TV and eating the meals that Yaya Lumeng would bring in his office room.
Tonight, he rested his back against the backrest of his swivel chair. He looked straight to his front and finally allowed the thoughts of Imee to take the center stage.
Ang una niyang naalala ay ang mga sinabi nito kaninang umaga.
"At ayokong maging parausan mo, Leo. Gusto kong angkinin mo 'ko para iparamdam kung ga'no mo 'ko kamahal . . . kagusto, at hindi 'yong ginagamit mo lang ako para makalimot ka."
Para siyang sinaksak sa dibdib nang maalala ang pagguhit ng lungkot at sakit sa mga mata ng dalaga.
When he asked her to kiss him, she was shocked first . . . then confused. He did not expect her to feel hurt, offended.
Ang sa kaniya lang naman, bukod sa gusto niyang makalimot para maging masaya na sila ni Imee, he wanted to make love to her already so that she would stop hurting from his cold treatment towards her these past few days. Hindi ba't sinabi niyang ayaw na ayaw niyang masaktan niya ito?
But instead of relieving her pain, he only made her feel more terrible!
Mabilis na iniwan ni Leo ang desk at nilisan ang office room. He breezed by his bedroom to take a quick shower and change into a pair of dark blue pajamas and a white V-neck T-shirt.
Leo was tousling his damp, blond hair with his hands as he walked into the dining room. He automatically stopped when he saw Imee setting dinner on the table.
Nasa mesa rin si Yaya Lumeng na abala naman sa paglalagay ng pinggan ng pagkain at inumin sa isang tray. Tiyak na para sa kaniya ang pagkain sa tray na ihahatid dapat nito sa office room.
It was Yaya Lumeng who saw him first. Napatigil ito sa pagkilos at napatawag kay Imee.
Imee looked at Yaya Lumeng, then followed the maid's line of sight. When she saw him, she sheepishly lowered her eyes and resumed setting the table.
"Good evening po, sir," malumanay na bati ni Yaya Lumeng. Hindi na ito masigla katulad noon. Kasalanan niya dahil nasusungitan niya ito nitong nakaraang mga araw. Tila pinapakiramdaman pa tuloy ng katulong kung paano siya nito pakikitunguhan. "Gutom na kayo? Ihahatid ko pa lang po itong hapunan n'yo." At binuhat na nito ang tray.
"Dito ako kakain, yaya. Samahan n'yo 'ko ni Imee."
Nagpalitan ng nag-aalalang tingin ang dalawang babae bago ibinaba uli ni Yaya Lumeng ang tray sa mesa. Inayos nito sa hapag ang kaniyang pagkain bago umupo sa silya katabi ng puwesto ni Imee.
Leo sat at the head of the table, on Imee's right. He seated and eyed on the food before him. May mainit-init na brown rice, dalawang hiwa ng pritong bangus belly at tatlong hiwa ng pritong talong. Malapit sa kaniyang pinggan ay may maliit na sauce bowl ng toyomansi—walang sili dahil ayaw niya 'yon—at isang tall glass ng tubig.
His dinner seemed like common Filipino dishes, but it was heartwarming for Leo because it brought him back to simpler times. . . . Back to that time when he was innocent, when he hopefully dreamt and dreamt of a beautiful future with him and his family in it—him, his parents, and of course, Leopold. He bet it was Imee's thoughtfulness that made her and Yaya Lumeng decide to serve this nostalgic meal for him. His heart warmed at rhe very thought of that, at the feeling that Imee really cared for him.
At first, Leo, Yaya Lumeng, and Imee ate quietly. It was Imee who broke the silence.
"Magpapaalam nga pala ako. Kailangan kong umuwi bukas," nakayuko na sulyap ni Imee sa kaniya habang pakamay na hinihimay ang ulam nitong isda.
Aalis na ito? Sumusuko na ba ito sa kaniya?
Leo tried as much as possible to hide his overwhelming emotions—fear, heartache, rage, devastation . . . Sa sobrang dami ng naghalo-halo niyang emosyon ay isang salita lang ang nasambit niya.
"What?" Leo hissed.
"Kailangan kong umuwi muna para makausap sina Inay. Biglaan lang din kasi talaga ang pag-stay ko rito," tipid nitong ngiti.
"Babalik ka." His tone made what he said sound like a declaration than a question.
"Oo," anito bago pakamay na nagsubo ng kanin at isda habang tila inaabangan ang magiging reaksiyon niya.
"Please, come back. I need you." He said—heartfelt and pained all at once. "You should know also, na hindi parausan ang tingin ko sa 'yo. Hindi kita kailangan para lang makaraos mula sa pinagdadaanan ko. Your touch, your body . . . they cleanse me, they make me feel brand new. Like I have never been touched before. But above all that . . . I just want to do it with you. I just . . . want you." And he felt a burn create a hole on his chest from within as he looked at her torturedly as her fish oiled fingers slipped slowly out of her mouth. 'Even right now, Imee. I want you!'
Nahihiyang napayuko si Imee matapos magsubo ng pagkain ng pakamay. Her cheeks puffed as she made an effort to avoid choking from her food.
Nag-aalala siya na baka mabulonan ito pero bago niya naisaboses iyon ay nakapagsalita na ang dalaga habang nakayuko ang ulo.
"T-Thank you, pero bakit sinasabi mo 'yan sa harap ni Yaya Lumeng?"
Siya naman ang muntikan nang mabulonan.
When he checked on the maid, she had her head lowered. Katulad ni Imee ay hindi rin ito makatingin nang deretso sa kaniya.
Leo realized that he was so focused on Imee that he completely forgot about Yaya Lumeng's presence!
***
"NAHIHIBANG ka na ba?" halos histerikal na reaksiyon ni Aling Minerva.
Imee stayed rooted on the bamboo sofa, her parents stood before her after listening to her explanation as to why she stayed over at Leo's for almost a week.
"Inay, kailangan po ako ni Leo roon."
Namaywang ang ginang. "Paano ngang kailangan? Aba'y, ang usapan lang, e, pag-aaralin ka n'ya bilang kabayaran sa lahat ng paghihirap at sama ng loob na dinanas mo dahil sa kan'ya! Kaya bakit ganire? Bakit sasama ka sa lalaking 'yon?"
Mang Baste was about to speak but her mother immediately interrupted him.
"Hindi, Baste! Hindi na nag-iisip ang anak mong are! Niloko na s'ya ng lalaking 'yon! Hindi ko maintindihan kung bakit walang-paalam s'yang nagpunta sa Maynila para lang bumalik dine at sabihing makikitira na s'ya sa bahay ng lalaking iyon!"
Imee swallowed. She didn't want to, but she was finally forced to lie. "Inay, hindi ba, mag-aaral na uli ako? Sa Maynila po ako mag-aaral. Para 'di na 'ko mahirapan sa gastosin, makikitira ako kay Leo. May kasama naman po kaming ibang tao sa bahay na 'yon, si Yaya Lumeng, kaya wala kang dapat na ipag-alala."
"Mga dahilan mo, Imeng!" she blurted. "Ang dami-dami na ng magagandang colleges dine sa Batangas, magma-Maynila ka pa! Naku, alam ko na 'yan, e! Nabilog na naman ng lalaking 'yon ang ulo mo!"
"Mineng . . ." masuyong awat ng tatay niya sa kaniyang nanay. "Tama na 'yan. Huwag mo na ngang itrato na parang bata si Imeng—"
"Itrato na parang bata?" nagpupuyos na harap ng nanay niya sa asawa nito. "Baste, kahit ano pa ang edad n'yang si Imeng, bilang nanay n'ya, hindi ako mananahimik lang kapag ipinapahamak na n'ya ang sarili niya!"
"Nakaya ni'yng mamuhay sa Maynila sa loob ng dalawang taon nang wala tayo, Mineng. 'Yon pa lang, sapat na para sa 'kin para magtiwala na alam ng anak natin kung ano ang ginagawa n'ya." Then Mang Baste gave her a hopeful look. "At hindi na s'ya maloloko pa ng kahit sino, hindi ba, Imeng?"
Imee slowly nodded, tears rimming her eyes. 'Inay, Itay, ayoko pong magsinungaling sa inyo. Kaya lang po, hindi ko naman po p'wedeng sabihin ang tungkol sa trauma ni Leo sa inyo nang walang pahintulot n'ya.'
Nanatili si Aling Minerva sa kinatatayuan nito. Si Mang Baste naman ay umupo sa tabi niya sa kawayang sofa. Her mother frustratedly turned to her father.
"Hindi talaga ako makapaniwala na hinahayaan mo 'yang anak mo na sumama sa Nardong 'yon!"
"Mineng," malumanay nitong saad, "ayoko lang na mawala uli sa 'tin si Imeng."
Itatanggi sana ni Imee ang sinabi ng ama pero naunang magsalita ang nanay niya.
"At sa tingin mo, 'di s'ya mawawala uli kapag pinasama mo s'ya kay Nardo?" Lumapit si Aling Minerva kay Mang Baste. "Baste, malalayo na naman s'ya sa atin!"
"Gano'n naman talaga kapag nag-asawa na s'ya, 'di ba? Bubukod din s'ya."
"Oo! Pero 'di pa naman s'ya aasawahin ng Nardo na 'yon, e!"
"Hindi pa naman pala, e, ano ang pinoproblema mo?"
"Pa'no kung mapikot ang anak natin? Hindi ko matatanggap na si Nardo ang mapangasawa n'ya! Hindi ba, galit na galit ka sa ginawa n'ya sa anak natin?"
Nag-aalala na napalingon si Imee sa ama. Nanatili naman ang tingin ni Mang Baste sa asawa nito.
"Oo. Pero kung tinanggap ni Imeng ang tulong n'ya para sa pag-aaral n'ya, ibig sabihin, napatawad na s'ya ni Imeng, kaya ano pa ang magagawa natin do'n? Gano'n naman minsan sa isang relasyon, e. May nagkakamali at kapag humingi ng tawad, e, pinapatawad, maliban na lang kung sukdulan na. Ang magagawa lang natin ay maging takbuhan ni Imeng kung sakaling kailanganin na naman n'yang iwan ang lalaking 'yon. Sa pagkakataong 'to, papayag ako na sumama s'ya kay Nardo kung mangangako s'ya na uuwi s'ya sa 'tin mismo kapag kinailangan."
Her father turned to her, as if waiting for her response to that.
"Itay, hindi na po ako mawawala sa inyo. Palagi ko na po kayong i-a-update sa mga nangyayari sa 'kin sa Maynila. At kung magkaproblema man kami ni Leo, pangako, kayo na po ang una kong magiging takbuhan." Imee said these with all her heart and sincerity in every word.
Mang Baste gave her a hopeful smile. When Imee glanced at Aling Minerva, she saw her mother's expression soften.
Ilang minuto pa ay nasa sariling kuwarto na si Imee. She was already packing her bags for her more permanent stay at Leo's townhouse in Manila soon.
But, she wouldn't be leaving right away.
Kailangan niyang sulitin ang pagparito sa Batangas at makipag-bonding muna sa kaniyang mga magulang at mga kaibigan na maiiwan dito. Because she knew she would terribly miss them even if they could text or call each other. Kailangan din niyang asikasuhin ang mga dokumento na dadalhin para sa pag-aaral niya sa Maynila.
Of course, Imee was already missing Leo, pero gusto niya rin namanpanindigan ang mga sinabi rito para mapagnilayan nitong hindi tama na idinadaannito sa sex ang isyu at trauma nito. Kaya kahit nananabik na rin siya sa mgayakap at halik nito, kailangan niya ring magtiis.
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro