Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

#LGS1Paliwanag #LGS1chapter18 #LaGrilla1

***

SINILIP ni Imee ang townhouse mula sa bintana sa kaniyang tabi. It was two stories high, a sleek and rectangular white house with black accents and dark-tinted windows. She was already at Leo's house but she still could not believe that she would be having a candlelight dinner here with him.

Halos limang oras din ang itinagal ng biyahe nila papunta sa subdivision kung nasaan ang townhouse ng binata. Hindi naman siya nabagot dahil palakuwento ang lalaki sa sasakyan at katulad ng nakasanayan ay on-point ang sense of humor nito. Kaya kahit gaano kabigat ang dinanas nilang traffic, parang hindi niya iyon napansin.

Pagkababa ni Leo ng sasakyan, isinara nito ang pinto sa driver's seat. Nilapitan ito ng isang may katandaang babae. Base sa uniporme nito ay tila katulong ito ni Leo.

Mabilis na pinaputla ng pag-aalala ang mukha ng binata habang may sinasasabi ang katulong dito. Nakasarado ang mga pinto at bintana ng sasakyan kaya walang narinig si Imee sa usapan ng dalawa.

Nag-aalala man si Imee para sa nobyo, mas pinili na lang niya ang manatiling nakaupo at hintayin si Leo na pagbuksan siya ng pinto. Maybe, he would tell her about what worried him a little later.

Pagbalik ng katulong sa loob ng townhouse, ipinagbukas na siya ni Leo ng pinto ng sasakyan. She got down gracefully, although she wasn't really trying to act so composed and poised. Her tension could only be seen with her reluntance to let go of the strap of her brown, leather square bag.

Meanwhile, Leo smiled at her as if he saw her in this sun dress for the first time. Imee reciprocated the same smile. He just smelled so good, as always! Guwapong-guwapo pa ang lalaki sa mid-parted nitong yellow blond na buhok, ebony slacks, brown leather shoes, at button-down short-sleeved shirt na dilaw na may maliliit na dark gold pattern ng mga ibon. His only accessories were a silver wristwatch and a silver buckled black belt. Maingat na dumulas ang kamay nito sa kamay niya na nagpagapang sa maliliit na kuryente sa bawat guhit ng kaniyang palad bago nagkasya ang mga daliri ng binata sa bawat puwang ng kaniyang mga daliri. They closed their hands, both at the same time.

Leo led her inside the house. Namilog ang mga mata ni Imee dahil lahat ng dapuan ng kaniyang paningin ay magaganda at mukhang mamahalin—mula sa kahoy na muwebles hanggang sa mga kahoy na dekorasyon kung saan ang ilan ay may larawan ng mga puno ng niyog. Nakaramdam tuloy si Imee ng konting panliliit sa sarili dahil ibang-iba ang payak niyang buhay kung ikukumpara kay Leo.

Alam na niya ang kuwento ng buhay nito—na anak ito ng dating mga mahihirap na trabahador sa Hacienda Hermano, katulad niya—kaya nakapapanibagong tingnan si Leo sa ibang perspektibo, na napakalayo na nito mula sa Leo na nakilala niya noon at naunang natutuhang mahalin. . . .

"Umupo ka muna." Leo cheerfully gestured to the beige leather sofa. "May titingnan lang ako saglit sa office room ko. I'll be back!"

Napangiti si Imee dahil sa malaking ngiti sa mukha lalaki. His smile was just contagious! Nakalimutan niya tuloy ang tila pag-aalala ng lalaki sa sinabi ng katulong nito rito kanina.

Tumango si Imee bilang tugon at pinanood ang nagmamadaling pag-akyat ng lalaki sa hagdan.

***

GIGIL na napatiim-bagang si Leo pagkatalikod kay Imee para akyatin ang hagdan.

Habang umaakyat ng hagdan, inalala ni Leo ang ibinalita sa kaniya ni Yaya Lumeng pagkababa mula sa kotse kanina. . . .

"Sir, si Ma'am Melissa, narito na naman at hinihintay kayo."

"Hindi man lang nagsabi ang babaeng 'yon na darating!" bulong niya sa sarili bago ibinalik ang tingin sa katulong. "Nasaan siya?"

"Nasa opisina po ninyo sa 'taas."

"Siguraduhin mo na hindi siya lalabas do'n. Sabihin mo na pupuntahan ko siya."

"Opo, sir."

Plano ni Leo na pagdating na pagdating sa office room ay kakausapin niya saglit si Yaya Lumeng. Sasabihan niya ito na dalhin na si Imee sa dining room para hindi magkasalubong ang dalawang babae sa sala kapag pinaalis na niya si Melissa.

'Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng 'yon?'

Pero pagkapasok niya sa office room, nasaktohan naman niyang palabas na si Yaya Lumeng. Manginig-nginig ang mga kamay nito na may hawak na isang baso ng tubig.

"Sir . . ." natatakot nitong wika. "Nagpakuha po si Ma'am Melissa ng tubig pero pagbalik ko rito, wala na siya!"

Ang unang rumehistro sa isip niya ay ang pinakakinatatakutan niyang mangyari.

Hindi na tuloy siya nakapagpaalam kay Yaya Lumeng nang nagmamadali siyang tumakbo pababa ng hagdan.

***
Warning: 🚫
Sexual Content

HABANG naghihintay si Imee kay Leo sa sala, may isang balingkinitang ginang na lumabas mula sa isa sa mga silid sa first floor.

The woman walked slowly toward her, prompting Imee to stand up. She kept her guard up because she obviously didn't look like Leo's mother or relative.

"Good evening po," magalang niyang bati.

The woman scrutinizingly eyed her from head to toe. "Are you the owner of the unknown number? 'Yong pinagbantaan kong ipapa-trace ko?"

Nahigit ni Imee ang paghinga. 'Siya 'yong tinawagan ni Leo no'ng gabing nakitawag siya sa 'kin?'

Kabadong napalunok si Imee. Nagpa-panic na ang utak niya dahil bukod sa hindi siya nito binati man lang bilang tugon sa pagbati niya rito ay ito pala ang nagbanta noon sa kaniya.

"A-Ako po si Imee," ngiti pa rin niya rito. "Girlfriend po ako ni Leo."

Her reply was preceeded by a short, dry chuckle. "Ako si Melissa Milano, ang nanay ni Ava—si Ava na girlfriend ni Leo."

Napaatras siya. "H-Hindi ho. Ako po ang girlfriend niya."

"Yeah, right, one of his hundreds of girlfriends," ngisi nito. "Fine. I'll correct myself, my Ava used to be Leo's girlfriend . . ." tila nagdalawang-isip pa ito bago nagpatuloy. "Let's talk outside."

Hindi nito hinintay ang sagot niya. Nagpatiuna palabas ng bahay ang naka-high heels na babae. Palipat-lipat ang tingin ni Imee sa hagdan at sa pinto bago niya sinundan ang babae.

The woman stopped beside Leo's car. She took out a cell phone and got busy tapping and swiping its screen. "That number that Leo called using your cell phone? It's my daughter's."

'Daughter? Ibig sabihin, babae ang tinawagan ni Leo? Gamit pa ang number ko?'

Melissa raised her lifeless eyes at her as she handed her the cell phone. "This is my daughter's evidence that convinced me enough na si Leo talaga ang tatay ng batang dinadala niya."

Gumusot ang mukha niya. She was hesitating if she should take the cell phone or not.

"Go on. Tingnan mo sa video kung bakit tinawagan ni Leo ang anak ko no'ng gabing 'yon, gamit pa ang cell phone number mo."

Tumapang ang kaniyang mukha. Ano ba kasi ang gustong ipahiwatig ng babaeng ito? Na may ginawang karumal-dumal si Leo sa anak nito? She spoke like something or someone important to her was dying. Was she going to watch a video of Leo murdering someone?

Imee could only scoff internally. She knew Leo. He was a lawyer, never a criminal. Kahit palikero ito, hindi ito tumatapak sa ibang tao. In the first place, he always made his intentions clear for the women he involved himself with. Kapag hindi na tumutupad ang mga ito sa usapan, nakikipaghiwalay ang lalaki. That's how playboys do their thing as Leo explained before they started dating—that he may be a playboy, but that doesn't mean he is a cheater. That those are two different things!

"You see, Imee, I'm just a playboy but I won't cheat on you. Playboys tell you straight up that they are not looking for anything serious, that they just want to flirt and play. While cheaters pretend they're in love with you, and pretends to their side chicks, too."

"Kung gay'on, ano ngayon ang gusto mo mula sa 'kin? Playboy ka. Ibig sabihin, gusto mo lang ng kalandian, hindi ang magseryoso."

"No. Let's date . . . and if we like how it goes, let's have a serious relationship."

"Sa dami ng babae, bakit ako ang gusto mong seryosohin?"

"Dahil gusto kita. At sa daloy ng usapan natin ngayon, nakikita kong seryosong relasyon agad ang gusto mo. At dahil gusto kita, ibibigay ko kung ano ang gusto mo, magustuhan mo lang din ako. . . ."

Unconvinced of Melissa's scheming look in the eyes, Imee took the cell phone and played the video that was ready on the screen.

Habang tumatagal ay unti-unting lumambot ang tapang sa kaniyang mukha. Naglaho ang pamumula ng blush on niya.

Imee trembled as she watched the video. The cell phone might slip from her grasp, but her awareness was far from that fact. Her heart and mind were both focused on the video that was crushing her inside and out.

Tila gustong bumaligtad ng sikmura niya sa sobrang kahalayan na kaniyang napanood!

The video was shot in a dimly lit room but with the camera flash illuminating a familiar face from his eyes down to his belly.

Nakita niya ang bawat paghalik kay Leo nh babae. Ang pag-ungol ng lalaking sarap na sarap sa kasama nito sa video na sumubo at sumakay sa pagkalalaki nito.

He was chained to the bed. It seemed like the woman he was fucking with got him wrapped around her fingers, that the bunny masked woman called the shots.

Manginig-nginig ang mapulang mga labi ni Imee nang makipagtitigan siya sa mga mata ng may katandaan nang babae sa kaniyang harapan. Glamorosa man ito manamit at mag-ayos sa sarili, isang bangungot naman ang ipinakita nito sa kaniya.

Nang dumaloy na ang mainit na mga luha pababa sa magkabila niyang pisngi, mabilis na inagaw ni Melissa ang cell phone nito mula sa kaniya.

"I am just a mother, Imee," paliwanag ng babae. "Nakita mo naman na si Leo talaga ang nasa video at ang kasama niya rito ay ang anak ko, si Ava. Kaya hindi ako makapapayag na hindi niya panagutan ang mga nangyari sa kanila. Naiintindihan mo?"

Durog na durog man ang puso niya, tila may parte nito na gumagapang sa sobrang desperasyon para manatiling buhay. "Hindi po! Hindi totoo 'yan! Luma na siguro 'yang video na 'yan! Imposible pong last month lang nangyari 'yan!"

Dahil paano? Paanong naatim ni Leo na magkama ng ibang babae habang linggo-linggo ang pagdalaw nito sa kaniya sa hacienda? Habang araw-arsw siya nitong tinatawagan at tine-text? Habang opisyal na silang magnobyo at magnobya? Paano magagawa ni Leo na ipagsabay siya sa ibang babae? Paano ito nagkakaroon ng kapal ng mukha na harapin siya at ang mga magulang niya kung niloloko siya nito?

Tila mababaliw siya sa sakit habang pinagtatawanan na ang kaniyang walang-patid na pagluha. 'Ano, Imee? Manage your expectations nga, 'di ba? Pero grabe, expectations lang pala ang madaling i-manage, hindi ang lintik na sakit na nararamdaman ko!'

Hindi pa rin makapaniwala si Imee sa mga napanood niya. Masyado siyang nagulat kaya kahit gusto na niyang magwala at sumigaw ay hindi niya magawa. She just shook her head and tried to control her emotions. Her quivering lips were shut tight, careful not to let any sob escape.

Pag-angat niya ng tingin ay sakto namang palabas na ng main door ng townhouse si Leo. Habang malalaki ang mga hakbang ng binata papunta sa kanila, palipat-lipat naman ang tingin nito sa kaniya at kay Melissa.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" galit na sigaw ni Leo sa babae.

"I already warned you, Leo," Melissa hissed. "Now look at her!"

Napalingon si Leo kaniya. Ewan kung pinaglalaruan lang ba siya ng paningin niya na nag-uulap dahil sa labis na pagluha o baka naman umaarte lang ang binata. Nang magtama kasi ang mga tingin nila ay gumuhit ang hapdi sa mga mata nito. Tila ba may sumaksak sa dibdib nito. They looked so genuine, Imee found herself hating herself more. Pinatunayan na naman kasi niya sa sarili na madali siyang maloko ng lalaking ito!

Binalingan ni Leo si Melissa at hinawakan nang mahigpit sa mga balikat.

"Walanghiya ka!" he shook her wildly. "Ano'ng ginawa mo?"

"I showed her the video, asshole!" singhal nito sabay sampal sa lalaki. His face and torso tilted to the side before he froze in place.

Imee was too stunned to speak as she waited for a saving grace, for Leo to retort to Melissa and deny that he had anything to do with the video.

He had to deny it!

His denial would be the only way to save her heart from drowning in this pain!

But instead, Leo tilted back his head and shot Melisa a horrified look. "Our video?"

Sapat na ang mga sinambit na iyon ng lalaki para manumbalik ang kaniyang lakas. Galit ang nagsilbing gasolina para makatakbo siya palayo.

"Imee!" narinig niyang tawag ni Leo sa kaniya habang tumatakbo siya palabas ng naiwang bukas na gate.

***

LEO chased Imee along the sidewalk of the subdivision's street. He was puffing his breath when he stopped after seeing her standing still with her back turned on him. Salitang pinupunasan ng mga braso at kamay nito ang mga luha.

He did not grab Imee. Leo chose to match her pace when she started walking slowly this time.

"Imee, listen to me. Let me explain," makaawa niya.

Sa halip na sumagot ay lumiko lang ang babae, nilagpasan siya at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makabalik sila sa loob ng gate, sa mini cooper niyang nakaparada sa tapat ng bahay. She slammed the door after getting seated back to the passenger seat.

Leo shot a glare at Melissa who just stared on arrogantly. He could hear her faintly calling her driver through her cell phone to pick her up while watching him.

How he itched to confront Melissa so that he could show Imee that he would knock off anyone who tries to hurt her . . .

But he something . . . someone mattered more.

Pinili niyang unahin si Imee kaya tiim-bagang na binuksan ni Leo ang pinto sa driver's seat at sumakay na.

Then he faced Imee, pleaded as calmly as possible. "Imee, please. Pakinggan mo ang sasabihin ko. 'Yong video na 'yon—"

Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin nang sumagot sa nanginginig sa galit na boses. "Wala akong pakialam." It seemed like Imee almost choked as she tried to control her voice, to avoid sounding like she was about to cry again. "Ginawa mo na 'yon kaya panindigan mo."

Gumusot ang mukha niya.

He was so confused. Imee knew he was a playboy, that he fucked the women he had in the past, and she didn't seem to mind that. Why was his old sex video a big deal for her at this point?

"What?" Tinapik niya ito nang marahan at mabilis sa braso bilang pakiusap na tingnan siya sa mga mata. "Ano ang paninindigan ko ro'n, Imee?" He was growing frustrated and scared because she looked so shattered and she wouldn't look at him! Nanlalambot na hinawakan na niya ito sa braso. "Wala akong papanin—"

"Ihatid mo na ako pauwi!" hila ni Imee sa braso nito mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi ka uuwi! Mag-uusap tayo!" hila niya uli sa braso nito pero nanlaban ito.

"Bitiwan mo 'ko!" bawi agad ng dalaga sa braso nito ngunit hindi siya bumitiw kaya hindi na nito napigilan ang maiyak uli. "Bitiwan mo 'ko sabi, e! Ayoko na, okay? Gusto ko nang umuwi! Pauwiin mo na 'ko!"

Tuluyan na itong humagulgol kaya tila bumaba na ang bahagyang pag-akyat ng dugo sa ulo niya.

He took one last attempt to make her listen to him. He slipped her arms around her and when he was about to hug her, she pushed him by his chest, away from her. Dahil sa pagtulak nito ay hindi na siya namilit pa.

Naghihirap ang kalooban niya habang pinanonood ang pag-iyak nito kaya binuhay na lang niya ang makina ng sasakyan.

As Leo's mini cooper slowly backed away from the front parking space, he shot a brooding glace at Melissa. She seemed to catch his gaze with her steely eyes, but he was sure that she couldn't read his thoughts.

'Isinusumpa ko na pagbabayaran mo rin ang ginawa mong ito, Melissa. Hindi man sa panahong ito, sisiguraduhin kong sa hinaharap ay sisingilin kita.'

***

LEO and Imee spent the first two hours of their travel in silence. Everytime Leo tried to talk, she would interrupt him by telling him to shut up.

"Imee, just let me talk. I don't think Meliss told you the truth—"

"Shut up, Leo," gigil nitong saad habang nasa bintana ang tingin.

"—about the video—"

Galit na hinarap siya nito. "Pagod na pagod na ako sa kapapaulit-ulit na tumahimik ka na lang, Leo."

"Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag—"

"Hindi. Ayoko," mariin nitong saad habang pumipihit na rin ng pagkakaupo paharap sa kaniya. "Ayokong marinig ang mga paliwanag mo dahil wala akong panama sa galing ng utak mo, Leo. Magaling kang dumepensa sa mga nasasakdal kaya siguradong kayang-kaya mong depensahan ang sarili mo, kahit na kailanganin mo pang mag-imbento ng mga kuwento para lang umayon sa 'yo ang kalalabasan ng mga pagtatalong ito."

"That's not how an honest lawyer like me does his job, Imee. We vowed in the name of our duty to side with the truth, with justice. It means, I can't lie for my client!"

Imee just scoffed, unconvinced.

"Higit sa lahat, boyfriend mo ako, Imee," he pressed and resumed driving the car when the traffic moved a bit. "Sa isang relasyon, dapat pinag-uusapan ang mga problema. Just because of that video and that woman's lies, mawawalan ka na ng tiwala sa akin? Ayaw mo na akong kausapin?"

"Sapat na ang mga nakita ko."

"No, Imee—"

"Lubayan mo na ako, Leo."

Takot na napalingon siya rito. Deretso na ang tingin ni Imee sa harapan ng sasakyan. She may look cold and unfeeling, but he could see a strain of weariness on her face. The tears slightly washed away the blush on her cheeks, but her rage for him made her flushed all over the face anyway.

Malaki na ang agwat ng mini cooper sa Innova na nasa unahan nito, pero nakalimutan na ni Leo na imaneho ang sasakyan. He was facing Imee while the car was halted on the road.

"Hindi ako makapapayag."

"Sorry pero hindi lang sa 'yo nakasalalay ang pagdedesisyon sa relasyon na 'to."

"Same thing applies to you, Imee. You can't also just decide on your own to leave kung ayaw ko."

"Leo, kung hindi na pareho o magkatugma ang desisyon ng dalawang tao para sa kanilang relasyon, iisa lang ang ibig sabihin no'n: dapat na silang maghiwalay," matamlay na sulyap nito sa kaniya.

Natigagal si Leo. Dinurog siya ng kaseryosohan nito. He felt like he was standing in a courtroom, and Imee was the judge who just sealed the final verdict and adjourned the hearing by declaring his loss.

Mabagal na ibinalik ng dalaga ang tingin sa harap. "Kung nagsisinungaling nga ang babaeng 'yon, lalabas din ang katotohanan. Kaya huwag mo nang ipagtanggol ang sarili mo, dahil iisipin ko lang na lahat ng dahilan na sabihin mo ay gawa-gawa mo lang para makuha mo ang gusto mo."

"But I can't let our love die just because of a lie!"

Imee slowly shook her head. "Sa oras na matuklasan ko ang katotohanan at tama ka, ako mismo ang pupunta sa 'yo."

Napatitig siya saglit kay Imee. "Paano mo naman malalaman ang katotohanan? Mag-iimbestiga ka? Bakit hindi mo na lang 'to alamin mula sa akin? Dahil ako . . . ako ang nakaaalam ng lahat!"

Imee seemed so fed up. She finally exploded, flicked her head back and faced him wildly. "O, sige! Ano ang totoo, Leo? Ano?!"

Leo opened his mouth. He was about to spill everything but his voice got caught in the middle of his throat. All of a sudden, he felt a deep jab that reached within his gut.

Gumapang ang panlalamig sa buong katawan niya kaya nanigas siya sa kinauupuan.

He stared at Imee, helpless and pained.

At the same time, the punch in his gut seemed to tickle his throat, urging him to throw up.

Other people may experience their triggers differently, but this is how it was for Leo. It felt like this violent blow in his gut that compelled him to vomit.

As he swallowed back his disgust, the more he felt like shrinking—ashamed and insecure. Nanumbalik sa kaniya ang pagdududa kung paano ma-i-in love si Imee sa isang katulad niya, at dumoble iyon sa pagkakataong ito.

Maniniwala ba ang dalaga sa kaniya kapag sinabi niya rito ang totoo?

But, being believed in wasn't as intense this time as his fear to see the judgment or pity in her eyes once she finds out his story. . . . Lalo siyang mawawalan ng mukhang ihaharap sa dalaga at sa mga magulang nito! How could he feel worthy of her love or make her believe that he's the best man for her if she already knew what kind of an embarrassment he was?

This small portion of pride was all that Leo had left to remain sane, to feel worthy of something . . . of love . . . of Imee.

Saglit na napalingon si Leo sa likuran dahil sa nakabibinging busina ng mga sasakyan na nakabuntot sa mini cooper niya. The windows were closed so he could not make out the voices drowned by the honking from outside, but he could tell that the drivers behind them were already cussing him.

"Ano? Hindi mo kayang depensahan ang sarili mo, attorney?" mariing saad ng dalaga na mas malakas ang naging suntok, hindi lang sa kaniyang sikmura kundi maging sa kaniyang dibdib.

Leo turned his face to the front and shut his eyes tightly.

Sandali niyang pinahupa ang hapdi sa kaniyang dibdib at ang panginginig ng kalamnan bago binuhay uli ang makina ng kotse.

Napipilitang nagpatuloy si Leo sa pagmamaneho habang nanatili namang walang-imik si Imee. Sa nalalabing mga oras ng biyahe ay nakasandal lang ito sa bintana kung saan ito nakatingin.

***

MELISSA was done with Leo. It was time for her to get her daughter back. As soon as Leo's mini cooper had left, her driver and own car arrived. She seated on the backseat and relaxedly told the driver to take her to Batangas, to Hacienda Hermano.

Nang makarating doon ang ginang ay gabi na. Nakaparada pa ang mini cooper ni Leo sa tapat ng mansiyon. Tinabihan ito ng itim na sasakyan ng babae.

Melissa and her driver stayed in the car as she pulled her cell phone out of her small shoulder bag. She called her daughter to let her know that she was already in Batangas.

***

PAGDATING sa Hacienda Hermano ay hindi na nagpahatid si Imee sa bahay. Nakiusap siya kay Leo na manatili ito sa kotse nitong nakaparada sa tapat ng mansiyon ni Sir Jamer at huwag na huwag siyang susundan.

Leo obliged to her request. Mabuti na lang dahil baka mahalata ng mga kapitbahay na may problema silang dalawa kapag nakita sila ng mga ito.

Imee didn't want her parents to know about what happened yet. Kaya naman dumeretso muna siya sa burol para magpalamig ng ulo.

Habang nakaupo sa burol at nakatulala sa kawalan, hindi niya inaasahan ang biglaang pagdating ni Ligaya.

"Imee," bagsak ni Ligaya sa shoulder bag nito bago siya tinabihan sa kinauupuan. "Imee may mahalaga akong sasabihin sa 'yo."

Nilingon niya ang kaibigan at nang makita ang bag nito ay hindi niya napigilang magtanong nang pabulong, "Saan ka pupunta?"

"Aalis na 'ko."

'Peste naman, o! Kailangan ba talaga na dalawang beses akong masaktan sa araw na 'to?' Pinigilan ni Imee ang maluha kaya nagmukhang walang-buhay ang kaniyang mukha. Kaya lang, hindi kaya ng kaniyang boses na itago ang lungkot. "O, bakit? Akala ko ba, nagkakamabutihan na kayo ni Sir Jamer?"

Ngumiti ito nang mapait. "'Yon din ang akala ko, Imee. Niloloko lang pala niya ako." Sinalubong ng mga mata nito ang nagtataka niyang titig. "Imee, may aaminin ako sa 'yo bago ako umalis. Sasabihin ko ngayon ito sa 'yo dahil ikaw lang ang naging tunay kong kaibigan dito. Gusto ko na makilala mo kung sino talaga ako para mahahanap mo 'ko agad at makapagkikita pa tayo kahit na nakaalis na 'ko rito."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" napaatras siya sa kaniyang kinauupuan.

"Hindi talaga Ligaya Lubusan ang pangalan ko. Ako si Ava Milano. May mga death threats ako kaya naman napunta ako rito sa Hacienda Hermano para magtago. That problem is already settled now, so I don't have to hide anymore. Aalis na ako." Ava took a deep sigh before continuing. "But, I have to warn you. Baka hindi mo na rin makasama si Leo sa susunod na mga linggo. . . ."

Even though she physically existed in front of Ava, her mind slowly withdrew from their interaction. Naglakbay na ang isip niya sa mga nangyari at napanood niya sa bahay ni Leo upang mapagtagni-tagni ang lahat. Her rage blurred everything around her, trapping her within her thoughts that was trying to process everything.

Habang nagliliyab ang mga mata at ang puso niya sa galit, heto at nanginginig siya sa sobrang panlalamig ng kaniyang buong katawan. Tila may malalaking mga kamay na lumalamukos sa kaniyang sikmura, sa kaniyang baga. She was losing her breath as she huffed under her breath, and the breathlessness was starting to blur her vision.

Nang matapos si Ava sa pagpapaliwanag ay napatitig ito sa kaniya nang ilang minuto bago malungkot na napailing.

She felt her stare so she looked back, only to grow more furious.

Imee thought that Ava was overestimating her acting skills, because shaking her head that slowly didn't convince her anymore that she was genuinely sad, or better yet, that she was and will ever be honest towards her.

Inilapat ni Ava ang isang kamay sa balikat niya. "Imee, I am really sorry—"

Napasigaw si Ava nang hawiin ng malutong niyang sampal ang mukha nito. She felt her cheek before returning her horrified eyes to her.

Tumayo si Imee at akmang tatayo na rin si Ava pero sinigawan niya ito, "Diyan ka lang! Diyan ka lang!"

"Imee," nakahawak pa rin si Ava sa nananakit nitong pisngi. "I'm sorry kung nagsinungaling ako—"

"Kaya pala gustong-gusto mo 'kong lumayo kay Leo!" singhal niya, pulang-pula na ang mukha sa galit. "Ano, masaya ka na ba? Kung niloko mo 'ko, tiyak na niloko mo rin si Sir Jamer! Dahil kung hindi, bakit iiwanan mo na siya? Dahil pananagutan na ni Leo ang nangyari sa 'yo? Ang saya-saya bang manloko ng tao, ha, Ava?"

Tumayo ito at hinawakan siya sa mga balikat. "Imee, ipinaliwanag ko na naman sa iyo na kaya ko gagawin 'to dahil kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa 'kin!"

Pinigilan ni Imee ang masampal uli si Ava. It was clear as day! She came here to hide from Leo after he rejected her, but due to Leo's visits here, she probably got jealous and got back together with him! Who knew if Leo only used her to make Ava jealous! Probably because Jamer reported to his childhood friend that Ava was staying in this place and getting interested with her boss, alarming that animal!

"Tama na ang pagsisinungaling! Alam ko na ang lahat!" She shrugged herself out of Ava's hold.

Napaluha na lang si Ava.

"Umalis ka na!" patuloy ni Imee. "Magsama na kayo ni Leo! Pareho kayong mga manloloko! Idinamay n'yo pa kami sa problema n'yong dalawa! Ayoko nang makita ang kahit sino sa inyo kahit kailan!"

Bago pa siya tuluyang mawalan ng kontrol sa kaniyang galit ay tumakbo na siya pababa ng burol.

Samantala, marahas na buntonghininga naman ang pinakawalan ni Ava. Pumipintig pa rin ang pisngi nito na mamula-mula dahil sa sampal ni Imee. Hindi nito inasahan na ang pagbabalik nito sa dati nitong mundo ay mangangahulugan pala na hinding-hindi na ito makababalik pa sa Hacienda Hermano o sa buhay ng nag-iisang naging kaibigan nito rito.

Wala na si Jamer, 'tapos si Imee rin pala ay mawawala sa buhay nito. . . .

Nasasaktan si Ava sa isipin na aalis ito sa hacienda na puro mga alaala lang ang babaonin. At hindi nito alam kung bakit minsan, ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi nangangahulugan na magiging masaya ang isang tao.

***

PAGBABA ni Imee mula sa kaniyang kotse, hinatid muna ito ni Leo ng tingin hanggang sa maglaho. He wiped the tears that rimmed his eyes and huffed before heading into Jamer's mansion.

Apparently, their setup of getting Ava and Jamer married got a setback. Ang simpleng pakikipag-usap kay Jamer ay nauwi sa pagtatalo nilang magkaibigan. Dahil dito, mainit ang ulo niya nang lumabas ng mansiyon.

Mas lalo pang kumulo sa galit ang dugo niya nang makita ang isang pamilyar na sasakyan katabi ng mini cooper niya.

Worse, Melissa had the audacity to ask her driver to open the car door for her. Bumaba ang babae at tumayo katabi ng kotse niya para abangan siya. Sa palagay ni Leo, nagdidilim ang paningin niya hindi dahil sa alas-diyes na ng gabi kundi dahil sa galit.

Napakuyom siya ng mga kamao. Pinigilan ni Leo ang makasakit. "Ano pa ba ang kailangan mo sa 'kin, ha?"

She looked bored as she rolled her eyes. "The plan failed, so let's fix it. I want you to marry my daughter. Gano'n kasimple."

"No way," he gritted as he unlocked the door at the driver's seat. "Alam mong mahal nina Jamer at Ava ang isa't isa. At may mahal na akong iba."

Ngumisi lang si Melissa at pasimpleng itinaas ang hawak nitong cell phone. "Gusto mo na bang sirain ko ang reputasyon mo bilang abogado, Attorney Leonard Tierra? What is that code that forbids a lawyer like you to perform immoral conducts? Rule one point one 'yon ng 'Code of Professional Responsibility' ba 'yon, attorney?" Her smirk stretched wider as she gasped upon suddenly remembering something. "Oh, wait! Ava wants to file charges against you! For faking those death threats and for setting her up with Jamer!"

As he looked at her horrendously, she released a wicked chuckle.

***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro