Chapter 38
Pasilip-silip si Bibi sa bintana. Inaabangan niya ang pagdating ni Leandro. Ang sabi niya rito ay tumuloy na ito sa silid niya, mag-uusap sila. Sabi niya rito ay huwag nang mag-ingay nang hindi na magising si Isagani.
Kanina ay dumaan ito sa ukayan at nagpang-abot ang dalawa doon. Lukot na lukot ang mukha ni Isagani. Si Leandro naman ay agad na umalis doon. At inis na inis siya dahil kailangan niya itong makausap. Kailangan niya ng makakausap na matino at walang papanigan.
Kaninang hapunan ay pasulyap-sulyap lang sa kanya si Isagani. At bago siya pumanhik ay tinanong nito kung ano raw ba ang sagot niya sa proposal nito. Sana daw ay maisip niya ang bata. Binigyang-diin nitong maigi ang bagay na iyon na para pang lumalabas na masama siyang ina kung hindi niya ito pakakasalan.
Ang totoo, gusto na niyang umoo kanina, pero ayaw niyang magsisi sa bandang huli. Kaya heto siya ngayon, hinihintay si Leandro.
Mayamaya ay natanawan na niya ito. Hindi siya makababa at hirap siyang pumanhik-panaog sa hagdan nang walang ingay. Si Isagani pa naman ay mababaw matulog nitong huli. Kaunting kibot lamang ay lumalabas na ito sa silid at papasukin siya. May narinig daw itong kung anong ingay, baka daw kung napaano siya.
At ayaw na niyang makipagsagutan dito sa gabing iyon. Ayaw niyang palayasin na naman nito si Leandro doon. Kaya maganda nang huwag silang mag-ingay. Kailangan na niya itong makausap. Bukas ay aalis na ito pabalik ng Maynila.
Mayamaya pa ay pumasok na nga ito sa kanyang silid. Pina-lock niya rito ang pinto at agad itong pinapuwesto sa kama.
"Kumusta ang inaanak ko?" bulong nitong hinaplos ang tiyan niya.
"Ang lakas sumipa. Ang sakit nga minsan. Anak talaga ng basketball player. Mukhang nagba-basketball na sa loob mag-isa."
Para silang mga tangang tahimik na humagikgik habang tinatakpan ng unan ang mga bibig. Nakaupo sila sa kama.
"Kumusta ka na? Pasensiya ka na kay Isagani. Alam mo namang topak 'yon."
Umingos ito. "Hindi ko na siya crush!"
"'Wag mong pagnasahan 'yon, luka-luka."
Muli na naman silang naghagikgikan. Hanggang sa bahagyang manigas ang kanyang tiyan. Inalalayan siya nitong mahiga sa kama. Tinabihan siya nito. "Ano bang problema?" tanong nito.
Sinabi niya rito ang nasa isip niya. Panay ang buntong-hininga nito. "Ano sa tingin mo? 'Wag kong tanggapin?"
"Nasa sa 'yo 'yan."
"Ikaw nga, eh."
"Anong ako, eh, katawan mo 'yan?"
Napabuntong-hininga siya. "Alam mo, mahal na mahal ko pa rin siya. Alam kong kabaliwan na gusto kong tanggapin ang alok niya, pero gusto ko talaga. Hindi ko alam. Nasisiraan na yata ako ng bait."
"Nawindang ka kasi nag-jugjug kayo ulit."
Tinapal niya ito sa bibig. "Hindi, ah."
"Buntis na, lumalandi pa."
"Oo nga, eh. Hay... Sa tingin mo ba, makakalimutan niya si Amber?"
"Siyempre naman. Hindi ko nga lang alam kung kailan. Baka bukas, baka sa isang linggo, baka forty-five years."
"Ang hirap-hirap, alam mo... Hindi ko alam ang gagawin ko..." Napabuntong-hininga siya at bigla na lamang napaluha.
"Shhh. Ayos lang 'yan." Hinagod nito ang kanyang ulo habang yakap siya.
Noon biglang bumalandra ang pinto. Sabay sila nitong napalingon doon. May susing nakapasok sa seradura. Tumaas-baba ang dibdib ni Isagani.
"What the hell is going on?! You!" Dinuro nito si Leandro. "Get the hell out of here! Stay out of our lives!"
Akmang aalis na nga ang bading pero dalawang kamay ang ikinapit niya sa braso nito. "Dito lang siya. Nag-uusap pa kami."
"No!" mariing sabi nito, pinandilatan pa siya.
"Kapag pinaalis mo siya, aalis din ako. May pinag-uusapan pa kami."
Nagsuktan sila ng tingin, hanggang sa huli ay magpakawala ito ng inis na hininga. "Fine!" Nagdadabog itong lumabas doon.
"Naku, baka pagbalik may baril na." Mangiyak-ngiyak si Leandro.
"Para kang sira. Diyan ka lang. Hindi ko pa alam ang gagawin ko."
Muli bumalik si Leandro. May dala itong unan at ibinato kay Leandro. "Ilagay mo sa gitna." Agad tumalima ang bakla. Ihinarang nito sa pagitan nila iyon. "Hindi diyan! Sa ulunan. Tatabi ako."
Napanganga siya. Mukhang tuliro pa rin si Leandro at ginawa na lamang iyon. Nakamasid lamang siya kay Isagani. Isiniksik nito ang malaking bulto sa pagitan nila ni Leandro.
"Sige, mag-usap na kayo. Matutulog na ako," wika nitong ipinikit na ang mga mata.
Nakanganga pa rin siya. Nang tumingin siya kay Leandro ay ipinapaikot nito ang hintuturo sa tapat ng tainga. Hindi niya alam kung matatawa o magwawala.
"Mag-usap na kayo. Wala ako dito," wika ni Isagani.
Sinuntok niya ito sa dibdib. Saglit itong nasamid. Nahiga siyang muli sa kanan ni Isagani.
"Ano sa tingin mo, Leandro? Tatanggapin ko ba ang alok niya o hindi?"
"E-ewan ko sa 'yo," tugon ng bading. Nakahiga rin ito sa kaliwa ni Isagani.
"Gusto ko sana talaga. Kaya lang, may pagka-asshole kasi siya. Ilang ulit ka na niyang binastos. Ilang ulit na niya akong iniwan sa ere dati. Paano kung kasal na kami tapos biglang tumawag si Amber? Eh, di mukha na naman akong tanga rito? Ano sa tingin mo?"
"E-ewan ko sa 'yo." Bakas sa tinig ng bakla na kinakabahan ito.
Walang reaksiyon ni Isagani. Nagpatuloy siya. "Ewan ko naman sa kanya kung ano ang nakita niya kay Amber, bukod sa boobs. Ewan ko kung bakit mahal na mahal niya 'yon..." Pumiyok na ang tinig niya. "Akala niya siguro, matutuwa ako sa proposal niya? Paano ako matutuwa? Nag-alok lang siya ng kasal dahil inayawan na siya ni Amber? Ako 'yong latak, eh. Ako 'yong tira. Pero kahit ganoon, gusto ko siyang pakasalan. Ano sa tingin mo, Leandro?" Umiiyak na siya puntong iyon. "'Di ba para akong tanga?"
Noong pumaikot ang kamay sa kanya ni Isagani. "Shhh... Please stop crying, Bibi. Please..."
Nang tumingin siya rito ay nakita niyang namamasa ang mga mata nito. Hinagkan siya nito sa labi.
"I love you. I love you so much. That's why I asked you to marry me. Hindi dahil ayaw na sa akin ni Amber..." At nagsimula itong magkuwento sa kanya tungkol sa naging karamdaman ng babae, hanggang sa paalaman ng dalawa.
Tigagal siya roon.
Hinaplos nito ang kanyang mukha. "Paano ka magiging latak? Ang ganda-ganda mo." Ngumiti ito at iginalaw-galaw ang ilong sa tapat ng ilong niya. "Mahal na mahal kita, Bibi."
"Sabi mo... s-sabi mo ang hirap-hirap kong m-mahalin."
"Totoo naman. Galit sa akin ang nanay mo. Si Leandro ang gusto mong pakasalan. Ang hirap, pero mahal kita, eh. Paano'ng gagawin ko?"
Ikinulong niya sa kamay ang mukha nito at mariin itong hinagkan sa labi. God, she misunderstood what he said. She was so stupid.
"Mahal na mahal din kita. Hindi ko pakakasalan si Leandro. Nasabi ko lang 'yon kasi nagmukha naman akong sira, 'di ba? Nakiusap pa ako sa 'yong pakasalan mo ako, tinanggihan mo naman ako."
"I was stupid then. And I'm so sorry. Sorry kung wala ako dito parati noon. Babawi naman ako, eh. Sana maintindihan mo ang sitwasyon ko noon---"
"Shhh..." Idinaiti niya ang daliri sa labi nito. She understood. Perfectly. "Naiintindihan ko. Sorry din sa lahat ng ginawa ko... Mahal mo talaga ako?"
"Yes."
"Kahit maliit ang boobs ko?"
Napatawa ito. "What the hell are you talking about?! Sukatan ba ang laki ng boobs? And your breasts are lovely, love, though they're not too big." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Pasensiya ka na kung ilang ulit kong inaway si Leandro. Nagseselos lang naman ako, eh."
"Diyos ketch! Sa akin ka pa nag-gelatin? Ang dami-daming puwedeng maramdaman para sa akin---pagnanasa, makamundong pagnanasa, maitim na pagnanasa, selos pa ang naramdaman mo?" singit ni Leandro sa usapan. Noon lang niya ito naalala. Mukhang noon lamang din ito naalala ni Isagani.
Ang lakas ng tawa ni Isagani. "Pasensiya na, pare, ha? Akin kasi ito, eh." Niyakap siya nito at nakatitig sa mata niyang idinagdag, "madamot ako kapag sa akin lang."
"'Di ko 'yan pinagnanasahan, excuse me."
"Eh, kung lumalayas-layas ka na kaya diyan?" aniya rito.
"Matapos n'yo akong gamitin, palalayasin mo ako? Tabi-tabi na lang tayo, tutal okay na tayong tatlo. Once lang."
Inirapan niya ito at umalis na nga ito.
Hinagkan siya ni Isagani. "We're going to get married."
"Dapat lang."
"Liligawan ko si Ma'am."
Napahagikgik siya. "Oo. Sasagutin ka agad noon." Muli niya itong hinagkan. "Pero, kawawa naman si Leandro. Wala na siyang pakakasalan. Tapos inaway-away mo pa. Tapos ngayon, pinalayas pa natin. Ang sama ng ugali natin."
"Tawagin ko ulit?"
Tumango siya. Agad naman itong tumayo at nang magbalik ay kasama na si Leandro. Napansin niyang namumula ang mata ng bakla. Agad niya itong tinanong kung bakit. Masayang-masaya lang daw ito para sa kanya.
Nahiga na silang tatlo sa kama. Si Isagani ang nasa gitna. Ang saya-saya niya. At kakatwa, agad silang nakatulog. At nang maalimpungatan siya ay nakita niyang nakahilig sa dibdib ni Isagani ito. Si Isagani naman ay gagap ang palad niya Napahagikgik siya.
When she woke up and the sun was out, she noticed Leandro was no longer there. Tulog pa si Isagani, gagap-gagap pa rin ang palad niya. She noticed a note on Leandro's pillow: I'm happy for you, best friend. Love ko kayong mag-jowa. Salamat sa pag-share kagabi.
Nang lingunin niya si Isagani ay nakita niyang gising na ito, ngiting-ngiti. Mukhang nabasa rin nito ang note sa kamay niya.
"He's a good guy, huh?"
"He is."
"Now that we're alone..."
"Oh, we are so gonna hump like rabbits, mister."
Ang lakas ng halakhak nito. Tumayo na ito at inalalayan siyang makatayo. They took a bath together. Nang lumabas sa banyo ay sabik na sabik siya nitong hinagkan. Nang matigil ito ay nagmulat siya. Para itong naestatwa habang nakayakap sa kanya. Takang tiningnan niya ang tinitingnan nito. Ipis malapit sa paanan nila.
"Tapakan mo," aniya.
"But---"
"'Pag 'di mo tinapakan 'yan, walang kasal."
"Oh, hell no!" Humakbang ito upang tapakan iyon pero agad na nakatakbo iyon. Tawa siya nang tawa habang pinanonood ito---nakahubad na hina-hunting ang ipis. Pawisan ito nang matapakan iyon. Bagsak ito sa kama, tila diring-diri, kinikilig-kilig pa. "Hanggang sa huli, pinapahirapan ako," tila nagtatampong wika nito bagaman nakangiti naman.
"Sus, may reward naman 'yan."
Napangisi ito. "What?"
"Oh, you know what."
"Can you still...?"
"Resourceful ako, alam mo 'yan."
Mayabang nitong inilahad ang kamay sa kutson, parang iyong estatwa ni FPJ Sr. sa UP. "Let's see."
She gave him his reward. He ended up giving her more though.
---
Don't forget to vote, leave a comment, and share.
Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro