Chapter 3
#LGS1Pangalan #LGS1chapter3 #LaGrilla1
***
NANG nakapagbihis na si Jamer ay sinamahan nito si Leo sa pag-iikot-ikot sa hacienda. Sa kanilang paglalakad ay pinag-usapan nila ang tungkol sa setup.
Dumaan sila sa harapan ng mansiyon hanggang sa marating ang taniman ng nagtataasang mga puno ng niyog. May mga trabahador na paroon at parito, abala sa kani-kanilang mga gawain.
“Melissa visited me yesterday,” kuwento ni Leo kay Jamer habang naglalakad nang nakatukod sa balakang ang mga kamay. He let out a heavy sigh. “That woman is getting impatient.”
Napailing ang kaibigan, nasa talim ng mga mata nito ang pagkaaburido. “Kahit ako, nauubusan na rin ng pasensiya rito pero kay Ava naman. Kaya lang—” lingon ni Jamer sa kaniya, “—ilang araw pa lang naman siya rito. So, what’s the rush? What is that woman thinking? Isang pitik lang ng mga daliri niya, makikipag-sex na sa akin si Ava?”
As soon as Jamer looked away, Leo noticed him space out a bit. Halata iyon sa bahagyang pagbagal ng mga hakbang ng kaniyang kaibigan. Ganoon din ang sobrang layo ng tingin ng mga mata nito na mistulang tumatagos sa lahat ng nakahanay na mga puno.
Tinapik ito ni Leo sa balikat para bumalik sa kasalukuyan. It was effective, Jamer turned to him.
“Well, kapag tapos na ang lahat ng ’to,” aniya sa kaibigan, “ano na ang gagawin mo?”
Napangisi si Jamer sa tanong niya. In-adjust nito ang suot na straw hat at ibinalik ang tingin sa harap. “I think it’s time for me to get back on the saddle. Ava is a good start. I must admit, that friend of yours is fucking hot. I really think it’s not a bad idea to let her have my first child.”
Leo nodded in consideration. It was awkward for him to hear Jamer say that Ava was hot, because he could not agree if he could not see her with sexual malice or romantic adoration. She was nothing but a little sister to him, a best friend. Itinuon na lang niya ang tingin sa hinahakbangan na mga nagkalat na dahon at sa masukal na lupa.
Jamer, oblivious of his reaction, continued, “I mean, this setup is beneficial for the both of us. She gets her money, I get a good start because this will serve as a closure for me from my goddamn past with women.”
Dahil dito naalala niya ang babaeng nanloko kay Jamer noon. Ang babae na dahilan ng pagmumukmok nito sa Hacienda Hermano . . .
“That’s good, pare. Sayang naman ang ganda ng lahi natin, ’di ba? Kung dahil lang sa isang manloloko, e, magmumukmok ka na lang dito sa Batangas.”
Mukhang tumagos lang sa tainga nito ang kaniyang komento. Kahit tumango bilang pagsang-ayon si Jamer, parang hindi masyadong inintindi ng kaibigan ang kaniyang mga sinabi.
“I have a question, Leo,” lingon nito sa kaniya. “Kung mabuntis ko si Ava at maikasal kami, hindi naman siguro ako mahihirapang mapapayag siya sa annulment, ’di ba? Alam mo namang ginagawa ko lang ito dahil may utang-na-loob ako sa ’yo.”
Hindi niya napigilan ang matawa. He just could not help it, knowing that Ava would not take any man seriously, even Jamer. “Trust me, Ava is a strong principled woman. She gets attracted with men, but prefers to live without them. She’s waaay too independent. She won’t mind having an annulment, lalo pa at wala naman siyang feelings para sa iyo.”
“Well, I think she already likes me,” Jamer grinned. Leo assumed that his friend was recalling what happened to him and Ava in the laundry room. “At tulad ng sinabi mo, she’s one smart woman. Baka maisahan niya tayo.”
“Nasaan ang military spirit mo?” tawa ni Leo. “You strategize! Para hindi niya tayo mautakan!”
“We are forgetting to consider something else,” mas lumalim at sumeryoso ang boses ng lalaki.
His brows furrowed together. “What?”
“The child.” Jamer gave him a deep look, the kind that was in between mortified and perplexed. “Paano ’yong bata mismo? Makakaya ko bang iwanan ang anak ko?”
Wala siyang naisagot doon.
Pag-alis ni Leo ng tingin sa kaibigan, hindi maikaila ni Leo ang konsensiya na ngumangatngat sa kaniyang dibdib dahil sa tanong ni Jamer. Nakonsensiya siya sa isipin na may inosenteng musmos na masasaktan nang lubusan dahil lang sa pinansiyal na pangangailangan ng mga Milano . . . Nakokonsensiya rin siya sa mga sinabi niya, because Ava trusted him so much. How could he talk this way about her, or even coerce to this setup without her knowing?
How could he betray her . . . again?
Tumango lang si Jamer pero tila napapaisip pa rin ito. Matagal-tagal itong natahimik at walang ideya si Leo kung ano ang bumabagabag dito.
Takot ba itong pumalya sila sa mga plano nila? Takot na matali at hindi na makawala pa mula sa pagiging kasal nila ni Ava sa hinaharap? Was it about the child? Was he feeling guilty like him? Those were intense questions. Even a lawyer like him had no balls to ask them to his childhood friend.
Biglang pumihit si Jamer. Nag-iba ng landas. Pabalik ng mansiyon ang mga hakbang nito. Saglit na inalis ni Leo ang tingin sa kaibigan. Itinuon niya ang mga mata sa dadaanan at baka mabangga siya sa puno. But as he faced the direction ahead of them, his legs froze, stopping him on his tracks.
“Hey, look!” turo ni Leo sa may kalayuan, sa mga babaeng patungo sa kanilang direksiyon.
It was Ava whose wavy hair was tied up in a high ponytail, wearing a pair of denim shorts and a red shirt. But that’s all that Leo noticed about her, because his eyes were magnetized and immediately swayed toward the other girl, to this other girl who had the most tantalizing pair of Taurean almond eyes. Her brown skin glowed golden-like beneath the sunlight, heightening her earthy allure. She was a tall woman, slender but round in the right places, and brimmed with softness. Her tapered eyebrows furrowed with curiosity while staring down at the two of them. Suot pa rin ng babaeng may maikling buhok ang damit nito noong nagkita sila sa gate kanina.
Awtomatikong napangiti si Leo sa mga ito.
“Hello, ladies!” ‘Damn, ‘ladies?’ Seriously?’ Ginagaya na ba niya kung paano bumati sa mga babae ang isa sa mga kabarkada niya sa Maynila na si Tyrel? He shook off that thought. “Mainit dito sa labas, a? Saan kayo papunta?”
His smile grew awkward upon seeing Ava’s knowing glance. Komplikado kasi ang posisyon niya. Nagpapanggap siyang hindi sila magkakilala ni Ava sa harap ni Jamer at ng mga taga-Hacienda Hermano. At nagpapanggap naman siya sa harap ni Ava na hindi niya kakutsaba si Jamer sa ipinapagawa sa kaniya ng nanay ng dalaga na si Melissa.
Worse, he forgot all about the setup and his guilt upon seeing this beautiful pixie-haired goddess. Instead, he was having this kick of excitement all over his body.
But hey, couldn’t he just take a break and forget his job here for a bit just to go and flirt with her for a while? Or maybe get started by knowing her name?
Tumigil si Leo sa paghinga nang magsalita ang dalagang gusto niya mismo.
“Sasamahan ko la’ang si Ligaya sa amin.”
Kumunot ang kaniyang noo. ‘Sino’ng Ligaya ang . . .’
Nakailang lipat siya ng tingin sa pagitan ng dalaga at ni Ava. Nag-effort siya. Nag-effort naman talaga siyang pigilan ang tawa.
It was Ava’s crazy idea. Why in the hell did she just picked that ‘Ligaya Lubusan’ pseudonym while disguising herself as a maid applicant for Hacienda Hermano?!
Ava reasoned that she wanted a weird name so people would stay away from her. And he could not understand what was so weird about her chosen name because it only sounded like it had a double-meaning instead of weird! Well, that was his opinion, of course, his opinion that Ava obviously didn’t give too much fucks about because she still used ‘Ligaya Lubusan’ as her fake name anyway.
Leo nodded. Sinalubong siya ng irap ni Ava nang sulyapan niya ito. Sa taray ng hitsura ng babae, mukhang malilintikan siya sa oras na makausap siya nito nang solo.
“Sige po,” magalang na paalam ni Ava, na alam niyang pinepeke lang nito. Hinila ni Ava ang kasama nito. “Tara, Imee, baka naghihintay na sila ro’n.”
‘Imee?’
The name slipped too fast and faintly from his ears, he was not sure if he grasped it right. Napamaang si Leo habang sinusundan ng tingin ang dalawang babae. O mas tamang sabihing si Imee lang ang sinundan niya ng tingin.
He could not help a wistful sigh as he watched Imee walk away from him. Even with her back turned, his chest heaved with an attraction too much to handle in this very moment.
Wala sa loob na napaakbay si Leo kay Jamer. Wala siyang kamalay-malay na puno ng pagkahumaling ang kaniyang mga mata.
“Jamer, ano’ng pangalan no’ng kasama ni Ava?” He had to be sure he heard it right. ‘Imee?’
“Ewan ko,” Jamer muttered.
‘Imee . . .’
‘Imee . . .’
‘There is a familiar ring to it . . .’
“She looks really familiar, man,” nahihiwagaan pa rin na dugtong ni Leo. “I need to know her. Ang sexy, e, man. ’Tapos ang tangkad pa.”
Nakulitan na si Jamer sa kaniya. “Ewan ko nga.”
Dahil sa tono nito, may palagay si Leo na tinatamad lang sumagot ang kaibigan; na alam talaga nito ang sagot sa tanong niya pero ayaw nito ibigay iyon dahil kilala siya nito. Alam ni Jamer na kapag nagsimula na siyang magtanong, may sandamakmak na mga follow-up question nang susunod na para bang nasa courtroom sila. Bukod doon, alam din nito ang tungkol sa pagiging palikero niya.
“Ewan mo? That girl works here, right?”
“I don’t memorize my workers’ names,” wala sa mood na wika ni Jamer at nagpatuloy na ito sa paglalakad. “Besides, I don’t think she works here. She just lives here. Siya yata ’yong anak ni Mang Baste.”
Leo just shrugged and slightly shook his head. ‘That’s impossible! She can’t be that ‘Imeng!’ Fine. I’ll find out her real name by myself.’
Sinabayan niya uli ang kaibigan sa paglalakad. But damn, he just could not walk away like this! He could not really help himself!
Lumingon si Leo sa likuran nila. Abot-tanaw pa niya ang babae na may kakaibang pagkendeng sa paglakad. Masaya itong nakikipagkuwentuhan kay Ava.
‘Fuck. That big smile.’ Habang naglalakad, hindi maalis-alis ni Leo ang tingin sa likuran. “I like her, Jamer. If you help me get close to that woman, I will help you with your mission with Ava.”
Napailing ito “Ang dami mo nang pabor na hinihingi sa akin, Leo, ha? Tandaan mo, pumayag lang akong ikama ang kaibigan mo dahil may utang-na-loob ako sa iyo. Doon pa lang quits na tayo.”
“I know,” tawa niya pagkalingon kay Jamer. “Kaya nga itong hinihingi kong pabor sa ’yo e, may kapalit naman na tulong ko sa iyo para hindi ka na mahirapan kay Ava.”
“I can manage, Leo, malapit ko nang magawa ang dapat kong gawin.”
Napabuntonghininga na lang si Leo. Bakit ba aburidong-aburido itong kaibigan niya kanina pa? Ayaw pa siyang tulungang mapalapit sa babaeng gusto niya!
***
KAUUWI lang ni Imee sa bahay. Inabot na siya ng hapon dahil hinatid muna niya sa mansiyon ng mga Hermano si Ligaya. Kanina lang kasi, ipinakilala niya ito sa mga kasamahan ng tatay niyang si Mang Baste sa plantasyon ng niyog. Nalaman niya kasi kanina na hindi man lang nag-abala si Jamer na ipakilala ang bagong katulong sa mga trabahador nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Imee nang may makitang lalaki sa sala.
Kulay dilaw ang buhok.
‘Bakit may ‘mais’ rine?’
Ewan. Hindi lang siya nakilala kanina ni Leo, sobrang sama na ng loob niya.
Tama nga siguro ang nanay niya. Nagpakilala na lang sana siya at baka sakaling mas gumanda ang mood niya kapag naalala nito. Kaya lang, natatakot naman siya na baka kapag nagpakilala siya ay hindi pa rin siya maalala nito.
Mas masakit iyon.
“Ano’ng ginagawa mo rine?” ani Imee na nagpalingon kay Leo sa kaniya.
He immediately stood up, flashed her that big smile that used to effectively captivated her teenage heart.
She already grew up and yet, she felt like her teenage heart stayed in her chest. Kasi heto at ang lakas pa rin ng epekto sa kaniya ng mga ngiti ni Leo.
“Hi, Imeng,” bati nito.
She could not help a sarcastic scoff. Mataray na namaywang siya. Wala siyang ideya na nagmukha lang siyang cute sa paningin ni Leo dahil sa kaniyang ginawa.
“Bakit ini-‘Imeng’ mo ’ko? Sino ka ga?” panlalaki niya ng mga mata rito.
Magaang tumawa si Leo. Palapit na ito sa kaniya. Imee was fine earlier, pero masyado na yata itong lumalapit sa kaniya. Napaawang sa gulat ang kaniyang mga labi at kumalas sa pagkakapamaywang ang mga kamay.
Ano ba ang gagawin niya? Itutulak ito?
Aatras ba siya?
Itataas ba niya ang mga kamay at ipangsasalag ang mga ito?
Ano? Ano?
Her heart’s frantic beats got the best of her. Hindi na tuloy siya nakagawa ng anumang kilos lalo na nang dumampi ang mga palad ni Leo sa kaniyang mga braso. He held her still and gave her a scanning look.
“Shit, I barely recognized you,” hinto ng pagpasada ng tingin nito sa kaniyang mga mata.
Nakakainis! Bakit sumisirko-sirko na ang puso niya sa kaniyang dibdib? Dahil ba ito sa paglalapit nila? Sa ngiti ni Leo nang mapagmasdan siya? Sa pagtatama ng kanilang mga mata? Sa pagkakahawak nito sa kaniyang mga braso?
“Come here, you,” lahad nito ng mga braso nitong nag-iimbita sa kaniya na magpakulong sa mga ito.
What was she supposed to do?
Naguguluhang nilapitan niya ang lalaki.
And Leo was this spider who seized the chance once his prey stepped into his web. He crossed the small distance left between them and took her into his arms. As their chests pressed, Imee’s heart thumped.
Napapatong na lang ang baba niya sa balikat ni Leo nang hilain nito para yakapin. Mas matangkad siya rito nang kaunti, kaya medyo kumuba ang postura niya. She felt his gentle tap on the back of her shoulder. At lalong gumulo ang kaniyang damdamin nang maramdaman niya ang paghilig ng mukha ng binata paharap sa kaniya.
Leo seemed to nuzzle against her hair as he murmured close to her ear. “I can’t believe it’s you already.”
“Hoy, Nardo,” singit ng boses ng kaniyang nanay.
Mabilis na humiwalay sa kaniya si Leo. Daig pa nito ang ginapangan ng insekto kung pumiksi bago dumistansiya sa kaniya. Mabilis namang naka-recover sa gulat ang lalaki at nakangiting tinanguan ang kaniyang nanay.
“Aling Minerva, good afternoon po!” masiglang-masigla nitong bati.
Gumusot ang mukha nito. “Bakit yumayakap ka sa anak ko?”
“Bakit hindi? Kababata ko naman—”
“Hindi na dalagita ang Imeng ko kaya lumugar ka. Naturingang may pinag-aralan . . .” iling-iling ng nanay ni Imee.
“Aling Minerva naman! Lahat na la’ang ba lalagyan natin ng malisya? Puwede namang maging magkaibigan ang babae at lalaki. Puwede namang magyakapan ang mag-friends—”
“Kuu, ako nga’y tigil-tigilan mo! Noong huling mga punta mo rine sa Batangas, kung sino-sinong mga babae ang dinadala mo. Kalampungan mo roon sa burol!”
Naaasiwang natawa si Leo. “Aling Minerva naman . . .”
Imee sheepishly lowered her head and smiled, allowing her mother to stand guard in front of her.
“Bakit nga pala naparine ka?”
Nagulat siya. Ibig sabihin, pumasok si Leo sa kanilang bahay nang walang paalam?
“A, sadya ko ho si Mang Baste.” Biglang mas naging pormal na ang ngiti at kilos ni Leo. Sumimple pa ito ng punas ng kamay sa bandang likuran ng suot na pantalon.
Pinagpawisan ba ito agad ng mga kamay nang makita ang nanay niya? Imee suppressed a giggle at that possibility.
“Wala siya rine. Alam mo namang kapag gan’tong oras, nasa trabaho siya!” masungit nitong sagot. Pero alam ni Imee na nagsusungit-sungitan lang ang kaniyang nanay.
Leo shrugged. “E, baka nag-iba ng schedule kaya nagbakasakali ho ako.”
“E, paano ’yan? Wala nga siya rine,” mataray na pagtataas ni Minerva ng isang kilay rito.
Leo nodded once politely. “Sige po. Next time na la’ang siguro. Pakisabi na dumaan ako rito. Maraming salamat po.” He glanced at her and gave her a nod. “Sige, Imeng.”
Patungo na ito sa pinto nang lingunin siya ni Minerva. Binigyan siya nito ng nanunuksong ngisi. “Ihatid mo at baka may gustong sabihin sa ’yo,” bulong nito.
“’Nay!” saway niya rito.
Hindi naman maalis-alis ang nanunuksong ngiti sa mga labi nito. Itinuro pa ng mga mata nito ang nakatalikod na si Leo, nagpapahiwatig na sundan na niya ito.
“Ihahatid ko lang po si Leo sa labas,” paalam niya rito sa boses na tiyak niyang maririnig din ng binata.
“Sige,” ani Aling Minerva bago ito tumuloy sa kuwarto nito.
Imee followed Leo outside the house. Hindi siya nilingon agad ng lalaki. Sa halip, sumimple muna ito ng sulyap sa kaniya. Nahuli niya ang mga mata nito at ginawaran ang lalaki ng nanunuksong ngisi.
“What is that smile for?” tanong ni Leo habang hinihintay siyang makalapit dito.
“Alam ko kasing nagsisinungaling ka kay Inay,” nakangising paniningkit ng mga mata niya rito.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. His eyes scanned her swiftly from head to toe. “How come?” he asked lowly, a quiet hint of suggestion coated his voice.
“Nahihiya ka kasi lagi kapag kinakausap ni Itay kaya parang ang weird namang sumadya ka rine para kumustahin siya. Kadalasan, si Itay ang laging nangungumusta sa ’yo.” Lumapad ang ngiti ni Leo kaya mas lumakas ang hinala niyang nagsinungaling nga ito kanina. Sumigla si Imee. “Tama?”
“Well, you got me.” He outstretched his arms before putting them down again. Sumimple pa ito ng tanaw sa loob ng bahay nila, tila sinisiguradong walang ibang makaririnig dito bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “I have come here for you. Gusto mo bang magkita tayo mamaya sa burol?”
Tinitigan niya si Leo. Ano naman kaya ang sumapi rito at naisipan siyang yayain sa burol?
Siguro, katulad lang ito ng dati. Kukuwentuhan siya ng lalaki tungkol sa mga adventure nito sa Maynila, tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay.
Sana, sa pagkakataong ito, walang sumulpot bigla na syota nito para abalahin sila at nakawin si Leo mula sa kaniya para makipaglampungan.
Hay, maha-high blood siya kapag nangyari na naman iyon!
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro