Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

CHAPTER 31

First and Last Kiss

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Hapon na nang marating namin ang Montana.

Lulan ng isang puting van mula sa kuta, kasama ko ngayon si Omerah upang ihatid sa Port Montana para makauwi na sa kanila. Sa tulong ni Kelsey, nakapag-book siya ng ferry papuntang Cagayan De Oro para makauwi na si Omerah. Kaya nakahinga na rin ako nang maluwag dahil magiging ligtas at malayo na si Omerah mula rito sa La Cota.

Tatlong tao lang ang narito sa van: ako, si Omerah at ang driver. Kailangan namin maging maingat dito sa daan dahil kahit hindi naman alam ng mga tao na kabilang kami sa LACOFRA, hindi rin namin alam na baka bigla na lang may susulpot na sundalo at hulihin kami. Hindi rin kasi namin alam na baka may taksil na pala sa grupo.

Nakasilip lang ako sa bintana ng sasakyang ito dahil tahimik lang si Omerah buong byahe. Hindi man lang niya ako kinausap kahit simpleng, "Kumusta?"

Ang suot ngayon ni Omerah ay mga pinamili ni Kelsey dahil wala siyang nadala noon nang dalhin kami ng LACOFRA sa kuta. Nag-aalala kasi si Kelsey sa babaeng ito. Mabuti na lang talaga, may ginintuang puso ang palaban na babaeng iyon.

Habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan, napagtanto ko na totoo nga talaga ang mga nababasa ko sa mga libro. Napakaganda ng Montana at pinalilibutan lang ng mga bundok. Masagana rin ang mga punong nakatayo sa lupa at makisig ang tindig. Ilang zigzag roads na rin ang aming dinaaran kaya medyo nahilo ako sa byahe kaya baka gano'n din ang nararamdaman ni Omerah kaya't hindi siya nagsasalita.

Mula naman sa bulubunduking tanawin sa labas, ibinaling ko ang tingin ko kay Omerah na mahimbing ang pagkakatulog. Nakasandal siya sa upuan dito sa van habang ang kaniyang ulo ay bahagyang nakahilig. Gusto ko sana siyang kumustahin o alamin kung ano ang nararamdaman niyang lilisanin na niya ang islang ito.

Napabuntonghininga na lamang ako habang tinititigan ang kaniyang natutulog na mukha saka naibagsak ko ang aking balikat.

Ang laki rin ng kasalanan ko sa 'yo, Omerah. Patawad talaga dahil hindi kita kayang mahalin. Pero nagpapasalamat naman ako't nagkapalagayan na tayo ng loob. Ipinapanalangin ko na lang sa Allah na maibigay nito sa 'yo ang lalaking tunay na magpapatibok ng iyong puso at mamahalin ka ng lubos.

Makalipas pa ang ilang minuto, natanaw ko na ang dagat at ang pier ng Montana. Tinapik-tapik ko na ang balikat ni Omerah at agad din naman siyang nagising.

"Nandito na tayo," panimula ko sa humihikab niyang postura. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang tela ng kaniyang puting hijab na tila pinanghihilamos na rin niya sa kaniyang mukha.

"Nakatulog pala ako," sambit niya.

"Ah, oo. Hindi na kita ginising para makapagpahinga ka rin."

Huminto na ang van sa main entrance ng pier. Hindi mayaman ang munisipalidad ng Montana 'di gaya ng La Cota City kaya tila isang outpost lang ang main entrance dito na tumitingin at nagkokompirma ng mga tickets. May mga upuan namang nakahilera sa may gilid para sa mga pasaherong naghihintay.

Bumaba na kami at binuhat ko ang maitim na bag ni Omerah. Sinalag ko ang sinag ng araw mula sa labas dahil matinding init ang aking nadama at ang samyo ng alingasaw ng karagatan ay naglaro sa aking ilong. Malansa.

"Okay na ako, Nur. Alam ko na ang gagawin ko. No need to help me." Nais niyang kunin ang kaniyang bag na isinukbit ko sa aking balikat.

"Sure ka? I just want to help. Gusto mo bang dito muna ako sa pier?"

Umiling lang siya at nagbigay ng tipid na ngiti.

"I'm fine. And, I'm happy kasi makakauwi na ako. Sana ikaw rin. Sana maging maayos na ang sitwasyon dito. Sana makauwi ka na rin. Kakausapin ko na rin ang Abi ko para ipatigil na ang kasal natin tapos kakausapin naman niya ang Abi mo. 'Wag ka nang mag-alala, Nur."

"Pero Omerah, hindi ba magagalit ang mga magulang natin?"

"Ano ka ba, Nur? Hindi na tayo bata," she chuckled. "I'm good na, Nur. Don't worry. Bumalik ka na rin agad sa kuta and make sure na dapat makuha mo ang puso ni Care, ha." Bigla siyang kumindat. "She has a beautiful smile."

Lumamlam ang aking buong katawan. "Take care, Omerah."

"Take care din. See you soon?"

"Yeah, see you soon."

* * * * *

Nagtago na ang araw at ang buwan naman ang nagpakita sa kalangitan nang makarating na kami sa kuta. Masaya ako dahil naging maayos naman ang paglisan ni Omerah dito pero nalungkot din dahil hindi ko na siya makikita ngayon.

Nang makababa naman ako sa van, dumiretso ako sa covered court kung saan napuno ng ingay dahil aligaga ang mga tao. Nagliligpit ng mga gamit ang iba, nagtutulak ng mga malalaking kahon na may dalang armas, at nagte-training naman ang iba.

Ano ang mayro'n? Bakit parang ang busy ng mga tao?

Nagmadali akong hanapin si Kelsey para tanungin kung ano ang nangyayari. Bumilis ang tibok ng aking puso at sa tuwing may putok ng baril akong nadidinig mula sa mga nag-eensayo, dumadagdag iyon sa kabang nadarama ko.

May nakita naman akong flashlight sa isa mga bench dito sa court at pinasok ang isang gusaling walang kailaw-ilaw kaya pinaandar ko ang flashlight na aking kinuha. Dito sa gusaling ito nag-oopisina ang mga namumuno sa LACOFRA kasama si Kelsey. Nang makarating ako sa hagdan sa tabi ng isa sa mga classroom, may ilaw mula sa flashlight ang tumapat sa aking mukha.

"Oh, Nur, ikaw pala. Nakauwi na ba si Omerah?" bungad sa akin no'ng taong tumututok ng flashlight. Si Kelsey pala iyon. Nanggaling siya sa itaas at bumaba na papunta sa aking puwesto.

"Oo," mabagal kong sagot. "Pero teka, bakit parang aligaga 'yong mga tao sa court? Tapos parang hingal na hingal ka yata?"

Ipinatong ni Kelsey ang palad niya sa aking balikat.

"Let's talk outside. Mas maliwanag at para mapaliwanag ko rin sa 'yo nang maliwanag." Inakbay niya ang kaniyang mga braso at mabilis kaming lumabas ng gusali.

Pumunta kami sa court kung saan abala ang mga tao.

"Hindi mo magugustuhan itong sasabihin ko."

"Ano ba 'yon?"

Bumuntonghininga si Kelsey. "Mayor Billones knows our location and we need to move now . . . or attack."

* * * * *

Gising pa rin ang buong kuta kahit hatinggabi na. Lahat ay nag-iimpake dahil ang napagkasunduan ng mga namumuno ng LACOFRA ay ang pag-atake sa siyudad.

Wala pa akong alam sa paghawak ng baril dahil sa buong paglalagi ko rito, naging bantay ako ni Omerah kaya hindi ko alam kung ito ba ang daan papunta sa aking kamatayan.

Wala rin akong masyadong inimpake dahil noong dinukot ako ng LACOFRA, iisang damit lang ang dala ko. Mabuti na lang, pinapahiram ako ng ilan sa aking kasamahan.

Kaya raw pala nalaman ang lokasyon namin ay dahil habang tina-transmit at ipinapalabas sa La Cota City ang fake hostage video ni Care, bigla na lamang napasok ng mga hackers mula sa La Cota ang system ng LACOFRA.

Habang inihahatid ko pala si Omerah kanina, ginawa na pala nila ang fake hostage video ni Care.

Napailing at napalagitik na lang ako ng dila.

Alam naman siguro nina Kelsey na magagaling ang IT ng La Cota City at anumang suspicious networks ang papasok sa siyudad, made-detect iyon.

Pero . . . si Care? Nasaan siya ngayon? Ano ang nararamdaman niya ngayon?

Napabuga na lamang ako ng hangin habang pinapanood ang mga taong tila langgam kumilos at sinsipat-sipat ko kung nasa crowd ba si Care.

Nasa rooftop kaya siya ngayon?

Inangat ko ang aking paa at sinimulang maglakad para akyatin ang gusaling pinagkitaan namin ni Care noong isang gabi. Nagbabaka-sakali akong nandoon siya ngayon at tinatanaw ang liwanag ng La Cota City. Hindi na rin ako nakapagdala ng flashlight dahil nagmamadali na rin ako.

Nang marating ko ang rooftop, lamig lang ang sumalubong sa akin kaya niyakap ko ang aking katawan. Bumigay na lamang ang aking balikat dahil walang Care ang nadatnan ng aking puyat na mata.

Kasama ang bawat bituin sa kalangitan, sinamahan nila akong tumambay muna rito sa rooftop habang pinagmamasdan ang liwanag na nagmumula sa La Cota. Para itong bituing nasa kalupaan. Umupo ako sa sementong sahig at tumatagos sa tela ng aking pantalon ang lamig niyon. Kahit malayo ang La Cota City, nagniningning pa rin talaga ito hanggang dito.

Habang tinititigan ko sa malayo ang siyudad, tila may isang presentation ang nag-play sa aking isipan. Lahat ng aking alaala kasama ang mga ka-org mates ko, noong pinasan ko si Care dahil napilayan siya, noong binigyan kami ng mga red wristbands para ma-monitor kami ni Mayor Billones, at marami pang iba. Iyon ang mga alaalang kailanma'y hindi ko na mababalikan pa dahil hindi ko na masisilayan muli ang dating kulay ng La Cota. Ito na rin siguro ang wakas.

Ang wakas ng aking kuwento sa La Cota ay nagsisimula na.

Nakarinig naman ako ng yapak mula sa aking likuran kaya agad akong tumayo't nilingon ang taong iyon. Wala akong dalang flashlight kaya inaasahan ko lang ang buwan sa pagbibigay liwanag dito sa rooftop ngayon. Pero mukhang baliwala ang ilaw ng buwan dahil ang taong nasa harapan ko ay ang bituin ng mundo ko-si Care.

"Nur?" tanong niya at pinailawan niya ako gamit ang kaniyang flashlight kaya napakura-kurap ako. "Ba't ka nandito? Nagpe-prepare na 'yong mga tao sa baba."

"Nandito ako para abangan ka," diretsahan at makahulugan kong sabi.

"Abangan?"

Tumango ako bilang sagot.

"Uhm, I'm sorry Nur kung 'yong misyon namin ng LACOFRA ay hindi successful. Nahanap pa tayo ng mga taga-syudad dahil sa pagpapalabas ng video sa La Cota."

"No. No. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit kita inaabangan dito. At saka, wala kang kasalanan kaya 'wag kang mag-sorry."

"So, ano pala ang ipinunta mo rito?"

"I just want to see you. Baka kasi ito na ang huling pagkikita natin." Tila may kung ano sa aking lalamunan na parang nagpapaudyok sa aking maging emosyonal.

"Magkikita pa naman tayo," sagot niya, nakangiti.

"Puwede . . . akong mamatay," wika ko sabay tungo. "Puwede akong mawala sa mundong 'to at hindi ka na makita kailanman."

"Ano bang pinagsasabi mo, Nur?" Narinig ko ang mga yapak niyang papalakas kaya sa palagay ko, lumalapit siya sa akin. Nakita ko na lang ilaw ng flashlight sa aking kinatatayuan na mas lalong lumalakas habang papalapit siya sa akin. At ang kaniyang paa naman ay natanaw ng aking mata. Huminto siya sa aking harapan at ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin.

"Hindi ka mamamatay o kayo. LACOFRA will win this war."

"Kulang tayo sa-"

"Nur, stop. Don't say any negative na magpapa-down sa 'yo. I will meet you again and also the whole organization will meet you again, Tim, Minda, Cris, Ronald and Kaira. Hindi man kami kasama sa field, nandito kami sa kuta at magdarasal."

Inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakatungo at nasalubong ang kaniyang banayad na mukha.

"Hindi kayo aalis dito? Pupunta na ang mga tauhan ng papa mo rito 'di ba?"

"We will wait for them. We are ready to face them."

"Paano ka?"

"Matanda na ako, Nur! Ikaw rin! Kaya stand on your feet!" Bigla siyang ngumiti. "Nur, this might look like the end of everything but actually this is just the start of everything." Idinapo niya ang kaniyang kabilang kamay sa aking pisngi at nadama ko ang malambot at mainit niyang palad.

"We will see each other again, Nur. Pero do you want to see them, sina Tim ngayon? Nakita mo na ba sila?"

"Yes, nakita ko na kayo noong unang dating n'yo rito."

"Oh?" Tinanggal niya ang kaniyang palad sa aking pisngi. "Bakit 'di mo naman kami nilapitan noon?"

"I don't know. Parang buong pag-stay ko rito sa kuta, nakatutok lang ako kay Omerah-'yong babaeng mapapangasawa ko. She was my responsibility. Kaya hindi ko na muna kayo kinausap o kinumusta. Pero ngayon, she left. Inihatid ko na siya kanina para makauwi sa kanila. Tinulungan kami ni Kelsey para makabili siya ng tickets para makauwi."

Tanging tango lamang ang isinagot ni Care.

"And Care, kaya pala kita gustong maklta kasi may sasabihin sana ako sa 'yo."

Napalunok na lang ako matapos sabihin 'yon. Nanginig ang kanang hita ko.

"Ano 'yon?" kumurap siya habang tinatanong iyon.

Ipinikit ko ang aking mga mata saka huminga nang malalim.

"I love y-"

"I love you, too, Nur." Biglang nadama ng aking aking labi ang mamasa-masa at malambot niyang labi. Namilog ang aking mga mata at nabaliw sa pagtibok ang aking puso. Hindi ko na maigalaw ang aking buong katawan.

Did she . . . did she actually kiss me? Sinabi niya bang mahal niya ako?

Napalunok na lamang ako ng laway.

Gusto kong tumalon sa tuwa kaso tila sementado ang buo kong katawan ngayon. Ito ang unang halik namin sa isa't isa . . . pero baka ito na rin ang huli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro