Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capítulo 9 - Paglakbay sa Nakaraan


Mabilis naming tinahak ang daan palabas ng mansyon at dumeretso patungo sa gubat. Hindi ko akalain na matutunton nila kami dito nang ganun kabilis at mukhang hindi rin sila magpapahuli hanggat hindi nila nakukuha ang kanilang kailangan.

Takbo...tigil...takbo, ang aming ginagawa para lang makalayo sa kanila.

"John, nakita mo na ba ang daan palabas ng gubat?" rinig kong tanong ni Javier.

Tumingin si John sa kanyang phone at mukhang naiinis, "Nawala yung connection ko sa drone, mukhang mahirap makakuha ng signal sa loob ng gubat na ito."

"Ang mabuti pa ipagpatuloy na lang natin ang daang ito baka sakaling may makita tayong kalsada," suggest ko sa kanila. Hindi ko alam pero sa lahat ng gubat na aming napasok ito ang kakaiba. Napaka-misteryo ng gubat na ito na nakapagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam yung tipong lahat ng galaw mo may nakamasid.

Napatingala ako sa kalangitan, mag-tatakip silim na pala pero nandito parin kami sa loob ng gubat. Gaano ba kalaki ito at bakit parang paikot-ikot lamang kami, hindi kaya---

"Sandali naliligaw na tayo," sabi ni Luna habang may tinitingnan sa isang puno.
"Nadaanan na natin ito kanina," sabay turo niya sa pulang marka. Tama nga ang hinala ko, paulit-ulit lang namin dinadaanan ang lugar na ito.

Napatigil kami nang marinig namin ang mahihinang usapan sa di kalayuan kaya mabilis kaming nagtago sa likod ng malalaking puno. Mabuti na lang unti-unti nang dumidilim ang buong paligid, sapat na para malaman kung sino at ilan sila.


Kasalukuyan tinatahak ngayon ng mga armadong lalaki ang daan kung saan kami nagkukubli. Marami-rami din sila at puro nakasuot ng itim na damit. Balot na balot din ang kanilang mga mukha. Base sa aking nakikita mukhang sanay ang mga ito sa pakikipaglaban, at matataas din na klase ng mga armas ang kanilang mga hawak.

May isang bagay na pumukaw ng aking atensyon at 'yun ang dalawang lalaki naguusap at mukhang nagkakatuwaan pa. Boses palang nila ay kilala ko na at kahit ipikit ko pa ang aking mga mata alam ko na sila nga 'yon.

Parang bumalik sa akin ang lahat nang pangyayari ng gabing namatay si Sam. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa kanilang ginawa.  Akmang tatayo ako ng bigla akong pigilan ni Javier, "Hindi ito ang oras para maghiganti. Kailangan natin mahanap muna si Tito Roman," paalala niya sa'kin.

Kahit naiinis ako ay inisip ko ring mabuti ang kanyang sinabi. Wala akong mapapala kung galit ang papairalin ko at mukhang malalagay din kami sa alanganin kung kami mismo ang susugod.

Hinintay namin na makalayo na sila bago kami lumabas ng aming pinagtataguan. Hindi pa ako nakakasunod kela Javier nang makaramdam ko ang matinding pag-hampas sa aking likod.

"F----" napasinghal ako sa nangyari hindi ko siya napansin. Sinakyan niya ako at sinakal sa leeg, masyado siyang malaki at malakas at kinakapos na rin ako ng hininga. Pilit kong kinakapa ang kanyang pantalon at nagkataon na may nakasabit na isang maliit na punyal. Kinuha ko ito agad at buong lakas kong isinaksak sa kanyang leeg.

Halos habulin ko ang aking hininga nang makawala ako sa pagkakasakal at mabilis na lumayo sa kaniya. "Maling babae ang iyong binangga," ani ko habang pinagmamasdan siyang nag-aagaw buhay.

Muli akong tumakbo kung saan nagtungo ang aking mga kasama at habang tinatahak ko ang madilim na daan may isang babae akong nakitang tumatakbo sa di kalayuan.

Sinundan ko ito, "Miss! Sandali lang!" Tawag ko sa kaniya, pero hindi ata ako narinig at patuloy lang ito sa pagtakbo. Maya-maya'y isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kagubatan kasabay ng pagkabagsak ng babae sa lupa. Agad ko itong pinuntahan at nilapitan, akmang hahawakan ko sana siya nang bigla itong naglaho sa aking harapan kasabay ng pagtapik sa aking balikat.

Agad kong hinablot ang kamay nito at pinilipit sa kaniyang likod. "Ako ito!" Napapangiwi niyang sabi.

"Javier?!" Sambit ko at pinakawalan siya.

"Hinahanap ka namin kanina pa dahil bigla ka nalang nawala," paliwanag niya habang minamasahe ang kanyang braso.

"Pa-pasensiya na, nahampas kasi ako ng isa sa mga humahabol sa atin" sabi ko, nakita ko naman dumating na sila John at Luna. "Matanong ko lang, may narinig ba kayonh putok ng baril kanina?"

"Wala naman akong narinig na kahit ano," sagot ni Javier at sabay din napailing sila Luna at John sa'kin. Ibig sabihin ako lang ba ang nakakita sa babae at nakarinig. Naging palaisipan tuloy sa akin kung totoo ba ang aking nakita o guni-guni lamang dahil sunod-sunod na kasi ang mga misteryo nangyayari sa akin sa araw na ito.

"Ang mabuti pa umalis na tayo rito bago pa nila tayo matagpuan," yaya ni John.

Hindi pa kami nakakalayo, ay pinaputukan na kami ng mga bala kaya mabilis na naman kaming tumakbo. Dere-deretso lang hanggang sa matunton namin ang isang bangin.

"Kung mamalasin nga naman oh!" Napasinghal naman si John.

Dumungaw si Javier, "Ilog ang babagsakan natin." Sabi niya habang tinatantya ang taas nito.

Naririnig na namin na malapit na sila,
"Wala nang oras kailangan na natin tumalon!" Sigaw ko sa aking mga kasama. Muli silang nagpaputok ng mga bala, hindi nila kami  titigilan hanggat walang namamatay sa amin. Kaya sabay kaming tumalon sa bangin na 'yon.

BANG!!!

Naramdaman ko ang mainit na bagay na tumama sa aking likuran na ikinabilis nang aking pagbagsak sa ilog. Dire-diretso akong lumulubog kasabay ang matinding pagkirot sa aking likod patungo sa aking dibdib.

Nahihirapan na rin akong huminga at nagsisimula nang makaramdan ng pagkamanhid ang buo kong katawan. Naaninag ko pa na lumalangoy palapit sa akin sila Luna at John at pilit nila inaabot sa aking ang kanilang mga kamay.

Hanggang dito na lamang ba ako?

Nagsisimula nang lumabo ang aking paningin.

"Humiling ka..." pamilyar ang boses na iyon.

"Humiling ka Isabelle!"

Si si maligno.. ikaw ba iyan?

"Please Isabelle humiling kana! Ito ang makakapag-ligtas sa'yo," pakiusap niya sa'kin.

Unti-unti na akong nauubusan ng hangin.

Papa... sambit ko sa isip.

"Gusto ko pang makita ang papa ko!" Binalot ng matinding liwanang ang buong paligid at tuluyan na akong nawalan ng ulirat.




*****


Iminulat ko ang aking mga mata at sumilay sa aking paningin ang maliwanag na sikat ng araw. Napabalikwas ako bigla sa higaan at napangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking likod.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin matapos akong lamunin ng matinding liwanag. Hindi ko rin alam kung nasaan ako at kung ilang araw na akong nakatulog. Napahawak na lamang ako sa aking kwintas, "Tama nga si maligno, inilalayo mo ako sa lahat ng kapahamakan," bulong ko rito.

Iniangat ko ang aking paningin at pinagmasdan ang kabuuhan ng silid. Kakaiba ang itsura nito sa modernong bahay at mapapagkamalan mong nasa loob ka ng isang museum dahil puno ito ng mga antigong gamit.

Ang nakakapagtaka ay mukhang bago ang lahat ng ito at alaga sa linis. Dahan-dahan akong  tumayo kahit na medyo nanginginig pa ang aking mga binti at paa at lumapit sa magandang flower vase na nakapatong sa cabinet. 

Maganda ang disenyo nito, galing pa ata sa ibang bansa. Napansin ko rin na gawa sa capiz yung bintana, makintab din yung pader at sahig na gawa pa sa kahoy. Yung kama na hinigaan ko kanina ay napakalambot din tapos meron itong apat na haligi at may nakasabit na parang kurtina. Hindi ko alam ang tawag 'dun pero nakita ko na ito, yung pumunta kami minsan sa Las Casas sa Bataan. Feeling ko tuloy nakabalik ako sa nakaraan dahil sa binibigay nitong ambiance.

Nagtungo ako sa balcony ng kwartong ito at lumabas. Napapikit ako nang yumakap sa aking katawan ang malamig at sariwang simoy ng hangin samahan pa ang katamtamang init ng sikat nang araw na humahaplos sa aking mukha.

Tumambay muna ako rito ang sarap kasi sa pakiramdam parang ngayon lang ulit ako nakalabas. Nang imulat ko ang aking mga mata nagtaka ako sa aking nakikita. Wala man lang ako nahagilap na kahit anong building at sa halip na maiingay na tunog ng mga jeep at tricycle ang aking naririnig ay mga yabag ng mga kalesa't karwahe ang paroo't parito.

Nagkalat din ang mga taong nakasuot ng baro't saya, camiso de chino, may ibang naka-barong tagalog habang ang iba naman ay may suot na itim na coat at itim na sumbrero. May mga grupo pa ng mga pari ang naglalakad at suot suot nila yung mahabang itim na damit at ang kanilang buhok bakit ganun? Nasa loob ba ako ng isang aklat na tumatalakay sa sinaunang panahon? Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata baka nagkakamali lang ako pero ayun parin eh! Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako?

Nagmamadali akong pumasok sa loob at dumeretso sa harap ng salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Wala namang nabago sa aking mukha maliban lang sa maputla ito. Wala din naiba sa aking katawan, nakasuot lang ako ng isang puting bestida na hanggang talampakan. May pagkamanipis pa nga ito dahil kita ko ang aking underwear sa loob.

Nasa San Fabian parin ba ako? O, baka nasa katabing bayan lang ako?"  tanong ko sa sarili habang napapakagat sa aking mga kuko.

Lumabas ako ng kwarto lumingon-lingon pa ako sa paligid pero wala akong nakikitang tao, kaya dumeretso ako sa hagdanan.

"Luna? John? Javier? Nasaan kayo?" Mahina kong tawag sa kanila pero walang sumasagot. Dahan-dahan pa akong bumababa ng hagdan, grabe sobrang kintab nito parang salamin.

Nakakalahati ko na yung hagdan at muli kong tinawag ang aking mga kaibigan pero hindi parin sila sumasagot. Nakakapagtaka din bakit wala man lang tao rito? Sino kaya ang may-ari ng magandang bahay na ito?

Sa hindi ko malaman na dahilan ako'y biglang nadulas. Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata at tinakpan ang aking mukha dahil paniguradong ito ang unang hahalik sa makintab na sahig.

Ilang segundo ang lumipas, naramdaman ko na may sumalo sa akin.

"Isabelle?"

Yung boses na yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yun. Iniangat ko ang aking paningin at napatitig sa mala-abo niyang mga mata.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinisil-pisil pa ito. Hndi nga ako nanaginip to-totoo nga siya. Nagsimula nang lumabo ang aking paningin.

"Pa-papa?" nauutal kong tawag sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tuluyan na akong napaiyak sabay yakap sa kaniya ng napakahigpit.

"Papa!" Tawag ko sa kaniya, "Ang papa ko!!!!" Hindi niyo ako masisi siya na ang naging mama at papa ko.

"Ako nga ito, anak" sabi pa niya at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Pakiramdam ko ang tagal-tagal ko siyang hindi nakikita. Ang lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko ng mga nakalipas na mga araw ay biglang naglaho at napalitan ito ng sobrang kagalakan sa aking puso.

Sa wakas nagkita narin kami...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro