Capítulo 8 - Mansion ng Montemayor
"Ito na nga!" sabay-sabay naming bigkas habang nakatingin sa malaking mansyon nasa aming harapan.
"Sab, ito nga ang mansyon na nakita ko sa mga nakasabit na picture sa coffee shop, and according sa record itinayo ito noong 1800's pa," saad ni Luna.
"Hindi ba't bahay na bato pa lang ang nauuso noong panahon ng spanish colonization?" Tanong ni Javier.
Ngumiti sa aming harapan si Luna, "Tama ka, ang bahay na bato ay popular sa mga elite or middle-class family, pero ang pamilya Montemayor ay higit pa sa inaakala natin. Sila ang pinakamayaman na pamilya sa buong San Fabian at ang kauna-unahang nagpatayo nitong mansyon."
"Whoah! Bigatin pala ang pamilyang ito, pero bakit walang nagmamayari ng mansyon ngayon? Tanong naman ni John, habang sinusuri ang basag na estatwa sa magkabilang side ng hagdan patungo sa main door.
"Hindi ko rin alam, dahil wala na akong nabasang info tungkol dito," tugon ni Luna.
Napaangat ako ng tingin kung saan kita ko ang nakaukit na letrang M sa pinakatuktok nito. Halata na may kaya talaga ang pamilyang ito dahil nagawa nilang magpatayo ng mataas at malaking mansyon. Siguro noon napakaganda nito, malayo sa itsura nito ngayon na hindi na kaaya-aya tignan, dahil sa pinaghalong kulay itim at berde ang kabuuhan. Mga basag na bintana at sirang mga terrace. May ilang parte ng pader ang basag na rin at dinadaanan ng mga ligaw na halaman papasok sa loob, habang ang iba naman ay pinapalibutan ang ilang bahagi ng pader sa labas.
At bago ka makarating sa main door, kailangan mo akyatin ang unang palapag nito, at sa bawat hakbang na aming ginagawa ay siya din pagtunog ng mga tuyong dahon sa aming dinadaanan. Si Javier ang nagbukas ng pinto at lumikha ito nang kakaibang tunog na umalingawngaw sa loob ng mansyon.
"Papasa ito sa mga horror movies," pabirong bulong sa amin ni John, habang isa-isa na kaming pumasok sa loob.
Nalanghap namin ang kakaibang amoy nito, 'yung amoy ng pinagsamang kulob at amag. Hindi na kasi nasisinagan nang araw at saka parang binagyo ang loob. Nagkalat ang mga iba't ibang klase ng kagamitan, 'yung mga upuan at lamesa hindi na maintindihan ang itsura, yung mga kurtina itim na ang kulay. Ang mga paintings na nakasabit sa pader hindi mo na maintidihan kung ano na ang nakapinta rito. Nagkalat din ang mga basag na salamin, mga papel na kulay dilaw na sa katagalan at ang kisame butas na rin.
"Papa?" tawag ko, may kahinaan pa kaunti ang boses ko 'nun kasi nag-e-echo naman siya.
"Papa! Nandito na kami!" pero hindi pa rin siya sumasagot. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Javier sa aking balikat.
"Mabuti pa maghiwalay tayo sa dalawang grupo para hanapin siya," suhestiyon niya.
"Kami na ni John ang maghahanap dito sa ibaba at kayo naman ang sa itaas," sabi naman ni Luna.
Naiwan na kami ni Javier at mula sa aming kinatatayuan may dalawang hagdanan sa magkabilang side paakyat sa itaas. Gawa ito sa purong kahoy, at gawa naman sa bakal ang hawakan nito na may design ng mga dahon at bulaklak.
Dahan-dahan pa kaming umakyat ni Javier, dahil may ibang parte na ang sira. Nang marating namin ang second floor ng mansyon, namangha kaming parehas kasi napakalawak nito. Hindi na ako magtataka pa kung gaano kayaman ang pamilyang nagmamayari nito noon. May sarili itong sala at mini library, tapos sa kabilang bahagi naroon ang isang malaking piano.
Nilapitan ko ito, dahil sa tagal na ito nakatambak napuno ito ng makapal na alikabok, karamihan sa mga keys ay sira na rin. Pinunasan ko ibabang bahagi kung saan nakasulat ang maker ng piano.
"1859-Steinway & Sons," nanlaki ang mga mata ko, OMG! it's the first strung grand piano, a rare piano! Original ito at hindi kana makakakita pa ng ganito sa panahon ngayon.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Javier sa aking likuran.
"Oo, nabigla lang ako, hindi ko kasi ini-expect na makakakita ako ng isang antigong piano dito. Sayang lang dahil napabayaan na," sabi ko habang kinakapa ang mga keys nito.
"Tama ka, hindi ba't marunong kang tumugtog ng piano?"
"Oo, si papa pa nga ang nagturo sa'kin since nang bata pa ako," malungkot akong napangiti kay Javier.
"Totoo pala talaga na ang pagsisisi ay nasa huli. Nang nakakasama ko pa si Papa lagi siyang nagrerequest sa'kin na tumugtog ng piano, kaso hindi ko siya napagbibigyan dahil naging busy narin ako sa pagsusundalo."
"Huwag kang magalala Sab, kapag nagkita na kayo marami pang panahon para tugtugan mo siya nang paborito niyang musika," pagpapagaan niya nang loob sa'kin. Tama siya hindi pa huli ang lahat, at sisiguraduhin ko na magagawa ko na siya para kay Papa.
"Tama na nga itong ka-dramahan ko, kailangan na natin tignan ang bawat silid, baka sakali may itinagong clue si papa," pag-aya ko sa kaniya.
Tinahak namin ang daan sa hallway kung saan naroon ang anim na kwarto. Sa pinakadulong bahagi naroon ang staircase paakyat sa itaas, may attic pa ata ang mansyong ito.
"Javier ako na ang aakyat, para tignan kung anong meron doon," sabay turo sa daan paitaas.
"Sige, ako na ang bahala dito. Mag-iingat ka sa dadaanan mo," paalala pa niya.
"Yes boss," sagot ko at nagtungo na sa dulo ng hallway. Nakakalahati pa lang sa paglalakad nang bigla akong makaramdam nang paninigas ng aking katawan. Pinilit kong igalaw ang aking sarili.
Wait parang nangyari na ito ah!
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Javier, pero hindi ko siya masagot sa sitwasyon ko ngayon, dahil walang lumalabas na boses sa'king lalamunan.
Unti-unti na rin bumabagal ang pag-galaw nang paligid. "No..no...hindi ito pwede," natataranta kong sabi.
Hindi na ba matatapos ang kababalaghan sa araw na ito! Reklamo ko, napatigil lamang ako nang makita ko kung paano dahan-dahang lumulutang sa ere ang mga alikabok.
Totoo ba ito?!
Unti-unting nagbabago ang itsura ng paligid, gumagapang ito paitaas na para bang bumabalik sa dati nitong anyo. Tumambad sa aking harapan ang mga mararangyang kagamitan. Mula sa mga muwebles, mamahaling vase, pati na rin sa mga naggagandang paintings nakasabit sa pader. Maaliwalas ang buong paligid, may naririnig pa akong mga tawanan at kuwentuhan ng mga tao mula sa ibaba . Biglang kumalam ang aking sikmura nang makaamoy ng mabangong lutong pagkain, mukhang may event sila ngayon.
Napatingin ako bigla nang magbukas ang isang pintuan sa hallway at lumabas rito ang isang matangkad na lalaki. Sa kanyang tindig at ikinikilos, halatang nanggaling ito sa mayamang pamilya, pero bakit pamilyar ang kanyang mukha. Saan ko ba siya nakita?
Nakasuot ang lalaki ng puting longsleeves at itim na pantalon. Sumunod naman lumabas ang isang babae, natulala ako sa kanya. Napakagandang babaeng at mala-anghel ang mukha.
Ilang beses pa nga akong napakurap, sobra akong namangha sa kagandahang taglay niya, dagdagan mo pa ang maganda at magara niyang kasuotan. May pagka-off shoulder ang kanyang pang itaas na blouse na may mga burdang bulaklak. Mahaba rin ang suot nitong pulang palda na gawa pa ata sa mamahaling tela.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang magandang babae, mula sa kanyang itim na mahabang buhok hanggang sa - - napatigil ako. Buntis si beautiful girl at malaki na ang bilog na bilog nitong tiyan.
"Mag-asawa siguro sila," ani ko. Nagsimula na silang maglakad patungo sa aking kinatatayuan at narinig ko ang masaya nilang usapan.
"Maria, malapit na ang kabuwanan ng iyong panganganak. Hindi kana dapat nag-kikilos pa, alam mo namang delikado ito para saiyo," paalala ng lalaki habang inaakay niya si beautiful girl sa paglalakad.
"Kuya, huwag ka nang mag-alala pa nandiyan naman si Antonio para tulungan ako. Ano pa't siya'y isa ring manggagamot na tulad mo," paglalambing ni beautiful girl sa kanyang kapatid. Akala ko pa naman mag-asawa sila hindi pala.
"Teka sandali!" Bigla akong nataranta kasi palapit na sila sa akin, at paniguradong mahuhuli nila ako nakikinig sa kanilang usapan.
"Hay! Kainis! Bakit kasi hindi ko na naman maigalaw ang aking katawan!"
Napanganga na lamang ako sa nangyari, at nakaramdam ng mainit at malamig na hangin sa aking katawan. Para silang multo na tumagos sa aking katawan at unti-unting naglaho kasabay ng paggalaw ng aking katawan.
Bahagya akong napatalon nang biglang tumambad sa aking harapan ang mukha ng lalaki. Sa pagkakataong 'yon doon ko ito nakilala.
"Papa?" Hindi ako nagkakamali siya ito, dahil may nunal ito sa kaliwa niyang tenga. Pero bakit iba ang kanyang itsura ngayon. Basang-basa ang suot niyang damit tapos humihingal pa ito, may bakas din nang takot ang kaniyang mga mata.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa dala niyang maliit na box at isang itim na libro. Katulad kanina tumagos lang din siya sa aking katawan, at dumeretso sa pinakadulong kwarto, sinundan ko siya.
Pagpasok ko sa loob, narinig ko ang matinding pagiyak ni papa, habang tinatago niya ang maliit na box at 'yung book sa ilalim ng sahig na kahoy tapos tinakpan niya ito ng carpet.
"Papa?" Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "Pa, nandito na ako," napalingon siya bigla sa aking kinatatayuan, at nanlalaki ang kaniyang mata.
"Si-sino ka?" Gulat niyang tanong, halos 'di naman ako makagalaw sa sinabi niya. It means nakikita na niya ako ngayon, pero bakit hindi niya ako kilala.
"Ako ito papa, si Isabelle ang anak ninyo," pagpapakilala ko.
Napapailing siya, "I-imposible ang sinasabi mo" giit niya, "W-wala akong anak!"
Napaiyak ako bigla sa sinabi niyang iyon, parang may tumusok na kutsilyo sa aking puso. "Papa, hindi niyo pa ba ako matandaan? Huwag naman kayong ganyan, ako po ito si Isabelle Louise Flores ang anak ninyo."
May narinig kaming malalakas na yabag ng mga paa mula sa labas. "Binibini, mukhang nagkamali ka lamang at maaaring magkamukha kami ng iyong ama. Paumanhin pero wala akong anak dahil wala naman akong asawa o kasintahan man lang."
Napanganga ako sa paliwanag niya. Ano ito! Naiiyak na naman ako at ang sakit naman, sarili kong ama hindi ako kilala. Magsasalita pa sana ako nang pigilan niya ako.
"Umalis kana rito dahil mapanganib," dumeretso na ito palabas ng kwarto. At heto ako ngayon naiwang tulala at hindi makapaniwala sa nangyayari. Nakita ko nga siya pero hindi naman niya ako kilala.
Napahawak ako sa aking dibdib ang sakit kasi, bakit ganun mas tatanggapin ko pang mareject ako ng isang lalaki kesa mareject ako ng sarili kong ama.
Ilang minuto rin akong tulala dahil sa nangyari, at muntikan ko pang makalimutan na may itinago si papa sa sahig na iyon. Dali-dali ko itong pinuntahan at kinuha ang book at 'yong box.
Binuklat ko yung itim na book, kaso ang problema wala akong maintindihan na salitang nakasulat rito maliban sa mga date na nakalagay. It's way back from 1865, gosh ang tagal na nito ah!
Binuksan ko din 'yong small box, laman nito ang mga pictures ng isang pamilya. Napansin ko ang picture ni papa kasama 'yung babaeng nakita ko kanina, sa likod nito nakasulat ang taong 1862. Napaupo ako sa sahig, hindi makapaniwala sa aking natuklasan.
"Imposibleng mangyaring nabuhay si papa noon pa?"
Hindi kaya---
"Kumusta, Señorita Isabelle? Muli na naman tayong pinagtagpo ng tadhana," masaya nitong wika sa aking likuran.
Kilala ko ang boses na iyon, lumingon ako sa kanya at tama nga ang aking hula.
"I-ikaw! B-bakit ka narito?" Nauutal ko na namang tanong sa kaniya.
Tumawa muna siya, "Nakakatuwa ka talaga Señorita," na ikinakunot ko naman ng noo. Ano bang nakakatawa?
"Wala naman ang itsura mo lang," sagot pa niya.
"Ah! Oo nga pala, nakalimutan ko ikaw 'yung maligno na kayang basahin ang iniisip ko," tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang sakit mo naman magsalita Señorita," sabay hawak sa kanyang dibdib. "Hindi mo ba namimiss ang kabigha-bighani kong itsura?" Pangaasar pa niyang tanong habang lumalapit sa akin.
"Wow! Nakakahiya naman 'yang sinasabi mo! Ako mabibighani saiyo?"
"Bakit hindi," nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa aking pisngi. Ang bilis niyang kumilos.
Sasampalin ko sana siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang aking kamay at sabay niya itong hinalikan.
Manyak! Sigaw ko sa isip.
"Napakatining naman ng boses mo," reklamo pa niya.
"Dapat lang 'yan saiyo!" Sabay hablot ng aking kamay.
Bakit ba kasi siya nandito? biglang sumusulpot at gumagawa nang kababalaghan.
"Nandito kasi ako para tulungan ka," presko niyang sagot.
"Tulungan ako? Kalokohan! Minamanyak mo nga ako eh! 'Yun ba ang tulong sa'yo?" Tanong ko na naiinis.
"Masiyado ka naman mapang-husga sa akin. Masama bang halikan sa pisngi ang aking fiancee?"
Mababaliw na talaga ako sa sinasabi niya, "Hoy! wala akong fiance na katulad mo ha! At 'wag na 'wag mo nga akong matawag ng ganyan!"
"Ang ganda mo pa lang pagmasdan kapag naiinis o nagagalit, paano pa kaya kapag nasa---"
"Nababaliw ka ba!" Hiyaw ko sa harapan niya, nag-iisip na siya nang hindi maganda.
Napahalakhak siya, "Wala akong iniisip ng ganiyan," naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. "Sa ngayon hindi pa kita kasintahan, pero maghanda ka dahil mangyayari iyon sa takdang panahon," dugtong pa niya.
"Sisiguraduhin ko na hindi mangyayari iyon!"
Tumawa siya nang nakakaloko. Napasabunot ako sa sarili at halos magulo ko na ang aking buhok. Bakit kasi siya pa ang nagpunta rito?! Muli akong napatingin sa kaniya at binigyan lang ako ng ngiting aso, kukulo lang ang dugo ko kapag pinansin ko pa. Inayos ko ang mga pictures at pinicturan ang mga ito. Kinuhaan ko rin ang ilang pahina sa pinakadulo bahagi ng libro, in case emergency maari ko itong magamit.
"Kailangan mo ng tulong?" alok niya.
"Hindi na!" pagmamatigas ko.
"Hindi ka makakaalis dito kung hindi ka magpapatulong sa akin."
Aba't sumusobra na itong malignong to ah!
"Nagsasabi lang ako ng totoo," umupo ito sa upuan at itinaas ang kanyang mga paa sa lamesa.
My pagka--- ugh! Never mind binabasa lang niya ang isip ko!
"Sige ka, handa naman akong ma-trap dito ng kasama ka."
Hindi ako umiimik at dumeretso na sa pintuan, kaso hindi ko ito mabuksan. Anong nangyayari?
"I told you, I'm saying the truth! Hindi ka makakalabas dito hangga't ayaw mong tulungan kita," malawak na ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha.
Napabuntong hininga na lamang ako, ano pa ba magagawa ko? Panigurado ako nag-aalala na rin sila Javier sa akin. Pinuntahan ko siya sa kaniyang kinauupuan at ibingay ang itim na libro.
"Anong gagawin ko rito?" tanong niya.
"Basahin mo siya! Alam kong marunong kang magbasa ng espanyol."
"Matalino nga ang fiancee ko."
"Hindi ako nakikipag lokohan sa'yo ha!" Seryoso kong tugon sa kaniya.
Umayos siya ng upo at biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Hindi ko pwedeng basahin ito saiyo."
"At bakit hindi?"
"Ikaw dapat ang tutuklas sa nakasulat dito dahil ito ang misyon mo."
"Nagpapatawa ka ba? Anong misyong sinasabi mo?"
"Hindi ba't hinahanap mo ang iyong ama, at kasama sa misyong iyon ay ang iligtas ang kaniyang kapatid at ang pamilyang Montemayor," paliwanag niya.
Napanganga ako sa sinabi niyang 'yun, "Malaking kalokohan ang sinasabi mo."
"Hindi ako nagloloko sa'yo. Hindi kaba nagtataka kung bakit nagpadala sa'yo si Señor Roman ng litrato niya kasama ang mansyong ito."
Teka hindi ko sinasabi ang pangalan ni papa sa kaniya at wala rin ako nabanggit tungkol sa picture.
"Oo, wala ka ngang binanggit na pangalan o picture sa'kin. Matagal ko nang kilala ang iyong ama at ganun din siya sa'kin," sabay tingin sa aking dibdib, "Nasaan ang iyong kwintas?" ma-awtoridad niyang tanong.
Sa hindi ko malamang dahilan ipinakita ko ito sa kaniya, "Chill ka lang! Suot ko ito palagi."
Tumayo na siya at lumapit sa akin, "Ito ang magdadala sa'yo patungo kay Señor Roman kaya pagkaingatan mo ito nang mabuti. At huwag ka nang mag-alala pa, dahil nasa mabuting siyang kalagayan sa katunayan nga ay hinihintay ka na niya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa tamang panahon, my Isabelle," pabulong niyang sabi.
"Ibabalik na kita sa kanila," sabay halik sa aking noo. "Sa muli nating pagkikita."
Hindi na ako nakareklamo pa, dahil biglang nagliwanag ang buong paligid at dere-deretso akong bumagsak sa sahig.
Aray! Napangiwi ako at hinimas ang aking puwetan. Lagot sa akin ang malignong 'yon!
"Isabelleee!" Tawag ni Luna, sabay yakap nang napakahigpit. Teka umiiyak ba siya?
"A-ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanila.
"Nakita ka namin unti-unting naglalaho hanggang sa tuluyan ka nang nawala sa aming paningin," paliwanag ni Javier sa akin bakas din sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.
Tinulungan ako ni John na makatayo, "Ano ba kasing nangyayari saiyo? Atsaka ano 'yang hawako mo? Saan mo nakuha iyan?"Usisa niya sa librong hawak ko.
"Diary ni papa at mga litrato ng pamilya Montemayor. May kailangan kayong malaman, si pa---" napatigil ako sa pagsasalita nang may biglang may tumigil na sasakyan sa labas ng mansyon.
Mabilis kong ibinigay ang mga ito kay Javier, "Itago mo ang mga ito, mas mainam kung nasa sa'yo ito kesa sa akin."
Naintindihan naman ni Javier ang ibig kong sabihin at itinago niya ito sa kaniyang bag. Inihanda narin namin ang aming mga sarili sa posibleng mangyari, at mabilis na tinahak ang daan sa likurang bahagi ng mansyon para makalabas dito. Sa ngayon ang goal ko ay makaalis kami ng hindi nila nalalaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro