Chapter 29
#LGS1DecemberRain #LGS1chapter29 #LaGrilla1 #LaGrilla
***
PINALAYAS ni Leo ang mga kaibigan.
Lumabas ang mga lalaki sa gate at tumungo sa bukas na gate ng bahay ng kapitbahay ni Leo. Nakiusap kasi sila na makigarahe ng kanilang mga kotse rito para hindi makalahata si Leo na nasa loob sila ng bahay nito kanina.
Nagulat man ang mga binata sa inakto ni Leo, natatawa pa rin naman sila sa naging reaksiyon nito.
"I can actually see his reaction while we're dancing," ngisi ni Curtis habang tinatapos ang pagbubutones sa shirt nito. "He's looking at us with eyes that can kill!" Tumawa ito at umiling-iling.
Claude just rolled his eyes. "I told you, men. Bad idea." At bumulong ito sa sarili. "Nagpapaniwala kasi kayo sa Curtis na 'yan."
"Wow, ha? Bad idea pero tatawa-tawa ka kanina!" lingon dito ni Kero.
"Duh." Napangisi ito. "I just can't help it, dahil ang papangit n'yong sumayaw. 'Yon nga yata talaga ang ikinagalit ni Leo, e!"
"Gago," tawa ng katabi ni Claude na si Zeus bago naghiwalay ang dalawa para lapitan ang kani-kanilang sasakyan.
"Seriously," Curtis opened the door of his car, "he's mad because we touched his girl." Tinanaw nito si Zeus. "Right, Zeus?"
Naalala tuloy ng mga binata ang paninigaw sa kanila ni Leo bago palayasin sa bahay nito.
"You are not licensed to touch my girl so, get your filthy hands of off Imee, Curtis! Put- Talagang ibinaba mo pa rin! Itaas mo ang strap ng damit n'ya!"
"How dare you ride along with this foolishness, Zeus!"
"Huwag mo nang subukan pang lapitan si Imee, Juxe! She's clearly upset, but she doesn't need you to comfort her. Thank you!"
"Ano 'yang inaabot mo kay Imee, Claude? Gift card for me? I don't need that! Get out, will you?"
"Tama na 'yang pagpapaalam kay Imee, Kero! Isa ka pang sakit sa ulo! Out!"
"Well . . ." Juxe shrugged his shoulders, "siya itong palikero dito, kaya ang akala ko, hindi magiging big deal sa kan'ya 'tong pagsayaw natin. After all, he's the great, grand womanizer, right?"
Tumikhim si Zeus. "E, ehem. I guess you are describing me, Juxe."
"Well, Leo's the great, grand womanizer . . . next to you," Juxe corrected himself in a bored tone. Hindi kasi talaga nito maintindihan kung ano ang magandang dulot ng pambababae para sa mga kaibiga nito.
"Well, he got mad. So that really means that girl is special to him, huh? What do you think?" sandal ni Kero sa gilid ng puti nitong convertible sabay ekis ng mga braso.
"Because she's Imee!" panlalaki ng mga mata ni Juxe sa lahat. "Siya 'yong pinahahanap n'ya sa 'tin for two years already!"
"And he found her first," Claude sighed, disappointed at himself and the rest of them. "From back then up to now, we barely helped him with his problems."
"Dancer is really special," makahulugang ngiti ni Curtis para ibahin ang usapan. "I told you, guys."
Claude hated the interruption and rolled his eyes. "Ang mang-aagaw talaga ay mananatiling mang-aagaw."
"What?" Curtis narrowed his eyes on him.
Nagtitigan na ang magkapatid na tila konting tulak na lang ng demonyo sa likuran ng mga ito ay magpapatayan na.
"Chill, men," awat ni Zeus sa dalawa na tila may namumuo nang tensiyon.
"Tell that to Claude. Ang init agad ng ulo, e," mapang-asar na ngisi ni Curtis sa kuya nito kahit mababakas ang talim ng iritasyon sa mga mata nito. "I just said that Dancer is special, but that doesn't mean I'm interested with her!"
"That explains why you're so touchy with Imee while you're dancing!"
"It's obviously just an act, dumb! Bago pa tayo pumunta rito, I told you, guys, that we will be dancing sexily with her so I can prove my point, that she really means a lot to Leo! I want to prove my point so that you'll drop that stupid idea of taking him to La Grilla on his birthday and trying to make him move on from her by introducing him to other women!"
"You should have just simply told us that she's Imee. Na humaba lang ang buhok niya at nag-iba ang kulay. Kung sinabi mong si Imee siya, maniniwala kami agad na, oo, mahalaga siya kay Leo," ani Kero.
Curtis smirked and shrugged without any remorse. "Well . . ."
"I knew it. May masama ka talagang binabalak. I bet you even expected for us to be kicked out of Leo's house tonight!" akusa ni Claude sa kapatid. "Pati birthday no'ng tao, 'di mo pinalagpas, animal ka!"
Juxe groaned and whined. "Kainis naman. Akala ko, makakalibre chibog na 'ko!"
Napayuko saglit si Zeus at napahagod sa batok nito. Claude just looked away angrily and gently tapped the roof of his car. Kero sighed and Juxe finally shrugged while awkwardly avoiding Kero's confused gaze.
Sakto namang huminto ang sasakyan nina Tyrel at Zoref sa tapat ng gate ng kapitbahay kung saan nakaparada ang mga kotse ng magkakaibigan. Bumaba ang bintana ng isa sa mga sasakyan.
It was Tyrel who peeked from the driver's seat's window. "O, bakit nandito kayo sa labas?"
"It's a funny story," tawa ni Zeus. "Tara sa La Grilla."
"E, si Leo? Nasa'n?"
"He's not joining us. Kung bakit, doon na lang natin pag-usapan," seryosong talikod ni Claude sa mga bagong dating para sumakay na sa kotse nito.
The others followed and drove out of that subdivision.
***
Warning: 🚫
Mention of sex/sexual acts
https://youtu.be/oPXLGt3uc-U
"ANO ang mali sa ginawa namin? Sumayaw kami dahil birthday surprise namin 'to para sa 'yo!" paliwanag ni Imee habang hila-hila siya ni Leo paakyat ng hagdan. "Men in Atlantis alone pay hundreds of thousands of pesos just to watch me dance! Peeo ikaw na sinayawan na ng libre, uma-attitude nang gay'an! Gusto lang naman naming mag-enjoy ka sa birthday mo!"
"Enjoy? Ikaw lang ang nag-e-enjoy, Imee. You seem to really enjoy being caressed by different men," lingon ni Leo sa kaniya nang nakapasok na sila sa office room nito. He released her and quickly locked the door.
Namaywang siya. "Oh, isn't it the same as how you enjoy fucking different women?"
He quickly faced her. "Look, I really don't mind if you've been caressed by different men during my absence. It's your choice, and that's fine! In fact, I salute people that does sex work-confident with their sexuality, very educated about consent, agreement, and safe sex, and very street smart too! Ang hindi ko lang maatim ay mga kaibigan ko pa mismo ang humahawak sa 'yo nang gano'n! Sa harapan ko pa!" Leo ran a hand through his hair and walked past her. "Those traitors! They know who you are to me! Paano nila 'to nagawa sa 'kin?"
Imee just scoffed. 'They know who you are to me? Ibig sabihin, naikuwento ako ni Leo sa mga lalaking 'yon? Kilala nila ako? Alam nila na posibleng magalit si Leo sa pagsayaw namin pero ginawa pa rin nila?' Then, she smirked mockingly. "Fuck them right?"
'Lalo na ang Curtis na 'yon. Nakisakay ako sa ideya n'yang 'to kaya ngayon, alam ko na ang mga intensiyon n'ya kay Leo. Gusto niyang gumawa ng gulo. Gusto niyang magtalo kami ni Leo!'
'Pero kahit na! Ano ba ang ikinagagalit ni Leo sa pagsayaw ko? Mukhang mahilig naman siyang manood ng mga sexy dancer? Kaya nga magkita kami sa Atlantis, 'di ba?'
"Fuck them?" Napatigil sa pagtungo sa desk si Leo at napatitig sa kaniya. "Saan ka natutong magsalita nang ganyan?"
Imee brazenly turned on her heels to face him.
"Experience," nang-uuyam niyang sagot na tila lalo lang ikinainit ng ulo nito. It was obvious with the way Leo slowly nodded, with how his eyes narrowed.
"Experience? So, saying that I am your first is a lie then, Imee? Does it mean you are already fucked before I touched you?"
Imee could not believe what she just heard from him.
'Ano? Ako? Nagalaw na? Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Dahil lang alam ko 'yong salitang 'fuck?' O baka mali lang ang intindi n'ya sa sinabi kong 'experience?''
"Kung sex worker nga ako, so what? Ikaw nga, tinanggap ko kahit nakailang babae ka na!" galit na pamaywang niya.
He frustratedly inhaled sharply and shook his head. "Maybe, I really made a huge mistake of taking you away from Atlantis. Ayaw mong sumama sa 'kin no'n, 'di ba? Ibig sabihin, mas mabuting bumalik ka na lang sa Atlantis. Do what you want. Do sex work," iwas nito ng tingin sa kaniya. "I'm fine with it. To show my support for your chosen career, I'll even pay eight hours for you to be with me everyday."
'Ano'ng eight hours-- Dancer lang nga ako ro'n!' Pinandilatan niya ito. "Akala ko ba, ibabalik mo 'ko sa Batangas kaya binili mo ang kalayaan ko?" nag-aalala niyang tanong. Because at this point, she would rather be back home than back to Atlantis.
"No. This time, I prefer to take you back there. Hindi kita maibabalik sa mga magulang mo nang ganyan. I understand why some people prefer sex work, but I bet your conservative parents won't. I have to respect both of your beliefs."
She crossed her arms. "Wow. Gets ko na. Pinapalayas mo lang talaga ako dahil tapos ka na sa akin. Nakuha mo na ang katawan ko." Natawa na lang siya nang pagak at nilapitan si Leo. Binigyan niya ito ng nanghahamong tingin, mata sa mata. "Ano? Sulit ba ang perang ibinayad mo para sa katawan ko, Leo?"
Leo accepted the challenge and engaged with her into an intense staring match. Sinadya ni Imee na bigyan ito ng nang-aalaskang facial expression para pagtakpan ang kirot na pinong kumukurot sa kaniyang dibdib, sa kaniyang puso.
"Layas," Leo broke the silence between them.
"L-Leo . . ." gulat niyang bulong.
"Lumayas ka na!" sigaw nito na halos ikalabas na ng mga litid nito sa leeg.
"Fine," Imee stomped once before she left his office room.
Dere-deretso lang na naglakad si Imee. Nilagpasan niya si Yaya Lumeng na katatapos lang walisin sa dust pan ang mga bubog ng bote na nagkalat sa sala.
"Imee!" tawag nito habang nakasunod ang mga mata sa kaniya. "Hija, sa'n ka pupunta?"
Hindi niya pinansin ang katulong, dahil kung lilingonin niya ito, makikita lang nito ang mainit na pagdausdos ng luha sa kaniyang mga pisngi.
'Paaasahin ka lang talaga ni Leo sa mga bagay na hindi naman n'ya talaga gagawin o ibibigay,' tingala ni Imee sa madilim na langit pagkalabas niya ng gate. 'Akala ko, makakauwi na ako. Hindi pa pala.'
Imee looked at her small lingerie and platform shoes-clothes that she bought with Leo's money.
She should have went back to the townhouse to collect her things, but she decided against it. Natatakot siya na kapag bumalik pa siya sa bahay ni Leo ay mawala na itong lakas ng loob niya na umalis at harapin na naman ang siyudad nang mag-isa.
Sinimulan na niya ang paglalakad palabas ng subdivision.
***
https://youtu.be/oPXLGt3uc-U
IT had been a while since Imee left. Leo stood by the window of his office room, staring at the dark sky outside. Medyo kumakalma na siya, pero tila babaligtad pa rin ang sikmura niya sa tuwing naaalala ang pagsayaw ni Imee kasama sina Curtis.
'Immoral bastards. How did they even manage to convince each other to dance that way?'
He snapped out of his thoughts when it began to drizzle outside. The raindrops hit the glass window and slid down, covering his view with rain and more rain. Hanggang sa lumakas na nga ang ulan.
Kumatok si Yaya Lumeng at hindi na nito hinintay pa ang pagsagot niya. Binuksan nito ang pinto at sumilip sa office room.
"Sir Leo, umuulan na."
"I know," titig lang niya sa labas ng bintana. Hindi man lang niya nilingon ang katulong.
"Sir, si Imee, lumabas. Hindi pa s'ya umuuwi."
"I know. I saw her leave when I looked through this same window."
Halata na nauubosan na ng pasensiya ang matanda sa kaniya dahil para bang hindi niya nage-gets ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya.
Mas humigpit na ang tono ng pananalita nito. "Sir Leo, umuulan na sa labas. Si Imee hindi pa umuuwi. Baka nabasa na 'yon ng ulan. Wala s'yang dalang payong no'ng lumabas s'ya."
He gritted. "I know. Pero s'ya ang umalis, kaya matuto s'yang bumalik dito."
'Ang babaeng 'yon talaga. Sinabi kong lumayas sa office room, mas matinding paglalayas naman ang ginawa! Wala siyang pera. Wala siyang gamit o cell phone. Kaya sa'n humugot ng lakas ng loob ang babaeng 'yon na umalis nang basta-basta?'
"Kahit gusto n'yang bumalik, malaki ang subdivision, sir. Baka naligaw na s'ya sa labas."
"Matanda na s'ya," pagmamatigas lang niya para tumigil na sa katatanong si Yaya Lumeng. He wanted her to go away already, so that he could get dressed and search for Imee. Ayaw lang niyang ipaalam ito sa katulong dahil ayaw niyang mabawasan ang pagkamaawtoridad niya sa mga mata nito.
Napabuntonghininga na lang ito. "Sige, sir, ako na lang ang maghananap sa kan'ya."
Umalis si Yaya Lumeng nang hindi man lang sinasara ang pinto. Nang lingonin ito ni Leo ay wala na ito.
***
'DECEMBER RAIN?' tingala ni Imee sa langit nang naramdaman niya ang paisa-isang pagpatak ng ambon habang naglalakad siya.
Sa totoo lang, hindi niya talaga alam ang daan palabas ng subdivision na ito. Para bang nasa kasulok-sulokan nito ang townhouse ni Leo kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nakalalabas dito. Idagdag na rin sa nagpatagal sa kaniya ang mabagal niyang paglalakad habang humihikbi. Tumigil lang siya sa pag-iyak nang lumakas ang pag-ulan.
"B'wisit!" sigaw niya sa langit. Hirap na hirap siyang manatiling dilat dahil bumabagsk sa kaniyang mukha ang malakas na ulan. "December ngayon! Hindi pa dapat umuulan dito nang ganito kalakas!"
Wala siyang pakialam kung logical man ang pinagsisisigaw niya sa langit o hindi. Buong buhay niya kasi ay puro pagpapahirap na lang ang ginawa nito sa kaniya. Binigyan siya nito ng payak na pamumuhay, tipong saktong-sakto lang talaga ang kinikita ng mga magulang niya mula sa hacienda para sa pang-araw-araw na gastosin. Pinahirapan siya nitong makapag-aral kaya wala siyang mapasukan na maayos na trabaho. Pagkatapos, makikita pa niya ang lalaking mahal niya na may kinakamang ibang babae . . .
Puro pahirap na lang ang ibinigay ng langit sa kaniya! Pati ba naman sa simpleng paglalakad niya ay uulanan pa siya nito?
"B'wisit ka!" luha niya. Imee bit her lower lip in a poor attempt to control its trembling. She shakily breathed out. "Bakit ako? Bakit lagi na lang ako?"
"Shut it."
https://youtu.be/KlxdWb2bcSA
Napalingon siya sa nagsalita pero bago pa niya nakita ang mukha nito ay sinalubong na siya ng matigas nitong dibdib. Dumiin ang dibdib niya sa dibdib nito nang yakapin nito nang mahigpit. The side of his face was almost a breath away from her jaw and neck. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay ni Leo sa likuran ng kaniyang ulo at ang mainit nitong hininga sa bandang pangahan niya dahil sa paghingal nito.
"Umuwi na tayo, Imee," bulong ni Leo sa kaniya.
"No . . ." Pinilit niyang itulak ito palayo.
"Come on, Imee," he pleaded softly.
"Sabing ayoko, e!"
Matagumpay niyang naitulak ang lalaki palayo, pero nakapulupot pa rin sa baywang niya ang mga braso nito.
"Stop being so defiant! You are never like this, Imee!"
"Sorry but this is me now. I am Mimi now! This is my alter ego now!"
He suppressed the urge to laugh. "I can't believe that this woman before me is still a child somehow. Teach a child something that interests them and they'll nonchalantly learn it quickly, unlike adults who just insist on doing what they know instead of learning from others.
"In this case, I remember when we talked on that hill. I told you that alter ego helps heal painful and traumatic experiences. You learned it so well, Imee. You executed what you learned so perfectly. But you know," he cupped her cheeks then wiped the raindrops off her face, "You can heal without sacrifing the real you, without sacrificing how beautiful you are as a person, Imee."
Hinaplos nito ang kaniyang pisngi at ipinuwesto ang isang kamay sa likuran ng kaniyang ulo para dahan-dahan siyang makabig payuko. As she leaned down, he lifted his head slightly and kissed her lips.
Imee's eyelids fluttered, half-closed. She could not believe that she would experience this old fashioned kiss in the rain. Here was Leo, topless and wet. And here she was opposite to him, in her satin lingerie and platform high heels, sexily dripping wet.
Na-distract siya sa liwanag na tumama sa kaniyang mukha. Nagmula ito sa isang padating na sasakyan.
Leo opened his eyes and met her half-closed ones. His gaze dropped to her parted lips that waited for his kiss to return to them. Nalaglag ang puso niya na nabitin sa halik nang mapalingon si Leo sa sasakyan na padating.
Naputol ang ilan sa mga sanga ng mabababang halaman dahil nasagi ang mga ito ng gilid at side mirror ng humaharurot na sasakyan.
Her heart stood still.
That very second, she saw the terror that writ in Leo's eyes. They reflected his knowing that a vehicle running that fast would not care whoever blocked its way. It would mercilessly hit anyone that stood close, if not in the middle, of its path!
Tumilamsik ang tubig sa nadaanan ng kotse na basang kalsada. Its headlights blinked followed by its frantic beeping.
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro