Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capítulo 14 - Sumpa

"Ang kabaitan ay hindi isang krimen,
ngunit kung minsan ginigising nito ang
kahinaan at kasakiman sa iba."

- Don Roman Flores

*****


Padilim na ang buong kalangitan, kaya marami na rin akong nakikita na nagliligpit at nagsasara na ng kanilang mga tindahan. Kaliwa't kanan na rin ang mga taong naglalakad para makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Samantalang ako, heto tahimik at nagmamadaling umuwi na nang bahay. Gustuhin ko man bilisan ang aking paglalakad ay hindi ko magawa, dahil hanggang ngayon kasama ko pa rin ang lalaking ito.

May naririnig akong bulong-bulungan sa paligid at napapatingin pa sa akin. Sino ba naman kasi ang timang, ang maglalakad sa kalsada na may saklob ng kumot sa buong katawan, kulang na lang ata kama at unan.

Hay! Napapabuntong hininga na lamang ako sa nangyari, hindi ko rin ito pwedeng alisin, dahil nabahiran ng dugo ni Salvador ang aking damit at ang lalaking ito ang gumawa ng paraan para lang matakpan ito.

"May bumabagabag ba saiyo, Binibini?" malumanay niyang tanong sa'kin.

Kasabay ko nga pala itong maglakad, ngunit hindi ko na siya inimikan.

"Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ka hinahabol ng mga tulisan na iyon, maliban na lamang kung isa kang espiya ng pamahalaang Espanya," saad niya sa mahinang tono at napatigil ito sa paglalakad.

Napatigil din ako sa sinabi niya. Ako isang espiya? Tapos tinawag pa niyang tulisan ang mga iyon, parang may mali ata sa sinasabi niya.

"Huwag kang magalala, wala akong pagsasabihan tungkol dito. Batid ko na nahihirapan ka rin sa iyong sitwasyon," dagdag pa niya, na parang sigurado na siya na isa nga akong espiya.

Napapailing ako, Mali ang kaniyang iniisip, hindi ako espiya at lalong hindi tulisan ang mga lalaking iyon!

Humarap ako sa kaniya at muling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maiwasan na mahipnotismo sa kanyang mga titig, ang mga mata niyang nangungusap. Bumaba ang aking paningin sa kaniyang mga labi at napalunok ako ng wala sa oras. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

_____

"Huwag kang maingay," mahina ngunit kalmado niyang bulong sa aking tainga. Doon pa lang ay napatigil na ako, kilala ko ang boses na iyon.  Siya yung antipatikong lalaki kanina.

Narinig namin na tumigil ang mga lalaking humahabol sa akin sa tapat ng aming pinagtataguan, at naramdaman ko na humigpit pa lalo ang pagkayakap niya sakin mula sa aking likuran.

Aaminin ko nakaramdam ako ng kakaiba sa ginawa niyang iyon, "Parang nangyari na ito," isip ko.

Binitawan niya lamang ako, nang mapansin namin na umalis na ang mga lalaking humahabol sa akin, at pareho pa kaming napahinga ng malalim.

Bigla akong lumingon sa kaniya, at sa hindi inaasahang pangyayari nahalikan ko siya sa kaniyang labi. Pareho kaming nabigla at hindi ko sinasadyang naitulak siya ng malakas, kaya napaupo siya sa sahig, habang ako'y mabilis na tumayo at tumalikod.

Napahawak ako sa aking mga labi, siya ang unang lalaking humalik sa akin, ay mali pala, ako nga pala ang humalik sa kaniya! Gusto kong sapukin ang aking sarili, bakit kasi napaka-careless mo Isabelle!

"A-ayos ka lang ba, Binibini?" Nauutal niyang tanong sa akin.

Hindi ko siya sinagot, nakaramdam ako ng hiya sa nangyari. Mariin akong napapikit at pinaypayan ang sarili gamit ang aking mga kamay. Bakit parang uminit ata?

Naramdaman ko na may ipinatong siya sa aking  katawan, "Sapat na ito para matakpan ang iyong damit na may dugo."

"Sa-salamat," nauutal kong sagot at nagmamadaling lumabas sa aming pinagtataguan.

_____

"Binibini?"

Napatingin ako sa kaniya, pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Bakit hindi ko napansin na lumapit na pala siya sa'kin?

Nabaling ang aming atensyon, na may tumigil na itim na karwahe sa aming harapan. Sa itsura palang, alam ko na agad kung kanino ito. Lumabas doon si Ginoong Edmundo at nagtatakang napatingin sa aming dalawa.

"Sumakay kana, Binibini," saad niya.

Tumango ako at sasakay na sana, nang bigla akong hawakan sa braso ng lalaking ito.

"Hindi siya sasama saiyo, ako na ang maghahatid sa Binibini," wika niya. Napapikit ako sa ginawa niya, naghahanap ba siya ng gulo.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Ginoong Edmundo, base sa kaniyang mukha halatang kilala niya ang lalaking ito.

"Hindi na kailangan, dahil kapatid ko siya. Ako na ang maguuwi sa kaniya sa aming tahanan," sagot ni Ginoong Edmundo na ikinagulat ko.

Ano na naman bang kasinungalingan ang sinasabi niya?

"Kuya, umuwi na tayo," aya ko para sakyan ang kanyang palabas. Doon lamang ako binitiwan ng lalaki at bilang pasasalamat sa ginawa niya, humarap ako at yumuko.

"Ginoo, maraming salamat sa iyong pagtulong sa akin," sabi ko at sumakay na sa loob ng karwahe na hindi man lang tumingin sa kaniya. Mamaaya kasi may mapansin pang kakaiba si Ginoong Edmundo, mahirap na.

Narinig ko na nagpaalam na rin siya sa lalaki at sumakay na rin ito sa loob. Umupo siya sa harapan ko at naramdaman ko ang pagandar ng karwahe. Binalot kami ng katahimikan, ni isa sa amin ang walang nagsalita. Naiirita na rin ako sa pagtitig niy sa akin, na para bang may malaki akong kasalanang ginawa.

"Hindi ko inaasahan na makikilala mo na agad si Ginoong Rafael Luis De la Fuente," wika niya na may mapanuring tingin.

Sandali, Rafael... Rafael? Napaisip ako parang nabasa ko na ang pangalang iyon. Kinuha ko yung maliit na papel sa aking bulsa, buti nalang hindi ito nahulog. Binasa ko itong muli, "Lucas Santibanez, Rosario at Katarina Fontanilla, Marcello Buenaventura, at Rafael Luis De la Fuente," nanlaki ang mata ko sa pangalan ni Rafael.

Napatingin ako kay Ginoong Edmundo, "Ibig sabihin isa siya sa mga kailangan kong makilala at maging kakampi?"

"Tama ka, Señorita. Ang mga pangalan na nasa listahan na iyan ay kilala at maimpluwensiyang pamilya. Kakailanganin natin sila para mas lumago ang inyong negosyo at kapangyarihan sa San Fabian at sa buong Maynila," paliwanag niya.

Bakit hindi ito sinabi sa'kin ni Papa, ano ba ang binabalak niya?

"Kung tutuusin malaki na ang naiambag ng iyong ama sa kalakalan, agrikultura, lalo na sa pagamutan. Pero kakailanganin niya ang mga malalaking pamilya na siyang susuporta para sa kaniyang adhikain, at ikaw ang gagawa 'non," tumingin siya sa'king mga mata. "Malaking tao ang nasa likod ng pagkamatay ng inyong Pamilya noon, kaya kakailanganin natin ang tulong nila," makahulugan niyang pahayag.

Napasandal ako sa aking upuan, hindi ko alam ang aking sasabihin, at ngayon ko lang napagtanto na mabigat pala ang magiging papel ko dito.

Naramdaman ko ang pagtigil ng karwahe, hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng aming bahay. May kailangan pa pala akong dapat gawin, kaya nauna na akong bumaba ng karwahe at deretsong pumasok sa loob ng bahay. Kailangan kong malaman kung bakit ganoon ang nangyari kay Salvador, hanggang ngayon kasi hindi ito mawaglit sa aking isipan at masama ang kutob ko dito.

Sa pagpasok ko bumungad sa akin sila Aling Esme, Lusiya at Emilio, bakas ang pagkabigla sa kanilang mga mukha.

"Dios mio! Anong nangyari saiyo Señorita? Bakit puno ng dugo ang iyong kasuotan? May sugat ka bang natamo?" Sunod-sunod na tanong ni Aling Esme at lumapit sila sa'kin para alamin ang nangyari.

"Huwag po kayong magalala, wala po akong natamong sugat," sagot ko para hindi na silang mangamba. "Ayos lang po ako."

"Binibini, balita na po sa buong Intramuros ang nangyaring pamamaril kanina at nakita pa nila sa labas ng pader ang mga walang buhay na mga Guardia Civil. Kaya nagpakalat sila ng mga hukbo na siyang magiikot sa buong bayan," pagbabalita ni Emilio sa'kin na tinanguan ko lang.

Alam ko na mangyayari talaga ito, inaalala ko tuloy kung paano namin mapapasok ang Fort Santiago mamaya lalo na ngayong naghigpit na sila.

Si Papa, maari niya akong tulungan.

"Saan po si Papa?" tanong ko sa kanila.

"Naroon siya sa silid aklatan, kanina pa siya naghihintay saiyo," sagot ni Aling Esme.

"Salamat po," at nagmamadali akong umakyat sa itaas.

Kumatok ako bago pumasok, "Papa," bungad ko agad sa kaniya. Nakatayo siya sa bintana nang tumingin siya sakin. Pinagmasdan niya ako at alam ko natuon ang atensyon nito sa damit ko na may dugo.

"Nasabi sa'kin ni Emilio ang nangyari kanina, ngunit saan mo nakuha ang dugong iyan?" Mahinahong tanong ni Papa.

"Pa, nakaharap ko kanina ang mga armadong lalaki na humahabol sa amin sa present time, nandito silang lahat ngayon," paliwanag ko. "Ako ba ang nagdala sa kanila dito?" Seryoso kong tanong sa kaniya, pero tahimik lang ito at parang ang lalim ng iniisip.

"Kung nagawa kong dalhin sila Luna at John dito, ibig sabihin ako din ang dahilan kung bakit sila nandito. Papa, responsibilidad ko ang nangyari kanina at sa mga namatay na Guardia Civil, hindi sana sila nadamay kung hindi dahil sa akin at sa kalaban namin."

"Wala na tayong magagawa pa roon," wika niya at naupo ito sa kaniyang upuan.

Nagulat ako sa sinabi niya, isa siyang Doctor pero kung sabihin niya ang mga salitang iyon parang wala lang sa kaniya ang mga taong nawalan ng buhay.

"May magagawa pa po tayo, kung ituturo ninyo sa'kin kung paano ko sila maibabalik sa present time," lumapit ako sa kaniya. "Kung magagawa ko iyon, wala nang madadamay pa."

"Tumigil ka na," mahina niyang sabi.

"Pero Pa--,"

Napatayo siya at malakas na hinampas ang kaniyang lamesa. "Wala kang gagawin na kahit ano Isabelle at iyan ang utos ko," maawtoridad niyang sabi, na halos dumagundong sa loob ng silid.

Ito ang kaunaunahang beses na tinaasan niya ako ng boses. Lalo tuloy lumakas ang kutob ko at napatingin sa aking damit.

"Ang dugong ito ay nagmula kay Salvador isa siya sa mga tauhan ni Vincent at kahit na naging magkaaway kami, nagawa niyang humingi ng tawad sa akin, bago siya malagutan ng hininga.
Kitang-kita ko kung paano ang kaniyang katawan unti-unting naglalaho," deretso kong tinignan sa mga mata si Papa, ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ang mabuti pa, magpalit ka na ng iyong damit," pagiiba niya ng usapan.

"May itinatago ba kayo sa akin? May alam po ba kayo, kung ano ang ibig sabihin nito?" Duda na talaga ako pero hanggat maari pilit kong iniisip na hindi iyon totoo.

"Para ano? para tulungan sila makabalik sa kanilang panahon?" Iba na ang tono ng boses niya, at umigting ang kaniyang mga bagang. Alam ko na galit na siya ngayon, pero kung ito lang ang paraan para sabihin niya sa akin ang totoo handa ako.

"Sabihin niyo na po kasi sa'kin ang totoo! Dahil nakasalalay din ang buhay ng mga kapatid ko at ni Javier dito. Hindi niyo po ba naisip na maari silang mapahamak?" hindi ko na rin napigilang ang sarili na mainis.

Napatahimik siya bigla, "Hindi na siya makakabalik pa. Kapag ang isang tao na napadpad sa panahong ito at siya'y napahamak at namatay, hindi na siya makakabalik pa sa tunay niyang panahon. At ang paglaho ng kaniyang katawan ang siyang tanda na hindi na siya mageexist sa mundong ito."

"Anong ibig niyo pong sabihin?"

"Tuluyan na siyang mabubura sa mundong ito. Ang lahat ng kaniyang alaala ay maglalaho at ang mga taong nakakakilala sa kaniya ay hindi na siya maalala pa, ito ang sumpa ng kwintas na iyan," paliwanag ni Papa.

Para tuloy akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking nalaman. "Bakit naaalala ko pa rin siya? Paano sila John alam na po ba nila ito?"

"Maalala mo pa rin sila, dahil ikaw na ang nagmamay-ari ng kwintas, at oo, alam na nila John ito, kaya ko sila ipinadala kaagad sa San Fabian para mahanap si Javier sa lalong madaling panahon," sabi ni Papa.

"Kung ganoon po, bakit hindi niyo sa akin sinabi? Sana nakagawa ako ng paraan para maibalik ang mga taong ito sa present time," saad ko.

"Tumigil ka na Isabelle," suway niya. "Wala kang gagawin na kahit ano para sa kanila," tumalikod na siya sa'kin at mukhang lalabas na ng silid.

"Kung ayaw niyo akong tulungan, gagawa ako ng paraan," matigas kong sagot sa kaniya.

Humarap siya at galit ang nakita ko sa mga mata niya, "Hindi ko alam, kung saan mo namana ang ganiyang paguugali. Ginawan ka na nila nang masama lahat-lahat, Isabelle. O, baka nakakalimutan mo na, sila ang dahilan ng pagsabog sa Jolo, na maraming inosente ang namatay, halos mapahamak din ang mga Doctor. Paano sila Manang Criselda, si Sam, at ikaw halos ikamatay mo rin ang ginawa nila saiyo. Tapos ito ang maririnig ko mula sa bibig mo, gusto mo silang tulungan na makabalik, na parang wala lang ang lahat na nangyari?"

"Hindi sa ganoon Papa. Opo naging kalaban ko sila, at maraming nadamay sa nangyari, pero tao lang din sila. Hindi nila deserved ang mawala ang existence nila, na parang hindi sila nabuhay sa mundong ito, kapag ginawa ko iyon hindi na rin ako naiiba sa kanila," saad ko.

"May paraan na pwede nilang pagbayaran ang kanilang kasalanan," dagdag ko pa.

Bahagyang natawa si Papa sa aking sinabi, "Pagbayaran?" Napapailing siya sa aking harapan,  "Ang kabaitan ay hindi isang krimen, Isabelle. Ngunit kung minsan ginigising nito ang kahinaan at kasakiman sa iba. Huwag ka sanang matulad sa akin," makahulugan niyang pahayag at iniwan niya akong magisa sa silid na iyon.

Isa lang ang ibig sabihin, gusto niyang maglaho ang mga ito sa pamamagitan ng sumpa.

------


Narinig ko ang pagsipol ni Diego sa labas ng aming bahay, pinatay ko kaagad ang ilaw sa gasera at dahan-dahan kong binuksan ang pinto papunta sa balkonahe. Nakita kong kinausap na ni Ginoong Edmundo ang dalawang nagbabantay sa harap,  kaya mabilis akong bumaba at nagtago sa madilim na sulok.

Alam ni Ginoong Edmundo ang aking gagawin at siya pa ang nag-offer na tulungan ako sa aking plano. Kinausap niya ako matapos ang pagtatalo namin ni Papa, ito ang unang beses na hindi kami nagkasundo sa isang bagay. Nalaman ko rin na umalis din ito kaagad kasama si Emilio at naiwan si Ginoong Edmundo para bantayan ako.

Hini ko mawari kung ano ang dahilan ng pagtulong niya sa akin, gayong napaka-loyal nito kay Papa. Kahit ano pa man ang rason niya malaki ang pasasalamat ko. May ibinigay siyang maliit na papel, kung saan iginuhit niya ang daan papasok sa isang  bilangguan sa loob ng Fort Santiago.

Nakita ko ang palihim na pagsenyas sa akin ni Ginoong Edmundo at mabilis akong nakalabas na hindi man lang namalayan ng mga bantay. 
Sinalubong agad ako ni Diego na nagkukubli sa madilim na bahagi ng pader. Nakasuot siya ng itim na shirt at pants, naka mask din siya at naka-cap.

"Mukhang pinagusapan natin ang ating susuotin, Flores," natatawa niyang pahayag sa akin.

Oo nga pala, halos parehas kami ng suot. "Ganoon na nga," saad ko at inadjust ko ng maayos ang cap sa aking ulo.

"Sandali, hindi ba delikado na makita nila ang mukha mo?"

"Hindi naman siguro, isa pa nakamask din ako."

Nagkibit-balikat na lang din siya, sabay bigay ng isang wooden pipe.

"Ano 'to?"

"Sumpit 'yan, mas mainam gamitin natin ito sa mga Guardia Civil na nagbabantay sa kulungan."

"Aahh, okay akala ko kung ano na. Paano ka nagkaroon nito?"

"Ipinahiram iyan sa akin ng aking amo,"

Napatingin ako sa kaniya, hindi kaya ---

"Isa sa mga tulisan ang aking amo, sa mahigit na dalawang buwan na ako'y nanirahan sa kanila, nasaksihan ko kung gaano kahalaga ang kanilang  ipinaglalaban," bahagya siyang natawa. "Hindi ko aakalaing, dito ko pa maapreciate ang mga ginawa ng ating mga ninuno, para makamit ang inaasam na kalayaan."

Nabalitaan ko nga ito na may kumakalat na balita patungkol sa pag-aalsang nangyayari, dahil sa walang tigil na pagtaas ng buwis.

"Ibig sabihin may naidulot din na kabutihan itong nangyari saiyo?" Tanong ko.

"Ganoon na nga," sagot niya.

Ilang kanto at ilang pangkat na rin ng mga Guardia Civil ang aming nilagpasan, bago marating ang Fort Santiago. At dahil sa mahigpit ang mga nagbabantay dito, dinala ako ni Diego sa madilim na bahagi ng pader.

"Paano mo nalaman na walang rumorondang guwardiya dito?" Takang tanong ko.

"Labas masuk ako rito dahil ako ang taga hatid ng kanilang inoorder na pagkain mula sa panciteria ng aking amo, kaya alam ko kung saang lugar sila nagiikot," paliwanag niya sabay sampa sa isang puno at iniabot sa akin ang kaniyang kamay.

Kinuha ko iyon at walang kahirap-hirap na itinaas niya ako at sabay kaming lumundag sa kabilang pader, sakto naman na kakalagpas lang ng mga bantay.

Gamit ang mapa, mabilis at maingat naming tinahak ang daan patungo sa kulungan. May dalawang bantay sa pasukan, kaya ginamit namin ang sumpit at sabay namin inihipan ito.  Nakita ko kung paano sila natumba, lumapit kami sa kanila at pinuwesto  sa gilid ng pintuan na para bang natutulog at pumasok na kami sa loob.

Sa pagpasok namin, doon ko nakita ang nakakaawang sitwasyon ng mga bilanggo dito.
Karamihan sa kanila mga walang saplot at napupuno ng sugat at latay ng latigo ang kanilang mga katawan. May nakita pa akong isang babae na halos makalbo na ang kaniyang ulo, at ang suot niyang damit ay gutay-gutay na rin. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko aakalain na makikita ko ang mga ganitong eksena.

Napatingin ako kay Diego, halata sa kaniyang mukha ang pagkaawa sa mga ito. Kaya hinila ko na siya palayo doon at dumeretso sa pinakadulong bahagi. Sabi ni Ginoong Edmundo, hindi ito isinama sa ibang preso. Nang makita na namin ang seldang pinaglagyan sa kaniya, ay lumapit rito si Diego at tinawag ang kasama.

"Valdez, ako ito si Diego."

Mula sa madilim na bahagi unti-unti itong naglakad patungo sa amin. Pareho kami nagulat sa itsura nito, sobrang payat niya at panay ang pag-ubo nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at kahit na hinang-hina ito ay mabilis itong napakapit sa bakal.

"Ca-Capt. Fl- ores, parang awa mo na ibalik mo na ako sa amin," nanghihina niyang  sabi sa aking harapan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro