Chapter 19
CHAPTER 19
How Is He?
* * * * *
Care Billones
"Pupunta tayo sa Maculay," mabilis na banggit ni Tim habang nililigpit ang kaniyang mga notebook at isa-isang pinapasok sa bag. Bahagyang bumuka ang aking bibig at lumukot ang aking mukha.
Nasa loob kami ng club room ng LCU Youth Volunteer's Org dahil pinatawag niya ako para sa isang mahalagang anunsyo. At ang anunsyo na iyon ay ang pagpunta namin sa Maculay.
"Pero, alam mo namang delikado 'di ba?" tanong ko at umupo sa isang plastic arm chair at napabuga ng hangin. Tinanggal ko ang aking bag sa likod at inilapag sa sahig.
"Hindi naman kita pinipilit pero baka gusto mo lang makita si Nur kaya kita pinatawag dito." Nai-zipper na ni Tim ang kaniyang bag at isinukbit na ito sa likod. Inayos-ayos pa niya ang kaniyang masaganang kulot na buhok gamit ang kaniyang kamay bago lumapit sa may pinto ng club room na ito. "Ano, Care? Sasama ka?" tanong niya nang lumingon siya sa akin.
Nakagat ko na lang ang aking labi habang nakaupo rito sa arm chair. Nakipagtitigan lamang ako kay Tim. Gusto ko ring makita si Nur dahil gusto kong malaman kung ayos lang siya. Hindi ko na rin kasi siya nako-contact.
Huminga muna ako nang malalim saka tumayo. "Oo, sasama ako," buong lakas kong sabi.
Napangiti naman si Tim saka binigyan niya ako ng isang thumbs up. "Meet me at the terminal ng mga..." Iniyuko niya ang kaniyang ulo at tumingin sa kaniyang relos. "Siguro mga 10:45 AM. Sounds good?"
Tumango ako bilang sagot.
"Uhm... muntik ko na ring makalimutan." Pinitik ni Tim ang kaniyang daliri. "Wear something na hindi ka mahahalata na ikaw ang anak ni Mayor Billones. Nag-iingat lang tayo. Blend with them, Care," dagdag pa niya. Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Tim na tila dumapo sa aking puso. Tinanguan ko ulit ang kaniyang sinabi.
Sabay na kaming lumabas ni Tim sa club room. Pumunta na rin siya sa kaniyang dorm at ako rin.
Pagpasok ko sa dorm, naabutan ko si Jen na nanonood ng palabas sa sala. Medyo dim ang buong unit dahil na rin siguro gustong maramdaman ni Jen ang palabas at kunwari'y nasa isa siyang sinehan.
Pagdaan ko sa harap niya ay agad niya akong sinigawan kaya napayuko ako't napatakip ng tainga.
"Care! Nanonood 'yong tao, o!"
"Sorry! Sorry!"
Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makapunta na sa kuwarto. Ibinaba ko muna ang bag ko sa kama saka pinaandar ang ilaw para mas lalo kong makuta ang paligid. Mabibigat ang aking paghinga. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko pero nasasabik akong makita muli si Nur.
Dumeretso na ako sa cabinet at naghanap ng puwedeng maisusuot. Kailangan kong makihalubilo upang hindi nila malaman na anak ako ni Mayor Billones. Pero ano? Paano?
Kalkal lang ako nang kalkal ng mga damit mula rito sa cabinet hanggang sa magkaroon ng isang bundok ng mga damit sa aking puting kama. Inisa-isa ko na ring pinagtatanggal ang bawat damit na naka-hanger at pabalik-balik sa salamin na hanggang baywang lang.
Wala akong mahanap na damit upang maki-blend. Paano ba mag-blend sa mga taga-Maculay? Kailangan ba makulay ang damit?
"Ugh!" naiinis na ungol ko saka humiga sa gabundok na tumpok ng mga damit ko. Naramdaman ko ang lambot ng tumpok ng mga damit na nagbigay sa akin ng saglit na kapayapaan.
Hinarap ko ang kisame saka pumikit-pikit. Gusto ko talagang makita si Nur. Hindi ko alam bakit pero gusto ng katawan ko siyang maramdaman. Basta... nais ko siyang makita.
Ibinuka ko ang aking bibig para sumagap ng hangin pero bigla na lang may sumalpak na papel doon. Nalasahan ko pa ito kaya napabalikwas ako ng bangon.
Dinura ko sa sahig ang papel na medyo mamasa-masa na dahil sa laway. Nakita kong nakatayo sa harap ko si Jen na may malabruhang buhok at ngumingiti-ngiti.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya habang iniikot ang tingin sa buong kuwarto. "Maglalayas? Iiwanan mo rin ako?" Nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ito ng blangkong emosyon.
Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Marahan kong pinsil ang kaniyang mga palad. "Hindi. Hindi kita iiwan, Jen. I know you've been dealing with your emotions since Yarsi left. But I'm not leaving you."
Hindi niya ako tinitigan sa mata at ibinaling lang niya ang kaniyang tingin sa sangkaterbang damit sa aking kama at iilan sa sahig.
"But why are you searching for something? Bakit mo nilalabas lahat ng damit mo?" seryoso na ang kaniyang tono.
Binitawan ko na ang kaniyang mga kamay saka itinungo ang ulo. Mabigat akong bumuga ng hangin. "I'm going to Maculay."
Habang nakatungo, napansin ko ang mga paa ni Jen na tila umabante nang kaunti. Hindi ko alam kung nagulat ba siya o nag-alala dahil sa maikling sinabi ko.
"I'm going to visit Nur."
"Care..." she managed to speak in her normal tone.
Itinaas ko muli ang aking ulo at tumitig sa kaniyang mukha. Bakas nga roon ang pag-aalala. Bahagyang nakaawang ang kaniyang labi at namimilog ang kaniyang mga mata.
"Jen, I know, delikado but I just want to see him if he's doing okay."
"Care, yeah, napakadelikado. They know, the people of Maculay know who you are. Ikaw lang naman ang anak ng mayor na nagpatalsik sa mga Muslim."
"That's why I'm finding clothes na something para 'di ako makilala," paliwanag ko.
Napakamot na lang sa magulo niyang buhok si Jen. Tila nadadama ko ang pagkainis niya.
"Sino ang kasama mo papunta ro'n?"
"Si Tim, 'yong president ng LCU Youth Volunteers."
"Same din ba kayo ng reason kung bakit ka pupunta ro'n?"
"Oo, Jen. He's going to visit Nur kaya sasama na ako."
Napapikit na lang si Jen at bumagsak ang kaniyang balikat. "Fine," sabi niya kasabay nang pagbuga ng hangin. "I'll help you find clothes."
"Thank you. Thank you talaga Jen. Madali lang kami ro'n."
"Yeah, bilisan n'yo lang dahil once na mamukhaan ka ng mga taga-Maculay, I will not help you," banta niya. "O siya. Mali-mali kasi 'yang mga damit mo. You need a disguise."
* * * * *
"And... you're ready!" Lumayo na sa akin si Jen at bahagyang ngumiti. Mahina pa siyang pumapalakpak
Nakaupo ako ngayon sa kahoy na upuan dito sa kuwarto ko habang nakatitig sa salamin. Napangiti rin ako sa itsura ko ngayon. Kinapa-kapa ko ang malambot na telang suot ko.
Nakasuot ako ng isang abaya, itim na abaya. Ito 'yong mga sinusuot ng mga Muslim na babae tuwing nagsisimba sila sa aking pagkakaalala. Tanging mukha lamang ang nakikita ko at ang buo kong katawan ay balot na balot sa damit na ito.
"I think that's good na. Hindi ka na nila pagkakamalang ikaw si Care."
"Pero..." Tumingin ako sa mga mata ni Jen. "Noong nakaraang mga araw pa umalis ang mga Muslim dito. Baka, kung lalabas ako na nakaganito, baka mabisto ako at malaman pa ni Papa kung ano ang gagawin ko."
Napalagitik na lang ng dila si Jen. "Yeah, you're right. Bakit hindi ko naisip 'yan kanina?" aniya habang hinihimas-himas ang baba.
Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko para kunin ang cellphone na nakapatong sa kama ko. Pagkuha ko niyon, sakto itong nag-ring at lumabas ang pangalan ni Tim. Agad ko ring sinagot 'yon.
"Hi, Tim," bungad ko.
"Hello Care. I managed to borrow my dad's car. Iyon na lang gamitin natin. Mabilis akong umalis sa dorm kanina no'ng naghiwalay tayo and nandito na ako ngayon sa bahay namin."
"Sure, Tim. Mas mabuti na rin 'yan."
"Oo, para mabilis din tayong makauwi mamaya. Nakahanap ka na ba ng damit na hindi ka pagkakamalang si Care?"
"Yeah..." saglit akong humito at napalunok ng laway. "The problem is... nakasuot ako ng abaya ngayon, 'yong Muslim dress for girls, and noong isang araw pa pinaalis ang mga Muslim dito. And if the authorities will know na mayro'n pang Muslim na naninirahan dito, I might get in to trouble, Tim."
"I got you. Wear your normal dress, clothes or whatever then sa kotse ka magpalit. Is that okay?"
Nanlaki bigla ang mga mata ko at nabulol ako sa mga susunod kong sasabihin. Tila may bumarang papel sa aking lalamunan at nagtayuan ang aking mga balahibo.
"Don't worry Care, alam ko ang nasa isip mo. Ipapatong mo lang naman 'yong abaya sa current mong suot. Hindi ka maghuhubad sa kotse ko," natatawang sabi ni Tim.
Nangunot ang noo ko. Wala pa akong sinasabi Tim, ha!
"Okay, I'll meet you outside LCU. Bye."
* * * * *
Nakapagpaalam na ako kay Jen sa dorm at inilagay ko ang abaya sa isang paper bag. Nagmadali akong sumakay ng monorail hanggang sa makalabas na ako ng LCU.
Inilibot ko ng tingin ang buong labas ng unibersidad hanggang sa may narinig akong pag-beep ng isang kotse sa may 'di kalayuan. Hinanap ko ang tunog na iyon at lumabas mula sa isang pulang kotse si Tim na nakasuot ng puting shirt at itim na pants. Bumakat ang hulma ng kaniyang katawan.
Kinawayan niya ako saka tinawag ang pangalan ko.
Malaking ngiti ang itinawid ko sa pagitan naming dalawa at nagmadaling naglakad papunta sa kaniya.
"Are you ready?" bungad na tanong niya habang naglalakad at pinagbuksan ako ng pinto.
"Yeah, and . . . thanks Tim."
"No need to thank me." Bahagya siyang ngumiti. Nakabukas na ang pinto ng kotse sa tabi ng driver's seat at hinayag niya ang kaniyang kamay. "Pasok na."
Sinuklian ko rin siya ng isang tipid na ngiti.
Pagpasok ko, lumakbay sa ilong ko ang panlalaking pabangong malayang sumasayaw sa ere dito sa loob ng kotse. Hindi naman iyon ganoon katapang ngunit hindi lang ako sanay sa ganoong amoy. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at itinapat sa ilong ko.
Pumasok na rin dito sa Tim at napansin niya ang panyo ko at ang postura ko.
"Masyado bang mabango? Sorry, hindi kasi sa akin ang kotse na 'to. Sa papa ko."
Winagwag ko ang isa kong kamay. "Ayos lang. Masasanay rin ako at saka 'di naman nakakahilo. I'm good, Tim."
"Okay," tipid pero masigla niyang banggit. "I'm excited yet nervous. How are you feeling?"
"I'm also excited."
Nasasabik akong makita si Nur. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi at buti na lang ay nakatakip dito ang panyo ko dahil baka may kung ano pang isipin itong si Tim.
"Your eyes are smiling," he chuckled. "It's normal. Alam kong gusto ka na rin makita ni Nur. He's been talking about you tuwing nagdi-dinner kami sa dorm. And-"
Pinahinto ko na siya sa kadadaldal niya tungkol kay Nur. Gusto ko mang malaman kung ano at bakit nila ako pinag-uusapan pero baka isipin ni Tim na may pagtingin ako kay Nur.
May pagtingin nga ba ako?
"Uhm, l-let's go na," alinlangan kong sabi.
"O-Oh, yeah. Let's go," bungisngis niya.
* * * * *
Maayos naman kaming nakatawid sa boundary ng La Cota at Maculay. Sinilip lang ang kotse ni Tim ng ilang sundalo at tinanong lang bakit kami aalis at pupunta ng Maculay. Tim was honest with his answers. Hindi naman ako namukhaan ng mga sundalo dahil hindi siguro sila tagarito at ipinadala lang ng Philippine Government para makontrol ang siyudad.
Binigyan nila kami ng pass at may limit lang kami rito sa Maculay.
-+-+-+-+-+-
L A C O T A - M A C U L A Y P A S S
Name/s: Tim Guingona & Care Billones
Reason: Visit a friend
Time departed: 11:02 AM
Must come back before: 5:00 PM
A fine worth P10,000.00 will be issued to violators.
Thank you and enjoy your trip.
-+-+-+-+-+-
Napairap ako sa huling linya ng pass na ito. Enjoy your trip? Sino ba ang gumawa ng pass na ito? Paano namin mai-enjoy ang pagbisita sa Maculay kung limitado lang ang oras namin dito?
Inis akong bumuntonghininga saka tinupi at binulsa ang pass namin ni Tim.
Tahimik ang naging byahe namin habang binabaybay ang highway rito sa loob ng Maculay. Walang traffic at tanging kotse lang ni Tim ang nasa kalsada. Paunti na rin nang paunti ang kabahayan at mga palayan na ang mga dumidikit sa aking piningin. Kapansin-pansin naman ang mga Filipino Muslim architecture na matatagpuan dito. Bawat bahay ay may kaniya-kaniyang disenyo, pakulay, pasabit, at mga Arabic letters sa harap. May nadaanan din kaming isang maliit na mosque at may mga lalaking may suot na mahahabang puting damit. Iyon yata ang kasuotan ng mga kalalakihan sa pagdarasal. May mga sombrero rin silang isinusuot.
Friday nga rin pala ngayon kaya marami-rami akong nakikitang nakasuot ng pangsimba. Speaking of damit, agad kong sinabihan si Tim na itabi muna ang sasakyan para lumipat ako sa passenger seat sa likod para makapagpalit.
Itinabi na rin muna ni Tim ang kotse sa gilid ng daan. Walang masyadong kabahayan ang nandirito. Halos palayan at ang singaw ng lupa ay nagduduyan dahil na rin sa init ng panahon.
"Care, lalabas muna ako. May nakita akong maliit na sari-sari store kanina. May gagawin lang ako. Gusto mo ba ng makakain?" tanong niya habang nakatitig sa rear mirror.
"Ayos lang ako," sagot ko habang inilalabas ang abaya na isusuot ko mula sa paper bag.
"I'll be back. Mabilis lang 'to."
I nodded and hummed. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at iniangat ang sarili para makalabas.
Naiwan naman ako rito para magpalit. Nang mailabas ko na ang abaya, iniharap ko muna ito saka sinuot. Sunod kong ginawa ay ang paglagay ng hijab. Inayos-ayos ko ang aking sarili habang nakaupo rito sa likod at sinipat-sipat ang mukha ko sa may rear mirror.
Dumating na rin si Tim pagkatapos ng ilang mga saglit.
Napatingin siya sa aking ayos at nagbigay ng isang thumbs-up. Sumingkit din ang kaniyang mata habang nakangiti kaya na-cute-an ako sa postura niya. Tim is an adorable guy.
* * * * *
Pagsapit ng ala una, huminto ang kotse ni Tim sa gilid ng daan.
"We're here," aniya habang nakatingin sa labas.
Natatanaw ko mula rito ay isang malawak na luntiang kalupaan at isang malaki't simpleng bahay sa may 'di kalayuan. Gawa sa semento at pininturahan ito ng puti na tila paraiso sa gitna ng lupa. Nagtalunan sa sabik ang aking puso dahil sa wakas, makikita ko na rin muli si Nur.
"Doon sa puting bahay nakatira si Nur. Tara na."
Binuksan na ni Tim ang pinto saka lumabas. Tinalima ko na rin ang ginawa niya at inalis ang sarili rito sa passenger seat sa likod ng kotse.
Nang makalabas ako, tumama agad sa akin ang sinag ng araw kaya bahagya akong pumikit. Naniningkit kong tiningnan ang buong paligid. Balot na balot pa man din ako sa suot kong abaya kaya dumoble ang init na nararamdaman ko. Hindi ako sanay sa ganitong kasuotan. May nararamdaman naman akong butil ng pawis sa aking noo kaya agad ko itong pinunasan gamit ang panyo ko.
"Let's go, Care," aya ni Tim at nauna na siya sa paglalakad.
Nawala na ang sementadong daang lumalapat sa ilalim ng aking itim na sapatos at isa-isa nang tinatapakan ang mga damo at tuyong dahon. Dinig ko pa ang malulutong nitong tunog sa tuwing dumidikit ang hubad na lupa sa aking sapatos.
"This is the first time na nakapunta ako rito kina Nur," komento ni Tim habang naglalakad. Siya'y nauuna sa akin kaya likod lamang ang nakikita ko.
"Talaga? Paano mo naman 'to nahanap?"
Narinig ko ang kaniyang mahihinang tawa.
"Care . . . may mapa sa phone natin." Huminto siya sa paglalakad at bahagyang iginilid ang sarili't nilingon ako. Ipinakita't iwinagayway niya ang kaniyang itim na phone na nasa bisig ng kaniyang mga daliri. "You're kinda cute, Care, kaya siguro na-fall 'yong isa diyan, e," he chuckled again and continued walking.
Napalunok na lang ako ng laway. Sino ba ang tinutukoy niya? Si Nur? May . . . may pagtingin ba si Nur sa akin?
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at huminga nang malalim. Kumabog ang aking puso sa 'di malamang dahilan. Nang mapakalma ang aking sarili, sinundan ko na muli si Tim.
Maya-maya pa, may nakita kaming lalaking nakatayo't nakasandal sa isang malapad at matabang katawan ng isang puno habang nakatingala at pinapanood ang mga nagsasayawang mga dahon. Nakasuot pa siya ng puting pangsamba ng mga Muslim at inisip ko agad na katatapos lang niyang magsimba dahil ang dami naming nakasasabay sa daan kanina na nakaganyan ang suot tulad ng kaniya.
"And the map on the phone was right. Nur is here," sabi ni Tim at huminto sa paglalakad. Pumantay na ako sa kinatatayuan niya. "Nur!" walang pasintabing sigaw ni Tim kaya awtomatikong nanlaki ang mga mata ko.
Umalis sa pagkakasandal sa puno si Nur at nakita kami. Bumilis muli ang tibok ng aking puso at tila nag-akyatan ang lahat ng dugo ko papunta sa aking pisngi. Nag-iinit na iyon ngayon.
"I can see that you are blushing," mahinang sabi ni Tim.
Ibinaling ko ang mata ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"I'm not," inis at gigil kong sabi. Nagdidikitan pa ang aking mga ngipin. Hindi naman ako sinusuklian ng tingin ni Tim pero natatawa siya na mas lalong dumagdag sa inis ko.
Yamot akong bumuga ng hangin at palihim na inirapan si Tim. Padabog kong binalik ang tingin sa lalaking pakay namin sa lugar na ito-si Nur.
Naglalakad siya palapit sa amin. Tila nawala ang inis ko rito kay Tim nang makulong si Nur sa aking paningin. Halu-halo na ang nararamdaman ko: kinakabahan na tila may kuryenteng bumabagtas sa aking likuran, sayáng nagpapasayaw sa aking mga ugat at ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
At dahil dito, napagtanto ko na, may gusto ako sa lalaking ito, sa lalaking nakaputi, sa lalaking nagngangalang Nur Ali Ibrahim.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro