Capítulo 10 - 1865
"Hindi sinusukat sa estado ng buhay ang karapatan na makapag-aral."
-Isabelle Flores
*****
"Papa?" Yumakap ako sa kaniya. Totoo nga! Hindi nga ako nananaginip.
"Ako nga ito, anak." Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.
Pakiramdam ko ang tagal na hindi ko siya nakita. Ang lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko ng mga nakalipas na mga araw ay biglang naglaho at napalitan ito ng sobrang kagalakan sa aking puso.
Hindi ko namalayan na bumuhos na pala ang mga luhang matagal ko nang itinago. Sininghot ko pa ang nagbabadyang pagtulo ng aking uhog sa walang humpay na pag-iyak ko.
"Tahan na anak, hindi bagay sa'yo ang umiiyak ng ganiyan," bulong ni papa habang hinahagod ang aking likod.
"Just promise to me papa, na hindi na kayo mawawala pa, na hindi na ito mauulit pa," mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya.
Bahagya siyang natawa sa aking inasal, "Yes my princess, I promise."
Doon lang ako humiwalay sa kaniya, gamit ang kaniyang dalawang daliri pinitik pa niya ang aking noo. "You're still the same as you used to be."
"Papa naman, umiiyak na nga ako dito dahil sa inyo," nakanguso kong reklamo.
Pinunasan niya ang aking mga luha at sabay pa kaming natawa na parang ewan. Hindi pa rin siya nagbabago, sabagay noon pa naman ganito ang ginagawa niya sa tuwing umiiyak ako noon. Napapaaway pa minsan, dahil sa pang-aasar ng ibang bata na uhugin daw ako.
"Ayos ka na ba?" Tumango ako at inayos ang sarili.
Napukaw ang aming atensyon nang makarinig kami ng mahihinang hikbi, na nagmumula sa mga taong nagkukumpulan sa labas ng pintuan, na animo'y nanunuod ng nakakaiyak na telenovela.
"S-salamat sa Diyos at nagising na rin ang Señorita," maluha-luhang sambit ng ale, habang pinupunasan ang sariling luha. Ganoon din ang ginawa ng tatlong dalagita nasa kaniyang likuran
"Papa, sino po sila?" Taka kong tanong, naguguluhan sa nangyayari at sa kanilang inaakto.
Ngumiti si papa at inilahad niya ang kaniyang kamay para alalayan akong makatayo. "Hija, sila ang mga kasama natin sa bahay na ito. Siya si Aling Esmeralda."
Yumuko siya sa aking harapan at muling nagsalita si papa, "Siya ang nangangasiwa ng ating tahanan dito sa Maynila." Nagsalubong ang aking mga kilay sa narinig.
Wait! Nasa Maynila ako? Paano ako napadpad dito?
Lumapit si Aling Esmeralda para ilagay sa aking balikat ang puting balabal. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili, dahil doon ko lamang naalala na medyo manipis itong suot kong bestida.
"Sa-salamat po," nakayuko kong sabi. Baka mahalata nila ang pagkapula ng aking pisngi. Sa tuwing nahihiya kasi ako namumula ito na parang hinog na kamatis, bagay na laging tampulan ng pang-aasar ni John sa akin.
Luminga-linga ako sa paligid, nasaan pala sila? Bakit hanggang ngayon di ko pa rin sila nakikita.
Nabalik lamang ang atensiyon ko nang maramdaman ko ang malambot na kamay ni Aling Esmeralda sa magkabila konh pisngi. Napaangat ako ng paningin at nasilayan ang maamo niyang mukha.
May pagka-singkit ang kaniyang mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi. Nakapusod ang maputi niyang buhok na kumikintab sa tuwing nasisinagan ng araw.
"Masaya akong ika'y nagkamalay na Hija, sobra mo kaming pinag-alala lalo na ang iyong ama." Naluluhang sambit ni Aling Esmeralda, samatala ako ay takang-taka sa kaniyang sinasabi. Kung meron pang ikukunot itong noo ko ay ginawa ko na.
"Pasensiya na po, pero pwede ko po ba malaman kung ano po ba ang nangyayari?"
"Naiintindihan ko kung wala kang maalala," wika niya habang pinupunasan ang tumulong luha. "Halos dalawang buwan kang nakaratay sa higaan, Hija."
Halos mailuwa ko ang aking mata sa sinabi niya.
Dalawang buwan? Marami nang nangyari sa dalawang buwan! Napatingin ako kay papa na sumasang-ayon sa sinabi ni Aling Esmeralda.
Paano nangyari iyon? Sa pagkakatanda ko nabaril lang naman ako at mukhang di naman ganoon ka-grabe ang nangyari.
"May problema ba, Hija?" Napatingin ako sa kaniya, bakas sa mata niya ang pag-aalala.
"Wa-wala naman po," tipid kong sagot. Naalala ko sa kaniya si Manang Criselda, kamusta na kaya ang lagay niya ngayon?
"Kung gano'n, may ipakikila ako sa'yo," sinenyasan niya ang tatlong dalagita na lumapit sa amin.
"Sila si Lusiya, Clarita at Pacita," masayang pagpapakilala sa kanila ni Aling Esmeralda.
Lumapit sila at sabay-sabay na yumuko sa aking harapan. Madali ko naman sila matandaan dahil para silang large, medium and small. Si Lusiya, yung maliit at payat sa kanila. Si Clarita naman yung katamtaman ang pangangatawan, habang si Pacita naman ay may pagka- chubby.
Ayon kay Aling Esme, sila yung taga-luto at taga-linis ng bahay at kung may kailangan raw ako ay huwag mahiyang lumapit sa kanila.
Sunod naman nagpakilala ang dalawang lalaki.
Sabay pa nilang tinanggal ang kanilang sumbrero at inilagay sa kanilang dibdib bago yumuko sa aking harapan.
"Ako pala si Edmundo ang kanang kamay ng iyong ama," pakilala ng matangkad na lalaki.
Nakasuot ito na pang-amerikanong damit na bumagay sa maputi niyang balat. Dugong banyaga, matangos na ilong at seryosong mga mata.
Parang may kahawig siya, hindi ko lang matandaan kung kanino. Hindi rin mawawala ang salitang guwapo sa kaniyang mukha. Lihim ako napangiti, ito kasi ang mga tipo ni Luna.
"Ako naman po si Emilio," pagpapakilala niya na hindi man lang tumingin sa'kin.
May pagkamahiyain ang lalaking ito at mukhang hindi rin nagkakalayo ang aming edad. Kung si Ginoong Edmundo ay may lahi, kabaliktaran naman iyon ni Emilio, dahil pinoy na pinoy ang hitsura niya.
Makinis ang kayumanggi niyang balat, wala akong makita na kahit na anong pimples sa kaniyang mukha. Katamtamang tangos ng ilong, may bilugang mata, at manipis ang mapula nitong labi. Guwapo siya at mataas lang sa akin ng dalawang pulgada.
Pinagmasdan ko silang lahat ngayon na nakatitig sa akin, na parang naghihintay sa aking sasabihin.
"Hi!" Nakangiti kong bati. Isa-isa kong niyakap at bineso ang tatlong dalagita, samantalang nakipagkamay naman ako sa dalawang lalaki.
Nagulat naman ako sa kanilang reaksiyon, para silang naestatwa sa kanilang kinatatayuan, habang si kuya Edmundo naman ay lihim na natatawa.
Nagpalipat-lipat tuloy ako ng tingin sa kanilang lahat, at doon ko lang napagtanto na may kakaiba sa kanila.
Jusko naman Isabelle naalog ba utak mo? Sita ko sa sarili, kaya pala ganoon na lamang sila kumilos at napaka-galang magsalita, pati ang kanilang mga kasuotan na tila ba'y lalahok sa paligsahan sa linggo ng wika.
Napalingon ako kay papa, "Anong taon po ngayon?"
"Ika-labing lima ng Noviembre Isang libo't walo naraan anim napu't lima," sagot ni papa habang nakatingin sa akin na later - I - will - explain - evrything na tingin.
Gosh, 1865 ba kamo! Mariin kong ipinikit ang aking mata at pilit na prinoseso ang lahat. Ibig sabihin, totoo ang lahat ng aking nakita kanina sa balcony, pati sila. Pero paanong nangyari ito? Ako lang ba? Paano mga kapatid ko at si Javier?
"Lusiya, ikuha mo ng tubig na maiinom ang
Señorita," iminulat ko nang muli ang aking paningin at nakita ko ang mabilis na pagsunod ni Lusiya sa utos ni Aling Esme.
Ilang segundo pa ang lumipas at mabilis din siyang bumalik na may dalang baso ng tubig. Agad ko itong kinuha at deretso ko itong ininom.
"Salamat," sabay punas ko sa aking bibig.
"Mabuti pa Lusiya, samahan mo muna sa kaniyang silid ang Señorita, para makapagpalit na siya ng kaniyang kasuotan," rinig kong utos ni Aling Esme.
----
Tahimik ako nakaupo sa tapat ng salamin, habang pinagmamasdan ang maaliwalas na mukha ni Lusiya at abala sa pagaayos ng aking buhok.
She's a pure blood filipina, makinis ang kayumangging kutis, tamang tangos ng ilong at nakapusod ang itim nitong buhok.
"Ilang taon kana, Lusiya?" habang pinapanood siya kung paano niya ayusin ang mahaba at maalon kong buhok.
"Labing-lima po, Senorita" nakangiti niyang sagot.
"Gaano ka na katagal dito?"
"Mag-iisang linggo pa lang po. Napakapalad po namin, dahil sa marami ang mga taong nag-asam na mamasukan po dito. Hindi po namin aakalaing mapipili kami para manilbihan sa inyong pamilya," masaya niyang pahayag at wari'y inaalala niya ang mga nangyari sa araw na iyon.
"Bakit gusto mong mamasukan dito?"
"Isang tanyag na manggagamot ang inyong ama,
kilala din po siya na isa sa mga mayamang peninsulares. Pero hindi po dahil doon kung bakit nais naming mamasukan dit, kundi dahil sa mabuting tao po si Don Roman," seryoso niyang sagot.
"Hindi po namin siya nakitaan na magalit sa amin, kahit na nakakailang beses na kami magkamali, lagi niya lamang kami pinagsasabihan. Higit po sa lahat madali pong lapitan ang inyong ama, hindi siya madamot at marunong makitungo sa aming mga indio."
Noon pa man may mabuting puso si papa, ayaw niya na may naa-agrabyadong tao.
"Siya po pala, balitang-balita po sa buong Intramuros ang nangyaring pamamaril sa inyo," dagdag pa niya.
Napakunot ako ng noo, "Anong ibig mong sabihin?"
Tumigil siya at naupo sa aking gilid na pumantay sa aking paningin. "Hindi niyo po ba maalala ang mga nangyari po sa inyo?"
Halos magsalubong na naman muli ang aking kilay, dahil wala akong maintindihan sa sinasabi niya.
Napahawak siya sa aking kamay at nanlalaki ang kaniyang mata. "Señorita, iyon po ang araw na kayo'y nabaril at halos malagay kayo sa bingit ng kamatayan."
Sandali, tama ba ang narinig ko?
"Sabi sa amin ng iyong ama, maraming dugo ang nawala po sa inyo kaya matagal po kayong hindi nagkamalay."
Napahawak ako sa aking baba, kaya pala. "Matanong ko lang, may alam ka ba kung sino ang bumaril sa'kin o may naikwento sa inyo si papa?"
"Opo at huwag na po kayong mag-alala dahil nakakulong na po siya."
"Ha! Paano? Kasama ko ba siya rito?" Namimilog ang aking mata at halos itagilid ko na ang upuang ito para makaharap siya ng maayos.
Tumango siya, "Sa katunayan po si Ginoong Edmundo ang nakakita po sa inyong lahat doon sa silid ng iyong ama. Siya rin ang humuli dito at agad na ipinadakip sa mga guardia civil."
Napahawak ako sa akin sentido at napasandal, ramdam ko naman na bumalik muli si Lusiya sa pagaayos ng aking buhok.
Kung napasama ang lalaking iyon, ibig sabihin narito din silang tatlo.
"Nakilala mo ba yung kasama kong babae at dalawang lalaki?"
"Sila Señor John at Señorita Luna po ba?"
"Tama sila nga, paano si Javier?
"Po? Pasensiya na po pero sila lamang ang ipinakilala sa amin ni Don Roman." Nagtungo siya sa isang aparador at may kinuhang puting sobre.
Iniabot niya ito sa akin, "Kabilin-bilinan po ni Señorita Luna na ibigay ko po ito sa inyo kapag kayo'y nagkamalay na."
Bahagya akong napangiti at maingat ko itong niyakap, kahit paano hindi ako nagiisa pero paano si Javier? Naiwan ba siya sa present time? Kumirot ang aking puso, hindi ako sanay na wala si Javier sa aking tabi.
"Pasensiya ka na kung marami akong tanong sa'yo."
"Walang anuman po Señorita. Basta magtanong lang po kayo ng kahit ano sa'kin, huwag niyo lang po ako pababasahin o pasusulatin," matamis siyang ngumiti pero may bahid ito ng lungkot.
"Bakit hindi ka ba nakapag-aral?"
"Hindi po, ang mga katulad naming mga indio ay walang karapatan mag-aral."
"Sino naman nagsabi na wala kayong karapatan?" Tanong ko na ikinagitla niya pero hindi siya umimik.
"Lusiya, lagi mo itong tatandaan. Kahit sino, mayaman o mahirap, babae o lalaki, lahat tayo ay may karapatan na makapag-aral," litanya ko.
Ano pa ba ang aasahan ko sa panahong ito, kung saan minamaliit ang mga kapwa kong pinoy. Kung saan tanging ay may kapangyarihan at mayayaman lamang ang may karapatan.
"Ano po ang inyong nais ipahiwatig, Señorita? Hindi ko po ito makuha."
Hinarap ko siya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Lagi mo itonh tatandaan, hindi sinusukat sa estado ng buhay ang karapatan na makapag-aral, Lusiya."
"Kakaiba po ang inyong paniniwala, Señorita. Parehong-pareho po kayo ng iyong ama," sabi niya na may pagkamangha sa kaniyang mga mata.
Lihim akong napangiti, syempre saan pa ba ako magmamana. Hahahaha! "Hayaan mo tuturuan kita magbasa at magsulat."
Nanlaki ang mga mata ni Lusiya, "Talaga po?"
"Oo naman, kung gusto mo isama mo pa sila Clarita at Pacita."
"Sigurado pong matutuwa ang dalawang iyon, lalo pa't kayo po ang magtuturo sa amin," naiiyak niyang sabi. Gosh, ang babaw pala ng kaniyang luha.
"Maliit na bagay lang iyon kumpara sa pag-aasikaso niyo sa amin," sabay tapik ko sa balikat niya.
"Opo Señorita, salamat pong muli. Siya po pala kukunin ko lamang ang inyong maisusuot." Dumeretso siya sa isang tokador at kinuha ang isang kulay krema na blusa na may diseniyong bulaklak sa manggas. Kapares nito ang kulay dilaw na saya na may maliliit na diseniyo ng puting bulaklak sa pinakalaylayan.
Napabuga ako ng hangin at kinuha ang damit na iniabot sa akin ni Lusiya.
"Hindi niyo po ba naibigan ang kulay nito? Maari ko po itong palitan ng iba."
Umiling agad ako. "Ayos na ito, salamat." Hindi lang siguro ako sanay na magsuot ng mga ganitong klase ng damit.
"Tulungan ko na po kayo, Señorita," alok niya.
"A-ako na ang gagawa, kaya ko naman." sabay talikod. Tatanggalin ko sana ang suot kong bestida, kaso nang aabutin ko na 'yung butones sa aking likuran ay napangiwi ako sa biglang pagkirot ng aking sugat.
"Señorita, hayaan niyo munang ako ang gumawa nito, habang hindi pa gumagaling ang inyong sugat sa likod," malamyos niyang wika. Napakahinhin naman niya.
Wala na akong nagawa pa kundi hayaan siya. Nang maalis ko na ang damit ay agad akong lumapit sa salamin. Nakita ko na medyo may kalakihan pala ang natamo kong sugat sa likod.
Hindi pa ito masiyadong naghihilom at paniguradong magkakapeklat pa ito. Bumagsak ang aking balikat, kawawa naman ang maganda kong likod.
Matapos ang mahabang seremonyang ginawa ni Lusiya ay ihinarap niya ako sa salamin. Halos di ko pa makilala ang aking sarili.
"Ako ba ito?"
"Señorita, kayo nga po iyan. Kayo'y nagtataglay ng karikitan! Sigurado po ako na maraming ginoo ang magbabalak para mabihag ang iyong puso," masaya niyang saad na para bang kinikilig.
Naubo ako sa sarili kong laway, naduduling ata si Lusiya kaya kung ano-ano na ang pinagsasabi. Ako marikit? Nagpapatawa ba siya?
"Baka namamalikmata ka lang kaya mo nasabi iyan," sabi ko habang humahalakhak.
"Hindi po! Tottoo po ang aking sinasabi."
"Nakakatuwa ka naman masiyadong advance iyang imahinasyon mo," na ikinakunot ng kaniyang noo.
"A-ano po yung ad-bans? Pansin ko po kasi na magaling kayo magsalita ng ibang lenggwahe"
"Ah! Iyon ba?" Napapakamot tuloy ako sa batok ko, ano ba kasi tagalog ng advance? Haist, ang hirap pala nito!
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko, ang mabuti pa bumaba na tayo kasi nagugutom na ako," sabay hila ko sa kaniyang braso. Hindi na siya nakaangal pa sa ginawa ko.
Nasa kaligitnaan pa lang kami ng hagdanan ay naamoy ko na ang paborito kong pagkain na daing. Natatakam na ako kaya nagmadali akong bumaba at naupo sa tabi ni papa habang si Lusiya naman ay sa tabi ni Aling Esme.
Matapos manalangin ni Emilio, mabilis kong sinunggaban ang pagkain sa aking plato.
"Grabe parang ngayon lang ulit ako nakakain," sabi ko habang ngumunguya.
Natatawa naman si papa sa akin, "Marami pa 'yan, talagang ipinaluto ko ang mga ito para sa'yo, lalo na yung daing."
"Don Roman, hindi kaya mabilaukan ang Señorita," paalala ni Aling Esme.
"Huwag kang mag-alala, kaya niya iyan," natatawang sagot ni papa. "O, siya kumain na tayo at huwag kayong mahiya, masanay na rin kayo kay Isabelle."
Ramdam ko naman na lahat sila ay hindi pa rin makapaniwala sa aking inasal, maliban kay Ginoong Edmundo at Lusiya na palihim na natatawa sa'kin.
Bakit kasi sa panahon pa ako ni Maria Clara napadpad! Anway gutom na gutom na ako, next time ko na lang iisipin kung paano kumilos ang isang Maria Clara sa panahong ito kung tinopak ako.
Masaya namin pinagsaluhan ang pagkaing ihinain sa lamesa at aaminin ko na nakaramdam ako ng saya sa aking puso, kahit na ngayon ko pa lang sila nakilala. Ang gaan ng loob ko sa kanilang lahat, mas sasaya pa sana ito kung kasama namin sila Luna, John at Javier.
Napatingin ako kay papa, kumikislap ang kaniyang mga mata sa tuwa. Naguilty tuloy ako sa mga panahon na hindi ko siya nakakasama noon.
"Papa."
Napatingin siya sa akin, "Babawi po ako sa mga panahong hindi ko kayo nakasama." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, na ikinalambot lalo ng puso ko.
----
Nakadungaw ako ngayon dito sa balkonahe at dinadama ang malamig na simoy ng hangin, isinasayaw nito ang iilan kong buhok na kumawala sa pagkakatali.
Natatanaw ko na rin ang unti-unting paglubog ng araw. Kulay kahel na kalangitan at humahalo na ang kulay asul na tila naglalaban. Sa loob ng ilang minuto sasapit na ang dilim.
"Namimiss ko na sila," bulong ko sa hangin na sana dalhin nito kung saan man sila naroroon ngayon.
Hawak ko ang liham at binuksan ko ito, umalingawngaw ang mabangong amoy ng sampaguita.
Minamahal naming Isabelle,
Kung nabasa mo na ito, ibig sabihin nagkamalay kana. Patawad kung wala kami ni John sa iyong tabi sa oras na ika'y nagising.
Kamusta kana? Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Huwag mo sanang pababayaan ang iyong sarili at huwag maging pasaway kay Tito Roman.
Gusto ko ipaalam saiyo na nagtungo kami sa bayan ng San Fabian para hanapin si Javier. Malakas ang aming kutob na doon ito napadpad mismo at maaring kasama niya ngayon si Vincent.
Siguro nabalitaan mo na rin ang pagdakip sa lalaking bumaril saiyo sa gubat. Nasabi niya sa amin na may kung anong puting liwanag ang bumalot sa ating lahat ng gabing iyon at ito siguro ang naging dahilan kung bakit tayo nakapaglakbay sa panahong ito.
Isabelle, magiingat ka. Hindi natin alam kung ilan at sino sila na narito sa panahong ito at sigurado kami na ikaw agad ang kanilang hahanapin. Hiwag kang gagawa nh anumang bagay na ikapapahamak mo.
Hihintayin namin ang pagdating mo dito.
We miss you and we love you.
- Luna and John
P.S. Sab-Sab, huwag kang magkakalat diyan, nakakahiya. - John.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro