Chapter 4
CHAPTER 4
The News
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
Kababangon ko lang sa kama at papunta na sa kusina ng dorm kong ito. Naniningkit pa ang aking mga mata habang naglalakad.
Nalalasahan naman ng aking pang-amoy ang pinipritong itlog ni Tim. Magkahati kasi kami ng dorm unit. May sarili siyang kuwarto at masasabi kong, napaka-organisadong tao ni Tim.
Ang mga dorm naman dito sa LCU Dorm Village ay hindi maihahalintulad sa mga normal na dormitories. Parang nakatira nga kami sa isang apartment or condominium na matatagpuan sa Makati o BGC, o 'di kaya rito mismo sa La Cota City.
"Good morning Mr. Vice President!" bati sa 'kin ni Tim. Naka-apron pa siyang kulay pula na may hotdog na print sa unahan. Nagmukha siyang tagatinda ng mga hotdog o kaya 'yong mga nag-o-offer ng free taste sa supermarket.
"Morning," tipid kong sagot.
Mas maagang nagigising si Tim kaysa sa akin kaya siya ang nagluluto ng almusal namin bago kami pumasok. Nasasanay na ako sa luto niyang minsan kulang sa asin pero kadalasan nasosobrahan. Feeling chef kasi 'tong si Tim.
"Here's your breakfast, Mr. Vice," masayang sabi niya habang inilalapag ang plato sa mesa rito sa may kusina. Nasa iisang sulok lang kasi ang dining area at kusina.
"Baka naman sobrang alat nitong itlog, ah," kantiyaw ko at ngumisi. Bahagya namang humilig ang kanyang ulo at naging linya ang kanyang mata. Napabuga pa siya ng isang maikling hagikhik.
Umupo na ako at gano'n din siya. Sabay kaming kumakain ni Tim ng almusal dahil halos parehas lang ang schedule namin sa umaga pero iba ang course na kinuha niya. He took Biology at third year na siya. Naalala ko noon, noong unang pasok ko rito sa LCU, punuan lahat ng dorms at may isang kuwartong libre rito sa unit niya kaya pinili ko na lang ang unit na ito. Ang iniisip ko kasi noon ay baka masungit siya dahil mas matanda siya sa akin ng isang taon pero hindi naman pala. Siya na rin ang naging kuya ko rito sa LCU.
"Nur," pagpukaw sa akin ni Tim. Isusubo ko palang ang mainit-init at umuusok na scrambled egg pero natigilan ako at tumitig sa kaniya.
Nagbago naman ang masaya niyang aura. Sumeryoso ang mukha niya at bahagyang sumimangot. Nakagat niya rin ang ibabang bahagi ng kanyang labi.
"May . . . problema ba?" Ibinaba ko muna 'yong tinidor sa plato.
"May bagong balita," aniya at pahina iyon nang pahina. Bahagya rin siyang tumungo't nakipagtitigan sa mesa. Base sa tono ng boses niya, may pag-aalala iyon at parang medyo natatakot.
"Ano 'yon?"
He sighed at ibinalik niya ang tingin niya sa akin. Matamlay ang mga mata niya.
"Uhm," he uttered. He was clenching his jaws but he wasn't mad. Aligaga siya, panigurado, dahil hindi mapakali ang mga mata niya. Kung saan-saan iyon napupunta.
"Uy!" pagpukaw ko. "Ano ba? May problema ba? Ano'ng balita ba 'yan? Tungkol ba 'to sa gift giving natin?"
Umiling siya.
"Eh, ano?"
Binunot niya sa bulsa niya ang kaniyang cellphone at marahang inabot sa akin. Pinaandar ko iyon at ang unang tumambad sa mata ko ay ang headline ng isang article.
Muslims in La Cota Must Wear a Red Electronic Wristband.
"Para saan?" tanong ko at iniharap ko ang phone kay Tim.
"Surveillance, siguro. Lahat daw kayo, kailangan magsuot niyan."
"Joke ba 'to?" I laughed nervously.
"Hindi. Napanood ko rin kanina 'yan sa TV. New rules here in the city."
Parang sinapian ako ng isang kaluluwa ng estatwa-kung may kaluluwa ba talaga ang mga iyon. Panandalian akong hindi nakagalaw at naiwan akong nagtataka at nagigitla.
Nang mahimasmasan ako, ramdam ko ang pagbigat ng aking paghinga. Hindi ko na rin maramdaman ang aking kamay kaya naibagsak ko ito sa mesa tangan-tangan ang phone ni Tim.
"I'm sorry, Nur, dahil nararanasan n'yo 'to."
* * * * *
Kanina pa nauna si Tim sa klase niya. Nandito na ako sa monorail station dito sa LCU Dorm Village. Tahimik pero maraming estudyante. Halata sa mukha nila na wala pa sila sa wisyong bumangon.
Habang nag-aabang ng tren, isang announcement naman ang narinig namin dito sa platform.
"Good morning students, members of the faculty and staff of La Cota University. The school administration received an order from the city hall to call all Muslim students, members of the faculty, and staff to gather inside the gymnasium. There will be a special announcement and all Muslims must attend. Thank you."
I brushed my hair up after hearing that announcement. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Kapansin-pansin din ang pagkagulat ng mga estudyante dito sa platform. Kani-kanina lang ay parang antok na antok pa sila pero ngayon, parang isang nabulabog na mga bubuyog at kaliwa't kanan ang bulungan dito.
Dumating na rin ang monorail at sumakay na ako sa loob. Medyo siksikan at iniharap ko ang bag ko. Nabalot pa rin ng bulungan dito sa loob ng monorail.
"Yeah, I heard it on the news kanina."
"Si Mayor Billones na naman ba ang may kagagawan nito?"
"What is happening in this city?"
"Nakakatakot na manirahan dito kung kalaban ka ng Mayor."
"I'm going to contact my Muslim friends. Kukumustahin ko sila."
Niyakap ko na lang ang bag ko habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Maraming tanong ang pumapasok sa utak ko at hindi ko naman alam kung ano ang mga sagot doon. Baka nga dadating din ang oras na papalayasin kami rito ni Mayor Billones. Wala namang magawa ang national government because they give La Cota City a special administrative power. Mayroon kaming sariling rules and laws pero hawak pa rin ng national government ang military. Kahit na nasa iisang bansa, parang nakabukod ang La Cota City gaya na lang ng Hong Kong. Ang Hong Kong kasi ay isang Special Administrative Region ng China.
"Gym Station. We are arriving at the Gym Station," anunsyo ng nagsasalita rito sa tren. Huminto na rin ang tren at lumabas na ako. Laking gulat ko nang mapansin kong ang dami ring nagsisilabasan mula sa monorail na sinakyan ko at may mga nakikita na rin akong mga estudyante sa baba ng platform na ito.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko kaya agad kong hinanap ang boses na iyon.
"Hoy, Nur Ali!" sigaw ni Yarsi.
She was wearing a white hijab. She looked pure and innocent. Nakangiti siyang lumapit sa akin habang may dala-dalang libro sa kaniyang gilid.
"Mukhang masaya ka pa, ah!" aniko.
"Ganito talaga minsan ang buhay 'no? Ngitian mo na lang ang lahat."
"Paano mo mangingitian, eh, inaagrabyado na tayo?" Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng platform na ito.
"Nope. I mean, lulubus-lubusin ko na itong ngiting ito kasi baka soon, mawala na. Pero sana, hindi," nakangiti pa rin niyang wika.
"Pero kung ako sa 'yo, ise-save ko na lang 'yang smile na 'yan."
"For what reason?"
"I just want to save it. Hindi lahat ng sinasabi ko kailangan ng explanation, ha." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Si Care pala, may balita ka sa kaniya."
"Care? Care Billones? Napapansin ko lagi mo siyang tinatanong sa akin." Naningkit bigla ang mga mata niya at ngumiti nang mapanloko. "Uyy! May crush ka ro'n 'no!" pang-aasar niyang habang tinuturo-turo pa niya ako.
"Hoy, tumigil ka nga. Baka may mabunggo ka!" sita ko. Ang kulit niya kasing maglakad. Baka may mabangga siyang tao rito.
"Pero bakit mo siya hinahanap?"
"Nadapa kasi siya kahapon."
Nalukot bigla ang mukha ni Yarsi. "Nadapa? Wala siyang naikwento. Well, 'di ko pa talaga siya nakausap pero kinausap siya kanina ni Jen through phone. Hindi ko na natanong kasi nagmamadali ako. Parang na-sense ko na mangyayari rin ito, eh."
"Itatanong ko kasi sana kung okay lang siya."
"Bakit? Bakit siya nadapa?"
"Itanong mo na lang sa kaniya. Nandito na tayo, oh!" Itinuro ko ang malaking signage na LCU Gymnasium sa gilid. It was painted in purple and white. Pumasok na kami sa loob ng covered court na ito. Dito kadalasan ginaganap ang basketball at volleyball games. Minsan, dito rin ginaganap ang iba't ibang programs pero kadalasan, doon iyon sa LCU Park.
Umupo kami ni Yarsi sa mga upuan sa gilid ng gymnasium na ito. Hinintay muna lahat ng estudyante, guro at mga staff na makaupo nang maayos. Maya-maya pa'y dumating na ang president ng LCU na si Dr. Jamuel Ahi. Pumunta siya sa sentro ng gymnasium at may podium din doon.
"Good morning students, faculty members and staffs of La Cota University," panimula niya. Punung-puno ng kaseryosohan ang kaniyang boses.
"Good morning Dr. Ahi," hindi sabay-sabay na pagsagot ng mga tao.
"I'm sure you already heard about the news this morning." Saglit siyang huminto at tumingin sa dala-dala niyang papel. Inayos naman niya nang mabuti ang kaniyang salamin. "I received an email from the city hall at babasahin ko sa inyo kung ano ang nakasaad dito."
He began reading the letter. Sunud-sunod ang pagsinghap ng mga tao rito nang marinig nila kung ano ang nakasaad doon. Estriktong susundin ng university ang ipinag-uutos ni Mayor Billones. Ngayon din mismo, isa-isa na kaming bibigyan ng electronic wristband. It was powered by solar energy kaya halos magdamag itong aandar. Bago namin isuot iyon, kailangan naming mag-register para alam ng city hall kung sino ang nagsusuot ng bagay na iyon. At kung tatanggalin ng may suot ang wristband na iyon, isang matinding parusa ang kahaharapin ng taong nagsusuot n'on kaya huwag na raw naming tangkaing tanggalin iyon. They didn't mention what it was and they didn't want us to know.
Yes, it was scary and invading our privacy. But what can we do? Nothing!
Bago kami lumabas ng gymnasium ay isa-isa na kaming nagre-register at kinakabitan ng wristband. At ang mga taong nagkakabit ay mga tauhan ni Mayor Billones mula sa city hall. Kanina rin, halatang malungkot at ayaw gawin ni Dr. Jamuel Ahi ang utos na ito. Pero wala rin siyang magawa. Lahat ng tao ay nakatali sa batas ng La Cota.
Nasa labas na kami ni Yarsi at papasok na sa aming kani-kaniyang klase. Paakyat na kami sa platform ng monorail nang biglang may tumawag sa pangalan naming dalawa.
"Yarsi! Nur!"
Sabay kaming napalingon ni Yarsi.
At isang babaeng naka-wheelchair ang nadatnan ng aking mata. Bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang galak nang makita siya-si Care Billones-na anak ng kinasusuklaman kong tao rito sa La Cota. Magulo ang nararamdaman ko pero bigla na lang bahagyang umangat ang magkabilang dulo ng aking labi habang papalapit siya rito tulak-tulak ng kaniyang bantay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro