Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

TINOTOYO na naman itong lukaret na ito, sa isip-isip ni Isagani habang nakatingin kay Bibi. Naroon sila sa tindahan ng ukay-ukay nito at ng kapatid. Parang wala siya doon na nilalagpas-lagpasan lamang nito. Mukha siyang gago doon. Naka-baseball cap siya at malaking shades. Nasa likod siya ng isang rack, nagtatago sa tao. Iniiwasan na niyang may makakilala sa kanya at tiyak na may magpapa-picture, magpapa-autograph, at hihiling na kunin siyang ninong sa anak, pamangkin, apo, o kahit na sinong kamag-anak ng mga ito. Ilang ulit nang nangyari iyon dati.

Hindi niya maunawaan kung bakit galit ito sa kanya. Nagalit ba ito dahil nag-propose siya? Ayaw ba talaga nito? Ang totoo'y ang tagal-tagal na niyang planong mag-propose dito. Sa tagal ng pagpaplano niya, kanina ay bigla na lamang iyong lumabas sa kanyang bibig.

Idiot! Napabuntong-hininga siya. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari---iyong tanggihan siya nito. Kaya hindi niya masabi-sabi ang proposal. Pagkatapos, wala man lang paghahanda ay hinain niya rito ang alok. Gago talaga siya.

Alam naman niyang hindi siya nito mahal, sinabi nito sa kanya iyon. Pero nabuhay ang pag-asa niya kanina. There was something between them. Pagmamahal sa kanya na nakadirekta rito, atraksiyon nito na nakadirekta sa kanya. Baka sapat na iyon. Pero mukhang hindi pala.

Kung alam lang nitong para siyang gagong hindi mapakali habang sinasamahan si Amber sa kung anu-anong tests sa Amerika at nitong huli ay sa series ng operasyon nito. May tumubong mumunting bukol malapit sa spinal column nito. Sa mga unang tests, lumabas na hindi ito maaaring operahan dahil malaki ang tsansang hindi ito maka-recover.

He encouraged her to go to different doctors. Sa huling doktor nito, sa serye ng mga pagsusuri, ay nalamang hindi pala ganoon kadelikado ang magiging operasyon. Sa ngayon, kasama na nito si Orlando sa Edinburgh. Tinawagan niya ito kagabi at ang sabi nito ay maayos na raw ang kalagayan nito.

Orlando was her half-brother. Masalimuot ang kuwento ng pamilya ng mga ito, maraming mga taong kailangan itong protektahan kaya hindi nito sinabi sa kanya. Isa pa daw dahilan nito ay hindi nito alam na naiisip pala niyang may affair ang mga ito. She said she thought he knew her better than that.

Paano daw niya naisip iyon gayong sila ang parating magkasama noong kainitan ng samahan nila. Halos hindi na sila naghihiwalay, pagkatapos ay maiisip pa niyang sa gitna ng iyon ay nagka-affair ito sa iba.

But it was true what she said that she had been frightened by the way their relationship then was going. Masyado raw itong nabibilisan. At kailangan pa nitong ayusin ang pamilya kaya nagpasya itong umalis na tanging sulat ang iniwan sa kanya.

She also said that on her first month back in Edinburgh she felt something was wrong with her. Noon pa man ay nakita na ng mga doktor ang mga bukol nitong iyon. Pero nawala dahil sa chemotherapy. She said she didn't want to burden him with all her problems. She said there even came a time when she thought of giving him up completely. But then she started to realize she couldn't live without him so she went back.

Hindi siya komporme sa mga dahilan nito, pero natagpuan niya ang sariling nauunawaan ito. Somehow, he understood. For he loved her so. Or thought that he still did.

Hindi niya alam kung kailan niya natuklasang unti-unti na palang napalitan ito ni Bibi sa sitema niya. He got so caught up with the beauty of their past relationship. Masyado niyang na-romanticize kung ano ang pinagsamahan nila nito noon na ang focus ng isip niya ay napako na doon.

Maybe because Bibi was not the typical woman he had always thought he wanted. May binuong ideal ang isip niya tungkol sa babaeng gusto niya. Not that Bibi was not lovable, of course not. Ito ang totoo. Damang-dama niya ang nagdudumilat na ngayong katotohanan na mababaliw siya kung hindi ito magiging kanya.

Matapos may maganap sa kanila noon, noong nasa rancho siya, ay tumawag si Orlando sa kanya, sinabing bakit hinayaan niya si Amber na umalis na lamang ng bansa. Noong panahong iyon, obsessed siyang malaman ang katotohanan. Maybe it was partly his bruised ego that wanted to know everything. And it was his damned ego that would not let go of Amber because she left him just like that.

He left Bibi and talked to Amber. And they got back together. He immediately thought something was amiss with that reconciliation. Naisip na lang niya na marahil ay dala iyon ng tagal nilang pagpapatintero. Kaya nang yayain siya nitong mag-abroad ay nagpaunlak siya.

Sa isip-isip niya noon, mare-revive nila ang magandang kahapon nila. Everything was going to be perfect again. But everywhere they went, Bibi was always in his mind. Naisip niyang masyado siyang nagi-guilty rito at dahil doon ay na-guilty rin siya kay Amber.

When he came back to see Bibi, he found out she was pregnant. He was so happy. But in his mind it was clear that everything in his life with Amber was going smoothly. Bakit niya pakakasalan si Bibi? Again, the way he romanticized his feelings for Amber was so intense to the point of it being ridiculous already.

Tandang-tanda pa niya kung kailan niya naunawaang higit sa pisikal na atraksiyon ang nadarama niya kay Bibi---noong gabing nagtapat na sila sa nanay nito at sinubukan niya itong hagkan sa pisngi at ilang ulit itong umiwas.

He felt so terrible he found it hard to breathe.

Tumulak sila ni Amber pa-Amerika, may nadarama daw itong kakaiba na hindi maturol ng mga doktor sa Pilipinas kung ano. At habang naroon sila ay nagpa-test ito. Hindi niya masabi-sabi ang tungkol kay Bibi. Puno ng pangamba si Amber noon.

Habang naghihintay sa mga tests nito ay parati itong malungkot, labis na nag-aalala. While they were there he was invited to a couple of sports events and he always took her with him. Para kahit paano ay mapagaan ang loob nito.

Naiinis na siya kay Bibi noon na hindi man lang siya naaalala. Samantalang siya, parating ito ang laman ng isip. Kung kailan hindi na siya makatiis ay saka nalaman ni Amber ang resulta ng pagsusuri---na masyadong malapit sa spinal cord nito ang mga bukol. He could not say to her that he was in love with Bibi. How could he when at that point they both silently knew she was not going to last for long?

Para na siyang mababaliw noong oras na iyon. Hindi niya alam ang gagawin niya. Dama niyang lumalayo na ang loob ni Bibi sa kanya. Bumalik siya sa Pilipinas kahit saglit lang---upang malaman lamang mula sa bibig ni Bibi na ni hindi siya nito na-miss man lang.

Selos na selos siya kay Leandro. Bakit hindi? May dahilan siya para doon. Minsan na itong minahal ni Bibi. Nais pang makatabi sa pagtulog, samantalang siya ay ni ayaw nitong mapadikit man lang dito.

He went back to the States for Amber, but he made sure his mother knew about Bibi's pregnancy. Sinabi rin niay sa mga kaibigan niya. Para kahit wala siya doon ay may reminder si Bibi tungkol sa kanya. Hindi lamang naman niya nabanggit sa ina niya iyon noong una dahil baka malaman pa ni Amber at lalong sumama ang loob nito. But he knew he had to do it.

Kailangang may reminder ito tungkol sa kanya dahil sinabi mismo nitong hindi ito kailanman na-in love sa kanya. Iyon pa naman ang pinanghahawakan niya. Kung alam lang nitong para siyang batang mangiyak-ngiyak sa sinabi nitong iyon. Humanga lang ito sa accomplishments niya, hindi na-in love sa kanya. Alam ba nito kung gaano kahirap lunukin iyon?

Dumating ang bagong resulta ng tests ni Amber. She was in good physical condition and the doctors decided those lumps had to be removed at once. Kalahati ng isip niya, nasa operating room, ang kalahati ay nasa Pilipinas.

The operation was successful. And although he was loath to tell Amber, he could not keep lying to her. And most of all, he could not allow Bibi to completely lose interest in him.

Amber said she knew all along. She said he called out Bibi's name at night. Ilang ulit ding "Bibi" ang naitawag niya rito nang hindi niya namamalayan. She said she needed him to be there for her that's why she didn't say anything. But she knew she had to let him go. And she told him to leave and take care of Bibi.

Maayos ang naging paghihiwalay nila.

Balik-Pilipinas siya... upang mapraning lamang kay Bibi. Ang hirap-hirap pala nitong mahalin, ang daming ayaw sa kanya, naroon pa si Leandro. Sabi pa nito, baka daw si Leandro ang maging pangalawang ama ng anak niya. Ano si Leandro? Sinusuwerte?

Pikon na pikon siya sa bakla, sa totoo lang. Lalo na at dito ay tuwang-tuwa ang nanay ni Bibi na sa kanya ay ni ayaw patawag ng "Nanay." Marinig pa lang niya ang pangalan ng bakla ay nag-iinit na ang ulo niya.

Ipaglalaban muna niya nang patayan si Bibi bago nito mapakasalan ito. Sukdulang kidnapin niya ang mag-ina niya, gagawin niya.

Ang pangit naman noong Leandro na 'yon! Totoo naman! Ang laki-laki ng lamang ko doon. Buwisit!

"Bibi," tawag niya rito.

"May kailangan ka?"

"Halika rito." Malambing siyang ngumiti rito.

"Bakit?"

"May sasabihin lang ako." Nainis siya. Mukhang napipilitan lang itong lumapit sa kanya. Hinigit niya ito upang mapakandong sa kanya. "Uwi na tayo. Sige na. Tara na. Akala ko ba pagod ka? Tara na." Pa-cute siyang ngumiti.

"Ayoko pang umuwi. Kung gusto mo, umuwi ka mag-isa." Tumayo na ito at kahit tinawag niyang muli ay hindi na siya nilingon.

Napabuntong-hininga na lang siya.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro