Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

CHAPTER 7

Youth Organization

* * * * *

Care Billones

Nang maimulat ko ang aking mata, parang sinapak ako ng isang matinding liwanag kaya naipikit ko ang aking mata. Parang mabubulag yata ako nito. Hindi ko naman akalain na sinasalo ko na pala ang matinding sikat ng araw mula sa bintana ng kwartong ito-sa kwarto ni Jen. Itinalukbong ko ng kumot ang mukha ko at unti-unti ko rin iyon tinanggal para maka-adjust sa nakasisilaw na liwanag.

Magkatabi lang kasi ang kama ni Jen at ang bintana. Bahagya naman akong bumangon at inusod ang sarili palapit doon para hilahin ang maitim na kurtina para matakpan ang sinag ng araw.

Hay, sa wakas. Wala na ring liwanag. Naging dim na ang buong kuwartong ito.

Bumagsak muli ako sa malambot niyang kama at tiningnan ang digital clock sa may side table ng kamang ito.

8:34 AM ang nakalagay roon.

Habang nakatiya, pinagmasdan ko ang mga posters na nakadikit sa pader ng kwarto ni Jen. Punung-puno ito ng posters ng iba't ibang K-Pop Boy Group. Parehas kaming fan ng K-Pop. May mga poster dito mula pa sa Super Junior at Big Bang hanggang sa mga bagong grupo ngayon. Pero halos mapuno naman ng mukha ni Jin mula sa BTS ang kwarto niya.

Habang pinagmamasdan ang mga iyon, bigla na lang may bumukas sa pinto ng kwartomg ito. Nagulantang ako at agad kong iniakyat hanggang leeg ang kumot na ito.

Bakit siya nandito?

"Nakahanda na almusal mo. Gising ka na pala," walang emosyong wika ni Nur. He was wearing a black sweatshirt and a jogging pants. Mukhang nag-exercise pa siya dahil medyo pawisan ang kaniyang mukha't buhok.

"Bakit ka nandito?" tanong ko bago siya umalis at isara ang pinto.

"Para bantayan ka."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tila uminit ang pisngi ko. Nagsalubong din ang aking dalawang maninipis na kilay. At para naman saan? Kagabi lang, muntik na siyang mabugbog ni Aleks, ah.

"Okay lang ako, Nur. 'Wag mo na ako bantayan."

"Your friends told me na huwag kitang iwanan dito o kung lalabas ka man, dapat kasama kita."

"Hello? Gusto mo bang tuluyan ka na talaga ni Aleks?" Bahagya na akong bumangon at umupo sa gitna ng kama. Medyo kumirot din ang pilay ko sa paa kaya napangiwi na lang ako bigla.

"Maligo ka na rin para mapalitan natin 'yang bandage mo," sabi pa niya. "And, Aleks will not bother us again, 'di ba? Ikaw na nga nagsabi sa kaniya kagabi."

Kagabi, nang matapos naming harapin si Aleks, pinagbantaan ko siya na isusumbong kay Papa kung may gagawin pa siya kay Nur o sa amin. Hayun, he left. Wala rin akong natanggap na text mula sa kaniya pagkatapos niyon.

I heard Nur heaved a sigh. Tuluyan na siyang pumasok dito sa kwarto at inihanda ang wheelchair ko. Pinagpag-pagpag pa niya iyon. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kiliti sa aking tiyan nang bigla siyang tumitig sa akin. Seryoso ang mukha niya at kitang-kita ko na ang mga pawis sa buhok niya. Tumutulo pa ang ilan sa mga iyon.

"Hindi ka uupo?" biglang tanong niya.

I blinked twice, thrice-hindi ko na nabilang. Kinabahan ako bigla at mabilis na kumabog ang puso ko. Ano'ng nangyayari sa akin?

"Care," pagpukaw niya.

"Ah-oo. S-Salamat," utal kong saad. Napalunok na lang din ako't nanginig ang aking kalamnan.

Iginulong niya palapit sa kama ang wheelchair at inusod ko naman ang katawan ko palapit doon. Medyo nahihirapan ako kung paano ako uupo dahil bigla ulit kumirot itong pilay ko.

"Aray," napadaing na lang ako. Pero bigla na lang akong sinalok ni Nur mula sa kama at binuhat na pang-bridal style. Tila tumigil ang mundo ko. Napasinghap ako sa pinakamataas kong tono.

Walang namuong salita sa aming dalawa. Tila bumagal ang oras at nagningning ang paligid. Ang banayad ng aking pakiramdam. Para lang akong nakalutang. Hindi ko na rin namalayan na ang aking pagngiti ay hindi na maikubli.

Pinanood ko ang ulo ni Nur. Hindi siya nakatitig sa akin kaya nakikita ko ang kaniyang pangang halos inukit ng isang manlililok. Nagpatibok na naman iyon sa puso ko. Nur looked great lalo na kung malapitan. At kahit na pawisan siya, hindi siya nangamoy dugyot.

Agad ko ring binura sa utak ko ang mga nasa isip ko. Winalis nang winalis ko lahat ng iyon. Ano ba 'tong pinag-i-imagine ko?

Maya-maya, dahan-dahan niya akong pinaupo sa wheelchair ko. Winagwag pa niya ang kaniyang kamay matapos niya akong ilagay rito. Mukha siyang nabigatan sa pagbuhat sa akin. Naalala ko nga pala na, mabigat daw ako kapag nakapang-bridal style 'yong buhat.

Pagkatapos niyang iwagwag ang kaniyang braso, pumunta na siya sa likod ng wheelchair ko at marahang tinulak iyon palabas.

Hindi ko naman maintindihan itong nararamdaman ko. Kinakabahan ako na parang hindi. Pero parang may kakaibang kiliti rin akong nadarama. Kinagat ko na lang ang ibabang bahagi ng aking labi. Ayaw kong isipin na iyon ang aking nararamdaman. Ipinikit ko ang aking mata-madiin na madiin-para mawala itong gumugulo sa akin.

Nakarating na kami sa dining area ng unit nina Jen. Natakam ako bigla sa samyong nalanghap ko.

"Nagluto ka?" tanong ko.

"Oo."

"Marunong ka magluto?"

"Marunong pero hindi magaling. At saka, hindi ko rin naman nagagamit 'yong cooking skills ko kasi 'yong dormmate ko 'yong nagluluto sa unit namin," pagpapaliwanag niya sa kaswal na tono.

"So, anong niluto mo?"

Hindi niya na rin sinagot iyon dahil itinapat na niya ako sa mesa. May kung anong kuryente naman ang dumaloy sa mukha ko. Bahagya rin akong natawa at nakaramdam ng kakaibang saya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumabas itong mga emosyon na ito.

"May nakakatawa ba?" Nur asked. Umupo naman siya sa tapat ko.

Iniling ko ang aking ulo. "Wala naman."

He just nodded.

Ang pagkain namang niluto niya ay tipikal na umagahan ng mga Pinoy-tapsilog.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

"Wala 'yon. Kumain ka na and after that, take your shower. Ako na magpapalit ng bandage sa pilay mo."

Parang may kumubkob na hiya sa kalamnan ko. Napatungo na lang ako. Pero kahit na gano'n, may sumilay namang ngiti sa aking labi.

Bahagya ko namang iniling muli ang aking ulo.

I needed to stop thinking about this. About this feeling. About this kilig.

* * * * *

Nandito kami sa sala at tapos na ni Nur palitan ang bandage sa paa ko. Nagpasalamat ako sa kaniya pero hindi ko talaga mapigilang kabahan, mahiya at mapangiti. Ang weird pero iyon ang mga naglalakbay sa bawat sulok ng balat ko. At sa totoo lang, gusto ko lang ito ipagpatuloy dahil pakiramdam ko, ang gaan-gaan ko.

Nakaupo kami sa sofa habang nanonood ng isang series sa Netflix. May kahabaan naman itong sofa nina Jen kaya nasa magkabilang dulo kami nakaupo. Nakararamdam na rin ako ng kaunting awkwardness dito kay Nur. Paminsan-minsan din, sinusulyapan ko siya kung ano ang ginagawa niya. Nakatutok lang ang mata niya sa screen ng TV sa harap pero minsan tumutungo at nag-i-scroll din sa kaniyang phone.

May narinig na lang akong tumunog. May tumatawag yata pero hindi ko 'yon ringtone.

Napansin ko si Nur sa tabi ko at agad na inilagay sa tainga ang kaniyang phone.

"Hello?" pagsagot niya sa tawag.

Hindi ko naman marinig 'yong pinag-uusapan nila ng kausap niya. Tumatawa-tawa pa siya kaya naba-bother ako kung sino 'yong kausap niya. Hindi na ako makatutok sa pinapanood kong palabas.

Girlfriend kaya niya 'yon?

May girlfriend ba siya?

Wala namang naikuwento si Yarsi. Wala rin namang naikuwento itong si Nur.

Eh, pa'no naman siya magkukwento, hindi naman ako nagtatanong!

Sira ulo ka rin, Care!

Ikinuyom ko na lang aking palad dahil sa iritang nararamdaman. Bakit ba parang masyado ko siyang pinapapasok sa sistema ko? Ugh, kainis!

"Haha! Oo na, I love you!" natatawang sabi ni Nur saka niya pinatay ang tawag sa phone.

I love you? Sinabi ba niya 'yon sa kausap niya? So, may girlfriend nga talaga siya! Confirmed.

Isinandal ko na lang ang likod ko sa malambot na sofa'ng ito. Hindi ko alam pero parang bumigat yata ang pakiramdam ko. Parang wala na ring pumapasok na ingay sa tainga ko at hindi ko na naiintindihan ang palabas. Pero paulit-ulit namang nag-replay sa tainga ko 'yong sinabi ni Nur sa kausap niya.

I love you. I love you. I love you.

Sino ba 'yon? At bakit . . . naiinis ako?

Biglang tumayo si Nur. Napansin ko rin ang malaking ngiti sa kaniyang mukha. Ngayon lang siya ngumiti! Ngayon lang! Kanina pa niya ako kasama pero buryong-buryo ang mukha niya. Baka pupuntahan niya 'yong GF niya at iiwan niya ako rito.

"Care," tawag niya sa akin.

"Oh?" walang lakas kong sabi. Humalukipkip din ako at diretsong tinitigan ang palabas sa TV kahit hindi ko na nasasabayan ang kwento.

"Aalis lang ako. Babalik din ako agad."

"Sa'n ka pupunta?" Diniinan ko ang paghalukipkip.

"Sa Arts Building."

"Ano'ng gagawin mo ro'n?"

"May kikitain lang."

I looked at him suspiciously. Naningkit na ang mga mata ko. Unti-unti namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng tila matang nag-aaya. Umamong tila pusa ang kaniyang postura.

"Gusto mo bang sumama?" biglang tanong niya sa kaniyang malambing na boses.

* * * * *

Wala rin naman akong gagawin kaya mas pinili ko na lang na sumama sa kaniya. Sinabi niya rin sa akin na mga ka-org mates niya raw 'yong mga kikitain niya. Para namang nabunutan ako ng isang tinik na nakabara sa lalamunan ko at nakahinga ng maluwag nang malaman ko iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon naramdaman. Ugh!

Nasa tapat na kami ng Arts Building. Para akong pumunta sa isang painting na ang canvas ay ang building mismo. Napapatingala ako't napapanganga habang pinagmamasdan ang mga murals na nakapinta sa labas ng gusali. May mga statues din dito na iba-iba ang hugis. Ang iba ay ang hirap i-describe!

Napakamakulay ng buong paligid. I felt like I was in a paradise. Ang payapa at parang gusto kong mapabilang sa mga art works na nandirito.

Pumasok na kami sa loob at sinalubong ako ng malamig na hangin. The air conditioning here was too much. Agad kong niyakap ang sarili ko. Mabuti na lang at nakasuot ako ng asul na jacket. Nakatulong iyon. Marahang tinutulak ni Nur ang wheelchair ko. May mga estudyante namang tinititigan kaming dalawa na may taka sa kanilang mukha. Palipat-lipat ang tingin mula sa akin at kay Nur.

Alam ko namang nawiwirduhan sila dahil, sino ba naman ako? Ako lamang ang anak ng alkaldeng ikinasusuya ang mga taong katulad ni Nur.

Pumunta kami sa dulong parte ng building na ito. May isang silid doon at binuksan iyon ni Nur. Nabasa ko pa 'yong nakasulat sa gilid niyon bago kami pumasok. Ang nakalagay roon ay 'La Cota University Youth Volunteers Organization.'

Maingay nang makapasok kami sa loob. Puno ng tawanan at ngiti. Halos mapunit na ang mga mukha ng iba dahil sa katatawa. Nagtatapunan pa sila ng mga bolang papel. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang mapansin nila kami.

Tumahimik. Nakabibinging katahimikan.

Ang nakangiti nilang labi ay bumuka at humugis bilog. Pagkagulat, pagkataka at hindi kapani-paniwalang reaksyon ang naipinta sa kani-kanilang mukha.

"Good morning?" tanong ni Nur at idiniretso niya lang ang pagtulak sa wheelchair ko hanggang sa makapunta na kami sa gitna. Lahat sila ay biglang umayos ng upo sa mga upuan. Nakagawa pa 'yon ng mga ingay pero nagsitsitan lang sila upang tumahimik uli.

"Oh? What happened? Kanina ang saya-saya ninyo, ah?" dagdag pa ni Nur.

Aligaga ang mga mata ng mga taong nasa harap ko. Nagtitinginan pa sila at may mga bulungan akong nadidinig.

Nakagat ko na lang ang labi ko. I knew it. Sana hindi na lang pala ako sumama.

"Uy, guys!" natatawang wika ni Nur. I heard him sigh at nakita kong tumabi sa wheelchair ko. "This is Care Billones," biglang pagpapakilala niya sa akin. "I know you already know her because of her dad."

"Yes, and why are you bringing this woman here?" tanong ng babaeng sumusupsop ng lollipop.

"Uhm." Tumingala ako at tumitig din si Nur sa akin nang panandalian. "She wants to help sa project natin. Right, Care?"

Napalunok naman ako ng laway nang tinanong ako ni Nur. Hindi ko naman alam kung ano 'yong project na iyon. Pero dahil sa mukha ni Nur na nakangiti sa harap ko ngayon, napasagot na lang ako ng, "Oo."

"See. She wants to help." Humarap siya sa mga ka-org mates niya ng may sigla.

Nakaiilang na mga ngiti ang naipinta sa mga mukha ng mga tao sa harap ko. It was so awkward. Pero ngumiti na lang din ako sa harap nila.

"O sige sige," sabi no'ng isang lalaking mala-model ang proportion ng katawan at masagana ang pagkakulot ng kaniyang buhok. May mas gugwapo pa pala rito kaysa kay Nur. Lumapit 'yong lalaki sa amin. "Hi, I'm Tim Guingona, president of this organization." Ibinigay naman niya ang kaniyang kamay sa akin at malugod ko 'yong tinanggap. He gave me a friendly smirked. "So, are you going to join our organization?"

I blinked. "Uhm, yes, sure why not?"

Nag-OK sign siya at humarap sa mga tao. "Cris, ihanda mo nga 'yong Google Form para dito kay Ms. Billones."

"Opo," sagot naman no'ng Cris. He looked lively. Parang may umaaninaw na kasiyahan sa kaniyang katauhan. At, ang shiny rin ng kaniyang kalbong ulo.

Tumayo si Cris sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa akin habang bitbit-bitbit ang kaniyang laptop.

"Hello po, Ms. Billones," magalang niyang bati. "Ako po si Cris, secretary po ng org na 'to. Ito na po 'yong form. Sagutan n'yo na lang po. Welcome to the org."

"Thanks." I motioned my hand, thanking him. Inilapag na niya sa hita ko ang laptop at sinimulan ko na ang pagsasagot.

Habang nagsasagot, nag-usap na ang mga org mates ni Nur.

"So, Ms. Billones is answering the form now," ani Tim. "Let's start na the meeting. Nandito na rin si Nur."

"Sure," sagot ni Nur. Iginiya naman ako ni Nur sa may gilid pero pinuwesto niya ako kaharap silang dalawa ni Tim na nagsasalita ngayon sa harap.

"Nakakuha na ako ng go signal from the head adviser ng lahat ng organization sa project natin. It seems okay daw. Tomorrow, we will start collecting donations from our schoolmates. And, tonight, we will post na the posters created by Kaira-"

"Wait," biglang pagputol ni Nur kay Tim. "Puwede bang ipakilala muna natin si Care sa bawat isa?"

"Oh yeah, sorry. I forgot," nakangiting wika ni Tim at nagkamot pa ng batok. Mabilis ko lang din naman natapos 'yong form dahil tungkol sa sarili ko lamang naman iyon.

Lumapit muli sa akin si Nur. May ngising nakabalot sa kaniyang labi. Bigla namang nag-init ang aking pisngi.

"Mababait 'yan sila," bulong-wika niya at tinulak niya muli ang wheelchair ko papunta sa harap.

"Because you're the newbie, let's start with, you." Tinuro ako ni Tim.

"Ako?"

"Yes." Kinuha naman niya 'yong laptop na nakapatong sa hita ko. "We don't know you personally. We just know your name kaya we want to get to know you more," dagdag pa niya habang ipinapaabot kay Cris 'yong laptop.

"O-Okay," mahinang sabi ko. "Uhm, hi. I'm Care Billones. I'm currently taking BS Accountancy, 2nd year."

Nag-iwan naman ako ng ngiti.

"Ayun lang?" ani Tim. "What do you like? Favorite food? Color? Place? Bakit mo naisipang-"

"Ako na sasagot," biglang sabi ni Nur. Nailipat ko sa kaniya ang aking tingin. "She's Care Billones. She, obviously, the daughter of our mayor. She might have the 'Billones' attached to her name, however ... she's different."

* * * * *

Nakapaikot ang mga upuan nila para sa meeting ngayon. Nakilala ko na rin kanina ang mga ka-org mates ni Nur. Si Tim ang president na may mala-model na hitsura't kulot ang buhok. Si Cris ang secretary na may friendly vibe at obvious na obvious ang kaniyang bolang kristal na ulo. Si Minda naman ang treasurer at parang puro lollipop ang laman ng bag niya dahil sa tuwing nauubos 'yong sinusupsup niyang lollipop, mayro'n na namang bagong nakasalaksak sa bibig niya. Si Ronald naman ang outreach coordinator na sobrang haba ng bangs. Si Kaira naman ang creative coordinator and social media head at mukha siyang matalino dahil sa salamin niyang suot at maayos niyang pananamit.

"I highly encourage you guys na i-donate 'yong mga maayos and used toys ninyo," sabi ni Tim.

"Yeah, I'm planning to donate mine," sagot naman ni Minda at dinig ang pagsipsip niya sa lollipop.

"Next week na rin ito so, kung mas maaga ninyo maido-donate, mas maganda."

I raised my hand and it caught their attention. Lahat na sila ay nakatitig sa akin. I gulped before saying what I want to state.

"Uhm, I have toys at home. Some of them, hindi pa nagagamit. I will donate those para rito."

Tim nodded his head and acknowledged it. Nagpakita pa siya ng thumbs up. "Good."

I smiled. Napansin ko namang nakangisi si Nur pero nawala rin iyon agad nang magtagpo ang mga mata namin. Mabilis niyang inilipat ang tingin kay Tim.

Ipinagkibit-balikat ko naman 'yong pangyayaring iyon.

* * * * *

Lunch na nang natapos ang meeting nila. May mga klase pa 'yong iba at si Nur naman ay vacant time niya. Dahil nagugutom ako, inaya ko na lang siyang pumunta sa Snak Hauz para kumain.

Nakababa na kami sa platform ng monorail. Gaya rin no'ng nangyari sa Arts Building, ang mga mapanghusgang mata ng mga estudyante ay nakatutok sa amin. Patuloy lang si Nur sa pagtulak ng wheelchair ko hanggang sa makarating na kami sa loob ng Snak Hauz.

Dahil mas maraming tao rito, mas naging agaw pansin ako. May mga nagbubulung-bulungan sa gilid pero hindi ko naman marinig ang mga 'yon dahil may kaingayan talaga rito sa loob ng Snak Hauz.

Napansin ko na lamang na nasa tapat ako ng elevator.

"Saan tayo pupunta? Sa Woods Area, 2nd floor?" tanong ko at lumingon pa ako kay Nur.

"Sa rooftop. Wala naman masyadong kumakain do'n. It will be better if we stay there," pagpapaliwanag niya pero ang kaniyang mukha ay walang inilalabas na kung anumang emosyon o reaksyon. It was flat.

Tumango na lang ako at hinintay ang pagbukas ng elevator. Ipinagsalikop ko ang aking kamay at ipinatong ko iyon sa aking hita. Bakit kaya ganito ang pakikitungo sa akin ni Nur? Kanina, siya na 'yong nagpakilala sa akin, tapos ngayon parang siya pa ang mas nag-aalala kaysa sa akin. Napakagat-labi na lamang ako. May kung ano na namang bumabagabag sa kalooban ko. Hindi ko maipaliwanag iyon. I just brushed that feeling off. Sakto namang tumunog ang elevator at bumukas na iyon.

Marahang tinulak ni Nur ang wheelchair ko at sumakay na kami sa loob. Wala namang estudyante sa loob. Naging tahimik ang byahe namin hanggang sa tumunog muli ang elevator. Nakarating na kami sa rooftop. Nahati sa gitna ang pinto ng elevator at lumabas na kami.

Pagkalabas at pagkalabas namin, sinalubong kami ng masagang sikat ng araw kaya dagli kong sinalag ito gamit ang aking palad. Nakasisilaw. Bahagya rin akong napapikit.

"I'll bring you there. 'Wag kang mag-alala sa sikat ng araw," sabi ni Nur at nakita ko 'yong malalaking payong na kulay puti. May mga mesa at upuang nakalilim doon.

Hindi pa ako nakakapunta rito sa rooftop ng Snak Hauz. Ang alam ko nga lang ay 'yong bar at akala ko, iyon na ang tuktok.

"Walang masyadong pumupunta rito, lalo na't tanghali." Nasa lilim na kami ng mga malalaking puting payong. Iginiya at tinapat niya ako sa isang mesang gawa sa kahoy.

"So, baba ka pa para bumili ng pagkain?" biglang tanong ko.

"Oo." Bumitaw na siya sa pagtutulak at pumunta sa kabilang parte ng mesa-katapat ko. "Iiwan ko lang gamit ko rito."

"Iiwan mo rin ako?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya habang nilalapag ang kaniyang bag. Tila bumagal din ang pagkilos niya.

"Huh?" nakaawang-bibig niyang sabi.

"Iiwan mo ako?" pag-ulit ko.

Nakita ko ang pagkurap ng mga mata niya. "H-Hindi kita iiwan. Babalik din ako agad. Syempre, wala namang tindahan dito sa rooftop. And, don't worry, wala talagang masyadong bumibisita rito."

I folded my lips and nodded.

Tuluyan na niyang nailapag ang gamit niya. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin pero wala akong maisip kaya siya na lang ang hinayaan kong mamili ng pagkain ko. Mukha namang mapagkakatiwalaan si Nur. Nagpaalam na siya at mabilis na naglakad papunta roon sa may elevator. Maya-maya, nawala na siya.

Nakapangalumbaba ako sa mesa habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin mula rito. Kitang-kita ko ang lawak ng buong La Cota University. Nakikita ko rin 'yong monorail dito na tila ahas kung umandar.

Ang payapa tingnan ng paligid. Sana kung lahat ng nakikita ng mga mata natin ay payapa, siguro magiging maayos ang mundong ating ginagalawan.

* * * * *

Makalipas ang halos bente minutos, nakarating na rin dito si Nur. May dala-dala siyang tray at may dalawang plato ang naroroon. Inilapag na niya iyon sa mesa at ibinigay sa akin ang isa.

Ang mga pagkaing nasa plato ay mashed potato, kernel corns, steak at gravy.

"I'm sorry kung hindi mo gusto. Hindi ko kasi alam kung anong pagkaing kinakain mo, eh," sabi ni Nur. Ganoon din ang kaniyang binili.

"Hindi, okay lang ito. Ano ka ba? Hindi naman ako pihikan sa mga pagkain," I assured him. He smirked and a whisper-chuckle escaped from his lips. Napangiti naman ako dahil doon. "Thank you."

"No worries."

Nagsimula na kaming kumain. Kahit na tahimik at walang namuong usapan sa pagitan naming dalawa, hindi ko naramdamang mailang. Parang mayroong daluyong ng init ang biglaang yumapos sa akin. Masarap sa pakiramdam at para rin akong nakalutang. This guy in front of me made me feel this.

Ikalimang subo ko na sa pagkain nang may biglang dumating dito sa rooftop. Natigilan ako sa aking ginagawa. Bakit siya nandito?

"Care, nandito ka nga," sabi ni Aleks, hapong-hapo. Sapu-sapo pa niya ang kaniyang dibdib at may mga pawis na pumapatak mula sa ulo niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro