Chapter 12
CHAPTER 12
His Hobby
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
Pagsapit ng alas singko, nasa tapat na ako ng Kofi Cota. Pinagmasdan ko ang paligid at lumiyad-liyad pa upang makita kung nandito na nga ba si Care. Tanging abalang tao, mga kotse at ang nagiging kahel na langit lamang ang dumikit sa aking paningin. Baka late lang siguro 'yon. Nagsimulang magkislapan na rin ang ilang establisyimento dahil papagabi na rin.
Huminga ako nang malalim habang pinapagpag ang aking itim na polo. Ini-i-stretch ko pa ito para mabatak. Gusto ko kasi maging presentable ako sa harap ni Care. Hindi ko naman malaman kung bakit pero nais ko lang maging mukhang gentleman sa kaniyang harapan.
Inihakbang ko na ang aking paa at pumasok na sa loob ng coffee shop. Niyakap ako ng malamig na hangin at ang aroma ng kape ay nagpatayo sa aking panlasa. Bahagya akong naglaway.
Naghanap naman ako ng isang libreng mauupuan habang hinihintay si Care. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob ng coffee shop. Naghanap na rin ako ng mauupuan at bumili ng maiinom. Habang naghihintay, ipinagpatuloy ko ang pagguhit ko sa mukha ni Mayor Billones.
Makalipas ang sampung minuto, tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Nakita ko ang pangalan ni Care sa aking screen. Natiklop ko ang aking bibig at nakadama ng kakaibang kaba't saya. Mabilis kong hinablot iyon at sinagot ang kaniyang tawag.
"Hello, Care?" Mabibigat ang aking paghinga.
"Nandito na ako sa tapat ng Kofi Cota. Nasa'n ka?" Bakas sa kaniyang boses ang pagkasabik kaya may kakaibang sumabog sa aking kalooban.
"Nasa loob. Sunduin na lang kita d'yan. Gusto mob a?"
"No! 'Wag!" matigas niyang sabi kaya tila dumikit ang puwet ko sa upuan.
"O-okay. Basta nasa loob ako. I'll just raise my hand kung papasok ka na."
"All right."
Narinig ko ang mga yapak niya sa kabilang linya. Mas lalong nagiging aligaga at natataranta ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero nasasabik na akong makita muli si Care.
"Okay, nasa'n ka rito sa loob?"
Mabilis kong itinaas ang aking kamay na animo'y automatic sa tuwing maririnig ang kaniyang boses.
"I see you." Bigla na lang nag-beep ang phone at nawala na siya sa linya. Ibinaba ko na rin ang kamay kong nakataas.
Niligpit ko naman ang mga drawing materials ko at isinuksok sa bag ko. Tanging tasa na lang ng kape ang naiwan dito sa mesa ko. Inayos-ayos ko muli ang itim kong polo at isinuot ang aking magandang ngiti.
Maya-maya, may umupong hindi ko namumukhaan sa tapat ko. Napawi bigla ang ngiti sa aking labi. Nagsalubong sa gitna ang aking kilay at sinipat-sipat kung sino 'yon. Nakayuko kasi ang kaniyang ulo at kulay pink ang buhok niya. She's also wearing this sun hat na tila pupunta siya sa isang beach resort. Tiningnan ko rin ang kasama niyang babaeng nakatayo sa gilid na may dala-dalang eco-bag na may mga laruan sa gilid. Namumukhaan ko rin ang babaeng iyon.
"Psst!" pagpukaw sa akin ng babaeng naka-pink ang buhok. Bigla siyang nag-angat ng tingin. "Ako 'to. Si Care," bulong-wika niya.
Napakurap ako. "C-Care?" At biglang may tumakas na tawa mula sa aking labi. "I-Ikaw 'yan?"
Tinanggal niya ang sumbrerong suot at inilapag sa mesa. Inayos-ayos pa niya ang pink niyang buhok na sobrang gulo. Nagmukha tuloy siyang mangkukulam na nalahian. Pink-hair babaylan kumabaga. Pero, she still looked pretty. Agad ko ring tiniklop ang bunganga ng aking isipan dahil sa inisip ko. Ikinalma ko ang aking sarili.
"Sabi mo mag-disguise ako 'di ba?" She was gritting her teeth. Lumalaki na rin ang butas ng ilong niya kaya natawa ulit ako. "What's funny Mr. Ibrahim?" taas-kilay niyang tanong.
"Wala po Ms. Billones." Ngumiti na lamang ako habang tinitingnan ang bihis niya ngayon.
Nagkamot siya ng batok at mababakas sa mukha niya ang inis. "Bakit ba tayo nandito? Tingnan mo ang daming tao, Nur!"
"Okay lang. Naka-disguise ka naman, eh." Nasa ngala-ngala ko na ang tawa ko at pinigilan ko na lamang iyon palabasin. She's so cute.
"Ito na. Ayan na 'yong mga laruan ko," walang gana niyang sabi. "Yaya, ibigay n'yo nga po 'yan sa kaniya."
"Kuya, ito na po." Itinabi ng babae ang dala-dalang eco-bag sa gilid ng upuan ko.
"Thank you po," sagot ko.
"So, back to my question." Napatingin muli ako kay Care. "Bakit nga rito?"
"Do I need to explain?"
"Yes. Puwede naman kasi sa hindi mataong lugar 'di ba? Puwede naman sa school, sa Dorm Village."
Napatango na lamang ako sabay ngisi. Inilapag ko ang dalawang palad ko sa mesa nang maayos. "Nahahanap ko kasi ang kapayapaan ko rito. And I want to share that peace to you since mukhang pinagsakluban ka na ng buong planeta."
Bigla namang tumili ang kasama ni Care kaya bahagya akong napitlag at sa kaniya nailipat ang tingin. Nakakagulat.
"Ay, mga kabataan talaga." Nakahawak siya sa kaniyang dibdib at gumegewang-gewang pa. "Naku, lalabas na nga muna ako. Date pala itong pinuntahan mo, Ma'am," bungisngis-wika ng babae saka tinapik ang balikat ni Care bago siya umalis. Sapu-sapo naman ni Care ang buong mukha niya kaya muling tumakas ang tawa sa labi ko. Tinakpan na niya ng buong palad niya ang kaniyang nahihiyang mukha.
Bumuklat ang mga daliri niya at sumilip ang mga mata niya. Naaninaw ko ang pagkainis mula roon kaya natawa muli ako. Hindi ko talaga alam bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing nandyan si Care sa harap. Ang gaan ng paligid at gusto ko lang siyang makasama.
"Ewan ko sa 'yo!" Tinanggal na niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha at humalukipkip. Sumandal pa siya sa kaniyang upuan.
"Gusto mo ba talagang malaman bakit dito?"
"Oo nga! Alam mo ang kati-kati na nitong wig, ha!"
Napangisi muli ako at rumolyo ang kaniyang mga mata. Kinuha ko muli ang drawing tablet ko at ang pen ko.
"Dito ko kasi nararamdaman ang kapayapaan, Ms. Billones. Dito ko ginagawa 'yong pagdo-drawing ko."
"So?"
"Anong so?"
"Gusto mo ako i-drawing gano'n?"
"Aba, aba, aba, wala akong sinasabing gan'yan."
Umismid muli siya at nilagutok ang dila.
"Gusto mo ba?" seryoso kong tanong at sineryoso ko na rin ang aking anyo.
Tila hindi naman siya nakagalaw sa kaniyang pwesto. Taimtim ang pagtitig namin sa isa't isa. Walang kibuan. Walang hanging dumaan. Tanging mga mata lamang namin ang bumubuo ng usapan.
Bigla siyang kumurap nang tumunog ang cellphone niya at agad kinuha ito sa bulsa niya. Napakurap na rin ako at itinungo ang ulo. Napalunok pa ako ng maraming laway na parang mauubusan na ako nito sa bibig. Ano ang nangyari? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Nakagat ko ang labi ko at nagkunwaring nililigpit ang mga gamit ko para mabura itong nasa isip ko. Ayaw kong maisip 'yon. Ayaw kong humantong ang pagtingin na iyon sa salitang-pagmamahalan. Naipikit ko ang aking mata. Narinig ko na lang si Care na nagsalita.
"Uhm, Nur, I have to go. Tinatawagan na ako ni Yaya Buning at Kuya Ben. Baka raw mapansin na wala kami sa mansyon ngayon. And thank you for sharing your peace. Na-appreciate ko. Bye." Sa sobrang bilis niyang magsalita at kumilos, hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal pero baka mabuo na ang bugsong nararamdaman kong ito.
* * * * *
Mabilis ding dumating dito sa Kofi Cota si Tim. Ilang beses ko siyang tinawagan sa telepono-hindi ko na rin mabilang iyon. Magulo pa ang kaniyang kulot na buhok at ewan ko kung may mas gugulo pa ro'n. May mas aangat pa sa pagiging pugad ng ibon iyon. Bagong gising din ang isang ito mula sa siyesta at dumating na naka-puting shirt at pajama. Napakamot na lang ako ng ulo dahil puyat din minsan ang isang 'to.
"Ito na 'yong mga donation mula kay Care," pag-iimporma ko.
Nasa tapat ko naman siya habang iniinom ang malamig na kape mula sa tasa. Bahagya siyang dumighay bago nagsalita. "Good. Marami-rami rin 'to. Nasaan na siya?"
"Kanina pa umalis. When I called you, kaaalis lang niya."
"Sayang. I want to thank her."
"Tulog ka kasi nang tulog."
"Sorry naman po, Mr. Vice. Pero walang halong biro, sayang. Kakaiba talaga siya kay Mayor Billones, ano?"
Bahagyang tumango ang aking ulo. "Yup, she's different from him."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang eco-bag. Nang inangat ko ito, may kabigatan pala talaga. Halos kasing bigat ng dalawa o tatlong sakong bigas. Paano ito nakayanan no'ng kasama ni Care kanina nang mag-isa?
"Tim, hoy! Kaya kita tinawagan para tulungan mo 'ko dito!"
Nag-unat pa siya at nilasap lahat ng kapeng natitira mula sa tasa.
"Oo na, Bise-Prisedente. Pero kanina ka pa nakangiti, ah!" Naging isang linya ang mga mata niya't nagtapon ng isang mapanlokong tingin. Nagsayaw pa ang kaniyang kilay. "Ano'ng pinag-usapan ninyo ni Care? Share naman diyan oh. May nararamdaman talaga akong kakaiba sa inyo, eh."
"Utak mo, kung saan-saan na naman pumupunta," natatawa kong sabi. "Tulungan mo na ako rito, hoy!"
"Basta sa dorm, kuwento mo ha."
"Oo na. Oo na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro