Chapter 19
#LGS1CourseofAction #LGS1chapter19 #LaGrilla1
***
NAGHIHIWA ng patola si Imee sa mesa sa dining area nang dumating si Mang Baste. Kauuwi lang nito galing sa niyugan at ang una nitong ginagawa pagkauwi ay uminom ng tubig.
Nilagpasan si Imee ng ama niya. Kumuha ito ng plastik na baso at lumapit sa asul na water gallon na de-gripo. Pagkakuha ng tubig ay sumulyap ito sa kaniya.
"Kumusta, Imeng?" anito bago dinaan sa malalaking lagok ang tubig sa baso.
Hindi naman tumigil si Imee sa kaniyang ginagawa. "Okay lang po, Itay."
"Hm. Talagang okay ka ga? Si Nardo?"
Mas binilisan ni Imee ang paghihiwa. "Busy lang ho s'ya, Itay."
Sinikap niyang pigilan ang pagbugso ng damdamin. Sa puntong ito kasi ay hindi pa handa si Imee na aminin sa mga magulang niya ang lahat.
'Si Leo dapat ang mahiya dahil sa panloloko n'ya sa 'kin, pero bakit parang ako ang isang malaking kahihiyan dine dahil naging napakalaki ng kumpiyansa ko sa kan'ya? Bakit ako ang malaking katatawanan ngayon dahil sa nagtiwala ako sa lalaking alam ko naman na palikero? Bakit ako ang tila walang mukha na maihaharap kina Inay at Itay kapag kinumpirma ko na tama nga ang mga agam-agam ni Inay noon sa intensiyon ni Leo sa akin?'
"Sobrang busy? E, dalawang linggo nang hindi dumadalaw rito si Nardo?"
Imee shrugged, trying to act nonchalant.
"At dalawang linggo ka na ring matamlay," lapag ni Mang Baste sa ginamit nitong baso sa lababo. Natigilan saglit ang matanda bago ibinalik ang namimilog na mga mata sa kaniya. "Aba, baka hindi lang si Leo ang dalawang linggo nang hindi dumadalaw, ha?"
"Ano?" naguguluhang lingon niya sa kaniyang tatay. Nabahala siya dahil may bahid ng akusasyon sa boses nito.
Sakto namang narinig ni Aling Minerva ang usapan nila dahil pumasok ito sa kusina dala ang binili sa tindahan na dalawang maliit na plastik ng pamintang buo. "Ano'ng hindi dumadalaw? Ikaw nga, Baste, huwag mong pinag-iisipan ng gay'an si Imeng!"
"Pinag-iisipan ng ano?" naguguluhang tanong niya sa kaniyang nanay.
"Na hindi ka na nga dinadalaw ni Leo, hindi ka pa dinadalaw ng buwanang-dalaw mo!" gigil na lapag nito ng mga paminta sa tabi ng kalan bago sinimulan ang paggisa sa bawang, sibuyas, at pork giniling sa isang aluminum na kaldero.
"O, bakit ka nagagalit? Magkarelasyon naman sila! Sila na rin ang may karapatang magdesisyon kung gusto na nila magkaanak!" ani Mang Baste.
"Kahit hindi pa kasal?" buwelta ni Aling Minerva sa asawa.
"Kasal o hindi kasal, sino ba tayo para magdesisyon no'n para sa kanila?" Pagkatapos ay nilingon siya ni Mang Baste. "Pero kung tatanungin mo kami ng nanay mo, mas gusto naming ikasal muna kayo. Namnamin n'yo muna ang buhay-mag-asawa bago ang buhay ng pagiging mga magulang."
Imee gave her father a bored look. "Itay, wala pang nangyayari sa 'min ni Leo."
Umaliwalas agad ang mukha ni Aling Minerva. She even heard her mother's smile and sigh of relief. "Hindi sa hindi ko nakikitaan ng pag-i-improve ang Nardo na 'yon, anak, pero tama ang sinabi ng tatay mo. Gay'on ang gusto kong buhay para sa 'yo. At bago ang kasal na 'yan, siyempre, gusto kong ma-enjoy mo iyang pagsasayaw mo. Enjoy-in mo muna ang pera na kikitain mo sa pagsasayaw."
Imee smiled faintly and finished slicing the sponge gourd. Pagkatapos ay si Aling Minerva na ang umako sa pagluluto ng masabaw na miswa na may patola at giniling na baboy na kanilang hapunan.
Imee headed to the living room and sat on the bamboo sofa sideways, so that she could look at the dark, starless sky through the open window.
It was true, Leo hadn't showed up to her for two weeks already. He hadn't spoken to her, either. Ni text ay wala siyang nakuha mula sa lalaki.
She never called or texted him, but she knew it to herself that with each passing day, she was anticipating . . . waiting for him to call or text. Umasa siya na baka bukas makakuha na ito ng lakas ng loob para ipaliwanag ang sarili nito sa kaniya at ang tungkol sa video.
Imee felt her tears rimming her eyes so she immediately left her seat. Nag-alala si Mang Baste nang sundan siya ng tingin. Nilagpasan lang kasi niya ang ama na kadarating lang sa sala at itinago pa niya ang kaniyang mukha habang papasok sa kaniyang kuwarto.
She quickly picked up her cell phone and scanned her contact list. There were only four people in it, that's why one of the caller ID's quickly piqued her interest.
'Ipapa-trace Ako,' basa ni Imee sa pangalan sa kaniyang contact list sa kaniyang isip. Ini-save niya noon ang numero dahil sa takot niya sa banta nitong ipapa-trace ang number niya.
Pumitik ang kaba sa kaniyang dibdib. Sabay-sabay na bumuhos ang mga alaala sa kaniyang isip hanggang sa mangibabaw ang isa sa mga ito.
Ang huli nilang pag-uusap ni Leo sa kotse nito . . .
"But I can't let our love die just because of a lie!"
"Sa oras na matuklasan ko ang katotohanan at tama ka, ako mismo ang pupunta sa 'yo."
"Paano mo naman malalaman ang katotohanan? Mag-iimbestiga ka? Bakit hindi mo na lang 'to alamin mula sa 'kin? Dahil ako . . . ako ang nakaaalam ng lahat!"
"O, sige! Ano ang totoo, Leo? Ano?!"
Nang bumalik ang diwa ni Imee sa kasalukuyan ay huminga siya nang malalim.
'Nagpabulag ako sa galit ko. Oo, totoo nga siguro ang nakita kong video, pero gaano ako kasigurado na nangyari nga 'yon noong gabing nakitawag sa 'kin si Leo? Gaano rin katotoo na si Ligaya ang nasa video? Nakamaskara naman 'yong babae.'
Napailing siya.
'Dapat talaga nagpalamig muna ako ng ulo. Pero hindi bale, handa naman akong magpakumbaba kung nagkamali man ako. Ang mahalaga, malaman ko na ang katotohanan.'
Imee called the number that Leo called that night. Pigil niya ang hininga habang nakatapat ang smart phone sa kaniyang tainga at hinihintay ang pagsagot ng nasa kabilang-linya.
Napalunok siya nang sagutin ang tawag niya ng isang boses-babae.
"Leo?" kuryosong bungad ng boses.
'Babae nga pero baka staff ito sa law firm. Ang sabi ni Leo, pinaghanda niya ng mga dokumento 'yong tinawagan niya . . . sa law firm.'
Natagalan bago niya nanghihinang nailabas ang boses. "H-Hello . . ."
"Imee?"
Her eyes widened upon finally recognizing the voice. "Li . . . Ligaya?"
"Bakit . . ."
Bago pa nadugtungan ni Ligaya o Ava ang sasabihin nito ay ibinaba agad ni Imee ang cell phone. Natulala siya saglit bago naalalang i-disconnect ang tawag.
As she stared at the lit up smart phone screen, a drop of her tears fell on it.
***
MELISSA arrived, carrying a tray of biscuits and tea. Dahil sa pagkalugi ng Casa Milano at pagtitipid sa pera, sinibak na ang house staff na naninilbihan sa kanila. Their mansion was too big though, so they hired house cleaners weekly.
Samantala, kababalik lang ni Ava ng cell phone ng ina nito sa ibabaw ng low table sa lounge area ng kanilang bahay sa second floor nito, katapat ng bukas na pinto ng balkonahe.
Marahang inilapag ni Melissa ang tray. "I saw you putting down my phone."
"Leo called. Akala ko, nasa huwisyo na siyang kausap dahil tinawagan ka n'ya, kaya ako na ang sumagot," alibi nito.
"And?" Melissa took a seat opposite Ava. "Why did he call?"
Napaisip si Ava bago kalmadong sumagot. "Napindot lang siguro. He did not say anything."
Melissa narrowed her eyes and scoffed. "Akala ko pa naman, magbibigay na siya ng update tungkol sa kasal n'yo. I still do not approve that the wedding will take place in Las Vegas though. Hindi ako makapupunta ro'n, e."
"But you said, we'll annul our marriage after five to six years. So, isn't Las Vegas a convenient place to get married? Dahil do'n, mas mura at mabilis din ang proseso ng divorce, lalo na kung doon kami ikakasal."
Melissa inhaled deeply and picked up her cup of tea. "Kung sabagay. Tama ka r'yan."
Ava nodded and picked up a biscuit to eat.
"How's the biscuit? We should have been hanging-out in my favorite café if we're not saving up the few millions we have left. And there's our expenses with our properties' taxes and maintenance, and the cars, and the liquidation processing for Casa Milano . . ." Melissa rambled calmly on and on.
***
MAG-AAPAT na linggo na ang nakalipas. Abala sa pag-iimpake ng mga damit si Imee nang pumasok ang kaniyang nanay sa kaniyang kuwarto.
Saglit na pinanonood siya ni Aling Minerva bago nakapamaywang ang dalawang kamay na naglakad palapit sa kaniya.
"Imeng, tapatin mo nga 'ko. Hiwalay na ba kayo ni Nardo?"
Imee kept her eyes on her bag. "Inay . . ."
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa 'min ng tatay mo? Halatang-halata na naman, anak. Mag-iisang buwan nang hindi bumibisita rine si Leo. Isa pa . . ."
Natigilan siya nang hindi ituloy ni Aling Minerva ang sinasabi nito. Napilitan tuloy siyang lingonin ang ina na nakatayo sa tabi ng papag, sa bandang likuran niya.
"Isa pa?"
Napailing si Aling Minerva. "Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong sabihin . . ." Napabuntonghininga ito bago siya hinarap uli at nagpatuloy. "Halata kasing wala siyang balak makipagkita sa 'yo dahil bumisita siya sa mansiyon kaninang umaga lang. Nagkataong wala roon si Sir Jamer, nasa burol, kaya nakita siya nina Castro na dumaan sa tapat ng distillery."
Imee lowered her eyes. She should be crying or tearing up already at the fact that Leo did not bother to try begging for her forgiveness again, but she couldn't. Naubusan na yata siya ng luha dahil sa gabi-gabi niyang pag-iyak nang palihim nitong nakaraang mga linggo. All that was left was this lifeless expression on her face.
"May kinalaman ba 'to sa pag-o-audition mo para maging dancer sa TV?" patuloy ni Aling Minerva. "Akala ko ba, supportive siya sa karera mo?"
Imee met her mother's concerned gaze. "Opo. 'Yon nga ang hindi namin mapagkasunduan."
Biglang napuno ng suspisyon sa mukha nito. "Talaga? O baka naman pinagtatakpan mo lang 'yang si Nardo? Wala na kayo, e, pinoprotektahan mo pa rin?"
She just shrugged and continued packing her bags. Ayaw man niyang magsinungaling sa mga magulang, ayaw rin naman niyang may pagtaluhan silang magnanay.
"Nambabae, 'no?"
Hindi tumigil si Imee sa ginagawa.
"Nambabae," tango ni Aling Minerva ng ulo sa sarili. "Sabi na nga ga." Napabuga pa ito ng hininga bago sumuko. "Sige. Hindi ko babanggitin sa tatay mo ang pinag-usapan natin ngayon. Pero hindi ka p'wedeng umalis nang hindi ipinaaalam sa amin ang totoong nangyari."
"Inay!" harap at protesta niya rito.
"Pasensiya ka na, anak. Pero dapat din kasi naming malaman kung paano pakikitunguhan ang Nardo na 'yan! At nakadepende 'yon sa kung ano ang dahilan kaya naghiwalay kayo!"
Imee wanted to blurt out every detail about that breakup, but she felt so cold, the trembling made it hard for her to speak. Naluluhang napailing siya.
Napalitan ng awa ang nagmamatigas na ekspresyon sa mukha ni Aling Minerva. "Anak . . . sabihin mo kung ano ang nangyari. Baka makatulong kami ng tatay mo. Minsan, may mga anggulo sa isang sitwasyon na baka ibang tao ang makapansin, katulad namin ng tatay mo, dahil may pagkakataong nabubulag ka ng emosyon. Sige na, anak . . . Huwag mong kimkimin 'yan . . ."
Humahagulgol na napayuko si Imee. "H-Hindi ko alam, Inay! Hindi ko alam kung . . . kung kaya kong magkuwento. . . . Nahihiya ako! Hiyang-hiya po ako! Sobra kong ipinagyabang si Leo sa inyo! Ipinagyabang ko na seryoso siya sa 'kin! Na ako lang ang babaeng sineryoso niya! Inay, hindi lang pala pagkapahiya ang nakapanliliit sa isang tao, kundi maging ang mapaniwala siya ng taong pinagtaksilan siya na maganda siya, nakahihigit sa lahat, at walang-katulad!" She tried, but she really could not muster the courage to meet her mother's eyes. "At dahil sinabi 'yon ng isang sinungaling, pakiramdam ko, hindi pala totoo ang mga 'yon! Walang maganda sa akin! Walang espesyal! Dahil kung meron, bakit isinabay niya ako sa ibang babae?"
Aling Minerva slowly approached her.
"Pero Inay, higit sa lahat-ang sakit! Ang sakit-sakit! Higit pa 'to sa kahihiyan na nararamdaman ko! Ang sakit! Mahal na mahal ko siya, 'Nay!"
Tila tinitimbang pa nito kung papayag siya bago siya tuluyang hinila nito sa mga balikat para mapayuko nang bahagya at maipatong ang baba niya sa balikat nito. Then, slowly, her mother's arms wrapped around her arms and back.
Warmth and comfort slowly trickled from her mother to her heart, and yet it was being fought against by its rapid pained pounding. Halos maghabol siya ng hininga dahil sa kaiiyak.
***
KINAGABIHAN ay mas kalmado na si Imee. Naikuwento na niya nang mas maayos sa mga magulang ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Leo. Nagtitimpi, pero kitang-kita ni Imee ang pagdidilim ng anyo ni Mang Baste dahil sa nalaman.
Aling Minerva managed to lighten up the mood in the dining table after her confession. Kinumusta nito ang plano niyang mag-audition.
"Isinulat mo ba sa papel ang address ng TV network na 'yan?" tanong ni Aling Minerva sa kalagitnaan ng kanilang paghahapunan at pagkukuwentuhan.
Tahimik na nakikinig at kumakain si Mang Baste, halata na nakikihati sa atensiyon nito sa pakikinig sa kaniya ang pag-alala sa mga nalaman nito tungkol sa hiwalayan nila ni Leo.
"Opo, Inay. Naka-save na siya sa cell phone ko, pero isinulat ko na rin sa papel dahil baka ma-lowbat ako."
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Aling Minerva. "Ipu-full charge mo palagi ang cell phone mo!"
"Opo naman, Inay. Pero baka matagalan akong makapag-full charge kasi pagkatapos kong mag-audition pa ako maghahanap ng marerentahang kuwarto sa Manila."
"Baka naman matagal pa bago ka nila pabalikin do'n kapag nakapasa ka sa audition. Kaya bakit hindi ka na lang dumeretso rine ng uwi pagkatapos ng audition? At saka ka na magrenta kapag siguradong may trabaho ka na nga sa Maynila."
"Tama ang nanay mo, anak," ani Mang Baste, seryoso. "Mas mabuti na rin na narine ka at kasama namin, lalo na sa panahong 'to na nalulungkot ka."
She smiled weakly at her father. How she wanted to show him that she appreciates how much he cares, but her heart was too broken to give her the strength to smile wider.
"Itay, okay lang po ako. At saka, gusto ko ring mag-stay sa Maynila dahil bukod sa audition para maging back-up dancer sa 'Eat Time,' e, maghahanap pa 'ko ng iba pang p'wedeng apply-an. Sayang naman kasi ang punta ko ro'n kapag hindi ako natanggap sa 'Eat Time,' kaya mabuti na 'yong may iba pa akong apply-an."
"Basta, huwag kang magda-dancer do'n sa paghuhubarin ka ng damit, ha?" nanlalaki na naman ang mga mata ni Aling Minerva habang pinaaalalahanan siya.
Nangingiting napayuko si Imee at tinapos ang pagnguya bago sumagot. "Opo, Inay."
"Mag-iingat ka ro'n, anak," ani Mang Baste. "At magte-text ka sa 'min palagi ng nanay mo."
"Anong text?" She smiled at her parents reassuringly. "Tatawag ho ako. Palagi ko kayong tatawagan."
Nagkatinginan ang mga magulang niya na magkatabi sa upuan. Their sadness, fears, and hopes for her were captured by those soft expressions on their faces before they smiled at her with a hint of hope in the midst of their uncertainty.
"O, damihan mo ang kain, anak," wika ng kaniyang tatay, "dahil deretso Maynila at walang-babaan na ang sasakyan mo sa biyahe mo mamaya."
Imee smiled and nodded.
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro