Chapter 12
#LGS1Sundress #LGS1chapter12 #LaGrilla1
***
"ANO sa tingin mo?" nakangiting itinapat ni Imee sa sarili ang flowy na yellow sun dress na ipinadala para sa kaniya ni Leo.
Ligaya smiled weakly. "It looks great on you, Imee."
"Oo naman! Maganda kaya ako," biro niya rito sabay harap sa body mirror na nakasabit sa tabi ng pinto ng bahay, sa sala.
Ang sun dress ay ipinaabot daw ni Leo kay Jamer nang magkita ang mga ito sa Maynila kahapon, araw ng Miyerkules. Gabi na nakauwi noon si Jamer kaya umaga nitong Huwebes lang nito ipinalaba kay Ligaya ang dress bago nito dinala sa araw na ito mismo ng Sabado sa kaniya. Si Leo raw mismo ang pumili at bumili ng damit para sa kaniya.
Luckily, Imee's mother left a little early this morning. Ito kasi ang naghatid sa tanghalian ng kaniyang ama sa niyugan. Nagtatrabaho pa ito dahil araw ng Linggo lang ang day-off nito. Dahil dito, mag-isa lang na naiwan sa bahay si Imee at wala sa mga magulang niya ang makakakita na nagpadala si Leo ng damit para sa kaniya. Gayunman, noong Lunes pa lang at alam ng mga ito na aalis sila ni Leo sa umagang ito para makapag-enrol sa isang dance school o makapag-register sa isang dance workshop.
Habang pinagmamasdan ni Imee ang sarili sa salamin ay nag-iba't ibang pose siya habang nakatapat sa katawan niya ang damit. Samantala, nakaupo lang sa kawayang sofa si Ligaya at tila naghalo ang pagkaaliw at pagkanerbiyos habang pinanonood siya.
Natatawa siya sa galak nang lingunin ang kaibigan. "Saan kaya kami magde-date ni Leo?"
"Hindi ko mahulaan. Leo knows a lot of beautiful places," mahinang sagot ni Ligaya habang titig na titig sa kaniya.
Nagtaka naman siya sa isinagot nito. "Pa'no mo naman nasabi?"
Biglang sumigla ang boses nito na may bahid ng pagkabigla at pagmamadali. "Oh, because he's a lawyer. Mayaman siyang tao, panigurado na maraming alam na lugar 'yon. At saka, hindi ba, may kotse siya? O, e, 'di paniguradong madami kayong mapapasyalan."
Tumabi siya kay Ligaya at sumandal sa balikat nito. "Oo nga, Ligaya. Alam mo, friend, napaka-consistent ni Leo. Walang-araw na hindi niya ako kinumusta kahit alam kong busy rin ang mga abogado."
"Ang masasabi ko lang, huwag ka masyadong magpadala kay Leo."
May himig ng panenermon sa boses ni Ligaya kaya umalis na siya mula sa pagkakasandal dito at magaang pinalo ito sa braso. "Oo na! Inggit ka lang, e. Sabi ko naman kasi sa 'yo, akitin mo na si Sir Jamer!"
Then, Imee laughed at her unseriousness.
"Sira-ulo ka," ngisi ni Ligaya, pero hindi abot sa mga mata nito ang pilyang pagkurba ng mga labi nito. Bago siya nakasagot ay tumayo na ito mula sa kinauupuan. "Mag-ready ka na lang sa date ninyo ni Leo. Pupunta muna ako sa tambayan natin."
"Opo!" Tumayo na si Imee mula sa sofa para dumeretso sa kuwarto at sukatin ang sun dress.
She was so glad that Ligaya willingly kept her secret—that she and Leo were already dating. Marami naman siyang mga kaibigan dito sa village ng Hacienda Hermano, kaya lang natatakot siya na baka mabilis na kumalat sa kanilang lugar ang sikreto niya kung ikukuwento iyon sa mga ito. Her friends valued her secrets, of course, but she knew that their concern for her being at risk of being a playboy's new victim might drive them to spill the beans to her parents. She even intentionally avoided them lately too, just to make sure she would not have a slip of tongue.
Sa totoo lang kasi, kahit ayaw niyang may makaalam na nagde-date sila ni Leo ay para naman siyang sasabog kung walang mapagsasabihan ukol dito. Nakamamatay nga yata talaga ang magkimkim ng kilig. Mabuti na lang at nakilala niya si Ligaya.
Ligaya seemed concerned about her safety from Leo too, but she was not the type to tell her secret to her parenrs because they were not close. Sa tuwing nagba-bonding sila sa burol ay inilalabas niya ang mga saloobin kay Ligaya, kasama na rin ang kilig niya sa tuwing nagkakasama sila ni Leo. Of course, she told Ligaya everything except the details of those intimate moments, like her make-out session with Leo last Saturday.
In return, even if Ligaya sounded like a pessimist who disapproves of their relationship, Imee appreciated her comments that kept her grounded. Nangako siya sa sarili na magiging matalino. Na kahit gustong-gusto niya si Leo ay hindi siya magpapaloko rito. Sisiguraduhin niya na mamahalin at seseryosohin siya ng lalaking gusto niya para hindi nito maisipang lokohin siya o palitan.
***
ALAS-DOS ng hapon ay nakauwi na sa bahay si Aling Minerva. Ayaw ni Imee na makahalata ang nanay niya na pagkatapos maghanap ng dance school o workshops ay deretso date na sila ni Leo, kaya hindi muna niya sinuot ang sun dress. She appeared in the living room wearing the clothes she usually wore—a pair of capri denim jeans and a pink fitting, short sleeved scoop neck T-shirt. Umabot ang haba ng T-shirt sa kaniyang balakang kaya natatakpan nito ang sinturera ng kaniyang jeans. She put on a pair of white doll shoes, though, instead of her usual flipflops.
"O, nandito na si Leo?" lingon sa kaniya ni Aling Minerva. Kasalukuyang abala ang ginang sa pagtatahi sa butas sa bestida nito.
Napatitig saglit si Imee sa berdeng bulaklakin na bestida. 'Don't worry, 'Nay. Kapag kumikita na ako sa pagiging dancer, ibibili kita ng bagong bestida, katulad ng ginawa ni Leo para sa 'kin.'
"Malapit na, 'Nay. Aabangan ko na lang po siya sa tapat ng mansiyon." Sa tapat ng mansiyon kasi palaging pumaparada si Leo, maliban na lang kapag nagtatagpo sila sa luma nitong bahay sa plantasyon ng niyog.
"O, sige," tila nag-aalinlangan na saad ng ginang. "Mag-iingat."
Imee bent over to press her cheek against Aling Minerva's. Then she stood up straight and re-adjusted the shoulder strap of her square bag. "Opo."
"Magpa-load ka kay Manay Baby para matatawagan mo kami 'pag may emergency."
"Kagabi pa po ako naka-unli, 'Nay. Mamayang gabi pa ang expiry nito," she reassured her mother.
"E, 'di huwag magpapagabi."
"Opo." She could not help this uncertainty budding in her chest. 'Sorry, 'Nay, pero hindi ko po maipapangako 'yan.'
Paglabas ng bahay ay sinikap niyang maglakad lang sa parte ng daan na nalililiman ng mga puno. Takot na takot kasi siyang mangamoy-pawis kapag nagkita na sila ni Leo. Kahit may dala kasi siyang payong ay nakasisilaw pa rin ang liwanag at damang-dama pa rin ang init ng araw.
Nang matanaw ang mansiyon ay natatarantang inayos ni Imee ang pagkakasuot sa kaniyang green na plastic headband. She ran her fingers at the sides of her pixie cut hair that grew a little this month and was already brushing against her shoulders. Nag-iwan siya ng ilang hibla sa magkabilang-gilid ng kaniyang mukha dahil para siyang may cute na curtain bangs sa ganitong istilo.
Then, Leo's blue mini cooper came into view. Nagkarerahan na ang kaniyang mga paa papunta rito. Kahihinto pa lang niya sa tapat ng pinto ng passenger seat ay awtomatiko na itong bumukas.
"Hurry," she heard Leo say, so she looked around before quickly getting into her seat.
Si Imee na rin mismo ang nagsara ng pinto bago siya natigilan sa pangingibabaw ng nakaaakit na pabango ni Leo na pumuno sa buong sasakyan. She turned to him and saw how gorgeous he looked in his brushed up mid-parted yellow blond hair, short-sleeved button down yellow shirt with white patterns and coffee colored slacks. His silver-buckled brown belt hugged around his waist, as dark brown as his leather boat shoes.
Leo stretched out a hand to the steering wheel, exposing the silver watch clamped around his wrist. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan para lisanin ang hacienda.
Habang umaandar ang sasakyan palabas ng hacienda ay panay ang silip ni Imee sa side mirror ng kotse at sa mga bintana. Maging sa bintana sa likuran ay sumilip siya.
Leo noticed her cautious behavior. "Don't worry. No one saw you with me. Walang nakasilip sa mga bintana ng mansiyon. At sa tapat ng mansiyon kita hinintay dahil dumadaan lang dito ang mga trabahador sa hacienda kapag may kailangan kay Jamer o kapag papasok sa trabaho at pauwi na. Tuwing Lunes naman dumadaan ang mga truck para sa delivery ng mga produkto rito. Abala naman sa trabaho ang mga nasa distillery sa oras na ito kaya hindi rin nila tayo makikita kahit abot-tanaw mula roon ang mansiyon."
Tumuwid na ng pagkakaupo si Imee. "Hindi naman ako takot na makita tayong magkasama. Nagpaalam ako kina Itay na sasamahan mo akong maghanap ng dance school, 'di ba? Kaya siguradong nabida ka na ng tatay ko sa mga katrabaho n'ya dahil sa pagtulong mo sa akin."
"Hindi mo ba ibinilin kina Mang Baste na walang ibang dapat na makaalam sa lakad natin ngayon? Hindi ka ba nag-aalala sa posibleng isipin nila? Oo, hindi nila alam na nagde-date tayo, pero kilala ako ng mga tagarito. I bet they're already warning Mang Baste about me approaching you. Malamang, iniisip na nila na may ibang kapalit ang pagtulong ko sa iyo, at nag-aalala na sila na baka mabingwit ka ng isang playboy kapag hindi ka lumayo-layo sa akin."
Imee studied his face. Leo would usually joke about his reputation as a playboy, but this time, he seemed very grave about it. It was as if, for the first time, being seen as a notorious playboy finally bothered him.
"Anyway," Leo sighed as they neared the gates. "I think, I overdressed. I came dressed to kill and you came dressed to chill."
Napatingin siya saglit dito bago niya pinasadahan ng tingin ang sarili. "Oh!" Nagpakawala siya ng ninenerbiyos na tawa pagkatapos.
Nanatili naman sa harap ang seryosong tingin ng lalaki. Napangisi tuloy siya habang sinisilip ang mukha nito.
"Galit ka ga na dili ko suot 'yong pinadala mong damit?"
"Actually," nagmamatigas nitong sulyap sa kaniya, "I don't really care what you wear. I saw you in just a pair of shorts and a tank top. In pajamas and flipflops. In these shirts and capri pants. You look pretty in anything. Ang sa akin lang, kapag may usapan tayo at alam mong hindi mo matutupad 'yon, dapat ipinapaalam mo agad sa akin. Parang katulad lang 'to no'ng pagsayaw mo dapat sa party no'ng Greggy at Mara."
Hindi na niya napigilan ang mapabunghalit ng tawa. Napaaga tuloy ang pagtapak ni Leo sa brake ng sasakyan. Muntik na sila masubasob sa dashboard, pero hindi ito alintana ni Imee. They both just bounced back and forth because they were securely held in place by their seat belts.
Leo shot her a narrow-eyed look.
"Nasa bag 'yong sun dress. Susuotin ko mamaya sa date natin. Promise," aniya nang mahalatang magpoprotesta na ito. "Hindi ko sinuot kanina kasi baka mahulaan ni Inay na bukod sa paghahanap ng dance school, e, may date tayo. Magtataka 'yon kasi hindi siya sanay na nakikita akong naka-dress."
Leo kept a straight face, looked to the front, and gently tapped the top of his steering wheel. Then, he quietly exited his car to open the gates for them. Imee immediately got down from the car and followed to open the other door of the gate.
Leo shot his squinting eyes at her under the glaring sun. Kitang-kita niya ang pagsimangot nito na para bang hindi nagustuhan ang kaniyang ginawa. Ngunit mabuti at hindi isinaboses ng lalaki ang naipapakita na ng ekspresyon sa mukha nito. He just rushed to his car, closed its doors and took it out of the gates. Nagmamadali rin itong bumaba pagkatapos at tinulungan siya sa pagsara ng mga gate.
When they got back inside the car, Imee sighed in relief while feeling the cool blast from the air conditioning. Dinukot niya ang panyo sa bag at nagmamadaling pinunasan ang pawis sa kaniyang leeg, noo, at batok. Napasulyap siya kay Leo at bago pa siya nakapag-isip ay dinampi niya na ang panyo sa gilid ng leeg nito.
Leo did not show any reaction. His eyes remained fixed on the road and his body sat still as he drove the car. Natigilan siya saglit para obserbahan ang lalaki bago dahan-dahang itinuloy ang pagpunas ng pawis sa gilid ng leeg, mukha, at noo nito. She was careful not to distract his focus from driving.
When Imee began wiping the sweat off his nape, Leo raised his left hand and grabbed her hand to stop it from moving. He immediately returned his hand on the steering wheel so that she can put down her hand that held the handkerchief.
"I asked my own researcher for lists of dance studios and dance schools around Batangas. Most of them are far from here, located in bigger towns like Lipa."
Ibinalik ni Imee ang kaniyang panyo sa bag at itinutok sa harap ang tingin. "Ibig sabihin, malayo-layo pa ang pupuntahan natin."
"Yes. That's why I made a reservation in a resort. Pagkatapos natin isa-isahin ang mga dance studio at dance school, we'll have dinner in this sea food restaurant. Pagkatapos, ihahatid kita sa inyo at babalik ako sa resort para matulog doon. Okay lang ba sa 'yo ang gano'ng setup?"
Kumunot ang noo niya. "Okay naman pero . . . bakit sa resort ka matutulog?"
"I don't think I'll have the energy to drive later. Iidlip lang ako sa resort, pagkatapos, aalis din naman ako sa madaling araw. Babalik ako ng Manila habang maluwag pa ang kalsada."
"Bakit hindi ka na lang sa hacienda magpalipas ng gabi? Sa mansiyon ni Sir Jamer? Magkaibigan kayo. Siguro naman, okay lang na makitulog ka uli roon. Tulad no'ng nalasing ka sa party nina Greggy at Mara."
Hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin ng lalaki. Lalo tuloy siyang nabahala.
"Nagiging pabigat na ba ako sa 'yo? Napapagod ka na sa kabibiyahe ga?"
"Imee, sinabi ko na 'to, hindi ba? Hindi ka abala."
Napalabi siya, hindi kumbinsido. "Kung gano'n, bakit wala ka pa rin sa mood? Na-explain ko na naman 'yong tungkol sa sun dress, kaya imposibleng galit ka pa rin dahil do'n."
"Hindi ako galit, Imee." He took a deep sigh. "Fine. Sino ba ako para mag-demand sa ‹yo na magsasabi agad sa akin kung naglilihim naman ako sa 'yo? So, here it goes. Aaminin ko na. Nababahala ako kaya nagkakaganito ako."
Pumihit si Imee ng pagkakaupo para tuluyang humarap sa lalaki. Nag-aalalang tinitigan niya ito sa mga mata.
"Saan ka nababahala?"
"Katulad ng binanggit ko kanina, sana mahigpit mong ibinilin kina Mang Baste na huwag ipagsasabi sa ibang tao na magkasama tayo ngayon."
"Bakit naman?"
"Dahil bibigyan 'to ng malisya ng mga katrabaho ni Mang Baste! Siyempre, maaalerto ang tatay mo sa pagsama mo sa 'kin kapag nasulsolan na nila." His worried eyes glanced at her for a second then returned on the road. "Hindi ba, ikaw rin itong may gusto na ilihim itong pagde-date natin dahil wala pang kasiguraduhan kung itutuloy-tuloy natin 'to o hindi?"
"Oo nga! Pero, maingat naman ako sa mga ginamit kong salita. Hindi rin nila bibigyan ng malisya 'yon kapag nagkuwento si Itay dahil siguradong iisipin nila na binabayaran mo lang ang utang-na-loob mo noon kay Itay—" Natigilan si Imee sa nasabi. Dahil sa kagustuhang depensahan ang sarili ay nakalimutan niya na ang sakit na kaakibat ng 'utang-na-loob' ni Leo na tinutukoy niya.
"Hindi ka ba natatakot na baka ilayo ka ng tatay mo sa 'kin kapag na-realize niya na posibleng may iba pa akong intensiyon sa iyo bukod sa pagtulong?"
Imee hugged the brown square bag on her lap.
Leo resumed. "Kasi ako, oo. Natatakot ako. Natatakot akong ilayo ka niya sa akin, kaya nagkakaganito ako."
"Paano na lang pala kung manligaw ka na? Do'n mas posibleng ilayo ka talaga ni Itay sa akin. Kung ako, mapa-oo mo, baka sila ni Inay, humindi."
Leo took in a deep breath. "Sinabi ko na magpaalam ka sa mga magulang mo na aalis tayo, dahil gusto kong maramdaman nila na nirerespeto ko sila. Pero iyong posibilidad na ikuwento ni Mang Baste sa iba pa na magkasama tayo? Iyon ang ikinababahala ko."
Napatitig tuloy si Imee rito.
'Sa tingin ko, ayaw lang niya na may ibang makaalam na magkasama kami ngayon. Mas gusto niyang ilihim itong pagde-date namin kaysa sa kung gaano ko kagusto na ilihim ito.' Doubt filled her chest as she returned her eyes to the front. 'Pero bakit? Dahil baka may makaalam na nasa hacienda na hindi dapat makaalam? Sino naman ang taong 'yon?
'Akala ko, seseryosohin ako ni Leo kapag nag-date muna kami nang patago. Kapag walang pumipigil sa akin na ipakita sa kaniya kung gaano ako kasaya kasama, kung gaano ako kalambing, kung gaano ako kasarap humalik . . . Pero mukhang hindi niya na mahihintay ang go-signal ko na ligawan na ako . . .
'Kailangan ko nang ibahin ang diskarte ko . . .'
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro