Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capítulo 11 - Misyon


Kasalukuyang kaming nasa sala ngayon ni Lusiya, dito ko kasi naisipang umupo malapit sa bintana para naman makarinig ako ng mga ingay mula sa labas. Ilang araw din kami laging nasa loob ng silid aklatan ni Papa at sobrang boring, as in dahil puro libro lang naman ang makikita mo sa bawat sulok at nakaka-antok pa 'yung sobrang katahimikan.

Hay! Tahimik ako napabuntong hininga, kailangan ko pa kasi tapusin itong assignment na binigay ni Aling Esme. Pang-anim na gawa ko na ito, sana naman ngayon okay na.

Nagtataka kayo kung ano ang ginagawa ko ngayon noh? Well heto, nag-buburda lang naman ako ng isang bulaklak dito sa puting panyo. Alam niyo kung bakit? Sabi kasi ni Aling Esme kailangan ko raw itong matutunan, dahil isa ito sa mga ipinapagawa ni Papa sa kaniya.

Jusme! pagluluto nga ng itlog nung nakaraang araw hindi ko magawa nang maayos at halos masunog ko pa iyon. Kung hindi lang ako tinulungan nila Pacita at Clarita eh, baka pati 'tong bahay ay nasunog ko na rin. Paano pa kaya itong pagbuburda. Hay! Napabuntong hininga nalang ulit ako.

"Señorita, ayos lang po ba kayo? Hindi po kasi maipinta ang iyong mukha tapos panay pa ang iyong pag-buntong hininga," takang tanong niya sa'kin.

"Ayos lang ako," sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kaniya. Wala ako sa mood ngayong magdaldal.

"Maari ko po bang tingnan ang inyong ginawa?" Pakiusap ni Lusiya.

Napatigil ako at tumingin sa ginawa niya at napamangha. Grabe! Ang galing naman ni Lusiya, halos tatlong bulaklak ang binurda niya, samantalang ako hindi ko mawari kung bulaklak ba ito o ano, para kasing palaka na ewan. Haist!

Inilahad ni Lusiya ang kamay niya para iabot ko 'yung ginawa ko. Nahihiya man ay ipinakita ko pa rin ito at pinagmasdan ang kaniyang reaksiyon. "Ano maganda ba?"

"P-o? Ah o-opo Señorita maganda po siya," nahihiya niyang sagot. Alam ko naman napilitan lang siyang sabihin iyon at sa itsura palang niya parang gusto niyang tumawa.

Napasandal ako sa upuan. "Lusiya, sabihin mo na lang 'yung totoo. Hindi naman kita kakainin ng buhay at saka alam ko naman na pangit 'yang gawa ko."

"Nagkakamali po kayo! Señorita, maganda po tala--"

"Naku Lusiya, 'wag mo nang ituloy yang sasabihin mo," putol ko sa kaniya. "Ang mabuti pa tapusin nalang natin ito, para maipasa ko na kay Aling Esme."

"Opo Señorita. Huwag po kayong mag-alala matututunan niyo rin po iyan, kaunting tiyaga lang po," saad pa niya para lang mapagaan ang loob ko. Hay naku, kung alam mo lang kung gaano ko ito kinaayawan.

Ewan ko ba, bakit kasi kailangan ko pa itong matutunan. Una pagluluto na hindi ko talaga kayang gawin. Lumamon pwede pa pero pagluluto? Naku po! para akong nakikipagtunggali sa kawali.

Tapos ngayon naman itong pagbuburda, panigurado ako na ang susunod kong pag-aaralan ay kung paano kumilos ang isang babae sa panahong ito.

"Señorita Isabelle, hinahanap po kayo ng iyong ama," biglang sabi ni Ginoong Edmundo sa aking likuran.

Napaiktad ako dahil 'dun, "Bigla ka naman sumusulpot, Ginoong Edmundo!" Irita kong sabi sa kaniya.

Ngumisi lang ito sabay kuha ng binuburda ko. "Señorita, hindi ko akalaing na mahilig ka palang magburda ng palaka," pang-aasar niya.

"Hindi yan palaka! Bulaklak yan!" Pagkokorek ko sa kaniya, sabay hablot ko sa burdang ginawa ko. Saan kaya ito napulot ni Papa, mukhang may saltik sa utak ang galing mangasar. Kainis!!!

"Ang mabuti pa Señorita, magtungo na po kayo sa silid ng iyong ama at may importante po daw itong sasabihin," paalala niya ulit.

Inayos ko ang aking sarili at nagpaalam muna kay Lusiya, habang sinamaan ko naman ng tingin si Ginoong Edmundo grabe kasing makangisi.

Mabilis akong nagtungo sa opisina ni Papa at kumatok bago pumasok. Nakita ko siyang may binabasa. "Papa, may sasabihin po daw kayo?"

Napatingin ito sa'kin, "Kumusta ang pag-aaral mo?" Lakas din ng trip ni Papa eh, yun agad ang tanong.

"Papa kailangan ba talaga pag-aralan ko ang mga iyon?"

Tumigil ito sa kaniyang ginagawa, "Anak, alam ko na hindi ka sanay sa mga ganitong klase ng gawain, pero pag-tiyagaan mo lang muna ha. Alam mo naman na ginagawa natin ito para sa misyon mo?"

Ay, oo nga pala, muntik ko na makalimutan na kailangan ko talaga itong gawin. Kung nagtataka kayo ngayon kung bakit ako may misyon ay dahil ito sa nalaman ko. Sinabi na kasi sakin ni Papa yung mga nangyari, hindi man lahat at least may ideya na ako kung bakit kami napadpad sa panahong ito.

-----

Nasa loob kami ng kaniyang opisina. Puno ito ng mga libro na hindi ko naman maintindihan, dahil karamihan sa mga ito ay nakasulat sa spanish language. Iilan lang ang mga librong nakasulat sa tagalog at english and most of them talks about politics, war and medicines. Lumapit ako sa kaniya na nakadungaw sa bintana, natanaw ko naman ang bughaw na kalangitan napakaaliwalas nito.

"Anak, alam kong marami kang katanungan kung bakit nangyayari ito sa atin ngayon and I want to say I'm so sorry for what happen to Sam, nadamay pa siya sa gulong ito," malungkot na pahayag ni Papa.

"Wala naman po kayong dapat ihingi ng sorry sa akin Papa. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Ang gusto ko lang po ngayon ay mabigyan ito ng hustisya at mahanap kung sino ang gumawa nito sa kaniya, sa ating lahat." Tumingin si Papa sa'kin, alam ko masakit din sa kaniya ang pagkamatay ni Sam dahil halos anak narin ang turing niya rito.

"Alam mo Papa, ang mahalaga magkasama na po tayo. Magagawa ko na po kayong protektahan at alam kong ganun din ang gusto ni Sam," saad ko sa kaniya para mapanatag ang kaniyang kalooban.

Pilit siyang ngumiti at mas lalo pang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Dapat kasi noon ko pa ito nasabi sa'yo."

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" Nalilito kong tanong. "Tungkol po ba ito sa paglakbay namin sa panahong ito?"

"Hindi lamang iyon anak, marami pang mga bagay na dapat kang malaman," he gave a deep breath bago muling nagsalita, "Maari ko bang hiramin ang iyong kwintas?"

Tumango ako, tinanggal ko ito sa aking leeg at iniabot kay Papa. Kinuha niya ito at may kinuha rin siya sa kaniyang bulsa. Napansin ko na isa itong maliit na pocket watch, tapos ipinagdikit niya ito sa likod ng kwintas ko at naging isa na ito.

Teka tama ba ang nakita ko? Napakurap ako ng ilang beses para masabi na hindi nagkakamali ang aking mga mata.

Ibinalik niya ito sa akin at doon ko lang nalaman na may dalawang anyo pala ang kwintas na ito. Ang galing! Kulay ginto ang pocket watch na idinikit ni Papa at halos parehas lang din ang design nito sa kwintas ko. Ang pinagkaiba lang ay mas halata sa pocket watch ang family crest ng Flores. Bongga parang pang-royal lang ang peg.

"Dahil sa orasan na iyan nakakapaglakbay ako sa dalawang panahon. Ganun din ang nangyari sainyo anak, ang kwintas mo ang naging daan para madala kayo rito sa panahong ito," paliwanag ni Papa. "Iyan din ang dahilan kung bakit ako hinahanap ng mga armadong lalaki."

"Pero bakit po nila ito kailangan? Hindi kaya alam din po nila na may kakayahan po ito?"

"Malaking palaisipan din para sa'kin, kung bakit nila ako hinahanap," saad ni Papa at napahalukipkip ito. "Kailangan natin itong alamin."

"Hindi pa rin po ba nagsasalita 'yung lalaki?" Naalala ko kasi na may napasama na kalaban at kasalukuyang nakakulong ito ngayon sa Fort Santiago.

Umiling lang si Papa. Mukhang matigas ang isang 'yun, ewan ko nalang kung makakatagal siya doon sa kulungan. Dahil sa pagkakatanda ko, sa panahong ito pinapahirapan ng husto ang mga nakulong para lang mapa-amin ang mga ito.

"Alam mo ba Isabelle ang kwintas na 'yan ay nagmula pa sa ating mga ninuno. Ilang salinlahi narin ang pinagdaanan 'nan bago ito ibigay sa akin ni ama. Pero hindi ko akalain na may kakayahan itong maglakbay sa ibang panahon."

Napatingin tuloy ako sa hawak kong kwintas, sa totoo lang hindi ko aakalain na nagmula pa ito sa aming ninuno at masaya ako, bakit? Kasi for the first time ngayon lang nag-kwento si Papa tungkol sa aming pamilya.

"Nagmula ako sa panahong ito Isabelle, ang panahon kung saan ako nararapat. Pero dahil sa isang trahedya napilitan akong maglakbay sa ibang panahon gamit ang orasang kwintas na 'yan. Sa panahon na iyon 'dun muli akong nagsimula ng panibagong buhay nang kasama ka." Mapait itong napangiti sa akin.

"Nang malaman kong may kakayahan itong maglakbay sa ibang panahon, sinubukan kong baguhin ang kapalaran ng aking pamilya, ngunit kahit anong gawin ko ay paulit-ulit lang din ang kanilang kapalaran," makahulugan niyang sambit.

Pamilya? Bigla kong naalala 'yung magandang babae nakita ko sa mansyon nung nasa present time pa ako. Ibig sabihin tama nga ang aking hinala na pamilya nga niya ito. Pero ano bang nangyari sa kanila at bakit gustong baguhin ni Papa ang kapalaran.

Binuksan ni Papa ang isang aparador at kinuha ang isang kahon. Ipinatong niya ito sa kaniyang table. Lumapit ako para makita kung ano ang nasa loob nito.

Nang buksan ito ni Papa, nanlaki ang aking mga mata. "Eto yung picture na nakita ko sa mansyon!" Bigla kong sabi, sabay kuha ng mga pictures. Halos bago pa ang mga ito, kabaliktaran sa nakita kong una, na naninilaw na sa katagalan ng panahon.

"Paano mo ito nakita?" Takang tanong ni Papa sakin.

"Papa, ikaw po ba ang nagbigay ng picture mo na nakatayo ka sa harap ng mansyon kay Ninong?"

"Oo ako nga, dahil alam kong doon mo lang ako mahahanap kaya ko iyon ipinadala," sagot niya.

"Papa 'nung binigay kasi iyon sa'min ni Ninong, agad kaming nagtungo sa San Fabian para hanapin kayo at ang mansyon. Medyo nahirapan pa po kami dahil tagong-tago ito at may nakasunod 'din saamin. Tapos nang mahanap namin ang mansyon wala naman po kayo roon at yung pictures na ito, nakita ko mismo sa isang silid ng mansyon, nakatago pa nga ito sa ilalim ng sahig," paliwanang ko sa kaniya.

Hindi agad umimik si Papa ng sabihin ko iyon parang may iniisip siya.

"So totoo ngang ikaw ang sinasabi niyang itinakdang magpapabago sa kapalaran nang ating pamilya," seryoso niyang saad sa aking harapan.

Napakunot noo naman ako, hindi ko siya magets, "A-ano pong itinakda na sinasabi niyo po?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, "Anak, alam ko na medyo magulo. Pero nais kong sabihin saiyo na may misyon ka sa panahong ito at ang misyon na iyon ay ang baguhin ang kapalaran ng ating pamilya."

I'm speechless... Hindi ko talaga maunawaan ang sinasabi niya. Ako ang magliligtas? Paano?

"Papa sigurado po ba kayo sa inyong sinabi?" Pagkumpirma ko sa kaniya.

"Oo anak, tama ang iyong narinig. Dadalhin sana kita rito para malaman kung totoo nga na ikaw ang itinakda, pero sa hindi ko malaman na dahilan bigla akong sinugod ng mga armadong lalaki sa ating tahanan. Hindi nila ako nakita dahil dinala ako ng orasan na iyan sa mansyon ng Montemayor at 'dun na ako tuluyang naglaho. Hindi ko naman inaasahan na ibinalik na pala ako sa panahong ito." -Papa

Kumawala ako sa pagkakahawak niya, "Ang ibig niyo pong sabihin nakatakda na ang pagpunta ko po rito?"

Tumango ito sa akin.

Whoah! Big revelation ito para sakin. Medyo ang bigat ng dating ng impormasyong binigay ni Papa ngayon. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko, lalo pa't may namumuong pag-asa sa kaniyang mga mata.

Pinagmasdan ko ulit 'yung mga larawan. Larawan ito ng isang masayang pamilya at nakita ko doon si Papa. Malawak ang kaniyang mga ngiti, naramdaman ko kung gaano niya kamahal ang pamilyang ito. Ang pamilyang kinuha sa kaniya.

"Papa, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa kanila?"

"Ipinapatay sila anak, hindi ko alam kung sino ang nagpautos nito. Pero may kutob akong gusto nilang mawala ang pamilyang Montemayor sa bayan ng San Fabian," sagot niya.

"Ano po ang koneksiyon natin sa pamilyang Montemayor?"

Muling nagsalita si Papa, "Si Don Verrano Montemayor, ang naging pangalawa kong ama. Siya ang kumupkop sa amin magkapatid ng mamatay ang aming magulang sa isang aksidente. Pinalaki niya kami na parang tunay niyang mga anak, hanggang sa mapangasawa ni Maria ang aking kapatid ang panganay nitong anak, na siya ring na matalik kong kaibigan. Noon pa 'man ang pamilya Montemayor at pamilya Flores ay matagal nang magkaibigan. Pinagtibay ito ng maraming henerasyon at siyang naging pundasyon ng matatag na samahan," pagsasalaysay ni Papa.

Doon ko naunawaan ang lahat, kaya pala ganun nalang ang reaksiyon niya ng sabihin niyang ako ang pwedeng magpabago sa mangyayari pa lamang. Lihim ko siyamg pinagmasdan, alam ko na marami pa siyang hindi sinasabi sakin at nauunawaan ko iyon. Siguro ako nalang ang tutuklas nito sa paraan na aking gagawin.

Aaminin ko masyado akong nabigla sa aking mga nalaman at hindi ko iyon inaasahan. Pero kung ito ang binigay sakin na pagkakataon para makabawi kay Papa, malugod ko itong tatanggapin.

Inalala kong muli ang mga misteryong nangyari sa akin mula sa present time. Nagsimula ang lahat ng ito sa puting liwanag na bumalot sa akin para makaligtas sa pagsabog. Sinundan ito ng kakaibang panaginip, kung saan ko nakilala si Maligno. Ang mga kakaibang pangyayari nang magtungo kami sa San Fabian, kung saan may dalawang boses ng lalaki akong narinig sa may simbahan, hanggang sa tumunog ang kampana at marami akong nakitang mga eksena na, pati ang daan patungo sa mansiyon.

At sa mansiyon na iyon doon ko natuklasan na may koneksiyon si Papa sa mga Montemayor, dahil sa nakita kong libro at mga litrato, pati 'yung magandang babae na kapatid pala niya.

Pati 'yung babaeng hinabol ko sa gubat na bigla nalang naglaho, hanggang sa mabaril ako at ang puting liwanag na iyon ang siyang nagdala sa aming lahat sa panahong ito.

Kung sinasabi ni Papa na ako ang itinakda na makakabago sa kapalaran ng aming pamilya, ibig sabihin ang lahat ng aking mga nakita at naranasan sa present time ay may kinalalaman sa mga mangyayari pa lamang o maaaring nangyari na.

Mahigpit kong hinawakan ang kwintas sa aking dibdib. Hindi kaya may iba pang kakayahan ang kwintas na ito maliban sa pagtatime travel. Kung may kakayahan itong makita ang mga mangyayari pa lamang, malaki ang maitutulong nito sa akin.

Ito na siguro ang sinasabi ni Maligno na magiging misyon ko at halos pareho lang din sa sinabi ni Papa. Pero sino ang taong nakausap ni Papa na ako ang itinakda? Napahipo tuloy ako sa aking sentido, mukhang hindi ito basta isang misyon lamang, mukhang may mas malalim pa na dahilan.

------

"Isabelle? Anak? Are you ok?" Papa asked, habang kinakaway niya ang kaniyang kamay sa aking harapan.

"O-opo Papa."

"Sigurado ka? Mukha atang napagod ka?"

"Hindi po, keri ko pa. Siya po pala ano po yung sasabihin ninyo?"

"Ah tungkol pala diyan," binigay niya sa aking ang isang papel. Listahan ito ng mga pangalan ng tao. Mukhang yayamanin ang mga ito, pangalan palang eh high end na.

"Ito yung mga taong dapat mong makilala at maging kaibigan. Kakailanganin natin ang tulong nila in the future," paliwanag ni Papa.

I wish magawa ko 'to, hindi ko kasi ito exepertise, mas magaling sakin sila Luna at John pagdating sa mga ganitong bagay. Friendly naman ako, pero hindi ako yung tipong unang lalapit at makikipagkaibigan.

"Siya pala pwede kanang mamasyal, ngunit isasama mo sila Lusiya at Emilio para masanay ka rito," masayang balita ni Papa sa'kin.

Pumalakpak naman ang aking tenga sa narinig, sa wakas makakalabas na ako. "Thanks Papa!" Lumapit ako at niyakap siya sa likod.

"Alam ko naman na gustong-gusto mo nang lumabas ng bahay."

Ngumisi lang ako sa kaniya kilalang-kilala niya talaga ako.

"Paalala lang anak, iwasan mong makipag away kahit kanino. Alam kong maprinsipyo kang tao at ipinaglalaban mo kung ano ang tama, pero sa panahong ito isa ka lamang normal na mamayan at hindi isang sundalo," mariin ang pagkabigkas niya sa salitang sundalo.

"Alam ko po Papa, kaya huwag na kayong mag-alala pa," sagot ko sa kaniya habang nakangiti.

"That's good to hear, and by the way nasa kwarto mo na 'yung pinabili mo sa'kin. Sigurado kaba sa iyong balak?"

"Opo Papa, just trust me okay?"

"Okay fine, you may go now. Kailangan mo naring ipasa iyang assignment mo kay Aling Esmeralda."

"Yes po," si Papa talaga ang galing din manira ng mood eh, pinaalala pa 'tong assignment ko.

Lumabas na ako ng kaniyang opisina. Doon lang ako nagtatalon sa tuwa, sa wakas makakagala na ako sa panahong ito. Isa rin kasi ako sa mga avid fan ng history, kaya sobrang excited na ako kung ano ang itsura ng Intramuros sa taong 1865.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro