Capítulo 4 - Litrato
There are two types of pain.
Pain that hurts you and Pain that changes you.
*****
Isabelle's POV
"Isabelle, hindi ka ba dadalaw sa kaniya?" Nag- aalalang tanong sa akin ni Luna. Oo nga pala, dalawang linggo na ang lumipas nang mangyari ang gabing iyon. Hindi rin ako sumipot sa araw ng libing ni Sam, dahil mas pinili ko pang magkulong nalang sa aking kwarto.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito, "Sana huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Sam. Tandaan mo sa buhay ng isang tao kailangan natin tanggapin ang mga bagay na hindi naaayon sa ating kagustuhan."
Napatingin ako sa kaniya, sa totoo lang sa aming apat masasabi kong mas matatag at matapang si Luna. Isang katangian na sana meron din ako, siguro kaya niya ito nasabi dahil narin sa mga karanasan niya noong bata pa siya. Pinagmasdan ko siya ngayon, ang layo na niya sa batang kalye na nakilala ko noon.
Samantalang ako, narito umiiwas sa problema, nagtatago at isinara ang aking sarili mula sa mga taong nagpapahalaga sa akin. Pinaparusahan ko ba ang aking sarili? o hindi ko lang matanggap na wala akong nagawa para sa kaniya? Kahit ako mismo ay hindi ko rin alam ang kasagutan sa sarili kong katanungan.
Nagtungo na ito sa pintuan palabas ng aking kwarto, napapagod na siguro siyang unawain ako. "Huwag mo sana kalimutan na kailangan pa natin hanapin ang papa mo. Alam kong nagluluksa ka pa sa kaniyang pagkawala, naiintindihan ko 'yun dahil kaibigan din namin siya. Pero sa pagkakataong ito maisip mo rin sana na kailangan ka ngayon ni Tito Roman, Isabelle. Buhay pa siya at kailangan ka niya... kailangan ka namin." Binuksan na niya ang pintuan, "Nandito na si Gen. Sandoval sana magawa mo na siyang harapin, ilang araw na rin siya pabalik-balik dito." Dugtong pa niya at tuluyan na siyang lumabas ng aking silid na hindi man lumilingon sa akin.
Ilang araw nila akong pinag-tyagaan kausapin pero ni isa sa kanila ay hindi ko pinapakinggan.
Sumosobra na yata ako...
Tumayo ako at lumapit sa salamin, pinagmasdan ang aking sarili. Bakas pa sa 'king pisngi ang mga naghihilom na sugat. Ilang araw na wala pang maayos na tulog, dahil sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata naaalala ko ang gabing iyon. Napahawak ako sa aking maputlang mukha.
"Ako na ba ito?", bulong ko sa sarili. Tama nga si Luna kailangan ko nang ayusin ang aking sarili hindi namin mahahanap si Papa kung patuloy akong ganito at sigurado akong hinihintay niya na rin ako.
*****
Third Person's Pov
Abala sila Javier sa pagkalkal ng mga gamit na pwedeng makatulong sa paghahanap nila kay Roman, habang si Gen. Sandoval naman ay may kausap sa telepono para alamin ang kalagayan ni Manang Criselda. Medyo nahirapan pa sila dahil sa dami ng libro at mga papeles na nagkalat. Simula kasi ng sumalakay ang mga armadong lalaki ay hindi pa nila ito ipinapalinis.
Napatigil silang lahat sa kanilang gingawa ng biglang may pumasok sa silid na iyon. Lihim naman napangiti ang tatlo ng makita nila si Isabelle, habang si Gen. Sandoval naman ay nagmamadaling lumapit sa dalaga at binigyan ito ng mahigpit na yakap. Sobra itong nagalala sa kalagayan ni Isabelle, nakita kasi niya ang sitwaston nito matapos ang kanilng rescue operation sa Jolo.
"Ni-nong, hi-hindi po ako makahinga" reklamo ni Isabelle.
"Pa-pasensiya kana Hija hindi ko lang mapigilan, masyado mo kasi akong pinag-alala. Teka, wala na bang masakit sa iyo? Yung sugat mo magaling na ba?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Ayos na po ako ngayon, Ninong. Kailangan ko lang siguro kumain ng maayos para manumbalik ang aking lakas." Masaya niyang wika pakiramdam niya nawala ang bigat na nararamdaman niya nitong mga nakalipas na araw.
Tumingin naman siya sa kaniyang mga kasama, "Pasensiya na kung pinag-alala ko kayo ng husto at maraming salamat dahil sa walang sawa niyong panenermon sa akin"
"Mukhang ok na siya!" Natatawang wika ni John sa kanila at lumapit ito kay Isabelle at ginulo ang maayos nitong buhok.
"Hoy! Nagpakahirap akong ayusin ito tapos guguluhin mo lang!" Naiinis nitong sita sa binata.
"Maayos?" Binigyan niya ito ng mapanuring tingin, "Kahit kailan matagal nang magulo ang buhok mo," Pangaasar ni John.
Nawalan man sila ng isang kaibigan, masaya siyang makita si Isabelle na nakabalik na ito sa pagiging pasaway at maingay niyang kapatid.
"Pero sa totoo lang masaya akong maayos kana, Little Sis!" Dugtong pa ni John sabay yakap sa dalaga.
Napangiti si Isabelle sa kaniyang narinig.
Naalala tuloy ni Isabelle kung paano niya ito nakilala, pitong taong gulang palang si John ng kinukop ito ng kanyang papa noon sa isang bahay ampunan. Sa una inaamin niyang nahirapan siyang kilalanin ang bagong miyembro ng pamilya ngunit di rin nagtagal ay naging mas malapit pa sila sa isa't-isa. At kahit hindi sila tunay na magkadugo ay ipinaramdam niya sa binata ang pagmamahal ng isang kapatid.
"Teka, hindi pwedeng kayo lang sasali din kami," wika naman ni Luna at sabay pa sila ni Javier na yumakap sa dalawa, ito ang namiss ni Isabelle. Tila nawala ang lungkot ng kaniyang puso, wala na siguro papantay pa sa malalim nilang samahan na pinakaiingatan ni Isabelle.
Matapos ang mahaba nilang kumustahan ay
nagkaroon na ng pagkakataon si Isabelle na maikwento ang lahat ng mga pangyayari ng gabing iyon. Hindi rin sila makapaniwala na kasama pala si Vincent sa mga kalaban, ang dating miyembro ng Alpha team. Naikwento din ni Isabelle ang kakaibang pangyayari tungkol sa puting liwanag na bumalot sa kaniya para makaligtas sa pagsabog ng lugar.
"Kung ano man ang liwanag na 'yon ay sobra akong nagpapasalamat dahil kasama ka parin namin ngayon," wika ni Luna at mahigpit na hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Tama si Luna," pagsang-ayon ng dalawang binata.
"Kung nakita mo lang Sab, kung paano ma--," hindi na natuloy pa ang sasabihin sana ni John, dahil mabilis na tinakpan ni Javier ang bibig nito.
Nagtatakang napatingin si Isabelle kay Luna, ngunit nagkibit balikat lamang ito.
"Siya po pala ninong, baka may idea po kayo kung saan pwedeng magtago si papa? As I remember, paulit-ulit nila akong tinatanong kung nasaan ito," tanong ni Isabelle.
Hindi umimik si Gen. Sandoval, may kinuha ito sa loob ng kaniyang bag. Inilabas niya ang isang brown envelope at ibinigay sa kanila. "Sana makatulong ito, para magkaroon kayo ng lead kung nasaan ngayon si Roman."
Nagtataka man ay agad itong binuksan ni Isabelle at nakita ang isang picture. Lahat sila'y napatingin dito, bakas sa kanilang mukha ang pagtataka. Picture ito kung saan nakatayo ang kanyang Papa sa harap ng isang lumang mansion. Naguguluhang silang napatingin kay Gen. Sandoval.
"A-ano po ang ibig sabihin nito, Ninong? Nakita na po ba si Papa?" Nagbabaka-sakaling tanong ni Isabelle.
Napailing lang ito sa kaniya. "Hindi pa, pero may nagpadala niyan sa aking opisina nang gabi ng inyong misyon sa Jolo. Hindi rin namin ma-trace kung kanino galing ito. Pero isa lang ang sigurado ako... alam ko kung saan ang lugar na iyan."
"Saang lugar po ito?" tanong agad ni John.
"Sa Bayan ng San Fabian," tugon nito at sumandal sa kaniyang kinauupuan. "Ang hometown ni Roman. Puntahan niyo ang lugar na iyan at hanapin ang mansion na nasa litrato, sigurado akong dito siya nagtungo."
"Kung ganun po, may chance tayo na mahanap siya sa lalong madaling panahon," wika naman Javier.
"Maari, Hijo. Ang mahalaga maunahan niyo ang mga taong nagnanais na mahanap siya," wika nito sabay tingin kay Isabelle. "Lalo kana Isabelle, panigurado akong alam na nila ngayon na buhay ka pa. At sa mga oras na ito may nakasubaybay na ngayon sa bawat kilos mo, kaya paghandaan ninyo itong mabuti. Hindi ordinaryong grupo ang gumawa nito, nagawa nilang mandamay ng ibang tao so magagawa rin nila itong muli sa pangalawang pagkakataon." Makahulugan niyang sabi sa kanilang lahat.
"Naiintindihan po namin ninong, pero paano po a--" - Isabelle
"Ako na ang bahala sa mga trabahong maiiwan niyo," putol niya sa dalaga. Tumayo ito at inayos ang kaniyang suot. "Bueno, kailangan ko na rin umalis."
"Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Isabelle
"Kailangan kong dumalaw kay Manang Criselda, para asikasuhin ang kaniyang mga kailangan. At naroon daw ngayon ang mga pulis para tanungin siya sa pangyayari. Mabuti na lang nai-forward na ni John ang cctv footage ng bahay para hanapin ang mga ito."
"Kung ganun po, ikamusta niyo po ako sa kaniya, Ninong" malungkot na sabi ni Isabelle. Hindi kasi siya pinahintulutan makadalaw sa hospital sa pangamba na atakihin sila ng mga kalaban, at ayaw niya rin na may madamay pang ibang civillian.
Tinapik ng General ang balikat ng dalaga, "Huwag kang mag-alala, maayos din ang lahat. Mag-iingat kayo lalo ka na Isabelle. Maging handa ka sana sa lahat ng mangyayari at huwag mong kakalimutan na nandito lang kami para saiyo." Niyakap muli ni Gen. Sandoval si Isabelle, "Sa muli nating pagkikita," bulong nito.
Hindi maintindihan ni Isabelle kung bakit ganun ang sinabi nito sa kaniya, pero kahit ano pa man iyon ay panatag siya dahil lagi siyang pinapaalahanan nito. Sinuklian niya ng mahigpit na yakap ang kaniyang ninong bago ito tuluyang lumabas ng silid.
"¿Por qué no le dijiste?" Why you didn't tell her? Tanong ng isang lalaki na nakasunod sa likuran ni Gen. Sandoval.
"Todo llega a ella en el momento adecuado. Ten paciencia, Edmundo." Everything comes to her at the right time. Be patient, Edmundo.
"Si, Senor"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro