Capítulo 2 - Masamang Balita
"Ito ang aking tungkuling sinumpaan..."
- Isabelle Louise Flores
*****
Naglalakad ako ngayon sa loob ng extension hall ng Baranggay, sa pinakadulong bahagi nito naroon ang isang opisina na pansamantalang ginagamit ng mga opisyal kapag may pagpupulong nagaganap. Kakatok na sana ako nang bigla nalang ito magbukas at lumabas roon ang Capt. ng Bravo at Charlie team, sabay pa silang sumaludo saakin bago umalis.
Nakakapagtaka bakit andito sila? Napailing na lang ako at pumasok na sa loob. Nakita ko siyang nakatalikod sa kaniyang lamesa at mukhang malalim ang iniisip.
Dumeretso ako nang tayo at sumaludo, "Sir, ipinapatawag niyo raw po ako?"
Humarap ito, teka bakit ganiyan ang itsura niya?
"Capt. Flores, Hija maupo ka muna," mahinahon nitong wika, nakakapagtaka walang bakas ng anumang ma-awtoridad na boses sa kaniya ngayon. Ninong ko si Gen. Sandoval at isa siyang matalik na kaibigan ni Papa. Siya rin ang dahilan kung bakit lalo pa akong nagpursige na maging sundalo at higit sa lahat tumatayo rin bilang pangalawa kong ama, na mas strikto pa kay Papa.
Umupo ako at pinagmasdan ang kakaiba niyang itsura at kilos. Ang Gen. Sandoval na nakikita ko ngayon ay malayo sa seryoso at strikto nitong mukha.
"May kailangan kang malaman, Isabelle." Bigla niyang sambit, hindi na ako umimik at nakinig na lang sa kaniyang sasabihin. "May natanggap akong report kagabi, kaya agad akong nagtungo rito para ako na mismo ang magsasabi sa'yo."
"Ninong, pwede niyo naman po akong tawagan sa phone para hindi na po kayo nag-abala pang pumunta rito." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili, para kasing may mali sa kaniyang ikinikilos. Hindi niya ugaling magpunta pa kung saan mang lupalop ng Pilipinas ako naroon para lang sabihin ang isang balita. Kapansin-pansin rin na wala itong tulog dahil nangingitim ang ibabang bahagi ng kaniyang mga mata.
"Mas mainam na ako na mismo ang magsasabi saiyo." Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita, "Hija, nawawala ang iyong Ama."
"Baka nasa business trip lamang si Papa? Alam niyo naman po ang ugali 'nun saka nalang magsasabi kapag nandoon na siya sa isang lugar." 'Yun ang ugali ni Papa magugulat ka nalang na bigla siyang tatawag saiyo at sasabihing nag-out of town or nag-out of the country ang lolo niyo.
"I'm telling the truth, hija. Inatake ang bahay ninyo sa Cavite," deretsong nakatingin sa aking mata si ninong. Ganito siya kapag seryoso na ang pinaguusapan.
"Tumawag sa akin si Manang Criselda na may mga armadong lalaki na bigla na lang pumasok sa inyong bahay kagabi, at hinahanap ang iyong ama," napahimas siya ng mukha, habang ako naman ay hindi na mapakali sa aking kinauupuan.
"Naputol ang aming usapan nang makarinig ako ng putok ng mga baril. Agad akong nagtungo roon kasama ang ilang mga pulis, ngunit hindi na namin naabutan pa ang mga ito. Wala rin ang iyong ama, habang si Manang Criselda naman ay nagtamo ng matinding tama sa kaniyang dibdib," mahinahon niyang paliwanag.
Pilit kong inintindi ang kaniyang mga sinabi, hindi ako makakilos o makapagsalita. Para ba akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking kinauupuan.
"May kelangan ka pang mala---" hindi na natapos ni Gen. Sandoval ang kaniyang sasabihin nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog na halos nagpayanig ng buong silid kung saan kami naroroon ngayon. Kasunod nito ang palitan ng mga putok ng mga baril at sigawan ng mga tao.
Biglang pumasok ang isang humahangos na sundalo, "General, inatake tayo ng mga rebelde!"
Hindi maari... ang mga tao sa plaza!!!
Tatakbo na sana ako palabas ng silid na 'yon nang pigilan ako ni Ninong, mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso. "Isabelle, stay right here! Hindi ka pwedeng lumabas." Madiin niyang utos sa akin.
"I'm sorry Ninong, pero ito po ang aking tungkuling sinumpaan." Mabilis kong tinanggal ang aking braso sa kaniyang pagkakahawak at nagmadaling lumabas ng Barangay Hall. Tumambad sa akin ang matinding pinsala nito. Kaliwa't kanan ang mga nagkakagulong tao, nagsisiunahang makalayo sa pinangyarihan ng pagsabog.
Kahit mahirap salubungin ang mga nagkakagulong tao nagawa kong marating ang gitnang bahagi ng plaza, nanlumo ako sa aking nakita. Maraming civilian ang nadamay at karamihan sa mga biktima nito ay mga bata. Napuno ng iyak at paghihinagpis ang buong paligid. Mga inang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga anak. Hindi ko tuloy maiwasang mapamura sa sobrang galit, bakit kailangan pang idamay ang mga inosenteng bata.
"Medic!!!" Sigaw ng isang sundalo habang karga nito ang isang bata, putol na ang isa nitong paa. Nagsidatingan narin ang iba pang mga sundalo para kunin ang mga sugatang civilian.
Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang mga dayuhang doktor, sila ang priority ko ngayon dahil sa akin pinagkatiwala ang kanilang seguridad.
Hinanap ko sila sa mga tent nagbaba-sakaling andun sila nagtatago. "Dr. Smith!!, Dr. Cho!!, Dr. Sullen!! SAM!!! JENNY!!!" Malakas kong tawag sa kanila pero walang sumasagot sunod kong pinuntahan ang kanilang mobile van. Binuksan ito at tumambad sa akin ang mga walang buhay na mga pulis. Nilabas ko agad ang aking baril at ihinanda ang sarili. May kalakihan ang mobile van na ito, nilibot ko ang bawat sulok at bawat pinto na aking nakikita ay binubuksan ko pero ni isang anino nila ay wala roon. Kinutuban na ako.
Malakas ang kutob ko na maaaring nakuha na nila ang mga doctor.
Lumabas ako at nagikot-ikot pa sa iba pang mga tent, hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses sa di kalayuan.
"Tulong!!!"
Si Jenny...
Nagtungo ako sa likuran bahagi ng plaza, kung saan ko narinig ang kaniyang boses at hindi nga ako nabigo. Naroon siya, duguan ang nakasandal nitong katawan sa poste. Mabilis ko itong pinuntahan.
"Jenny, Jenny... gumising ka," nag-aalala kong tawag sa kaniya. Malalim ang natamo nitong sugat sa kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan.
"A-ang m-mga doctor ki-kinuha nila" nanghihina nitong wika, bakas sa kaniyang mukha na nahihirapan siya. "Tulungan mo sila, Isabelle"
"Huwag kang mag-alala tutulungan namin sila, si Sam? Nasaan siya?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
May tinuro siyang isang eskinita, "Ka-kasama si--" bigla na lamang ito nawalan ng malay.
"Jenny? Jenny? Gumising ka Jenny!" Sigaw ko sa kaniya, ngunit hindi na ito kumikibo. Kinapa ko ang kaniyang pulso, hindi ito magandang senyales. Maraming dugo na rin ang nawawala sa kaniya, mabuti na lamang may nakita akong apat na sundalo. Dalawa sa kanila ang nagdala kay Jenny sa ambulansiya.
Kailangan niyang mabuhay dahil siya ang nakakita sa mga rebeldeng sumalakay.
Lumapit ang isang sundalo sa'kin at pabulong ito nagsalita, "Capt. Flores, may nakapagsabi sa akin na may bomba sa bahaging ito kaya mag-iingat po kayo."
Napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa. "Bago ka rito?" Kunot noo kong tanong, ngayon ko lang ito nakita.
"O-opo Ca-captain," nauutal nitong sagot. Tumalikod ako sa kaniya, paano niyang nalaman na may bomba rito hindi kaya...
Mabilis kong dinukot ang aking baril at itinutok ito sa kaniyang ulo.
"Capt. Flores, anong ginagawa niyo?" Suway ng isa pang sundalo.
Tumingin ako sa kaniyang uniporme, "Ikaw Tolentino! Hindi ka ba marunong kumilatis kung sino ang kakampi at sino ang kalaban?"
"A-anong ibig niyong sabihin Capt. Flores?" Naguguluhan nitong tanong, habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa.
"Hindi ka Sundalo!" Sigaw ko sa lalaki at binigyan ko ito ng matalim na tingin. "Sa tingin mo magagawa mo akong lokohin sa pagsuot mo lang ng uniporme na sobrang laki ng size sa'yo"
"N-nagkakamali po kayo Capt. Flores," todo deny pa siya, habang nakataas ang dalawa niyang kamay. "A-ako po si Malvar, isang sundalo."
"Pusang gala naman oh! 'Wag mo nga akong gawing tanga! Yung Malvar na sinasabi mo ay kakausap ko lamang kanina. Ngayon sabihin mo sa'kin nasaan ang apat na doktor?"
Bigla na lamang ito tumawa at umiyak. May saltik ata ito sa utak. Nagawa niyang umiyak habang tumatawa sabay bigkas ng salita na hindi ko maintindihan.
Tinutukan agad ni Tolentino ng baril ang lalaki. "Capt. Flores, isa itong dasal ng katutubong rebelde, para ialay ang kanilang buhay. Lumayo ho kayo sa kaniya!"
Mabilis akong lumayo sa lalaki kasabay ng pagbukas niya ng kanyang uniporme. Isang malaking tahi sa kaniyang tiyan ang aming nakita.
"A-anong ginagawa mo?" Wika ni Tolentino, bakas sa kaniya ang pagtataka sa kilos ng lalaki.
"Isang karangalang na makilala ka Capt. Flores nang dahil sa'yo mabibigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Isang regalo para saiyo!" Wika nito, gamit ang kaniyang mga kamay binuksan niya ang nakatahing sugat sa kanyang tiyan. Napangiwi ako sa ginawa niya at doon lang namin napagtanto na isa pala itong bomba.
Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumakbo palapit sa'kin. Isang putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ang malakas na pagsabog ng katawan ng lalaki.
"Isabelle!!!Isabelle!!!" Naririnig ko ang isang pamilyar na boses. Pilit kong iginalaw ang sariling katawan, "Ang bigat!" May nakapatong sa'kin.
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, "Tolentino, gumising ka!" niyugyog ko ang kaniyang katawan hanggang sa may bumuhat na sa kaniya. Napaupo ako at nakita ko ang wasak na katawan ng lalaki.
May biglang yumakap sa aking likuran, "Salamat at ligtas ka."
"Luna?"
"Oo, ako nga ito" bulong niya sa'kin. Napansin kong nagkamalay narin si Tolentino at doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
******
Naidala na lahat ang mga sugatang civilian at public health workers na nadamay sa pagsabog sa mga kalapit na hospital. Ilang pulis at sundalo rin ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng mamayanan. At dahil sa pangyayaring ito ipinakalat na sa buong bayan ng Jolo, Sulu ang mga iba pang sundalo.
Kaliwa't kanan narin ang ginagawang checkpoint sa lahat ng daan palabas ng bayan dahil hanggang sa mga oras na ito, wala pang nakakaalam kung sino ang namuno sa pagsabog at pagdukot sa apat na doktor.
Habang pinagmamasdan ko ang lugar ng pinangyarihan, hindi mawaglit sa aking isip ang ang nangyari kanina. Ang bomba sa loob ng katawan ng lalaking iyon ay parehas sa bombang sumabog sa plaza. Ayon sa mga bomb expert isa itong klase ng bomba na pwedeng ipasok sa loob ng katawan ng tao. Kasing laki nito ang kamao ng isang bata. Ito ang unang beses na makaingkwentro ng ganitong klase ng suicide bomber, at base na rin sa nakuhang impormasyon mabibili lamang ang ganitong klase ng bomba sa ibang bansa.
Pilit kong iniintindi ang mga pangyayari. Pero hindi maalis sa aking isip na maaring may koneksyon ito sa pagkawala ni papa. Ngayon si Sam at ang mga doktor, lahat sila may koneksiyon sa amin ni papa, hanggang sa maalala ko ang huling sinabi ng lalaki.
Isang regalo para sa iyo...
Kung tama ang aking hinala, iisang tao lamang ang nasa likod ng mga pangyayaring ito, mula sa pag-atake sa aming bahay hanggang pagsabog ng bomba rito.
Ako ang kailangan nila? Ito kaya ang dahilan kung bakit ako pinigilan ni Ninong kanina. Kelangan ko siya makausap, kelangan mailigtas sa lalong madaling panahon sila Sam at ang mga Doktor.
Nagmadali akong magtungo sa opisina ni Gen. Sandoval, pagpasok ko nagulat ako nang makita ko ang aking team.
Anong ibig sabihin nito? Tanong ko sa aking sarili, pero binalewala ko na lang at nagtungo sa harapan ni Gen. Sandoval. "Sir, kailan isasagawa ang pagrerescue sa mga bihag?"
"Dederetsuhin na kita Capt. Flores, hindi na kasama ang team mo sa gagawing pagrescue sa mga bihag. Ito ang napagdesisyunan namin kanina at alam na rin ito ng mga kasamahan mo," saad niya na may sinusulat sa isang papel.
"Sir, napagdesisyunan niyo po bang lahat o kayo lamang mismo ang nagdesisyon nito?"
Lakas loob kong tanong sa kaniya.
Tumigil ito sa kanyang ginagawa at tumingin ng deretso sa aking mga mata. Alam kong hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. "Hindi kita tinuruan to question my decision!" Dumagundong ang kaniyang boses sa loob ng silid.
"Tama po kayo, pero hindi rin po ako makakapayag na umupo na lang at maghintay dito. Hindi ako makakapayag na wala akong gagawin lalo pa't may kinalaman ito sa pagkawala ni Papa. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat kung bakit niyo ako pinigilan kanina at alam ko na alam niyo na hindi sila mga rebelde tama po ba ako?"
Hindi ito makaimik at umiwas ng tingin.
"General, may kutob akong hindi nila nakuha si papa kaya ganun na lamang ang ginawa nilang pagatake dito at isa pa 'yung daan na ginawa nila sa ilalim ng lupa, hindi ba kayo nagtataka? Napakaayos ang pagkakabutas nito," ani ko.
"Ibig sabihin pinaghandaan talaga nila itong mabuti, nakuha nila ang lahat ng detalye," dagdag ni Javier sa usapan.
"Tama si De Vera, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos dahil may kalaban tayo sa loob na hindi man lang natin napansin." saad naman ni Gallego.
"At ano naman ang katibayan mo sa paratang na iyan?" Tanong ni Gen. Sandoval.
"Sir, petsa, oras at lugar. Tayo lamang ang nakakaalam ng mga iyon. Hindi nga po natin ipina-media ang mangyayaring Medical Mission dito," tugon ni Gallego kay General.
"Tama po si Gallego, Sir. Tayo lang ang may info tungkol dito pero paano nila nalaman gayung mahigpit ang ginawa nating pagbabantay. Bawat galaw nkikita niala. Hindi natin namalayan na may nakapasok na bomba sa loob pa mismo nang katawan ng tao," saad ko sa kanila.
"Hindi lamang 'yan itinaon din nila na kampante tayo dahil narin sa naganap na ceasefire sa pagitan ng mga militar at rebelde. At ito ang ginamit ng ating kalaban para ibato ang sisi sa mga rebelde," Paliwanang naman ni Santos.
"Kill two birds in one stone. Mapupunta ang sisi sa mga rebelde at magsisimula na naman muli ang walang katapusang labanan. Matatakpan nito kung sino ang tunay na gumawa." Ani ko.
"Hindi na ako magtataka, kung bakit ang lahat ng misyon niyo ay napagtatagumpayan." Tumayo si Gen. Sandoval sa aming harapan. "Hindi kayo basta nagpapadalos sa pangyayari at tinitingnan ninyong mabuti ang bawat panig. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hinahangaan kayo ng inyong mga kasama," lumapit siya sa akin.
"Wala na akong magagawa pa kung ayaw mong magpapigil kaya Capt. Flores ikaw at ang Alpha Team ang mangunguna sa rescue operation, ngunit makakasama mo ang Bravo at Charlie team sa misyong ito. Kaya paghandaan niyo itong mabuti." Seryosong nitong wika sa amin.
Sabay-sabay kaming sumaludo sa kaniya, "Sir, Yes Sir!"
"You may go now," pagdismissed niya sa amin.
"Isabelle," napatingin ako kay Ninong. "Magiingat ka, hindi natin kilala ang mga taong ito," paalala niya sa'kin.
"Tatandaan ko po 'yan, Ninong," sagot ko at nagpaalam na sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro