Chapter 5
Nadismaya si Bibi nang makausap ang superintendent ng gusali. Ikatlong pagkakataon na sa buwang iyon na nagkakaproblema ang vent ng unit niya. Nagigising siyang tagaktak ang pawis. Kalagitnaan ng gabi ay namamatay iyon. Sa bawat pagkakataon ay lumalapit siya sa superintendent pero pareho naman ang sinasabi sa kanya. Aayusin daw.
Nagpasya siyang kausapin na lang ang presidente ng tenants' association, kahit ayaw niya sana. Dahil iyon ay walang iba kundi si Isagani. Ilang pagkakataon niya pa itong nakita at kahit hindi na sila nito nagkasagutang muli ay hindi naman ito ngumingiti sa kanya.
Hindi na niya ito inaway uli dahil aaminin niyang na-impress siya nang todo sa nalaman tungol dito na para bang gusto niya itong maka-close. Gusto niya itong maka-bonding, kumbaga. Pero dahil suplado naman ito, hindi na rin siya ngumiti rito. Kung ayaw nito, huwag nito.
Nagtungo na siya sa unit nito. Kumatok siya at mayamaya ay bumukas naman iyon. Pawisan ito, walang ibang suot maliban sa jogging pants at rubber shoes. Ang pogi talaga nito. Kahit pawisan, mukhang delicioso. Kahit hindi nakangiti at nakakunot ang noo.
"Yes?"
"Kakausapin kita," deklara niyang pumasok na sa loob ng unit kahit hindi nito inanyayahan. Matagal na siyang curious malaman kung ano ang hitsura ng unit nito. Maganda ang apartment. Malaki iyon kaysa sa unit niya. Parang dalawang unit iyong pinagdugtong. Dapat lang dahil ang laki nitong tao, hindi bagay sa maliit na lugar. Naupo na siya sa couch.
"Well, please sit down," sarkastikong sabi nito. Inignora na lang niya iyon.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Reading a book?" Sarkastiko pa rin ito. Malamang, nagwo-workout ito. Nawala ito saglit at nang magbalik ay may dala nang tuwalya, pinupunas sa katawan nito. Parang kay sarap kapain ng abs nito. "What do you want?"
"May problema 'yong vent ko."
Bahagya itong tumango at muling nawala. Nang magbalik ay may iniinom nang tubig ito. Ipinatong nito ang isang canned fruit juice sa tapat niya. Kahit paano ay nasiyahan naman siya.
"Thank you."
Tumango lang ito. "Iyong dati pa rin ba ang problema?"
"Dati na bang sira ang vent ko?"
"For some reason, it shuts down. Akala ko naayos na 'yan ni Mister Valdez?" tukoy nito sa superintendent.
"'Yon nga mismo ang reklamo ko. Sinasabi niyang inayos na pero ganoon pa rin. Kaya lumapit na ako sa 'yo." Ang pogi mo, shet. Kusang pumorma sa labi niya ang isang matamis na ngiti.
Kumunot ang noo nito. "I'll take care of it."
"Thank you." Muli ay ngumiti siya.
Lalo nang nadagdagan ang gatla sa noo nito. "If there's nothing else..."
"Maganda itong unit mo. Wala kang problema sa vent mo?" Ayaw pa niyang umalis doon. Parang gusto niyang maka-chika pa ito. Nainis siya rito noon, pero naisip niyang nagkataon lang sigurong mainit ang ulo nila kapwa noon. Mukhang mabait naman ito at binigyan pa siya ng juice.
"Wala naman. I'm kinda busy."
"You're working out."
"Obviously, yeah."
"Ano 'yan, nagbubuhat ka?"
Bumuntong-hininga ito. "Look, Bibi, I really have some things---"
"Yeah, I get it." Nakangiti pa rin siya. Naalala pa nito ang pangalan niya. Good. "Thank you ulit."
Muli, tumango lamang ito at naglakad na tungo sa pinto. "I'm going to take care of your vent, don't worry."
"I'll take that as an apology for the way you acted before. And you're forgiven."
"What?"
"Alam mo na, masyado kang rude noon. Pero siguro mainit lang ang ulo mo. At mainit ang ulo ko noon kaya nagkasagutan tayo. Anyway, nag-sorry ka na at okay na rin sa akin 'yon. So quits na tayo." Ang tamis-tamis na naman ng pagkakangiti niya rito.
"Whatever."
"See yah!"
Nakakunot ang noong tumango ito nang bahagya at isinara na rin ang pinto. Agad niyang pinadalhan ng text message si Leandro: Ok na kami ni Isagani. Mabait naman pala siya.
At kuntentong bumalik na siya sa unit niya.
---
Vote, leave a comment, share. Thanks.
Follow my FB: vanessachubby
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro