Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

CHAPTER 9

Anger

* * * * *

Care Billones

"Papa?" gulat kong tanong nang makita ko si Papa na nakatayo sa labas ng pintuan dito sa unit nila Jen. Kasama niya sina Yaya Buning, Kuya Ben, Dr. Ahi at ilang staff ng LCU Dorm Village. Napalunok na lang ako at ang aking lalamunan ay hindi mapakali. Naging abnormal ang ritmo ng aking paghinga.

"Nandito ka nga talaga." Dad was clenching his jaw. Ang kaniyang mata'y nagliliyab. "At sino 'yang tumutulak sa wheelchair mo Care? Why do you have a Muslim friend?" halos pasigaw na niyang sabi kaya napayuko ako bigla. Nanginig ang aking mga kamay at napapikit na lang ng mata.

Bakit ba ganyan si Papa?

"Sir Billones, ako na po bahala sa alaga ko," rinig kong sabat ni Yaya Buning.

"Yes. Kunin mo 'yang alaga mo at sa bahay kami magtutuos."

"Opo, sir."

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang sapatos ni Yaya Buning. Iniangat ko ang aking tingin. Nang magtagpo ang aming balintataw, ang lawa ng luha sa likod ng aking mata ay nais umagos palabas. Nakagat ni Yaya ang kaniyang labi.

"Sorry, Ma'am. Papaalisin niya kasi kami sa mansyon kung 'di namin sasabihin," paliwanag ni Yaya.

Ang mainit na likidong nagbabadya sa gilid ng aking mata'y dumausdos na pababa sa aking pisngi. Dumiretso na si Yaya Buning sa likod ng wheelchair ko at siya na ang nagtulak niyon.

Ang bigat ng tensyong namumuo rito sa loob ng unit. Walang nagsasalita, walang gumagalaw. Naestatwa na sina Jen at Nur sa may pinto at 'di na alam ang gagawin. Nang lumingon naman ako sa likod, nakita kong nakayuko si Yarsi. Alam kong natakot siya nang biglang sumigaw si Papa at siya ang pinunterya.

Nasa labas na kami ng dorm unit at nakita kong may mga nakikiusyosong mga estudyante. Nakadungaw sila sa pinto ng kani-kanilang dorm.

"Please talk to these students," sabi ni Papa kay Dr. Ahi. "I hope they will not do this again. And thank you for your staff for helping me finding my daughter."

"No problem, Mayor Billones. We are glad that Care is safe."

"No, she's not safe. See that girl over there?" Itinuro ni Papa ang pwesto ni Yarsi na nakayuko. Kahit na nakatakip ang mukha niya gamit ang hijab niya, alam kong mabigat ang sitwasyon niya. "She's a Muslim and she's a treat. Watch her."

Gusto ko pa sanang magsalita para ipagtanggol ang kaibigan ko kaso bigla na lang akong itinulak ni Yaya Buning palayo. Sumunod na lang sila Papa. Habang dumadaan kami sa hallway, sunud-sunod ang pagsara ng mga pinto ng bawat dorm unit at nag-echo pa ito sa buong hall way. Naglaho nang mabilis ang mapang-usyosong mga mata ng mga estudyanteng nakadungaw.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak kaya inilabas ko na ang mga luha ko.

Yumuko ako habang sapo-sapo ng aking kamay ang aking buong mukha. Nagtaas-baba na ang aking balikat at ang pagsinghot ko'y nanginginig na rin.

Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Yaya sa balikat ko.

Nagkaroon ng isang karera ng luha sa aking pisnging saksi sa baluktot na pamamalakad dito sa La Cota. Nang dahil sa nangyari sa akin, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyayari. Natatakot ako para sa aking sarili pero mas natatakot ako sa mga kaibigan kong makakaranas ng diskriminasyon na noon ay hindi naman umusbong sa siyudad na kinalakhan ko.

* * * * *

Walang gustong kumibo rito sa loob ng kotse. Para akong nasa isang sound proof na kwarto at ang paghinga ko lamang ang aking nauulinigan.

Tuloy-tuloy lang ang byahe namin papuntang mansyon. Narito ako sa likod ng kotse ni Papa katabi si Yaya Buning na kanina pa ako inaalo dahil sa pag-iyak ko.

Halos makalimutan ko na nga 'yong kirot ng pilay ko sa paa dahil sa nararamdamang sakit dito sa aking puso. Ang bigat ng katawan ko at gusto kong ilubog nang ilubog ang sarili sa kinauupuan ko ngayon.

Sa bawat pagtakbo ng sasakyan,

Sa bawat pagtama ng ilaw mula rito sa durungawan,

Wala akong naapuhap ni isang liwanag upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Walang liwanag ang makakaligtas sa madilim na espasyong kinabibilangan ko ngayon.

Makalipas ang ilang minute, nakarating na kami sa mansyon at tulak-tulak ako ni Yaya Buning. Wala pa ring nagsimulang bumuo ni-isang salita o tunog. Nahiyang dumalaw ang hangin para bigyan kami ng bugso upang makapagsalita.

Nasa hallway na kami papunta sa kusina.

"Let's have dinner," malamig na sabi ni Papa habang nakatalikod mula sa harap ko. Nakalagay ang kaniyang mga palad sa kaniyang likod.

"Ayaw ko," walang emosyon kong sabi na nagpahinto sa kaniyang paglalakad. Huminto rin si Yaya Buning sa pagtutulak sa wheelchair ko.

Kahit na kumakabog ang puso ko at nanginginig ang daliri ko sa kaba, hinayaan kong pakawalan ang salitang iyon mula sa bibig ko.

Bahagya akong nilingon ni Papa na wala ring emosyong nakapinta sa kaniyang mukha. He presented with a flat mood. "Fine," bigla niyang sabi at nagtaas ng dalawang kilay. "If you don't want to eat, then don't. Hindi naman kita pipilitin pero ..." Tuluyan na niyang iniharap ang buong katauhan niya sa akin. "You need to stop befriending Muslim people."

"Bakit?" I keep my tone in a most respectful way as possible. "I'm old enough and please I know those people. 'Yong babaeng sinabihan mong dangerous, she's the nicest woman I have ever encountered in my whole life, Papa. She's not dangerous. Hindi siya halimaw. Hindi siya mamamatay tao. Hindi siya terorista. She's a human, a Muslim, with feelings like us."

"Yes, I know. She's a human like us. But her people don't act like us."

"What, Papa? Her people? What a big word coming from you!" I scoffed. Humigpit ang kapit ko sa gilid ng aking wheelchair. Nag-apoy at uminit ang aking mga mata habang nakikipagtalo ng tingin sa kaniya. Hindi ko na kayang gawing marespeto ang aking boses. Hinayaan ko na lang itong umangat nang umangat.

"Her people killed-"

"NO!" agad kong pinutol ang kaniyang sasabihin dahil alam kong ihahayag niya na naman ang kaniyang kamuhian sa mga taong iyon. Umalingawngaw pa ito rito sa loob ng mansiyon. "Know your history first! Killing is not affiliated to any part-"

"Killing is part of our life, Care. You should read some history, too."

Uyam akong bumuga ng isang mabigat na hangin.

"You are too blinded with your own belief, Papa. You are the leader of this city and you must know your people because they are your people." Huminga muna ako saka nagpatuloy. "Yaya, dalhin n'yo na po ako sa kwarto ko," I cracked my voice while saying those.

Agad din namang tinalima ni Yaya ang utos ko at tumalikod na kami mula sa pwesto ni Papa. Napapikit na lang ako nang madiin habang paulit-ulit na humihinga nang malalim na parang hinihika.

Habang lumalayo na kami rito sa hallway, biglang nagsalita muli si Papa.

"Nag-aalala lang ako sa 'yo, anak," maramdamin niyang wika.

Nakagat ko ang aking labi nang marinig ko iyon. Tila ba may tumagos na pagmamahal sa aking puso at may kumawalang patak ng luha mula sa aking mata.

If you love me, you should also love the people around me. Don't be selfish. Understand different people.

* * * * *

Kinabukasan, naimulat ko ang aking matang matubig at mugto. Iyak ako nang iyak kagabi dahil sa pangyayari.

Para bang ako ang may kasalanan.

Para bang ako ang puno't dulo nitong lahat.

Para bang isang kasalanan ang maging isang Billones.

Ako ang may dala ng malas kina Jen at Yarsi. Ako ang pinakakinasusuklaman ng lahat. Ako ang pinakamarumi. Ako na ang pinagsakluban ng lahat ng mabibigat na bagay.

Before sleeping last night, I also received an e-mail from our school that I would start participating on online classes. It was an order from Papa. Kaya simula ngayon, sa tapat na ako ng computer ko mag-aaral. They provided me my new schedules and new instructors. Some classes are special kaya ako lang ang estudyante roon. One-on-one kumbaga.

Wala akong balak bumangon sa aking kama. Hinayaan ko lang ang daliri kong magpadulas sa screen ng cellphone ko habang nagbo-browse ng kung anu-anong bagay upang magbigay sa akin ng motibasyon.

Habang nanonood sa YouTube, may sumulpot na chat head mula sa isang lalaking pamilyar sa akin. Nakangiti siya sa kaniyang profile pic, nakasuot ng birthday hat at nakasalamin. Bigla na lang akong nabuhayan. Parang umandar lahat ng makina sa loob ko. Bahagya akong napangiti.

Pinindot ko na ang message ni Nur.

Pero teka, wala naman akong naaalalang friends kami sa Facebook? Dapat nasa message requests ko 'to ah.

Nur:
Hi Care. I was looking
for your profile kanina.
I didn't know na friends
pala tayo. Maybe, you
added me kasi hindi
naman ako mahilig mag-add.

You:
Oh, hello Nur. Me, too.
Hindi ko rin alam.
Pero siguro nga, I added
you dati kasi I like
to press the "add friend"
button pag may pogi.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang binasa ko ulit ang nai-send kong message.

Pogi? Ang tanga mo naman Care! Bakit mo 'yon sinabi?

You:
HALA! Typo! Ano ba 'yan!

Nur:
HAHAHAHA, baka nga.

Wait, tumatawa ba talaga siya? Parang I want to see him laugh right now.

Mabilis ko namang iniling ang ulo ko. Nahihibang na ako sa mga pinagsasasabi ko ngayon.

Nur:
Anyway, okay ka lang?

Natiklop ko ang aking labi. Uminit ang aking pisngi. Nagtambulan ang aking dibdib.

Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa aking katawan at iginulong ko ang sarili ko sa kama. Tila nawala ang lungkot na bumalot sa akin kanina.

You:
Okay lang ako. Kayo
dapat ang tatanungin
ko ng ganyan. Are you
okay? How's Yarsi and Jen.
I haven't messaged them pa.

Nur:
They are fine. We are fine.
Nagulat lang kami sa situation
kagabi, but we have moved on.
Also, kaya rin kita ch-in-at ay,
gusto ko lang tanungin kong
itutuloy mo pa rin ba 'yong
pagdo-donate ng mga laruan?

You:
Yes, Nur. Tuloy. When
do you need it?

Nur:
Uhm, anytime you want.
Mahirap kasi ang sitwasyon
mo ngayon.

You:
No. I'm fine. Maghahanap
ako ng paraan.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro