Chapter 5
CHAPTER 5
I Am Not A Billones Anymore
* * * * *
Care Billones
"Yaya Buning, where's Papa?" tanong ko nang makarating ako sa sala. Nandoon si Yaya Buning at nag-aayos ng sofa.
"Kanina pa siya wala," sabi niya at itinigil ang ginagawa niya. "Napalitan na ba 'yang bandage sa paa mo? Nakainom ka na ba ng gamot? Bakit ka nandito?" sunud-sunod niyang tanong.
"Hindi pa po napapalitan. Hindi pa po ako nakakainom ng gamot. At, nandito po ako para alamin kung bakit ginawa 'yon ni Papa."
Pumunta naman sa likuran ko si Yaya Buning at siya ang nagtulak ng wheelchair ko. "Huwag mo munang isipin 'yan Ma'am Care. Kumain ka muna ng agahan para makainom ka ng gamot. Tapos, maligo ka na rin para mapalitan natin 'yang bandage sa paa mo."
"Yaya, hindi ko kayang i-brush off sa utak ko 'yong ginawa niya."
Iginiya niya ako papuntang dining hall at may mga ilang kasambahay rin ang nandoon, naglilinis.
"Ma'am Care, kumain ka muna, ha," pakiusap niya at itinapat niya na ako sa mahabang mesa namin. May pancake, sausage at gatas.
"Yaya, could you bring me to school today?" tanong ko nang umupo sa tabi ko si Yaya.
"Bakit naman? Gusto mo pumasok nang may ganyan sa paa?"
Umiling ako. "No. I just want to know what's happening sa LCU. Baka naapektuhan na 'yong Muslim friend ko ro'n," nag-aalala kong sambit.
"Ma'am, baka mapaano ka."
"Walang mangyayaring masama sa akin. After I eat, dadalhin mo ako sa school today. Nandiyan naman si Kuya Ben para ipag-drive ako."
"Sige, ikaw po ang bahala." Malungkot siyang ngumiti at hinaplos niya ang buhok ko.
* * * * *
Binabagtas na namin ni Kuya Ben ang abala at mataong lugar na kalsada ng La Cota. Kasama ko rin si Yaya Buning. Nakasilip lang ako sa labas ng kotse at nakita ang mga LED Billboards at halos pare-parehas lang ang dini-display ng mga iyon-ang balita tungkol sa wristband. Naipikit ko ang aking mata at umiling-iling. Why are doing this Papa?
Nang makarating na kami sa university, agad kaming bumaba ni Yaya Buning at tinanong ko sa mga guards kung may announcement ba tungkol sa wristband.
"Opo Ms. Billones. Sa kasalukuyan po, nandoon po ang mga Muslim students sa gymnasium nagtipon-tipon," sagot ng guard.
"Thank you po," nakangiti kong sagot. "Yaya, pakibilisan ang pagtulak."
"Ma'am Care-"
"Yaya! Bilis!" Tinapik ko nang mabilis ang gulong ng aking wheelchair. Yaya just heaved a sigh at itinulak niya nang may katamtamang bilis ang wheelchair ko.
Sumakay na kami sa monorail at bumaba sa Gym Station. Pagdating namin doon, papalabas na ang ilang mga estudyante. May nakita rin akong ilang professor at staff ng school. Pati sila?
Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Yarsi. I was about to click the call sign pero nasilayan ko ang pamilyar na tindig niya at ang lalaking sinundan ko kahapon-si Nur. Kumabog bigla ang puso ko sa hindi malamang dahilan. I just brushed that off at buong lakas ko silang tinawag. Paakyat na sila sa platform ng monorail. Buti na lang ay mabilis silang lumingon.
"Yarsi! Nur!" tawag ko. Lumingon ako kay Yaya. "Yaya, doon tayo," sabi ko at itinuro ang puwesto nina Yarsi at Nur.
Tinulak naman ni Yaya ang wheelchair ko. Huminto sina Yarsi sa paglalakad at lumapit din sa akin. Nakangiti si Yarsi at nasulyapan ko ring bahagyang ngumiti si Nur pero sumeryoso rin ang mukha niya nang tumagal ang pagtitig ko sa kanya. Hmm. Ano kaya ang nasa isip ng lalaking iyon? 'Yong ngiti niya ay parang hindi siya nasusuklam sa akin.
"Care, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Yarsi, nag-aalala. Nailipat ko sa kaniya ang aking tingin. Napawi ang ngiti sa mukha niya.
"Uhm-"
"Ito ba 'yong sinabi mo sa 'kin kanina Nur?" He looked at Nur for a second. Nur nodded.
Matamlay akong tinitigan ni Yarsi.
"Okay lang ako," pagtitiyak ko. "Dapat nga ako ang nag-aalala sa inyo. Okay lang kayo?"
"Yes, we're fine naman," malamig na sagot ni Nur. Isinuksok niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang itim na pantalon.
Ngumisi ako. "Mabuti naman." Pero napansin ko sa mga palapulsuhan nila ang isang pulang bagay. Nanlaki ang mga mata ko. Isinuot na nila! Isinuot na nila 'yong wristband! Natutop ko ang aking bibig at suminghap.
Napansin yata ni Yarsi ang reaksyon ko kaya agad niyang inilagay sa likod ang kaniyang kamay at ngumiti sa akin. "Okay lang kami, Care. Sanayan na lang siguro 'to." And she nervously laughed.
Umiling ako. "No. No. I will talk to my Papa. Ngayon din."
"I'm thankful that you are going to do that, Care," ani Yarsi. "Pero, you know naman your Dad. He doesn't break his words."
"Sorry to interrupt. But, male-late na ako," pagsingit ni Nur and he looked at his phone.
"Ako rin, Care. Sabihan ko na lang 'yong mga prof natin na ganyan ang sitwasyon mo. Ako na ang bahala," sabi naman ni Yarsi.
Napabuntonghininga na lang ako. "O sige. If may problem pa, chat lang kayo sa akin ha. I want to be updated."
"Sure, no problem 'yon. Sige mauna na kami, ha," pagpapaalam ni Yarsi at kumaway na siya sa akin. Tumalikod na sila at tuluyan nang pumanhik sa platform ng monorail.
Dahil masyadong maraming tao rito, hindi na muna kami sumakay ni Yaya Buning ng monorail. Hinintay namin ang sumunod na tren at iyon ang sinakyan namin. Pagkalabas at pagkalabas namin ng university, agad kong inutusan si Kuya Ben na dumiretso sa city hall.
* * * * *
Dumating kami sa city hall at napakaraming taong nagpo-protesta sa harap. Halos mabingi na yata ang tainga ko nang makalabas ako ng kotse. May mga dala-dala pa silang mga sound system para lang maipanawagan kay Papa ang galit nila at hindi pagsang-ayon sa mga ginagawa niya.
Tulak-tulak pa rin ako ni Yaya Buning. People inside were busy at hindi mo aakalaing may nagpo-protesta sa labas dahil parang wala lang sa kanila. Tuloy pa rin ang transaction at ang pag-accommodate sa mga mamamayan ng La Cota City.
Nasa third floor ang opisina ni Papa. Ang city hall ng La Cota ay aabot lang hanggang sa limang palapag. The exterior design of the building was modern. It was made of glass at kung titingnan mo sa labas ay mukha itong isang ordinaryong building. Pero, mahaba at malawak ang sakop ng gusaling ito. Hindi lang kasi tanggapan ito. May mini mall at park sa loob ng city hall para sa mga naghihintay o gusto lang mamasyal.
Yaya kept on pushing my wheelchair hanggang sa marating na namin ang opisina ni Papa. Ang nakalagay sa gilid ng blurry glass door ay 'Office of the Mayor.' Itinulak na ni Yaya ang pinto at naabutan namin si Papa na may kinakalikot sa kaniyang laptop. Napakarami niya ring papeles na nakapatong sa kaniyang puting mesa. Sa gilid naman ng kaniyang opisina ay ang pader na gawa lang sa salamin. I could see the protesters from here.
"Why are you here?" tanong ni Papa pero patuloy lang siya sa pagtipa sa kaniyang laptop.
"Yaya, puwede mo po bang iwan muna kami rito?" tanong ko kay Yaya na agad ding tumango at ngumiti.
Lumabas na si Yaya at iginulong ko ang wheelchair palapit sa mesa ni Papa.
"I'm here because I want you to stop that non-sense rule," kalmado kong sabi.
"What non-sense rule?" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"The wristband."
He nodded and fixed his eyeglass. At sa oras din na iyon ay tumingin na siya sa akin. Seryoso ang mukha niya kaya bigla akong kinilabutan.
"The wristband will help us to detect where and what are they doing."
"You are invading their privacy, Papa. That's punishable right?"
"Nalimutan mo na sigurong iba ang batas ng La Cota City sa batas ng Pilipinas. The national government gave this special power sa La Cota City long time ago. We can do what we want at walang magagawa ro'n ang Philippine government," he said without even pausing. He fixed again his eyeglass at ibinalik ang tingin sa laptop. "Busy ako, Care. You may now go. At, kailangan mong magpagaling."
"Paano ako gagaling kung ganito ang nangyayari sa siyudad ko?"
"Then stop thinking about it," malamig niyang sagot.
I scoffed. "Wow, Papa. How can I stop thinking about this, e, ikaw ang Papa ko at mamamayan ako ng lungsod na ito."
"You already said it. I am your dad. Hindi ba, ako dapat ang masusunod?"
Parang may tumamang kidlat sa akin nang sinabi niya iyon. Saglit akong natahimik at ang naririnig ko lang ay ang pagtipa niya sa keyboard at ang mahinang pagpoprotesta sa labas.
"Umuwi ka na, Care. This is my job and not yours." Dinampot niya ang cellphone niya sa gilid at may tinawagan. "Yaya Buning, kunin mo na ang alaga mo rito."
"Pa-"
"Care, this is for the safety of La Cota. Look what is happening around the globe. Different countries, different cities have been attacked by these people!"
"No. Hindi sila 'yon. Hindi nila kaya 'yon!"
"Bata ka pa, Care. You will never understand."
Biglang pumasok si Yaya Buning sa loob at nagsalubong ang mga mata namin.
"Yaya, iuwi mo na siya."
"Opo, sir."
Humawak na si Yaya sa likod ng wheelchair ko. "Ma'am, uwi na po tayo."
"Gusto ko na ring umuwi at makapag-impake. I will leave that mansion na unti-unting nagiging delubyo para sa akin," harap-harapan kong sabi sa Papa ko. I kept my voice normal and not to crack. Parang dumaang hangin lang iyon para sa kaniya dahil patuloy lang siya sa paggawa ng kung anuman sa harap ng kaniyang laptop. "Halika na po, Yaya."
Itinulak na ni Yaya ang wheelchair ko palabas ng opisina. At nang makalabas ako, nakagat ko ang aking labi at nagsimulang magkaroon ng bagyo sa aking dibdib. Bumigat ito at ang agos ng luha sa aking mata'y nagpadulas sa aking pisngi. Nagtaas-baba ang aking balikat at nakayuko habang patuloy sa pagtutulak si Yaya. Hindi niya iyon napansin dahil wala akong nagawang tunog.
Nakarating na kami sa labas ng city hall at sinalubong ulit ako ng ingay mula sa mga nagpoprotesta. Bubuhatin na ako ni Kuya Ben para ipasok sa kotse at napansin niya ang luhaan kong mga mata.
"Hala, Ma'am, bakit ka umiiyak? Inaway ka ba nitong si Buningning?" nag-aalala niyang tanong.
"Anong umiiyak?" nagtatakang tanong ni Yaya kaya agad siyang tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap. "Ma'am, bakit po kayo umiiyak?"
I wiped my tears using my thumb and smiled at them. "Wala po 'to. Sumakit po kasi bigla 'yong paa ko," sabi ko at nginuso ang paanan ko. I just lied to them.
"Magpahinga na lang po muna kayo, Ma'am," ani Kuya Ben saka niya ako binuhat at marahang nilapag sa loob ng kotse. Sumunod na rin si Yaya Buning.
* * * * *
"Magliligpit ako ng gamit ngayon. Hintayin n'yo ako d'yan sa dorm ninyo mamaya," sabi ko habang ka-video call sina Jen at Yarsi. Nasa kama ko ang mga damit ko at isa-isa ko na silang tinutupi gamit ang isa kong kamay.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" sabi naman ni Jen.
"Care, baka mas lalong magwala 'yang Papa mo. At baka sisihin niya kaming mga Muslim sa paglalayas mo," nag-aalalang sabi ni Yarsi habang ngumunguya ng strawberry. Vacant time nila ngayon at sa palagay ko ay nasa LCU Snak Hauz sila base sa background nilang punung-puno ng mga food posters at ang maaliwalas na puting pintura ng pader.
"Hindi ko na kaya rito." Itinigil ko ang pagtutupi at hinawakan ang cellphone ko gamit ang dalawang kamay. Hinayaan kong bumagsak ang likod ko sa malambot na kama. Nakadama ako ng panandaliang pagkawala ng aking pagod.
"You can. Kaya mo 'yan. Ikaw pa. At saka, two rooms lang ang mayro'n sa unit namin," ani Jen.
"E 'di, sa sala ako."
"Naku, makokonsensiya pa kami. May pilay ka 'tas sa sala ka matutulog?" Yarsi said in disbelief na mabilis ding sinang-ayunan ni Jen.
"Basta. Later at 6 or 7 PM, nandyan na ako sa LCU Dorm Village." I ended the call. Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ko upang mabilis ang pag-alis ko rito bago pa ako datnan ni Papa mamaya.
* * * * *
"Baliw ka na talaga," nakahalukipkip na turan ni Jen habang iniiling-iling ang ulo.
Narito na ako sa tapat ng unit ng dorm nila. Nasa tenth floor ang unit nila kaya kung titingin sa glass window sa gilid ng hallway na ito ay makikita ko ang lahat ng mga dorm building na mistulang condo sa gitna ng siyudad. Kasama ko si Yaya Buning at Kuya Ben para magbuhat at magdala ng gamit ko. May isa akong maletang kulay pula at dalawang backpack.
"Sorry. I have no choice but to stay here," malungkot kong sabi.
Jen just rolled her eye. Napabuntonghininga siya sa pagkainis at umayos ng tayo.
"Good evening po Ms. Buning at Sir Ben," pagbati ni Jen sa dalawa kong kasama.
"Pagpasensyahan n'yo na ang alaga ako, ha. Wala rin akong nagawa kanina," paliwanag ni Yaya Buning.
"Sige po, pumasok na po kayo," nakangiting pag-anyaya sa amin ni Yarsi at malawak na binuksan ang pinto ng unit nila.
Tumulong si Jen sa pagdala ko sa isa kong bag at si Yarsi naman ang nagtulak ng wheelchair ko. Dumiretso kami sa sala ng dorm nila. It was huge! Magarbo talaga ang dorm unit dito sa LCU Dorm Village. May malaking flat screen na nakakabit sa beige-colored wall. May maliit ding chandelier ang nagpapailaw sa buong sala.
Inilapag ni Yaya Buning ang isa kong backpack sa sofa nilang kulay kayumanggi. Halatang malambot iyon dahil bahagyang lumubog iyon dahil punung-puno 'yon ng aking gamit. Itinabi naman ni Jen ang hawak niyang backpack doon. Sa tabi naman ng sofa pinosisyon ni Kuya Ben ang maleta ko.
"Don't tell Papa na I'm here," malambing at nagmamakaawa kong utos kina Yaya at Kuya Ben.
"Opo, ma'am," pagsang-ayon ni Kuya Ben.
Tumango lang naman si Yaya Buning habang nakangiti nang bahagya. Parang may tumawid na kalungkutan mula sa kaniya papunta sa akin.
"Yaya, I'll be fine," I assured her.
"Basta, sabihin mo lang sa akin kung may problema ka. Agad-agad akong pupunta dito," aniya.
"Opo, Yaya."
Naglakad siya palapit sa akin. She lowered her posture and gave me a hug. Naramdaman ko ang mga haplos niya sa aking likod.
"Ingat ka po ma'am."
"Yes, I will po, Yaya."
Kumalas na siya sa yakap namin at nagpaalam na sila ni Kuya Ben. Kaming tatlo na lang ang natitira rito sa loob.
Umupo si Yarsi sa sofa nila habang nakatayo lang si Jen.
"So, sa kuwarto kita matutulog," sabi ni Jen. "Dito naman ako sa sala."
"Ha? No. Okay lang ako rito sa sala. Dito na lang ako," I said while shaking my wands signaling a "no."
"Dito rin naman kasi ako natutulog since lagi akong maagang nagigising," she explained herself. Kinuha niya naman ang backpack ko at isinukbit niya sa kaniyang balikat. "Magligpit na tayo ng gamit mo. At, mamaya, we'll eat our dinner sa Snak Hauz. Wala kaming food dito sa unit namin."
"I am always reminding her na bumili kami ng stock ng food pero tamad talaga kami mag-grocery," sabi naman ni Yarsi at bumungisngis. Tumayo naman siya at itinulak na ang wheelchair ko.
* * * * *
Nahati na sa gitna ang pinto ng tren at nakagawa ito ng isang smooth metallic sound. Tulak-tulak naman ako ni Yarsi. Narito na kami sa Snak Hauz station at nakikita ko na sa labas ng estasyong ito ang building ng Snak Hauz. Alas otso na ng gabi ngayon pero maliwanag pa rin ang buong La Cota University dahil sa kaliwa't kanang poste.
Nang makapasok na kami sa loob ng Snak Hauz, nag-uunahang pumasok ang bawat amoy ng mga bagong lutong pagkain. I drooled for a bit. May mga estudyante rin ditong kumakain at kapansin-pansin din ang ilan na naka-pajama lamang.
Pumunta kami sa Woods Area ng Snak Hauz-located sa second floor ng building. Lahat kasi ng gamit dito ay gawa sa kahoy at tila kumikinang-kinang pa ang mga iyon dahil sa barnis na inilapat doon. Nagmukhang tradisyunal ang area na ito kaysa sa normal na cafeteria na matatagpuan sa first floor.
Sa may round table kami dumako at inilapag nila sa mga upuan ang dala-dala nilang shoulder bag. Kinuha nila ang kani-kanilang pitaka at tinanong ako kung ano raw ang gusto kong kainin para sila na raw ang mag-order at magdala niyon sa akin.
Natakam ako sa amoy ng adobo. Ang pinaghalong toyo't suka na may amoy paminta ang nagpatayo sa aking panlasa kaya iyon ang sinabi ko kina Jen at Yarsi. Iniwan nila ako rito sa round table kaya nagpangalumbaba na lang ako habang inoobserbahan ang buong paligid.
The interior design in Woods Area was very Filipino. It looked like a large bahay kubo with a modern twist because there's lights here and there, there are also TVs installed on the wood wall, and there's air conditioning. Gustung-gusto ko talaga ang vibe dito. Medyo tahimik din dito dahil dinner na at hindi naman masyadong pinupuntahan ng mga students ang Woods Area dahil tingin nila cheap at baduy ang disenyo nito. Mas gugustuhin pa nilang umakyat sa third floor na East Asian themed and style at ang mga pagkain ay tila makakapunta ka sa bansang Japan, China at Korea. Sa fourth floor naman matatagpuan ang Western foods such as North American, European, Arabian and South American. Sa fifth floor naman ang bar. Yes, LCU had bar! Pero estrikto ang pagpapapasok doon dahil kailangan ng waiver. Sa first floor naman, matatagpuan ang mga normal na pagkain at kadalasan mga fast food at junk food ang naroroon.
Dumating na sina Jen at Yarsi dala-dala ang aming pagkain. This wasn't my first dinner here in LCU. Naaalala ko noong first year ko, may 8 PM class ako kaya kumakain muna ako rito bago pumasok doon. Doon ko na rin nakilala ang dalawang ito.
Inilapag na Jen ang isang plato ng kanin at isang mangkok ng adobo. Nagulat na lang din ako na adobo rin ang kanila.
"Wow, same!" natatawang sabi ko.
"Ang tagal ko na rin kasing 'di kumakain nito," tugon ni Yarsi at umupo na sa kaniyang upuan. Gano'n na rin ang ginawa ni Jen.
"Bakit? Hindi kayo kumakain ng adobo?"
"Ito kasing si Jen, lagi kaming nasa third floor. Mga Japanese at Korean ang kinakain niya, e."
"Food, ha. Hindi tao. East Asian food," natatawang sabi naman ni Jen.
"At, pagkatapos pa niyang kumain, didiretso pa 'yan sa bar!" pagkuwento pa ni Yarsi.
Namilog ang mga mata ko. Ngiting-gulat ang naging reaksyon ko. "Hoy! Jen!" tawag ko. Pabiro ko pa siyang hinampas.
"Why? Masama? At saka, safe iyon dahil nasa loob 'yon ng campus."
"Wala naman akong sinasabing masama."
"Para kasing tinatarget n'yo ako ng mga malisyoso n'yong utak," sabi pa ni Jen at kinuha na ang kutsara't tinidor.
Napuno ng kasiyahan ang dinner namin. Na-miss ko ang dalawa. Well, lagi ko naman silang nakakasama pero parang bumalik ulit ako sa pagiging first year ko at sabay-sabay kaming kumakain ng dinner bago kami pumasok sa 9 PM class namin.
Pero natigil din iyon nang may humila at sumabunot sa buhok ko. Umatras ang gulong ng wheelchair ko kaya napalayo ako sa round table. Napangiwi ako dahil tila mabubunot na lahat ang buhok ko.
"Kelsey, what are you doing? Bitawan mo siya!" asik ni Jen. Si Kelsey pala 'tong sumasabunot sa akin. Pangalawang beses na niya itong ginawa, ah.
"Hey, stop it Kelsey!" galit ding turan ni Yarsi. Ang kaniyang maamong mukha ay tila napinturahan ng kulay ng pait.
"So, you guys are still friends with this bitch," malamig na sabi ni Kelsey at hinigpitan pa ang pagsabunot sa buhok ko. Umaangat na ang puwet ko sa wheelchair. Napapadaing na lang ako sa ginagawa niya.
Lumapit si Jen at hinampas nang malakas ang kamay ni Kelsey kaya napansin kami ng ibang tao rito. "Dahil sa ginagawa mo ngayon, ikaw ang nagmukhang bitch, Bitchesang Kelsey."
Kelsey just scoffed and laughed in disbelief. "Wow, ako pa?"
"Kelsey, bitawan mo na siya." Tumayo na si Yarsi sa inuupuan niya.
"Fine." Pagkasabi niya n'on ay marahas niyang hinila ang buhok ko bago pa niya bitawan kaya napasigaw ako sa sakit.
"Stay away from her." Narinig ko na lang ang isang maotoridad at malalim na boses mula sa isang lalaki. Nakangiwi akong hinanap ang boses na iyon at nakita ko ang mukha ni ... ni Nur. Seryoso niyang hinarap si Kelsey.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro