Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

#LGS1Oversharing #LGS1chapter25 #LaGrilla1

***

'B'WISIT!'

Nagmamadaling pumasok ng kuwarto si Imee. Ibinalibag niya pasara ang pinto at sumubasob sa kama.

Leo apologized to her about what happened, na para bang isa iyong malaking kasalanan! Hindi na niya pinigilan ang lumuha nang lumuha.

Yes, she hated him. Yes, she wanted to give him back all the pain that he made her feel, but Imee knew it to herself— and she could not deny it anymore—that a part of her hadn't moved on from Leo yet!

Yes, she teased him on her first night in his house. She wanted to see if he was still that same playboy. She managed her expectations but still hoped that her absence made him see her worth.

But no!

Ang malala pa rito, isang halik lang ng lalaki sa kaniya ay tatlong beses nang nangyari ang hindi dapat mangyari!

Sabi na nga ba! Kaya maghapon itong hindi nagpakita ay dahil pinagsisisihan nito ang nangyari sa kanila!

Bakit? Dahil ba natikman na siya nito kaya tapos na ito sa kaniya? O baka naman hindi siya kasing-sarap ng mga babaeng naikama nito?

Marahil gano'n nga. Hindi niya siguro ito napaligaya.

Ano ba kasi ang alam niya sa pakikipagtalik? She was not even moving that much when they did it! Leo took charge! It was also too hard to move when Leo's heat was so hot it consumed her to the fullest, melting her in surrender, turning her to a slave of his every motion.

Inis na inis niyang binalya ng suntok ang kama. Natigilan lang siya nang maramdamang may umupo sa gilid ng kama.

"Hija, ano'ng problema?" tanong ni Yaya Lumeng.

Nanlalaki ang mga mata na tiningala niya ang matanda. "B-Bakit kayo narito?"

"Nagliligpit pa kasi ako sa banyo ng kuwarto mo nang narinig kong sumara ang pinto," sagot nito. "Ano ba ang nangyari?"

"Wala po." Dumapa siya nang maayos sa kama at yumuko para pasimpleng punasan ang mga luha.

"Mas gagaan ang loob mo kung ilalabas mo lahat ng hinanakit mo."

Mimi closed her eyes tightly and sighed. "Hindi . . . Ayoko. Nagtatrabaho ka para kay Leo, e."

"Puwede mo naman akong sabihan ng mga hinanakit mo, lalo na kung tungkol kay Sir Leo. Hindi naman sa pinangungunahan ko ang amo ko, pero kung sapilitan ka lang niyang dinala rito, handa akong tulungan kang makatakas."

Umupo na si Imee at muling pinunasan ang mga luha sa mukha. "Hindi n'yo na ho ako kailangang tulungang tumakas. Kanina lang, kinausap na ako ni Leo. Pinauuwi na n'ya ako sa mga magulang ko."

Rumehistro ang lungkot sa mukha ni Yaya Lumeng. "At umiiyak ka ba, hija, dahil ayaw mo pang umalis?"

She lowered her head and shrugged. "H-Hindi ho sa gano'n. G-Gusto ko naman talagang umalis na rito at hindi na makita uli ang pagmumukha ng lalaking 'yon pero . . . pero nakakainis!" Napalingon siya rito, namumula at nag-aalab ang naluluhang mga mata. "Nakakainis dahil imbes na ako ang makaganti bago ako umalis dito, siya pa ang nakaganti sa akin!"

Naguguluhang napailing lang ang katulong. "Nakaganti?"

"Namumuro na talaga siya sa 'kin, Yaya Lumeng! Mula noon hanggang ngayon! Naku!"

Gigil na naikuyom niya ang kamao. She was so upset because her tendency to overshare was starting to kick in once more.

"Sige na nga! Sasabihin ko na ang lahat! Pagkatapos, sabihin n'yo sa 'kin kung sino ang mas may karapatang masaktan sa 'ming dalawa."

Tumango ang matanda at hinagod ang kaniyang likod. "Sige lang, hija."

"Wala kang ikukuwento kay Leo, ha?" naniniguradong turo niya ng daliri dito.

"Oo naman, hija," mahinang tawa ng matanda na puno pa rin ng pag-aalala ang mga mata. "Hindi p'wede at baka isipin ni Sir na pinapakialamanan ko ang buhay n'ya."

At magsimula na ngang magkuwento si Imee.

***

"NARDO!" tawag ng tatay ni Imee sa kung sino.

Napalingon si Imee habang nagsasabit ng nabasa niyang mga notebook sa bintana ng bahay nila. Napanganga pa siya nang makitang palapit sa bakuran nila si Mang Fabian. Nakaakbay sa hukot na matandang lalaki ang isang binata na mas matangkad dito at mestiso.

Iniwanan ng tatay ni Imee ang pagsisibak ng mga kahoy para salubungin ang mga bagong dating.

At the age of twelve, Imee already knew how to appreciate beauty, the staggering beauty of a young lad like Leo.

Idinala siya ng mga paa palapit sa mga lalaking nag-uusap.

Leo had straight black hair cut short, a pair of bored yet intimidating hooded eyes, and Mick Jagger lips that stretched into a firm line across his face.

"O, Imeng!" bati sa kaniya ni Mang Fabian. "Are nga pala si Kuya Nardo mo, o!"

Tinitigan siya ng estranghero na tinatawag nilang 'Nardo' at nakaramdam siya ng pagkalito. Kilala naman niya sa pangalan si Nardo. Ito raw ang panganay na anak ni Mang Fabian na sa Maynila na naninirahan dahil nag-aaral doon ng abogasya  Pero ang ikinalito niya ay ang pagkatuwa na lumukob sa kaniya nang makaharap ang binata.

Hindi naman kasi sila close.

Hindi naman sila naging friends.

Bakit tuwang-tuwa siya?

"Hi!" masiglang bati niya rito.

He just gave her a blank stare and returned his eyes on Imee's father.

"Ano? Kumusta ang pag-aaral, Nardo?" ani Mang Baste.

"Okay lang."

Natulala si Imee sa lalaki. Leo just had the manliest voice she ever heard in her life. Ang kalmante at ang suwabe pa nito!

"Bakit 'di mo muna ipasyal si Nardo, Imeng?" baling sa kaniya ng tatay niya. "Isama mo sa inyo sina Cecil at ang iba mo pang mga kaibigan."

"Sige po!" masiglang tango niya at walang ano-anong hinawakan si Leo sa kamay para hilahin.

Samantala, naglakad na palayo ang dalawang lalaki, tila importante at seryoso na ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Kuya Nardo, tara!" hila ni Imee at nang nalingonan niya ito, tila nanigas ang lalaki sa kinatatayuan.

With his lips slightly parted, he gave her a stare. Parang may bigla itong ikinatakot o ikinagulat. Napatingin si Imee sa kamay na hawak niya. It was the first time she held someone else's hand, especially a boy's! Namilog sa gulat ang mga mata niya. Yet, she could not help to smile because holding his hand felt so tingly and good! Parang mali, pero masaya sa pakiramdam!

Ah, she was too young to mind . . . and too innocent to understand what she was doing!

"Do'n po tayo sa burol!" anyaya niya rito.

"Yeah, sure. Pero p'wede, huwag mong hawakan ang kamay ko?" malamig nitong saad.

Napapasong binitiwan niya ito kahit sa loob-loob ay nanghihinayang siya. "S-Sorry."

Leo followed her on the hill. Siguro nga, crush na niya ito agad dahil possessive na agad siya sa lalaki. Hindi na kasi niya niyayang sumama sa kanila ang mga kababata niya para lang masolo niya ito. Hindi rin alam ni Imee kung bakit hindi kinuwestiyon ni Leo ang hindi niya pagsunod sa habilin ng kaniyang tatay, pero okay na rin 'yon.

They chatted on the hill.

Ayon kay Leo, nagbakasyon lang daw ito sa hacienda para bisitahin ang mga magulang nito, partikular na si Leopoldo na naka-confine sa ospital nang madiskubre ni Mang Baste na walang-malay sa taniman ng mga puno ng niyog. Babalik din daw si Nardo mamayang gabi sa Maynila.

Imee could not help admiring the calmness on his face inspite of his troubled eyes. Dama niya ang bigat sa dibdib ng lalaki, para siyang sponge na naa-absorb din ang nadarama nito.

Tumagal pa ang pagkukuwentuhan nila habang nakaupo sa damuhan sa burol.

"Nag-aaral ka ba nang mabuti?" tanong naman nito sa kaniya.

"Opo naman!" proud na sagot ni Imee. "Aba'y ang sabi ni Itay, dapat mag-lawyer din daw ako katulad mo."

Ngumisi lang si Leo at napailing-iling. "Masyadong magastos mag-abogasya. Pero kung gusto mo 'kong makasama sa field na 'yon, why not?"

Lumapad ang ngiti ni Imee. "Talaga? Makakasama kita 'pag naging lawyer ako?"

Baliw talaga. Bakit tuwang-tuwa siya at gusto niya itong makasama naman? Feeling close?

Tinitigan siya nito sa mga mata. "Yeah. I can tutor you. Tutulungan kita sa mga gastos."

"Ang bait mo, Kuya Nardo," ngiti pa niya lalo.

"Hindi, a. Gusto ko lang tumulong dahil utang-na-loob namin ang pagtulong ni Mang Baste sa pagsugod kay Leopold sa ospital nitong nakaraan. Kung hindi natiyempuhan ng tatay mo ang kapatid ko no'n na nakahandusay na pala sa niyugan . . ." He looked away, unable to finish his sentence.

Nahihiyang napayuko siya. "Ano ka ba, Kuya Nardo? Iyong gano'ng bagay, huwag mo nang ituring na utang-na-loob. Hindi naman siguro umaasa si Itay ng kapalit sa pagtulong niya. Lalo na kung may kinalaman 'yon sa buhay ng tao."

Nakatingin lang si Leo sa malayo. "Kahit na. Mabuti na rin na ako mismo ang tumulong sa 'yo kaysa sa ibang tao pa manggaling. Mapagsamantala na kasi ang mga tao ngayon, Imeng. Walang hustisya sa mundo kung hindi ka marunong lumaban, alam mo ba 'yon?"

She cocked her head to the side. Parang may kakaiba sa tono ng lalaki. She got scared at how dead he sounded, she wished she didn't hear it right. "Huh?"

Natatawang ginulo nito ang buhok ni Imee. "Wala. I hope your innocence stays with you."

"Huh?"

He just laughed, seemingly amused with her. Then he gazed on the horizon before them, the sunset delicately dying his hair into dark gold, and making the corner of his lifeless eyes glow.

"Pagabi na. Hindi pa ba natin dadaanan ang mga kaibigan mo?"

Imee just snorted and stood up. "Hindi ko na sila inakit at baka mapatagal lang ang pagtambay natin dine. Ala, e, bibiyahe ka pa sa Maynila."

Leo stood up too. "Oo."

Tahimik na nagpatiuna ang lalaki ng lakad pababa ng burol. Sumunod siya rito hanggang sa maihatid siya nito sa tapat ng kaniyang bahay.

Naabutan nila sa bakuran si Mang Baste na iniipon na ang mga sinibak nitong panggatong na kahoy.

"Bye!" kaway niya kay Leo nang magpaalam na ito sa kanila ni Mang Baste.

Inakbayan siya ng tatay niya habang tinatanaw ang paglayo ni Leo. "Ano, suplado pa rin ga ang Kuya Nardo mo?"

"Hindi na po! Nagkuwentuhan pa nga po kami, e!"

"E, mabuti naman at natuto siya sa Maynila maging palakaibigan, ano? Dine kasi, palaging nakakulong sa bahay ang batang yaon. Walang ibang inatupag kundi ang pag-aaral o pagtambay sa mansiyon, kalaro 'yong anak ng amo natin."

"Alam mo, ang bait n'ya pala, Itay. Ang sabi pa n'ya, kung gusto ko raw mag-lawyer, tutulungan n'ya 'ko."

Natawa lang ang tatay niya at ginulo ang kaniyang buhok. "Iyan din ang sabi ng tatay n'ya sa 'kin. Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral para matuwa si Kuya Nardo mo at tulungan ka, okay?"

Tiningala niya ito at nginitian nang pagkatamis-tamis. "Opo naman!"

***

"E, 'di matagal mo na palang crush si Sir Leo," bungisngis ni Yaya Lumeng.

Imee rolled her eyes. Her smile was still bitter. "Siguro, dahil bata pa 'ko, kaya ang bilis kong mamangha sa mga bagay-bagay. Akala ko, ang cool-cool niya kasi nag-aaral siya sa Maynila, mag-isa lang siya ro'n—independent, magiging abogado siya 'tapos may hitsura pa. . . ." She shrugged her shoulders. "Wala pa tayo sa parte noong unang beses n'ya akong sinaktan, yaya. Nangyari 'yon, four years later. Imagine! Ang tagal na bago siya bumalik ng Batangas! 'Tapos ibang-iba na talaga siya no'n. Blondie na s'ya. 'Tapos may kasama pa siyang babae!"

***

"IMENG, kumusta ang pag-aaral?"

Ginulo na naman ni Leo ang buhok niya. Walang pakialam si Imee kung obvious na nanlilisik ang mga mata niya rito. She crossed her arms and suddenly tapped Leo's hand away from her head.

"Mabuti, okay? Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko."

"Uyy, ang sungit ni Imeng, a?" tawa ni Leo. "Aling Mineng, may regla ba itong si Imeng at nagsusungit?"

Pinanlakihan ni Aling Minerva ng mga mata si Leo, halatang nagulat ito sa pagiging bulgar ng lalaki. "Aba'y ano naman ang pakialam mo ro'n, Nardo?"

Gulat na napangiwi ito. He looked so comical, Imee struggled suppressing her smile. "Sorry, Imeng. Sorry, Aling Mineng."

Her mother just scoffed and resumed entering the kitchen.

"Tara, Imeng, punta tayo sa tambayan uli!" Nauna na si Leo sa paglabas sa bahay nila.

Hinarap ni Imeng ang salaming nakasabit sa tabi ng pinto at inayos ang pagkaka-single braid ng kaniyang buhok.

"Huwag ka nang magtampo sa Kuya Nardo mo kung ngayon lang uli nakabalik. Baka naging abala lang sa pag-aaral," mapang-unawang tabi sa kaniya ng nanay niya na kababalik lang galing kusina. "Tamang-tama nga ang balik n'ya, e, kasi next month ga-graduate ka na ng high school. E, 'di puwede mo nang ipaalala sa kan'ya ngayon ang ipinangako n'yang tutulungan kang mag-college."

"Opo," buntonghininga niya bago idinugtong aa isipan ang hinaing. 'Pero Inay, hindi naman 'yon ang ikinatatampo ko, e . . . Nakakainis lang dahil crush ko siya 'tapos apat na taon ko siyang hindi nakita. Araw-araw ko siyang nami-miss . . .'

"Sige na. Samahan mo na 'yon sa burol para makausap mo tungkol sa pagpapaaral sa 'yo," usig ni Aling Minerva sa kaniya.

Binagalan ni Imee ang paglalakad papunta sa burol. Nakalapat ang isang palad niya sa kaniyang dibdib, sa tapat ng puso niya.

Hindi niya maipaliwanag ang epekto ni Leo sa kaniya. May kung anong kilig ang hatid ng malapad nitong pagngiti sa kaniya at ang tunog ng pagtawa nito. Iniisip niya tuloy na sobrang sabik si Leo na makita siya. Siya pa nga raw ang una nitong pinuntahan pagkadating na pagkadating sa hacienda.

The last time she saw him, Leo was quiet and reserved. Pero makalipas ang ilang taon, heto at parang nakawala ito sa koral. He was energetic, cheerful . . . It was as if there was a party inside his body.

Nakaupo na si Leo sa damuhan sa burol nang nadatnan niya ito. She stood beside him.

"Wow, Imeng," tingala nito sa kaniya. "Ang tangkad mo na."

"Malamang. Nakaupo ka, nakatayo ako." Umupo siya sa tabi nito at niyakap ang mga binti. "Kumusta? Ano na ang nangyari sa 'yo? Bakit ang saya-saya mo yata ngayon at bakit kulay-mais na 'yang buhok mo?"

Natawa si Leo. How he seemed to admire her innocence and honesty in the way she talked. Naaaliw na ginulo nito ang kaniyang buhok.

"Because I'm already starting fresh! Starting anew! Rebranding ga!" masigla nitong paliwanag. "Graduate na 'ko sa Political Science, Imee! Mapu-pursue ko na sa wakas ang Law!" He stretched his arms over his head and groaned blissfully. Then, he noticed her silence so he turned to her. "Matutupad ko na ang pangarap ko. Hindi mo ba 'ko iko-congratulate?"

"Congrats," ngiti lang niya rito. "Kailangan ga, kulay yellow ang buhok 'pag mag-aabogado?"

Ngumisi lang ito. "Well, I colored my hair to leave Nardo behind. Simula ngayon, Leo na ang itatawag ng mga tao sa 'kin, Imeng. Kahit ikaw, Leo na ang itatawag mo sa 'kin."

"Bakit naman? Okay rin naman ang Nardo, a? Parang kapatid lang ni Narda," natatawamg nguso niya. "Superhero ang datingan, dahil tagapagtanggol 'yan ng mga naaapi!" tukso niya rito.

"Crazy," titig nito sa kaniya. "Alam mo, alter ego helps a lot, even when it comes to healing from painful and traumatic experiences."

Umiwas na ng tingin si Leo kaya hindi na nito napansin ang gumuhit na pag-aalala sa mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang mapahawak sa balikat nito.

"Traumatic? Bakit? Ano ang nangyari?"

He quickly glanced at her. Tila nagulat ito sa pagdampi ng kamay niya sa balikat nito. And just like his reaction on the first time she held his hand, his eyes widened and his lips slightly parted.

"Ano?" nag-aalalang usig niya sa lalaki.

"Well . . . Hindi naman kasi gano'n kadali ang lahat." Ibinalik nito ang mga mata sa view ng coconut plantation. "Pinaghirapan ko talaga ang lahat para makapasok sa law school. May mga sakripisyo din akong ginawa."

"E, 'di ga, maglo-lawyer din ako? Ibig sabihin, gagawin ko rin 'yang mga sakripisyo na 'yan—"

"No," mariin nitong wika at nilingon siya. There was something dark in his eyes, and protectiveness in his tone. "You don't have to do the sacrifices I did. If you want, I will help you, okay? Just let me know. Sa 'kin ka humingi ng tulong."

Nagdalawang-isip tuloy si Imee kung ipapaalala sa binata ang pangako nito na pag-aaralin siya noon. Dahil kung nahirapan si Leo na pag-aralin ang sarili nito, parang nakahihiya naman na pasanin din nito ang mga gastusin para sa pag-aaral niya

"Pa'no ko maa-appreciate nang sobra na naging abogado ako kung hindi ko paghihirapan?" Namamangha niyang titig sa lalaki. Sa kabila kasi ng lahat ng hirap na posible nitong pinagdaanan, ninanais pa nito na huwag na niya iyon danasin pa. That was so . . . nice of him.

"If you love something, you'll appreciate it so much, no matter how easily you got it," matamis nitong ngiti at pinisil pa siya sa pisngi.

"Aw!" palo niya sa lalaki na napahalakhak na lang.

At habang nagkukuwentuhan sila ni Leo ay biglang dumating ang babae nito.

"Leo!"

Nanlaki ang mga mata ng lalaki, halatang hindi nito napaghandaan ang pagdating nito.

"R-Roselle?"

Roselle wore high heels and a maxi dress. She straddled on Leo's lap and kissed his lips. Hindi na nakagalaw pa ang lalaki.

"Hindi ka man lang nagsabi na aalis ka ng Manila," hiwalay ng babae rito.

At hindi man lang nito binigyan ng pagkakataon si Leo na makapagpaliwanag. Humalik itong muli. At tinugon naman iyon ng lalaki.

Nanghilakbot si Imee sa nakita. Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang panlalambot na naramdaman niya sa bawat pagsayad ng mga labi nila sa isa't isa. Tatawa-tawa pa ang dalawa habang naglalampungan sa harapan niya.

Pinatayo si Imee ng isa sa mga trabahador sa hacienda na nagdala sa babae ni Leo sa kung nasaan sila.

"Iwanan na muna natin sila." bakas ang concern ng matandang lalaki para sa kainosentehan ni Imee laban sa halikang nasaksihan nila.

Pero hindi inosente ang puso.

Marunong itong masaktan at alam nito kung bakit ito nasasaktan.

Minsan nga, kahit ang utak ng tao ay hindi maunawaan ang nalalaman ng puso.

Tumalikod na sila ni Mang Castro at sabay na naglakad pababa ng burol.

"Bakit ka nga pala nandito?" narinig niyang natatawang tanong ni Leo sa babae.

"Siyempre, para lang bantayan ka. Akala mo, matatakasan mo 'ko, ha?"

"Hindi kita tinatakasan!" tawa nito.

Imee threw one last glare at the two. Nakita niyang pinahiga ng babae si Leo sa damuhan habang naghahalikan ang mga ito.

'Putangina ninyo.'

That was the first time she cursed someone in her life.

***

IMEE'S flashback was interrupted by Yaya Lumeng's hearty chuckle. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Walang nakakatawa ro'n!"

Medyo kumalma na ang katulong pero natatawa pa rin. "Ano'ng walang nakakatawa? E, nagtatanim ka riyan ng sama ng loob sa mga nangyaring 'yon na wala namang kamuwang-muwang si Sir Leo na nasasaktan ka na pala."

"Ang point ko ho rito, ilang beses na niya akong sinaktan. It doesn't matter kung alam n'ya o hindi, kung sinadya n'ya o hindi. Kaya masisisi n'yo ho ba ako kung napuno ako kaagad noong nalaman kong may sex video sila no'ng babaeng isinabay n'ya sa akin?"

Nagulat ang matanda. "I-Ikaw 'yon? 'Yong nakadilaw na may maikling buhok noon? 'Yong pinanood ni Ma'am Melissa ng video?"

Imee took in a deep breath and nodded slowly. "Ako po 'yon."

Yaya Lumeng gave her a concerned look. "Hija, talaga bang naniniwala ka na isinabay ka ni Sir Leo sa ibang babae?"

"Bakit hindi? Nakita mismo ng mga mata ko ang video kaya posibleng totoo nga ang sabi ng Melissa na 'yon na nabuntis n'ya si Ava. Hindi rin itinanggi ni Leo na siya nga 'yong nasa video, na nangyari 'yong nasa video, at hindi 'yon edited. Nito lang niya naisipang itanggi . . . kung kailan hindi ko na hinihingi ang paliwanag niya."

"At ayaw mong marinig ang paliwanag ni Sir dahil?"

"Dahil hindi ko masasabi kung niloloko ba n'ya ako o hindi. Ayokong maloko na naman niya." Napailing siya at napatitig sa kawalan. "Kaya ayoko, ayokong bigyan siya ng oportunidad na manipulahin ang katotohanan."

"Hija, kung nabuntis ni Sir Leo si Ma'am Ava, bakit wala siya rito? At iyong bata?"

Imee slowly shook her head. "Malay mo, co-parenting? Napagkasunduan na lang nila na magsusustento lang siya sa bata? Pa'no ko malalaman 'yon, Yaya Lumeng?"

"Hija, hindi sa sinasabi kong peke 'yong video. Hindi ko naman kasi alam ang totoong nangyari, pero base sa k'wento mo, parang mahirap paniwalaan."

"Paanong mahirap? E, alam mong playboy ang amo mo?"

"Oo nga, pero abogado siya, hija. Siyempre, hindi niya ipinangangalandakan ang mga kalokohan niya, bagay na magagawa ng isang video kapag isang maling pindot lang, e, p'wede nang kumalat. Ni hindi nga siya nagdadala ng babae rito?

Minsan, nang dinalhan ko si Sir ng kape sa office room n'ya, may mga naririnig ako. Isa na roon 'yong Code of . . . Responsibilities ba 'yon?" Napatingala pa ito at napaisip bago nagmamadaling ibinalik ang tingin sa kaniya. "Basta 'yon."

"Ano naman ang ibig sabihin no'n?"

"Ibig sabihin, kailangang malinis ang imahe ni Sir Leo. Bawal siyang makitaan ng anumang pruweba na may ginagawa siyang ilegal o imoral. Kaya hindi naman siguro papayag si Sir na makompromiso ang lisensiya niya sa pamamagitan ng pagbi-video sa sarili niya ng mga malalaswa."

Namilog ang mga mata niya. "H-Hindi ko alam. May ganoong rules ng mga abogado?"

Tumango-tango si Yaya Lumeng bilang sagot.

***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro