Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Nakatingin lamang si Bibi habang tuwang-tuwang nilalaro ni Isagani si Happy. Nasa tapat niya ang dalawa. Nakalawit ang dila ng aso. Si Isagani naman ay pawisan at hinahapo. Naghahabulan ang dalawa. Hapon at malilim. Naroon sila sa isang bakanteng lote malapit sa bahay niya.

Kanina nang maabutan niya ito sa komedor ay ngiting-ngiti ito sa kanya, tila ba walang sinabing masakit nang nagdaang gabi. At dahil ayaw niyang isipin nitong nagtampo siya sa sinabi nito ay umakto siyang normal, kahit hirap siyang kibuin ito. Iling at tango lamang ang ibinigay niya rito.

Nagtungo sila sa doktor at mukhang siyang-siya ito nang lumabas sa sonogram na lalaki ang magiging anak nila. Hindi na nawala ang ngiti nito sa mukha. Siya man ay masayang malaman na lalaki ang bata. Pero hindi mawala sa isip niya ang pag-uusap nila kagabi.

Naupo sa damuhan ang lalaki. Hinahaplos pa rin nito ang aso. "I'm thinking of buying pups. What do you think?"

"Ayos lang." Tutal, aso lang naman ang kaya mong iwan sa akin. Aso at katulong.

"Alam mo, para talaga kay Mommy itong si Happy. But I easily form attachments with animals, you know. I guess it's because I never owned one growing up. Gustong-gusto ko noon magkaaso, ang kaso ayaw ng tatay ko. Malinis kasi masyado iyong tatay ko sa bahay. Makalat daw ang aso."

Tumango lang siya.

"Mabait ang tatay ko. Madami rin siyang pangaral sa akin, tulad ni Mrs. Sigasig sa 'yo."

Napangiti siya. Talagang hindi na nito matawag na "Nanay" ang nanay niya. "Mas maraming pangaral si Mrs. Sigasig."

"Kung buhay si Tatay, magkakasundo sila ng nanay mo." Ngumiti ito at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento sa kanya tungkol sa kabataan nito. Nagkuwento ito tungkol sa bahay-ampunang kinalakihan nito, tungkol sa mga naging kaibigan nito doon, tungkol sa samahan ng mga ito.

Nakinig lang siya, may humahaplos sa puso niya, kasabay ng pakiramdam ng pagkabilib na naman para sa lahat ng accomplishments nito.

"Ano'ng ipapangalan natin kay Baby Boy?" tanong nito.

"Isagani. Ang spelling: I-H-S-A-G-H-A-N-Y."

Ang lakas ng tawa nito. "Yeah, I noticed your name is spelled kinda... cute. I also noticed your folks' wedding photo in your mom's living room. Cute."

Inirapan niya ito. "Ano kaya'ng cute doon? Wala akong balak gawing comedy ang pangalan ng baby natin. Tiyak pa naman ang cute niya."

Sukat humiga ito sa kandungan niya at itinapat ang tainga sa tiyan. "Baby, sinong kamukha mo paglabas mo?"

"Si Daddy," aniyang pinaliit ang tinig. "Gusto ko kamukha mo kasi pogi ka. O, sige na, tayo na. Nahihirapan na ako pag-upo dito. Doon na lang ako sa bahay."

Inalalayan siya nitong makatayo at nagbalik na nga sila sa kabahayan.

"Psst," tawag nito sa kanya nang pataas na siya sa hagdan. Nilingon niya ito. "Pogi talaga ako?"

Napapailing na tinalikuran na lamang niya ito. Pinasok na naman ng hangin ang ulo tila. Kailangan pa ba nitong itanong ang bagay na iyon? Hindi ba ito humaharap sa salamin?

Init na init siya at nagpasya siyang maligo muna. Nagbabad siya sa bathtub. Isa sa mga nagustuhan niya sa bahay na iyon ay ang pagkakaroon ng bathtub. Pasipol-sipol pa siya doon, nakapikit. Nagulat na lamang siya nang madamang may lumusong sa tub. Si Isagani. He was buck-naked.

"Huy! A-ano ba?"

"Sasamahan ka ng pogi. Do you mind?"

"Anong do you mind? S-siyempre. A-alis." Magkakasunod ang naging paglunok niya. His thingy was in full salute! Oh, he was so beautiful. Iniwas niya ang tingin dito. Tinabihan siya nito. Hindi na siya nakatayo pa. Ipinaikot nito sa kanya ang braso nito. Her girls, in full salute as well, were rubbing against his arm.

Dumampi ang labi nito sa gilid ng kanyang leeg. Dumiretso sa kanyang dibdib ang isang palad nito. "They're bigger. They're lovelier."

"I-Isagani..."

"Hmmm?" Tila sinasamyo siya nito. He was rubbing against her skin. May kiliti nang nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Inabot nito ang sponge at pinahawakan sa kanya. Saka nito hinawakan ang kamay niya at pinaglakbay sa katawan nito. He did that while looking at her face and kissing her lips every now and then. He was teasing her.

Mayamaya ay narinig niyang nag-pop ang takip ng drain. Unti-unting naubos ang mabulang tubig. Binuksan nito ang shower. Hindik na hindik siya. Mukha siyang buteteng tamad doon. Hindi siya magkamayaw sa pagtayo pero marahan siya nitong niyakap muli.

"'Wag kang malikot. Kapag nadulas ka, baka mapaano si Baby."

Hindi niya malaman kung paano tatakpan ang tiyan. Hanggang sa maisip niyang hindi niya kayang gawin iyon. Mukha na lamang niya ang kanyang tinakpan sa hiya.

"Umalis ka na kasi. Nakakainis. Mukha akong batang-Negros. Nakakahiya ang hitsura ko!" Mangiyak-ngiyak na siya.

Dinig niya ang pigil nitong pagtawa. "You still make me so damned hot. Feel me." She gasped when he placed her hand around his engorged member. "Come on, honey, feel me."

He kissed her hungrily while his hands were busy feeling her up and down. She did what he asked her to. Not a while longer they were both gasping for air. She shuddered and opened her eyes. He was gasping. She couldn't believe how fast it started and ended for both of them.

Tumayo ito at inalalayan siyang tumayo. Hindi siya makatingin dito. Hinagkan siya nito sa labi saka siya binalot ng tuwalya. Pinangko siya nito patungo sa silid. Maingat siya nitong ihiniga sa kama saka inalis ang tuwalya niya.

"I-Isagani naman..."

"I love hearing you say my name the way you always have, dear. We're not quite finished." Iyon lang at kinuyumos na siya nito ng halik.

He never showed one single indication that he was turned off by the way she looked. As a matter of fact, he treated her like a goddess. And that made her forget about all else.

At tila mapupugto ang kanyang hininga lumukob sa kanya ang luwalhating batid niyang tanging ito lamang ang makapagdudulot.

Natulala lamang siya sa kisame. I'm a pregnant hussy, she thought. She wanted to laugh miserably or bawl her eyes out. May sapak na yata talaga ako. Gustong-gusto ko pang gawin kahit alam ko namang ako ang argabyado. Ano ba ang meron itong lalaking ito?

Itinakip nito ang blanket sa kanila, saka siya dinampian ng halik sa labi.

"What are you thinking, sweetness?" tila naglalambing nitong tanong.

"W-wala. A-alam na ba ni A-Amber...?"

"Yeah. I told her. Let's not talk about her, all right?"

"K-kailan kayo magkikita ulit?"

"Oh, we're not gonna see each other again."

"You broke up with her?" Bigla'y may umusbong na kung anong ligaya sa puso niya. Upang madismaya lamang sa itinugon nito.

"Technically, she broke up with me. But I think I ended it. I told her you're pregnant and that did it. Ayoko nga talagang sabihin sa kanya, kaso alam kong kailangan kong gawin. She deserves to know the truth. I can't keep on lying to her forever." Hinagkan siya nito sa pisngi. "So, what do you say we get married? Nandito na tayo, ituloy na natin. Tutal, nandito na tayo, eh. What do you say?"

Tumikhim siya. "G-gusto ko sanang magpahinga muna mag-isa. Puwede bang iwan mo muna ako sa saglit?"

He looked confused for a while. And then he smiled a bit, kissed her forehead and nodded. "Baka nga napagod ka. Magpahinga ka muna."

Nagbihis ito at lumabas na doon. Saka niya pinakawalan ang mga luha. Her chest hurt. He broke her heart yet again. Bakit hindi na lang nito sinabing wala na itong pagpipilian kundi ang mga mumo kaya handa na rin itong imisin iyon at pilit lunukin?

At siya, sa kabila niyon ay parang tangang gustong pumayag. Sa kaloob-looban niya, gustong-gusto niyang umoo rito. Litong-lito siya.

Napilitan itong sabihin kay Amber na buntis siya dahil hindi nito magawang magsinungaling sa babae. Kahit sa kahuli-hulihang sandali, si Amber ang pinrotektahan nito ang damdamin. Siya, iniiwan-iwanan nito doon, bugbog-sarado na ang puso. Hindi marahil matanggap ni Amber na may isang bata na sa mundo na habang-buhay nitong makakahati kay Isagani kaya nakipagkalas na rin sa binata. At nang mangyari iyon, heto si Isagani, inaalok siyang magpakasal. Ang dahilan---tutal daw ay naroon na sila. O sa ibang salita---tutal ay wala na itong magagawa dahil inayawan na ito ni Amber. At hindi na nito mabawi ang mga nasabi.

Ang suwerte niya pala. Kahit tira-tirahan lang siya sa options ni Isagani ay minalas pa rin ito at sa kanya nauwi. Pero kahit alam niyang ganoon, gusto niyang tanggapin ang alok nitong kasal. Mapakla siyang ngumiti.

She suddenly felt the need to be with people who truly cared about her. Nais niyang makasama ang mga taong nasa ibabaw siya ng priority list. She got dressed and went outside the room.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro