Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

TUMAAS ang magkabilang kilay ni Isagani nang buksan niya ang pinto. Nakatayo roon si Bibi at may dalang sisidlan ng pagkain. Nahuhulaan na niyang pagkain ang laman niyon at para sa kanya. Malamang na sasabihin pa nitong ito mismo ang nagluto niyon para lamang talaga sa kanya. Hindi na bago ang eksenang iyon sa kanya. Hindi ito ang unang babaeng nagtangkang ipagluto siya sa walang mabigat na kadahilanan.

It somehow disappointed him.

Hindi niya inaasahang isa si Bibi sa mga babaeng gagawa ng ganoong paraan upang mapansin niya. Halata namang iyon ang nais nito. Noong isang linggo pa ito text nang text sa kanya. Hindi na niya itinanong kung saan nito nakuha ang numero niya. Normal na rin sa kanya ang may magte-text sa kanyang babae na hindi niya alam kung paano nakuha ang numero niya. That was mainly why he had two cellphones. The first one was for the real important people in his life, like his real friends and his mother; the other one was for people like Bibi.

Noong isang linggo pa siya wala sa apartment niya. Doon muna siya nag-stay sa bahay nila sa Forbes, kasama ang kanyang Mommy. Ihinatid niya ito sa probinsiya makalipas ang ilang araw at doon ay nagpalipas siya ng ilan pang araw. At habang wala nga siya sa apartment niya ay nag-text ang babae. Una ay nagpasalamat lang na naayos na raw ang vent nito.

Tumugon naman siya at sinabing walang problema iyon sa kanya. Akala niya ay hindi na ito muli pang magte-text pero nang gabing iyon, habang naaalala niya si Amber ay muli na naman itong nag-text.

Sa totoo lang, bahagya siyang nainis sa intrusive nitong mga katanungan, pero matagal na siyang sanay sa ganoon at agad na niyang tinapos ang usapan. Sayang, impressed pa naman siya kahit paano noong una sa tapang nito.

Kahit kasi sabihing nainis siya rito nang husto, napukaw siya sa palaban nitong attitude. At nang sabihin nitong "I'll take that as an apology for the way you acted before" ay wala na siyang nagawa. Ni hindi na nga niya ito kinontra. Pag-alis nito ay natawa na lang siya bigla sa pride nito. He sort of admired her for that. But then the text messages and now this.

"Hello!" nakangiting sabi nitong pumasok na kaagad kahit hindi pa niya inaanyayahan. Amoy niya ang pabango nito. Mukhang ipinaligo nito sa katawan iyon. Amoy-chocolate-vanilla.

"You need anything?" aniya.

Ngumiti ito at para bang matagal nang gawaing mag-ikot sa bahay niyang nagtungo na sa kusina. "Ako mismo ang nagluto nito. Kainin mo, ha? Kumain ka na ba? Eksakto ito."

Naghain na ito. Nang umunat ito ay liyad na liyad ang dibdib. Muntikan na siyang masamid. Agad niyang napansin na parang lumaki ang dibdib nito. Doon napako ang kanyang paningin. Were her breasts really that big before?

"Kain na."

Tumango na lamang siya at naupo, hindi maiwasang mapasulyap-sulyap dibdib nito. At parang nananadyang nang gumalaw ito ay bahagyang umalog ang mga iyon. Real breast movement, mala-Baywatch. But how come he did not notice those breasts before when he was the rack kinda guy? Nagpaopera ba ito?

Nice rack, baby, sa isip-isip niya. Lumapit ito sa kanya at ito pa ang naglagay ng spaghetti sa plato niya. Sadyang napapalingon siya sa dibdib nito dahil parang nagyayabang ang mga iyon sa kanya. Nang umupo na ito sa tapat niya ay ngumiti ito nang ubod-tamis.

"Masarap 'yan. Eat up, eat up!"

"Right." Tumikim na nga siya ng spaghetti at sa pagkakataong iyon ay nasamid na siyang talaga. Lasang-sapatos ang spaghetti nito. Agad siyang uminom. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang parang napipilitan lang itong kainin ang sariling luto.

"Hmm-hmm! Sarap, 'noh?" wika nitong hindi niya alam kung nakangiti o nakangiwi. Tumango na lamang siya kahit wala na siyang balak kainin pa ang spaghetti.

"What brought you here anyway, Bibi?"

"Naisip ko lang na pasalamatan ka nang personal. And what other way to say thank you but with a nice, delicious home-cooked meal, right?" Tumawa ito, tawang alam niyang nagpapa-cute.

Lihim na lamang siyang napailing. Kung naiba-iba lang ito, malamang na pinatulan na niya. Hindi na sila hahantong sa ganito, pagkahain pa lang nito ng spaghetti, ito na ang ihinahain niya sa mesa. But somehow he knew she was different. She was the real clingy type, the type who would demand for more and would not stop until she got what she wanted.

"It's nothing. It's my duty." Kumbakit naman kasi siya ang ini-request ng tenants na maging presidente para sa taong iyon? Tatlong buwan pa lamang siyang presidente ng association at malamang na mag-quit na siya.

"May girlfriend ka na ba?" bigla ay tanong nito.

Napabuntong-hininga siya. "Wala. At wala akong balak kumuha. Anyway, I'm busy at the moment, Bibi. Thanks for this spaghetti. I'll see you around, okay?"

Parang napipilitan lamang itong tumango at nagpaalam na rin. Napapailing na isinara na niya ang pinto. Ang spaghetti nitong lasang-sapatos ay diretso sa basurahan.


__

Don't forget to follow, vote, leave a comment, and share.

Follow my FB: vanessachubby

Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro