Chapter 16
#LGS1OfficialNaPuwedeNa #LGS1chapter16 #LaGrilla1
***
HABANG pababa ng hagdan ay natanaw na ni Imee ang kapitbahay na si Cecil, ang panganay na anak ni Judith. Kasama nito ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Stephan, Carl, Heidi, at Princess. Sila-sila rin ang mga kasama niyang sumayaw noon sa party nina Greggy at Mara.
Nang mahuli niya ang halos sabay-sabay na pagtingin ng mga ito sa kaniya ay minadali niya ang pagbaba ng hagdan. Dumeretso siya sa silong ng kanilang bahay, binuksan ang malaking drum na ipunan ng kanilang mga garbage bag.
Katatakip lang niya sa drum nang malingunan ang mga kaibigan niya.
"Hoy, Imeng!" panggugulat sa kaniya ni Cecil bago nagtawanan ang mga ito. "Akala mo ga, hindi kami nakahahalata?"
Nag-aalinlangan man ay nginitian niya ang mga ito. "Nakahahalata na ano?"
"Hindi ka na madalas sumama sa pagtambay namin sa niyugan o sa malaking kubo."
"Nagpapaligoy-ligoy ka pa, Cecil," nanunuksong singit ng boses ni Carl habang nasa kaniya ang makahulugan nitong tingin. "Deretsuhin mo na lang ng tanong si Imeng—"
Inawat ito ni Princess. "Ano pa ang itatanong, e—"
"Shatap, Carl, puwede?" saway ni Cecil dito bago siya nakangiting hinarap uli. "Anyway . . . Imeng, okay lang naman kung hindi na mapapadalas ang bonding natin. Pero huwag mo naman kami paglihiman. Aba'y magtotropa tayo rine!"
Iba-iba man ang mga sinabi ng mga kasama ni Cecil ay puro pagsang-ayon iyon sa sinabi nito.
Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa lima. "A-Ano 'yon ga?"
"Wala ka nang time sa tropa kasi busy ka na sa boyfriend mo," prangkang ngisi sa kaniya ni Heidi. "Walanjo naman. Huwag mo na i-secret, hindi naman kami magagalit. Ayieee!"
At nagsimula na nga ang kinikilig na mga panunukso ng mga ito sa kaniya. Hindi malaman ni Imee kung matatawa ba o ano.
"Grabe, gurl, nagbunga ang paghihintay mo nang maraming taon! Napansin ka rin sa wakas ni Atorni!" kurot ni Cecil sa tagiliran niya.
Imee sheepishly smiled and lowered her eyes. "Ibinalita 'to nina Inay sa inyo ga?"
"Anong ibinalita? Gurl, katabi lang ng bahay n'yo ang bahay namin! Siyempre, witness kami ni Nanay no'ng nahuli kayong nagki-kiss d'yan sa bakuran n'yo!"
At kinikilig na naghiyawan at nagkantiyawan na naman ang mga ito.
"Imee!"
Napaangat siya ng tingin dahil sa tumawag sa kaniya. Napalingon naman sa babaeng lumapit sa kanila ang kaniyang mga kababata.
Humahangos na hinawi ni Ligaya sina Stephan at Princess para makita siya. "Imee, puwede ba tayong mag-usap?"
Nakita ni Imee ang pag-aalala sa mukha ni Ligaya kaya sa tingin niya ay umabot na rin dito ang balita tungkol sa kanila ni Leo. Ito pa naman ang panay ang paalala sa kaniya na huwag magpapadala sa binata! Naku, paano siya magpapaliwanag dito?
***
TINUNGO nina Imee at Ligaya ang burol na kanilang tambayan. Magkatabi silang umupo sa tuktok nito at saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Ligaya seemed disoriented. Hindi siguro nito malaman kung sesermonan ba siya o tatanungin muna.
To clear the brewing awkwardness between them, Imee bravely initiated the conversation. She broke the news to her, that she and Leo were officially a couple already.
Halatang hindi makapaniwala si Ligaya. Nagsalubong pa ang mga kilay nito. "Seryoso ka?"
Masaya naman siyang tumango-tango. "Oo, sinagot ko na si Leo."
"K-Kailan? Saan? Paano?" Tila hindi na rin malaman ni Ligaya kung saan ito titingin—sa mga ulap ba, sa taniman, o sa mukha niya.
She was amused with Ligaya's reaction. "Basta, legal na kami kina Inay at Itay. At saka, bago ko naman siya sinagot, sinabi ko na sa 'yong lumalabas kami ni Leo. Kaya saan pa ba 'yon hahantong kung 'di sa pagiging official?"
"Oo nga, pero pa'nong—" Napailing ito habang nasa kaniya pa rin ang nag-aalala nitong mga mata. "Parang ang bilis naman."
Inakbayan niya si Ligaya. Nahuli niya ang pasimple nitong pag-irap. Halatang nagtampo ito dahil hindi niya pinakikinggan ang mga payo at paalala nito bilang kaibigan.
"Sakto," Imee spoke gently to soothe her friend. "Mabilis nga siguro pero, alam mo kasi, may mga lalaking mabait lang kapag nanliligaw. Baka gay'on si Leo kaya sinagot ko na. Ngayong boyfriend ko na siya, makikita ko na talaga ang totoo niyang ugali."
Of course, what she said was an alibi. Baka maging friendship over na sila ni Ligaya kapag sinabi niyang sinagot niya si Leo dahil ayaw niyang paglayuin sila ng mga magulang niya. That would sound off for Ligaya even if all she intended was to keep both relationships in her life—her loving relationship with her parents and her budding relationship with Leo. After all, she had the right to have both, right?
Ligaya threw a doubting look at her. "Huh? Uubra ba ang ganyang style? E, mayroon ngang mga naging mag-asawa na pero napaglilihiman pa rin ng asawa nila?"
"Oo. Epektib 'to," tango ni Imee. "Maniwala ka, tatalab 'to. Magiging kampante na kasi si Leo, 'tapos, hindi na siya magpapa-good shot palagi. Aakto na siya base sa kung ano talaga ang tunay niyang ugali."
Again. Another alibi. Ayaw na niya kasing dagdagan pa ng rason si Ligaya para kumontra nang kumontra sa relasyon nila ni Leo.
"I already warned you that Leo is—"
"Oo. Alam ko," tango ni Imee, nagsusumamo ang mga mata sa kaibigan na pagkatiwalaan siya nito. "Kaya ko ang sarili ko, okay?"
"Well," Ligaya hugged her legs, "mabuti pa kayo ni Leo, nasa next level na."
"O, bakit?" Inilapit ng nakaakbay na braso ni Imee si Ligaya sa kaniya kaya nagdikit ang mga ulo nila. She whispered. "Tungkol 'to kay Sir Jamer ga?"
"Oo," bulong ni Ligaya habang nasa harap lang ang tingin.
Kinikilig na nagpipigil si Imee na mapatili kaya kung ano-anong sounds na ang lumabas sa bibig niya bago siya nakapagsalita nang maayos. "Sa wakas, magkukuwento na siya!" Napabungisngis siya bago nagpatuloy. "Inakit mo na ga? Tumalab ga? I think tumalab. Halos ilang araw ka rin kasing hindi bumisita sa village. 'Tapos kahapon, sabay raw kayong pumunta ni Sir Jamer sa niyugan sabi ni Inay at—"
Napabuntonghininga si Ligaya. "Everything worked well, Imee. I mean, may understanding na kami."
Napatili siya sa tuwa. "Kailan pa? Ikaw, ha? Napag-iiwanan na yata ako sa balita! Kung may understanding na kayo, ibig sabihin ga, kayo na?"
Ligaya groaned and closed her eyes before answering. "That's the problem, Imee. Hindi ko alam."
***
IT was already afternoon when Leo woke up. The long sleep robbed him his waking hours to contemplate about his situation, but at least, it spared him from suffering from hangover.
He checked his messages and was satisfied to receive a confirmation from his friends that they got home safely this morning from La Grilla. Pero karamihan sa mga text na natanggap niya ay nagmula kay Imee.
Suddenly, guilt poked his chest from the inside. How could he doubt her intentions? Her feelings for him? How could he accuse her of insincerity? Of toying with his feelings? The audacity, when it was him who was the reputable playboy.
But he could not help feeling these doubts. Oo, marami nang babae ang nagkagusto sa kaniya, pero nagdududa pa rin siya kung bakit siya nagustohan ni Imee. They only ate together, made-out once, and he sponsored her dance workshops. She hadn't tasted how good he fucks yet. She hadn't spent that much time with him yet. Kulang pa ang mga ginawa niya at marupok pa ang pundasyon para mapaibig ito nang basta-basta sa kaniya.
Kung totoo ngang matagal na itong may gusto sa kaniya, that would explain her feelings better, pero mas nakapagtataka rin iyon.
There was just nothing attractive about him years ago. He was this aloof and moneyless lad before he left Hacienda Hermano to crawl his way to make it through law school. Worse, he was more terrible than what Imee knew about him.
Kaya bakit?
Paano siya nito magugustohan . . . mula noon pa hanggang sa puntong ito?
There must be a catch to this. There must be an ulterior motive . . .
Pagkatapos ay naalala niya ang ilang bulong-bulongan na naririnig sa tuwing napadadaan siya sa Hacienda Hermano nitong nakaraan. Isa na rin si Jamer sa mga nakabanggit sa kaniya na medyo nagiging close si Imee kay Ava. As far as they all knew, Imee didn't know that Ligaya was only Ava's fake name, a disguise. Imee didn't know the reason as to why Ava was in Hacienda Hermano, too. . . .
'But what if she knows? What if she knows Ava? Paano kung inatasan siya na bantayan si Ava? Na matiyagan si Jamer? Na siguraduhing ginagawa ko ang pinatatrabaho sa 'kin?'
Dahil sa mga naisip ay nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Nagdilim agad ang kaniyang anyo.
"Melissa Milano . . ." nanggigigil sa galit niyang usal bago dahan-dahang bumangon mula sa kama.
Leo glanced at the night table and saw that Yaya Lumeng left a tray of breakfast for him there. Nakatakip ang mga ito kaya hindi niya masabi kung ano ang laman maliban sa transparent tall glass ng tubig na may wooden lid na ipinangtakip dito.
He shook his head and completely took off his shirt that was already unbuttoned and wrinkled.
An idea made him pause.
'Alam ko na ang gagawin ko.'
***
ALAS-SIYETE na ng gabi. Nakasimangot si Imee habang nakaupo sa pinakatuktok ng hagdan papasok sa bahay nila. Nakaupo siya rito, malapit sa maliit na espasyo katabi ng pinto kung nasaan ang shoe rack.
Pumuwesto siya rito para makasagap ng signal. Puno naman ang signal bar sa kaniyang cell phone, pero mas gusto niyang maniwala na may problema lang sa signal kaya maghapong hindi nagparamdam sa kaniya si Leo.
"Imeng! Luto na ang hapunan! Tara na rine!" tawag ni Aling Minerva sa kaniya mula sa loob ng bahay.
"Opo, Inay! Saglit lang po!"
Imee sighed and checked the cell phone that she was holding with both hands while resting against her folded knees. Wala pa rin siyang natatanggap na ni isang text o tawag mula kay Leo.
'Boyfriend ko na siya. Bakit ngayon pa siya hindi nagpaparamdam? Ito na ba 'yong tunay na kulay niya? Lumalabas na ga?'
Inangat niya uli ang tingin. Napasinghap siya sa gulat nang marinig ang pagtahak ng isang mini cooper sa masukal na daan hanggang sa huminto ito sa gilid ng kalsada, sa tapat ng kanilang bahay.
Nagmamadaling tinakbo ni Imee ang hagdan pababa. Kalalabas lang ni Leo mula sa kotse nito nang muntikan nang mapasandal dito sa lakas ng pagbunggo niya rito. She wrapped her arms around his shoulders and buried her face to the side of his head, to his divine-smelling hair. She inhaled his scent with her deep sigh before her lips shuddered in the mix of her bliss and fears.
Imee could not understand herself. Bakit parang maiiyak siya? Ilang oras lang naman siyang hindi na-text ni Leo? Nandito na rin ang binata at ligtas, kaya para saan pa kung iiyak siya?
Dahan-dahan siyang humiwalay rito. Ang naiiyak niyang ekspresyon ay nahaluan na ng pagkairita.
"Sira-ulo kang lalaki ka! Kagabi pa ako naghihintay sa text o tawag mo!" palo niya sa balikat nito. "Akala ko, naaksidente ka na!"
"Sorry," he smiled at her apologetically. "Madaling-araw na 'ko nakarating sa Maynila. Uminom pa ako bago umuwi, kaya hindi na ako naka-text o nakatawag."
"Nakainom ka?" singhap niya. "Tapos, nagmaneho ka pa?"
"Kaya ko pa naman mag-drive no'n. Uminom lang ako nang kaunti kasama ang mga kaibigan ko. I asked for some . . ." he shyly looked away, ". . . relationship advice—" Then he hurriedly interjected the next sentence. "Pag-uwi, uminom pa 'ko ng dalawa pang bote ng beer para makatulog agad."
Napamaang siya saglit. "Bakit naman nakipag-inuman ka pa?"
"To celebrate, of course," he smiled as he pulled her close to him. "I finally got myself a very sweet girlfriend so, I have to tell my friends about it. . . ." His eyes met her worried gaze before slowly trailing down to her parted lips. "Siyempre, kailangan ko ring bigyan ng one last guy's night ang tropa bago ako tuluyang mag-lie low sa inuman."
Hindi niya malaman kung kikiligin o magi-guilty sa narinig. "Leo, hindi mo naman kailangang itigil ang guy's night n'yo. Hindi naman kita pagbabawalan. Hindi por que girlfriend mo na 'ko, dededmahin mo na ang mga kaibigan mo."
He just smirked and pinched her chin tenderly. "Kahit hindi mo 'ko pagbawalan, magla-lie low pa rin ako. At hindi naman pangdededma 'yon, lie-low lang. Dahil imbes na ibuhos ko ang lahat ng libre kong oras sa linggo-linggong pakikipag-inuman sa kanila, I'd rather spend the whole weekend with you for now."
"For now?"
"For now. Because, five years later or so, I'll be spending all of my remaining days, hours, and seconds with you, not just the weekends."
Malakas na kumabog ang kaniyang dibdib sa narinig. 'Ibig sabihin, b-balak akong pakasalan ni Leo? Iniisip niya na ang bagay na 'yon?'
He snaked his arm around her waist. "Tara sa loob ng bahay ninyo?"
Napasinghap siyang muli nang maalala na kanina pa pala siya niyayaya ng kaniyang nanay na maghapunan.
"Naku! Tara na at kanina pa naghihintay ang hapunan!"
Hinila niya si Leo pero nanatili itong nakapako sa kinatatayuan. Binawi ng binata ang kamay nito mula sa kaniya.
"Wait," he said before opening the door of the passenger seat. Inilabas ng binata mula rito ang pinamili nitong pakwan at mga minatamis. When he faced her, he beamed with silent pride. "Pasalubong para sa inyo."
Imee squealed excitedly. She tried to keep her squeal from being too loud, though. "Naku! Matutuwa sina Itay n'yan! Tara!"
Tinulungan niya si Leo sa mga bitbit nito. Ipinaubaya na sa kaniya ng lalaki ang pagbitbit sa isang may kalakihang plastic ng mga minatamis habang ito naman ang nagbitbit sa malaki at bilog na pakwan.
Pagdating sa hapag-kainan ay sinalubong sila ng gusot na mukha ng kaniyang nanay. Si Mang Baste naman ay nagliwanag agad ang mukha nang makita si Leo at ang kanilang mga bitbit na pasalubong.
"Magandang gabi ho," magalang na bati ng lalaki sa kaniyang mga magulang.
"Magandang gabi, Nardo!" lapit ni Mang Baste sa kanila. "Ako na rine!" ako nito sa pagbitbit sa pakwan.
"Para ho sa inyo 'yan," magalang na ngiti ng lalaki rito.
"A, salamat! Saluhan mo na rin kami rine sa pakwan at sa hapunan, ha?"
"Opo," nakangiting tango nito.
Sinundan muna nito ng tingin ang tatay niya na dumeretso sa lababo para hugasan saglit ang pakwan at hiwain bago siya nilingon.
Imee smiled back at him. Her smile only watered down when she felt his fingers slip between the gaps of her fingers. He held her hand lightly before pulling her with him to the table.
"Gabi na," matabang na saad ni Aling Minerva habang pinanonood nito ang pag-upo nina Imee at Leo nang magkatabi sa hapag. "Nagpasabi ka man lang sana na pupunta ka."
"Sor—"
Maagap na sumingit si Imee. "Sorry, 'Nay. Kasalanan ko po. Hindi ko kayo sinabihan na sasaluhan tayo ni Leo sa hapunan. Kaya ho kanina pa ako nakaabang sa pinto, hinihintay ko ang pagdating n'ya."
Her mother gave her an unconvinced look before scanning Leo with suspicion. "Kukuha lang ako ng ekstra pang pinggan at kutsara."
Pagkalayo ni Aling Minerva sa hapag ay nagkatinginan sila ni Leo. Imee met his worried gaze.
"Bakit mo sinabi 'yon?"
His voice was whispery so she copied his tone.
"Na nagsabi kang pupunta ka rine kahit hindi naman?"
"Yes. I should've apologized for that. Tama naman ang nanay mo. Dapat, magpaalam muna ako na pupunta rito."
"Nakita mo naman si Inay, 'di ba? Hindi maganda ang timpla niya. Ayoko maging disaster itong hapunan natin kaya pinagtakpan na kita."
"Maliit na bagay lang naman 'to, Imee. And I already prepared myself for instances like this when your parents start to criticize every little thing I do. You should've let me handle this."
Imee sighed. "Hindi ba puwedeng mag-thank you ka na lang sa 'kin, Leo? Isa pa, ikaw na rin ang nagsabi na maliit na bagay lang 'to, kaya itago na lang natin kaysa malaman pa ni Inay at i-big deal ang hindi na dapat bini-big deal."
Leo placed his hand atop hers and gave her an apologetic smile. It felt like he just tapped a buzzer button that made her heart shriek like a siren. Nangingiting pinagmasdan niya ang magkapatong nilang kamay.
"Pagbibigyan kita. Pero next time, please, Imee, let's be transparent with your parents, hmm?"
Napalabi si Imee. "Ayoko lang naman na magkaroon kayo ng problema dahil sa maliit na bagay lang. Mahal ko sila, at mahal din kita . . ." Nahihiyang napayuko siya.
Muntik nang mapatalon si Imee mula sa kinauupuan nang tumikhim ang kaniyang nanay. Pag-angat nila ni Leo ng tingin ay inilalapag na ni Aling Minerva ang pinggan at mga kubyertos sa tapat ng binata. She left to get him a blue plastic glass of water.
Sunod na lumapit sa hapag si Mang Baste at inilapag sa sentro ng mesa kasama ng mga ulam at kanin ang isang may kalakihang pinggan ng mga hiniwang pakwan.
"Mainam 'tong napili mong pakwan, Nardo! Tumikim ako ng isa kanina at nakow! Pagkatamis-tamis!"
Leo smiled. "Salamat po."
Umupo na si Mang Baste sa kabilang panig ng mesa, katapat ni Imee. Pagkaabot ni Aling Minerva ng baso ng tubig kay Leo ay umupo na rin ito sa tabi ng asawa.
Their dinner went well. Mang Baste did most of the talking while Aling Minerva would just support her husband's statements when necessary. Their topic revolved around her dance workshops, their meetup schedules, and her father's invitation for Leo to join him and his friends this coming Saturday to drink.
Her mother, thankfully, didn't say anything hostile toward Leo, but Imee was starting see the sense of her boyfriend's qualms about their relationship becoming official. Hindi lingid kay Imee ang pasimpleng pag-oobserba ng kaniyang ina kay Leo. Totoo nga siguro na naging 'legal' lang sila para mabantayan sila ng kaniyang mga magulang at hindi dahil sa binabasbasan na nila ang kanilang relasyon.
Hindi rin nagtagal si Leo. Pagkatapos maghapunan ay nagpababa lang ito ng kinain bago nagpaalam na aalis na. Lunes na bukas at may naghihintay rito na trabaho sa law firm kaya kahit magandang ideya na magpalipas ng gabi sa hacienda, ay hindi iyon mapaunlakan ng binata.
Hinatid ni Imee si Leo sa kotse nito. She looked around and felt at ease because of the quiet neighborhood. Alas-nuwebe na rin ng gabi, siguro naman ay walang manonood sa kanila rito katulad nina Cecil.
Leo gave her a quick kiss on the lips, then stared at her face. Tila labag pa sa loob nito ang umalis. "Thank you, Imee, for everything tonight."
"Anytime." She smiled softly at him. "I love you."
He caressed her cheek. "I love you too."
Pasakay na ito ng kotse nang matigilan. Tila may naalala ito. He turned to her. "Can I borrow your phone for a second?"
"Bakit?" pag-aalala niya.
"I just need to make a call. Hindi ako nakapag-charge bago umalis. Baka ma-deadbatt agad ako kung gagamitin ko ngayon sa pagtawag."
Imee pulled her cell phone out of her shorts' pocket. "Naku, buti na lang hindi ko 'to naiwan sa loob ng bahay."
He smiled, but it did not reach his eyes. Lalo tuloy siyang nabahala. "Excuse me."
"S-Sige . . ." halos bulong niya habang pinanonood ang pagdistansiya ng lalaki sa kaniya.
He turned his back on her and used her cell phone. He seemed to tap and swipe on its screen for a while before putting the gadget close to his ear. He even looked at her over his shoulder with that blank expression on his face before looking away.
'Importante siguro ang tawag na 'yon, pero bakit nababahala ako? Wala naman sigurong problema o emergency si Leo. Okay naman siya kanina noong naghahapunan kami.'
Ilang minuto pang naghintay si Imee sa tabi ng kotse ni Leo bago siya sumimple ng tanaw sa bahay. Nahuli niya ang mabilis na paglayo ng kaniyang nanay mula sa bintana sa dining area nila. Then, she saw her mother's silhouette facing her father's.
'Tiyak na pinag-uusapan na nila ni Itay ang mga naobserbahan nila sa 'min ni Leo sa gabing 'to. Siguro, bibigyan ko muna sila ng oras para makapag-usap pa.'
Nang ibalik ni Imee sa harap ang tingin ay bahagya siyang nagulat. Palapit na kasi sa kaniya si Leo.
He smiled at her as he handed back her cell phone. "Thank you, Imee."
She was about to take her cell phone but he quickly pulled it back. Namimilog ang mga mata na binigyan niya ng nagtatanong na tingin ang lalaki.
Leo gave her a playful grin. "Tara, sumakay ka muna sa kotse."
Alertong tinanaw niya ang bintana. Bukas pa rin ang ilaw sa kusina pero wala na ang bulto ng kaniyang mga magulang doon.
"Bakit?" balik niya ng tingin dito. "Saan naman tayo pupunta?"
Leo shoved her cell phone in the back pocket of his jeans. "Nowhere. Just here. Hindi kita ida-drive sa malayo. I'll just drive you a little wild, maybe." Then, he thumbed the side of her lips.
Natatawang tinabig niya ang kamay nito. "Loko ka! Katapat lang natin ang bahay, o!"
"So? Legal na naman tayo, a?"
Nagpipigil ng ngiti na pinanliitan niya ito ng mga mata. "Ano muna ang gagawin natin sa loob ng kotse?"
He drew his face close to hers and whispered so hotly, so breathily, "Maghahalikan."
"Iyon lang?"
"Iyon lang," anito na may kahalong mahinang tawa. His hands began gently stroking her arms to steady her, to woo her. "Maliban na lang kung . . . mas higit pa roon ang gusto mo."
"Heto ako at sinisikap na huwag kang pag-initan nina Inay, pero ikaw 'tong pasaway na tila gustong subukin ang pasensiya nila."
"Subukin ang pasensiya?" layo ng mukha nito para matitigan siya nito sa mga mata. "Imee, ginawa nilang legal ang relasyon natin. Wala silang dapat ikagalit dahil dapat, expected na nila na gagawin natin ang lahat ng mga ginagawa ng magkarelasyon . . ." Biglang naging malambing na mapaglaro ang kaniyang nanghihinang boses. ". . . katulad ng paghahalikan."
Tinanaw niya uli ang bintana bago nagmamadaling hinablot si Leo sa kamay. "Dali!"
Leo chuckled lowly as he opened the car door with one hand, got inside and quickly pulled her inside with him. Pagsara ng pinto ng kotse ay saka lang nila napagtanto ang kanilang posisyon.
Imee was already sitting sideways, on Leo's lap. Their gazes met upon that realization before Leo quickly cupped her face and pulled her down for a torrid kiss.
***
"MINENG . . ." malambing na tawag ni Mang Baste kay Aling Minerva.
Napapitlag ang ginang. Nagulat kasi ito nang mahuli ng asawa nito na sinisilip sina Imee at Leo mula sa bintana ng dining area.
She cleared her throat and tried to keep a straight face. "Tapos ka na sa pagliligpit ng mga minatamis ga? Baka langgamin ang mga 'yan, ha?"
Akmang lalagpasan na nito si Mang Baste para trabahuhin na ang mga hugasan sa lababo, ngunit natigilan nang tawagin uli nito habang sinasabayan sa paglalakad.
"Mineng, bakit ang lamig-lamig ng pakikitungo mo ro'n kay Nardo?"
Hinarap ni Aling Minerva ang asawa at matapang na sumagot. "Aba'y bakit hindi? Kilalang babaero 'yon. Okay lang sa 'kin noong bata-bata pa si Imeng na may crush lang siya sa lalaking 'yon. Sino ba ang napapahamak sa simpleng crush-crush lang?"
Nalaglag ang panga ni Mang Baste. "May crush si Imeng kay Nardo?"
"Pero 'yong maisipan ng Nardo na 'yon na patulan ang anak natin? Hindi ba kakapalan ng mukha 'yon? Nakalilimutan n'ya na yata na ibinabalandra niya rine noon ang pagiging palikero n'ya! Tapos iisipin n'ya na magiging okay sa 'tin na si Imeng naman natin ang puntiryahin n'ya?"
"E, malay mo, dahil tumanda na siya, mas nag-mature na. Gusto nang lumagay sa tahimik. Wala rin namang nakapagtataka kung magkagusto siya sa Imeng natin. Aba'y pagkaganda-gandang bata at mabait."
"Siyempre maganda't mabait si Imeng dahil mana sa 'kin at ako ang nagpalaki! Wala ring nakapagtataka sa kanila ni Nardo dahil ikaw ang nakapagtataka! Ikaw ang tatay tapos hindi ka nababahala na binoypren ng anak mo si Nardo?"
Mang Baste shrugged. "Siyempre nababahala ako. Kaya nga tinanong ko na ang anak mo kung sinasagot si Nardo, para wala nang dahilan ang dalawang 'yon para magkita nang patago! Para magabayan natin sila kapag kinailangan. Isa pa, ang tatanda na nila, Mineng . . . baka naman makasira sa relasyon ng dalawa kung makikialam pa tayo. Iparamdam na lang natin sa kanila na kung sakaling magkaproblema sila, e, narito lang tayo ay puwede nilang hingian ng tulong o payo."
Napaungot lang ang babae at napabuga ng hangin sa ilong. "Alam mo, hindi ako makikialam kung maisipan ni Imeng mag-boyfriend o mag-asawa ahora mismo. Kaya lang, si Nardo 'yang naging boyfriend n'ya, e!"
"Ay, wala kang tiwala sa Imeng natin ga? Pinalaki naman natin siya nang tama. Matalino rin naman siyang bata. Nasa wastong edad na rin para magdesisyon para sa sarili n'ya. Kayang-kaya niya na si Nardo!"
"Sakto! Kaya kay Nardo lang malamig ang pakikitungo ko. Puwede ga, pabayaan mo na lang ako? Hindi ko naman sila pinaghihiwalay o pinag-aaway."
Tipid na ngumiti si Mang Baste. "A, siya. Ikaw na ang bahala, Mineng. Pero bawasan mo sana nang kaunti 'yan, kasi siguradong nakahahalata na 'yong dalawa sa trato mo kay Nardo. Ayaw mo naman sigurong pag-awayan n'yo 'yon ni Imeng."
Napasimangot lang si Aling Minerva. "Ako? Aawayin ni Imeng dahil lang sa isang lalaki? Huwag n'ya 'kong susubukan!"
Napakamot ng batok si Mang Baste habang pinanonood ang pag-asikaso ng asawa nito sa mga hugasin. Pagkatapos ay nagtungo na ito sa sala.
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro