Capítulo 3 - Rescue Operation
"True soldiers of hope do not do what they do for glory, fame and to be superior over others, they do what they do because of the love in their heart and soul and for the greater good of mankind."
- Rick Quin
*****
"Capt. Flores, nakaposisyon na ang mga sniper natin hinihintay na lamang nila ang hudyat mo," pagrereport sa'kin ni De Vera sa kabilang linya.
"Ihanda mo ang iyong grupo sisimulan natin ang operasyon saktong 22:00," pahayag ko habang nakatingin sa aking relo. Matagal-tagal narin kaming nagmamatyag sa mga kalaban at mukhang may nagaganap pang kasiyahan sa loob.
Sa ikatlong pagkakataon muling nagsama-sama ang buong PSF (Philippine Special Forces). Sa ngayon pinangungunahan ni De Vera ang grupo ng mga sniper, si Malvar naman ang nangunguna sa bravo team at sila Santos at ang kalahati ng Charlie Team ang mangunguna sa pagkuha ng mga bihag at ang magdadala sa mga sundalong naghihintay sa dalampasigan. Habang si Gallego naman ang aking makakasama at ang unang susugod sa kuta ng kalaban.
Tinapik ko ang balikat niya, na abala sa pagtingin sa maliit na screen nakakabit sa kanyang braso, "Nakita mo ba kung saan nila itinago ang mga bihag?"
"Yes Capt., dalawang kubo ang nasa loob ng kutang ito. Sa maliit na kubo nila inilagay ang mga bihag pero ang malaking kubong ito.."
"Bakit ano nakita mo?"
"Walang laman ang loob nito, wala ring tao," pahayag niya. Nakikita niya ang mga kaganapan sa loob dahil ginamit nito ang Dragonfly Surveillance Robot. Isang uri ng surveillance camera na ginagamit para malaman at matukoy kung ano ang mga plano at kilos ng mga kalaban. Napakaliit lang nito kaya mahirap mapansin ninuman.
"Hayaan mo, titignan ko 'to mamaya," nahagip ng aking paningin ang kasalukuyang pagpapalit ng bantay. "Umayos kana Gallego, magsisisimula na ang ating mission."
Sa oras na ito hindi kami pwedeng magpadalos-dalos, dahil isang pagkakamali malalagay sa alanganin ang buhay ng mga bihag.
*****
Nakatago ako ngayon sa madilim na parte ng damuhan kung saan ilang dipa na lamang ang layo ko sa nagbabantay. Gamit ang aking baril na may silencer mabilis ko itong binaril sa ulo na agad nitong ikinatumba. Lumapit agad ako sa pintuan at kinatok ito ng ilang beses. Lumabas ang isang lalaki, at laking gulat nito nang makita niya ako, sisigaw sana ito ngunit mabilis ko itong binalian ng leeg.
"Im in!" hudyat ko sa aking mga kasama kasabay ng pagbaril nila sa iba pang nagbabantay sa labas ng kanilang kuta. Ngayon nasecure na namin ang labas, kailangan na namin makuha ang mga bihag.
Mabilis kaming nagkubli ni Gallego sa likod ng kubo, gamit ang kaniyang maliit na robot na tinatawag niyang "adbot" (dahil siya mismo ang lumikha nito) nakikita namin mula sa screen na patuloy parin ang kanilang kasiyahan. Nakaupo ang mga 'to sa isang mahabang lamesa, masayang nag-aasaran at nag-yayabangan sa bawat isa. May iba na tinamaan na ng kalasingan at ang iba naman ay patuloy parin sa paglaklak ng alak.
"Gallego, gawin mo na," utos ko.
May pinindot siya sa maliit na screen at kusang gumulong ang tatlong "adbot" na ito patungo sa pwesto ng mga kalaban. Napansin ito ng isang lalaki at kaniyang kinuha, pinagmasdan niya ito ng mabuti na para bang bago sa kaniyang paningin.
"M-mga k-a-sama may laruan ako ri-to," napasinok pa ito at kaniyang itinaas para makita ng iba.
Tumingin naman ang kaniyang kasama sa hawak niya at sila'y natahimik ng bigla itong gumalaw ng kusa at naglabas nang makapal na usok, kasabay ng dalawa pang adbot na nasa ilalim ng kanilang lamesa.
Nakita namin kung paano sila isa-isang nagsitumbahan, hanggang tuluyan na silang nawalan ng malay. Ang gas na lumabas sa adbot ay hindi lason kundi isang pampatulog ang problema nga lang nito kapag ito'y nalanghap ng isang tao makakaramdam ito ng matinding pagkahilo at hindi mo magagawang makapagsalita pa hanggang sa tuluyan ka nang makatulog. Dumedepende ang tagal ng epekto nito sa kung ilang vial ang inilalagay ni Gallego sa mga adbot niyang 'yon.
"Gaano katagal ang epekto niyan, Gallego?" Tanong ko habang iniisa namin inuusisa ang mga kalaban.
"Kinabukasan pa yan magigising," pagmamalaki pa niyang sabi sabay ngisi sa'king harapan.
Napahimas nalang ako ng mukha, " Hindi 'bat sinabi ko mga 3 oras lang ok na 'yun, masiyado nang matagal 'yan."
"Ay! Oo nga pala sorry boss," sabay alis sa aking harapan.
Kahit kelan talaga ang lalaking iyon! TSK!
Pumasok na ang grupo ni De Vera at isa-isa nilang kinuha ang mga tulog na kalaban, kakailanganin namin sila para sa imbestigasyon at para pagbayaran sa kanilang kasalanan.
"May kakaiba sa nangyayari," sambit ni De Vera habang papalapit ito saking puwesto. Bakas sa kaniyang mukha na hindi siya mapakali.
Tama siya may kakaiba talaga, parang may mali sa nangyayari na hindi ko maintindihan.
"Flores, may kailangan kang makita," sabi ni Santos sa kabilang linya. Nagkatinginan naman kami ni De Vera at mabilis kaming nagtungo sa maliit na kubo.
Pumasok ako sa loob at nakita ang seryosong mukha ni Santos. "Anong problema?"
"Sandali! Diyan ka lang," pagpigil niya sa'kin. "Delikado ang lugar na ito," bigla siyang lumuhod at may hinawakang manipis na tali sa kaniyang harapan.
Doon ko lang nakita na puno ito ng maninipis na tali na umuugnay sa mga granadang naka-kabit sa pader. At para makuha ang mga bihag kailangang maingat itong putulin ni Santos.
"Mukhang mahilig maglaro ng bomba ang gumawa nito" wika niya, habang seryosong inuusisa ang mga tali kung pano niya ito matatanggal. Wala akong masabi, sa aming apat si Santos ang may expertise pagdating sa mga bomba.
Tumingin ako sa mga bihag. Lahat sila ay nakapiring ang mga mata, may busal sa kanilang bibig at nakatali ang mga kamay at paa. Ngunit wala si Sam.
"Puntahan mo na si Sam, ako na bahala rito," wika ni Santos.
"P-ero.."
"Huwag kang mag-alala kaya ko na'to, bigyan niyo lang ako ng ilang minuto at mailalabas ko sila ng ligtas," pagkukumbinsi niya sakin.
Tumango ako at lumabas ng kubo, agad kong sinabihan sila Gallego at iba pang mga sundalo na bantayang mabuti ang paligid ng kubo at kung sino mang kalaban ang magtangkang lumapit sa kanila ay barilin ito kaagad.
"Malvar, anong sitwasyon diyan sa labas?"
"Capt., tahimik parin walang senyales ng mga kalaban," sagot niya sa kabilang linya.
"I-secure niyong mabuti ang buong paligid ng kuta at wala kayong papasukin ng sinuman. Kelangan pa natin bigyan ng oras si Santos, para matanggal ang mga bomba at ma-secure ang mga bihag."
"Copy that, Capt.," tugon ni Malvar.
Kasama si De Vera, mabilis at maingat naming pinasok ang kubo, and as I expected wala ngang kagamit-gamit ang loob nito. Walang kwarto o pintuan man lang sa likurang bahagi.
"Pinaglalaruan lang tayo ng mga kalaban," sambit ni Javier. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis.
"Alam nila na susugod tayo pero nakakapagtaka iniwan nila ang mga bihag." Ani ko habang nag-lalakad patungo sa gitnang bahagi ng kubo nang may natapakan akong takip sa lupa, agad ko itong inusisa. Isa itong lagusan. Bigla kaming nakarinig ng putukan sa labas ng kuta.
"Capt., napapalibutan tayo ng mga kalaban!" Report ni Malvar sa kabilang linya.
"Ano!" Gulat kong sabi, nauubusan na kami ng oras at hindi pa tapos si Santos.
"Hold your position, make sure na walang makakapasok!" Mariin kong utos.
"Yes, Capt."
"De Vera, I need your sniper skills now. May mataas na puno sa likurang bahagi ng kubong ito. Kailangan mong protektahan ang mga bihag, once na mailabas ni Luna ang mga ito."
"Hindi kita pwedeng iwan dito," nag-aalalang niyang sabi.
Ngumiti ako. "Huwag kang mag-alala, kaya ko ang aking sarili," sabay kasa ng aking baril. "May tiwala akong mailalabas niyo ng buhay ang mga bihag, susunod kami ni Sam sa inyo."
Alam kong napipilitan lamang siya sa gagawin niya, dahil bakas sa mukha nito ang 'di pagsang- ayon sa aking sinabi at sumunod sa aking utos.
Itinaas ko na ang nakaharang na takip at maingat akong bumaba ng hagdang iyon, para hindi makalikha ng anumang ingay. Katulad ito sa lupang hinukay nila malapit sa plaza, maayos ang pagkakabutas at maliwanag din ang daan patungo sa pinakadulong bahagi. Wala man lang akong nakikitang anumang bantay kaya mabilis kong tinahak ang daang ito patungo sa pinkadulong bahagi.
Napansin kong pabilog ang hugis nito at may poste sa gitna. Nanlaki ang aking mata at hindi makapaniwala sa sitwasyon ngayon ni Sam. Agad ko itong nilapitan.
"Sam! Gumising ka!" Tawag ko sa kaniya habang kinakalas ang mga tali sa kanyang kamay at paa.
Kalunos-lunos ang kaniyang sinapit, puno ng bugbog at sugat ang kaniyang mukha at iba pang parte ng katawan. Nang-gagalaiti ako ngayon sa galit dahil pinahirapan nila ito ng husto.
Hindi sila tao kundi HAYOP!
Bigla kong narinig sa kabilang linya si Santos, "Capt., target secured!"
"Extract the target Asap!" I command. "Nakuha ko na rin si Sam."
"Co---" Hindi ko na narinig pa ang kaniyang sinabi at narinig ang isang matinis na tunog, tinanggal ko kaagad ang earpiece sa'king tenga.
"I-I-sabelle" mahinang tawag ni Sam, halata ang nanunuyo nitong lalamunan.
"Sshhh, huwag kang mag-alala nandito na ako, nandito na kami," isinabit ko ang isa niyang braso sa aking leeg at tinulungan ko itong makatayo.
Maingat ko siyang inalalayan sa paglalakad, binabaybay namin ang lagusan palabas nang biglang humarang ang tatlong lalaki sa aming daan.
"Sa tingin niyo ma--" hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin dahil mabilis kong pinagbabaril ang mga ito sa kanilang ulo. Hindi pa ito sapat para pagbayaran nila ang ginawa nila kay Sam, wala rin akong panahon para pagaksayahan pa sila ng oras.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa marating namin ang hagdan paitaas. Pinauna ko siya habang ako naman ay nasa likuran niya. Nagulat ako nang biglang may humatak sa kaniyang buhok at may nakatutok na baril sa aking ulo.
"B-i-bi-tiwan niyo 'ko" mahinang pakiusap ni Sam habang pilit niyang inaalis ang kamay ng lalaking humawak sa kaniyang buhok. Pero hindi ito tumigil at walang kahirap-hirap itinaas ng lalaking iyon ang pagkakahawak niya sa buhok ni Sam na ikinaangat niya sa lupa.
"Itigil mo yan!" Galit kong sigaw sa kaniya, susugurin ko sana siya ng bigla nalang may humampas sa aking ulo na agad kong ikinatumba. Sobrang sakit at halos maalog nito ang aking utak. Pinilit ko parin tumayo, hindi ko makita ang mukha ng mga ito dahil may suot itong itim na maskara at halos parehas lang din ang aming mga suot ang kaibahan lang ay kulay itim ito.
Napahalakhak ng malakas ang lalaking humampas sa'kin, "Akalain mo nga naman magkikita tayo rito!" Pamilyar sa'kin ang boses niya.
"Vincent?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.
Tinanggal niya ang kaniyang maskara, "Long time no see my ex-partner"
Malaking pagtataka ang gumuhit sa'king mukha, "B-b-akit Vincent?" Nauutal kong tanong sa kaniya, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. "Kaibigan mo rin si Sam!" Histeryang sigaw ko rito.
Wala man lang emosyon itong nakatitig sa'kin, na para bang isang malaking biro ang aking sinabi.
"Kaibigan? Wala akong kaibigan!" Malamig niyang tugon.
Nakita kong iniangat pa lalo ng kasama niya ang katawan ni Sam na parang isang hayop. Kahit hirap, pinilit niyang pumiglas sa hawak nito.
"Pakiusap Vincent, ako ang kailangan niyo diba? Hayaan niyo na si Sam, wala siyang alam," pagmamakaawa ko sa dati kong kasama. Hindi ganito ang Vincent na nakilala ko.
Tumawa lang ito na parang demonyo, "Totoo ba ang naririnig ko mula sa bibig mo? Marunong ka palang magmakaawa!" Lumapit ito sa akin at may ibinulong, "Pasensiya na pero napag-utusan lamang," bigla niya akong sinikmuraan, napaluhod ako sa lupa at iniangat niya ang aking ulo.
"Pagmasdan mo ang iyong kaibigan!" Sigaw niya na tuwang-tuwa sa nangyayari.
Umiiyak si Sam na nakatingin sakin, at umiiling ito hindi ko siya maunawaan.
"Nasaan ang iyong ama?" Tanong ng malaking lalaki, malalim ang boses nito.
"Hindi ko alam! Hindi ba't nakuha niyo na siya?"
"Uulitin ko. Nasaan siya?"
"Hindi ko nga alam! Nagsasabi ako sainyo ng totoo! Kaya pls. huwag niyo na siyang idamay pa dito." Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa, wala na akong pakialam kung ano pa isipin nila sa'kin ngayon ang mahalaga wala silang gagawing masama kay Sam.
"Hindi mo talaga sasabihin?" Mas lalo pang hinigpitan ni Vincent ang pagkakahawak niya sa'king buhok.
"Wala talaga akong alam! Kahit patayin niyo pa ako wala rin akong masasagot sa tanong niyo!"
Nakakailang ulit na rin sila nagtatanong at halos ganun lang din ang aking sagot, kaya paulit-ulit din ang malalakas na tadyak, sipa at suntok na binibigay nila sa'kin. Mas ok na ito kesa si Sam pa ang kanilang saktan. Natigil ang pananakit nila sakin nang magsalita si Sam.
"M-a-kinig ka sa'kin Isabelle," pinipilit ni Sam magsalita kahit hirap na ito sa kaniyang sitwasyon. Mapait itong ngumiti habang pumapatak ang kaniyang luha. "Tanggap ko na hanggang dito na lamang ako, ipangako mo sakin hahanapin mo si Tito Roman unahan mo sila!" Madiin ang pagkakasabi niya sa huling salita.
Napapailing ako sa kaniya, hindi pwede hindi ko hahayaang pati si Sam kukunin nila. Bigla akong itinayo ni Vincent at itinulak pababa ng hagdan.
"Aah!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Isang bagay ang tumusok sa'king tagiliran.
"Adios Mi Amigo!" Masayang paalam ni Vincent sa'kin at humarap ito sa kasamahan niya. "Tapusin mo na 'yan," utos niya sa kasama.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya... No.. Narinig ko ang pagmamakaawa ni Sam sa kanila, pero hindi nila ito pinapansin. Hindi pwedeng mangyari ito, pilit kong umakyat ng hagdan pero natigilan ako. Nakita ko kung paano itinutok ng malaking lalaki ang baril sa ulo ni Sam.
"I-s-abelle, I'm sorry," nanginginig niyang sabi. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam ko na umiiyak ito.
"Pakiusap huwag mong gawin yan," pagmamakaawa ko. Ang luha na pilit kong pinipigilan ay tuluyan nang bumagsak sa aking pisngi.
Pero hindi man lang niya ako pinakinggan. Ngumiti ito sa'kin at walang kaabog-abog na pinutok ang baril sa ulo ni Sam. Binitiwan niya ito at tuluyang bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan ng aking kaibigan, kasabay ng pagsara ng takip sa lagusang iyon.
Napaluhod ako sa lupa, hindi makapaniwala sa nangyari. "Hindi! Hindi! Panaginip lamang ito!" Pagkumbinse ko sa aking sarili, "Hindi ito totoo! Hindi totoo ang nakita ko!"
Hindi ako makakilos, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Halong sakit at galit parang sasabog ang aking puso sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang wala na si Sam, wala na ang kaibigan ko.
Kasabay ng aking paghagulgol ay ang malakas na pagsabog sa dulong bahagi ng lagusang iyon, hanggang sa palapit na ito sa aking kinaroonan, mariin ako napapikit ng aking mga mata.
*****
Third Person POV
Walang humpay ang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at ng mga kalaban, hanggang sa isang malakas na pagsabog ang nakapagpatigil sa kanilang lahat. Nakita nila De Vera, kung paano nasusunog ang kubo kung saan naroon ang kanilang kasama. Patakbo nila itong pinuntahan ngunit natigilan sila nang humarang ang iba pa nilang kasamahan.
"Umalis kayo sa'ming harapan!" Suway ni De Vera.
"Delikado sir, dahil hindi pa tumitigil ang pagsabog sa lugar na iyon," paliwang ng isang sundalo at umiwas ng tingin sa grupo ni De Vera.
"Nandoon ang Captain namin, kasamahan niyo rin siya!" Pagalit na sigaw naman ni Gallego.
Hindi parin sila pinakinggan nito at patuloy parin ang pagharang sa kanila, hindi narin mapigilan ni Santos na mapaiyak sa pangyayari, mabilis naman itong inalo nila Gallego at De Vera. Minsan kahit anong tibay at tapang mo sa laban hindi mo pwedeng itago na masaktan lalo pa't kung mahalaga saiyo ang taong nalagay sa panganib at kamatayan.
"Sandali! Si Capt. Flores ba 'yon?!" Sigaw ng isang sundalo, nakaturo ito sa taong papalapit sa kanilang kinaroroonan. Napalingon ang lahat sa taong iyon.
Mabagal at paika-ika itong naglalakad habang hawak nito ang kaliwang bahagi ng tiyan. Puno ng dugo at dumi ang kaniyang mukha. Tuliro at parang walang naririnig, kahit na tinatawag na siya ng kaniyang mga kasama.
Ang halong kaba at takot na kanilang nadarama ay tila naglaho nang makita nila si Isabelle na naglalakad patungo sa kanilang posisyon. Patakbong lumapit si De Vera at binigyan niya ng isang mahigpit na yakap ang dalaga. "Salamat at ligtas ka," bulong niya kay Isabelle, pero ni isang salita o kibo ay wala itong tinugon.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at pinagmasdan ng mabuti ni De Vera ang mukha ng dalaga. Gumuhit sa kaniya ang matinding pagaalala nang mapansin na may kakaiba sa mga mata ni Isabelle, pilit niya itong pinasasalita hanggang sa mawalan ito ng malay sa kaniyang harapan.
~~~~
Dragonfly Surveillance Robot
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro