Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capítulo 5 - Panaginip

"Dream becoming reality runs like water between the fingers."

- Willem Elsschot

*****

Isabelle's POV

Tumatakbo ako sa isang madilim na lugar, hindi ko mawari kung paano ako nakapunta rito, pero isa lang ang alam ko. Pagod na pagod na ako sa kakatakbo kaya tumigil ako sandali. Napahawak ako sa tuhod at hinahabol ang aking hininga, nang maging ok na ay agad akong dumeretso ng tayo.

"May tao ba rito?!" Sigaw ko sa kawalan, walang sumasagot kaya nagpasya na lang akong manahimik.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may naaninag akong munting liwanag sa aking harapan at sinundan ito. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay siya din paglayo ng liwanag  saakin kaya nagsimula muli akong tumakbo para maabutan ang liwanag na iyon.

"Sandali!... hintayin niyo ako!" Sigaw ko rito hanggang sa ito'y tumigil at napatigil din ako sa pagtakbo. Napansin ko na parang may gumalaw sa liwanang na yun.. parang may something pakiramdam ko pa nga lumingon pa ito. Hindi ko mawari kung tao ba iyon o anumang klaseng nilalang siya, ang mahalaga ay maabutan ito para makaalis na dito.

Nabigla na lamang ako ng mabilis na lumapit ito sa akin at halos mabulag ako sa sobrang liwanag na nilikha nito sa buong paligid.

Napabalikwas kaagad ako mula sa higaan. Ramdam ko ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinapo ang aking dibdib, pinapakalma ang aking sarili.

Kalma lang Isabelle ... Kalma lang...

Isang panaginip, nakakailang beses ko na ito napapaginipan. "Ang puting liwanag na iyon, 'yun din kaya ang liwanag na nagligtas sa akin sa pagsabog?" Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ito.                                                        

"Teka asan ba ako?" Napansin ko kasing nasa loob ako ng kwarto.

Hindi ito ang aming bahay. Malawak ang espasyo nito parang kwarto ng prinsipe o prinsesa. Magarbo ang mga kagamitan at mukhang galing pa ata sa ibang bansa. Malalaki din ang iba't ibang paintings na nakasabit sa wall. Hindi rin ganoon kaliwanag ang buong silid pero may mga ilaw naman na nagmumula sa mga lamparang nakasabit sa pader. Akalain mo uso pa pala ito, mostly sa mga old western movies ko lang ito nakikita.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng kaunting sakit sa aking katawan...

Wait... hindi kaya...

Napahawak ako bigla sa aking sarili, kinapa ang aking dibdib, tiyan at agad kong itinaas ang kumot. Napahinga ako ng maluwag, mabuti nalang may damit ako. Walang pinsalang nangyari.

"Huwag kang mag-alala Señorita, wala akong ginawang kababalaghan sa'yo," malamig na sabi ng lalaki sa aking tabi.

Mabilis pa sa alas-cuatro akong lumundag palayo sa kamang iyon lalo na sa lalaking nagsalita.

"S-sino ka?" Nauutal kong tanong sa kaniya.

Bahagya itong natawa, "Masiyado ka namang magugulatin, Señorita Isabelle Louise Flores"

Nanlaki ang aking mga mata, Pa-paano niya ako nakilala? Ni hindi ko nga siya kilala.

"Tama ka, hindi mo nga ako kilala pero ikaw kilalang-kilala ko." Sabi niya at napahalukipkip pa ito. Hindi ko masiyado maaninag ang kaniyang mukha dahil medyo madilim sa parte ng kaniyang kinauupuan.

"Pa-paano mo nababasa ang aking iniisip?" pagkamangha kong tanong sa kaniya. Oo, nakakagulat pero paano nangyari 'yun?

Hindi ito umimik. Wala yatang balak sagutin ang aking tanong. Ok fine! Inayos ko ang aking sarili at tumayo ng diretso.

"Maari ko bang malaman kung nasaan ako?"

"Sa bahay ko," tipid niyang sagot.

"Yun lang ang sagot mo?"

"Bakit? Iyon lang naman ang tanong mo."

Aba't pilisopo tong kumag na to!

"Naririnig ko ang iniiisip mo Señorita kaya mag-iingat ka," may halong pagbabanta ang kaniyang tono.

"Ughh! Sumasakit ang ulo ko sa'yo, hindi mo kasi kumpletuhin ang sagot mo!" 

He gave a deep breath, saka tumayo sa kaniyang inuupuan. "Masiyado pang maaga para mapadpad ka sa panahong ito," he said in a serious tone. "Kailangan na kitang ibalik doon para maunawaan mo ang lahat."

Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa kaniyang sinabi at saka bakit niya ba ako tinatawag na Señorita? May lahi ba siyang Espanyol?

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya ngayon. Shems! Ang tangkad niya ha. Ano ba Isabelle! Ngayon ka lang ba nakakita ng matangkad ha? Suway ko sa sarili. Bigla akong napaatras nang tatangkain niyang hawakan ako.

"S-sandali anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya, teka bakit kabado ako hindi ba't kaya ko naman protektahan ang aking sarili.

Nakita ko siyang ngumiti, iba ang ngiti niyang iyon at mas lumapit pa ito sa akin na siya rin pag-atras ko palayo sa kaniya. Mahirap na baka kung ano pa ang gawin nito. Napanganga na lang ako ng makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha at katawan.

He's wearing a thin white long sleeve and a black pants, na karaniwan kong nakikita sa mga book cover ng erotic novel. Halata ang magandang hubog ng kaniyang katawan. He looks so damn sexy! Isabelle stop it! Isipin mo  ang katawan ng mga kapwa mong sundalo, si Javier. Tama si Javier, maganda rin ang katawan ng bestfriend ko! May abbs din 'yun at biceps.

Bahagya siyang natawa.

"Langya naman oh! Wag mo ngang basahin ang iniisip ko!" Naiilang kong sabi sa kaniya.

"Pasensiya na, pero hindi ko mapigilan, Señorita" sabay ngiti sa'kin.

My ghadd!!! Ang lalim ng dimples niya sa magkabilang pisngi, ang tangos din ng ilong, bagay din sa kaniya ang makapal niyang kilay. Makinis ang kayumanggi niyang balat at yung kulay brown niyang mga mata. May kakaiba sa mata niyang iyon, ito yung tipong kapag tinitigan mo para kang malulunod at saka yung buhok niya parang ang sarap hawakan. Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras.

Hoy Isabelle! Yung iniisip mo! Suway ko sa sarili.

He smirked, "Hindi ko akalain na magaling ka palang kumilatis ng aking pisikal na kaanyuan."

Gosh ba't ganyan siya magsalita.

Napaiwas na lang ako ng tingin, nakalimutan ko nga pala may kakayahan siyang basahin ang aking iniisip.

"Kailangan mo nang bumalik sa panahon mo," malumanay niyang sabi.

Doon ko lang naalala na dapat na ngang bu--- napatigil ako bigla, "A-anong sabi mo? hindi ko ba ito panahon?" Tanong ko sa kaniya pero hindi man lang niya ito sinasagot.

Napahimas na lamang ako sa aking mukhang wala na naman akong makukuhang sagot sa kaniya. "Ganito na lang, kakapalan ko na ang aking mukha. Pwede bang ihatid mo na lang ako sa sakayan, hindi ko kasi alam kung saang lupalop na ako ngayon."

"Huwag kang mag-alala iuuwi na kita sa kanila," sabay tingin sa suot kong kwintas at marahan niya itong hinaplos. Napalunok ako wala sa oras sa ginawa niyang yun. Ang creepy niya talaga!

"Huwag na huwag mo itong iwawala, ito ang  laging tutulong sa iyo sa anumang kapahamakan." Sabi niya at mukhang seryoso naman ngayon ang kaniyang aura.

Napakunot-noo ako, halos parehas kasi sila ni papa ng pagkakasabi 'nung araw na ibinigay ni papa ito sa araw ng debut ko. Napatingin tuloy ako sa kwintas kong suot. An old necklace with a unique style, napapalibutan ito ng diseniyo ng flower. Ang paborito kong bulaklak ang Irises.  Sa loob nito nandoon ang malaking bato na aqua blue ang kulay. Sabi ni papa, nagiisa lang ito sa buong mundo at galing pa ito sa kaniyang ancestors.

Muli akong tumingin sa kaniya at  nanlaki ang aking mata nang bigla niya na lang akong itinulak, as in 'yung tulak talaga. Napapikit ako dahil paniguradong tatama ang aking katawan sa kung anumang bagay na nasa aking likuran.

Isa..

Dalawa..

Tatlo...

Wala akong naramdaman ng kahit ano kaya iminulat ko ang aking mata.

"A-anong nangyayari?" Naguguluhang kong tanong sa kaniya habang nakalutang na ako sa ere. At siya ayun nandoon lang sa itaas nakatingin  sa akin at mukhang nasisiyahan pa.

"S-sino ka ba talaga? Bakit ayaw mong sagutin yung mga tanong ko?" Nagtataka na talaga ako sa pagkatao niya, pero bakit hindi man lang ako nakadama ng kahit na anong pangamba?

"Sa takdang panahon Señorita Isabelle, sa takdang panahon... magkikita tayong muli," sabi niya at bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Napakurap pa ako ng maraming beses sa nangyari, mukhang maligno ata ang lalaking iyon kaya ganun na lang siya ka-gwapo.

Tsk! Sayang! 

Nakaramdam ako na parang may humugot sa aking katawan hanggang sa derederetso na akong nahulog sa kawalan.

"Isabelle! Isabelle!" Nagising ako sa pagkakayuyog ng aking katawan. Nakita ko yung mukha ni Javier habang tinatawag niya ang aking pangalan.

"Ayos ka lang ba? Nanaginip ka, kaya ginising kita kaagad," nag-aalalang sabi niya.

Doon ko lang naalala na lumuwas na pala kami ng Maynila, para puntahan ang bayan ng San Fabian. Umayos ako ng upo at napatingin sa aking likuran, mahimbing natutulog sila Luna at John sa back seat.

Mukhang napapadalas ata ang kakaiba kong panaginip, tumingin ako kay Javier at nginitian siya. "Ayos lang ako."

"Sigurado ka?" Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Muling ipinaandar ni Javier ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang magpahinga, pwede naman akong magdrive" offer ko sa kaniya.

"Kaya ko pa, matulog ka nalang dahil ngayon pa lang nakakabawi ang iyong katawan."

"Thank you, Javier. Kahit kailan maasahan talaga kita," saad ko habang nakatingin sa kaniya.

Javier is my childhood bestfriend, lahat na ata ng baho at kolokohan ko ay alam niya. I'm blessed, dahil lagi siyang nandiyan sa tabi ko for better or worst. And until now hindi pa rin siya nagbabago, siya 'yung taong laging nag-aalala at laging nanenermon sa akin. 

"Itulog mo nalang 'yan Sab, kung ano-ano na kasi ang sinasabi mo," sita nito.

"Eto naman nagmomoment lang, atsaka hindi na ako makatulog dahil nagising na rin naman ang diwa ko." Hindi na siya nagsalita pa at pasimpleng natawa sa sinabi ko.

Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa daan na aming tinatahak. Medyo may kadiliman pa ang paligid, ngunit marami na akong nakikitang mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalsada, habang ang iba naman ay naghihintay ng masasakyan. May nadadaanan narin kaming kabahayan at mga tindahang nagsisimula nang magbukas. Napaisip tuloy ako, masarap sigurong mamuhay sa probinsya, yung simpleng buhay lang ba na wala ka masyadong iniintindi. 

Ano kayang mangyayari sa'kin kung isa lamang akong normal na mamayanan ng bansa. 'Yung hindi mo iintindihin ang kahit na anong problema ng bayan basta makakain ka lang ng tatlong beses sa isang araw ay ok na.

Masarap siguro ang ganun buhay. Iba siguro ang buhay naming apat ngayon kung hindi kami naging sundalo.

Tahimik na sana ang buong biyahe namin nang makarinig kami ng isang malakas na hilik mula kay John. Sabay pa kami natawa ni Javier at napatingin sa itsura nito na nakaliyad at naka-nganga pa. Hindi na talga siya magbabago. Habang si Luna naman ay nakasandal sa bintana at may suot na headset. Kung pagmamasdan ang itsura ng mga 'to hindi mo aakalaing mga sundalo. Sa bagay iyon naman talaga ang impression sa aming apat maliban nalang kung makita nila kaming naka-uniform.

Nababagot na ako, hindi ko kasi akalain na may kalayuan din pala ang bayang ito at sumasakit na rin ang puwet ko sa tagal na nakaupo. Mostly kasi kung hindi kami nakachopper ay sa airplane kami sumasakay para mabilis ang biyahe.  Magtatanong sana ako kay Javier nang biglang sumulpot ang isang magulong ulo sa pagitan naming dalawa.

"Pre, pa stop-over naman sa gas station. Ihing-ihi na kasi ako," pakiusap ni John habang nakapikit ang kaniyang mata at napahikab pa ng malalim.

"Tiisin mo muna pre! Mga 5 minutes pa, nasa bayan na tayo 'dun kana umihi" sagot ni Javier at pinaharurot na ang sasakyan.

Habang papalapit na kami sa bayan, hindi ko naman maintindihan ang aking nararamdaman  wari'y may masamang mangyayari. Hindi ko man alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng aming pagpunta sa bayang ito.... pero isa lang ang nakakasiguro ako.









Makikita ko na si Papa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro