Chapter 10
CHAPTER 10
Coffee Shop
* * * * *
Nur Ali Ibrahim
Nasa loob ako ng LCU Library at ang aking paligid ay pinalilibutan ng pader na puno ng libro. Great Wall of Books nga ang tawag ng ilan dito. Malawak ang lugar na ito't pininturahan ng puti kaya napakaaliwalas dito. Kung titingala pa sa itaas, mayroon doong salamin na nagpapaliwanag sa loob ng library na ito. Natatanaw ko ang mga nakangiting ulap sa akin. Minsan isinasara sa tuwing mainit ang panahon o kaya'y kumikidlat.
Kanina ko pa vacant time at gusto ko lang magbasa ng libro kahit isang chapter lang pero mas nae-enjoy ko ang tanawin dito sa loob kaysa magbasa.
May meeting din mamaya ang organization ko patungkol sa gagawin naming gift giving sa Bayan ng Palayan.
Kagabi rin, nang umalis sina Care at ang kaniyang ama, kinausap kami ni Dr. Ahi na huwag na raw naming pakikialaman si Care dahil kami at siya ang malalagot. Wala naman siyang sinabi kung ano ang magiging parusa namin kung hindi namin masusunod iyon. Kagabi rin, I felt something different. Bigla akong kinumutan ng salitang awa para kay Care. Tila nanlumo ang aking kalooban. Hindi ko alam kung bakit iyon nangyari sa akin. Basta, parang may humiwa sa puso ko. Tila gusto ko siyang sundan at maramdaman niyang nandito ako para sa kaniya. Pero . . . 'di ko kaya.
Yarsi and Jen just moved on. After that incident, Yarsi cried but it didn't last long. Nilabas niya lang 'yong niyerbyos niya dahil siya ang pinatamaan ng mga matatalim na salita ni Mayor Billones kagabi. Halata naman kasi ang pagiging Muslim niya. She was wearing a white hijab. Si Jen naman, natulog lang.
Hinihimas ko na lang ang bawat spine ng librong nadadaanan ko. Wala akong mapili. Walang libro ang gustong humila sa akin kaya umupo na lang ako sa isa sa mga couch dito sa loob ng library. Hinigop ko ang hanging nagmula pa sa mga air condition kaya tila nagyelo ang mga buhok ko sa ilong. Wala rin akong dalang jacket kaya niyakap ko na lang ang aking sarili.
* * * * *
Nakaramdam na lang ako ng tapik sa pisngi at pakurap-kurap kong tiningnan kung sino 'yon.
"Wow ha, natulog ka pa Nur," natatawang bungad sa akin ni Tim. Nakasuot siya ng kulay pulang polo shirt at puting shorts. May bandana ring kulay pula ang nakapalibot sa kanyang noo. Para siyang a-attend sa isang pambaduy na party.
Nilibot ko rin ang paligid at narito pa rin ako sa library. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa kinauupuan kong couch. Napakalambot kasi at napakalamig. Masarap magsiyesta.
"Bumangon ka na d'yan. May meeting pa tayo 'di ba?" He extended his right arm and offered to me. Tinapik ko lang 'yon at ako na ang nagpabangon sa sarili ko. Umupo ako nang maayos dito habang humihikab at nag-uunat.
"What time is it?"
Tumingin siya sa kaniyang cellphone bago niya sinabi ang oras. "3:00 PM."
Nanlaki bigla ang mga mata ko, "Two hours? I slept-"
"Oo, Bise Presidente, dalawang oras kang natulog at kanina pa kita hinahanap. Nakapatay yata WiFi ng phone mo. I can't message you on Whatsapp." Nag-angat siya ng tingin at um-acting na humihingal. Itinapat pa niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib. Nababaliw na yata itong si Tim.
"Oo na. Oo na. Pasensya ka na kung napagod ka ha!" sarkastiko kong sabi at ngumisi.
Tumayo na ako mula sa couch at naglakad na kami ni Tim papunta sa meeting room namin. Nagpupunas pa ako ng muta habang tinatahak namin ang buong LCU. Pahikab-hikab din ako. Muntik ko na ngang mahigop 'yong nahuhulog na dahon kanina.
Pagdating namin sa meeting room, naroon na ang ilang miyembro ng org namin.
"Late! Late! Late!" bati sa amin ni Cris habang pumapalakpak pa.
"Lagi na kayong late. Ano ba'ng ginagawa ninyo?" malisyosong tanong ni Minda. As usual, may lollipop pa rin sa kaniyang bibig at naka-all black siya ngayon.
"Baka nakakalimutan ninyong dormmate kami ni Nur," natatawang sagot ni Tim. "O siya, let's start na."
Ipinaikot namin ang mga upuan para simulan ang pagpupulong. Katabi ko si Cris at si Ronald. Hindi ko alam kung natutulog ba itong si Ronald o nagpi-pay attention sa meeting dahil hinaharangan ng bangs niya ang mga mata niya. Si Cris naman, may nakahanda ng papel para sa pagmi-minutes.
"So, kumusta na ang mga donation?" panimula ni Tim.
"Nasa dorm ko 'yong iba," sagot ni Minda na ginagawa ng lipstick ang lollipop. It was a dark violet hue that's why I thought she was sucking a grape flavor lollipop.
"Good."
"Ako rin. My dormmate and friends donated their toys. Parang mga bago rin 'yon at amoy bago rin ang mga 'yon," sagot ni Kaira, ang aming social media coordinator.
"Mine is in negotiation pa," sabat naman ni Ronald. Napalingon ako sa kaniya. Gising pala siya.
"Okay lang 'yon," Tim affirmed. "Ikaw Nur, magdo-donate si Care 'di ba? Ikaw lang ang contact namin sa kaniya."
"Yeah, she will donate. I talked to her a while ago."
"That's nice!" May inilabas namang mga papeles si Tim mula sa bag niya at inilapag sa arm chair. "We just need to sign these papers para sa Head Adviser." Nakangiti niyang sabi habang tinatapik-tapik ang tuktok ng papel. Kaunti lang naman iyon pero nakatatamad talagang magpirma nang paulit-ulit.
* * * * *
Natapos na ang meeting at dumiretso na si Tim sa unit namin. Nais ko namang lumabas muna mula rito sa university kaya pagtapak ng sapatos ko sa sementadong daan dito sa labas ng malawak na gate ng LCU, nag-uunahan ang ingay ng siyudad para pumasok sa aking tainga. May wangwang, may mga chit-chat mula sa mga estudyante rito sa labas, malalakas na pag-beep ng mga sasakyan at mga pagtama ng sapatos sa daan. Parang nakakulong na kasi ako sa loob ng LCU dahil halos lahat ng makikita mo sa labas, mayro'n din sa loob.
Pero ang paborito kong lugar-pahingahan ay wala sa loob ng unibersidad. Kaya ito ang agenda ko ngayon, ang pumunta roon sa paborito kong lugar dito sa La Cota.
Naglakad ako malapit sa bus stop. Medyo marami-rami rin ang mga tao rito. Nakasuot sila ng mga pam-business attire. At ang bus stop naman, ay gawa sa salamin at may LED screen sa itaas para malaman kung anong stop na ito. Ang nakalagay roon ay "University Stop."
Noong nakapunta ako ng Metro Manila, ibang-iba ang bus stop doon. Medyo magulo at sobrang ingay. At kapag nasa loob na ng bus, minsan parang nasa loob na kami ng isang lata ng sardinas dahil sa sobrang siksikan. Dito naman sa La Cota City, parang nasa ibang bansa ako. Maayos ang sistema, hindi magulo at hindi na rin kailangang bayaran ang chauffer. Mayroon kaming LCTC o ang La Cota Transportation Card. Sinlaki ito ng ATM na kulay puti at ube. Ito ang ginagamit namin para makapagbayad sa kung anumang transportasyon tulad ng bus, aircon jeepneys, taxis, and trains.
Nang may dumating na bus, agad na akong pumasok at umupo sa may dulo. While I was on the ride, I was fixing my things to get ready. Lagi ko na itong ginagawa tuwing papunta ako roon.
The trip was smooth. Muntik na nga ulit akong makatulog pero maligalig ang dugong dumadaloy sa dugo ko. Malapit na ako sa destinasyon ko. Kahit dito sa loob ng bus, naaamoy ko na ang aroma ng lugar na 'yon. Marahan kong ipinikit ang aking mata at dinama ng aking ilong ang samyo.
'Di rin nagtagal ay huminto na ang bus na sinasakyan ko. Pagkababa ko, nalanghap ko na ang amoy kapeng paligid. Nagtayuan ang panlasa ko pero hindi kape ang habol ko ro'n.
Nakangiti ako habang tinatahak ang sidewalk. Marami-rami rin ang mga tao rito at ang mga nagsisilakihang gusali ay tinatakpan na ang papalubog na sikat ng araw. Nagiging kulay kahel na rin ang kalangitan at ang ibang mga establisyemento ay nagsisitingkaran na. At ang gabi ay nagsisimula nang magparamdam.
Napakaganda talaga ng La Cota. Ito na yata ang lugar kung saan lahat ay puwede kong makamit pero mukhang lumalabo na rin 'yon dahil sa nakapaninibagong pangyayaring nagaganap dito.
Madilim na ang kalangitan, pero tila dinalaw kami ng mga bituin at ang buong kalupaan ng siyudad ay nagningning.
Amoy na amoy ko pa rin ang aroma ng kape. Maya-maya, nakita ko na rin ang signage ng coffee shop. Gumaan ang aking pakiramdam dahil saglit akong magkakaroon ng katahimikan. Pinagmamasdan ko rin ang paligid. Lahat ng tao ay nakangiti kahit ang ilan sa kanila ay mayroong wristband na gaya ng sa akin. I think I'll just need to learn dealing with this thing.
Nasa harap na rin ako ng coffee shop at ang signage sa itaas ay iniimbitahan akong pumasok sa loob. Nakalagay sa malalaking letra ang salitang "Kofi Cota" at may isang cup na logo sa gilid niyon. Pagpasok ko rito, mas lalo akong sinakop ng aroma ng kape. Hinayaan ko lang na yapusin ako ng samyo na iyon. Nilibot ko ng tingin ang paligid at ang beige colored na pader ay tila nagpakalma sa akin.
Naghanap na ako ng libreng mesa para maupo saka pumila't bumili ng isang choco donut at isang ordinaryong kape. Ang ipinunta ko kasi talaga rito ay hindi 'yong sikat nilang benta kundi dito ko kadalasan ginagawa ang hobby ko-ang pagdo-drawing.
Kaya ko rin kinuha ang Multimedia Arts dahil gustong-gusto kong mahasa ang talento kong ito.
Nasa mesa na ako at nakalatag na lahat ng gamit ko: ang aking drawing tablet, pen at 'yong nasa tabing kape't donut. Imahinasyon lang din ang kailangan ko para lang makapagguhit.
Ang pagguhit kasi ang isa sa paraan ko para lang mailabas itong mga emosyon ko. 'Yong iba sa pagsusulat, pagkanta, pagsali sa iba't ibang activities, pagkain at marami pang iba. Hindi naman maganda boses ko, pangit ang pagsusulat ko at medyo 'di ko rin tipo 'yong pagsali sa physical activities kaya mas pinili ko na lang pag-drawing.
Plano ko ngayon iguhit ang mukha ni Mayor Billones at ang mga Muslim na nasasaktan dahil sa mga pinaggagagawa niya. Nais ko sana itong isumite sa isang anti-Billones Facebook Page para makahakot ng libu-libong audience mula rito sa La Cota at sa iba pang panig ng Pilipinas.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagdo-drawing nang may biglang umupo sa tapat ko. Napaangat ako ng tingin at pamilyar na mukha ang tumambad sa akin. Walang emosyon ang mababakas sa mukha niya at nakasuot siya ng puting jacket na may middle-finger print sa harap.
"Hi," malamig niyang bati.
Napabuga ako ng hangin at walang ganang sumagot ng, "Hello."
Ibinalik ko ang tingin ko sa drawing tablet at ipinagpatuloy ang pagguhit.
"Yeah, right. You're a Multimedia Arts Student, 2nd year."
Muli akong nag-angat ng tingin at tumango. Wala akong oras para maglabas ng kung anong salita.
"And base from your student profile, you are a Muslim. Kaya mo pala dino-drawing si Mayor Billones which is Papa ni Care."
"Aleks, dude, could you please get out of my table."
Napangisi lang siya at pumangalumbaba sa mesa ko. Nag-init bigla ang tainga ko at bahagyang nagtiim ang aking panga. Inayos ko ang aking upo saka sinulay ang buhok palikod gamit ang kamay.
Una kong nakita siya, tinulak niya ako. Pangalawa, no'ng nasa rooftop kami ni Care. Pangatlo, ito. Ano bang habol nito sa akin?
"Bakit ka sumasama kay Care pero galit ka naman sa Papa niya? Ginagamit mo ba si Care para mapalapit kay Mayor Billones?" makahulugan niyang mga tanong.
Bahagya akong napanganga't dinilaan ang aking labi. Tumingala muna ako sa kisame saka ibinalik ang tingin kay Aleks na nakataas ang isang kilay ngayon. Akala niya siguro ay mai-intimidate ako sa gagawin niya. Tila may gasul naman sa ilalim ng aking upuan at pinapakuluan na ang aking dugo. Maiinit na hangin ang lumalabas sa aking ilong.
"Hindi ka makapagsalita 'no?" saad pa niya na may mapanglokong ngiti sabay sandal sa upuan habang nakahalukipkip. "Kung ako sa 'yo lalayuan ko na si Care bago pa malaman ni Mayor Billones na may umaaligid na lalaking Muslim sa paligid niya."
Umalis siya sa pagkakasandal at kinuha ang drawing tablet ko. Tinutok niya ang kaniyang mata roon. Natatawa niyang pinagmamasda ang hindi pa tapos kong drawing.
"Ito? Si Mayor Billones ba 'to?" Humagalapak siya ng tawa at pinaghahampas pa ang mesa kaya umalog ang nakapatong na kape ko rito. "Alam mo, dude, wala kang talent. Bumalik ka na lang sa Maculay. 'Di ba, exclusive for Muslims 'yon?" Ipinadulas niya ang drawing tablet papunta sa akin at tumama sa tiyan ko iyon.
Napabuntonghininga pa siya bago itinayo ang sarili. Nakangiti na tila nambubwisit ang nakapinta sa kaniyang labi. "Bye, Nur. See you na lang sa . . . campus? Or, baka wala na ang campus para sa taong gaya mo. Sa isang Muslim na gaya mo. You better leave our city, Mr. Ibrahim. You, people like you, don't belong here in our city."
Naikuyom ko ang aking palad at nanginig sa inis ang aking braso. Bumibigat ang aking paghinga pero sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili.
Naglaho na lang din siya sa aking harap kaya bahagya kong nasapak ang mesa. Pinagtinginan pa ako ng ilang mga customer sa aking tabi. Mabuti na lang ay 'di natapon ang kapeng inorder ko. Paulit-ulit naman akong huminga nang malalim upang mapanatag ang sarili.
Iyon pala ang ugali ni Aleks.
Isa siyang makasarili. Makasarili dahil idolohiya niya lang ang kaniyang iniisip.
Ibig-sabihin nito, malabong maging kakampi namin ang isang 'yon.
Sarado ang kaniyang isip at kalaban siya ng mga mamamayang tanging nais lamang ay kapayapaan dito sa siyudad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro