Chapter 22
CHAPTER 22
Let's Start a War
* * * * *
Care Billones
"Good morning, Care!" bati sa akin ni Jen na kalalabas lang sa banyo't balot na balot ng twalya.
Kumakain pa ako ng almusal na pritong itlog at tinapay dito sa may hapag. Nginitian ko na lamang siya dahil may laman pang pagkain ang aking bibig.
Isinara na ni Jen ang kaniyang kwarto nang siya'y makapasok na roon. Ipinagpatuloy ko naman ang pag-aalmusal ko rito.
Isang linggo na ang nakalipas nang matapos ang gift giving sa Palayan. Malungkot ako dahil iyon na lamang ang tanging paraan ko upang makausap si Nur muli pero nasaktan lang ako nang malaman kong ikakasal na pala siya. Hindi ko akalain na mararamdaman ko 'yon. Hindi rin ako maka-concentrate sa mga bagay-bagay dahil sa nangyari. Minsan, naninikip ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan at parang nanlalata ako.
Pero ngayong araw, gumising akong walang bigat sa aking kalooban (mayro'n ngunit kaunti na lang), kaya sana magpatuloy ito hanggang matapos ang araw na ito.
Pahirapan pa rin ang pag-contact namin kay Nur sa Maculay dahil lahat ng communication palabas at papasok sa La Cota at Maculay ay limitado lamang. Damay na rin ang internet communication gaya ng ilang social media sites.
Sayang nga lang dahil may naiisip muling proyeko si Tim sa aming organization ngunit baka i-postpone niya na lang muna iyon hanggang sa maging ayos na ang lahat.
Nang matapos ang aking morning routine sabay na kaming lumabas ni Jen ng dorm upang pumasok. Hawak-hawak ko ang aking cellphone at saglit na napatitig doon.
9:05 AM. Ilang minuto na lang ay simula na ng aming klase.
Eksaktong 9:30 AM naman kaming nakarating sa aming silid. Wala pa ang aming guro kaya maingay pa ang buong room.
Kahit college na ang mga ito, parang high scool pa rin umasta ang ilan sa mga kaklase ko. May nagbi-video games sa unahan, nagtsitsikahan sa may gilid, at mga tulog naman sa mga sulok.
"Care, kanina ka pa tahimik," pagputol ni Jen sa pagmamasid ko sa paligid.
Umupo na siya sa maitim na arm chair dito sa likod na nakasandal sa puting pader. Umupo na rin ako at inilabas ang ilan sa mga gamit ko't pinatong sa arm chair ko.
"Uy, wala ka ba talagang balak magsalita? Napipe ka na yata," komento pa ni Jen.
"I'm just not in my mood to talk, Jen. Pero, thank you. Thank you for being there kahit na medyo mabigat ang feelings ko these past few days."
"Pinagsasabi mo?" Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay at nalukot ang kaniyang mukha.
"Wala." I fan out my palms bago ko tuluyang binagsak ang aking likuran sa matigas na upuan na ito.
"Pansin ko talaga may pinagdadaanan ka these past few days kaya 'di kita masyadong tinanong. Pero, ano ba ang nangyari? After no'ng event ninyo sa Palayan, parang nawala ka. Nawalan ka ng gana and everything. Baka naman, puwede mo ikuwento."
Inilapag ni Jen ang kaniyang palad sa arm chair ko at ibinaling ko ang tingin sa kaniya. Interesadong mukha ang naipinta roon.
"Nothing," tipid kong sagot.
"Anong nothing? Care, magkuwent-"
Hindi na natapos ni Jen ang kaniyang sasabihin dahil nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog sa may 'di kalayuan. Bahagya akong napitlag. Tila may gumapang na kilabot sa aking likuran na nagpanginig sa akin.
Nagpatay-sindi saglit ang mga ilaw rito sa silid at tila huminto ang oras dahil lahat ng aking mga kaklase ay tulala.
"Shit, ano 'yon?" bulong ni Jen sa hangin habang palinga-linga sa paligid.
Inayos ko ang aking upo at nagkarerahan sa bilis ng tibok ang aking mga pulso. Mabibigat ang aking pghinga na tila may dinadala ito. Paisa-isa rin ang paglunok ko ng aking laway at nagsimulang manginig ang mga dulo ng aking daliri.
Kaliwa't kanan na ang bulungan ng bawat estudyante rito sa silid.
"Nakakatangina naman! Ano 'yon?" gigil at inis na sabi ni Jen.
Iniling ko ang aking ulo senyales na hindi ko rin alam ang aking maisasagot.
Maya-maya pa ay nakarinig na lamang kami ng hindi pamilyar na boses mula sa mga speaker dito sa kisame ng classroom. Boses robot na lalaki at malalim iyon.
"Magandang umaga mga mag-aaral ng LCU. Huwag kayong mabahala sa pagsabog kanina. Walang nasaktan o nasira. Kami rin ang may kagagawan niyon upang maipadala sa city hall ang presensya namin.
"Kami ang La Cota Freedom Warriors o LACOFRA. Kami ay nandito upang hindi manakot. Kami ay nandito upang bawiin ang La Cota City mula sa taong sumira nito-si Francisco Billones."
Nanlaki ang aking mga mata na tila lalabas na ito at nahinto ko ang aking paghinga habang pumapasok sa aking tainga ang bawat salitang binibitawan ng nagsasalita mula sa speakers. Ano ang balak nilang gawin kay Papa?
"Inaanyayahan namin kayong sumapi sa aming grupo. Ito ay para sa ikabubuti ng kinabukasan ng buong lungsod ng La Cota. Pagkatapos ng anunsyong ito, isa-isa kayong makatatanggap ng e-mail at naroon lahat ng detalye kung paano maging miyembro ng LACOFRA. Nasa sa inyo ang kapalaran ng ating lungsod. Maraming salamat."
Nawala na ang tunog mula sa speaker at tila nawalan din ng kakayahan ang mga estudyanteng naririto upang magsalita. Lahat ay natameme't natulala.
Isa-isa nang nagsitunugan ang bawat cellphone ng aking mga kaklase kaya agad din nila itong tiningnan at binasa.
Nakarinig din ako ng isang chime sound sa aking tabi kaya ibinaling ko ang mata ko kay Jen. Nakatutok na siya sa kaniyang phone.
Binunot ko na rin ang akin mula sa bulsa ngunit lumipas na ang ilang minuto, wala pa rin akong natatanggap. Hindi ko naman alam kung bakit wala dahil lahat na ng mga kaklase ko, nakatanggap na. Siguro dahil anak ako ng mayor ng lungsod na ito, hindi nila ako binigyan ng impormasyon.
"Care, ano 'to?" Mabilis na ipinakita ni Jen ang mensahe sa kaniyang e-mail. Itinapat niya sa aking mukha ang screen ng kaniyang phone.
𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸,
𝘒𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘈𝘊𝘖𝘍𝘙𝘈 𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘢 𝘊𝘰𝘵𝘢 𝘍𝘳𝘦𝘦𝘥𝘰𝘮 𝘞𝘢𝘳𝘳𝘪𝘰𝘳𝘴 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘶𝘯𝘶𝘮𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥. 𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰 𝘴𝘪 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘪𝘴𝘤𝘰 𝘉𝘪𝘭𝘭𝘰𝘯𝘦𝘴 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘬𝘢𝘭𝘥𝘦 𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰.
𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘱𝘪 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘶𝘱𝘰, 𝘪𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘰𝘴 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘦-𝘦𝘯𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘨𝘶𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘭𝘬𝘢𝘥𝘦 𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥.𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘶𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘮𝘶𝘭𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯.
𝘕𝘢𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘶𝘱𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘢 𝘊𝘰𝘵𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘶𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢, 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭, 𝘢𝘵 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘱𝘢-𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘪𝘺𝘢𝘯𝘰, 𝘔𝘶𝘴𝘭𝘪𝘮, 𝘰 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘰 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘭𝘪𝘩𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯, 𝘦𝘴𝘵𝘢𝘥𝘰 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢.𝘈𝘯𝘨 𝘓𝘢 𝘊𝘰𝘵𝘢 𝘢𝘺 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘪𝘴𝘤𝘰 𝘉𝘪𝘭𝘭𝘰𝘯𝘦𝘴.
𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘰 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘩𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘶𝘱𝘰, 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰:
𝟸𝟸 𝙶𝚞𝚖𝚊𝚖𝚎𝚕𝚊 𝚂𝚝𝚛𝚎𝚎𝚝, 𝙲𝚊𝚛𝚍 𝚅𝚒𝚕𝚕𝚎, 𝚂𝚎𝚎𝚍 𝙳𝚒𝚜𝚝𝚛𝚒𝚌𝚝, 𝙻𝚊 𝙲𝚘𝚝𝚊 𝙲𝚒𝚝𝚢
𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢'𝘺 𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘰𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. 𝘛𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵.
𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵, 𝘧𝘶𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘓𝘢 𝘊𝘰𝘵𝘢 𝘍𝘳𝘦𝘦𝘥𝘰𝘮 𝘞𝘢𝘳𝘳𝘪𝘰𝘳.
Nadidinig ko ang pagkabog ng aking puso sa kaba. Uminom muna ako ng tubig para mai-digest ko ang lahat ng nakalagay rito sa e-mail na ito. Malalim kong tinitigan si Jen sa aking tabi.
"If you want to join Jen, just join," sabi ko sa normal kong tono.
"Pero Care, this shit is dangerous. You know that I hate your dad. Isinusuka siya ng sistema ko pero 'di ko kayang gumamit ng violence. I ain't joining."
"Wala naman silang ini-specify na violence."
"Kahit na, Care. Mga ganitong grupo, recruit-recruit, ta's lalaban sa giyera."
Napatungo na lamang ako at nakipagtitigan sa airm chair ko. "I'm scared. Takot ako para sa sarili ko, sa papa ko, sa inyo at sa syudad na 'to. Hindi ko na alam kung ano ang magiging future ng La Cota. This place is my home and part of me kaya nasasaktan akong may ganitong nangyayari."
Narinig ko rin ang ilang bulungan ng mga estudyante patungkol sa mga lokasyon kung saan sila makikipagkita sa LACOFRA. Iba-iba raw ang lokasyon kada estudyante at gaya ng nabasa ko nire-require silang hindi magsama ng iba kapag pupunta na roon kundi may mabigat na kabayaran iyon. Mautak din ang grupong ito dahil kung lahat ng estudyante ay pare-parehas na makikipagkita sa kanila sa iisang lokasyon, malaki ang tsansang mabisto't mahuli sila. Ngunit, dahil hiwa-hiwalay sila, maliit na lang ang porsyentong mahuli ang buong grupo.
Nadama ko na lang ang pagdapo ng palad ni Jen sa aking likuran at hinaplos niya iyon. Tila niyakap din ako ng hangin at hinipo ang aking pisngi kaya't nakapagpalabas iyon ng isang patak na luha.
Sinuspende na rin ang klase rito sa LCU kaya sa dorm kami ni Jen namalagi buong araw. Kaba ang naging timbang ng hangin dito sa loob ng unit namin. Kung may malakas lamang akong sense of hearing ay baka nadinig ko na ang pagtibok ng puso ni Jen dahil tiyak akong, kabado rin siya ngayon.
Panay rin ang pag-text sa akin ni Yaya Buning kung ayos lang ako. Ipapaalam niya raw kasi iyon kay Papa. Sinabi ko namang, "Opo, ayos lang ako at sana maayos na rin ang lungsod na 'to."
Nang sumapit ang dilim, napagdesisyunan namin ni Jen na maghapunan sa Snak Hauz. Sumalubong agad sa aking ilong ang samyo ng mga pagkaing nakapagpatayo sa balahibo ng aking dila. Natakam ako bigla at ang laway ay dumoble. Napagaan din nito ang aking pakiramdam.
Sabay na kaming um-order ni Jen. Ang kaniya ay sinigang at kanin; ang akin naman ay carbonara.
Wala ring masyadong tao rito sa loob ng Snak Hauz kaya halos mabingi na ang aking tainga sa katahimikan. Dahil na rin siguro sa nangyari kanina, takot ang ilang estudyanteng magpagala-gala sa loob ng unibersidad.
Hindi ko na rin nalaman kung ano o saan naganap ang pagsabog dahil tahimik ang buong faculty at staff ng unibersiad.
"Kumain na muna tayo, Care. H'wag munang malalim ang iyong iniisip. Baka mamaya, 'di ka na makaahon," sabi ni Jen nang makarating kami sa isang mesa at nauna na siya sa paglapag ng kaniyang tray.
Tumango na lamang ako saka umupo. Pero saktong pag-upo namin, isang news flash ang lumitaw sa bawat TV rito sa loob ng Snak Hauz.
"Magandang gabi, mamamayan ng lungsod ng La Cota."
Hindi ko na napulot ang aking tinidor nang makita ko si Papa roon a TV. Namilog ang aking mga mata at bahagyang bumagsak ang aking panga. Bumagal ang aking paghinga habang nakatutok ang lente ng mata ko sa kaniya. Naka-tuxedo siya't porma na pormal ang kasuotan. Seryoso rin ang kaniyang mukha.
"Nabalitaan namin ang nangyaring pagsabog sa LCU kaninang 9:35 ng umaga. Humihingi ako ng paumanhin dahil walang nagawa ang aking pamahalaan. Isa iyong pag-atake mula sa isang rebeldeng grupong nagngangalang LACOFRA. Kami ay lumalakap pa ng impormasyon tungkol sa grupong ito. Ako rin ay nagpapasalamat dahil walang nasaktan kanina sa pagsabog.
"Wala ring katapusang pagpupulong ang naganap ngayong araw at napagdesisyunan kong magkakaroon ng lockdown ang ating lungsod. Walang maaring lumabas o pumasok kung hindi ito essential. Ito ay para mabantayan ang bawat kilos ng mamamayan ng La Cota.
"Ako'y natatakot ding ianunsyo ito ngunit kailangan nating maghanda sa isang giyera. Ito pa lang ang simula. Magandang gabi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro